Chapter 13

Chapter 13

"Si Chinggay iboto nating president, ha? Matalino 'yan saka ilang beses na nag-president sa klase."

Second week na ng klase at sinabihan kami ngayon ng aming adviser na pumili na ng magiging class officers. I know no one of them personally so I don't know who I am gonna choose to fill in the position for class officers. Naisip ko nga na makikitaas na lang ako ng kamay sa kung kanino ang may maraming nagtaas ng kamay.

"She was also the Vice President of the SSG in our junior high school last school year. Kaya iboto natin, ha?" pabulong na pangungumbinsi pa ni Eris.

The nomination for the President is still open. Tatlo na nga ang nominated. Hindi ko pa nakakausap kahit isang beses 'yong dalawa at kung karapat-dapat ba silang maging presidente. Undecided pa ang utak ko kanina pero dahil kay Eris, mukhang si Chinggay na nga lang ang piliin ko.

She probably has better credentials than the others and all the experience for that position so I think it is better to choose her. Gusto ko na nga lang na matapos ito, e. My poor stomach's already growling and I need to feed myself as soon as possible.

Bahagya akong humarap sa kaniya. "Classmate po ba kayo before? Sige po. Siya na lang iboboto ko."

"Siyempre! Pero 'di kami ganoon ka-close. Nonetheless, I know her capabilities to lead."

"Wow! Buti pa po kayo, may naging classmate na rito!"

Ngumisi siya. "Sama ka kasi sa amin mag-lunch. Lagi kang mag-isa umaalis, e. Saan ka nagpupunta?"

"Sa floor po ng STEM students. Nandoon po si Kuya Lair."

"And who's that?"

"Bo-" Natigilan ako at napakurap. "Boy friend ko po."

Her eyes rounded. "What the ef? May boyfriend ka na?"

Confused, tumango ako. Nilagay niya ang daliri sa bibig at hindi makapaniwalang tumingin sa akin habang sumasandal sa kaniyang upuan. Binalik ko ang tingin sa harapan kung saan katatapos lang i-nominate ang isa ko pang kaklase... na katabi ko lang din!

My head snapped to my seatmate on my left. Para akong bungi sa pagngiti sa kaniya dahil sa hiya nang naabutan siyang tinutusok na ako ng matalim na tingin. Why did I even do to him? Umabot kaya sa pandinig niya ang pinag-uusapan namin ni Eris?

"G-good luck po! Sana manalo ka!" sabi ko sa takot na baka kaltukan niya ako.

Ganoon tumingin si Kuya Lair sa akin kapag may ginawa akong hindi niya nagustuhan, e. Might as well be on their good side to keep myself safe from harm. Lalo na't matatalo rin naman ako kapag nakipag-argue pa ako.

I jolted in my seat when Eris slapped the back of my shoulder. Nilingon ko siya habang hinihimas ang likod. Siya naman ngayon ang masama ang tingin sa akin.

"Shuta ka, 'te. Ano ka ba? Ba't gusto mo siyang manalo? Chinggay for class president tayo!"

"Ay, oo nga po pala. Sorry..."

I pouted when she rolled her eyes.

"I move to close the nomination for President!" someone from the class shouted, standing up with hand raised in the process after our adviser asked for a motion to close nominations when he noticed that no one was planning to add another nominee.

"I second the motion!"

The candidates were called in front of the class to speak. Cristella, or Chinggay, mentioned her past experiences of being a leader with humility.

"I can not promise to be the best class president, but I will do my best to lead and bring this class together as one, take the initiative, accepts responsibility for my actions, and be accountable for the outcome."

Unang pumalakpak si Eris pagkatapos magsalita ni Chinggay at sumunod naman ako dahil gaya-gaya ako. I gave my attention in front. Chinggay was like the rose among the thorns. She was composed and cool, her expression was soft but full of confidence. Mukhang unbothered din na puro lalaki ang kalaban.

Kunsabagay... why would she be bothered when she's got all the experience? At pinatunayan niya lang na siya rin ang karapat-dapat nang nagsalita ang dalawang sumunod na halatang napag-trip-an lang sa posisyon. Ang panghuli, si Pancho, ay mukhang lumalaban naman kay Chinggay.

But in the end, Chinggay won as the class President and Pancho for the Vice President. Si Eris naman ay naging Auditor. Ako naman, heto at estudyanteng gutom lang, naghihintay na matapos na ang lahat.

"Huy, 'te! Sama ka sa amin mag-lunch tomorrow, okay?!" sigaw ni Eris noong palabas na sila ng kaibigan niya sa room.

"Okay po!"

Tumalikod na sila at lumabas ng room habang naghahagikgikan. I resumed helping my classmates to clean our classroom since we were the cleaners for today. I wanted to make it fast so Kuya Lair won't wait too long but my classmates were chit-chatting so it still took us a decade to finish our responsibilities.

"Bye po sa inyo!" I waved at them.

"Bye!" Two of them waved back and the others nodded their heads.

Lumabas na ako agad ng room at natagpuan si Kuya Lair na nakahilig sa hamba ng hagdanan na katabi lang ng room namin. Hubad na ang polo at nakasampay sa balikat kung nasaan ang strap ng kaniyang bag. He was busy with his phone that he only noticed me when I was already a foot away from him.

"Kanina ka pa po? Naglinis-"

Tinalikuran niya na ako bago pa man matapos ang sinasabi ko. A heavy sack of pain flopped down on my shoulders while I tailed him. He wasn't speaking to me since Kuya Rain and Kuya Wai visited me last week in the house.

Bukod sa naabutan niya pa roon ang dalawa nang hindi niya alam na pupunta sila, nakatakas si Nugren at palpak ang adobo, he was more pissed at the thought that I accidentally hurt myself without him on my side. His mouth was shut and his actions were silent enough to inflict emotional distress on me.

Sinubukan kong humabol sa kaniya at ikinawit ang braso sa kaniya. He let me, but he only fastened his pace so I had to follow him with the same speed; hence I half-ran.

"Kuya Lair, my classmate wanted me to join them for lunch tomorrow. Is it okay po?" I opened a topic, smiling a bit.

"Bakit hindi? That'd be better," malamig niyang sagot nang hindi pa rin tumitingin sa akin.

"Her name is Eris po! And the other one is Chinggay. Nagbotohan po kami sa class officer kanina. Si Chinggay po 'yong President, si Eris po 'yong Auditor, tapos ako, tagasuporta nila!" I giggled. "I hope they would be my friends, too."

Hindi siya nagsalita hanggang sa nakarating na kami sa parking lot. Binigay niya sa akin ang isang helmet at kinuha sa akin ang bag ko. Nakanguso akong tumingala sa kaniya.

"Galit ka pa po ba sa akin?"

"No. Isuot mo na 'yan," aniya at tinalikuran ako para suotin ang sariling helmet.

Pinuno ko ng hangin ang baga bago pinalobo ang pisngi at bumuga. I had nothing to tell anymore about what happened on my day, and if I ever wanted to tell something, I doubt he'd even bother listening to me.

Ang sabi niya ay hindi siya galit... pero hindi naman ako kinakausap. Nagkaroon lang ako ng ilang sugat, pasa at medyo napilayan (but I can properly walk now since Kuya Rain applied first aid for my ankle that same day) dahil sa nangyari noong nakaraan, ganiyan na siya. Or maybe it was really because I almost burnt the house down? Hindi pa naman amin iyon.

Hala! Baka isumbong niya ako sa may-ari?! Kaibigan niya pa naman ang may-ari ng bahay na 'yon!

"Miss Minion!"

Hindi ko pa nasusuot ang helmet kaya rinig na rinig ko ang boses ni Kuya Wai. I turned my heels at once to search for him and when I spotted him at a distance, almost running towards us, my lips curved and I immediately raised my arm.

"Kuya Wai! Hello po!" I greeted. "Dito rin po pala kayo nag-aaral?"

Medyo hininihingal pa siya nang tumigil sa harapan ko pero ang ngisi sa labi niya ay nagpapahiwatig na wala lang sa kaniya ang distansyang tinakbo sa gitna ng tirik na araw.

I tipped my head and took a quick observation of his new look. He was sporting a white graphic shirt, a pair of worn-out jeans and white sneakers. His green lanyard with his chosen program was hanging on his neck.

BS Applied Physics in dark green, bold, capitalized letters.

Aside from that, his hair's now shorter and cleaner! Malinis ang gupit ng buhok sa magkabilang gilid ng ulo at ang buhok sa gitna ay nakasuklay palikod. Kitang-kita ngayon ang kapilyuhang bumalatay sa kaniyang mukha na palagi niya yatang ipinakikita sa madla. Ang unang engkwentro lang namin sa mall noon ko siya nakitang seryoso.

"Oo. Magkaklase kami ni Ulan. Galing ako doon, oh," aniya at tumingin sa likod para ituro ang isang building. "'Yan 'yong building ng department namin. Anyway, you're going home?"

"Ah... opo... sana..." Sabay lingon ko kay Kuya Lair na nakatalikod pa rin at ang kaliwang paa na lang ang nakatapak sa sahig.

Wow! He was patiently waiting for me! Hindi niya ako sinisigawan na bilisan ko? Kailangan ko na talagang bilisan. Baka mamaya ay nagtitimpi lang siya at kung tatagal pa ng kalahating minuto ay pahaharurutin niya na ang motor niya.

"Hmm..." Kuya Wai smirked and went to me while putting his hand in his jeans' front pocket. "E 'di... magpapaalam na pala ako?"

Ngumiti ako. Sumulyap siya sa likuran ko at nakitang kumislap ang mata niya sa kung ano mang dahilan. Ibinalik niya ang tingin sa akin at hinaplos ang buhok ko sa likod hanggang sa dahan-dahang yumuko. My lips parted and my eyes bulged out when he swiftly caressed my cheek with his lips.

My heart pounded harshly that I thought I was having a mini heart attack. Lalo na noong pinindot ni Kuya Lair ang busina nang ilang segundo.

"Sasakay ka o iiwan kita?" Kuya Lair's loud voice frightened me.

Humalakhak si Kuya Wai at mabilis na umayos ng tayo at binitiwan ang buhok ko. For a moment, I felt like something was taken away from me.

"Nagmamadali ka?" He was directing that to Kuya Lair, still chuckling. "Nagpapaalam lang, e..."

Kuya Lair's big bike advanced! Napahabol ako agad sa kaniya kaya naman huminto rin siya. Lumingon ako kay Kuya Wai at bahagyang kumaway.

"Ba-bye po, Kuya Wai! Kita po tayo bukas!"

Ngumiti siya at tumango. Sinuot ko na ang hawak na helmet at humawak na ako sa likuran ni Kuya Lair para makaangkas na. Halos ihagis niya sa mukha ko ang kaniyang jacket kaya sumimangot ako.

"Kumapit ka kung ayaw mong mahulog."

I protruded my lips. Kakapit naman talaga ako. Ayaw kong mahulog. Nakakatakot.

The afternoon sun affected my skin. I started to notice the slight color difference on my forearm skin. My skin tone was like milk with a pinch of ground black coffee. And I don't really have a problem with my skin whether it gets darker, as long as the sun won't burn my skin that would lead to a skin disease.

"Next time, bring your own jacket to protect your skin," si Kuya Lair nang napansin ang braso ko pagkauwi sa bahay at nakapagbihis na.

He might no longer want me to borrow his jacket anymore. Hindi ko alam kung may jacket ba sa closet na ginagamit ko pero dahil sinabihan niya ako, titingnan ko na rin.

"Gabi na ako makakauwi mamaya. Mauna ka nang kumain. Pagkatapos mong gawin ang homework mo, kung meron man, matulog ka na. I'll check them once I'm home so put it on my table after you finish them," sabi niya habang may inaayos doon sa ilalim ng lababo sa kusina.

Pinisil-pisil ko ang mga kamay at nagtungo sa ref para kumuha ng tubig. Nakita ko pa sa ibaba ang lagayan ng pagkain at inuman ni Nugren kaya naalala ko na naman ang pagkawala niya. It was my fault, wasn't it? I just hope Nugren would find a better place and a better owner. Or kung sa kalye man siya tuluyang mamuhay, sana may mahanap pa rin siyang food at magkaroon ng kaibigan pang pusa.

"Gabi naman po kayo umuuwi, hindi ba? Ano po ang pinagkaiba nito ngayon?"

Tumigil siya sa paggalaw at bahagyang gumawi sa kaliwa ang ulo pero hindi tuluyang lumingon sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi sa pag-iisip na baka masyado akong matanong at naiirita na siya.

"Sorry po. Hindi na po ako magtatanong," agap ko bago pa man siya makapagsalita.

He remained silent as I finally downed a glass of water. Nagpaalam ako na aalis na roon at wala pa rin siyang sinabi.

He left earlier than usual to go to work. Nasa kuwarto lang ako at nasa likod ng bintana, tanaw siyang palayo sa bahay. When he was already out of my view, I dropped myself on the bed horizontally and rolled until a loud thud resounded in the four corners of the room.

Umungol ako sa sakit sa balakang at braso bago bumangon sa sahig at nagkamot ng ulo. I sighed heavily and pulled myself up to check my homework.

"Hay naku, ang dami n'yo naman!" reklamo ko habang nakalabi at iniisa-isa ang mga notebook. "Ikaw, Math ka, matatamaan ka sa akin."

Pinukpok ko ang Math notebook ng tatlong beses at hinagis sa kama sa aking likuran. Kuya Lair said I was not exactly a reader then, so he was rather amused when he learnt that I'm somehow interested in books now. Though I'm not particular about books, my reading comprehension improved a bit, I must say.

First week pa lang ay marami nang readings and writings sa strand namin. Nakailang reporting na rin sa ilang subject at dalawang skit every group. In all honesty, despite being strangers to everyone, I enjoyed being one of them. A student.

Kalahati pa lang ang natatapos ko nang nakaidlip ako. Pinainit ko lang sa microwave 'yong garlic butter shrimp galing sa ref na hinanda ni Kuya Lair para hindi na ako magluto kapag wala siya. He seemed determined to make me stay away from the stove. After having my dinner, I went back to my room to finish my homework before I hit the bed.

I was already in bed trying to sleep but kept rolling to the left and right underneath the duvet. I grabbed the book on the side table and flipped it open in half before lying it across my face. Walang ibang maririnig kundi ang mainit kong paghinga na tumatama rin sa aking mukha.

Nakatulog ako sa ganoong ayos dahil nang naalimpungatan ako sa ingay mula sa ibaba, nahulog pa iyon sa may kandungan ko. I yawned before jumping off the bed and ran to the door, gluing my left ear against it to hear the noise outside. My lips stretched into a grin.

Kuya Lair's in the house! Finally!

Binuksan ko ang ilaw at lumabas ng kuwarto. May liwanag na mula sa sala at noong nasa hagdan na ako, isang kalabog ang narinig ko.

"Oh, fuck." Hiss followed the profanity.

Napawi ang ngiti ko at nagmadali pa lalong bumaba.

"Kuya Lair?" I called.

Dumiretso ako sa kusina dahil wala siya roon sa sala. I tiptoed with my shoulders slouched toward the kitchen and first noticed the opened under sink storage. Nagkalat ang laman ng first aid kit sa sahig.

"Ba't gising ka pa?" The voice sounded groggy and unstable.

My feet flattened on the cold floor when my gaze drifted to Kuya Lair's feeble leg on the tiles. Nakatupi ang isang binti kung saan nakapatong sa tuhod nito ang kaniyang braso. Umawang ang labi ko nang napansing nakabalot sa bandage ang kaniyang kamay.

"K-Kuya Lair..."

Lumuhod ako at gumapang palapit sa kaniya. Nakasandal siya sa pundasyon ng counter at bahagyang nakatingala. His other hand was nestling on his inner thigh and on his side were the trauma shears and the remaining unrolled bandage. Mula sa maugat niyang kamay ay umakyat ang tingin ko hanggang sa kaniyang leeg na medyo namumula at namamasa sa pawis.

My tongue rolled across my lips He was topless so the gleaming sweat on his chest looked like sparkling water ready to have it licked. Pumikit ako at kinaltukan ang sarili sa huling naisip.

"W-What happened po? N-nasugat ka po? Y-you have a bandaged hand so I g-guess so? W-why am I even-"

"Go back to your room and sleep, kid," he ordered huskily.

I swallowed hard. "A-are you okay po? Do you want to drink first? I can help you clean the mess here if you want!" My voice was extra pitchy.

He remained unmoving but his bloodshot eyes fixated on me. Mapupungay ang mga mata niya at hindi rin matagalan ang pagtitig sa akin. He shut his eyes and groaned silently, leaning back his head against the counter. Pinagmasdan ko siya nang mabuti, mabigat ang dibdib.

After a while of not opening his eyes and not getting any response, I began collecting the first aid scattered on the floor and put it back in the kit. Ibinalik ko rin iyon sa ilalim ng sink. Tinapon ko ang maruruming bulak at pinunasan ang mga patak ng dugo sa tiles. Kung ano ang nangyari sa kaniyang kamay, wala akong ideya. I hope he treated his wound correctly so it won't be infected.

Habang nagsasalin ng tubig sa baso, nilingon ko siya sa sahig at ganoon pa rin ang kaniyang ayos. Binalik ko sa ref ang water pitcher at lumuhod ulit sa gilid ni Kuya Lair, hawak ang baso ng tubig. My knees were kissing the roughness of his jeans.

"Kuya, wake up po. Drink ka po muna water and punta na po tayo sa room mo," sabi ko at hinawakan ang kaniyang braso.

I nudged him lightly. I brought my face near his ear and whispered his name again, hoping it was loud enough to stir him up.

Gumalaw ang ulo niya at sumara ang nakaawang na labi. The hump on his neck moved up and down. Lalayo na sana ako nang biglang gumapang ang kanang braso niya sa baywang ko. Humigpit ang hawak ko sa baso gamit ang dalawang kamay nang tumama ang braso at katawan ko sa dibdib niya. Pero dahil sa biglaan, natapon nang kaunti ang tubig sa braso namin at sa katawan niya.

Gumapang ang init mula sa katawan niya papunta sa aking dibdib paakyat sa mukha.

"K-Kuya Lair! 'Y-yong tubig po-"

Dumilat ang isa niyang mata bago kinuha ng kamay niyang may bandage ang baso at nilagok iyon nang mabilasan. Suminghap ako at manghang pinanood siyang laklakin iyon, walang pakialam kahit umagos na sa gilid ng labi pababa sa katawan ang tubig mula sa baso.

I blinked rapidly when he set down the glass on his other side. Umahon siya nang kaunti sa pagkakasandal. Isang tulak sa aking likod ay tuluyang dumikit ang katawan ko sa kaniya. Kumalabog ang dibdib ko at inilapat ang kamay sa braso niya para itulak ang sarili palayo pero mabilis niyang nailagay ang kamay sa likod ng ulo ko at itinulak iyon sa kaniyang mukha.

My lips pressed against his. My heart and lungs seemingly forgot their function to keep me from living.

Pikit na pikit siya habang magkalapat ang labi namin. Tilting his head to the left, he decided to open his eyes. Bumigat ang talukap ng mga mata ko at muntik nang mapapikit nang bigla niyang kagatin nang mariin ang pang-ibabang labi ko.

I yelped at the sudden pain he caused to my lip. Binitiwan niya ako at halos itulak pa palayo sa kaniya. Nanginginig ang labi ko sa sakit na dulot niya. A tear rolled down my cheek as my hand covered my mouth.

Umungol siya at tinulungan ang sariling tumayo habang ako ay nakasalampak pa rin sa sahig. Yumuko ako habang nakatabon pa rin ang kamay sa bibig na nanginginig at namamanhid sa sakit. Tahimik akong humikbi. Hirap huminga sa paninikip ng dibdib.

"Tangina..." mahinang mura niya, kinakaladkad na ang mga paa palayo sa akin. "Tangina talaga..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top