Chapter 12

Chapter 12

"Kawawa naman ang batang bilog," pang-aasar ni Kuya Lair habang sinusundot ang kaliwang pisngi ko. 

Iniwas ko ang mukha sa kaniya at pinunasan ang pisngi gamit ang puting panyo. I've been bawling my eyes out and I let him see that. I wanted him to know that I wasn't happy with what he did but I was trying to understand. Hindi ko lang alam kung bakit iniyakan ko.

"Galit ka pa?" medyo natutuwa pa ang tono niyang tanong.

Balak kong hindi siya kausapin kaya kahit naiinis ako sa kasusundot sa pisngi at pang-aasar niya, hindi ko siya tinitingnan man lang. 

Humalakhak siya. "Ayaw mo na akong kausapin? Galit ka nga?"

Hindi! Ngumuso ako at kinain ang isinagot sa isipan. I'm irked, but not mad. 

Lumiko kami nang narating ang kanto ng hallway na tinatahak. It's our first day in school and we're both in our uniform. Maayos ang pagkakasuot ko sa aking uniform habang siya, tanggal ang suot na necktie at nakabukas pa ang lahat ng butones ng white polo, revealing his black inner shirt. Buhat niya ang bag namin sa magkabilang balikat dahil pauwi na kami. 

Humanities and Social Sciences o HUMSS ang napili kong strand under Academic Track since TVL-HE only offers three specializations. Ayon kay Kuya Lair, mas mabuti na raw na itong HUMSS ang kunin ko para kung sakaling gusto ko ngang ituloy ang pagiging guro ay hindi na rin ako mahihirapan sa kolehiyo. Mag-enroll na lang daw ako sa TESDA ng short courses para mahasa rin ako sa handicrafts at makakuha ng National Certificate kung gusto ko.

Ang sabi niya ay kukunin niya rin ang strand na kukunin ko kaya naman asang-asa ako na magkaklase kami. Pero pagdating namin dito kaninang umaga, nalaman kong sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics o STEM siya nag-enroll.

Maiintindihan ko naman, e. Pero bakit kailangan niyang magsinungaling sa akin na pareho kami ng kukuning strand? At bakit ang babaw ko para iyakan ang bagay na 'yon.

Siguro dahil... nasanay ako na siya na ang palagi kong kasama. I expected too much that we would stick together even here in school. And now I realized, I was becoming too dependent on him.

"Kumusta ang first day? Maayos naman ba ang mga propesor? Ang mga kaklase mo, Nuala?" pilit niya akong kinakausap.

Sumulyap ako sa kaniya. Nakatingin siya sa akin kaya iniwas ko ang tingin sa kaniya at umismid. He chuckled lowly again and put his arm over my shoulder. Hinatak niya ako palapit sa kaniya nang muntik na akong mabangga ng isang estudyanteng abala sa kaniyang phone habang naglalakad.

Oo at sinabi niyang bodyguard ko nga siya kaya lagi niya akong sinasamahan. But I can't deprive him of anything he wants to do. Especially those things concerning his future. I didn't have a say on him.

I pouted when I decided to finally talk. "Ayos lang po. Mabait naman ang mga teacher namin. Two of them are professors in college. May nakausap naman din po akong kaklase kaya lang..."

His brow lifted but the amusement in his eyes was visible. "Kaya lang ay?"

Uminit ang pisngi ko sa naalala. "They were teasing me. Ba't daw po may e-elementary student silang kaklase..."

Malutong na tawa ang kumawala sa bibig niya. Uminit na rin ang tainga ko dahil sa inis kaya nasapak ko siya sa tagiliran. 

"Ah!" madrama niyang sinabi sabay alis ng braso sa balikat ko para indahin ang gilid niya. "Sakit, ah!"

My eyes rounded and I stopped on walking to check on him. Hinawakan ko siya sa braso at ang isang kamay ay nasa tagiliran para i-check kung tunay nga siyang nasaktan pero nang nakitang nakangisi na siya, lumayo agad ako sa kaniya.

"Niloloko mo lang po ako, e! 'Di ka naman nasaktan!" akusa ko at nagsimulang maglakad palayo sa kaniya.

Mabilis na ang lakad ko pero naabutan niya pa rin agad ako. Ang nakakainis niyang tawa ay bumabagabag pa sa akin. Ano ba ang nakakatawa? Iyong sinabi kong sinabi ng mga kaklase ko tungkol sa akin?

"Galit na naman ang bilog..." pakanta niyang sinabi nang nakasabay sa tabi ko. "Ano'ng gusto mong kainin pag-uwi? Gusto mong bumili muna tayo ng meryenda? Anything sweet, Nuala?"

Naging masuyo ang kaniyang boses sa huli. Lumabi ako at sa huli, gumapang ang kamay sa kaniyang braso. Alam na alam niya talaga kung paano ako mapapaamo. Sweets are really my weakness.

Tumango ako. He used his other hand to mess with my hair. Siya rin naman ang umayos. 

Dumiretso na kami sa may parking area kung saan nakaparada ang kaniyang big bike. Buti at may sticker na siya ng school kaya puwede na pumasok sa loob. May driver's license din kaya walang problema.

"Nuala," tawag niya sabay bigay ng itim na jacket sa akin nang nakaupo na ako sa likuran ng big bike niya.

"Saan po tayo bibili? Ano'ng bibilhin po natin?" excited kong tanong habang inaayos ang jacket sa kandungan ko.

My skirt was only an inch above the knee kaya umaangat sa tuwing sasakay ako rito. Thankfully, he brought a jacket so I could use it to cover enough part of my legs. 

"What do you want?" lingon niya sa akin pagkasuot ng helmet. "Ayos ka na diyan?"

"Cake! I want cake po!"

Yumakap na ako sa kaniya at humilig sa malapad niyang likod. Ang mga bag namin ang nakasabit sa kaniyang balikat at nasa harapan niya. Ngumisi ako nang binuhay niya na ang makina.

We went to a bakeshop his friend owns. Hindi ko na nakita ang pangalan ng shop dahil sabik na ako agad doon sa mga matatamis na naka-display sa may counter. Naka-squat ako sa harap ng acrylic display case at nakahawak doon, nakanganga nang bahagya habang iniisa-isa ang bawat matatamis na panghimagas.

I swallowed and licked my lips. They all looked so tasty!

"Nuala, nakapili ka na?" si Kuya Lair na yumuko rin para tingnan ang mga naka-display.

I grinned and looked up at him. Dinutdot ng hintuturo ko ang salamin kung saan nakatutok ang chocolate cake na puno ng strawberry sa itaas nito. Tumango siya at naglahad ng kamay sa akin na agad kong tinanggap para makatayo na.

I thought he would only buy at least two slices of it for us but he purchased the whole chocolate strawberry cake! Pumalakpak ako habang sumisilip sa likod ng counter para panooring ilagay ang cake doon sa box.

"Thank you! Thank you po!" sabi ko sa cashier pagkaabot ng box kay Kuya Lair. 

"Ba't sa kaniya ka nagpapasalamat, e, ako ang bumili niyan?" Kuya Lair said beside me with a small frown.

Ngumisi 'yong lalaking kahera sabay tingin kay Kuya Lair. "Kapag nalaman ni Vee na dumaan ka rito kasama ang..." Sumulyap siya sa akin. "Paniguradong susugurin ka niya sa bahay n'yo."

Tinapik ni Kuya Lair ng dalawang beses ang counter. "Subukan niya. Titirahin ko siya."

He extended his hand forward with his thumb and point finger sticking out while the other three fingers were folded. Nakaturo iyon sa kausap niya at bahagyang itinaas habang nakangisi.

"Sabihin mo 'yan sa kaniya," he coldly said.

Pabalik-balik ang tingin ko sa dalawa at hindi maintindihan ang pinag-uusapan. Tumalikod lang si Kuya Lair at naglakad na kaya yumuko ako sa staff at nagpasalamat ulit. I turned around and followed Kuya Lair, anchoring my arm with his.

Dahil binibigay niya ang mga nais at kailangan ko, gumagawa ako ng paraan para makabawi. I continued to help him doing household chores except from cooking. Pero minsan, sumusubok pa rin.

"Nugren!" sigaw ko sabay huli sa pusa nang pilit tumatalon paitaas sa counter.

Muntik na siyang makaakyat pero nabitin, tumama sa stool, at nagpagulong paibaba! Natawa pa tuloy ako sa naging itsura niya. Pinatong ko na lang siya sa ibabaw ng counter para hindi mahirapan.

"Diyan ka lang, ha?" Hinaplos ko ang kaniyang ulo.

Plano kong magluto ng adobong baboy. Ang yabang ko yata. Pritong itlog lang ay hirap na ako, plano ko pa ito. But Google said adobo is one of the easiest dish to cook. Naniwala naman ako. Mabuti nga at may karne roon sa ref.

Huwebes ngayon at pagkatapos ng klase, umuuwi muna kami at bago mag-alas tres, aalis siya para dumiretso sa kaniyang part-time job at makakauwi ng pasado alas siete. He applied for it before our classes started. I wanted to apply as well but he won't let me.

Siya na raw ang bahala. Pero ayaw ko nang ganoon. Bubuwelo lang siguro ako at gagawa ng paraan para payagan niya rin akong magtrabaho. I want to work for us, for myself. I don't want to be a burden he has to carry until I die.

"Aw!" I pouted when I accidentally cut my thumb using the knife this time.

Pang-apat na 'to, ah! Kasalanan ng patatas na 'to. Ba't ba kasi kailangang hiwain pa? Hindi ba puwedeng balatan na lang tapos diretso iluto na?

Nilagyan ko iyon ng band-aid na may print ng Minion pagkatapos paraanan ng tubig mula sa sink. Nakuha ko lang iyon sa first-aid kit na nandito. 

Tinitingnan ko sa phone ang instruction sa pagluto ng adobo nang sa wakas ay natapos na ako sa paghihiwa ng ibang rekados. I was putting some vinegar while looking at the screen that I didn't realize I've put more than necessary.

Namilog ang mata ko at agad nagdagdag din ng toyo. Tapos tubig na rin ulit para at least, pareho ang dami nila. Lumagpas tuloy sa kalahati ng kaserola ang sabaw. Iniwan ko na iyon pagkatapos ilagay ang mga sahog na kailangan at nilakasan nang kaunti ang apoy.

"Nugren, kain muna tayo!" maligayang sabi ko sa alaga.

Humikab siya at ambang tatalon na pababa sa counter pero naunahan ko siyang hawakan at ibinaba na sa sahig. I prepared some berries and sliced seedless watermelon for him while I'm having my muffin. Naghanda rin ako ng gatas para sa aming dalawa.

Tinikman ko ang cat milk niya kaya napatingala siya sa akin. Ibinaba ko rin naman agad ang lagayan niya dahil mukhang gusto niya pa akong kalmutin sa ginawa.

"Sa 'yo na 'yan. 'Di naman masarap, e," sabi ko at binelatan siya.

Bumalik siya sa pagkain at inangkin na nga ang gatas niya. Mayamaya ay tumunog ang doorbell sa labas na siyang halos ikatalon ko. I stood up from the chair and strolled out the kitchen to check who's outside.

Tuloy-tuloy ang ingay ng doorbell kaya tumakbo na ako. Upon opening the gate, I saw two tall guys in front of the doorbell. Naghahagikgikan pa sila.

"Ako naman..." sabi pa ng isa sabay tulak sa naunang pindot nang pindot doon.

Subalit hindi natuloy sa pagpindot ang lalaking 'yon dahil napatingin na sila sa aking dako. Both of their eyes widened. Nakilala ko naman agad si Kuya Wilder na halos mapunit ang labi nang nakita ako.

"Miss Minion!" 

I was enveloped with his warm hug. My arms were on my side and his arms swaddled my body. Ang isang kamay niya ay nasa likod ng batok ko. Dahil siya'y mas matangkad, sa dibdib niya tumama ang mukha ko.

"I didn't have the chance to do it the last time we saw," he whispered and tightened his embrace. "I miss you so much..."

Ngumiti ako at nilagay ang mga kamay sa kaniyang tagiliran hanggang sa tuluyan ko rin siyang niyakap. I remembered that our first encounter after almost three years wasn't that good but I could feel that he has a special place in my heart, even when I couldn't remember.

Humiwalay siya saglit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang gilid ng mukha. I looked up at him but my eyes shut when he planted a kiss on my cheek. Ang sumunod niyang yakap ay halos mapigtas na ang paghinga ko. He then swayed slowly from side to side, bringing me with him.

"Inang 'yan, Wai, maawa ka naman sa bata!"

Kuya Wilder snickered as his companion tried to remove the arms around my neck. Nang mailayo ako sa kaniya ay napahawak ako sa dibdib habang sumisinghap. 

Hindi siya pinansin ng kasama niya at doon ko lang napansin ang mga kamay nito na nasa aking balikat nang iniharap niya ako sa kaniya. His hair was as long as Kuya Wilder. But unlike the latter whose dark brown hair was covering his whole forehead, the former's burgundy fringe was swept sideways, showing me his full and clear face.

"Tala..." tawag niya nang marahan habang nakayuko nang kaunti. "You... don't remember me either, right?"

His eyes looked drowsy and weary because of the dark circles underneath. I licked my lower lip and nodded my head slowly.

"S-sorry..." 

Pumikit siya at huminga nang malalim. Lumapit siya sa akin at niyakap din ako. Sapat lang upang makahinga ako nang maayos.

"No... kami nga ang dapat na mag-sorry sa 'yo, Tala," aniya sa parehong tono kanina.

Humaba ang nguso ko at nagsalubong ang kilay. Why would he even apologize to me? Balak ko pa lang sanang itanong ang tungkol sa sinabi niya nang tila kulog ang ginawang sigaw ni Kuya Wilder. 

"Rain!" 

Hindi ko alam kung tama bang galit ang nahalo sa boses ni Kuya Wilder. But... this guy's name in front of me is Rain, huh? I sucked my upper lip while trying to remember his name.

"Ano?!" si Kuya Rain na humiwalay sa akin para singhalan ang kaibigan.

Lumingon din ako kay Kuya Wilder. He looked like something ruffled his feathers but eventually, his lips curved and lifted his head.

"The sky is beautiful, isn't it? And beautiful is the sky—" Kuya Wilder was cut off when he was slapped on his head by Kuya Rain. 

Napatingin tuloy ako sa kalangitan. The sky was dark grey like the storm would come any minute by now. I hope it won't. Mahihirapang umuwi si Kuya Lair kung uulan lalo na't naka-motor lang siya. 

"Ano'ng maganda sa sky, e, makulimlim? Siraulo ka ba?"

"Okay lang 'yan. Sabi nga ni Victor Hugo sa Les Miserables, 'Even the darkest night will end and the sun will rise,'" Kuya Wilder proudly quoted.

"Night nga, e. Gabi na ba?" 

Kuya Wilder exaggeratedly stretched his arm and folded it with his hand closed across his chest. He glanced at his black wristwatch.

"It's already six oh ten. Six o'clock is already evening. At anong tagalog ng evening?" aniya sabay taas ng tingin sa akin.

"Gabi po?"

Pumalakpak siya at malawak na ngiti ang iginawad sa akin. "You're right! At dahil very good ka, may chocolate ka!" May nilahad siyang isang dilaw na pakete ng tsokolate.

Kumikinang na mga puso na ang nakikita ng mga mata ko nang kuhain iyon sa kaniya gamit ang nanginginig na kamay. I heard Kuya Rain's groaned when the packaging established contact with my hand.

"T-thank you po!" 

"May bata na namang nauto..." bulong ni Kuya Rain na hindi ko pinansin. "As if he even knew what the quote means."

"You're welcome, Miss Minion." Kuya Wilder smirked. "So, who are you with right now?"

Mabilis ang naging sagot ko, "Nugren! I'm with Nugren po and he's inside the house. He's a cat!"

The problem lies within me. When I get too excited, I tend to forget other things beyond my sight. Kung saan o kanino ako naka-focus, doon lang. Unless I get moved. Kaya naman nang may sinundan ng tingin si Kuya Wilder at itinuro, wala pa ako sa sarili nang buntutan iyon ng sariling paningin.

"Iyon ba?" tukoy niya roon sa tumatakbong hayop patungo sa silangan. "Lumabas galing sa loob ng bahay."

My brain was still in the process of recognizing the sprinting cat until he became smaller and completely disappeared from my line of vision. Umikot ako at hindi na nakapagpaalam nang tumakbo papasok muli ng bahay para tawagin si Nugren. I almost slid on the floor toward the kitchen only to find no cat.

Nangilid ang luha ko at tumakbo ulit palabas. This time, the floor won against my feet by tripping me. Lumagutok ang tunog ng kanang tuhod kong tumama sa malamig na tiles at ang kaliwang binti ay naka-stretch paharap. Umungol ako sa sakit at kirot nang subukan kong igalaw ang kanang binti. My ankle twisted!

"Miss Minion?!"

Mga nagmamadaling yabag ang sumunod kong napakinggan kaya bumagsak ang palad ko sa tiles para subukang iangat ang sarili sa pagkakalagapak. They are my visitors and I won't let them see me in this awkward position. I haven't even invited them inside and it's so rude!

But my cat! My baby cat! He betrayed me! Bakit niya ako tinakasan? Ayaw niya ba sa akin? Hindi ba ako magaling mag-alaga? Nasasakal ko na ba siya? Pero si Kuya Lair nga ang laging nananakal sa kaniya mula sa batok, e!

"Miss Min—Oh my giraffe!"

Halos nakatuwad na ako sa sahig. Ganoon pa rin ang posisyon ng mga binti ko pero nakalapat na ang dalawa kong kamay sa aking harapan at nakaangat na ang puwitan mula sa sahig.

"Hoy, ano ba 'yan! Hindi mo kami maaakit sa patuwad-tuwad mo, bubwit!" Kuya Wilder exclaimed dramatically with his eyeballs almost bulging out from their respective sockets. Nakahawak pa siya sa dibdib habang ang isang kamay ay nakaturo sa akin.

"What happened?" si Kuya Rain na sumulpot sa likuran ng kaibigan.

Nakita niya agad ako. Sinubukan ko ulit iangat ang sarili ngunit napapangiwi lang ako. Kuya Rain ran to me and from behind, he put his hands on my underarms and he easily lifted me from the ground like I was just some kind of poor feline.

"Ano ba ang nangyari?" sa nag-aalalang tono ni Kuya Rain.

"Nadulas po 'ko," mahina kong sinabi, mainit ang mukha.

Nakatayo ako gamit ang isang paa habang nakataas nang kaunti ang kabila. Pumasok si Kuya Wilder na natatawa at mukhang mang-aasar na naman nang natigilan siya. Nagkaroon ng gitla sa kaniyang noo at kumibot ang ilong. 

"Miss Minion, nagluluto ka ba?" patili ang huling bulalas ni Kuya Wilder.

I pushed back my shoulders and bobbed my head. Kuya Rain's hands on my waist became paralyzed.

"Wai! Check their kitchen!" apuradong utos niya na agad namang sinunod ni Kuya Wilder.

Iginiya ako ni Kuya Rain sa aming sofa nang may narinig kaming kalabog mula sa kusina at ang boses ni Kuya Wilder. Patayo na sana ulit ako nang hinawakan niya ako sa balikat at halos ipako sa backrest ng sofa.

"S-Si Kuya—"

"Dito ka lang!" pagalit niyang utos.

Pinindot-pindot ko ang mga daliri habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya. His face was roughly a thread away from mine that when I nodded my head to obey his words, my lips softly brushed against his.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top