Chapter 11

Chapter 11

"Babalikan kita rito kapag tapos na kayong mag-usap," ang huling sinabi ni Kuya Lair bago ako iwan nang mag-isa sa loob ng isang coffee shop na pinuntahan namin.

He left me with a cell phone so he could contact me. My feet didn't know how to rest on the floor as I kept on fidgeting my hands and fingers on the table. Para bang nangangati ang mga ito na may gawin habang naghihintay sa kikitaing mga kaibigan ayon kay Kuya Lair. 

Kaunti na lang ay babagsak na ang nagbabadyang luha ko dahil pakiramdam ko, iniwan na talaga ako ni Kuya Lair dito. Hindi pa ako marunong umuwi. Idagdag pa na hindi ko alam kung nasaan na ba ang mga tinutukoy niyang kikitain ko. 

Kinuha ko ang phone na nasa dalang bag para i-check ang oras. It's been nearly twenty minutes since we arrived here. Ang usapan daw ay alas kuwatro. Maaga lang kami ng ilang minuto nang dumating.

The phone vibrated. I unlocked it and read Kuya Lair's message.

Lairgren:

sabihin mo sakin pag gusto mo na umuwi. alam kong wala pa sila.

Nuala:

Ok lang po. Hintayin ko pa po sila.

Bumuntonghininga ako at napatingin na lang sa labas ng glass wall kung saan ako nakapwesto. Wala akong na-receive na reply sa kaniya kaya nag-type ulit ako.

Nuala:

What are you doing po? Pasok po muna kaya kayo rito? 

A few minutes passed and he didn't reply again. 

Nuala:

I'm hungry po.

Lairgren:

ako rin.

Parang tumalon ang puso ko palabas sa dibdib nang sa wakas ay nag-reply siya. I snickered inwardly while typing my reply.

Nuala:

Pasok ka po muna rito and order ka po ng pagkain! ^__^v

Lairgren:

lol

Kumunot ang noo ko at pinakatitigan ang screen. I was about to ask what 'lol' means when a beautiful lady sat across from my chair. She was wearing a purple spaghetti top with a big ribbon in front and her hair was pulled into a neat pony tail using a silk scarf headdress. Parang mahihiya ang kahit isang hibla ng buhok niya na tumakas mula sa tali niya.

"Hi!" she greeted genially. "Sorry, na-late kami. My fault! Maaga dumating sa bahay si Axe para sunduin ako kaya lang ay may dinaanan kami saglit sa pharmacy at naabutan ng heavy traffic. Kanina ka pa ba rito? Sorry talaga!"

Her smile was broad and bright. Maputi siya pero dahil siguro sa ngiti niya kaya mas lalong umaliwalas ang mukha niya. Natulala lang ako at napipi dahil sa sobrang ganda niya yata, nagmukha nang dyosa. Para bang isa pang karangalan at pribilehiyo ang makita siya at makausap.

"Hello po... Uh, ayos lang po—"

Napakurap ako nang bigla niyang hinawakan ang kaliwang kamay ko. Even her hand was smooth and soft! Dinilaan ko ang aking labi nang napansin ang singsing sa kaniyang daliri. 

"It's been almost three years. Kumusta ka na, Tala? Naaalala mo pa ba ako?" Nakangiti pa rin siya tapos ay sumulyap sa likuran ko. "Um-order lang si Axe, ah? Don't worry, he still knows your favorite drink. He's got a good memory!"

Favorite drink? Ginala ko ng tingin ang loob ng coffee shop at tumigil sa may counter. Dalawa lang naman ang nasa counter. Isang babae at lalaki. The latter must be the one she called Axe. Nakatalikod kaya hindi ko makita ang mukha pero nakasuot siya ng pants at beige hoodie.

"A-ah..." Alanganin akong ngumiti nang ibalik ang tingin sa babaeng kaharap. "I'm sorry po but... I honestly don't remember you po, Miss."

Her smile was frozen as though she was still in the process of analyzing what I had said. She blinked and pulled herself back to the back of her chair, freeing my hand. 

"Pang-apat na beses pa lang yata nating pagkikita ito. So... I understand if you can't remember me." 

Pinakatitigan niya ako. Ngumiti ako hanggang sa ang mga mata niyang may mahaba at pakurbang pilikmata ay nanlaki kasunod ng pagtakip niya sa kaniyang bibig.

"Oh my God... sorry, but... did you mean..." she couldn't finish her sentence.

Tumango ako. Bumaba ang tingin ko sa mesa habang siya ay natahimik na.

"Kuya Lairgren told me that I'd be meeting my friends here and I guess you are one of them po," I supplied, pinching my left thumb. "I apologize if this may sound rude but... what is your name po?"

The utter nonplus across her face was highlighted. She shook her head lightly with closed eyes and lifted her shoulders after a deep sigh. 

"My... my name's Eleftheria Isra Asturias. You can call me Izzy," she introduced with a smile. "We have common friends. Si... Rain, siya ang nagpakilala sa 'yo sa akin. He's my best friend's younger brother and he's one of your friends. But as far as I know, mas close kayo ni Wilder. Nagkataon lang na noong unang beses na nagkita tayo, si Rain ang kasama mo. They are cousins."

I tried to recall the names she mentioned but I failed. But to think that she named a few fluttered my heart. Hindi lang si Kuya Lair ang kaibigan ko. Hindi lang din ang kaharap ko. One is enough, but having two or even more is already overwhelming. 

Were they as kind as Kuya Lair? He might be suplado at times and laging pinipitik ang noo ko pero mabait naman siya sa akin. The lady in front of me seems kind, too. Ang iba kaya niyang binanggit, ganoon din? I hope so. I don't think I'd be able to handle cruel attitude toward me. 

Humilig siya ulit sa mesa at hinawakan ang kamay ko. 

"Ayos lang ba na pumunta sila rito? Kaso... hindi nila alam na ikaw ang kikitain namin." She paused for a second and cleared her throat. "How have you been? Miss ka na no'ng dalawa! I'm sure they will be surprised and happy to see you once they get here!"

Ngumiti ako. "Maayos naman na po ako. K-Kayo po? Kumusta po kayo?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko. "I'm glad na maayos ka na ngayon. Sino pala ang kasama mo? Your boyfriend? Saan siya?" Lumigon-lingon siya sa paligid.

"Boyfriend po?" Ngumuso ako. 

"Yup! The one with the long hair? 'Yong lagi rin yatang kapustahan nina Wild at Rain sa laro nila?" Napangiwi siya pero natawa rin sa huli.

Ah! She's probably talking about Kuya Lair? Malapad akong ngumiti. He's the only boy friend I have and I know.

"Si Kuya Lairgren po ba? Hinatid niya po ako rito. Magkasama kami kaso... lumabas po siya, e. Ewan ko po kung nasaan siya ngayon."

"Oh!" Tumango-tango siya at ipinatong ang dalawang siko sa mesa bago sinalo ang magkabilang pisngi gamit ang likod ng kamay. "Hmm... Wala masyadong nagbago sa mukha mo. Kamukha mo pa rin talaga siya. And... your hair is longer than I remember. Cute mo pa rin! Magpinsan talaga kayo ni Twyla, 'no?"

The smile on my face washed off upon hearing the name. May pinsan ako. Twyla ang pangalan. Napatingin ako sa labas ng coffee shop habang iniisip kung bakit hindi iyon nabanggit ni Kuya Lair sa akin?

"Tala?" Ate Izzy's sweet voice echoed.

Pagkabalik ko ng tingin sa kaniya ay siyang dating ng lalaking nakasuot ng hoodie mula sa counter kanina. He placed the tray with three orders of drinks and desserts on the table. Naglaway agad ako sa nakitang slice ng chocolate cake.

"Wala pa rin 'yong dalawa?" he asked in a low, calm tone.

Napadila ako sa labi at napaangat ng tingin dahil pamilyar ang boses. My lips went ajar when I realized who the guy is. Siya ang nakita namin noong nakaraan sa labas ng UdLAT! 

Hinila niya ang upuan sa tabi ni Ate Izzy. He's wearing his hoodie over his cap but he pulled the former down to his back. Nang nakita niyang nakatingin ako sa kaniya, namamangha at gulat, ngumiti siya.

Tipid lang iyon tulad ng dati. Para bang kay mahal ng bayad para lang mapangiti siya. But I could see it was a genuine one. Siguro ay ganoon lang talaga siya.

"This is Axe, Tala. Boyfriend ko," pakilala sa kaniya ni Ate Izzy habang ang kamay niya ay nasa braso ng lalaki. "Nagkita kayo last time, right? Sa akin niya unang sinabi. Well, sa akin pa lang."

My eyes glued at her slender fingers around her boy friend's arm. Uminit ang pisngi ko nang naalalang ganoon din ang madalas kong gawin kay Kuya Lair. Normal lang pala iyon. 

May ibinulong si Ate Izzy sa kaibigan niyang lalaki kaya pumungay ang mga mata ng huli at tumango. His eyes went back to me and then to his ordered drinks. Kinuha niya ang isang drink at inilagay sa harapan ko.

"T-thank you po," nahihiya kong sambit.

"That's your favorite drink in this coffee shop. Pili ka na lang ng cake mo, Tala. Puro chocolate since iyan ang hilig mo noon," si Ate Izzy sabay nguso sa nasa mesa.

Gustong-gusto ko nang kumuha kaso ay nahihiya ako. Naisip ko tuloy si Kuya Lair. He said he was hungry, too. Puwede ko kaya siyang tawagan? Ayos lang kaya sa mga kasama ko? I wanted to share this drink and food with him since I didn't have money with me.

Mula sa cake, umangat ang tingin ko sa kaharap. Ate Izzy was telling her boy friend about something. Ngumuso ang lalaki at tumingin ulit sa akin gamit ang maamong mga mata.

I got used to seeing Kuya Lairgren's somber, sometimes impassive and mysterious, deep set of orbs. Kabaliktaran ng nasa harap ko ngayon na mukhang mas mabait, tahimik, ngunit seryoso.

Tumikhim ako at umayos sa kinauupuan. "Gusto ko lang po sanang... mag-sorry sa inasal ko noong nagkita po tayo. I wasn't afraid of you po." Ngumuso ako at yumuko, hiyang-hiya sa ginawa. 

"Ayos lang. Naiintindihan ko," simpleng aniya.

"Huh?" Natawa si Ate Izzy. "Axe, ano? Tingin mo ay natakot mo ang batang ito?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Iwinagayway ko ang kamay sa harap habang umiiling. Ang boy friend ni Ate Izzy ay nag-iwas ng tingin.

"Oh my gosh!" Ate Izzy laughed even more before she turned to me. "I'm sorry. But did he really scare you, Tala?"

"Hindi po! Hindi po talaga!" taranta kong sagot. "Hindi ko lang po nakilala kaya... ganoon po ang naging reaksyon ko. He's so tall, too. I looked like a dwarf when he was close to me po!"

Lalong tumawa si Ate Izzy. Parang nagbabaga na ang pisngi ko sa init nito. Sumimangot ang kaibigan niya at kinuha ang maliit na tinidor para kumain na ng cake.

"Mas mataas pa ang chance na itong si Axe ang matakot kaysa siya ang katakutan..." ani Ate Izzy at sumimsim na sa napiling inumin.

Kumakain na rin sila kaya ganado na rin akong kumuwit doon sa cake. Napapikit pa ako para lang malasahan ang pagkain! I smiled widely when I opened my eyes and spotted Ate Izzy mirroring my expression.

"Thank you po rito!" maligayang sabi ko. "Next time po, kayo naman ang ililibre ko!"

She chuckled. "Okay! That means we'll meet again sooner or later, then?"

"Oo naman po! Friends po tayo, hindi ba?"

Ngumisi siya at tumango. Sumubo ulit ako ng dessert nang makita siyang inilapit ang tinidor na may cake niya sa bibig ng kaniyang kaibigan. Malugod namang sinubo iyon ng kaibigan niya. 

"By the way, mag-aaral ka rin ba sa UdLAT? Since nakita ka ni Axe doon, hindi ba?" usisa niya. 

Nilunok ko muna ang nasa bibig at tumango. "Opo. Mag-e-enroll po kami ni Kuya Lair sa darating na Wednesday. We are both incoming Grade 11 po."

"Oh? So that means... tatlong taon kang tumigil sa pag-aaral?" Confusion etched across her face. "And why do you keep on calling your boyfriend 'Kuya'? It's so awkward! And—"

"Ate Izzy..." her boy friend said quietly with a hint of playfulness.

Mabilis siyang hinampas ni Ate Izzy sa balikat at matalim na tiningnan. 

Her boy friend smiled. "Sorry po," masuyong sambit nito. 

Naging tuloy-tuloy ang usapan namin ni Ate Izzy tungkol sa pag-aaral at paminsan-minsan ang pagsali ng kaibigan niya. Halos malimutan ko na nga si Kuya Lair kung hindi lang nagkaroon ng pahinga ang usapan namin at tumingin si Ate Izzy sa kaniyang phone.

"Ang tagal naman ng dalawa! Mag-iisang oras na silang late, ah? Si Wilder na naman siguro—"

"Nandito na 'ko, Mip-mip! Ako na naman sinisisi mo, ah?" rinig kong sinabi ng isang panibagong boses sa likuran ko, natatawa. 

Ate Izzy's face brightened but she rolled her eyes afterwards. Humilig sa sandalan ng upuan ang kaibigan niya ngunit ang braso nito ay nakapatong sa ibabaw ng sandalan ng kay Ate Izzy. He was watching me keenly as if he was waiting and prying for my reaction.

"Sabi mo ay on the way ka na kaninang one-thirty! And where is Rain rain go away?" 

Umangat ang tingin ko sa lalaking kararating lang. Mula sa puting high cut shoes, denim pants, black graphic shirt, pataas sa kaniyang mukha na nakatingin kay Ate Izzy pero kita pa rin ang pagkaangat ng labi niya sa pagkatuwa.

"Pangalan ko ang binanggit mo kanina lang pero iba na ngayon ang hanap mo? Ano? Ayaw mo na rito sa boyfriend mo?" Tumawa ang bagong dating.

Bago pa makasagot si Ate Izzy ay nagsalita na ang kaibigan niyang nakatingin sa akin. "Do you want another drink, Tala?"

"Po? Hindi na po!" agap ko sabay iling. "Ayos na po ako."

Mukha ba akong nauuhaw pa? Ngumuso ako at ibinalik ang tingin sa bagong dating. Wala na ang ngisi sa labi niyang namumula na ngayon at nakaawang na. Mangha o gulat ang nakarehistro sa kaniyang mata na halos matakpan na ng buhok niya sa harapan. 

Tumayo ako at bahagyang nag-bow sa kaniya. I smiled a bit and raised my hand to wave at him. "Hello po! I'm Nuala." Naglahad ako ng kamay sa kaniya.

He must be Wilder. No. I should address him as Kuya Wilder. Like Ate Izzy. And Kuya Axe. Sign of respect since they are probably older than me, too. 

Hindi niya tinatanggap ang kamay ko. 

"Wai, ang kamay..." si Kuya Axe.

Alanganing tinanggap ni Kuya Wilder ang kamay ko. Pero nagulat ako nang ginawa niya iyon hindi para makipag-kamay, kundi para hilahin ako palayo sa mesa!

"Wilder! What are you doing?" si Ate Izzy na bago ko pa malingon ay hinatak pa ako lalo ng nakahawak sa akin. "Ibalik mo siya rito!"

"Ibabalik ko siya rito!" sigaw ni Kuya Wilder, nagmamadali.

Hindi na ako makaangal. Sumunod na lang ako sa kaniya hanggang sa nakalabas na kami ng coffee shop. Subalit hindi pa kami nakakalayo, natigilan na kami dahil sa presensya ni Kuya Lair. Ang malaki at matikas niyang katawan ang agad humarang sa dinaraanan namin.

"Saan mo siya dadalhin?" malamig at mariin niyang tanong sa nakahawak sa akin.

Nilagay ako sa likuran ni Kuya Wilder na para bang tinatago pa ako kay Kuya Lair nang lumapit ito sa amin. Kumunot ang noo ko sa kanilang dalawa.

"Why you're here, I don't care. Mag-uusap kaming dalawa..." Kuya Wilder spat with the same animosity in his voice.

"Bakit hindi kayo mag-usap doon sa coffee shop? Huh? Kailangang lumayo at kayo lang?"

"Ano ba ang pakialam mo? Huwag ka ngang umasta na para bang inosente ka sa nangyari sa kaniya!"

Ano ang ibig niyang sabihin doon? Nagugulumihanan na ako at gusto nang sumingit pero nagsalita na ulit si Kuya Lair.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Bumalik kayo sa coffee shop at doon mag-usap kasama ang iba n'yong kaibigan kung iyon ang nais mo. Hindi ko iyon ipinagkakait—"

Tumawa si Kuya Wilder. Tawang nanunuya, sarkastiko. But there was a pinch of anger with his laugh.

"Huwag mo akong manduhan, El. At anong hindi mo ipinagkakait? Mahigit tatlong taon ang ipinagkait mo kay Tala na hindi kami makausap—"

Hindi niya na natapos ang sinasabi dahil nahaltak na ni Kuya Lair ang kaliwang braso ko. Halos mabali ang braso ko sa lakas ng puwersa niya. If not with his strong grip, I'd surely fly around this mall!

"Shut up," gigil at halos nanginginig ang boses ni Kuya Lair sa galit. 

Hinawakan ko siya sa braso. His arm was also shaking and the veins in his neck were almost protruding. Namumula iyon pati ang kaniyang tainga. 

Mabilis ang paghinga ni Kuya Wilder nang harapin ako at naglahad ng kamay sa akin. Tumagal ang titig ko roon nang napansin ko ang kulay kahel na ilang ikot ang pagkakatali sa kaniyang palapulsuhan. Ilang buhol ang nandoon na para bang sa tuwing napuputol ay pilit niyang itinatali pa rin upang masuot.

"Sumama ka sa akin, Miss Minion. Ipinapangako ko, mag-uusap lang tayo. Iuuwi rin kita..."

Tumingala ako kay Kuya Lair. Nakaigting ang panga niya at mariing nakatitig sa kamay ng kaharap naming naghihintay ng pagpayag ko. I turned to Kuya Wilder whose eyes were helplessly pleading before I brought my gaze down to his hand.

Nagdadalawang isip pa ako nang maramdaman ang dahan-dahang pagkawala ng mainit na kamay sa aking braso. Dumausdos iyon pababa, tuluyan akong pinakawalan. Hindi ko alam kung bakit parang lumulubog sa lungkot ang dibdib ko sa ginawa niya.

"Miss Minion..." 

I didn't have any idea of what was happening. Kung ano ang problema nilang dalawa at kung ano ba ang itinatago nila mula sa akin. 

But come to think of it. Hinayaan ako ni Kuya Lair na pumunta rito para makipagkita sa kanila at makapag-usap nang kami lang. Ibig sabihin ay wala naman siyang pakialam kung ano ba ang pag-uusapan namin. At kung may tinatago man siya na alam nila... nitong kaharap namin, wala rin siyang pakialam kung malaman ko iyon.  

He trusts my friends. He just didn't want me to go with Kuya Wilder. Alone and outside that coffee shop. 

Umatras na siya sa tabi ko at para bang handa nang ipaubaya ako. Na sumama na ako kay Kuya Wilder. Gusto kong mag-usap kami ni Kuya Wilder pero kung ayaw ni Kuya Lair...

"Pasensiya na po," I softly said after contemplating for too long.

Kumuyom ang kamao niyang nakalahad sa harapan ko subalit hindi pa niya iyon ibinababa.

"Gusto ko po kayong makausap at makilala dahil... kaibigan ko raw po kayo. Pero..." 

Kinagat ko ang aking labi habang nakataas ang ulo para tingnan siya sa mga mata. Kahit hindi ko tingnan ay alam kong patuloy sa paglakad palayo sa amin si Kuya Lair.

"Mukhang kailangan ko na pong umuwi... kasama si Kuya Lair," dugtong ko at ngumiti. "Gagawa po ako ng paraan para makapag-usap po tayo nang maayos."

"Fine..." pagsuko niya at lumamlam ang kaniyang mata. "Mag-ingat ka sa kaniya. Hindi mo pa kilala ang pinagkakatiwalaan mo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top