Chapter 10

Chapter 10 

Lumapit sa akin 'yong lalaki pero mas mabils na nakalapit sa akin si Kuya Lair. He captured my arm and put me behind him as though protecting me from the guy who acknowledged me.

"Kuya Lair... sino po siya?"

"Ferguson," he replied under his breath.

Sumilip ako sa gilid niya at namataang halos isang metro na lang ang layo ng lalaki sa harap ni Kuya Lair.

Ferguson... that's the name of that guy? I probably knew him, right? Pero bakit kung makabakod si Kuya Lair ngayon ay para bang ayaw niya akong makilala ang taong ito?

"Please, move aside. I want to see her... talk to her," ang mahinahong sinabi ng tinawag ni Kuya Lair na Ferguson.

"Kung gusto mo siyang kausapin, sa susunod na lang. May iba kaming pakay at gagawin ngayong araw." 

Kuya Lair's tone and words were far from wavering. I moved closer to him and my tiny hand embraced his forearm. Sumilip ako sa kaniyang gilid at pinagmasdan ang kaharap naming lalaki. 

His calm eyes slowly transferred from Kuya Lair's to mine. He tilted his head a fraction and a small smile appeared on his face. Walang namutawing salita mula sa kaniya at tumango na lang.

Nang naglakad siya palapit sa amin ay napatago ako sa likuran ni Kuya Lair, though, I couldn't hide myself completely. Tumigil siya saglit sa gilid namin at nilingon ako, nakakunot nang bahagya ang noo. 

Sa tantiya ko ay hindi nagkakalayo ang taas ng dalawa. They were both like towers, only that Kuya Lair's body was more broad and sturdy than the other. Hanggang gitna lang ng balikat niya at siko ang tangkad ko.

Ibinaling ko ang tingin sa kabilang dako nang nagsalita si Ferguson.

"Guess now you're even afraid of me," he presumed.

Bumalik ang tingin ko sa kaniya pero naglalakad na siya palayo, mabagal ngunit malalaki ang bawat hakbang. Kabubuntot ko ng tingin sa kaniya ay hindi ko napansing wala na sa harapan ko si Kuya Lair at naglalakad na rin sa taliwas na direksyon ng kausap niya kanina.

"Kuya Lair!" tawag ko at mabilis siyang sinundan.

That Ferguson guy assumed I was frightened of him just because I was trying to not be near him. I wasn't, but Kuya Lair's action made me do it. Guilt quickly crawled in my chest upon realizing that it sounded like I was blaming my bodyguard and that it hurt Ferguson.

Hindi na muna ako nagtanong pa kay Kuya Lair tungkol sa lalaking iyon. Pagkatapos naming mag-breakfast sa isang karinderya sa labas ng eskuwelahan ay saka kami pumasok doon para maglibot. This is a different school from my last school attended. This would be my new school. Unibersidad de Latrinidad. 

"Inasikaso ko na ang mga requirement mo para sa enrollment. Sasamahan kita next week. Mag-e-enroll din ako," he informed me as we walked briskly down the sidewalk.

"Pareho po ba tayong mag-Grade 11?"

Mabilis niya akong tiningnan pero agad ding ibinalik sa harap ang tingin. "Napag-isipan mo na kung ano'ng strand ang kukunin mo?"

Huminga ako nang malalim. "What did I even want before..."

Thinking about what strand I'm gonna take this senior high, it makes me wonder all the things I have liked... and have not. Hindi naman siguro ako ibang tao ngayon, hindi ba? Na kung ano ang gusto at ayaw ko noon, magiging kabaliktaran na ngayon? At hindi na magiging mahalaga kung gusto ko pa... o ayaw ko na.

"You were undecided," Kuya Lair told me. "But you were stuck between Humanities and Social Sciences under Academic Track and Home Economics under TVL Track."

Narinig ko na ang mga iyon mula sa kaniya at ang mga posibleng gagawin sa strand na iyon at ang mga puwedeng kuning kalinyang programa pagdating sa kolehiyo. But all the information I got from him about this wouldn't matter if I do not know the things I'm interested in. 

"Why was I stuck between the two options, though?"

"HUMSS... because you said you wanted to be a teacher. And Home Econ..."

"Home Econ because?"

"Because of your passion for crocheting, weaving, and knitting."

I brought my gaze to him with tied brows. Passion... meron pala ako n'on? And he just talked about this now with me. Kunsabagay, hindi naman ako nagtanong tungkol dito. Ngayon pa lang dahil nabanggit niya.

"Am I good at it?" 

Appalled, my lips parted when he smiled a bit before he gave me the answer, "Oo. Sobra."

Ngumiti ako hindi dahil sa sagot niya... kundi dahil sa nakangiti rin siya. How is it so possible to be happy by simply seeing someone being happy? Like a virus, it's contagious.

"Talaga po?" Hinawakan ko ang strap ng sling bag. "Kung susubukan ko pong gawin iyon ngayon, tingin mo po ba ay kakayanin ko? I mean... I've lost my memories. Baka... hindi ko na rin po alam kung paano gawin ang tinutukoy mo."

"Bakit hindi?" He halted on his track and faced me, both his hands inside his pants' pockets. "Utak mo ang nakalimot, hindi ang puso. Hindi mo na nga siguro tanda kung paano gawin, pero puwede kang magsimulang matuto ulit. If that truly is your passion, you will never forget doing it over and over again. You can start learning it again, Nuala."

Saglit akong nawala sa sarili sa haba ng sinabi niya at sa laman nito. After regaining my consciousness, I never thought about doing something I was interested in. Or what I liked or wanted to do. I just want my memories back and to remember all the significant people in my life. 

Siguro kahit hindi na lahat. Sapat na ang kahit kaunti ang bumalik. My doctor said, months ago, that it might hardly possible to remember everything—anything, rather. Maybe just a vague fragment that will never become definite and whole.

"Gusto ko pong... magsimula ulit," sambit ko nang sa wakas ay nakahanap na ng boses.

Napatuwid ang likod ko at ang mga balikat ay bahagyang umangat nang bigla niyang ipatong ang isang kamay sa uluhan ko. My head ducked a bit because of what he did. 

"Huwag kang mag-alala. May tutorial naman sa Youtube." He chuckled.

I giggled shortly. Tinanggal niya ang kamay sa ulo ko at nang nagsimulang maglakad ulit ay namataan ko sa may damuhan sa tabi ng nilalakaran namin ang isang maliit na pusa.

"Kuya Lair, there's a mingming!" I whooped.

Lumapit agad ako sa kay mingming at nag-squat para buhatin siya sa katawan. Puti ang kaniyang balahibo na may iilang black spot siya sa likod hanggang buntot. 

"Hello, mingming! Akin ka na!" deklara ko habang nakangiti nang malawak.

"Hoy, hoy, hoy, bilog," si Kuya Lair na lumapit sa akin at sinusubukang kunin ang mingming. 

I bit my lower lip and glared at him as I tried to shoo his hand away. "Kawawa po! Huwag mo kunin! Akin na lang po siya!"

"Bitiwan mo nga 'yan. Anong sa 'yo na 'yan? Ako lang ang sa 'yo kaya—" Naputol ang sinasabi niya pero ang kamay ay nasa kawawang mingming. "Kapag 'di mo binitiwan 'tong pusa, gagawin ko 'yang siopao kapag nakarating pa sa bahay tapos ipapakain ko sa 'yo."

Namilog ang mata ko at tiningnan ang maingay na kuting. Marumi ang kaniyang katawan dahil nasa kalsada lang. Mukha na siyang kawawa dahil payat tapos may masamang balak pa si Kuya Lair sa kaniya?

I tilted my head up to the highest and met his dominating dark eyes. A few seconds later, the grim line on his lips cracked into an amused smile and he began laughing. 

I stepped back, still holding the kitten when he finally let it go. Para bang pinauubaya na sa akin pero pinitik niya muna ako sa noo nang mahina.

"Ah..." He raked his fingers through his messy long hair and shook his head. "Pasalamat ka talaga..."

I grinned upon realizing what he meant and hugged the kitten. "Puwede ko na pong iuwi? Akin na lang po? Akin na lang po?!" 

He protruded his lips and didn't utter a word. Hindi umangal kaya akin na talaga 'tong si mingming! Basta ako, masaya dahil naiuwi namin siya. 

Sinubukan ko siyang paliguan sa common bathroom sa bahay pero hindi ko inakalang takot siya sa tubig. Unang bagsak pa lang ng tubig sa katawan niya, kumawala na siya sa hawak ko at tumalon pababa sa sink kung saan ko siya balak paliguan. Hinabol ko siya hanggang sa magpaikot-ikot kami sa loob ng banyo. 

"Mingming! You must shower nga! You're so dirty and you're still wet!" saway ko dahil pinapagod at hinihilo na ako ng kuting na 'to sa paghabol sa kaniya.

I stopped running after her and placed my hands on my hips. Tumigil siya sa pagtakbo at lumingon sa akin. Ang nakataas niyang buntot ay unti-unting bumaba habang nasa akin pa rin nakatingin.

Pinanliitan ko siya ng mga mata. Takbo siya nang takbo sa akin noong hinahabol ko pero ngayong tumigil ako, kung makatingin ay para bang kinukuwestiyon ang pagtigil ko sa paghabol sa kaniya.

Ano, mingming? You only want the chasing but not being chased, huh?

Napalingon ako sa pintuan nang may kumatok doon.

"Nuala, ano nang nangyayari diyan?"

Sinulyapan ko ang kuting na humiga na sa gilid ng pader at dinilaan ang kamay bago ako nagtungo sa pintuan. Binuksan ko ang pinto nang maliit at sumilip kay Kuya Lair.

I awkwardly laughed. "W-wala po! Hindi ko pa po siya tapos paliguan."

Nakatingala ako sa kaniya. Ang isang kamay niya ay nasa itaas ng pader katabi ng pinto at ang isa ay nakahawak sa doorknob. Nakasimangot siyang nakatungo sa akin na para bang may pagdududa pa sa mga mata. Umabante siya at mabilis na sumilip sa pagitan ng pinto.

Since he was taller, hindi ko naman maiharang ang katawan ko para mapigilan siyang sumilip kahit pa hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa nga siyang pigilan gawin 'yon. But in panic, I violently pushed the door close in his face that I could feel the floor shaking!

He yelled my name and I jolted on my spot. Ni-lock ko agad ang doorknob at lumayo roon sa pinto. Nanginginig na ako sa kaba na baka biglang sipain niya ang pinto para lang buksan ang pinto at pagalitan ako.

Lumipad ang tingin ko sa kuting nang ngumiyaw iyon at naglakad patungo sa pinto. Hinuli ko siya at dinala sa dibdib para protektahan kung sakali mang mabuksan ni Kuya Lair ang pinto.

Kumalma lang ako nang tumigil na sa pagkatok si Kuya Lair at wala na talaga akong narinig sa labas. At isang milagro din yata na nanahimik ang kuting habang pinaliliguan ko. Kaya naman tuwang-tuwa akong lumabas ng banyo bitbit siya na nakabalot pa sa tuwalya.

I was so eager to tell Kuya Lair about it when I remembered how I slammed the door in his face. I pulled my feet to stop and my head rotated by degrees in the direction I saw him in my peripheral view. The superiority of the dark aura around him sucked in the cheery vibe from me.

"K-Kuya..." 

I forced myself to cry before he could even walk toward me. I just thought it would work, so I cried my eyes out—and I didn't know how I made it in a short span of time—before he could reprimand me. 

"Wow," I heard him blurt unbelievably. "Ako 'tong sinaktan mo pero ikaw ang umiyak? Ayos ka rin, ah? Wala pa akong ginagawa at sinasabi niyan, ah?"

The kitten jumped off me so I paused in crying. I peeked through one eye and caught him running into the living room. Napaigtad ako nang may pumitik sa noo ko.

"Aw!" I pouted and shielded my forehead with a palm.

Nagpamaywang siya at yumuko para ilebel ang mukha naming dalawa. Iiyak sana ulit ako kaso hindi ko na alam kung paano ko ulit gagawin 'yon. My heart was racing while I was looking at him. Napansin ko rin 'yong namumula sa gitna ng noo niya at tungki ng ilong.

Tumaas ang kilay niya. "Wala ka bang sasabihin?"

Pinagdikit ko ang labi at ang mga kamay sa pagitan ng mukha namin. 

"I'm sorry po, Kuya Lair! I will gladly take any punishment for what I did if you want. Just don't get mad at me, please! I'll be a good girl na po!" tuloy-tuloy kong sinabi na halos hindi na huminga. 

I need to be kind to him since he's the only person I can rely on for now. It wouldn't hurt too much if I accept punishments from him, would it? Even if he doesn't tell, I know I've been a nuisance to him so a little bit of disciplinary action should be okay.

I was so ready for his response when I noticed the fiendish smirk playing on his lips. Gone is the spleen in his eyes in an instant.

"You're doing all the house chores for a month, then," he finally declared how to punish me.

I didn't see it as a punishment, though. In fact, mas gusto ko nga iyon. Maglilinis ako ng sala, kusina, kuwarto, at banyo. Tapos magluluto rin ako! Although I don't know how to cook. I told him about it so he taught me how to fry an egg first for our lunch.

"Iyan muna ang iluto mo. Bukas kita tuturuan ng iba nang matuto ka naman," aniya habang nasa kusina kami pagkatapos niya akong pakitaan kung paano magprito ng egg.

Standing straight. I opened my right hand, stuck all my fingers together, and placed the side tip of my forefinger on the right side of my eye.

"Aye, aye, Captain!" I saluted with my head held high.

He smirked and crouched. Hinawakan niya ang kamay ko at itinaas pa iyon hanggang sa nagtagpo ang dulo ng hintuturo ko at ng kanang kilay. Iniangat niya rin ang braso ko hanggang sa pahalang na iyon sa sahig at ang siko ay bahagyang nakahilig paharap.

"Keep your heels together with your toes apart at a 45-degree angle. At huwag kang tumangad." 

Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng ulo ko at ipinantay iyon sa kaniya na siyang nakayuko pa rin sa akin para lang magkaharap kami. Ang kaliwang kamay kong nakahawak sa gilid ng counter ay kinuha niya at inilagay sa gilid ko, nakaturo ang bawat dulo ng daliri sa sahig.

He smiled. "That's how you salute properly, little girl."

My legs wiggled as heat crawled from my neck up to my cheeks. Hinawi niya ang buhok na nakaharang sa gilid ng noo at tumayo nang maayos habang ako, estatwa pa rin sa harapan niya. 

"Aalis ako. Bantayan mo 'yang pusa mo pagkatapos mo diyan," paalam niya.

Naibaba ko ang kamay at hinawakan siya sa braso. "S-saan po kayo pupunta? Anong oras po kayo babalik?"

"Saglit lang ako."

Nawala sa hawak ko ang braso niya nang lumayo na siya. Tinanguan niya lang ako at tinalikuran para lumabas na ng kusina. Napalabi na lang ako at pinagmasdan siya. When he's finally out of my sight, I heaved out a sigh.

The next few days, I got used of doing some household chores. Hindi naman kasi araw-araw naglilinis ng buong kuwarto at mga kasuluk-sulukan pati ng banyo. I sweep the floor, use vacuum, and wash the dishes. Hindi na ako pinapunta ni Kuya Lair sa kusina para magluto.

Okay naman 'yong itlog na niluto ko noong una, e. Nakalimutan ko lang lagyan ng asin at patayin ang stove ng ilang minuto. 

"Nuala!" he shouted from wherever he was in our house.

I turned off the vacuum and ambled to the stair. Mula sa itaas ang sigaw niya, e. Ano kaya ang problema at kung makasigaw ay para bang may ginawa na naman akong hindi maganda? 

Hindi pa nga ako nakakaapak sa second floor, natagpuan ko na siyang nakahilig sa railings at kahindik-hindik na naman ang mga tingin sa akin. He was in fury and what made it worse for me to bring my feet to move was the fact that he was just wearing his black boxer shorts.

I gawked at his soft tan skin from his broad shoulders down to his ripped chest and abdomen. I swallowed hard and counted from one... to six in my mind. Almost eager to come closer and use my finger to be precise with my math.

Pero nang bumaba pa ang tingin ko sa kamay niya, halos lumuwa na ang eyeballs ko sa nakita. Hawak niya si Nugren sa batok nito! Padarag akong naglakad patungo sa kaniya at hinawakan si Nugren sa katawan. Ayaw niyang bitiwan pa ang kuting kaya tinampal ko ang kamay niya.

"Kuya Lair! Ba't n'yo naman po siya hinahawakan nang ganito? Animal abuse po 'yan!" asik ko nang nakuha na sa kaniya si Nugren. 

I hugged him and glared at my bodyguard. Nilagay niya sa kaliwang balakang ang kamay at itinagilid ang ulo habang nakayuko sa akin.

My poor, baby cat! I swore I'd be kind to Kuya Lair but if he'll hurt Nugren, I won't tolerate! Palibhasa ay alam niyang hindi siya malalabanan ng pusa.

"Anong animal abuse? Para sa kaalaman mo, bilog, hindi nasasaktan ang mga pusa kapag sa batok hinahawakan. Wait until you see how their mother carry them by their neck using her mouth. Baka sabihin mo, domestic violence naman?" he retorted and advanced to me.

I almost stumbled backward and pouted.

"Alam mo ba kung ano'ng ginawa niyang pusa mo? Ha?"

Umatras pa ako lalo at sinipat ang nananahimik na si Nugren bago tumingala kay Kuya Lair. "How would I know po? Nasa living room po ako naglilinis. Kayo po? Alam n'yo—aw!"

Sinimangutan ko siya nang pitikin niya nang mahina ang noo ko. He jerked his thumb behind him in the direction of the guest room he was using in this house.

"Your cat... your cat..." He groaned and shut his eyes, combing his hair in frustration using his fingers. 

Kinulong ng mga ngipin ko ang ibabang labi. Then, I put on a small smile of apology because I think I already know what's making him mad.

"K-Kuya Lair... hehe..."

He opened his eyes. Namumula, nanlilisik.

"Hehe? Hehe? Hehe!" pauit-ulit niya sa iba't ibang tono at taas ng boses. 

Napaatras ako sa takot. Umangat ang kaniyang dibdib kaya napatingin ako roon. Bumungisngis ako at pinagmasdan siyang galit na galit sa akin.

"Sorry na po! Aayusin ko na lang po ang ginulo ni Nugren! Please, stop being mad at me na po..." I said to compromise.

Ibinaba ko muna si Nugren at hinayaan siyang magpalaboy rito sa bahay bago ako lumapit kay Kuya Lair. Hindi siya nakatingin sa akin at ang panga niya ay paulit-ulit na gumagalaw. Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at hinaplos 'yon nang marahan.

"Kuya Lairgren," malambing kong tawag. "Sorry na po, please?"

Napatalon siya at namilog ang mga mata. His jaw locked as his gaze lowered to my hand on his wrist. Ilang sandali niyang tinitigan iyon bago binawi ang kamay.

He wouldn't even take a glance on my face. Tinalikuran na niya ako kaya kitang-kita naman ngayon ang batak niyang likod. I fought the urge to poke those dimples on his back with my point finger when words exited his mouth.

"Pagkatapos mong maglinis, mag-ayos ka," malamig niyang utas kasabay ng pagkuyom ng mga kamay niya. "Makikipagkita ka sa mga kaibigan mo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top