┊v. five : His thoughts
Elliot's POV
"Ikaw Eli ah, di mo naman sinabi sa akin na mayroon kang nadali agad sa tinder." He said while playfully smirking, agad ko naman siya binatukan bago luwagan ang neck-tie ko.
"Paano mo naman nasabi? Bilis mo makagawa ng konklusyon sa utak mo wala ka namang pruweba." sabi ko sa kanya sabay irap, bago kumuha ng tubig sa ref. I heard him sigh before walking towards me, inakbayan niya ako.
"Walang pruweba, hindi na kailangan ng pruweba Eli. Pagpasok ko sa kwarto mo nangamoy na eh, talagang hindi ka nga naglinis. Suggestion ko sa'yo palitan mo bedsheet mo." Hindi pa din nabura ang ngisi sa kanyang labi.
"At magtapon din ng basura ha, yung basurahan mo kasi sa kwarto mo puro used up na condoms ang laman, binilang ko pa nga eh mga lima nandoon, ganun pala katibay nahanap mo sa tinder." tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya sa akin bago pumasok sa loob ng kwarto ko.
"Hindi pa daw interesado sa tinder yan ah." Pangaasar niya pa lalo sa akin, konting konti na lang susuntukin ko na to, or ibalibag ko din kaya sa kama? Anong posisyon kaya magugustuhan nito?
"Kakaladkarin na kita palabas kapag hindi mo ititikom ang bibig mo at FYI lang ah, dinelete ko na yun pati account ko."
Narinig ko ang paghalakhak niya, "Ahhhhhh, kaya naman pala dinelete kasi pang long term na ang unang nahanap." siningkitan niya ko ng mata, pero hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso na sa loob ng cr. Bahala siyang kausapin ang sarili niya.
Habang naghihilamos ako, biglang sumagi sa isipan ko si Kia.
Why the hell is she occupying my mind. Elliot, wag kang tanga, isang gabi lang yon.
Minadali kong tapusin ang paglilinis ko sa katawan ko, nagbihis at kaagad na lumabas sa banyo. Nakita ko kaagad si Ashler na nakaupo sa may counter at may dalawang baso ng alak sa harap nya.
"Bilisan mo, tara inom. Napakabagal kumilos, pagong ka ba?" he asked in a mocking voice. Sinamaan ko sya ng tingin at lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi nya tsaka ininom ang isang basong alak.
"Sooooo, anong nangyaring kababalaghan kagabi?" tanong nya and I can see curiosity in his eyes.
Bakit ba wala akong maitagong sikreto sa mokong na 'to, lahat nalang nalalaman.
"Una sa lahat, iibahin ko na ang passcode ng condo ko. Pangalawa, wala akong gana ikwento sayo dahil baka mainggit ka lang" sabi ko at ngumiti ng nakakaloko.
"Ah ganyanan? Tandaan mo simula ngayon wala ka nang gwapong kaibigan ha, tangina mo Eli" he said at iniiwas sa akin ang paningin nya. Ayan nanaman sya sa pagiging isip bata nya, kelan ba titino 'tong kaibigan ko jusko.
"Eto na ikkwento na bwiset ka, basta tutulungan mo ako sa mga bagay kapag humihingi ako ng tulong ha. Malapit na simulan construction ng 2nd branch ko" pakikipagdeal ko sa kanya.
"Oo na sige na, oh kwento" umayos sya ng upo na akala mo makikinig sa teacher na naglelecture.
"Okay, edi kagabi nga nilagyan mo ng tinder yung phone ko. Pagkauwi ko, nabored lang ako so tinry ko buksan, then nag swipe swipe ako tapos puro babae lang naman din nakita ko, tapos aksidente kong naswipe right 'tong isa. Nagpanic pa ako kasi anong gagawin ko dba? Maya maya nagchat na sya tinanong ako kung bat ako nasa tinder, dapat nga sasagutin ko kung ano ba pake nya, pero sabi ko nalang, hindi ako interesado sa relationships pero down for a one night stand--" biglang tumayo si Ash at lumaki ang matang nakatingin sa akin kaya naputol ako sa pagsasalita.
"Bakit? Umupo ka nga para kang timang" sabi ko sa kanya. Lumapit sya sa akin at ipinatong ang kamay nya sa magkabila kong braso at tinignan ako sa mata. "Seryoso ka ba, 'tol?" gulat na tanong nya.
"Sa tingin mo ba magkkwento ako ng walang katuturan?" pabalik kong tanong sa kanya. "Hulaan mo sagot nya sa reply ko." ngumiti ako at itinaas nya ang kanyang kilay.
"Sabi nya guess what, I'm down too, tas may kiss emoji pa yon. Down kami pareho kaya sinabi ko sa kanya address ko at maya maya lang, andito na kaagad sya. Ayun lang naman" pagtatapos ko sa kwento ko.
Bumalik sya sa upuan nya kanina at hindi pa rin makapaniwalang inubos ang natitirang alak sa baso nya.
Ganon na ba sya kagulat sa ginawa ko? Ano akala nito sakin? Weak? Tsk
"Damn, I didn't know na you'd possibly do that. Wow, I'm.. I'm amazed" sabi nya. Umarte syang kunwaring naiiyak at kakamayan ako. Kinotongan ko naman sya.
I shook my head out of disbelief, "Ashler Miranza, the known womanizer. Amazed dahil mayroon akong nadali? Bakit hindi mo ba kayang gawin yun?" I teased him and he just did an uninteresting look.
"Kaya ko yun, araw-arawin pa nga eh." he said confidently. "It's just that I didn't expect you to actually do it."
"Tsk, ako lang to Ash." pag yayabang ko kunwari sa kanya, pero ang gago umiiyak parin kunwari na parang proud na proud amp.
"Kala ko nabakla ka na sa kagwapuhan ko." he backfired at binato ko siya ng throw pillow, daming alam nitong babaerong 'to.
"Pagkatapos nyan lumayas ka na ha, wala kang tulong." pag tataboy ko sa kanya.
"Eto naman, hindi mabiro. Maganda ba? Mukha ba siyang expensive?" muli niyang tanong, bigla ko tuloy naalala kanyang kabuoan.
She was gorgeous, and her smile that somehow captivated my attention when she was here inside my unit. She is rather atypical than other woman craving for sex, I don't know why but I'm intensly curious to know more about her and yet afraid to get attached.
"May itsura siya, and yes. Her sense of style is simple but she definitely looks expensive." mabilisang sagot ko kay Ashler at binigyan niya ako ng makahulugan na tingin. "Alam ko na nasa isip mo, hindi. It's just a one night experience, no more no less." pagdidipensa ko sa sarili ko kahit wala pa siyang sinasabi.
"Wala pa nga akong sinabi defensive na agad?" pangaasar niya pa sa akin.
"Pakyu ka talaga." sabi ko sabay iling.
"Ang gusto ko lang sabihin sa'yo, sundin mo lang ang puso mo. Try to lower your walls 'cause you only live once, masaktan na kung masaktan, isugal mo na lang." sabi ni Ashler bago ako iwan mag-isa sa unit ko.
I will never be ready to lower my defenses, because if I do, it will break her.
I don't want history to repeat itself.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top