06

Papalapit na siya nang makita niya si Ralph. Napangiti uli siya. Nakita na niya ito uli. Lalapit na sana siya nang may yumakap kaagad sa likod nito. Si Eunice. "Babe," tawag ni Eunice dito. Tumango lang si Ralph. "Ba't mo ako pinapapunta dito? May problema ba?"

Tatalikod na sana siya pero nakita na siya ni Eunice. Kinawayan pa siya nito. "Patricia, kanina ka pa tinatanong sa akin ni Tess. Pasok ka na," tumango nalang siya. Ni hindi niya na nga napansin si Ralph dahil sa kaba niya.

"Where was I? Oh yes! Pinapunta kita dito kasi namiss kita," saktong papasok na siya noon nang marinig niya iyon galing kay Eunice. Napahinto siya sa pintuan, parang ayaw niya nang pumasok sa loob dahil sa narinig niya. Nagulat pa siya nang may tumapik sa balikat niya. Si Ralph. "'Di ka papasok?" umiling lang siya at humarap kay Eunice.

"P-pakisabi na lang kay Tess na may pupuntahan pa pala ako. Bye," at dali-dali na siyang lumabas doon.

Napailing ako sa ginawang pagdadahilan kanina. Pagkatapos kasi nang nangyari ay naglagi na lang ako sa library at nagmukmok doon. Pagsapit ng ala una ay dumiretso na ako sa aming classroom kung saan kami magpapractical exam sa organic chemistry. Hanggang ngayon ay misteryo pa rin sa akin kung paano ko na iraos ang practical exam kanina.

Pagkatapos ng lahat ng kaganapan sa eskwelahan ay nagpasiya na din akong umuwi kahit na may usapan kami ni Tess na magsabay na lamang sa kadahilanang sa bahay namin siya makikitulog kasi wala sina tita at tito, magsecelebrate daw kasi ang mga ito ng Silver anniversary nila sa ibang bansa at baka daw magtagal pa ng ilang araw doon. Natatakot daw siya sa bahay nila kahit pa kasama niya sina ate Yollie at ate Jessa, mga kasama nila sa bahay.

Inasikaso ko na lang ang mga gagamitin ni Tess sa ilang araw na overnight niya dito. Sa kwarto ko din naman siya matutulog.  Kinuha ko ang dalawang extra na mattress sa storage room at ipinagpatong iyon para pumantay ng kaunti sa kama ko. Kumuha na din ako ng mga extra na unan at kumot para sa kaniya. Nasa paglalagay na ako ng bedsheet nang may pumalakpak malapit sa pintuan. Paglingon ko, ang pinsan ko lang pala, na tinataas baba pa ang mga kilay na nakatunghay sa akin.

"Sabi sa akin ni Eunice, pumunta ka daw sa auditorium pero nagmamadali ka ding umalis. Bakit?" nakahalukipkip siyang nagtanong sa akin habang tinitingnan niya ang ginagawa ko. "Oo. May nakalimutan kasi akong gawin. Naalala ko lang ng papasok na ako sa audi kaya hindi na lang ako tumuloy."

"Talaga?" pumasok na siya sa kwarto at umupo sa kama. "Nakita ko si Ralph sa audi," nakatingin pa rin siya sa akin na para bang hinihintay niya kung ano ang magiging reaksiyon ko sa sinabi niya. "Talaga?" sabi ko at pinagpatuloy pa rin ang ginagawa.

"Hay nako! Wala ka man lang bang itatanong? Violent reactions, opinions or suggestions? Sabi ko nandoon si Ralph sa audi," reklamo nito. Tiningnan ko lang siya at pinaikutan ng mata. "Hindi ako bingi Tess. Narinig kong magkasama si Ralph at si Eunice papasok sa audi. Anong big deal doon? Magjowa naman sila," ganti ko at napahiga sa prinepare na matutulugan ni Tess.

"Wala akong sinabing magkasama sila Ralph at Eunice papa-" napatigil si Tess sa sasabihin at bahagyang lumaki ang mata at napa-oh na lamang. "So nakita mo pala silang dalawa papasok kaya hindi ka na tumuloy, gan'on ba?" tumango na lang ako. Napatahimik siya saglit kaya napatingin ako sa kaniya. Humiga na din siya sa kama ko at lumingon sa akin. "Ano ba talagang nangyari?" napabuntong hininga ako at sinabi ang nangyari kanina.

Tess is like a sister to me. Only child din kasi si Tess kaya naghahanap din ito ng kapatid. Sakto namang magkaedad kami kaya kami parati ang nagkakaintindihan lalo na't magkapitbahay lang kami.

"Iyan lang ba ang pinuputok ng butsi mo? Naku Patch! Lumang style na iyan. Ang obvious mong magselos", inirapan siya ni Tess. "Hindi ako nagseselos!" depensa ko naman. Pinitik naman niya ako sa noo. "Utuin mo lelang mo, huwag ang lelang ko," ano daw?

"Umuwi ka na nga sa inyo. Doon ka matulog," akma kong kukunin ang kumot at unan nang pinigilan niya ako. "Huwag na mang ganyanan couz. Katakot sa bahay. Atsaka umuwi muna sina ate Yollie at ate Jessa sa kanilang mga probinsiya. Next week pa ang uwi nila," hila niya sa kumot at unan. Hinablot ko na lang ulit sa kaniya at inayos ulit sa magiging kama niya.

"Anyway, hindi naman din nagtagal si Ralph doon. Pagkatapos nga niyang maihatid si Eunice sa stage ay agad din itong umalis. Take note tumakbo siya couz, tumakbo," inakyat baba niya ulit ang mga kilay. "Gaga naman din kasi 'tong si Eunice."

Napakunot-noo ako sa sinabi ni Tess, "bakit naman?"

"Paano ba naman. Katulad sa sinabi mo kanina, tinawagan niya si Ralph. Aba! Pinapunta lang sa audi kasi namiss niya ito. Minus sa yakap na hindi ko naman nakita at ikaw ang nakakita. Oops!" napatakip siya ng bibig sa sinabi. "Ayun, nagpahatid pa sa loob ang gaga. Si Ralph naman go lang din. Sabi ni Nikko my loves so sweet sa akin, busy daw ang mga whole year ng mga CE students ngayon kahit midterms kasi nagaundergo for accreditation ang department nila and isa si Ralph sa naging representatives for third year CE students. Kajirits lang lalo si Eunice. Ang arte," napakunwaring suka pa ito sa sinabi. Napailing na lang ako. Kaya pala ilang linggo na din itong hindi nakakapunta sa bahay at puro mukha nina Gelo at Lance ang nakikita ko. Si Miko naman, ayun, busy sa jowa niyang si Ara.

"Iniisip mo na naman ba si Ralph?" sundot niya sa akin. Napaigtad ako sa gulat kaya nahampas ko siya sa balikat. "Aray! Nananakit ka na Patch!" akma na din sana niya akong hampasin nang up tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya ito at agad na inaccept ang call. Agad namang tumambad ang mukha ni tita Terry at sa likod naman nito ay si tito Mario.

"Hi mother dear and father dear! Nakabuo na ba kayo? May baby brother at baby sister na ba ako?" walang hiya talaga itong si Tess. Kahit sina tito at tita walang lusot sa kapilyahan niya. Napailing na lamang ako. "Naku kang bata ka. Ang bibig mo talaga! Oh hi Patchi dear!" kumaway naman din ako sa kanila. "Hi po tita, tito. Musta na po sa Paris?" napansin ko kasi background nila, 'di kalayuan sa eiffel tower.

"Paano mo nalaman?" tanong ni tita at napatingin silang dalawa sa likod. Napatawa ang mga ito, "oh! Eiffel tower pala ang background natin hon," sabi ni tito Mario na kapatid ni papa. Napalingon ulit si tita sa gawi namin. "Anyway, nangangamusta lang din ako sa iyo anak," sabi ni tita.

"Don't worry about me. Andito po ako sa bahay nina Patchi. Dito po muna ako pansamantala habang wala kayo. Nakakatakot kayang mag-isa. Wala din sina ate Yollie kaya mas nakakatakot talaga," sabi ni Tess sa nagpapaawang boses. Hindi naman sa ayaw ni tita Terry na makitulog si Tess sa amin,  kawawa daw kasi ang bahay kung walang nakatira. Magmumukhang haunted. Saglit na napatahimik si tita. "Hayaan mo muna ang anak natin, hon. Mas magandang andiyan siya kina kuya para mabantayan na din," sabi naman ni tito. Napabuntong hininga naman si tita at napatango na lang din. "Ano pa bang magagawa ko. Basta make sure na ichecheck mo padin everyday ang bahay anak. Nasa kabila lang naman din ang bahay natin. Kung natatakot ka, magpasama ka kay Patchi dear," napatango naman din si Tess kaya sumang-ayon na din ako. "Okay po tita."

Pagkatapos ng video call nina tita ay may kumatok din sa pintuan. "Baba na kayo, magdidinner na tayo maya-maya," sabi ni mama nang naka business attire pa. Mukhang kakauwi lang din yata nila galing sa trabaho. "Good evening po tita," sabay halik ni Tess sa pisngi ni mama. Ganoon din ang ginawa ko. "Sige na. Magbihis ka na din Tess. Nakauniform ka pa pala," napatingin ako sa suot niya kaya napatingin din siya. "Kuha po muna ako ng ilang damit ko sa bahay tita. Pasama ako Patch," at hinila na niya ako pababa ng hagdan at papunta sa kanilang bahay.

Nasa labas na kami nang bahay nang may pumarada na pamilyar na sasakyan. Sasakyan ni Ralph. Unang bumaba si kuya Lorenz na nakaupo sa shotgun seat. Sabay naman na nakababa sina Gelo at Lance. "Oh, saan kayo galing na dalawa?" salubong ni kuya sa amin. Akmang magmamano si Tess sa kaniya pero naiwas niya ang niya. "Mano po 'tay," biro pa ni Tess. "Diyan lang sa bahay namin kuya. Kumuha lang ako ng mga damit ko," paliwanag naman ni Tess. "Oh! Hi Lance, hi Gelo! Makikikain din ba kayo dito?" tinapik ko ang balikat ni Tess at napatingin sa akin. "What?" at napatingin ulit kina Lance at Gelo na ngayo'y nakahawak sa kanilang mga batok.

"Huwag na kayong mahiya. Makikikain at tulog nga ako sa kanila ngayon eh," pumunta si Tess kina Lance at Gelo at hinila na sila papasok. Binigay naman niya ang kaniyang duffle bag sa akin. "Pakibitbit Patch, thank you," napailing na lang ako. Tiningnan ko ang pigura ng tatlong papalayo at napabaling kay kuya at sa driver ng sasakyan. Hinihintay kong bumaba si Ralph pero ang bintana lang sa shotgun seat ang ibinaba niya.

"Renz, una na ako. Maaga pa ako bukas," sabi ni Ralph. Hindi niya yata ako nakita dahil busy din ito sa kakakalikot sa cellphone niya. "Kumain ka na muna dito para pag uwi mo sa bahay niyo diretso ka na tulog. Ilang araw ka ding hindi nakita nina mama, 'di ba Patch?" nagulat ako sa pagtawag ni kuya sa akin kaya naman napatango na lang ako. Maging si Ralph ay napatingin sa gawi ko. "Sige na."

Nakita kong nagdadalawang isip pa si Ralph kaya naman nagpaalam na ako sa kanila. "Una na ako kuya, hatid ko lang muna itong bag ni Tess sa kwarto," napatango lang din si kuya. Tiningnan ko si Ralph sa loob ng kotse niya. Tinanguan at nginitian din siya. Ganoon din ang ginawa niya minus ang ngiti. Narinig ko na lamang na may lumabas sa kotse. Kahit masungit siya ngayon, okay lang, napangiti pa rin ako.

to be continued...

xx

Hi chingus! Ang raming nangyari over the past few months kaya ngayon lang ulit nakapag update. Sinikap ko talagang makapag update ngayon para may ambag ako ngayong christmas 🤣 (charoot!). Anyway, Don't forget the reason why we are celebrating christmas 😍 Love you all 😍😍💖😍😍 Happy birthday papa Jesus and merry christmas to all 🤗🤗🤗

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top