04

"Oh! You're here na already?" kuya Renz asked me. Pati iba niyang mga kaibigan ay napatingin din sa gawi ko at binati ako. Ngumiti ako ng bahagya at tumango sa kanila. Halos lahat ng kaibigan ni kuya ay kilala ko na at naging close pa sa kadahilanang parati silang dito sa bahay tumatambay. Si Ralph lang yata ang exception kasi parati akong natatameme kapag andiyan siya. Naramdaman kong may papalapit sa likod ko kaya nama'y tumabi ako sa gilid.

"Nakisabay ako kay Ralph kuya. Sabi kasi niya papunta din siya dito sa bahay kaya sumabay nalang ako sa kaniya," napatango lang si kuya. 

"Magkasama pala kayong dalawa?" tanong ni Gelo. Tumango lang din si Ralph kay Gelo.

"Kanina pa kayong magkasama nang kayong dalawa lang?" confuse na tanong ni kuya at tumingin kay Ralph. Napatingin na din ako kay Ralph at nakitang napaigting na din ang panga nito. Magsasalita na sana si Ralph pero inunahan ko na siya. "Nagkita kami sa cafe kuya, kasama niya din si Eunice. Kasama ko din nung time na iyon si Tess kasi nagrereview kami. Timing din na tinawagan ang dalawa na may biglaang meeting sila kaya naiwan kaming dalawa," napatango lang si kuya at napatingin kay Ralph. Ewan ko pero tumahimik lang bigla na para bang may dumaan na anghel. Pasalamat nalang at may tumikhim. Hindi ko na inabala kung sino iyon.

"Oy! Oy! Awat na! Sige na Patch, kami na bahala dito," sabi ni Gelo at inakbayan si kuya. Yung isa naman nilang kaibigan na si Miko ay lumapit naman kay Ralph.

Sinunod ko na lang ang sinabi ni Gelo at pumunta sa kusina. Kukuha muna ako ng makakain at maiinom bago umakyat para hindi ako makaistorbo kina kuya mamaya.

Paakyat na sana ako nang tinawag ako ni Lance. Isa din sa mga barkada ni kuya. Kaya bumalik muna ako sa sala kung saan sila nakapwesto. "Bakit? May kailangan kayo?" napansin ko ding nawala si kuya pati si Ralph pero hindi na ako nagtanong. Baka iba pa ang isipin nila.

"Magpapatulong sana ako," sabi ni Miko kaya napatingin naman ako sa kaniya.

"Tulong? Para saan naman?" napakunot-noo na ako. Saan ko naman siya matutulungan? Sa pagkakaalam ko ay dean's lister ito sa department nila.

"I just want to ask for your opinion Patch. Nagtampo kasi sa akin yung girlfriend ko. Wala naman akong nagawang kasalanan. I just wanna know your thoughts about this. Baka matulungan mo ako. Kanina pa kami dito pero walang maitulong 'tong mga lalaking 'to," sabay tingin sa dalawang kaibigang nakatingin lang sa kani-kanilang cellphones.

"Dude! Akala namin emergency. Ito lang pala problema mo. Ano kasing ginawa mo at nagtampo sa iyo si Ara?" sulyap ni Gelo at binalik ang tingin sa cellphone.

"Wala nga kasi akong ginawa. Bro, tayo-tayo lang magkakasama kahapon sa birthday party ni Joseph."

"Sinabi mo ba sa kaniya?" sabat naman ni Lance na hindi din inaalis ang mata sa cellphone. Naglalaro yata ang dalawa.

"Na alin?"

"Na andun din si Eya, yung pinsan ni Joseph."

Nalito ako sa sinabi ni Lance. Anong problema kung andun yung Eya? Pasalamat nalang at si Miko ang nagtanong. Magiging tsismosa pa ako ng wala sa oras.

"Ba't naman nasali si Eya dito?" litong tanong ni Miko. Kahit ako nalilito sa kanila. Palipat lipat din ako ng tingin kung sinong nagsasalita sa kanila.

"Siyempre, nalilink sa iyo yung tao," tumingin muna si Lance kay Miko bago pinagpatuloy ang pagdutdot sa kaniyang cellphone.

"Wala. Hindi naman importante iyon 'di ba? Expected naman din kasing andiyan talaga si Eya kasi pinsan niya yung may birthday," paliwanag ni Miko. I sighed. May selosang naganap pala.

"Baka doon siya nagtampo sa iyo?" napatingin sa akin si Miko na nakakunot ang noo. "I mean, yeah, expected na andun yung Eya kasi nga pinsan nung nagbirthday pero its a must din na sabihin mo kung sino-sino ang mga kasama mo last night kahit hindi niya pa iyan kilala."

"Pero kasi Patch. Kami lang naman talagang magkakabarkada ang andoon pati ang mga relatives ng kaibigan namin. Nagpaalam ako ng maayos sa kaniya. Sinabihan ko pa siya kung gusto niyang sumama pero sabi lang niya na okay lang siya. Na time ko ito with my friends. Ang gulo lang," napabuntong-hininga ako. Napakamot ako sa ulo ko kahit hindi naman makati. Dapat si ate Kirsten ang tinatanong nila about dito. Wala naman din kasi akong mga experiences sa mga ganito. 

Oo, nagseselos naman din ako. Pero nagseselos lang naman ako sa mga babaeng nakadikit kay Ralph pero 'di ko naman din masabi sabi kasi sino ba naman ako? Ang gulo lang.

"Ganiyan talaga yata kaming mga babae. Minsan kasi kahit sabihin naming okay lang kami, parang may kung ano sa amin deep inside na 'sana mafeel niyang hindi ako okay'. Or for example yung nangyayari sa inyo ngayon ni Ara na she let you go with your friends pero baka deep inside gusto niyang sabihin sa iyo na 'sana ako na lang samahan niya instead of his friends' or 'sana mag update din siya kung ano na ang ginagawa nila' or 'sana pinilit man lang niya ako hanggang sa pumayag ako'. Yung mga ganiyang bagay. Specially ito palang si girl, nililink pa sa iyo. Syempre kung ako magiging girlfriend mo--,"

"Anong girlfriend girlfriend iyang pinagsasabi mo, Patricia?" - kuya
"Miko, ano ito?" - Ralph

Napatingin naman kaming dalawa sa papalapit sa amin. Pati ang dalawang kanina pa sa cellphone nakatutok ay napatitig din.

"Ano? Magtititigan nalang tayo dito, ganon?" untag ni kuya kaya ako na ang nagsalita.

"Miko is asking me for my 'opinion' kuya," talagang inemphasize ko ang word na opinion kasi parang nangangain na ng tao si kuya sa itsura niya ngayon. I sighed. Kahit sa mga kaibigan niya walang pinapalampas. Napakaprotective talaga.

"Kaya nga andito kami para makatulong dude. Ba't mo pa kailangang magtanong kay Patchi?" si Ralph naman ngayon ang nagtatanong kay Miko. Napakamot ulit ako sa ulo ko. Ganon ba talaga ka big deal? Nagtanong lang naman si Miko.

"Nagtatanong lang naman bro. Kung makabakod naman..." napatingin ako kay Miko nang nakakunot ang noo dahil hindi ko narinig yung huli niyang sinabi. Napatingin din ako kina Lance at Gelo na ngayon naman nakangiting nakatingin banda kina kuya. Napaismid nalang ako. Baka it's one of their inside jokes again na hindi ko talaga magets gets. Napabaling ulit ako kay Miko.

"Basta Miks, next time update update din kay Ara para hindi na lumaki ang gulo. Sabi pa nga ni Lance na itong si Eya ay nalilink pa sa iyo. Of course, hindi mapapanatag iyon at mapaparanoid yung tao kung ano ng nangyayari kahit sabihin pa niyang magpakasaya ka kasama ng mga barkada mo and specially if sa iba pa niya malaman," tumayo na ako sa kinauupuan ko at kinuha na din ang mga pagkain na dadalhin ko sa kwarto.

"Thanks, Patch. You're a great help," lumingon ako at nagsmile nalang.

"Kapag ikaw naman ang may problema sa buhay pag-ibig sabihan mo lang ako asdfgghjkl," dagdag ni Miko. Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sasabihin kasi tinakpan na ni Ralph ang bibig nito.

"Ang ingay mo. Kung puntahan mo na kaya si Ara ngayon sa kanila para makapag-ayos na kayong dalawa."

"Ano ba, ang kj naman nitong si Ralph porke't nagkasabay lang kayo ni asdfghjkl..." hindi na ako nakinig sa kanila kasi may mga pag-aaralan pa ako.

"Focus on your studies, Patchi. Tsaka na iyang lovelife mo," I whispered to myself.

Ilang oras na naman akong nakababad sa mga hand outs ko. Pinikit ko muna sandali ang aking mga mata at inunat-unat ang katawan then tiningnan ang oras. Pasado alas siete na.

"Alas tres akong nakauwi. Nakauwi na din yata sila Ralph ngayon," nagmumuni muni pa ako nang may kumatok sa pintuan at tumambad si ate Kirsten. Nakauwi na din pala si ate. "Patch, dinner is ready na. Kain muna bago study ulit," napasmile ako kay ate at tumango.

Sumabay na din akong bumaba kay ate. Napasulyap pa ako sa sala nagbabakasakaling andiyan pa ang mga kaibigan ni kuya pero wala ng tao. Nalungkot ako ng bahagya kasi hindi man lang sila nagpaalam. Pero sino naman din ako 'di ba?

Napailing nalang ako sa mga naiisip ko. Dumiretso na ako sa dining room at laking gulat ko nang makita ang mga kaibigan ni kuya sa hapagkainan. Si Miko at Lance lang ang hindi ko makita. Baka umalis na si Miko para suyuin si Ara. Si Lance naman, hindi ko alam baka umuwi na sa kanila. Nagkibit balikat nalang ako at pupunta na sana sa pwesto ko kung saan makakatabi ko si Ralph pero naunahan ako ni ate.

"Oh, Patch. Ba't nakatayo ka pa diyan? Halika na dito. Tabi ka na kay Gelo," saad ni ate habang paupo na din sa tabi ni Ralph. Ako dapat ang andiyan sa tabi ni Ralph.

Napailing ulit ako sa mga naiisip at tumabi nalang kay Gelo. Saktong dumating naman si Lance na kakahugas lang din ng kamay. Kaya pala wala.

"Sina mama at papa pala?" tanong ko ng hindi makita sila mama at papa.

"Late na silang makakauwi ngayon. May conference daw silang dinaluhan sa Pampanga. Doon na din yata sila magdidinner," sabi ni ate at binigay sa akin ang bandehado ng kanin.

Nagsandok na din ako ng kanin sa plato ko. Aabutin ko na sana ang ulam nang kinuha ito ni Lance at pinaglagyan ako. Napatingin ako sa ginawa niya. Hindi lang pala ako. Halos lahat kami na nasa mesa napatingin sa kaniya.

"What? Masama bang sandukan ng adobo si Patch?" napailing ang katabi ko at kumain nalang ulit. Ako na ang nagbalik ng bowl ng adobo sa lamesa. Kukuha din sana ako ng soup nang si Gelo ang nagsandok para sa akin. Titingin na sana ako pero inunahan na ni Gelo.

"Oh. Titingin din kayo sa akin? Kaharap ko lang yung bowl ng soup, siyempre mainit. Baka matapon, sa akin pa mapunta," at binigay sa akin ang kinuha niyang soup para sa akin. Gano'n ba ako kaclumsy? Napaismid ako kay Gelo at inirapan din siya.

"Alam niyo Gelo at Lance, ipagpatuloy niyo lang. Wala namang umaangal 'di ba?" sabi ni ate na nakatingin kay Ralph. Tumawa lang ang dalawa at napatingin din  kay Ralph. Si kuya naman ay napapailing lang. Ano ba talagang nangyayari? Ba't parang ako lang ang may walang alam? It's getting really awkward actually.

Nasa left side ko si Gelo, si Lance naman ang nasa right side ko. Si Ralph naman ang nasa harapan ko. Si kuya Renz ang kaharap ni Gelo at ang kaharap naman ni Lance ay si ate.

"Don't you worry ate. Prinsesa kaya itong si Patch ng barkada. 'Di ba, Lance?" ani Gelo.

"Of course, 'di ba, Ralph?" pagsang-ayon ni Lance sa sinabi ni Gelo. Tumingin din ito kay Ralph.

"Kumain na nga kayo. Ginugulo niyo pa si Patchi eh," nagulat ako ng inusog niya kaunti papunta sa akin ang isang platito ng atsara. "Paborito mo 'to 'di ba?"

Napatango lang ako at nagpasalamat. Nakalimutang hindi niya nasagot ang tanong nina Gelo at Lance para sa kaniya.

"Palusot pa eh," ubo ni Lance.

to be continued...

xx

Nakapag update ulit. Kinda busy sa work ngayon pero nasingit ko ito.

Anyway, so excited this coming April 25 para kay Kisses para sa birthday concert niya kahit hindi ako makakapunta. Sa makakapunta, please send my hugs and kisses to her. Char!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top