03

"What a stressful day!" bungad sa akin ni Tess na ang raming dalang hand-outs. Kinuha ko ang iba para hindi na siya mahirapan. Andito kami sa isang malapit na cafe sa school. Puno kasi ang dalawang library namin. Pati ang e-library puno din. Ganito talaga ang epekto sa mga estudyante kapag exam week na.

"Napakahaggard ko na ba talaga tingnan, Patch?" Tess asked then sighed. Gusto kong sabihin na hindi para macomfort siya pero napatango ako sa kaniya. Ayokong magsinungaling. Mas lalo siyang lumugmok sa kinauupuan niya. Napapatingin na sa amin ang iilang customers. "Tess? May problema ba?" 

Tiningnan lang ako ng aking pinsan at ginulo na naman niya ang kaniyang buhok. Nagtanong siya. Sinagot ko lang naman. Tatapikin ko na sana siya nang umangat ulit ang kaniyang ulo at tiningnan ako. "Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?" iling lang ang sagot ko.

"Then why?" napatayo pa siya niyan sa harapan ko. Napatayo ako ng wala sa oras at pinakalma siya. "Ano ba kasi talaga ang nangyari? Wala ka namang boyfriend kaya ba't ka ipagpapalit?"

"Ganon? So lahat nalang may kinalaman sa pagjojowa? Hindi lovelife ang tinutukoy ko," pagdadrama na naman niya. "Eh ano?"

"Alam mo naman na I love being in the stage 'di ba? Kaya nga ako sumali sa theater arts guild natin eh," napatango nalang ako urging her to continue what she's saying. Napahalukipkip siya sa braso bago siya magsalita ulit, "and alam mo naman din na gustong-gusto ko makuha yung main role sa play namin ngayon."

"Yes and let me guess. Hindi ikaw yung gaganap na bida?" she then rolled her eyes.

"Well at first okay lang sa akin kasi alam ko naman na mas deserving yung iba kong mga seniors sa guild and meron pa namang next time pero nung nalaman ko kung sino yung napili nila? Hindi ko matanggap. Hindi talaga katanggap-tanggap."

"Sino ba kasi yung nagpapabeastmode sa iyo ngayon?" sasabihin na sana ni Tess ang pangalan pero may tumawag sa kaniya. Nakita ko kung paanong napalitan ng pagkagalit ang kaniyang mukha. Tiningnan ko din kung saan siya napalingon. Seriously?

"Hi there Tess. Hi, Patricia," hindi ako umimik kasi nakatingin ako sa mga brasong nakadantay kay Ralph ngayon. "Eunice," simpleng sagot ni Tess pero may diin sa pagkakasabi niya. 

"Pwede bang makiupo sa inyo? Wala na kasing bakante. Magkakilala naman tayo, kaya is it okay?" tanong ni Eunice sa amin. 

"Okay." - me

"Hindi pwede." - Tess

Pasimple kong sinipa sa ilalim ng lamesa si Tess kaya napatingin siya sa akin na nakataas ang kilay. Ayoko naman ding maging bastos. May dalawang bakanteng upuan naman talaga sa table namin. Napahinga ng malalim si Tess at ngumiti ng pilit sa harap nila, "I mean. Hindi pwede kasi magiging third and fourth wheel lang kami ni Patchi. Pero wala naman ding masama 'di ba?" 

"Yey! Thank you, Tess. Patch. Babe, okay lang ba na ikaw na magorder para sa atin? Please," paglalambing ni Eunice kay Ralph. Tumango lang si Ralph at tumungo na sa counter. Actually, simula nang nakita ko siya, parang na sa kaniya na naman ang atensiyon ko. Hindi ko mapigiliang ngumiti kasi naalala ko na naman ang ginawa niya last week. 3 boxes of donuts.

"Aray!" tiningnan ko ng masama si Tess kasi sinipa niya ako pabalik. Naghihiganti kanina sa pagsipa ko sa kaniya pero nginuso niya ang nakatinging si Eunice sa akin. Shocks!  Nakalimutan kong andito pala ang girlfriend nung pinapantasya ko. Napakamot nalang tuloy ako sa ulo at napatungo.

"I'm really excited to work with you sa play, Tess. Sabi ng seniors natin you act so well. Akala ko nga, ikaw ang pipiliin nila kaysa sa akin," nakangiting sabi ni Eunice. Napatingin ako kay Tess ngayon na mas tumaas pa ang kilay. Napa silent-'ohhh' na lang ako. So, ang nagpapabeastmode sa bestfriend ko ngayon ay si Eunice. Siya ang salarin!

"Yeah! Akala ko nga talaga pero I guess deserve mo naman din. Deserve mong maging bida kasi pabida ka din," balik naman ni Tess kay Eunice. Nagpapasalamat ako at hindi yata narinig ni Eunice ang binulong ni Tess. Pasalamat din na bumalik na si Ralph.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa sa mga hand outs ko nang parehas tumunog ang mga cellphone nina Tess at Eunice. Napatingin ako sa dalawa then napatingin ako kay Ralph na nakitingin kay Eunice ngayon. Ang sarap yata sa pakiramdam kung ganiyan din ako titigan ni Ralph.

Napaigtad ako ng may tumapik sa balikat ko. "You okay, Patchi," tanong ni Tess. "Y-yeah."

"Pinapapunta kami sa office ng theater arts. Baka matagalan ako doon. Is it okay? Nagpromise pa naman ako sa'yo na sabay tayo ngayon uuwi," Tess pouted then I laughed.

"Yeah, sure. It's okay Tess. Magpapasundo nalang ako kuya Lorenz," I guess nasa bahay lang naman din yun ngayon.

"Thank you and sorry. Bawi ako next time. May oras ulit kayo ni Ralph. Ako na bahala kay Eunice. Eunice tara na," napailing nalang ako sa binulong ni Tess.

"Wait lang. Bye babe. Bye Patch," kaway ni Eunice sa akin at bineso si Ralph. Ang sakit pala sa mata yung harap-harapang pagpi-PDA ng iba. Napayuko ako at tinuon nalang ang atensiyon sa mga kumakaway na mga hand-outs sa akin.

Minutes passed and may dead air na naman. Sinikap ko nalang tapusin basahin ang handouts ko at pagkatapos niyon, aalis na din ako.

"Patch, here. Can I ask--" nasa last page na ako nang may naglapag ng isang tasa ng kape at nagsalita sa harapan ko. 

"Patch? Are you okay?" kaway kaway ni Ralph sa harap ko. "Y-yeah, I'm okay. Nagulat lang ako slight kasi akala ko umalis ka na din."

"Ganon ba?" balik-tanong niya sa akin kaya tumango nalang ako bilang sagot at nagpasalamat sa binigay niyang kape. Tahimik na naman kaya tinanong ko na siya kung ano yung dapat niyang itanong sa akin kani-kanina lang.

"Anyway, ano ba iyon?" nilapag ko muna ang tasa at tiningnan siya.

"Itatanong ko lang sana if okay lang bang sabay nalang tayo pumunta sa bahay niyo?"

"Ha?" napatulala ulit ako sa narinig ko.

"Narinig ko kasi kanina nung nag-uusap kayo ni Tess na magpapasundo ka kay Renz. Nagmessage ako sa kaniya ngayon ngayon lang. Hindi siya makaalis sa bahay kasi andoon ang barkada. Ako nalang kulang kaya para 'di ka na mahirapan, sabay nalang tayo," pinaprocess pa ng utak ko lahat ng sinabi niya.

Hindi ako mapupuntahan ni kuya kasi may mga bisita siya kaya nag offer si Ralph kung pwedeng sabay nalang kami kasi doon din siya papunta sa bahay namin. Ting! Kinilig ako pero dapat 'di magpahalata kaya tango lang ang sinagot ko.

Dali-dali kong tinapos ang ginagawa ko at sinalangpak lahat ng gamit sa bag ko pero siyempre kinuha ko muna ang cellphone ko at tinignan ang sariling repleksiyon ginawa ko na ding suklay ang mga kamay ko. Nakita kong napatigil si Ralph sa ginagawa din niya kasi napatingin siya sa ginagawa ko.

"W-what? Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng nag-aayos?" napasmile siya pero umiling din. "Hindi pero ngayon lang ako nakakita ng babaeng titingnan lang ang reflection sa salamin at gagawing suklay ang kamay tapos off to go na. Napakasimple mo talaga. Kaya," napatigil siya sa dapat niyang sabihin.

"Kaya? Ano?" tanong ko. Napatulala siya ng ilang minuto at umiling ulit. "Wala."

"Kaya ano nga?" ang ayoko pa naman sa lahat yung may sinasabi pero hindi naman tinatapos. "Wala nga sabi. Kaya..." I rolled my eyes at him. Ayan na naman siya sa 'kaya' niya.

"Kaya halika na. Tapos ka na 'di ba?" tumayo na siya at mabilis na lumabas ng cafe kaya naman dali-dali na din akong lumabas. Takot ko na lang na iwan niya ako dito. Makakatipid pa si kuya ng pang-gas niya.


to be continued...

xx

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top