01



~All I can see is him. All I can see is his everything. And all I can say is ...

He have my heart.



Kaibigan siya ng kuya ko. Actually, bestfriend niya pa nga. Madalas ko silang nakikita sa labas kasama pa ang iba pa nilang mga kaibigan.

I don't know why I'm so fond of him. "Infatuation lang iyan Pat. Don't be bothered about it. Lahat naman tayo dumadaan diyan," sabi ng aking bestfriend at pinsan na si Tess.

Sa mga panahong iyon, hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang mga salitang like, infatuation, love. Ano ba ang kaibahan niyon? Lahat naman iyon may admiration na kaakibat 'di ba?

Nagtanong na din ako kay mama pero hindi naman niya talaga ako sinagot. Sinabihan lang niya ako nang "naku, ikaw'ng bata ka. Mag-aral ka munang mabuti. Pag ika'y nakatapos na sa pag-aaral tsaka mo iyan problemahin. Hala sige, pasok sa kwarto mo't mag-aral ka ng mabuti," wala man lang akong nagawang pagtutol noon.

Dumating ang araw na nagkaroon din ako nang lakas ng loob para magtapat ng nararamdaman ko. Second year college na ako at third year naman sila kuya.

Papunta na ako noon sa gym dahil isa siya sa mga tinitiliang mga varsity players sa aming university. Ang lakas pa talaga ng loob kong pumasok sa gym. Ang ingay. Napakaingay kumpara sa mga naglipana nilang mga practice games. Nakapagtataka at crowded ang gym nang mga panahon na iyon.

"Ang sweet naman ng lalaking iyan. Sana pag ako ang magkaboyfriend, singgwapo at kisig din niya."

"Go #10! Sagutin mo na iyan miss!"

"Oh my gosh! So romantic."

Ito ang iilan kong narinig. Number 10? Kinabahan ako. Yun ang number ng jersey niya. Pinilit kong makipagsiksikan sa mga tao. Hindi na ako nagsosorry kung may nabangga o natapakan man ako. Ang gusto ko ngayon ay makita kung ano ba talaga ang nangyayari.

Nakaluhod siya habang nakangiti at nakatingala sa isang babaeng ubod ng ganda. Naalala ko siya. Siya yung nanalo sa Miss Nursing nung nakaraang taon.

"Can I be your man?" tanong niya sa babae.

"Yes!" ganting sagot naman nito.

Ilang sandali ay napuno ang gym ng hiyawan, sigawan at tawanan. Lahat sila ay nagsasaya dahil sa nangyari. Hindi ba nila alam na may nagdudusa din?

Nalaglag ang love letter na ginawa ko kasabay ng pagdaloy ng rumaragasang mga luha sa aking pisngi. Hindi na ako nag-abala pang pulutin ang sulat na para dapat sa lalaking nagpapatibok ng puso ko.

Wala na din iyong kwenta dahil ang nagiisang tumangay ng puso ko ay natangay na nang ibang tao. Isinumpa ko din nung araw na iyon na hinding hindi na ako magkakagusto sa kahit na sinong lalaki.

--

Makalipas ang ilang buwan ay debut ko na. Simpleng handaan lang naman pero andun pa rin ang 18 roses at 18 candles.

Nagsusulat ako ng mga pangalan sa magiging 18 roses at candles ko. Sumagi na din sa isipan kong isulat ang pangalan niya pero nakakahiya. Isinumpa ko pa man ding hinding hindi na ako magkakagusto sa kahit sinong lalaki pero heto ako't binabali ang promise ko sa sarili.

Tama pala talaga ang mga katagang 'Huwag magsalita ng tapos' at 'Promises are made to be broken'.

Hindi ko naman din masisisi ang aking sarili. Kahit anong gawin ko na alisin siya sa sistema ko ay wala talagang nangyayari.

October 21. Debut day ko na. Excited ako dahil sa ilang araw na pakikipagtunggali sa aking sarili eh nakumbinsi ko na ding isali siya sa listahan ng maisasayaw ko ngayon.

Pawis na pawis ang kamay kong naghihintay sa mini stage na ginawa pa nila tito at papa. Dito lang kasi kami sa bakuran namin pero kahit ganoon ay parang enggrande na din ang nangyari. Malawak naman din ang bakuran namin.

Palihim na tumitingin ako sa entrance pero kahit anino niya ay hindi ko talaga nakita. "Good evening! Ladies and gentlemen. Let us welcome the debutant. Patricia Hernandez," bagsak ang balikat ko nang inintroduce na ako ng aking ate.

Nang mga sandaling iyon ay nawawalan na ako ng pag-asa. Hanggang sa natapos ang party ay wala pa rin siya. Nakakapagtampo naman. Akala ko makakadalo siya at masasayaw niya ako yun pala lahat ng iyon, nasa imahinasyon ko lang.

Ano ba naman din ako para sa kanya? May girlfriend na siya. Kapatid lang ang turing niya sa akin. Wala na akong magagawa. I know, I lost this fight.

Alas Dos na ng madaling araw nang may kumatok sa aking pintuan. Pasalamat nalang at hindi pa ako natutulog.

Ang totoo naman niyan hindi pa talaga ako inaantok. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin bakit hindi siya nakadalo.

Naaksidente ba siya? O pawang wala lang talaga siyang pakealam sa imbitasyon ko sa kanya?

Bumukas ang pintuan. Ayan tuloy nakalimutan kong may kumakatok pala.

"Akala ko tulog ka na. Heto, pinapabigay ni Ralph. Sorry daw at hindi siya nakadalo. May nangyari lang daw na hindi niya inaasahan," ang lakas ng pintig ng puso ko nang maibigay na ni kuya ang box na pinapabigay ni Ralph sa akin.

Ilang minuto ko pang tinitigan ang regalo niya para sa akin. Nagdadalawang isip kung bubuksan o hindi. "Buksan mo na. Paano mo malalaman kung anong nasa loob niyan sis," muntik pa akong mahulog sa kinauupuan ko nang nakita ko si kuya na nasa hamba pa ng aking pintuan. Tiningnan ko lang siya. "Sige na. Buksan mo na. Good night sis," atsaka niya sinara ang pintuan.

Napahugot ako ng malalim na hininga tsaka ko binuksan ng napakaingat para hindi masira ang ribbon at wrapper nito.

Nang tuluyan ko nang nabuksan ang box, tumambad sa akin ang iba't ibang klase ng libro. Mga lima yata iyon. Kinuha ko ang card atsaka binasa ang nakasulat.

~Happy Debut Day Patchi. Hope you like my gift. Parati kasi kitang nakikitang nagbabasa ng libro kaya libro nalang din ang niregalo ko sa iyo. -RDL

Napangiti ako dahil nakikita din niya pala ako paminsan minsan. Okay na ako doon. Kahit sa simple gestures niya napapasaya na niya ako. Dahil doon ay nakatulog ako ng mahimbing.

--

Lumipas ang mga araw, parati kong naririnig na si Ralph at ang girlfriend niya ay hiwalay na. Hindi naman din ako makapagtanong sa kanya dahil baka isipin niyang tsismosa ako. Ayoko namang magkaroon ako ng bad impression sa kanya. Kaya hinayaan ko nalang ang balita.

"Hiwalay na nga talaga ang tambalang Ralph at Eunice."

"5 months lang silang nagtagal. Ba't kaya?"

Naririnig naming mga tsismis tsismisan ng mga kablockmates ko. "Bes, totoo pala talaga hinala natin eh. May pag-asa ka na ulit. Ayiiieeee," sinundot sundot pa ni Tess ang aking tagiliran. Pero hindi ako natutuwa sa nangyari kasi alam kong nagdadalamhati ngayon ang taong mahal ko. Mas inaalala ko ang nararamdaman niya ngayon.


Kamusta kaya siya? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Okay lang ba siya? May kasama kaya siya ngayon? Lahat ng iniisip ko ngayon ay tungkol sa kaniya.


"Bes, kain na muna tayo. Gutom na ako," maktol ni Tess kaya nagpatianod nalang ako sa kaniya papuntang cafet. Napahinto pa siya ng bahagya nang makita naming nakaakbay si Ralph kay Eunice. "Akala ko ba hiwalay na? Ba't magkasama?" bulong ng pinsan ko pero rinig ko naman. 


Lahat ng iniisip ko lang kanina ay nasagot na. Okay lang palang siya. Kasama niya pala si Eunice at kitang kita sa kaniya na masaya siyang kasama ang girlfriend niya.


"Patchi!" tumigil si Tess sa paglalakad kaya pati ako'y napatigil din. Natulak ko pa siya ng konti dahil bahagya niya akong nahila. Napalingon kami sa tumawag sa akin. Si Ralph. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pasalamat nalang at andiyan si Tess para tulungan ako. "Ano po iyon, kuya?"

"Drop the kuya, Tess. Nakakatanda masyado. One year lang naman din ang gap natin. By the way Patch, 'di ka masusundo ng kuya mo ngayon kasi may biglaan silang practice sa football team. Sabi niya isabay nalang kita mamaya. Okay lang ba sa iyo?"

"Yes, Ralph. Okay na okay lang kay Patty, 'di ba?" pinanlakihan ako ng mata ng kaibigan. Ngayon ko lang narealize kung ano ang pinag-uusapan nila. "Okay lang kahit hindi na. Sasabay nalang ako kay Te-"

"Bes, 'di ka pwedeng sumabay sa akin. May lakad kami ni mommy eh," sinamaan ko ng tingin si Tess pero ang loka mas lumaki pa ang ngiti. Napatingin naman ulit ako kay Ralph para tanggihan siya pero naunahan na naman ako ng bruha.

"So it's settled na. Ralph, ikaw na bahala kay Patty mamayang uwian ha?" tumango lang si Ralph at tumingin ulit sa akin. "I'll wait for you Patch. Sige, una na ako."

Hindi man lang ako nakareact. "OMG! Magsasabay kayo ng crush mo. Ayiiieee, kinikilig na iyan," sinundot sundot pa ni Tess ang tagiliran ko.


Ano kayang gagawin ko mamayang dismissal?



to be continued...


xx

Ano kayang gagawin ni Patricia?






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top