Prologue

Malakas na tunog ng kamao na tumatama sa isang malaking punching bag ang umalingawngaw sa paligid ng isang home gym. Ang bawat suntok ni Red ay puno ng galit, ang mga mata niya ay nag-aapoy.

"Dahan-dahan baka mabutas yang punching bag or worse mabali ang kamay mo," boses ng isang babae kakapasok lang sa gym. Si Desa.

Bumuntong hininga lang si Red at hindi pinansin si Desa. Yumuko siya para kunin ang towel na nasa upuan nang makita niya sa reflection ang tahimik na pagsugod ni Desa kaya agad niya itong sinagang at gumanti rin ng suntok na siyang nasagang rin ni Desa.

Nagsimula ang isang mabilis at maangas na laban. Parehong nag-iingat at nag-aantay ng pagkakataon. Ang mga suntok at sipa ay nag-uunahang tumama sa hangin, ang mga depensa ay nag-iwas at nagsasangga.

Si Red, na may galit na nag-aapoy sa kanyang mga mata, ay naglalabas ng raw na lakas, ang bawat galaw ay mabilis at agresibo. Si Desa, sa kabilang banda, ay mas mahinahon, ang kanyang mga galaw ay mas kontrolado at tumpak.

Ang dalawang babae ay nagpalitan ng mga suntok, sipa, at bloke. Parehong nagpapakita ng kahanga-hangang kakayahan at disiplina. Ang bawat galaw ay nagpapakita ng taon ng pagsasanay at dedikasyon. Ang hangin ay puno ng tunog ng kanilang mga kamao at paa, ang kanilang mga paghinga ay mabilis at malakas.

Sa gitna ng labanan, nagkaroon ng isang maikling pag-uusap. "Hindi ka ba napapagod?" tanong ni Desa, ang kanyang boses ay kalmado at kontrolado.

"Hindi pa," sagot ni Red, ang kanyang hininga ay mabilis at ang kanyang mga mata ay nakatuon sa kanyang kalaban.

Ang laban ay nagpatuloy, parehong nagsusumikap na makuha ang kalamangan. Sa huli, parehong naubusan ng lakas, parehong napagtanto na ang kanilang laban ay hindi magkakaroon ng panalo. Parehong nakatayo, hinihingal, at tumatawa. Ang kanilang mga mukha ay puno ng pawis at pagod, ngunit ang kanilang mga mata ay nagniningning ng kasiyahan.

"Maliksi ka talaga," wika ni Desa, ang kanyang ngiti ay malawak at tunay.

"Ako lang 'to," sagot ni Red kaya nagtawanan sila ulit

"Ikaw kasi ang aga aga masyadong masakit yung titig mo sa punching bag tapos halong butasin mo na ng suntok mo," saad pa ni Desa habang naglalagay ng boxing bandage pero hindi siya pinansin ni Red at uminom lang ng tubig. "Another nightmare nanaman noh," hula pa ni Desa. Tinapunan lang siya ng tingin ni Red at nagpatuloy sa pag-eehersisyo.

"Tama nga ako, another nightmare nanaman. Do you me to guess what is it? Airplane crash, SA, forest hunt? Which one?" Tanong pa ni Desa.

"Tinatanong pa ba yan," walang ganang wika ni Red at tumigil muna sa pagbibisikleta. "Walang mintis. Kada alas tres ng umaga nagigising ako dahil sa lintik na panaginip na 'to," dagdag pa ni Red.

"Gusto mo tanggalin muna natin utak mo para hindi mo mapanaginipan?" Pabirong suhestyon ni Desa kaya tinapunan siya ng masamang tingin ni Red. "Wow ha. Nakatulong talaga. Thank you ha." Sakrastikong sagot ni Red sakanya kaya napaiwas nalang ng tingin si Desa at nagpatuloy sa pag-eehersisyo. Maya maya naman ay dumating si Scale at Sorpia na nakasuot parin ng pajama nila at pawang kakagising lang.

"Sabi na nga ba nandito kayong dalawa," si Sorpia na magulo ang buhok at nagkukusot pa ng mata, halatang kakagaling sa mahimbing na tulog.

"Ang aga aga nag g-gym kaagad kayo. Mga takot tumaba," buwelta naman ni Scale.

"Wag nyo akong uumpisahan. Lumayo layo kayo at baka mandilim ang paningin ko at kayong dalawa ang gawin kong jumping rope," pagbabanta ni Red at kumuha ng tuwalya saka lumabas papuntang pool area.

Matapos hubarin ni Red ang suot niyang sando at short na ginamit niya kanina habang nag-eehersisyo. Isinantabi sa gilid ang tuwalya at ang damit na ginamit niya kanina saka nag dive sa pool. Mahinahong lumangoy-langoy si Red, pampatanggal ng stress at pagod na nararamdaman niya pero nagulat nalang siya nang biglang dumilim ang paligid at parang naging napakalalim ang pool na sinisisiran niya at hindi niya magawang umahon, nagpalinga-linga si Red sa paligid, pilit humihinga sa ilalim ng tubig.

Bigla-bigla nalang siyang may nakitang isang babaeng itim, mahaba ang buhok na lumulutang-lutang sa paligid na pumulupot sa mga paa at kamay niya, nanlilisik ang matang nakatitig sakanya at bigla nalang siyang sinakal. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa dahil sa malalim na tubig na kinaroroonan niya, gusto niyang kumawala pero hindi niya magawa dahil sa bigat ng tubig na nakapalibot sakanya. Nanatili siyang nagpupumiglas habang ang babae ay sinasakal siya na nagdadagdag ng pang hirap niya sa paghinga.

"YOU. KILLED. MY. BABY!" Malalim at may diing wika ng babaeng itim na ngayon ay hindi parin bumibitiw sa pagkakasakal sakanya.

...

Dumating si Scale sa pool area at doon nakita niya si Red nakalubog na pilit umaahon na pawang nalulunod.

"Ms. Red? Red... RED!" Hiyaw ni Scale nang masigurado niya ang tunay na sitwasyon at agad-agad na tumalon sa pool at tinulungang makaahon si Red. "Ano bang pinaggagagawa mo sa buhay mo?! Marunong ka namang lumangoy ah," dagdag pa ni Scale habang pinagmamasdan ang hinihingal na si Red pilit kumukuha ng hangin matapos ng kamuntikan na ng pagkalunod. Agad tumakbo papasok si Scale para kunin ang inhaler sa kwarto ni Red at tumakbo siya pabalik sa pool area para ipagamit kay Red ang inhaler na kinuha niya.

Imbes na gamitin ay tinitigan lang siya ng matalim ni Red at agad na sinakal. Nanlilisik ang mga mata niya na parang puno ng galit at pasakit, hinihingal rin siya pero mas nanaig ang galit sa ekspresyon niya.

"Ms. Red... Hindi po... Hindi ako makahinga," nahihirapang saad ni Scale na pinipilit tanggalin ang pagkakasakal sakanya. "Re- Red..." Umuubo at hindi makahingang wika ni Scale habang nagpupumiglas sa sakal na lalong humihigpit. Nasagi ni Scale ang isang fire bowl kaya nalaglag ito at nabasag na siyang nakapukaw ng atensyon ni Desa at Sorpia na nasa gym lang malapit sa pool.

"Red, tama na yan bitiwan mo si Scale," wika ni Desa habang sinusubukan nilang dalawang tanggalin ang pagkakasakal ni Red kay Scale.

"I killed no one, nobody. I didn't kill anyone... I swear, I didn't! It wasn't me! You're wrong, you're all wrong!  I'm not... I'm not a killer!  I'm not! I killed no one, nobody. I didn't kill anyone... I swear!  I didn't!  You're lying!  You're all lying! She told me to do it!  She said it was the only way!  She said it was for the best! But I didn't mean to!  I didn't!  I didn't!" Buong diin na wika ni Red, nanlilisik ang mata at nanatiling nakasakal kay Scale hanggang sa nagawang mapaglayo ni Desa at Sorpia ang dalawa.

"Tama na, Red. Tumigil ka na," wika ni Desa, bahagyang niyuyugyog si Red na halata parin ang galit sa mata. Si Sorpia naman ay tinitingnan ang kalagayan ni Scale. "Huminahon ka, for fuck sake, listen to me!" Dagdag pa ni Desa na medyo nauubusan na ng pasensya sa kaibigan niya.

Nang patuloy parin sa pagpupumiglas si Red at sinusubukang abutin si Scale habang pinipigilan siya ng dalawa bigla nalang dumating si Paolina at sinampal ng malakas si Red na ikinagulat ng lahat.

"What are you doing? You look like a fucking animal! Attacking someone who clearly is innocent! Is that how your mother raised you?! Blaming a sin on other who clearly have nothing to do with those fucking accusations!" Bulalas ni Paolina kaya napaiwas ng tingin si Red habang hinihimas ang pisngi niyang namumula dahil sa malakas na sampal na natamo niya.

Hindi kaagad nakasagot si Red dahil sa sampal na binigay ni Paolina na nakapagpagising sakanya sa katotohanan. Lumingon-lingon siya sa paligid at nakita niyang patuloy paring nakaharang si Desa sinisiguradong hindi niya na masasaktan ulit si Scale habang si Sorpia naman ay dinala muna si Scale sa loob para masiguradong ligtas at ayos lang siya.

"Che ti è preso?!"
(What's gotten into you?!)

Galit na tanong ni Paolina sa dalaga pero tinitigan lang siya ni Red ng masama. "None of your business Paolina or should I call 'mamá' but why would I. You're not even my mother. You just adopted me... So stop acting like you are," saad ni Red.

"I will never be your daughter, I'm just a replacement for your darling Adona so you would miss that little kid of yours you didn't even got to protect!" Dagdag pa ni Red kaya nasampak ulit siya ni Paolina.

"Don't bring my daughter into this," Madiing saad ni Paolina.

"Then don't bring my mother into this as well." Saad naman ni Red at tiningnan niya si Paolina mula ulo hanggang paa bago pumasok sa loob ng bahay at iniwan si Paolina sa labas kasama si Desa.

-----------------------------------

"Adona, wait for mommy! Adona, comeback here. I forgot my scarf on the car," as her daughter ran towards the plane where her father was, Paolina ran back to the vehicle that had transported them to get the scarf she had left behind that her husband had given her as a gift.

A loud explosion echoed around, Paolina watched from afar the explosion of the private plane where her family was on board, she almost winced at the explosion and her world almost collapsed when she couldn't see her daughter around her, who she knew was inside. Before the plane exploded, also Pablo her older brother and his family were inside too.

Tumakbo pabalik si Paolina kung saan nakaparada ang private plane na ngayon ay nasusunog na, hindi niya alam kung ano ang gagawin pagkat hindi na gumana ang isipan niya dahil sa gulat at taranta.

"No. No, no, no! Adona! Nicola!" Tanging pagsigaw na lamang ang nagawa ni Paolina habang pinagmamasdan ang eroplanong nasusunog kung saan nakasakay ang pamilya niya.

Nang nasa kalagitnaan siya ng paghiyaw at pag-iyak napalingon siya sa gilid, medyo malayo sa nasusunog na eroplano nakita niya ang kambal na patuloy na umiiyak habang pinapahinahon ng yaya nila. Agad niyang nilapitan ang dalawang bata at pinasigurado niya sa yaya ng dalawa kung may mga sugat ba sila, binuhat ni Paolina ang bunso na nagdurugo ang tenga habang tinitingnan ng yaya ang panganay sa kambal ni Pablo at Rachelle kung may sugat ito o ibang injury.

"You," tawag ni Paolina sa yaya dahil hindi siya pamilyar dito. "Call someone, ambulance, the owner of the car we rented, fire truck, police I don't care just send call for help," dagdag pa ni Paolina kaya agad naman kumuha ng cellphone ang yaya at tumawag ng tulong. Dahil sa sobrang pribado ng airport na kinaroroonan nila hindi agad sila makahingi ng tulong kung magsisisigaw lang sila kaya naisipan nalang nilang tumawag para manghingi ng tulong.

"Auntie," iyak ng batang buhat niya kaya napalingon siya dito nang bigla nalang may pumutok at umabot sakanila ang impact.

Bigla nalang napababogon sa higaan si Paolina at napalingon sa paligid, doon niya lang napag-tanto na nasa kwarto lang pala siya at lahat ng iyon at isang panaginip. Isang bangungot.

Sino ang salarin, sino ang biktima...

================================

"Make yourself bloom like roses"

I.R

—♡—

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top