58
Isang linggo na ang lumipas pero hindi parin nakakahanap ng malakas na impormasyon si Karl na makakapagturo sakanya sa totoong katauhan ni Inang Rosas kaya bawat oras na lumilipas ay nawawalan na rin sya ng pag-asa.
Kasalukuyang binabaybay ni Karl ang kahabaan ng daan papunta sa malaking bahay na kung tawagin nila ay CZ o Casa Z. Nang makarating at makapasok na sya sa isang malaking bahay ay hindi na sya nahirapang hanapin pa si Red dahil naka-upo ito sa sofa at nakatalikod sa pinto kaya nakaisip sya ng kalokohan.
Dahan-dahan syang lumapit kay Red na nakatalikod sakanya at busy sa pagtipa sa cellphone nito nang masakto na nyang nakalapit na sya sa likuran ng dalaga ay agad nya namang tinakpan ang mata nito kaya bahagyang nagulat si Red.
"Ano ba Karl, kamay palang kilalang-kilala na kita, amoy pastillas nanaman," reklamo ni Red nang takpan ni Karl ang parehong mata nya gamit ang kamay nito. Natawa naman ang binata dahil sa nakita nyang nakasimangot na mukha ng nobya nang tanggalin nya ang kamay na nakatakip sa mata ng dalaga.
"Ito naman nakasimangot agad," saad ni Karl kaya tinitigan sya ng matalim ni Red dahilan para mapaatras sya ng bahagya.
"Akala ko pati sa pagsimba hindi ka sisipot," makahulugang saad ni Red kaya napakamot ng ulo ang binata.
"Aba syempre naman kasi sa future dun din kita dadalin," wika ni Karl at inayos-ayos ang buhok, halata naman sa ekspresyon ni Red na naiinis na sya sa nobyo. Sinubukan pa ni Karl na magpapansin kay Red pero mas lalo lang itong nainis at iniwan sya sa ere.
"Ayan kasi, hindi mo sinipot ng anim na araw tapos magtataka ka kung bakit galit o naiinis yun?" Sumbat naman ni Scale at umiling-iling.
"Ikaw nga feeling mag-jowa na kayo eh baka nga hindi pa kayo official," sagot naman ni Karl.
"Sinagot ko na kaya sya hindi ka lang talaga updated," pagmamaldita ni Scale sabay hawi ng buhok na tumama sa mukha ni Karl.
"Aray... Aray! Ano ba ang pait ng buhok mo tapos ang baho pa!" Reklamo ni Karl na hinahawi ang buhok ni Scale na tumatama sa mukha nya. "Makapag-mayabang ka naman eh wala pa nga kayong closure ni Sorpia," dagdag pa ni Karl na syang nakapagpatahimik kay Scale.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang paglayo ng loob ni Scale at Sorpia sa isa't isa simula noong naging magkasintahan si Scale at Micheal at hindi rin lingid sa kaalaman ng iba na dati pang may pagtingin si Sorpia kay Scale kaya nung kusa nang lumalayo si Sorpia sakanya ay alam na kaagad ng lahat ang dahilan. Hindi agad nakasagot si Scale sa binitiwang salita ni Karl at nanatili lang syang nakatitig sa binata na ngayon ay sinundan si Red.
...
"Love?" Katok ni Karl sa nakasarang pinto ng kwarto ni Red. Nang walang sumagot, nagkusa siyang pumasok sa kwarto ng nobya kahit na alam niyang magagalit ito kung pumasok lang siya ng walang paalam. "Love?" Tawag ulit ni Karl pero walang sumagot kaya nagpatuloy siya sa paghahanap sa malawak na kwarto.
Biglaang lumabas ng banyo si Red kaya bigla siyang napatalon sa gulat. Hindi naman naiwasan ng dalaga ang bahagyang pagtawa dahil sa naging reaksyon ni Karl.
"Para ka namang nakakita ng multo. Ayan kasi, pasok ka lang ng pasok. Hindi mo muna inaalam kung anong pwedeng mangyari kung mangengealam ka," makahulugang sumbat ni Red na nakapagpagulo ng isip ni Karl.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Karl. "Pasok ng pasok? Pag sa ibang pinto ba ako pumasok magagalit ka?" Dagdag pa ni Karl at tinitigan ng mapang-asar si Red.
"Bahala ka nga dyan, puro ka kalokohan. Nakakainis ka," saad ni Red at nilampasan si Karl pero bigla nalang siyang hinila palapit ng binata at hinawakan sa magkabilang bewang.
"Okay na yung dito ako pasok ng pasok hindi sa ibang butas," pangangatwiran pa ni Karl sabay kindat kay Red.
"Pinto yan hindi yan butas," pagmamaldita ni Red.
"Butas din 'yan, paano ka papasok sa isang pinto kung walang butas? Aber?" Pangangatwiran ulit ni Karl at ginaya ang pagtataas ni Red ng kaliwang kilay niya. Wala nang nagawa si Red kundi mapasigaw nalang dahil sa inis at tinulak ng bahagya si Karl dahilan para matanggal ang pagkakahawak nito sa bewang niya.
"PU-TANG-INA!" Gigil na saad ni Red habang sinusubukan pading magtimpi. "Lumayo ka saakin nandidilim paningin ko sinasabi ko sayo lumayo ka," dagdag pa ni Red pero imbes na lumayo ay mas lalo pang lumapit si Karl sakanya at hinila siya palapit.
"Chill lang, nagbibiro lang ako. Ang bilis mo namang mainis," pabirong wika ni Karl habang yakap-yakap ang bewang ng nobya. "Ang bilis mo namang asarin," dagdag pa ni Karl at marahang hinalikan ang labi ni Red na siyang tinugon din niya.
Dahan-dahan hinawakan ni Karl ang pisngi ni Red at mula pisngi ay napunta ang kaliwang kamay niya sa batok ng nobya habang ang kanan ay nakahawak parin sa bewang nito. Unti-unti inilapit ni Karl ang mukha hanggang sa unti-unting maglapat ang kanilang labi sa isa't isa.
Bawat minuto bawat segundo ay lumalalim ng lumalalim ang halikan ng dalawa, unti-unti ring ibinababa ni Karl mula sa balikat nito ang tanging takip sa katawan ni Red at dumapo naman ang labi niya sa leeg nito dahilan para bahagyang napatingala si Red at napapikit. "Hmmm"
Sa pag-pikit ng mata niya ay may narinig siyang pamilyar at nakakakilabot na boses. "Akin ka lang kahit sa kamatayan hindi mo ako matatakasan," wika ng boses na narinig niya kaya napamulat siya at napatingin sa lalaking nakayakap at humahalik sa leeg niya. "Akin ka lang," dagdag pa ng boses na naririnig niya at nakita niya ang wangis ni Yezh sa lalaking nakayakap sakanya, nakatingin ito sakanya at nakangiti ng nakakaloko kaya agad niyang naitulak ang lalaki.
"Ayos ka lang ba? May nagawa ba akong mali?" Tanong ng lalaki pero iba na ang boses nito, hindi na katulad ng nakakakilabot na boses na narinig niya kanina, boses na iyon ng lalaking mahal niya. "Red sagutin mo ako ayos ka lang ba? Namumutla ka," dagdag pa ng lalaking lumapit sakanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat, nilingon niya ito at nakita niya ang totoong wangis ng lalaki, si Karl. Si Karl na kanina niya kasama.
Nanatili siyang nakatitig sa mga mata ni Karl, hinahanap ang kasiguraduhang hindi na siya namamalikmata at totoong si Karl na nga ang kasama at kaharap niya. Nang yugyugin siya muli ng bahagya ng lalaki ay doon na siya natauhan. "A–ayos.... ayos lang ako," nauutal na sagot ni Red sa nobyo.
"Namumutla ka. May masakit ba sayo? May nararamdaman ka bang kakaiba?" Nag-aalalang tanong ni Karl pero umiling lang si Red.
Kahit gusto niyang sabihin kay Karl ang lahat ng nakita at narinig niya pero pilit niyang pinapaniwala sa sarili niyang halusinasyon lang iyon at ayaw niyang isipin ni Karl na nababaliw na siya kaya ikinimkim niya nalang iyon sa sarili at sinabing ayos lamang siya. Hindi man naniniwala ay hinayaan nalang siya ni Karl para hindi na iyon mauwi sa bangayan; nagpatuloy sa paggayak si Red habang si Karl naman ay naupo sa sofa at sinusundan lang ng tingin ang abalang nobya.
-----------------------------------
Maingat at madahang maghuhukay si Spades sa gilid ng isang abandunadong gusali, nakasuot siya ng disposable gloves at suot-suot niya rin ang lagi niyang suot na maskara at ang lagi niyang suot na itim na tailcoat.
"What exactly are we digging?" Nagtatakang tanong ni Tulip na tanging kasama ni Spades sa pag huhukay.
"Corpse," tanging sagot ni Spades na nakapagpatihil ng mundo ni Tulip.
"B– bang– bangkay?" Nauutal na tanong ni Tulip kaya nginisihan lang siya ni Spades. "May bangkay dito? Bakit po tayo maghuhukay ng bangkay," dagdag pa ni Tulip at halata sa mukha niya ang takot at kaba.
"Sumali ka sa Thorns, sa isang grupo na ang ginagawa ay puro brutal na pagpatay tapos ngayon matatakot ka sa simpleng bangkay? You are afraid of a simple human corpse that might be eaten by maggots or decaying. Kung matatakot ka lang rin naman umuwi ka nalang. Or better yet umalis ka nalang sa grupo dahil sarili mo lang ang niloloko mo Tulip," saad ni Spades at tumawa ng nakakaasar. "Binalaan kita, binalaan ka rin ni Rosas pero hindi ka nakinig," dagdag pa ni Spades habang patuloy sa pag huhukay.
Tila napikon si Tulip at itinapon ang hawak niyang pala sa harapan ni Spades kaya natigil ang ginoo sa pag huhukay at napatingin sakanya. "Hindi ako takot," paglilinaw ni Tulip kaya napangisi si Spades.
"Kung hindi ka takot, ikaw ang mag labas ng bangkay na 'to mula sa hukay," utos ni Spades kay Tulip sabay turo sa butas na hinukay niya. Madahan at nag-aalinlangang lumapit si Tulip sa butas, pagsilip niya ay nakita niya ang isang bangkay na naagnas at nangangamoy na kaya agad siyang naduwal at napatakip ng ilong dahil sa masangsang na amoy.
"Yuck," maarteng reklamo ng dalaga. Natigil siya sa pag duwal nang biglang magsalita si Spades.
"Putol na yung ano niya... Tit–" wika ni Tulip habang nakaturo sa bangkay pero hindi natuloy ang sasabihin niya dahil bigla nalang sumapaw si Spades.
"May kasabihan ang mga matatanda, wag mong ituro kung ayaw mong maputol ang kamay mo," saad ni Spades pero naguluhan si Tulip sa sinabi niya.
"Diba para sa rainbow yun," sagot naman ni Tulip kaya tinitigan siya ng matalim ni Spades at bumuntong hininga.
"Kung hindi mo kaya sana sinabi mo nalang saakin napabilis sana yung trabaho natin hindi puro ka duwal at reklamo dyan. Sayang ang oras ko sayo hindi ko alam kung bakit sakin ka binilin ni Rosas," naiinis na saad ni Spades at pumwesto para siya na ang kukuha ng bangkay palabas ng hukay. Nang yuyuko na sana si Spades para kunin ang nasabing bangkay ay bigla nalang siyang pinigilan ni Tulip at pinausog siya.
"Ako na, trabaho ko 'to," saad ni Tulip at pumwesto para ilabas ang bangkay. Huminga ng malalim si Tulip at inayos ang suot niyang gloves bago bumwelo at inilabas ang buong lakas niya para mahila palabas ang bangkay. Habang hinihila ni Tulip ang bangkay palabas ay bigla nalang siyang napatili at napapadyak-padyak na para bang natatakot at natataranta.
Nagtaka naman si Spades sa galaw at pagsigaw ni Tulip, sesermonan na sana niya ito pero nakita niya ang isang uod na gumagapang sa kamay ng dalaga kaya walang nagawa si Spades kundi matawa nalang. "Ang arte. Laking hirap pero ang arte," buntong hininga ni Spades habang nakatingin sa pawis at hinihingal na si Tulip matapos niyang maiwaksi ang isang uod.
"Buti pa ang Inang Rosas, fetus palang siya mayaman na sila pero hindi siya maarte, kahit ilang uod pa ang mahawakan niya ibabalik lang niya yun sa lupa at pababayaang makain ng kung ano mang nilalang ang kumakain sakanila. Buti nga nung napulot ka niya hindi ka niya pinabayaan, hindi ka niya tinapon pabalik," makahulugang sumbat ni Spades sa dilag habang abala siya sa pagbalot ng bangkay na parang candy.
Matapos ibalot ni Spades ang bangkay sa sako kinuha niya ang palang ginamit niya. "Takpan mo ang butas pagkatapos nun sumunod ka sa akin sa kotse dalin mo ang mga gamit siguraduhin mong walang matitirang kahit anong ebidensya," utos ni Spades at tinalikuran si Tulip kaya napakamot ng ulo ang dalaga.
"Wag mag iiwan ng ebidensya eh iiwan nga itong bangkay eh mas malaking ebidensya 'to eh," pagrereklamo ni Tulip at padabog na tinatakpan ang butas. Napahinto sa paglalakad si Spades nang marinig niya ang pagrereklamo ni Tulip kaya madahan niyang itong nilingon habang nakakunot ang noo nang mapansin ni Tulip na nakatingin si Spades sakanya na parang pati kaluluwa niya ay tinititigan din kaya nginitian niya ng nakakaasar.
"Eto na nga. Look oh, tinatakpan ko na," sakrastikong sagot ni Tulip habang patuloy sa pagtakip ng hukay at nanatili ang tingin kay Spades.
"Sumunod ka sa akin sa kotse pagkatapos mo dyan," utos ulit ni Spades at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kotse niya. Kahit labag sa loob ni Tulip ay nagpatuloy parin siya sa pagtatakip ng hukay dahil sinabihan siya ni Inang Rosas na kung hindi siya sumunod kay Spades ay hindi na siya ulit makakatungtong kahit sa gate lang ng casa locura.
Matapos takpan ni Tulip ang butas ay kinuha niya ang mga ginamit niya saka sumunod kay Spades sa kotse. Saktong pagpasok niya ay napalingon si Spades sakanya habang pinapagpag niya ang mga lupang dumikit sa sapatos niya.
"Edward," tawag ni Spades sa kausap niya mula sa cellphone. "Papuntahin mo na dito ang magaling mong amo. Simulan mo na ang actingan," utos ni Spades sa katawag niya bago ibaba ang telepono.
"Hindi pa ba tayo aalis? Baka mahuli tayo dito. Pinaiwan mo yung bangkay dun tapos dito lang tayo?!" nagtatakang tanong ni Tulip at halata na ang panic sa mukha niya pero si Spades ay kalmado lang at nakatingin ng direkta kung saan nakalagay ang bangkay na binalot niya. "How can you be so calm? May papupuntahin kang tao tapos dito lang tayo? Paano kung makita tayo, mahuli tayo?! Wala tayong kawala nasa trunk yung ebidensya, nandun yung pala yung mga gloves yung natirang tali tsaka sako nandun rin!" Patuloy na pagrereklamo ni Tulip at tinitigan lang siya ni Spades.
"Mahuhuli talaga tayo kung hindi ka titigil sa pagtalak mo," supladong sagot ni Spades at tumingin uli ng diretsyo kung saan nila iniwan ang bangkay. Sasagot pa sana si Tulip nang biglang may dumating na tatlong lalaki, dalawang naka t-shirt na itim at isang nakasuot ng itim na tuxedo.
"Hindi tayo mahuhuli. Para saan pa ba yung tech company ko at ang galing ni Rosas sa pag pipinta kung hindi namin magagamit sa ganitong bagay," pagmamayabang ni Spades habang nakatuon parin ang atensyon sa harapan. "We made it into a simple hologram that can mirror everything in it's surrounding so if you're foll to not look twice then you'll be fooled," dagdag pa ni Spades na siyang pinuna kaagad ni Tulip.
"Anong connect dun ng pag pinta kung mami-mirror naman pala ng hologram yung surroundings," buwelta ni Tulip kaya halos murahin na siya ni Spades pero mas pinili ng ginoo ang magtimpi.
Nagpalinga-linga ang lalaking naka tuxedo pero wala siyang napansin dahil medyo malayo ang kotseng nakamasid sakanila at mahusay rin ang pagkaka-camouflage ng kotse kaya hindi sila kaagad makikita. Uutusan sana ni Spades si Tulip pero pag lingon niya ay hindi na niya ito nakita sa tabi niya kaya dumako ang mata niya sa baba at doon nakita niyang nagtatago. "Anong ginagawa mo dyan?" Nauubusan na ng pasensyang tanong ni Spades.
"Syempre nagtatago ano ba akala mo naglalangit lupa ako?" Pilosopong sagot ni Tulip sakanya dahilan para mapairap siya at nagkusa nalang sa gawaing iuutos niya sana sa dalaga.
"Ciao, il bastardo è già qui e hanno già trovato il corpo."
(Hello, the bastard is already here and they already found the body.)
"Minumura na yata ako ng matandang 'to," buwelta naman ni Tulip kaya hindi na nakapagtimpi si Spades at tinakpan ang bibig nito habang patuloy sa pakikipag-usap sa cellphone kaya pumalag-palag naman si Tulip. Pumalag-palag si Tulip sa pagkakatakip ni Spades sa bibig niya kaya umalog ng konti ang sasakyan at bahagyang kumarap ang hologram mula sa labas na nakapagkuha ng atensyon ni Cleove habang maingat nilang kinakarga ang bangkay ni Gearn sa van.
"Wag ka nang pumalag nahahalata tayo," pabulong na sigaw ni Spades. Hindi rin naman nagtagal ay nakuha ni Tulip ang kamay ni Spades na nakatakip sa bibig niya at tinitigan ng masama si Spades.
"Paanong hindi ako papalag?! You're basically blocking my airways, hindi ako makahinga!" Galit na pangangatwiran ni Tulip bago bumwelo at tumayo; nang makaupo na siya ng maayos ay bubungangaan niya sana ulit si Spades pero nakita niyang nakatingin ng diretsyo, mukhang galit at naiinis dahil sa pag-igting ng panga niya at narinig niyang nagmumura gamit ang ibang lenguwahe.
"Godverdomme. Neuken"
(God damn it. Fuck)
Unti-unting napalingon si Tulip sa harapan at doon nakita niya ang tatlong lalaking kanina ay nagkakarga ng isang bangkay sa van. Nakaharap na sila sa kanila at tinututukan na sila ng baril. "Paano'ng?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tulip, pero hindi siya sinagot o kahit nilingon man lang ni Spades dahil abala ito sa pagbibigay ng pasimpleng utos sa isang kasama ni Cleove na nakatutok din ang baril sa kanila. Lalaking may tattoo ng isang tangkay ng pulang rosas.
Bumusina si Spades ng isang beses. Kaya humigpit ang hawak ng lalaking sinenyasan niya sa sariling baril at pasimpleng tumango. "Fasten your seatbelt; lilipad tayo," utos ni Spades. Kaya kahit nagtataka sa nangyayari ay sumunod na lang si Tulip; hindi na nagtanong pa. Tahimik na nag-aabang si Tulip kung anong gagawin ni Spades nang bigla na lang bumusina ng dalawang beses ang ginoo. Kasabay noon ang dalawang beses na pagputok ng baril at isang usok ang kumalat sa harapan nila. Hindi agad nakapag-react si Tulip dahil sa bilis ng nangyari at ang huling nakita niya bago lamunin ng usok ay ang pagkatumba ni Cleove at ng isang kasama niya. Saka lang siya natauhan nang maramdaman niya ang bilis ng pagpapatakbo ni Spades ng kotse.
"Akala ko ba may hologram? Bakit... Paano nila tayo nakita?" Tanong ni Tulip na kinakabahan pa rin.
"Kung hindi ka lang sana duwag na nagtago, edi sana hindi mo masasagi ang pindutan!" Galit na galit na saad ni Spades.
"Aba! Kasalanan ko pa talaga?! Kung sinabi mo sanang suicide mission pala ang gusto mo, edi sana hindi na lang ako sumama!" Galit na sagot ni Tulip sa kanya.
Napahawak si Tulip nang bigla-biglang pumreno si Spades at tinitigan siyang matalim at umiigting ang panga. He looked at her firm and cold. "Manahimik ka kung ayaw mong sabihan ko si Rosas na ibalik ka sa pinanggalingan mo," wika ni Spades.
"Sige, isumbong mo. Hindi ako natatakot. Pumasok ako sa Thorns not to please you; sumali ako para mahanap kung sino ang pumatay sa nanay ko," sagot naman ni Tulip at dumiretso ng tingin si Spades. "Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin? Tungkol pa rin ba ito sa asawa mo?" Dagdag na katanungan ni Tulip.
"Huwag mong idamay ang asawa ko dito; respetuhin mo ang kaluluwa niya," matigas na sagot ni Spades.
"Yun na nga eh. Matagal nang yumao ang asawa mo kaya wala akong inaagawan ng pwesto," may diing sagot ni Tulip kaya hindi na naman nakasagot si Spades at pinaharurot na lang muli ang sasakyan pabalik ng casa kahit may namumuo pang tensyon sa pagitan nila.
-----------------------------------
Habang nasa misa, hindi naiwasang mapansin ni Red na parang hindi mapakali si Karl at may iniiwasan ng tingin sa kabilang bahagi ng simbahan. Doon nakita niya ang isang babaeng nakatingin at nginingitian siya. Habang patuloy silang nakikinig sa misa, hindi naman maiwasang mapansin ni Red na patuloy pa rin sa pagpapapansin ang babae at naiilang na si Karl.
“Palit tayo,” simpleng saad ni Red at hindi na umimik pa si Karl at nakipagpalit nalang ng pwesto sa nobya. Nang makapagpalit na sila ng pwesto at nasa corner na si Red, tila nainis ang babae at tumigil sa pagpapapansin.
Pagkatapos ng misa, nag-aya si Karl na kumain sa kung saan gusto ni Red pero nang papaalis na sila, bigla nalang silang nilapitan ng babaeng kanina pa magpapansin kay Karl.
“Karl! Dito ka na pala nagsisimba,” bati ng babae kay Karl kaya bahagyang siya ngumiti.
"Yeah, matagal na lumipat na rin kasi kami ng bahay and this church is the closest," simpleng paliwanag ni Karl habang hawak ang kamay ni Red na kanina pa tahimik at nagtataka, pinapakiramdaman ang babaeng nasa harapan niya.
"And who is this... Girl?" Tanong ng babaeng kausap ni Karl at tiningnan siya nito mula taas pababa.
"She's..." Karl looked at her before answering, "my world, my lifeline... My moon," saad ni Karl habang hindi nawawala ang tingin niya sa asul na mga mata ni Red.
"Eww cringe. Can you go straight to the point?" Nandidiring sagot ng babae sakanya.
"She's my wife," Karl said firmly, his gaze meeting the woman's dark eyes without flinching. There was pride and confidence in his stance as he spoke.
The woman hesitated, taken aback by his answer. She turned to look at Red, her eyes filled with a mix of confusion and curiosity. Red also looked at him, her expression filled with questioning.
"Asawa... Hindi ko alam na may asawa ka na pala," tanong ng babaeng kausap nila na nginisihan lang ni Karl bago sagutin.
"Bakit kailangan ko bang ireport sayo lahat ng nangyayari sa buhay ko?" Sakrastikong saad ni Karl na mas lalong nagpadagdag sa inis ng babae.
"Hindi naman..." Sagot naman ng babaeng kausap niya sabay harap kay Red at nag-alok ng pakikipagkamay. "Bee. Bee Toucon," pagpapakilala ng babae kay Red kaya nanlaki naman ang mata niya nang marinig ang pangalan nito.
"Bee? T-toucon?" Nauutal na saad ni Red na pilit pinipigilan ang pagtawa. "May lahi ka ba?" Dagdag pa ni Red na pilit paring pinipigilan ang tawa.
"Yes, sa father side. I'm Karl's first love, also first girlfriend," simpleng sagot ni Bee at tanging tango nalang ang naisagot ni Red. "And you are?" Tanong ulit ni Bee habang nakalahad parin ang kamay niya sa harapan ni Red.
"Red. Like roses and blood," pagpapakilala ni Red sa babae at tinanggap ang pakikipagkamay nito. "Red Camorra," dagdag niya pa at nginitian ang babae.
"Nice meeting you, Red. Oh Karl... about pala last week dun sa bar, thank you for accompanying me you're such a good listener. I need to go now... See you around, dear," wika ni Bee at kinindatan si Karl bago umalis kaya nagbago ang ihip ng hangin sa pagitan ni Karl at Red.
"Ang sabi mo may importante kang inasikaso buong linggo tapos ngayon malalaman ko may kasama kang bubuyog sa bar?" prangkang tanong ni Red sa nobyo pero imbes na mataranta ay natawa nalang siya dahil sa sinabi ni Red na bubuyog. "Bakit ka tumatawa?! Nakakatawa ba ako?!" Dagdag pa ni Red, kumunot ang noo at halata na ang inis sa mga mata niya.
Karl shook his head, a small smile playing on his lips. He gently cupped Red's cheeks, his thumbs pressing lightly against her jawline. Red's lips pouted slightly, her face a picture of grumpy displeasure. He leaned in, his touch soft and reassuring, hoping to coax a smile from her.
"Yung sinabi kong may inaasikaso akong importante totoo yun, alam mo namang ako ang inilagay ni daddy na CEO sa D'Tech kaya masyadong na busy ako and that Bee. Yes, ex ko siya and ex means ekis na siya naging girlfriend ko dati kasi takot pa akong mag out kay daddy na bakla ako kaya sinubukan kong mag jowa ng babae pero wala eh, lalaki talaga ang hanap ko dati till I met you. Nawala lahat ng pagpapa girl ko," paliwanag ni Karl sakanya habang nanatiling nakatitig parin ang kayumangging mata sa asul at mapungay na mata ni Red.
Sasagot pa sana si Red pero natigilan siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Pasimpleng tumingin si Karl sa cellphone ni Red para tingnan kung sino ang tumatawag at tanging isang emoji lang ang nakita niya, spades.
"Excuses, I have to take this call," paalam ni Red at tanging ngiti nalang ang naisagot ni Karl dahil nagmadali itong lumayo para sagutin ang tawag.
"This is impossible, nahuli ko na si Inang Rosas pero bakit parang tugma lahat ng nangyayari ngayon sa mga clue ba nakuha ko," wika ni Karl sa sarili at sinulyapan si Red sa malayo na, seryosong may kausap sa telepono. He couldn't shake the feeling that something was off. The way Red had introduced herself, the way she had reacted to Bee's presence... It all felt a little too perfect, a little too calculated. He needed to find out more.
He watched as Red ended the call, her face now calm and composed. As she turned back to him, she caught his eye and gave him a small, knowing smile. It was a smile that sent a shiver down his spine. He couldn't help but feel like he was missing something crucial, like he was staring into the abyss and the abyss was staring back. He couldn't help but wonder, was he truly looking at the real Inang Rosas? Or was he about to be blindsided again?
—♡—
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top