57

"Magandang umaga," bati ng isang ginoo kay Red na nagtitipa sa laptop nya habang mag-isa kumakain ng almusal sa mesa. Tinapunan lang nya ng tingin ang bumati at tumabi sakanyang ginoo at bahagyang nginitian bago ibinalik ang atensyon sa pagtatrabaho sa laptop nya. "Busy ka yata," dagdag pa ng ginoo habang kumukuha ng pandesal at nagpalaman ng pritong itlog habang si Red ay pinapanood lang sya.

"Good morning," sabay na bati ni Micheal at Hailey habang palapit sa mesa kung saan nakaupo si Red at Isyddro.

"Kayo lang? Si Tita Ella at ate Blue nasaan?" Tanong ni Hailey at umupo sa harap ni Isyddro habang si Micheal naman ay tumabi kay Hailey.

"Si Nanay sumama sa outing ng mga amiga nya, si ate may trabaho," malamig na sagot ni Red habang nakatitig lang sa laptop nya.

"Si Scale nasaan?" Nakangiting tanong ni Micheal kaya bigla syang nabatukan ni Hailey. "Aray!" daing pa ng binata.

"Ang feeling close mo naman," mapang-asar na wika ni Hailey kaya napasimangot si Michael.

"Ikaw nga feeling close kay Red eh inaaway mo naman sya," pagbalik ng asar ni Micheal kaya napatahimik si Hailey at inirapan sya. "At least ako pinapansin ng crush ko eh ikaw pinapansin ka ba ni Giovanni?" Dagdag pa ni Micheal kaya muntik na syang mabatukan ulit ni Hailey.

"Ang landi talaga eh bakit hindi nalang kasi umamin," bulalas ni Hailey pero nginisihan sya ni Micheal.

"Hindi mo lang alam," mayabang na sagot ni Micheal kaya nagulat naman si Hailey.

"Umamin ka na?! Weh? Totoo?!" Gulat na tanong ni Hailey. "Secret," tanging sagot ni Micheal kaya naexcite naman si Hailey at bahagyang tumilitili.

"Shh! Ang ingay nyo may nagtatrabaho dito tapos ang ingay nyo," suway ni Isyddro sa dalawa kaya napatingin sila kay Red na hindi sila pinapansin at napatahimik sila.

"Ate Red bakit yan lang yung almusal mo? Diet ka ba? Ang liit mo na kaya," bulalas ni Hailey kaya nabatukan sya ni Michael. "Aray! Totoo naman eh ang sexy na nya nag da-diet pa sya, ganda kaya ng katawan ni ate Red," dagdag pa ni Hailey pilit na pinapaliwanag ang sarili.

"Si Scale pinapunta ko ng office para tapusin ang kailangang tapusin na trabaho para hindi tumambak dahil may pupuntahan kaming event mamayang hapon," malamig na sagot ni Red habang nakatutok parin ang buong atensyon nya sa laptop.

"Mamaya na yan, mahaba pa ang oras mo kumain ka muna," suhestyon ni Isyddro at madahang isinasara ang laptop ni Red kaya walang nagawa ang dalaga. Hindi naman sya nakasagot sa ginoo dahil hindi lang sa nahihiya sya ay ayaw nya rin itong masabihan ng masasakit at masasamang salita bilang respeto sakanya. "Eto subukan mo kesa dyan sa pa saging-saging ka lang," alok ni Isyddro habang nagpapalaman ng itlog sa tinapay at inialok kay Red. Nag-aalangang tinanggap ng dalaga ang binibigay ni Isyddro pero nakangiti nyang tinanggap ang tinapay.

"Masarap yan, yan yung almusal namin palagi tapos partner kape, solve na solve yung gutom," panghihikayat ni Micheal kay Red kaya ngitian at tinanguan sya ng dalaga bago ito kumagat sa tinapay na may palamang piniritong itlog. Maya-maya may isang babaeng nagsalita palapit sakanila. "Ms. Red," wika nito dahilan para mapalingon sila.

"Ayan na baby mo," tukso ni Hailey sa kuya nya kaya sinamaan sya ng tingin ng binata bago tumingin kay Scale na nakangiti at maaliwalas ang mukha. "Landi talaga," dagdag pa ni Hailey.

"Scale, kain ka," alok ni Micheal at tanging pagtango at ngiti lang ang sagot ni Scale sakanya saka nagpatuloy na lumapit kay Red.

"Boom! Hindi pinansin kawawa naman," bulong ni Hailey sa kuya nya para maasar ito. Sinamaan sya ng tingin ni Micheal bago magpatuloy sa pagkain ng sinangag at piniritong itlog habang si Hailey ay tuwang-tuwa dahil naasar nya nanaman ang kuya nya.

"Ms. Red, CLV Travels has cancelled their afternoon event," balita ni Scale na nagpaiba ng mood ni Red. Ang kaninang nakangiti ngayon ay unti-unti nang nagagalit at naiinis.

"What do you mean cancelled? Mamaya na yung event. Wala akong tinanggap na appointment this day and hindi ako pumasok ng trabaho then sasabihin mong cancelled. What's going on with them? Tell me they at least gave a reason this time," galit na tanong ni Red kaya walang nagawa si Scale kundi yumuko nalang at tumahimik. "Wala?" Tanong ulit ni Red at umiling si Scale habang nakayuko.

Nagulat sila nang biglang hampasin ni Red ang lamesa. "Wala naman palang rason bakit pa nila ika-cancel?" Galit na galit na si Red, hindi rin makatingin ng maayos si Scale at nanatiling nakayuko. "Dapat nga may pupuntahan kami ni Karl ngayon pero-" sigaw ulit ni Red pero napatigil sya nang napatingin sila sakanya.

"P- paki... Pakidala ng laptop sa kwarto, may pupuntahan lang ako," huling sinabi ni Red bago pumunta sa garahe at sumakay sa Rolls Royce nya para tawagan si Karl.

"Kaya pala nagalit," wika ni Hailey kaya napakingon sakanya si Micheal, Isyddro at Scale. "May date pala sya," dagdag pa ni Hailey kaya natawa nalang ang tatlo.

...

Nakakadalawang missed calls na si Red bago sya sagutin ni Karl kaya medyo naiinis na rin si Red.

"Hello, bakit?" Sagot ni Karl mula sa kabilang linya.

"Nasaan ka?" Tanong ni Red sa katawag nya pero minuto pa bago sya makatanggap ng sagot.

"May pinuntahan lang akong importante. I'll call you back later," simpleng sagot ni Karl at pinatay ang tawag kaya naputol ng wala sa oras ang dapat na sasabihin ni Red dahil sa pagkaputol ng linya na syang mas ikinainis ng dalaga kaya napahampas sya sa manibela ng sasakyan.

"Mas importante pa ba yun saakin? Ano ba yung pupuntahan nya... Sino? Babae nya? Nambababae ba sya dahil lang sa hindi kami natuloy sa lakad namin kasi may event ako? Hindi naman siguro, ang immature naman nya kung ganun," wika ni Red sa sarili at parang baliw sya sa loob ng sasakyan nya dahil sa sariling tanong sariling sagot. "Lintik na event yan ngayon pa talaga nag-cancel kung kelan... Bwisit!" Dagdag pa ni Red at patuloy na hinahampas ang manibela kaya patuloy rin ang pag-busina ng kotse.

-----------------------------------

Nakarating si Karl sa isang malaking coffee shop. Doon nakita nya ang isang babaeng magkasing mukha sa litrato ng babae na nakadikit sa BioData na hawak nya galing sa mga nahanap nyang mga impormasyon sa pribadong kwarto ng bahay nya.

"Lydia Carrelon," tawag ni Karl at nilingon naman sya ng isang sophistikadang babae na nasa edad na kuwarenta pataas.

"Yes? Anong kailangan mo and who are you?" Tanong ni Lydia kay Karl kaya naglahad ng kamay ang binata at nagpakilala.

"Ako po si Karl Derioso," pagpapakilala ni Karl kaya parang tumigil ang mundo nya nang may maalala sya dahil sa narinig nya ang apelyido ng binata.

...

"Wag na wag kang magpapakita sa anak ko, kahit ano pa ang mangyari wag na wag kang mapapakita o kahit magpakilala man lang sakanya. Wag mo rin akong susuwayin, baka magkasubukan tayo," pabulong na banta ni Spades kay Lydia habang nakaconfine ito sa hospital dahil sa asawa nyang nanakit sakanya. Madahang tumango si Lydia habang nakaratay sa higaan ng pribadong silid sa ospital.

"Tama na yan, wag mo nang takutin, matinding trauma na ang napala nya, dadagdagan mo pa ba?" Malamig na wika ng babaeng kakapasok lang sa kwarto dahilan para mapalingon si Lydia at Daniel sa parehong direksyon kung saan nakatayo si Inang Rosas.

"Sinasabihan ko lang, your highness–" sagot ni Daniel pero agad naman itong pinutol ni Inang Rosas.

"Husto na." Lumapit si Inang Rosas sa kanilang dalawa at lumapit sa tabi ni Lydia. "Nagamot na ang mga sugat ng anak mo, eh ikaw, kamusta ka?" Mahinahon at kalmadong tanong ni Inang Rosas kay Lydia at tumango naman ang ginang.

"Opo, maayos na po ang lagay ko kahit may konting galos at mga sugat lalo na sa mukha pero maayos na po ang pakiramdam ko. Salamat po sa binigay mong tulong sa pamilya ko, nakala na kami ng anak ko sa halimaw na yun, maraming salamat po your highness," pagpapasalamat ni Lydia kay Inang Rosas at tanging ngiti lang ang iginawad nitong sagot. "Siya nga po pala, paano nyo po nalaman na ganun yung nangyayari sa loob ng bahay namin?" Namamanha at naguguluhang si Lydia kaya bahagyang napatawa si Inang Rosas dahil sa reaksyon ng ginang sa mabilis na pag-aksyon ng Thorns sa nasabing pangyayari.

"Matagal na rin naming minamanmanan si Gov. Carrelon, also isang pindot lang ng hacker lalabas lahat ng lihim and nakita namin sa CCTV nyo," kalmadong sagot ni Inang Rosas na para bang wala lang sakanya ang sinabi pero para kay Lydia ay kamanghamangha ito.

"Yung CCTV namin nahack nyo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lydia at tinanguan lang sya ni Inang Rosas.

"Isang henyo sa larangan ng pag-hack si Clover, sisiw lang sakanya ang pag-hack sa lahat ng CCTV sa buong Maynila, rather all the CCTV's in the Philippines," paliwanag ni Spades kaya mas lalong namangha si Lydia.

...

"May itatanong lang po ako tungkol sa nababalitang si Inang Rosas," direktang saad ni Karl sakanya kaya hindi agad nakareact si Lydia.

"Mali ka ng nilapitan," naiilang na wika ni Lydia at sinubukang pagsarhan ng pinto si Karl pero napigilan ito ng binata. Dahil na rin sa pwersa na meron si Karl ay hindi nagawang isara ni Lydia ang pinto.

"Hindi po ako nagkakamali dahil lahat ng impormasyon na nakasulat sa papel na to ay tugma sayo, maging ang litratong nakalagay dito alam kong ikaw to kahit puno to ng mga pasa," wika ni Karl habang pinipigilan nya ang pagsara ng pintuan. Natigilan naman si Lydia nang biglang ipakita ni Karl sakanya ang papeles na mayroong litratong kasama, litrato nyang puno ng pasa at sugat, maging ang litrato ng katawan nya na puno rin ng pasa at sugat ay naroon din sa folder na yun kaya hindi na nakaimik pa si Lydia dahil alam nyang wala na syang kawala.

-----------------------------------

Sa ilang oras na pamamalagi ni Red sa loob ng kotse nya ay nakaramdaman sya ng pagod dahil sa walang tigil na pagwawala sa kotse at walang humpay na pagmumura.

"Piste! Bwisit bwisit!" Naiinis na sigaw ni Red at hinampas-hampas nya ang manibela ng kotse kaya patuloy rin ito sa pag-busina. Natigil lang sya sa pag-hampas nang magring ang cellphone nya.

"Nemesis," basa ni Red sa pangalan ng tumatawag sa cellphone nya, Nemesis Wittgenstein, ang pinsan ng kambal. "Ano nanaman ba ang kailangan ng bruhang to," dagdag pa ni Red bago nya sagutin ang tawag.

"Hello, bakla!" Bungad kaagad ng katawag nya kaya agad napatakin ng tenga si Red dahil naka loud speaker ito.

"Ano ba Nems! Yung kausap mo nasa cellphone wala sa kabilang bundok," reklamo ni Red, pagtawa lang ang narinig nya sa kabilang linya. "Anong kailangan mo?" Seryosong tanong ni Red kaya sumeryoso rin ang boses ni Nemesis.

"Nakatanggap ka rin ba ng invitation from Lyxeeries?" Tanong ni Nemesis at bumuntong hininga muna si Red bago sumagot.

"Yes."

"OMG, ang ganda nung papel bakla! Mabango tapos shiny shiny," manghang-manghang wika ni Nemesis kaya napairap nalang si Red.

"Kung yan lang din naman ang sasabihin mo saakin papatayin ko na tong tawag madami pa akong gagawin," malamig na sagot ni Red.

"Teka lang naman bad trip ka naman kaagad sandali lang," sagot ni Nemesis kay Red na para bang bata na nagsusumamo para hindi mapagalitan.

"Kung alam ko lang na wala lang din namang kabuluhan ang sasabihin mo saakin edi sana hindi ko nalang sinagot ang tawag mo, you're wasting my time Wittgenstein," malamig na saad ni Red kaya napabuntong hininga si Nemesis na nasa kabilang linya.

"Kasal na kaya ako, it's Mrs. Blythe," pagtatama ni Nemesis pero natahimik nalang sya dahil sa agarang sagot sakanya ni Red.

"I don't care."

"Oo na! Itatanong ko lang kung pupunta ka ba sa event ng Lyxeeries next week?" diretyahang tanong ni Nemesis sakanya.

"Well, wala rin naman akong choice kapatid ko ang... nasa Lyxeeries," walang ganang sagot ni Red. "I mean isa syang employee in that said company," dagdag at pagkaklaro ni Red.

"Sabagay maging ako ay wala rin choice mismong si Blue na ang nag imbita saakin mismong ang—" sagot ng katawag ni Red pero naputol ito nang patahimikin sya ni Red. "Shush, may tao," pagputol ni Red sa sasabihin ng pinsan nya dahil sa narinig nyang mahinang kalabog sa garahe.

"Baka pusa or dog," suhestyon naman ni Nemesis pero alam ni Red sa sarili nyang hindi iyon kahit anong hayop.

"Walang pusa o aso dito Nemesis at alam mo yan," simple sagot ni Red kaya agad narealize at naalala ng pinsan nya ang dahilan. "Call you back," dagdag pa ni Red at hindi na nya hinintay pa ang sagot ni Nemesis, agad nya nalang ibinaba ang tawag. Agad binuksan ni Red ang glove compartment ng kotse nya at kinuha ang isang baril bago bumaba ng kotse.

Ikinasa nya ang baril at dahan-dahan syang naglakad kung saan nya narinig ang tunog habang nakaalerto parin sya at ang kanyang baril. Itututok na nya sana ang baril nang biglang umulhot si Isyddro mula sa isang gilid.

"Tito... Ik– ikaw po pala," nauutal na wika ni Red at pilit na ngumiti habang pasimpleng tinatago ang baril sa likuran nya.

"Bakit parang namumutla ka? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni Isyddro at agad na lumapit kay Red para matingnan ng mabuti ang dalaga.

"Wala naman po, ano po ang ginagawa mo dito?" Nag-aalangang sagot at tanong ni Red kay Isyddro.

"Bigla ka kasing umalis kanina tapos nung hinanap kita may narinig akong sunod-sunod na mga busina kaya pumunta ako dito and nakita kita," paliwanag ni Isyddro kaya tumango naman si Red bilang sagot. "Tsaka... Mamamasyal pala kami mamaya sa park baka gusto mong sumama since wala ka namang gagawin," alok pa ni Isyddro.

"Sige, mauna na po kayo susunod lang po ako," tanging sagot ni Red at tinanguan lang din sya ni Isyddro bago sya lumabas ng garahe.

Sinundan lang ni Red ng tingin ang tiyuhin at nang masiguro nyang tuluyan na itong nakalayo ay nakahinga ng maluwag si Red. She decocked her gun and immediately hid it back into the compartment glove of her car before she went after her uncle.

-----------------------------------

Kasalukuyang nasa loob ng opisina ni Lydia si Karl habang sinusubukan nyang kunan ng impormasyon si Lydia tungkol kay Inang Rosas at sa namayapa nyang asawa.

"Gabi ng December nung umuwi si Garry na lasing galing sya sa inuman kasama yung nga kaibigan nya sa barangay noong kapitan palang sya, yung anak ko naman kakababa lang nya mula second floor at doon nakita nya ang pag-utos-utos saakin ng tatay nya. Simula nung naging konsehal ang tatay nya palagi na nya itong sinagot-sagot lalo na kapag lasing si Garry kaya parang normal nalang sa bahay namin ang bangayan nila pero nung gabing yun iba ang naramdaman ko kaya pinili kong pumagitna sakanila nang mas lalong uminit ang tensyon sa pagitan nila," paliwanag ni Lydia habang si Karl naman ay matamang nakikinig sakanya.

"Ang pagpapagitna nyo po sa bangayan nila ang dahilan kung bakit ka nagkapasa at sugat?" Dagdag na katanungan ni Karl pero umiling si Lydia.

"Pumagitna ako kasi akala ko matitigil ang bangayan nila at kakalma sila pero mali ako, mas lalong tumindi yung away nila at ako ang napagbuntunan ng galit ni Garry. Hindi ako naipagtanggol ng anak ko dahil nawalan rin sya ng malay nung tinulak sya ni Garry at tumama ang ulo nya sa pader," pagpapaliwanag pa ni Lydia.

"Kaya ka po puro pasa ka dito sa picture, para kang nanuyot na gulay," kumento ni Karl habang nakatingin sa mga litratong nakalagay sa folder na dala nya kasama ang iba pang impormasyon tungkol kay Lydia Carrelon.

"Oo, buti nalang buhay pa ako, kung hindi dahil kay Inang Rosas wala na ako sa mundong ito ngayon," saad pa ni Lydia kaya napaangat ng tingin sakanya si Karl.

"Bakit ho?" Nagtataka at interisadong tanong ni Karl.

"Habang sinasaktan ako ni Garry bigla nalang may pumasok na babaeng nakapula at iba pang taong nakamaskara sa bahay namin, mga armado sila tapos pinagtulungan nila si Garry tapos yung babaeng nakapula lumapit saakin, pinagsuot nya ako ng headphones tsaka piniringan nya ang mata ko tapos hindi ko na alam kung ano yung mga nangyari," paliwanag pa ni Lydia kaya tumango nalang si Karl.

May sasabihin pa sana si Lydia nang mapadako ang tingin nya sa labas na may halong gulat at takot kaya napalingon din si Karl kung saan sya nakatingin at doon nakita nya ang isang misteryosong babae na nakasuot ng itim na dress at belo, sinamahan pa ng koronang gawa sa bulaklak na black Dahlia.

"Umalis ka na alis! Wag ka nang babalik dito," saad ni Lydia at pilit pinagtutulakan palabas si Karl.

"Wala po akong intensyong masama, gusto ko lang po malaman kung sino ang nangingealam sa buhay ng nobya ko dahil baka dumating ang oras na sya ang madiin dahil sa pagkamatay ng mga lalaking umagranyado sakanya," paliwanag ni Karl pero hindi parin sya pinakinggan ni Lydia at tinulak sya ng tuluyan.

"Pwes ang nobya mo ang tanungin mo wag ako," tanging sagot ni Lydia at tuluyan nang pinagsarhan ng pinto si Karl sabay lock ng coffee shop kaya ang mga customer na kakarating lang ay walang nagawa kundi umalis nalang.

Nawalan din ng pag-asa si Karl na makakuha ng sagot mula kay Lydia nang lumingon naman sya sa kabilang kalsada ay nandoon parin ang babaeng naka itim, tanging labi lang nito ang nakikita pero halata itong nakatitig sakanya at nakangiti ng nakakaasar. Dumaan naman ang isang bus sa pagitan nilang dalawa at nang makadaan na ito ay bigla nalang nawala ang babaeng nakaitim kaya nagpalinga-linga si Karl pero wala syang nakita kahit anino nito.

-----------------------------------

"Nag-enjoy ba kayo dun sa arcade kanina?" Tanong ni Isyddro habang sinusuklay-suklay nya ng buhok ni Hailey na nakahiga sa binti nya. Kasalukuyan sila ngayong nasa parke at nakaupo sa nilatag nilang picnic mat.

"Syempre naman po tay pero nakakainis si kuya inaagaw nya po yung bola ko dun sa basketball kanina," pagrereklamo ni Hailey.

"Hoy ikaw din naman kaya!" Sumbat naman ni Michael kaya sumimangot si Hailey at napailing-iling nalang si Isyddro.

"Oh sya tama na yan mag-aaway nanaman kayo," suway ni Isyddro sakanila kaya tumahimik naman ang dalawa sa bangayan nila pero nanatiling masama ang titig nila sa isa't isa. "Red anong gusto mong flavor ng ice cream? Ibibili kita ng sorbetes," alok naman ni Isyddro kay Red na ngayon ay tahimik lang na nakaupo sa tabi ni Micheal.

"Strawberry po," simple at nahihiyang sagot ni Red sakanya, ginawaran naman sya ng ngiti ni Isyddro at pinaupo muna si Hailey bago sya tumayo.

"Tay ako po ube," nagpapacute na wika ni Hailey.

"Hanggat hindi kayo nag-kakaayos ng kuya mo hindi ko kayo bibilhan ng sorbetes," sagot naman ni Isyddro kaya mas lalong napasimangot si Hailey.

"Tay naman eh para naman kaming bata kung ganyanan," reklamo ni Hailey at nag-alumihit kaya napa-iling-iling nalang si Isyddro at hindi na pinansin pa ang pagrereklamo ni Hailey.

Naiwan na nakaupo sa puwesto sina Hailey, Michael, at Red nang umalis at bumili ng sorbetes si Isyddro sa malapit na sorbetero.

"Ikaw kasi eh! Ayan tuloy wala tayong ice cream," paninisi ni Hailey sa kuya nya. Napailing nalang si Micheal dahil alam nyang wala syang magagawa sa pagtatampo ng kapatid nya.

"Nasisi pa nga ako, ikaw naman tong unang umaway saakin," reklamo rin ni Michael kaya inirapan nalang sya ni Hailey habang si Red naman ay tahimik lang sa isang gilid at abala sa cellphone nya.

Napuno ng katahimikan ang paligid nilang tatlo nang wala nang nagsalita sakanila at busy na sila sa kani-kanilang cellphone nang bigla nalang nagsalita si Micheal. "Hindi pa pala nahahanap ang katawan nung Gearn Gillio?" Saad ni Micheal kaya napalingon si Red at Hailey sakanya.

"Akala ko ba nakita na nila?" Naguguluhang tanong ni Hailey. "Sabi sa balita nakita na daw palutang-lutang," dagdag pa ni Hailey.

"Bakit naman sya lulutang eh hindi naman sya tinapon sa dagat," wika naman ni Red kaya napatitig sakanya ang magkapatid at natigilan sya.

"Paano mo naman nasabing hindi tinapon? Kilala mo ba ang pumatay sakanya?" Tanong ni Micheal kay Red na puno ng pandududa.

"H-hindi... Sinabi na yun sa balita noong nakaraang araw," bahagyang nauutal na sagot ni Red. "Iba ang katawang nakuha ng mga awtoridad na palutang-lutang sa Siargao at nasabi rin sa balita na imposibleng sa Siargao mapupunta ang bangkay dahil malayo ang QC sa Siargao, diba Hailey," dagdag pa ni Red at tumingin kay Hailey, tingin na puno ng pahiwatig kaya hindi naman makatingin ng diretsyo si Hailey sa pinsan nya.

Naputol lang ang awkward na tinginan nila nang bumalik na si Isyddro na may dalang apat na sorbetes at binigay ito sa bawat isa sakanila.

"Ang seryoso nyo naman," natatawang saad ni Isyddro habang inaayos ang upo.

"Nag-uusap lang po kami tungkol kay... Inang Rosas," simpleng sagot ni Red sa winika ni Isyddro at tinapunan nya naman ng tingin si Hailey kaya hindi naman sya makatingin ng direkta kay Red.

"Delikado yan, baka mamaya may makarinig sainyong kakampi nya at magsumbong sakanya, kayo pa ang mapag-iinitan," wika ni Isyddro pero ngumiti si Red at umiling-iling.

"Hindi naman po siguro, pwera nalang kung magsusumbong naman talaga, I mean nasa paligid-ligid lang ang mga kasamahan ng Inang Rosas na yun," sagot ni Red habang nakatingin parin kay Hailey. Hinawakan ni Red ang kamay nya para makuha ang atensyon ni Hailey. "Diba... Hailey?" Dagdag pa ni Red na para bang hinuhuli si Hailey sa bawat salitang binibitiwan nya. Tanging tango lang naman ang isinagot ni Hailey at binigyan sya ng aalinlangang ngiti.

—♡—

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top