56

"Argh! Bwisit, bwisit, bwisit!" Galit na hiyaw ng babae at pinaghahawi ang mga gamit na nasa paligid nya.

"Sige pa, yung TV basagin mo pati yung mesa basagin mo," sakrastikong saad ng isang lalaking nakasuot ng itim na maskara.

Tiningnan sya ng masama ng babaeng nakagintong maskara habang hinihingal ito at hawak hawak ang sugat nya sa balikat.

"Oh ano ngayon titingin ka sakin kasi masakit? Akala ko ba mataas pain tolerance mo," pang-aasar ng lalaki sakanya.

"Isang pang-aasar pa ang maririnig ko sa bibig mo, Spades sinasabi ko sayo ikaw ang magiging ulam ng mga uod mamayang gabi 6 feet below!" Galit na hiyaw ni Inang Rosas sakanya pero hindi man lang nasindak si Spades.

"Pareho nating alam na hindi mo ako masisindak sa ganyan," malamig na tugon ni Spades kaya napatahimik nalang si Inang Rosas.

"Gamutin mo nalang ako hindi yung puro ka kuda dyan," utos ni Inang Rosas kaya napailing iling nalang si Spades kaya kinuha nya ang gamit na hawak ng mga kasambahay at nagsuot ng medical gloves. Dumapa naman si Inang Rosas sa sofa para nagamot ni Spades ang sugat nya.

"Dapat pala nag doctor nalang ako hindi criminology," reklamo ni Spades habang ginagamot si Inang Rosas.

"Aray, tangina!" Daing ni Inang Rosas nang medyo nadiinan ni Spades ang sugat nya.

"Oh edi sorry alam mo namang mabigat ang kamay ko eh," reklamo rin ni Spades sakanya. "Bakit ba kasi hindi nalang kasi pumunta ng hospital hindi yung saakin ka palagi nagpapagamot," dagdag pa ni Scale kaya nilingon sya kaagad ni Inang Rosas.

"Gusto mo ba talaga akong nahuli, Daniel ha?" Prangkang tanong ni Inang Rosas kay Spades na gumagamot sakanya.

"Ah ganun tawagan pala ng tunay na pangalan dito sige. Syempre naman hindi Desa, bakit ko naman gugustuhin makulong ka. Don't worry hindi ko hahayaan yun Desa," sakrastikong sagot ni Spades kay Inang Rosas kaya natigilan ang dalagan at bumuntong hininga.

"Tangina," tanging winika ni Inang Rosas at nanahimik nalang habang ginagamot sya ni Spade na para bang kagat lang ito ng lamok. Paminsan minsan ay nasasaktan at kumikirot ang sugat nya sa tuwing may ginagawa si Spades pero dahil hindi naman sya mabilis makaramdam ng sakit ay nakuha ni Spades ang bala sa balikat nya habang sya ay parang minamasahe lang.

-----------------------------------

"Ang galing mo talaga dun, anak," puri ni Isyddro kay Hailey na nakatanggap ng 2nd place award.

Nasa labas sila ngayon ng building ng eskwelahan at kasalukuyang papunta ng parking lot kung saan nakapark ang SUV ni Red.

"Paano nga ulit yung rampa tay?" Biro ni Michael kaya pabirong rumampa si Isyddro na ikinatawa ni Jane, Michael, at Hailey. Silang apat nalang ang magkakasamang lumabas ng building dahil nauna na sina Karl, Scale, Red, at Sorpia sa SUV para samahan si Red at gamutin ang sugat ni Karl kahit pilit syang tumatanggi.

"Kaso nga lang po, 2nd place lang ako," bakas ang kalungkutan sa boses ni Hailey kaya nakurot ni Jane ang pisngi nya.

"Ano ka ba, ayos lang yun, noh. Sabi nga ni ate Red, manalo man o hindi, ang importante sumubok ka at binigyan mo ang best mo kaya wag kang madismaya, okay," wika ni Jane para palakasin ang loob ni Hailey kaya walang nagawa si Hailey kundi tumango nalang.

Pagbukas nila ng SUV, bumungad sakanila kaagad si Red na nakayakap kay Karl na pinapakalma sya.

"Red? Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Isyddro pero hindi sumagot si Red kaya si Karl nalang ang kumausap sakanya.

"Ayos na po sya, inatake po sya ng asthma," simpleng sagot ni Karl pero mas silang nag-alala.

"Kuya, may sugat ka," nagaalalang tanong ni Jane nang makita nya ang benda sa braso ni Karl.

"Daplis lang yan, nakita namin si Inang Rosas, babarilin nya sana si Red, buti nalang nakaiwas kami," paliwanag ni Karl at bumuntong hininga. Nagkatinginan naman si Jane at Hailey dahil sa sinabi ni Karl. Pasimpleng binigay ni Jane ang jacket na suot nya kay Scale pero nagtataka syang tiningnan ni Scale. "Isuot mo yan at baka makita ang hindi dapat makita," paliwanag ni Jane at itinuon ang tingin sa braso ni Scale na may tattoo na isang pulang rosas.

"Paano mo naman nasabing si Inang Rosas yun, kuya Karl?" bahagyang natatawang tanong ni Hailey na para bang hindi sya naniniwala sa sinabi ni Karl.

"Nakita ko sya mata sa mata kanina, nakita ko rin sya sa bar kaninang umaga nakatingin saamin ni Red, hindi ko alam kung paano sya nakapasok sa bar na yun dahil private bar yun na pagmamay-ari ng daddy," wika ni Karl habang sinusuklaysuklay ang buhok ni Red na nakasandal ang ulo sa dibdib nya.

"Ah ganun ba," awkward na sagot ni Hailey at tinatapunan ng tingin si Jane. "Eh bakit hindi nyo hinabol? May baril namang dala si ate Sorpia diba, sigurado din akong may baril ding dala si ate Scale," dagdag pa ni Hailey kaya biglang natahimik at nagkatinginan si Scale at Sorpia.

Tinapunan din ni Karl ang dalawang dalaga na ngayon ay parang dinapuan ng hiya at hindi sila makatingin kay Red na natutulog sa bisig ni Karl.

"Hindi na kailangan, mahirap habulin at hanapin ang isang taong maraming pumoprotekta lalo na kapag malapit sayo ang pumoprotekta sakanya, talagang mahihirapan ka talaga," pagpaparinig ni Karl.

"Oo, mahirap talaga yun, yung mga traydor," pagsang-ayon ni Isyddro kaya para namang nakalunok ng isang malaking tinik ng isda sina Sorpia, Scale, Jane, at Hailey dahil patuloy sila sa paglagok ng laway nila nang magpatama ng salita si Karl.

-----------------------------------

"Ipostpone mo yung event," saad ng isang ginoo kay Violet saka sumipsip sa isang tasang kape. Nasa loob sila ngayon ng isang coffee shop, nakasuot ng mask at sumbrero ang kausap na ginoo ni Violet at hindi nya rin alam kung bakit ganon ang postura ng ginoo.

"Nababaliw ka na ba? Alam mo ba kung gaano ako nagpakahirap para lang makumbinsi ko si Lolo na payagan akong mag-held ng event at imbitahin ang Camorra na yun?!" Naiinis na tanong ni Violet sa lalaking kausap nya.

"Alam ko, kaya nga sinabi kong ipostponed diba alam ko rin ang pinaplano mong gagawin kay Red Camorra at sinasabi ko sayo mahirap syang kalaban. He has many eyes around him, sometimes you'll be surprised that even a beggar is under his watchful gaze." Makabuluhang sagot ng lalaki kay Violet dahilan para kumunot ang noo nya sa pagtataka. "Malaki ang kasalanan ng mga Camorra sa akin. Pinatay nila ang anak ko kaya gagantihan ko sila ng parehong paraan" dagdag pa ng ginoo at uminom ng kape.

"Sino ka ba talaga? Paano ba kita mapagkakatiwalaan kung hindi man lang kita kilala?" nagtatakang tanong ni Violet but the man let out a rich thick laugh.

"Let's just say that I am part of the Mala Del Brenta family." Makahulugang wika ng ginoo.

"Mala Del Brenta like the real Mala Del Brenta?" Nagtatakang tanong ni Violet at tumango ang ginoo.

"Bakit may peke bang Mala Del Brenta?" Tanong ng ginoo at umiling iling naman si Violet. "Basta just follow my instructions kung ayaw mong pumalpak, kung gusto mo syang patayin wag ngayon dahil sigurado akong nagdududa sya at naghahanda kaya humanap ka muna ng tiempo at doon mo sya talunin ng lubusan" dagdag pa ng ginoo kaya napaisip si Violet.

Naputol lang ang katahimikan sa pagitan ng ginoo at ni Violet nang biglang may magsalitang lalaki ba kakarating lang. "Violet?" Wika nito.

"I have to go, pag-isipan mo ng mabuti ang sinabi ko Violet think before you devour," huling winika ng ginoo at tinapunan muna ng tingin ang lalaking si Cleove bago umalis.

"Sino yun?" Tanong ni Cleove kay Violet pero hindi sya sinagot ng dalaga kaya umupo sya sa upuan na nasa harapan ni Violet kung saan kanina nakaupo ang misteryosong lalaking kausap ni Violet. "Sugar daddy mo?" Tanong muli ni Cleove kaya umalma na si Violet.

"How dare you! Hindi ko sya sugar daddy tigilan mo na yang madumi mong ilusyon," galit na saad ni Violet at tumawa lang si Cleove at sumandal sa kinauupuan.

"Malay ko ba nakatakip yung buong mukha eh baka nagtatago sa pamilya nya or baka may makakilala sakanya at malamang may sugar baby sya diba," patuloy na pang-aasar ni Cleove kaya mas lalong sumimangot ang mukha ni Violet.

"Sinasabihan nya akong ipostpone ang event ng CLV bukas kasi hindi raw maganda na bukas ko isagawa ang plano ko kay Camorra at may malalaman daw ako sa susunod na event ng Lyxeeries," paliwanag ni Violet na ikinakunot ng noo ni Cleove.

"Plano? What plano?" Naguguluhang tanong ni Cleove pero tinapunan lang sya ng tingin ni Violet at uminom ng kape. "Oh! I see kadiliman in your eyes, akala ko ba ayaw mong mabahiram ng dugo ng sino man ang iyong hands?" Tanong ni Cleove na may kasamang pang-aasar nang marealize nya ang ibig iparating ni Violet pero inirapan lang sya ng dalaga bago sya iwan sa ere ng isang coffee shop. Iniwan man ng walang sabi, ay nanatiling nakangisi si Cleove at iniisip ang posibleng plano ni Violet.

-----------------------------------

Malapit nang mag-hating gabi at hindi mapakali si Karl sa kakaisip sa lahat ng nakita nya kaninang umaga. Nakaharap nya si Inang Rosas at nakita nya mismo ang bawat facial features nito ng malapitan pati narin ang mga naobserbahab nya sa paligid kaya hindi nya maiwasang mapaisip ng kung ano ano.

Madahang naglakad si Karl palabas ng kwarto nya papunta sa isang silid na mula bata pa sila ni Jane ay palagi na itong nakalock at hindi sila pwedeng pumasok doon. Ngunit ang pinagtataka nya lang ay kung paano pupwedeng pumasok si Jane kahit pinagbawalan sila ng magulang nila. Hindi nya maiwasang maintriga dahil doon kaya sinubukan nyang buksan ang pinto pero nakalock pa rin kahit sinusubukan nya na ito.

"Paanong?!" Hindi makapaniwalang si Karl nang hindi gumana ang pagsusi nya sa doorknob. Sinubukan nya nang pihitin ng kung saang direksyon ang doorknob, pati na rin ang pagtulak ng pinto sa kung anong direksyon, ngunit hindi pa rin nabubuksan ang silid. "Pinto pa ba 'to? Mukhang nakasemento na yata 'to sa sahig," reklamo pa ni Karl at sinubukan ang lahat ng paraan para buksan ang pinto pero tumama lang sya sa katabing pader nito.

Hinimas ni Karl ang braso nyang tumama sa pader pero ang ipinagtaka nya ay umawang ito ng kaunti kaya naintriga sya. Napaobserba sya lalo at napatingin sa paligid nya bago tuluyan itulak ang akala nyang pader pero isa pala itong sliding door.

"Ayos ah, akala ko 'yun yung pinto kasi ang obvious naman na pinto 'yun pero sliding wall as a door?! Shit!" Hindi makapaniwalang saad ni Karl pero agad naman syang napatakip ng bibig ng maalala nya na gabi na pala at tulog na ang mga kasama nya sa bahay. Pinagpatuloy nya ang pagtulak ng sliding door at pumasok sa nasabing silid, minabuti nyang iwan ng bahagyang bukas ang pintuan para hindi na sya mahirapan sa paglabas.

Binuksan ni Karl ang ilaw sa silid na kinaroroonan nya at namangha nang makita nya ang paligid. Puno ng litrato ng kung sinong mga tao at ibang gadgets, para itong secret base ng isang hacker or spy could be worse a criminal. Maraming papeles ang nakakalat at mayroon ring litratong nakadikit sa hiwalay na pader at may mga markang pulang ekis sa mga mukha nito.

"Ano to, mga... Target?" Nagtatakang tanong ni Karl sa sarili nya habang tinitingnan ang mga maliliit na litratong may markang pulang ekis. "Venedicto Quando," basa ni Karl sa pangalan ng isang litrato na may pulang ekis dahil pamilyar ito sakanya. Inilibot pa ni Karl ang paligid nang biglang may marinig syang mga yapak kaya napatago sya sa ilalim ng isang tagong mesa.

"Yes, hello I'm already here kwarto, kukunin ko lang ang mga nakalap na impormasyon tungol kay Venedicto saka na ako pupunta dyan. Nakuha ko na rin yung footage, idispatsya nyo na yan," malamig na sagot ng isang babae sa katawag nya mula sa cellphone habang pumapasok ng sekretong silid at lumapit sa mesa kung saan nagtatago si Karl. "Wala akong pake kung saan nyo yan ilalagay, sunugin nyo, gawin nyong pataba kayo ang bahala basta ang sabi ni Inang idespatsya nyo na sya. Gawan nyo na rin ng paraan ang isa sa mga lalaking nakalagay sa listahan nya sabihan nyo ako kung sino ang nahuli nyo nang maekisan ko sya dito at maayos ang mga papeles na dapat ayusin bago sya mamatay sige na. Bye," dagdag pa ng babae at ibinaba na ang tawag. Napatingin si Karl sa paa nito na tangi nyang nakikita at alam nya sa paa palang kung sino ang babaeng yun pero pinili nyang manahimik at hinintay na marinig ang tunog ng pintong nagsara hudyat na umalis na sya.

Lumabas ng pinagtataguan si Karl at determinadong alamin kung sino nga ba si Inang Rosas ngayong alam na nya na pagmamay-ari lahat ni Inang Rosas ang mga gamit na nasa loob ng kwartong iyon. Wala nang sinayang ma oras si Karl at agad na nanghalungkat ng mga gamit sa drawer at minsan ay sa mga nakatambak na folder at envelopes.

...

Nakaupo si Inang Rosas sa isang swivel chair habang pinapanood ang isang CCTV footage.

"Rosa, hindi ko namalayan na nakapasok na pala sya," nag-aalalang wika ni Spades na nakatayo sa tabi ni Inang Rosas.

"Hayaan nyo sya, nasabihan ko na rin si Orchid na hayaan sya," kalmadong wika ni Inang Rosas pero hindi magawang kumalma ni Spades.

"Pero Inang Rosas, kapag nag-hanap pa sya ng nag-hanap, malalaman nya ang tungkol sayo, makikilala ka nya," natatarantang wika ni Spades, ngunit kalmado parin si Inang Rosas.

"Ano ba ang sabi ko?" Kalmadong tanong ni Inang Rosas at tumingin kay Spades. "Hindi ba't ang sabi ko hayaan nyo sya? Saang parte ang hindi mo naintindihan dun? If I don't want him to know the truth, do you think I will let him see me around or have you not even thought about why I willingly show myself to him?" Tanong ni Inang Rosas na nakapagpatahimik kay Spades at halos hindi makatitig sa kanya ang ginoo.

"Hayaan nyo syang unti-unti nyang malaman ang katotohanan. Tingnan natin kung kaya nya nga ba talaga," saad pa ni Inang Rosas kaya hindi na umimik pa si Spades.

"Your highness," tawag ng isang babae na nasa likuran nya. Hindi na ito nilingon ni IR dahil kilala nya naman ito sa boses palang.

"Speak," tanging sagot ni Inang Rosas habang nakatitig lang sa malaking TV kung saan nakalagay ang pinapanood nilang CCTV footage at tanging si Spades lang ang lumingon sa babaeng nasa likuran nila.

"Nakapasok na po ako sa website ng GLIO Empire at nahack ko narin ang bawat gadget na ginagamit nila sa kumpanya. Bukas na bukas mismo magkakagulo na sila dahil sa virus at mga nanakaw na files," report ng babaeng nanatili lang sa likuran medyo malayo sa kanila.

"Great, you can rest now Clover. Bukas na bukas mismo lalabas na ang daga sa pinagtataguan nya at kakagatin ang paing hinanda natin para lang sakanya," nakangising wika ni Inang Rosas at tinungga ang isang punong wine glass. Bahagyang yumukod si Clover para magbigay galang bago lumabas ng opisina ni Inang Rosas.

"Hindi parin pala lumalabas sa lungga nya si Cleove," hindi makapaniwalang wika ni Spades kaya napangisi si Inang Rosas.

"Binalaan na sya pero patuloy parin sya sa pangingialam kaya imbes na si Vien Claveria ay sya na muna ang isusunod ko sa kapatid nya," malumanay pero may diing sabi ni Inang Rosas.

"Pero Rosas, handa na ang kuryenteng ipampaparusa kay Vien Claveria," buwelta ni Spades at tinapunan lang sya ng titig ni Inang Rosas.

"Edi sakanya gagamitin, huwag kang mag-alala hindi masasayang ang pag-ngatngat mo sa live wire kahapon," pabirong wika ni Inang Rosas kaya napasimangot si Spades.

"Hindi ko nginatngat yun, pag nginatngat ko yun edi sana patay na ako ngayon," nakangusong wika ni Spades na ikinatawa ni Inang Rosas.

"Bakit ka naman mamamatay eh ikaw ang Deadpool ng Thorns," biro no Inang Rosas pero imbes na mainis ay kinikilig si Spades kaya napailing-iling ang dalaga at napahimas sa noo nya. "Ewan ko sayo Spades. Umalerto ka na dun at baka bukas o makalawa lumabas na ang dagang huhulihin mo," dagdag pa ni Inang Rosas kaya nagbigay galang si Spades at lumabas ng opisina nya.

Nagsalin si Inang Rosas ng red wine sa baso nya at pinapanood si Karl sa CCTV habang naghahalungkat ito. "This is fun," Inang Rosas uttered while she sipped on the wine glass and chuckled.

-----------------------------------

Sa tagal ng paghahalungkat ni Karl sa paligid, parang lahat na ng drawer at envelope ay nabuksan at nabasa na nya, ngunit nakakuha ng atensyon nya ang natatanging drawer na hindi pa nya nabubuksan, doon nakalagay ang parang mga BioData ng iba't ibang tao, karamihan ay mga babae.

"Sino ang mga ito?" Nagtatakang tanong ni Karl sa sarili habang tinitingnan ang mga papeles. "Cleo Giranda, Beatrice Verande, Gisselle Barbara, ang dami naman nito," dagdag pa ni Karl habang binabasa at tinitingnan ang mga papel.

"Ito yung estudyante doon sa Empress University, Si Sheiva Villane," saad pa ni Karl habang naghahanap pa ng ibang impormasyon, ngunit napatigil sya nang may mabasa syang pangalan na hindi nya inaasahan. "Red Camorra," basa ni Karl sa papel na nahanap nya.

Napatigil lang sya nang may marinig syang sumisipol-sipol kaya agad nyang inayos ang paligid at kinuha ang mga importanteng impormasyon. Paglabas nya ng silid na yun, nakita nya si Daniel pababa ng hagdan, suot suot ang pajama nito, pahikab-hikab pa at pakamot-kamot sa tyan. Siniguro muna ni Karl na nakalayo na ang tatay nya bago sya patakbong bumalik sa kwarto nya para maunpisahan na ang imbestigasyon nya.

"Aalamin ko kung sino ka, Inang Rosas," wika ni Karl habang nakatingin sa nakakalat na mga papel sa kama nya na naglalaman ng importanteng impormasyon. Nabaling ang atensyon nya papunta sa isang papel na kanina nya pa pinagtutuunan ng pansin.

"Red Camorra ang nakalagay na pangalan pero iba ang litratong nakalagay," naguguluhang saad ni Karl habang binabasa ang parang BioData ng nasabing Red Camorra. "Isang sanggol at patay na?" Mas naguguluhan pang si Karl dahil sa impormasyon na mas lalong nagpapasakit ng ulo nya. Nagpatuloy sya sa pag-iimbestiga tungkol kay Inang Rosas at determinadong makakuha ng impormasyon.

"Lydia Carrelon," basa ni Karl sa isang folder kaya kaagad nya itong hinanap sa social media at doon nakita nya ang pangalang Lydia Carrelon, isang negosyante, at tugma rin ang mukha ng ginang, ang kaibahan nga lang ay madaming pasa sa mukha sa litrato ng ginang na nakadikit sa folder. Isinulat ni Karl ang address nito at itinago muna ang mga folder kasama ang iba pang ebidensyang nakuha nya sa isang tagong drawer bago pumanik sa kama para magpahinga at makakuha ng lakas na magpatuloy sa paghuli kay Inang Rosas kinabukasan.

—♡—

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top