53
"Ate" tawag ni Isyddro kay Ella.
"Hm? Bakit?" Tanong ni Ella nang lingunin nya si Isyddro.
"Si Red, kamusta? Nakita ko kasi syang umiiyak kanina habang yakap mo," tanong ni Isyddro at napabuntong hininga si Ella.
"Alam mo naman siguro kung bakit," Paninigurado ni Ella sa kapatid kung alam nya ba kung bakit ganun nalang ang reaksyon ni Red kanina at tumango naman ito.
"Kaya sinusubukan ko ding lumapit at makipag-bonding sakanya pero sya na mismo ang lumalayo saakin," dismayadong saad ni Isyddro.
"Yun din ang napapansin ko sakanya. Nakatingin lang sya sayo na parang nagdadalawang isip na lumapit, kaya tinanong ko sya nung bago sya umalis papuntang Italy, gusto nya ring lumapit sayo at makipag-kulitan kasi napakakulit mo raw," wika ni Ella kaya natawa naman ang ginoo. "Pero at the same time... Natatakot sya na baka raw pag naging close na kayo iiwanan ulit sya," dagdag pa ni Ella kaya umiling iling naman si Isyddro.
"Hindi ako nang-iiwan ng kung sino kapag kinakailangan lang," paliwanag ni Isyddro. "Hayaan mo ako na gagawa ng paraan. Ako na ma-fi-first move," dagdag pa ni Isyddro.
"Ang masasabi ko nalang sayo eh good luck, medyo may kataasan narin yung pader na binuo nya," dismayadong wika ni Ella.
"Kung buhay parin siguro si Hernan ngayon siguro nagkaroon pa sila ng time ni Red para mag-bonding. Kung hindi lang sya pinatay ng walang awang yun. Kahit ayaw ko sa lalaking yun pero sana mahuli na yung pumatay sakanya at makuha nya ang hustisya, diba ate," wika ni Isyddro at tumingin sa ate nya na halos hindi makatingin ng diretsyo sakanya. Ang ngiti sa mukha ni Ella parang usok na bigla bigla nalang na nawala.
"Okay ka lang ba ate? Parang pinagpapawisan ka. Nausog ka ba?" Nagtatakang tanong ni Isyddro.
"Okay lang ako, mauna na ako at magdidilig pa ako ng mga halaman," pilit na pag-iwas ni Ella.
"Umulan kagabi," simpleng saot ni Isyddro.
"May halaman akong nasa silong kaya kailangan ko talagang diligan kahit umulan kagabi," wika ni Ella at iniwan si Isyddro sa sala at sinundan lang sya ng tingin ng ginoo.
-----------------------------------
Hindi maiwasang matulala ni Ella habang inaalala ang mga sinabi ni Isyddro
“Sana mahuli na yung pumatay sakanya...”
...
"Hernan, tama na maawa ka namumula na yung binti ng bata," pagpipigil ni Ella sa asawa na pinapalo ng belt si Red.
"Ayaw kumanta eh! Sabi nya sasali sya sa kontes pero kapag sinabi kong kumanta sua ayaw nya namang kumanta!" Hiyaw ni Hernan.
"Kasi kapag kumanta ako sa harapan mo sasaktan mo parin ako!" Sigaw ni Red sakanya.
"Sumasagot ka pa!" Wika ni Hernan at biglang sinakal si Red. "Ikaw huwag na huwag mo akong sisigawan! Wala kang respeto," dagdag pa ni Hernan, pilit namang tinatanggal ni Ella ang pagkakasakal nito sa anak.
"Hindi ka naman kasi karespe-respeto!" Sumbat naman ni Red kaya agad syang nasampal ni Hernan gamit ang likod ng palad nya.
"Ri! Tama na. Hernan maawa ka bitiwan mo na sya please nag mamakaawa ako sayo," pagmamakaawa ni Ella. Nagulat nalang sila nang mapadaing sa sakit si Hernan at nabitiwan si Red, nilingon naman ni Ella ang panganay nyang may hawak na kahoy.
"Umalis na kayo. Blue anak dalhin mo ang kapatid mo sa malayo," utos ni Ella kaya tumango naman sila. Hinawakan ni Blue ang kamay ni Red sala sila sabay na tumakbo.
Tumayo naman si Hernan para habulin ang dalawa pero humarang sa harapan nya si Ella at pinipigilan sya. Madali nya lang na naitulak ni Hernan dahil na rin sa kalakihan ng katawan nito.
...
"Tala, eto," Binigay sakanya ni Blue ang inhaler nya. "Tumakbo ka. Umalis ka dito. Lumayo ka hanggang sa kaya mo, wag kang lilingon," dagdag pa ni Blue kaya umiling iling naman ang kapatid nya.
"Ate, wag ako iwan dito please," pagmamakaawa ni Red. Nasa gitna sila ng masasabi mong gubat.
"Alam mo to diba. Kabisado mo dito, naaalala mo kung saan tayo nanunood ng mga stars diba. Pumunta ka dun, magtago ka. May walkie talkie dun, magbilang ka hanggang sampu saka mo gamitin yun oksy? Nakikinig ka ba saakin. Umalis ka na, dalian mo," pananaboy ni Blue sa kapatid nya.
"Ate wag mo akong iwan..." Pagmamakaawa ni Red pero bumitaw at umalis parin si Blue. "Ate! Please bumalik ka wag mo akong iwan!" Hiyaw ni Red at napahagulgol. Natigilan naman sya ng makarinig sya ng mga mabibigat na yapak kaya agad agad syang tumayo at sinunod ang sinabi ni Blue.
Nang malapit na sa lugar na sinabi nang kapatid nya biglang may humawak sa braso nya at pagharap nya isang sampal agad ang dumapo sa pisngi nya kaya napaupo sya, hindi pa nakaka recover ang katawan nya sa lakas ng sampal na natamo isang sakal nanaman ang natanggap nya mula sa ginoo.
Nang may humapas sa likuran ni Hernan kaya nakakuha si Red ng opportunity na tumakas pero dahil sa kawalan ng hininga mas prinaority nya ang pag abot ng inhaler.
"Ilang beses ko bang sasabihin... Wag na wag mo akong papakialaman," wika ni Hernan habang sakal sakal si Ella at kinaladkad na nakahawak sa buhok.
"Bitiwan mo ang nanay namin halimaw ka!" Sigaw ni Blue ka na may hawak na baril.
"Blue. Anak wag mong gawin yan, masama yan anak," pagsusumamo ni Ella.
"Pero masama rin sya," punong puno ng galit na si Blue.
"Please anak ibaba mo yan," pagmamakaawa ni Ella.
Binitiwan ni Hernan si Ella at lumapit sa panganay.
"Ibababa mo yan o malilintikan ka sakin," paglilinaw ni Hernan.
Imbes na ibaba ang baril ay ang hammer ng baril ang ibinaba nya at nakatutok padin kay Hernan.
"You will regret teaching me how to use a gun," wika ni Blue pero ngumisi lang si Blue.
"Pero hindi mo alam kung paano kunin ang baril o depensahan man lang ito para hindi makuha ng kalaban," wika ni Hernan at sa ilang galaw lang ni Hernan nabitiwan na ni Blue ang baril at sinampal nya si Blue kaya napaupo ito. Sunod naman nyang nilingon si Ella na kakatayo lang sinampal nya nanaman.
"Ang sabi mo noon mga blessing sila pero tama nga ako mga palamunin at malas lang to sa buhay ko!" Galit na hiyaw ni Hernan sa asawa and proceeds to squeeze her cheeks.
Nagulat nalang sila nang isang putok ng baril ang umalingawngaw at may tumamang bala sa bewang ni Hernan.
Nanginginig naman ang kamay ni Red at nanlaki ang mga matang naluluha dahil hindi nya inaasahang maipuputok nya ang baril. Nang makaipon si Ella ng lakas agad nyang sinipa ang asawa sa ari nito kaya agad nya nalapitan si Red at naagad ang baril.
"Anak, anak tingnan mo si nanay," hinawakan ni Ella ang nanginginig at nanlalamig na kamay ng anak at patuloy na kinukuha ang atensyon nito. Sunod namang hinawakan ni Ella ang magkabilang pisngi nito para tingnan sya ng anak.
"Nay... I fired a gun. May nabaril ako..." Nanginginig at puno ng takot na saad ni Red.
"Red... Anak makinig ka saakin. Wala kang ginawa, maliwanag ba?" Pagkaklaro ni Ella.
"May nabaril po ako," takot na takot na si Red.
"Wala kang nabaril, nagkakaintindihan ba tayo?" wika ni Ella at nag-aalangang tumango si Red.
...
Dumating ang pulis at ambulansya, naligtas naman ang mag-iina at nakuha ang bangkay ni Hernan.
Hindi parin matago sa mukha ni Red ang takot at pagkabalisa at nanginginig parin ang kamay habang ginagamot sila sa ambulansya.
"Tala, tapos na. Tapos na ang mala-impyernong buhay, malaya na tayo, malaya ka na," pagpapakalma ni Blue sa kapatid nang makita nyang nanginginig ang kamay ni Red.
"Ate, I killed someone, si tatay," bulong ni Red sa ate nya.
"Shhh... Wag kang maingay," wika ni Blue at nagpalingalinga muna bago kausapin ulit ang kapatid. "Alalahanin mo yung sinabi ni nanay okay? Tandaan mo yun," dagdag nya pa.
Nang matapos na gamutin si Ella, lumapit kaagad sya sa kambal nya at niyakap ang dalawa. Dumaan naman sa harapan nila ang bangkay ni Hernan at nang makita nila ang mukha ng lalaking nagpahirap sa buhay nila, hindi nila maiwasang makaramdam ng galit pero samu't sari ang nararamdaman ng bunso nila; takot, kaba, at konsensya. Agad naman napansin ni Ella ang panginginig ng kamay ni Red kaya agad nya itong hinawakan at sinubukang takpan ang mga mata ng kambal.
"Ano ba. Talagang dito nyo pa hininto ang tatay nila alam nyo ba kung anong klaseng trauma ang ibibigay nito sakanila?" Galit na wika ni Ella sa mga pulis kaya inalis naman kaagad nila ang bangkay sa harap ng pamilya.
Isang pulis ang lumapit sakanila at kinausap ang pamilya tungkol sa nangyari.
"Ikaw hija," banggit ng pulis at napalingon naman si Red sa mata ng pulis. "Alam mo ba kung sino ang bumaril sa tatay mo?" Dagdag pa nito kaya nagalit naman si Ella sa tanong ng pulis.
Matagal bago nakasagot si Red dahil narin sa takot at pinipigilan sya ng nanay nya. Nilingon naman nya ang ate at ngumiti lang ito sakanya saka hinawakan ang kabilang kamay nya. Umiling naman si Red bilang sagot sa pulis kaya tumango naman ang pulis at kinausap ng pulis si Ella ng mag-isa kaya pinapasok nya muna sa loob ng sasakyan ang kambal. Tila nakahinga sila ng maluwag dahil pakiramdam nila wala na ang duda ng mga pulis sakanila.
"Ma'am base sa pagkakaalm at pagkakakita namin may tama ng bala ang asawa nyo sa bewang at ulo, may nakita rin kaming baril malapit sa katawan ng bangkay. May alam po ba kayong nakaaway nya at ng pamilya nyo?" Wika ng pulis at nagpatuloy ang pag-uusap nila habang hindi naman maiwasan ni Red na makinig sa usapan ng nanay nya at ng pulis.
Tinapik naman sya ni Blue at binigyan ng tubig para naman kumalma sya ng kahit kaunti. Inihiga naman ni Red ang ulo nya sa balikat ng kapatid at humikbi...
...
Umaga nang magising si Red at basa ang pisngi nya dahil sa isang panaginip na parang walang katapusan at makatotohanan. Napapahid nalang sya ng luha nang maramdaman nyang may tumutulo sa pisngi nya.
"Ikaw ija. Alam mo ba kung sino ang bumaril sa tatay mo?"
"Every month and every year wala kang mintis sa pagbibigay sa akin ng paulit-ulit na panaginip? Para ano? Makonsensya ako? Hinding hindi ako makonsensya sa tulad mong halimaw," pagkausap ni Red sa sarili kaya para naman syang baliw na palinga-linga sa paligid nya na parang may hinahanap sa hangin.
"I killed no one. Wala akong pinatay my hands are clean," wika ni Red habang inaalala ang lahat nang biglang tumunog ang cellphone nya.
"Meet me at the bar. Pero bago yun, tingnan mo muna sa baba ng kama mo yung box then yung briefcase alam mo naman siguro kung nasaan yun cause kwarto mo naman yan. Buksan mo nalang kasi I left a note there," pagbabasa ni Red sa message ni Karl kaya agad naman nyang tiningnan.
‘I know who you are. Once na makita mo ito, suotin mo ang laman ng briefcase na ito and meet me at the bar.’
-----------------------------------
"Hello, Spades my friend"
"Pwede ba tumahimik ka. Kapag tayo nahuli dito lagot ka saakin," may diin pagbabanta ni Spades.
"Bakit parang takot ka. Akala ko ba ikaw yung leader?" Inaasar-asar sya ng kanyang old friend at tintingnan lang sya ni Spades.
"Ayoko lang ng away, ayoko nang maulit ang dati," wika ni Spades.
"That's why suot mo yang maskara mo kahit nakita ko naman na yang mukha mo, scared baby. Your scar looks real ha galing nyo naman," wika ng lalaki.
"Haha, funny. Pareho naman nating alam na ikaw ang dahil kung bakit ako may ganito," naiinis na wika ni Spades sakanya.
"Well you can't blame me. Ang galing nyo kasing gumawa ng fake, I mean prosthetics. Isipin mo nagawa nyong gawing fake ang pagkamatay ni Orlaya," wika ng pulis kaya kinuwelyuhan naman sya ni Spades.
"Hindi fake ang pagkamatay ng asawa ko. You know that. Ikaw ang isa sa mga pumatay sakanya," nanlilisik ang mata ni Spades habang nakatingin sakanya.
"Chill chill." Wika ng pulis habang natatawa. Binitiwan naman sya ni Spades para hindi na lumaki ang gulo.
"Ano bang kailangan mo, kung pinapunta mo ako dito para guluhin aalis nalang ako," wika ni Spades at aalis na sana nang pigilan sya ng lalaki.
"May letter para sa bossing mo. Ingat baka may tracker yan," wika ng kaibigan nyang pulis at inabot ang letter saka umalis nang may naramdaman silang taong papalapit.
"Spades? Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ni Orchid.
"Someone handed me a letter," paliwanag ni Spades.
"Sino? Yung kaibigan mong pulis? Pag ito nalaman ni Inang Rosas lagot ka sakanya. Pati yung pulis na yun lagot sakanya," saad ni Orchid dahil napagbawalan na sila makipag-usap sa mga kung sino mang kakilala nilang opisyal habang suot-suot nila ang maskara o in character sila bilang isa sa mga miyembro ng Thorns dahil baka malitratuhan sila at kumalay.
"Hindi ako malalagot kung hindi ka magsusumbong," wika ni Spades at pumasok sa loob kaya napailing nalang si Orchid at sumunod na rin sa pagpasok.
...
Habang pinapanood ni Spades ang pumalit kay Orlaya na sinusubukan ang maskarang gamit gamit noon ng asawa nya, hindi nya maiwasang maalala ang mga huling sandali nito.
...
"Hon, kahit anong mangyaring masama, mag-iingat ka," habilin ni Orlaya.
"Para ka namang naghahabilin. Walang mangyayaring masama, kakausapin lang sila ni Rosas yun lang," nakangiting sagot ni Spades at niyakap si Orlaya.
"Baka mapahamak sya," nagaalalang tugon ni Orlaya.
"Kasama nya tayo at ibang guards hindi sya mapapahamak," paninigurado ni Spades habang sinusuklaysuklay ang buhok ni Orlaya gamit ang sarili nyang daliri. Maya-maya dumating naman si Inang Rosas sa kwarto nila Orlaya at Spades.
"Tawag mo raw po ako?" Tanong nya kay Orlaya.
"Halika nga dito. Dito ka sa tabi ko," wika ni Orlaya kaya umupo naman ang dalaga sa tabi nya.
"Mag-iingat ka palagi ha," dagdag pa ni Orlaya.
"Syempre naman po," nakangiting saad ni Inang Rosas.
"At aalagaan mo ang daddy Spades mo wag na kayong mag-aaway," wika ni Dia kaya napangiwi naman ang dalawa.
"Ewww mommy," nandidiring wika ni Inang Rosas kaya napadepensa naman si Spades.
"Wow ha maka-eww ka naman," wika ni Spades kaya natawa ang dalawa.
Naguusap lang naman sila ng mga tao sa namumuo sa mga underground businesses nang bigla nalang nagkaroon ng alitan at nagkaputukan.
"Rosas!" Sigaw ni Orlaya at niyakap si Inang Rosas kaya sya ang tinamaan ng bala.
"Orlaya!" Sigaw ni Spades na nakasaksi sa nangyari. Tinamaan ng bala si Orlaya sa likod at lumusot sa harapan na dumaplis sa bewang ni Inang Rosas.
Nasalo naman kaagad ni Inang Rosas si Orlaya at umalis naman ang mga nakalaban nila. "No, no! Orlaya, please mommy," naiiyak na wika ni Inang Rosas.
"You– You've been a very good girl to me, my Rose... I love you but the angels are waiting for me," nauutal na saad ni Orlaya.
"Please don't... Ano ba! Do something wag kayong tumingin lang dyan!" Hysterical na si Inang Rosas.
Tumakbo palapit sakanila si Spades at agad binuhat si Orlaya.
"Hon... I love you," wika ni Orlaya at hinawakan ang pisngi ni Spades.
"Stop talking and save your energy, please lang," patuloy sa pagtakbo si Spades.
"Stop waisting your time and energy..." Nanghihinang saad ni Orlaya.
"You stop waisting your energy," galit at nag-aalalang si Spades.
Bahagyang ngumiti si Orlaya at inihiga ang ulo nya sa dibdib ni Spades at pumikit. Napatingil naman sa pagtakbo si Spades nang maramdaman nyang nalalaglag ang kamay at dumadaudos ang ulo ng asawa kaya niyakap nya na lang si Orlaya at napaupo.
...
Agad namang pinahid ni Spades ang luha at nagpatuloy sa ginagawa.
-----------------------------------
Nakakaisang bote na ng alak si Karl na naghihintay sa private bar, pero wala pa rin syang nakikitang babae na naka-maskara. Paglingon nya sa isang gilid ng bar, may nakita syang babae na pamilyar ang tindig.
(Playing: Who Is She by I Monster)
Oh, who is she?
A misty memory
‘Lumingon ka sa likuran mo, makikita mo ako,’ text ni Karl sa babaeng hinahanap nya at lumingon naman ang babaeng kanina nya pa tinititigan.
A haunting face
Is she a lost embrace?
Lumapit sakanya ang babae at nginisihan nya lang ito.
"Nag maskara ka pa, kilala naman kita," saad ni Karl at uminom.
"Dati ka bang gago sa baryo nyo? You told me na magsuot ng maskara, now sasabihan mo ako ng ganyan? Kung hindi ka ba naman gunggong," wika ng babae.
"Easy lang. Inang Rosas," tukso ni Karl kaya napangisi sya nang matigilan ang babae.
"Paano–" hindi makapaniwalang tanong ni Red pero pinutol naman ito ni Karl.
"Hindi ka naman mahirap hanapan ng ebidensya. Masyado kang pagod mag linis, kaya ayan," wika ni Karl. "Dito kita sa bar na to dinala kasi look around halos lahat may mga kapareho kang maskara," dagdag pa ni Karl kaya napalingon si Red sa paligid ng bar at nakita nya ang mga waitresses nakasuot ng puting maskara na parang pusa at itim naman para sa mga nagsasayaw sa taas ng stage.
"Tatanungin sana kita kung dito ka ba nagtrabaho dati kasi parehong pareho ang maskara mo pero mukhang iba yata ang nangyari ngayon. Biro lang ang pag tawag ko sayo bilang Inang Rosas pero mukhang binulgar mo na ang sarili mo ngayon," nakangising wika ni Karl pero inirapan lang sya ni Red.
"Pano mo naman nasabing ako si Inang Rosas? Dahil lang dun sa nagtanong ako ng paano nung tinawag mo akong Inang Rosas?" Hindi makapaniwalang tanong ni Red at hindi sumagot si Karl sakanya, tanging nakatingin lang ang lalaki ng direkta sakanya. "Hindi mo pa nga naririnig ng buo yung tanong ko tumalak ka na agad" dagdag pa ni Red. Ibinaba ni Karl ang baso nya sa mesa at tumayo para magkasing taas na sila ni Red.
"Sige. Buoin mo ang tanong mo" malamig na sagot ni Karl.
"Paano mo nasabing ako si Inang Rosas, dahil lang sa maskarang ito? Nasabi na sa balita, nakita na rin ang mukha nya, ginto ang maskara ni Inang Rosas, may mahaba syang scar at bulag yung isa nyang mata, ilang beses ko nang sinabi sainyo yun" may diing wika ni Red. "Isa pa bakit naman ako magiging si Inang Rosas kung muntik na akong mamatay ng dahil sakanya? Why would I ask someone to act as Inang Rosas to kill myself?" Dagdag pa ni Red pero mapaklang tumawa si Karl at umiling iling.
"Maybe for fun?" Mapang asar na tanong ni Karl.
"If I wanted to kill myself edi sana tumalon nalang ako noon mula rooftop" naiinis na si Red. Hindi nya na alam kung ano pa ang sasabihin dahil hindi parin naniniwala si Karl sakanya. "You know what ang kati nito sa mukha ang init pa" dagdag pa ni Red at tinanggal yung maskara at halatang makati dahil bahagyang namumula na yung mukha nya.
"Tama nang kalokohan to ayoko mag inom ngayon, ang aga aga tapos may trabaho pa ako" saad pa ni Red uminom sya ng kaunting whiskey sa baso ni Karl. "Lasing ka na umagang umaga, umuwi na tayo halika na" dagdag pa ni Red habang sinusubukang alalayan si Karl.
"Ikaw si ano eh, kasabwat mo si daddy eh" wika ni Karl at nagkunwaring lasing na lasing dahil si Red ang aalalay sakanya pauwi kaya kahit ilang baso lang ang nainom nya at kahit inaway away nya pa ito ay nagpalambing sya at nagpanggap na lasing.
"Aawayin mo ako tapos ngayon magpapababy ka saakin? Balimbing" hindi makapaniwalang sabi ni Red at umiling iling pa.
"Ikaw yung Inang Rosas eh," nakangusong wika ni Karl kaya bumuntong hininga nanaman si Red habang kinuha ang gamit ng lalaki sa sofa.
"Edi baliw na ako nun kung ako man si Inang Rosas tapos ipapapatay ko sarili ko diba. Dali na isuot mo na tong jacket mo," sagot pa ni Red at pinagpag ang jacket ni Karl.
Hindi mawala ang ngiti ni Karl dahil sa ginagawang pag-aalalaga ni Red sakanya. Isusuot na sana ni Karl ang jacket na hawak ni Red pero may nahagip ang mga mata nya sa hindi kalayuan, babaeng nakapula at nakasuot ng gintong maskara na may dalang punyal kaya nawala ang ngiti nya at nanatiling nakatingin sa babaeng nakita nya.
"Huy, dali na isuot mo na to kung isusuot mo, pag ako nalate sa trabaho iiwan kita dito," pagbabanta ni Red kaya sinuot naman kaagad mi Karl ang jacket.
"Red, si Inang Rosas–" wika ni Karl at ituturo sana kaso wala na dun ang babaeng naka pula at pinutol rin ni Red ang sasabihin nya.
"Oo na tama na yang prank mong ako si Inang Rosas, umuwi na tayo ha," wika ni Red at hinihila palabas si Karl.
"Nandun sya, nakita ko si Inang Rosas, nakatingin sya saatin may dalang kutsilyo," natatarantang wika ni Karl pero hindi parin sya pinaniniwalaan ni Red. "Hindi ka lang lasing, delusyunado ka rin. Sakay na at ako ang magmamaneho baka mamaya, imbes na sa bahay tayo makapunta, sa kabaong bagsak natin," saad pa ni Red kaya wala nang nagawa si Karl kundi umupo nalang sa passenger seat at manahimik.
Matapos paandarin ni Red ang sasakyan at agad namang silang umusad, lumingon si Karl sa likod ng kotse dahil may nakita syang babaeng nakapula mula sa rear view mirror nakatayo sa likuran ng kotse nila, unti unti rin nitong lumalayo dahil umaandar na rin ang kotse nila palayo. Nanatiling tahimik si Karl sa nakita nya dahil hindi nya magulo si Red dahil nagmamaneho ito kaya tahimik lang sya kahit nababagabag parin sya sa nakita nyang babaeng nakapula.
—♡—
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top