52
Bumuntong hininga muna si Inang Rosas bago patumbahin ang isa pang lata gamit lang ang natitirang bala.
"Kahit kelan talaga mga duling kayo kung tumira," saad pa ni Inang Rosas.
"Oh edi ikaw na yung sharp shooter," pagsusuplada ni Dahlia.
"Kapag patuloy nyong hindi natatamaan ang target, sayang ang bala, oras, at buhay ng taong matatamaan ng ligaw na bala," wika pa ni Inang Rosas kaya napakamot nalang si Dahlia sa ulo.
"See, sabi sainyo eh wag na muna ngayon, hintayin nyo munang humupa," bulong ni Clover sa kanila.
"Tulip, sumunod ka sakin," wika ni Inang Rosas kaya napatingin naman ang lahat kay Tulip na nanonood lang.
"A-ako po?" Nauutal na tanong ni Tulip, tiningnan muna sya ni Inang Rosas bago sagutin. "Hindi Orlaya, subukan mong irevive yun sige. Spades samahan mo to sa puntod ng asawa mo gusto nya yatang buhayin," pilosopong sagot ni Inang Rosas kaya napakamot ng ulo si Tulip.
"Sabi ko nga ako," bulong ni Tulip at sumunod sa likuran ni Inang Rosas. Nang lumingon si IR, lumingon din si Tulip sa likuran nya at pag tingin nya kay Inang Rosas ay nakatingin lang ito ng direkta sakanya kaya umusog sya ng bahagya.
"Ano tutunganga lang kayo dyan? Talagang dito nyo sya sa garden tuturuan? Ano pa yung use ng nirequest nyong training area saakin kung hindi nyo rin naman gagamitin yun?" Tanong ni Inang Rosas sa kanila kaya nagkatinginan sila.
"Eto na nga naglalakad na look gumagalaw paa ko," wika ni Spades at sumunod sa kanila ganun narin ang iba.
"Masisira ang red grass ko sainyo eh," sumbat ni Inang Rosas at bumuntong hininga.
"One question. Bakit pala pula yung damo dito?" Inosenteng tanong ni Tulip kaya napatingin naman ang iba kay Inang Rosas.
"Gusto mo bang," sagot ni Inang Rosas at naunang pumasok.
"Kaya pula yung damo kasi may namatay na spy dito, siguro nagustuhan nya yung color ayan ginawang pula," paliwanag ni Clover.
"Spy? Kagaya ni Daisy?" Tanong ni Tulips pero umiling naman si Clover.
"Iba si ate Daisy, yung pinatay ni Rosas is spy ng kalaban yun pero si Daisy spy namin sya kasi magaling syang magtago at mapagpanggap," sagot ni Clover.
"Anong ibig mong sabihin na ate? Magkapatid kayo ni Daisy?" Tanong ni Tulip kaya tumango naman si Clover.
"Talagang inuna nyo pa ang chismisan," nagulat nalang sila nang umulhot sa likuran nila si Inang Rosas.
"Nakabihis na kami lahat kayong tatlo nalang ang naiwan dyan ano itutuloy pa ba natin to? Kasi madami pa akong gagawin hindi lang ito," dagdag pa ni IR kaya nagmadali naman silang tatlo sa pagbibihis.
...
"Now, Spades will show you how to disassemble and reassemble a gun," malamig na saad ni Inang Rosas habang naka-upo lang at naglilinis ng katana nya.
Lumapit si Spades sa isang pistol at inumpisahan ang pag disassemble step by step.
"May abs pala sya," bulong ni Tulip kay Dahlia. "Sino?" Pabulong na tanong ni Dahlia kay Tulip.
"Sya. Si Inang Rosas," bulong ni Tulip kaya napalingon din si Dahlia sa kung saan nakatingin si Tulip at nakita nya si Inang Rosas na nasa gilid lang nilang dalawa naka suot ng sports bra at shorts.
"Oh yeah, slim with abs," sagot ni Dahlia at sinang-ayunan naman sya ni Tulip.
"Bakit nga pala naka mask parin kayo eh kilala ko naman kayo," pabulong na tanong ulit ni Tulip.
"Utos ni Inang Rosas, ewan ko ba dun. Siguro para makabisado mo ang mga maskara namin, may iba iba din kasing design," sagot ni Dahlia.
"Wala pa akong maskara," nakangusong saad ni Tulip.
"Don't worry, magugulat ka nalang may matatanggap kang box galing kay Inang Rosas," nakangiti saad ni Dahlia.
Napalingon naman si Inang Rosas nang may narinig syang nagbubulungan. Nahuli nya si Tulip at Dahlia patuloy na nagbubulungan kaya tinapik nya muna sa balikat si Spades para patigilin at nilingon nya ang dalawa.
"Talagang hindi mo to seseryosohin?" Tanong nya kay Tulip. "Ipapaulit ko yun kay Spades at sa oras na hindi mo makuha wala ka na sa team na to. Wala akong pakialam kung ipagkalat mo pa kung sino ako, kaya kong labanan lahat ng threats na naka abang lang sa paligid," dagdag pa ni Inang Rosas at seryosong nakatingin kay Tulip na ikinayuko ng bagong salta. Humingi nalang ng sorry si Tulup sakanya at inulit ni Spades ang pag disassemble at pag reassemble ng baril.
Nang sya na ang gagawa, madaming beses syang nagkamali at dahil narin sa kaba at titig sa matalim na titig ni Inang Rosas sakanya, natapos nya naman ng tama ang pinapagawa kahit madaming mali. Kinabahan syang tumingin kay Inang Rosas na nakatingin lang parin sakanya.
"Okay, next, Dahlia, do your job," malamig na utos ni Inang Rosas.
"Sì, Vostra Altezza," sagot ni Dahlia sakanya at lumapit kay Tulips at tinuro ang bawat parte ng baril at kung paano ito gamitin.
Habang tinuturuan si Tulip, sumandal muna si Inang Rosas sa pader para supportahan ang nanginginig nyang tuhod kaya nilapitan naman sya ni Clover.
"You should've stayed home," suhestyon ni Clover.
"I'm fine, kaya ko," pagmamatigas ni Inang Rosas.
"Kaya mo? Look at you, nakasandal ka sa pader para hindi matumba, yung tuhod at kamay mo nanginginig tsaka namumutla, kahit gaano pa kakapal yang lipstick na ilalagay mo sa labi mo kitang kita ko parin yang pamumutla mo," panunumbat ni Clover.
"Tigilan mo na nga yang panenermon mo, hindi kita nanay," pagsusuplada ni Inang Rosas kaya napabuntong hininga si Clover.
"I don't care kung maiinis ka sa panenermon ko, pero bumyahe ka na kaagad, hindi ka pa nga magaling," panenermon pa ni Clover.

-----------------------------------
Tutok na tutok si Severo sa cellphone nya at nakangiti habang may ka-video call.
"Ayan ka nanaman sa pagiging creative mo," pang-aasar ni Giovanni kay Severo.
"Bitter ka lang kasi wala kang baby, bat kasi hindi mo pa pinatulan yung nagsabing anakan mo raw sya," tukso ni Desa na ka-video call ni Severo. Nabilaukan naman si Gio sa iniinom nya dahil sa sinabi ng dalaga.
"Alam mo natuto ka lang mag-Tagalog ang lakas na ng tama mo," inis na sagot ni Giovanni kaya natawa naman si Severo. "Nasan sya, iharap mo sakin yan mababatukan ko yan virtually," dagdag pa ni Gio.
"Nasa airport sya, susunduin sina Red," paliwanag ni Severo at nilingon sya ni Gio.
"Uuwi na sila dito? Ano akala nila sa Italy, nasa kabilang baryo lang? Hindi pa nga sila nag-iisang linggo dun, uuwi na sila," reklamo ni Giovanni.
"Ay may nirereklamo sya mhie. Sige, ihaharap ko sayo si Red subukan mo akong batukan," biro ni Desa.
"Wala akong pake kahit sino pang Poncio Pilato ang iharap mo sakin," biro pabalik ni Giovanni.
"Ah ganun? Ms. Red oh," saad ni Desa na parang nagsusumbong sa kasama nya.
"Ano nga ulit yun? Pakiulit, Mr. Giovanni Tioscani," wika ng isang babae na pamilyar sakanya ang boses.
"Di mo ako maloloko, Desa. Mahinang nilalang naka off cam," sumbat ni Giovanni nang makita nyang naka off cam si Desa.
"Nagmamaneho kasi ako," wika ni Desa.
"Akin na yung cellphone," wika ng babae kanina at biglang nag on cam tumambad agad ang muka ni Red. "Ngayon mo ulitin yun, Giovanni," dagdag pa ni Red.
"Ang sabi ko. Ang bango ng bagong labas na perfume nyo, long lasting nga talaga," wika ni Gio kaya napahalakhak nalang si Severo.
"Ang tapang tapang mo kanina ah," tukso ni Severo.
"Sis manahimik ka sis," sagot ni Gio kay Severo. "Bahala nga kayo dyan inaaway nyo ako. Madami pa akong gagawin," dagdag pa ni Gio at umalis, binigay naman ni Red ang cellphone pabalik sa may ari.
"Ikaw, Sevy, wala ka bang gagawin? Nagmamaneho baby mo mamaya mo na to landiin malapit narin naman kami. Patayin mo na to o ikaw papatayin ko," wika ni Red at natawa naman si Desa habang nagmamaneho.
"Sabi ko nga mamaya na. Bye lab, I love you, muwah muwah muwah," wika ni Sevy kaya natagalan pa bago matapos ang tawag.
"Isa!" Galit na bilang ni Red kaya biglang namatay ang video call.
...
Todo ang pag-aayos ni Ella dahil uuwi na ang bunso nya. Kaya marami syang inihandang pagkain na alam nyang magugustuhan ni Red at ng lahat.
"Nag-text na ba si Riri kung nasaan na sila?" Tanong ni Ella kay Blue.
"Wala po eh, baka kay Sevy po nag-text si Desa," suhestyon ni Blue kaya nataranta sa paghahanap si Ella.
"Nasaan ba sya?" tanong ulit ni Ella.
"Yun ang hindi ko po alam, baka nasa labas po," wika ni Blue nang biglang dumating si Severo.
"Oh ayan na po pala. Severo nag-text ba sayo si Desa kung nasaan na sila?" tanong ni Blue kay Severo.
"Ewan ko baka nasa likod ko na," sagot ni Severo kaya naguluhan naman sila at dahil sa magulong sinabi ni Sevy nabatukan sya ni Scale.
"Aray! Bakit ka ba nananakit," inis na sagot ni Severo.
"Ang gulo mo kasing kausap. Sinabing wag magpahalata ikaw naman tong nanglaglag," inis ding sagot ni Scale.
"Ay ewan ko sainyong dalawa," wika ni Red at lumapit kay Ella para yumakap.
"Akala ko matatagalan ka pa sa pag-uwi," saad ni Ella habang nakayakap parin kay Red.
"Gusto nyo po bang matagalan ako sa Italy?" Pabalik na tanong ni Red sa nanay nya kaya umiling iling naman ang ginang.
"Ang akin lang naman eh baka bumalik ka pa sa Italy kasi baka hindi pa tapos ang ginagawa mo dun," malungkot na sagot ni Ella.
"May times naman po talaga na babalik ako sa Italy pero uuwi parin ako dito. I'm staying here for good," nakangiting balita ni Red tiningnan naman sya ni Ella na parang hindi naniniwala kaya natawa naman silang lahat.
"Nay, nagsasabi po ako ng totoo. Dito ako titira, makikita at mauumay ka sa mukha ko araw-araw," pagkaklaro ni Red.
"Kahit kelan hindi ako mauumay sa mukha ng dalawa prinsesa ko," nakangiting saad ni Ella at niyakap si Blue at Red.
"So ano yun nay. Saamin ka lang mauumay? Ganun?" Biro ni Scale kaya natawa naman sila at niyakap sya ni Ella at sinabihang hindi ganun ang gusto nyang iparating.
Oras ang lumipas masaya silang nagsalo-salo sa mga pagkaing nakahain sa mesa pero may kaunting hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng ibang nandun.
"Scale, tikman mo tong buttered shrimp," pagaalok ni Michael kay Scale na nasa tabi nya lang. Ilalagay na sana nya yung shrimp sa plato ni Scale pero inunahan syang maglagay ni Severo ng parehong pagkain at nabalatan na.
Nakatitig lang si Sorpia kay Michael. Titig na parang gusto nya itong sumbatan pero hindi nya magawa. Habang naipit naman si Scale sa dalawang lalaki, ang kuya nya at si Michael. Habang pinuputol naman ni Red ang pagkain sa plato nya patuloy sa paglagay ni Karl ng maliliit na pineapple sa plato ni Red galing sa kinuha nyang adobo at afritada. Binigay nya lahat ng Pineapple tidbits kay Red dahil alam nyang paborito ito ng dalaga.
Patagong natawa si Ella at napailing nalang nang marealize nyang araw-araw nang ganito ang ganap sa buhay nya. Magulo, maingay, maraming bangayan pero masaya at masaya sya dahil makumpleto na rin sila pagkatapos ng ilang taong paghihintay at pagtitiis.
...
Nag-celebrate naman sila sa may pool area. Lahat naman sila nasayahan sa paglangoy at pagbababad. Hindi naman mapakali si Red dahil sa mga what if na pumapasok sa isip nya at ang mga what if na binigay nila Scale sakanya dahil matapos nilang maghapunan ay may tumawag kay Karl, dahilan para magmadali syang umalis.
What if may ka date sya kaya wala sya dito ngayon
What if may lumalandi sakanya
What if my bago na sya
What if ikaw yung other woman
Hindi nya maiwasang matulala dahil sa dami ng mga what if's nya. Hindi na nya natiis at kinuha ang cellphone saka sinubukang tawagan si Karl pero hindi sya sinasagot kaya kanina pa sya pabalik-balik ng lakad. Nilapitan naman sya ni Giovanni at Desa.
"Hola soy Desa, can you spot the overthinker?" Wika ni Desa sa tabi ni Red kaya nilingon sya nito. "Oh no! Is she hiding? Help me find her, Boots" dagdag pa ni Desa.
"Look, Desa I think I saw a woman standing one meter from you," wika ni Gio na ginagaya si Boots.
"Great job!" Masiglang sagot ni Desa.
"Ako tigil tigilan nyo ha," naiinis na wika ni Red.
"That woman is mad, Dora," natatawang wika ni Gio. Umahon naman si Hailey at nagpanggap na si Swiper.
"Oh no! Someone is sneaking from behind, Desa," pagkukunwaring natataranta ni Giovanni.
"Oh no! Who it is?" Wika ni Desa at huminto muna na parang nahihintay ng sagot gaya ni Dora. "That's right it's Swiper," dagdag pa ni Desa.
"We better stop him. Say swiper no swiping. Swiper no swiping!" wika ni Gio kaya napairap nalang si Red at pumasok sa loob ng bahay.
"Kita mo na, paborito nya ang mga cartoons but she hated Dora," napapailing na wika ni Blue habang sinusundan ng tingin si Red na papasok ng bahay.
"Hala kayo! Suyuin nyo yun," sigaw ni Scale kaya nagkatinginan naman si Gio at Desa at sumunod kay Red sa loob habang kumakanta ng Sofia the First dahil yun ang paborito nyang cartoons. Kumendeng-kendeng papasok si Giovanni kaya natawa nalang sila sa ginawa ng dalaga pati narin si Red na rinig ang tawa hanggang sa labas.
...
"Teka lang po, tay wala pa pong pang ganun si kuya," saad ni Hailey at hindi na alam kung anong sasabihin nya.
"Pang ano, Hailey. Sige sabihin mo kaya mo yan," pang-aasar sakanya ni Micheal kaya natawa naman silang mag-ama.
"Dalian mo na kasi dito Micheal," tawag ni Isyddro. Lumapit naman kaagad si Micheal at inumpisahan ni Isyddro ang larong ni-request ni Hailey.
"Langit, lupa, impyerno, saksak puso tulo ang dugo," wika ni Isyddro. Masaya silang tatlo habang naglalaro ng langit lupa. Nagtatawanan, naghahabulan, parang bang mga bata sila na walang iniisip na problema, nanood lang si Red sa kanila wala syang nagawa kundi ikuyom na lang ang palad dahil sa inggit na nararamdaman nya dahil hindi nya naranasan ang ibang larong Pinoy dahil narin sa sakit nya at isa na rin sa kinaiinggitan nya kung paano sila makipaglaro sa tatay nila na hindi nya masyadong nagagawa noon.
Pinilit nyang pigilan ang luha sa pagtulo para naman hindi sya magmukhang kawawa pero kung pagbabasehan ang mga tingin nya hindi mo maipagkakailang naiinggit sya. Nasa hindi kalayuan si Ella husto napara makita nya ang reaksyon ni Red at kung sino ang pinapanood nito na dahilan ng pagkuyom ng palad nito at panlilisik ng mata, kasama na rin ang pagluha ng mga mata ng dalaga.
Nang mapalingon naman si Micheal agad namang pinunasan ni Red ang mga traydor na luhang bigla nalang dumaloy sa pisngi nya, lalapitan na sana sya ni Micheal nang pumasok ulit ng bahay si Red.
"Grabe naman yung mata nya parang malalaglag na sa panlilisik," pagsusuplada ni Hailey.
"Hailey wag mo nang umpisahan," suway ni Isyddro.
"Eh kung makatingin po kasi parang akala mo ninakawan ko sya ng iPhone," naiinis na wika ni Hailey sabay irap.
"Alam kong nasasaktan sya. Sa mata nya palang kitang kita mo na ang sakit," malumanay na saad ni Isyddro.
"Hindi naman sa mayabang o assumero ako pero naiinggit ba sya? Bakit naman. I mean mayaman sya, successful basta nasa kanya na ang lahat kasi mayaman sya eh," Hindi makapaniwalang tanong ni Hailey.
"Still may mga bagay parin syang kinaiinggitan... It may sound harsh and pangit but isa na dun ang taong may tatay," pagpapaliwanag ni Micheal kaya hindi na nakasagot si Hailey sa sinabi ng kuya nya. Walang mali sa sinabi ni Micheal lahat ng nabanggit nya ay katotohanan kaya walang silang nagawa kundi tumahimik na lang.
...
Sinadya ni Ella na magkasalubong silang dalawa ni Red para makausap at madamayan ang anak. Sinubukang umiwas ni Red pero kahit saan sya lumusot palagi syang napipigilan ni Ella hanggang sa hilahin na sya ng nanay nya at niyakap ng mahigpit. Hindi na napigilan ng dalaga ang humagulgol sa bisig ng ina nang yakapin sya ni Ella ng mahigpit.
"Nanay," tawag nya sa nanay nya habang umiiyak.
"Nandito ako. Nandito lang ako, ilabas mo lang yan," hinagod ni Ella ang likod nya habang mahigpit na niyayakap.
"Bakit ang sakit po," umiiyak na saan ni Red kaya hinawakan ni Ella ang anak sa magkabilang pisngi at pinunasan ang basang pisngi nito.
"Pakiramdam ko may kulang sakin. Sorry po nabasa ko yung damit nyo," wika ni Red habang sinisinok.
"Damit lang yan wag mong nang alalahanin. Ilabas mo lang lahat ng yan, makikinig si nanay. Makikinig ako," malumanay na saad ni Ella.
"Naiinggit po ako. Alam kong hindi naman dapat pero naiinggit ako," wika ni Red at napahagulgol ulit kaya niyakap sya ni Ella at hinagod ang likod.
—♡—
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top