51
Nagsagawa sila ng DNA test para malaman kung si Red nga ba ay si Zyanya nang hindi pinapaalam kay Red. Nagising na rin si Red at naninibago sa pagiging maalaga ni Paolina.
"Why? Do you feel something?" Nag-aalalang tanong ni Paolina nang nakatitig lang si Red sakanya at hindi na sumusubo sa kutsyarang hawak ni Paolina.
"You're weird," saad ni Red kaya tinawanan sya ni Paolina.
"You're funny, Z, why would I be weird?" Natatawang tanong ni Paolina.
"Z? What do you mean Z?" Nagtatakang tanong ni Red sakanya.
"Z, your nickname. Why you don't remember it? You are Zyanya," saad ni Paolina at inayos ang ipit sa buhok ni Red na sya rin ang naglagay. "Come on, you need to eat," dagdag pa ni Paolina kaya naguguluhang kumain si Red habang sinusubuan sya ni Paolina.
...
Habang nagpapahinga si Red sa kwarto nya, may kumatok naman sa pinto kaya pinagbuksan nya ito.
"Oh?! Why are you standing. You should have just told me to come in," nag-aalalang saad ni Susana.
"It's fine, Mamma is acting weird, she still calls me Zyanya?" Hindi siguradong saad ni Red at tinanguan sya ni Susana.
"She still thinks you're Zyanya, I'm sorry," paghingi ng tawad ni Susana.
"It's not okay, do we really look alike?" Inosenteng tanong ni Red kaya tinanguan sya ni Susana. Umupo sa gilid ng kama ang ginang at nakangiting pinagmasdan si Red.
"Yes," tanging sagot ni Susana. "Even though I lost her when she was only 10 years old I would agree that you look like her," basag na boses ni Susana at hinaplos ang pisngi ni Red.
"You're just like Pablo. Can I tell you a story?" Susana asked so Red nods.
"When I learned Rachelle was pregnant, I envisioned a girl and hoped to be more like Pablo than Rachelle," Panimula ni Susana at interesadong nakikinig si Red. "Then, Rachelle gave birth, and it was twins! I was shocked because the ultrasound had only shown one baby," Dagdag pa ni Susana at bahagyang natawa nang makita nya ang reaksyon ni Red na nagtataka.
"They showed me Zetian, she was pale white, brown siren eyes just like their mother so I felt disappointed. I didn't get what I wanted, then they showed me Zyanya, she was just like Pablo. Her baby face, chubby cheeks, blue almond eyes. She was his mini me but she was weak and fragile," pagpapatuloy ni Susana at nakatitig lang sakanya si Red habang nagkukwento sya. "I protected her, raised her, and nourished her. She's like a little cat: feisty, stubborn, bubbly, and always hiding from the world," natatawang pagkukwento ni Susana kaya napangiti rin si Red.
"The accident took her. She vanished like smoke, leaving only her shoes behind. Paolina told me the next day that the twins were alive and she had brought them to the hospital. We rushed there, but found no trace of them. We were left to believe they were dead and that Paolina was hallucinating from the trauma of the explosion," dagdag pa ni Susana at napapahid ng luha.
"I'm sorry," saad ni Red at hinagod ang likod ni Red.
"No, it's okay. You should rest now, Desa told Diamante, there's a problem in the company, so you need to get better so you can fix those issues in the Philippines," habilin ni Susana at tumango si Red kaya inayos ni Susana ang unan nya at siniguradong kumportable si Red bago sya iwanan.
Bawat araw ay nagpatuloy ang kagandahang asal sakanya ni Paolina kahit na napatunayan ng DNA test na magkaibang tao si Zyanya Mala Del Brenta at Red Camorra. Unti-unti naring nakakarecover ang katawan ni Red sa mga nangyari sakanya nung mga nakaraang araw kaya nagawa nyang matapos ang trabaho sa Italy para makabalik na ng Pilipinas gaya ng pinangako nya.
-----------------------------------
"What do you mean nakatakas yung spy?!" Galit na tanong ni Spades sa isang guard.
Habang nasa garden si Inang Rosas, nilalanghap ang sariwang hangin matapos nyang magalit kanina at magtanggalan ng karapatang huminga sa isang tao. Nakaupo sya sa garden at nag-me-meditate na parang walang nangyayaring gulo sa buhay nya.
"Spades, please lower down your voice and calm down," kalmadong saad ni Inang Rosas habang nag-me-meditate.
"Paano ka nakakampante kung may spy na papatay sayo any minute now," hindi makapaniwalang tanong ni Spades.
"Kasi nandyan ka. I know you would protect me, kaya hulihin nyo yung spy, bago nya masira ang meditation ko at kayo mismo any gagawin kong inihaw," sagot ni Inang Rosas habang nakapikit kaya nagmadaling umalis si Spades, hindi nagtagal isang tunog ng blade at narinig ni Inang Rosas kaya napamulat sya ng mata at tumayo na parang walang sumusugod sa likod nya.
"Hayop ka!" Sigaw ng spy.
"What kind? Kasi you're a piglet. Hindi mo man lang ako matamaan," pang-aasar ni IR habang patuloy ang pagpapatama ng spy ng katana sa dalaga patuloy din ang ilag nito.
"Wag mo namang putulin yung rose ko! Namumuro ka na hintayin mo ako dyan," galit na wika ni IR nang maputol ng spy ang roses na tanim nya kaya pumasok sya at kinuha ang sariling katana sa loob. Pagkalabas nya nandun padin ang spy at sumugod sakanya.
"Masyado ka namang nagmamadali na makita si Lord," bwelta ni Inang Rosas habang panay ang ilag at nilabanan ang spy. Pagkadating nila Spades at iba pang tauhan naabutan nila si Inang Rosas na nag-me-meditate parin pero iba na ang kanilang nakikita kumpara sa kanina. May taong nakahiga sa gilid, naliligo sa sariling dugo at ang puting soot ni Inang Rosas kanina may mga mantya narin ng dugo.
"Ang tagal nyo, so I take that piglet down myself," wika ni Inang Rosas at tumayo sa kinauupuan.
"Talagang dito, sa garden. Ang hirap kaya linisin ng dugo sa grass," wika ng isa sa mga tauhan nya kaya napalingon naman sya rito.
"Bakit black yang roses sa braso mo?" Direktang tanong nya rito at bago pa makasagot ang tauhan nya ay may follow-up question na kaagad sya. "Spy ka?" Dagdag pa ni Inang Rosas kaya umiiling naman ang tauhan.
"Naubusan po ng pula," paliwanag nya.
"Impossible. Gawin mong pula," utos ni Inang Rosas kaya nagkatinginan sila. "Madali lang tanggalin yan sa grass, basain mo lang ng tubig, if you want deep cleaning brushan mo ng toothbrush talagang tanggal yan," wika ni Inang Rosas kaya nagpigil naman ng tawa ang iba.
"Pwede ring wag na, I like that shade of red. Palitan nyo ng pula lahat ng damo na makikita nyo sa buong garden," utos ni Inang Rosas kaya nanlaki naman ang mga mata nila.
"Pula? Sa damo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Spades.
"I will only say that once," ma-awtoridad na wika ni Inang Rosas.
"Narinig nyo sya, paint it red," wika ni Spades at sumunod kay Inang Rosas papasok ng casa.
...
May humintong kotse sa harapan ng private house ni Inang Rosas at pagpasok na pagpasok nya ay nagulat sya sa nakita.
"Ano to? May patayan bang nangyari dito at pulang pula ang damo?" Tanong pa ng bagong dating.
"You don't wanna know," dismayadong tugon ni Spades.
"Of course, I do Mr. Old man. I'm a part of this team. Alam ko namang ayaw mo saakin dito pero wala kang magagawa kasi tinanggap ako ni Inang Rosas," sagot pa nya at nilagpasan si Spades.
"Ciao, mi amore!" Tawag nya kay Inang Rosas.
"Oh buti nakabalik na ang isa sa mga alas ko, Daisy," bati ni Inang Rosas at nakipagbeso sakanya.
"So favoritism to," wika ni Dahlia at umirap na syang ikinatawa ni Orchid.
"Yung Dahlia mo nagtatampo," tukso ni Orchid kaya inirapan sya ni Dahlia. "Hindi ako nagtatampo," naiinis na sagot ni Dahlia.
"Tigilan nyo na yan. Hintayin lang natin si Clover at si Lily so we can start the meeting," anyaya ni Spades.
"Hihintayin natin eh nasa ibang bansa yung dalawa," reklamo ni Daisy.
"Huwag puro reklamo kung gusto mong magtagal dito, nandito ka lang naman dahil sa kapatid mo," pampapranka ni Spades.
"Bakit ikaw ba boss dito, are you Inang Rosas? Hindi diba," pagsusuplada ni Daisy.
"Ako ang in charge sa pagtaggal at pagtanggap ng mga myembro dito," malamig na sagot ni Spades at sasagot pa sana si Daisy nang hawakan sya sa balikat ni Inang Rosas, nauna namang pumasok si Spades na wala sa mood.
"Hayaan mo na. Mahirap na desisyon to para sakanya matagal tagal narin since mawala saatin si Orlaya. His wife," Wika ni Inang Rosas at sinundan si Spades na nakatingin sa isang litrato.
"Payag ka na bang papalitan natin sya?" Tanong ni Inang Rosas kay Spades.
"May magagawa pa ba ako? Nag sisimula na silang gumalaw laban saatin kailangan nating makumpleto ulit at bago sumabak sa laban dapat handa tayo," sagot ni Spades at nginitian nya si Inang Rosas saka umupo sa sofa.
-----------------------------------
"Nandito ka nanaman" naiinis na wika ni Blue nang makita nya si Karl sa living room.
"Wala akong kasama sa bahay eh, wala dun si Daddy, umalis si Jane," paliwanag ni Karl habang nakaupo ng kumportableng komportable sa sofa.
"So? Walang nagtatanong," supladang sagot ni Blue.
"Suplada, hindi na ako magtataka kung maghahanap ng iba yung boyfriend mong hilaw," panunukso ni Karl kaya mas lalong nagsuplada si Blue.
"Che! Mabulunan ka sana," saad pa ni Blue.
"Pikon," ganti naman ni Karl. Patuloy ang asaran ng dalawa hanggang sa dumating si Ella kaya tumigil sila na parang walang nangyari.
"Ano ba yan para kayong mga aso't pusa. Hayaan mo na dyan si Karl, eh ikaw saan ka pupunta?" tanong ni Ella nang makita nyang nakabihis si Blue.
"May aayusin lang po sa Lyxeeries para sa event," paliwanag ni Blue.
"Event o date?" Tanong ni Ella sakanya kaya nginitian lang sya ni Blue.
"Naku date yan momshie, panigurado," sabat naman ni Karl.
"Tawagan ko kaya si Red, sabihin ko may iba ka," tukso naman ni Blue kay Karl kaya umalma naman ang binata.
"Hoy bawal yan," naiinis na sagot ni Karl sakanya.
"Sige na alis na baka malate ka pa sa date nyo ingat, I love you," wika ni Ella habang pinapalabas si Blue ng bahay. "Nay hindi po ako makikipag-date," pahabol pa ni Blue bago umalis.
"Ah, momshie kelan daw uuwi si Riri?" Nahihiyang tanong ni Karl kaya napunta sakanya ang atensyon ni Ella.
"Wala syang nasabi sakin kung kelan eh pero within this week daw," sagot ni Ella kaya napatango naman si Karl at nakaisip ng kung anong kalokohan.
"Ayusin ko lang po yung kwarto nya tsaka art station," pagbo-bulantaryo ni Karl.
"Sigurado ka? Malaki yun," saad ni Ella at concerned kay Karl dahil masyadong malaki ang kwarto ni Red pati narin ang art station nya.
"Sure na sure po, wala din naman akong gagawin dito," nakangiti sagot ni Karl at tinanguan lang sya ni Ella. "Sige, kabisado mo naman kung saan diba kasi magdidilig pa ako ng halaman," dagdag pa ni Ella at tumango naman si Karl kaya pumunta na ng garden ang ginang habang si Karl ay umakyat naman papuntang kwarto ni Red.
...
"Ay perfect para naman akong nasa loob ng bote ng pinaghalong ketchup at mayonnaise," Wika ni Karl pagbukas nya mismo ng kwarto ni Red.
"Ang bilis namang magkaalikabok dito. Kita mo na artist na tamad, may sariling art station pero hindi nya ginamit at dito sya sa kwarto nya nagkalat ng mga pintura," dagdag pa ni Karl habang pinupulot ang mga paint brush sa paligid nya at patuloy na naglinis at naglinis, pagpag dito pagpag doon.
"Sa pagkakaalam ko may hika sya bakit parang andaming alikabok. Ang bilis naman talaga sigurong magkaalikabok dito kaya dapat araw-araw nililinis," reklamo ni Karl at patuloy sa paglilinis kahit bahing na sya ng bahing.
"Ang bigat naman ng kama na to. Iisa-isahin ko nalang ang pag-usog at baka maputulan pa ako ng ugat dito or worse hininga, parang limang patong yata ng foam to," wika ni Karl at inisa-isang tinanggal at pinagpagan ang kumot at bed sheets, pati ang unan at mga stuffed toys pinagpagan nya na rin. Sinama nya naring itinaas ang foam ng kama nito para madali nalang sakanya iusog ang bedframe para malinisan ang ilalim nito. "Nagamit ko yung pag-gym ko ng 2 years ah," saad ni Karl sa hangin.
Nang tuluyan nyang maiusog ang buong kama, tumambad sakanya ang dalawang box na sa ilalim ng kama, ang isa ay may mga laman na sketchbooks, ang isang box naman ay nakasara at wala syang balak na alamin kaya iniusog nya nalang din ang dalawang box. Pero dahil sa kabigatan ng nakasara na box habang inuusog nya, ay natumba ito at iniluwa ang mga laman.
"Ano ba laman nito, house and lot?" Wika ni Karl at ibinalik ulit ang mga natapong gamit sa box pero isang bagay lang ang nakapagpahinto sakanya.
Isang briefcase at katabi nito ang isang punyal. Tinitigan at sinuri nya ng husto ang punyal, inoobserbahan kung totoo ba ito o hindi pero nalipat kaagad ang atensyon nya sa briefcase na kaunting nakabukas at sa tuwing nasisinagan ng araw ang nasa loob ay kumikislap. Sinubukan nyang pigilan ang sarili na huwag itong buksan pero hindi nya parin mapigilan ang pagiging curious nya kaya binuksan nya ito. Tila tumigil ang mundo ng binata sa nakita, hindi sya makapaniwala doon nya pa makikita ang bagay na iyon.
-----------------------------------
Nalingon sila nang bulungan ng isang tauhan si Spades.
"Papasukin mo," utos ni Spades sa tauhan kaya umalis naman ito.
"What was that?" Naguguluhang tanong ni Inang Rosas.
"She's here," simpleng sagot ni Spades.
"She? Akala ko it's a he," nagtatakang tanong ni Daisy.
"Bakit, kapag lalaki jojowain mo?" Prangkang tanong ni Spades sakanya.
"Naur! Ayaw mo nun may kasama kang boy dito. Para ka namang tatay ko kung maka-react," inis na sagot ni Daisy.
"Well lalaki naman talaga kung hindi lang tinangihan ng napakabait na Inang Rosas," wika ni Spades kaya napalingon naman silang lahat kay Inang Rosas na busy sa sudoku ng newspaper na binabasa nya lang kanina.
"What? Of course tatanggihan ko. Bakit ko naman ia-approve ang isang lalaki, eh mga lalaki nga yung pinupuntirya natin diba," sagot ni Inang Rosas na naka-focus parin sa newspaper.
"Kaya pala pumatol ka sa babae," tukso ni Orchid sakanya kaya pinarolyo ni Inang Rosas ang newspaper at tumingin kay Orchid.
"Tatahimik ka o ipangunguya ko tong newspaper sayo, pagkatapos ko sa game na to," wika ni Inang Rosas at ibinalik ang atensyon sa nilalarong sudoku. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang babaeng hinihintay nila at pakapasok ng nasabing bagong recruit parang natanggalan sila ng dila at hindi na makapagsalita.
"This is–" ipapakilala na sana ni Spades nang putulin ito ni Inang Rosas.
"Yeah. No need, kilala ko sya pero talagang ginagalit mo ako Spades noh?" Tanong ni Inang Rosas at umigting ang panga.
"What's wrong. Wala naman akong sinabing masama," malamig na tanong ni Spades.
"Wala nga pero she's a fucking minor, Spades!" Galit na wika ni Inang Rosas.
"Bakit nung inumpisahan mo ba ang team na to ilang taon ka? Diba 16 ka, ilang taon na ba si Lily nung inumpisahan mo to. Si Orchid ilang taon na ba ngayon? Hindi ba yan minor?" Nakataas ang kilay ni Spades kaya mas lalong nabubwisit si Inang Rosas sakanya.
"Hindi na minor si Orchid. She just turned 18," nangangalit na saad ni Inang Rosas.
"Malapit na yung debut ko," sagot ng bagong nirecruit ni Spades kaya nilingon sya ng lahat. Ibinalik ni Inang Rosas ang titig sa mga mata ni Spades at tinitigan ng matalim.
"Fix this fucking mess. Tigilan mo na ang pambubwisit saakin hindi ka na nakakatuwa," inihampas ni IR ang nirolyong newspaper sa mesa kaya nagulat naman ang iba, tumayo sya sa kinauupuan nya at magwo-walk out na sana nang magsalita ang bagong salta.
"I know who you are," wika ng dalaga kay Inang Rosas kaya natigil ito sa paglalakad.
"Stop fooling around, kid. Hindi to playground," tanging sagot ni Inang Rosas sa bagong salta.
"Hindi ako nakikipaglaro sayo, Vostra altezza," wika ng babae kaya napatigil ulit si Inang Rosas sa paglalakad at biglang namatay ang ilaw.
"Oh my girls, I like this game," excited na wika ni Orchid kaya kahit madilim ay tiningnan sya ng mga kasamahan nya. Pagbukas ng ilaw hawak na ni IR ang leeg ng bagong recruit.
"Rosas!" Suway ni Spades at nagulat sila.
"Wala akong pakialam kung sino pang Poncio Pilato ang kilala mo wala akong pakialam," nanggigigil na wika ni Inang Rosas sakanya at lalong humigpit ang pagkakasakal nya pero imbis na subukang tanggalin ng dalaga ang kamay ni Inang Rosas sa leeg nya, nginisihan nya lang ito.
"Hindi lang kita kilala, alam ko rin ang pangalan mo at pangalan ng buong pamilya mo," wika ng babae kaya natigilan nalang si Inang Rosas at binitiwan ang babae.
"Natatakot kang bang isigaw ko ang pangalan mo? Panigurado ang iba dito hindi pa alam ang totoo mong pangalan at kung sino ka," dagdag pa ng babae.
"Bahala kayo sa buhay nyo. Basta wag na wag kayong magrereklamo saakin kapag hindi gumana ang plano nyong ganito," galit na saad ni Inang Rosas at tinalikuran nya ang babae saka humarap kay Spades. "At ikaw, sa oras na may kailangan ka huwag na huwag kang lalapit saakin," dagdag pa ni Inang Rosas at umalis.
"So sino magtuturo sakanya ng swordsmanship kung pababayaan tayo ni Inang Rosas sa desisyon na to. Firing lang matuturo ko sakanya," nag-aalalang wika ni Orchid.
"Si Spades kasi eh, inaway pa si IR," paninisi naman ni Daisy.
"Wag na nga kayong magsisihan. Mainit lang ulo nun, huhupa din yun. First magpakilala muna tayo," suhestyon ni Clover at inumpisahan ang pagpapakilala. Hi I'm Clover the hacker of the Thorns. This is Dahlia the proxy of Inang Rosas, this is Lily our lawyer, this is Daisy the magaling na spy and Orchid ang pinakabata sa grupo. I'm sure kilala mo na si Spades the right hand and si Inang Rosas," dagdag pa ni Clover at tumango naman ang dalaga.
"Ikaw what's your name, not your real name," tanong ni Orchid kaya nagtaka naman ang bagong salta. "Teka, wala ka pa pala nun wait. Now that you're new here ano kaya bagay," dagdag pa ni Orchid.
"Pagpasensyahan mo na kung masyadong madaldal ganyan lang talaga sya," natatawang saad ni Dahlia.
"Alam ko na! Shining–" natutuwang saad ni Orchid pero pinutol ito kaagad ni Lily.
"Ayan ka namaman sa shining mo na yan. Nung unang dating mo tawag mo kay Daisy, shining shimmering," wika ni Lily at natawa naman si Dahlia sa naiinis na muka ni Orchid.
"Akala ko nga dadagdagan nya yun ng splendid eh," patuloy na panunukso ni Dahlia.
"Ang papangit nyo kasi magbigay ng pangalan," nakangusong wika ni Orchid.
"Wow ha akala mo sya maganda din magbigay kanino kaya galing yung Orchid eh Jasmine sana yung alyas mo ayaw mo pa," sabat naman ni Dahlia.
Inirapan nalang ni Orchid si Dahlia na patuloy padin ang pang-aasar sakanya.
"Tulip," Wika ni Spades kaya napalingon naman sila sakanya.
"But Tulip is your wife's–" saad bi Daisy pero pinutol naman kaagad nito ni Spades.
"Tulip is the first nickname of Orlaya. She can use it kasi hindi naman na ginagamit ni Orlaya, at wala na sya," malamig na sagot ni Spades.
"Hindi naman ako mumultuhin nun diba," pagbibiro ng bagong salta.
"Hindi naman, as long as papangalagaan at irerespeto mo ang pangalan na yan," tugon ni Spades, tumango naman si Tulip at ngumiti. Bumukas naman ang pinto at pumasok ang dalawang babae.
"So paano ba yan, welcome sa Thorns Tulips," bati ni Lily at pumalakpak naman ang iba saka
"So paano ba yan, welcome sa Thorns Tulips," bati ni Lily at pumalakpak naman ang iba saka nagpasalamat si Tulip.
"Alright. Group hug!" Wika ni Orchid at nag group hug naman sila liban kay Spades.
"Lika na dito Spades, ikaw na nga lang nag-iisang lalaki dito at pinakamatanda tapos KJ ka pa lolo ka," wika ni Daisy at hinila palapit si Spades.
-----------------------------------
Umaga sa Italy, bumalik ulit si Susana sa bahay nila Paolina dahil balita nya nagising na raw si Red pero pagdating nya wala na ang dalaga pati ang mga gamit nito.
"She woke up last night and she left just this morning," saad ni Paolina kaya malungkot naman si Susana.
"I didn't even get to say goodbye," wika ni Susana.
"Diamante came with her," malungkot na saad ni Paolina dahil naiwan sya sa bahay na mag-isa.
Nalungkot naman si Susana nang makita nya ang lungkot sa mga mata ni Paolina nang maiwan syang mag-isa sa bahay nya.
"Why don't you come?" Suhestyon ni Susana pero umiling lang si Paolina.
"No, it's fine. I will let them enjoy themselves, no parents will stop them, I want them to be free," sagot ni Paolina kaya tumango naman si Susana.
"It's been a long time since we both went on vacation. Do you want us to go on vacation?" Tanong ni Susana kaya napatingin naman sakanya ang anak at kitang kita nya ang ningning sa mga mata nito.
"Really?" Hindi makapaniwalang tanong ni Paolina at tumango si Susana.
"I'll just fix what needs to be fixed here and we'll fly to the Philippines," saad ni Susana kaya tuwang-tuwa naman si Paolina at yumakap sa nanay nya.
"Grazie, Mamma."
"Sei sempre la benvenuta, mia dolce farfalla"
(You are always welcome, my sweet butterfly)
-----------------------------------
Sa ika-bente unang tawag sa cellphone ni Inang Rosas, saka nya na sinagot ang tawag galing sa taong kinaiinisan nya at the same time napapakinabangan.
"Sa wakas sinagot mo rin. May balak ka bang ubusin ang load ko?" Wika ng babae sa kabilang linya.
"Ang dami mong pera tapos takot ka maubusan ng load," pamimilosopo ni Inang Rosas sa kausap nya.
"Hoy babaeng damo, for your information, nakakabenteng tawag na ako sayo saka mo lang ako sinagot," galit na wika ng katawag nya. "Sabi nila kapag unang tawag palang at tinigilan na nya, hindi importante yun, pero kapag nakadalawang missed calls na, dun mo na sasagutin kasi importante yun," dagdag pa ni Inang Rosas.
"Eh saan ako dun? Benteng missed calls to oh," wika ng babae.
"Tama na yang chika. What do you want? Masyado akong busy para sagutin itong mga tawag mong pointless at nonsense," malamig na sagot ni Inang Rosas.
"Hindi to pointless or nonsense. Iniimbitahan kita sa anniversary ng Lyxeeries," direktang sagot ng babae.
"Nonsense nga. Talagang iniimbitahan mo pa ako kung alam mong hindi naman ako pupunta. Alam mo sinasayang mo lang oras ko, alam mo ba kung gaano kalaki ang na-consume mo sa time ko? Sana nasa ikalimang sodoku na sana ako pero tumawag ka," naiinis na saad ni Inang Rosas.
"Pumunta ka, para maipagmalaki ko sayo yung mga awards ng kumpanya ko," nakangising saad ng babaeng katawag nya na ang CEO ng Lyxeeries.
"Wala akong pakialam sa mga ganyan, tanungin mo yung kambing baka pumayag, istorbo," wika ni Inang Rosas at pinatay ang tawag saka nagpatuloy sa paglalaro ng sodoku habang umiinom ng wine.
Napalingon naman sya nang makarinig sya ng putukan at pag tingin nya hindi nga sya nagkamali, tinuturuan nila si Tulip ng firing.
"Kahit kelan talaga mga duling sila bumaril. Magtuturo na nga lang hindi pa matamaan ang target," wika ni Inang Rosas at bumuntong hininga saka kinuha ang pulang baril nya sa drawer at kinasa.
...
Nagulat nalang sila nang biglang natumba ang mga target kaya nilingon nila kung saan nanggaling ang putok.
—♡—
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top