49

"Teka lang ano bang surprise to walang video, sandali lang," nilabas ni Severo ang cellphone nya at ipinuwesto sa.magandang anggulo para makakuha ng video para sa suprise na hindi scripted.

"Kunyari 'di scripted. Talikod ka kasi dito ako lalabas parang horror," wika ni Severo kaya natawa naman si Desa at sinunod naman ng dalaga ang pagtalikod.

"Sabihan mo ako kung lilingon na," sagot naman ng dalaga.

"Wow ha, hindi talaga to scripted," natatawang sagot ni Severo habang tuluyang natawa si Desa.

"Ipeplay ko na yung video ha. Nakaplay na," dagdag pa ni Severo kaya umayos ng tayo si Desa.

Habang nag-aabang ng tamang tyempo si Severo naglakad sya palapit sa likod ni Desa at lumuhod ang isang tuhod indikasyon na nagpo-propose sya.

Binigay nya ang senyas kay Desa na lumingon kaya agad lumingon ang dalaga pero imbes na sya ang manorpresa ay sya ang nasurpresa nang linggunin nya si Severo.

"Huy ano yan?" Gulat na tanong ni Desa.

"Uhm, star track moissanite ring S925 plated 18k gold with GRA certificate" pakiwanag ni Severo.

Natawa naman si Desa sa sinabi ni Severo. "Saan mo nabili yan?" Tanong ni Desa.

"Sa shopee," sagot ni Severo na mas lalong ikinatawa ni Desa. Hindi na nya alam kung maiiyak ba sya o matatawa dahil sa mga pinagsasabi ni Severo.

"Desa Jewl. Will you marry me?" Tanong ni Severo sakanya hindi naman alam ni Desa ang isasagot nya kaya tinawanan nya nalang si Sevy. "Kanina mo pa ako tinatawanan ha, nakaka-offend na" dagdag pa ni Severo.

"Eh kasi naman! Nagulat ako eh. Tapos ka nang magpropose sakin, bakit ka nakaluhod ulit dyan" natatawang tanong ni Desa.

"Eh pipityuging sing sing naman yung binigay ko sayo nun, eh eto maganda ako mismo pumili nito dun sa shop nila," saad ni Severo.

"Akala ko ba shopee yan," saad ni Desa at tumango si Severo.

"Oo nga, shop nila sa shopee," pabirong wika ni Severo kaya natawa nalang ulit si Desa.

"Sige na isuot mo na, tumayo ka na dyan mamumula tuhod mo ang laki mo pa naman," wika ni Desa na may kasamang panunukso. Isinuot ni Sevy ang singsing sa ring finger ni Desa saka tumayo at pinagpag ang sarili pero nagulat nalang si Desa nang biglang umiyak ang lalaki. "Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ni Desa.

"Si Red kasi eh. May iba ka na raw sa Italy," sinisinok sinok na sagot ni Severo sakanya kaya natawa nanaman sya.

"Wag mong pansinin yun hayaan mo sya, bitter lang yun," sagot ni Desa at pinunasan ang luha ni Severo. "Ang laki mong tao pero iyakin ka," dagdag pa ni Desa kaya napasimangot nanaman si Sevy.

"Lab naman ih!" Pagmamaktol ni Severo na pasinghot singhot at bahagyang tumawa si Desa.

"Oo na hindi na kita tutuksuhin," pagsuko ni Desa at pinunasan nya ang luha ni Severo gamit ang sariling kamay. Severo looks at her as if she were a hidden, beautiful pearl in a clam. He gazes at his woman as if she is the hidden beauty of the sky obscured behind the clouds. He leans in slowly, brushing his lips softly against hers, and they share a romantic kiss in front of the tranquil, blue sea.

-----------------------------------

Italy

Kumatok si Diamante sa kwarto ni Red pero walang sumagot, kakatok na ulit sana sya nang bahagyang bumukas ang pinto kaya madahan syang pumasok. Lumapit sya kay Red na nakahiga lang sa kama.

"Hey are you awake?" Tanong ni Diamante pero di parin ito sumagot kaya sinilip nya nalang sa kabilang gilid kung saan nakaharap ang dalaga.

"Aysus, stop pretending to be asleep. Nakita ko yung mata mo, dilat na dilat," saad ni Diamante kaya walang nagawa si Red kundi imulat ang mga mata nya at tumingin kay Diamante.

"What do you want ba?" Naiinis na tanong ni Red.

"I came to check on you baka mamaya namumula na yang mata at ilong mo sa kakaiyak magmukha kang si Rudolph," tukso ni Diamante.

"Ang galing mo parin palang mag tagalog pinapahirapan mo pa akong mag adjust," pag-iiba ng usapan ni Red.

"Ikaw? Nahirapang mag adjust, girl saang banda. Buti nga di ka pa nababaliw sa dami ng language na alam mo," namamanghang wika ni Diamante kaya napangiti naman si Red.

"See you look cute kapag nakangiti ka, also you look much prettier kapag wala kang make up, stop putting super red lipsticks on your lip," dagdag pa ni Diamante kaya namula naman ang pisngi ni Red dahil sa hiya. "And look at that natural blush," dagdag pa ni Diamante.

"Tumigil ka na wala akong piso, may sarili kang pera. Ano ba talaga ginagawa mo dito?" tanong ni Red.

"I came to check you nga kasi hindi mo pinagbubuksan si Mamma and Nonna," pagsasabi ng totoo ni Diamante.

"Gusto ko lang muna mapag isa," simpleng sagot ni Red.

"Gustong mapag isa, tapos pinapasok mo ako," tukso ni Diamante kaya nairapan sya ni Red.

"Ang ingay mo eh nakakailang balik ka na tapos katok ka ng katok," simpleng sagot ni Red.

"Sayang I'm not Karl kasi kaya ayaw mo akong pagbuksan," direktang wika ni Diamante kaya nanlaki naman ang mata ni Red.

"You know him diba, your lover, Derioso," pang-aasar ni Diamante sakanya.

"Okay, that's it labas na," wika ni Red habang madahang tinutulak si Diamante palabas ng kwarto.

"Kelan kaya ako makakahanap ng Karl ko, yung masasabihan ko ng love, I'm sad and hungry," nakangusong panunukso ni Diamante.

"Cheee!" Huling sinabi ni Red sakanya bago pagsarhan ng pinto kaya natawa nalang sya.

...

"Sana all may love life," wika ni Diamante at bumuntong hininga nagulat nalang sya nang may magsalita sa likuran nya.

"Meron ka rin namang love life. Nagbubulagbulagan ka lang sa nanliligaw sayo," wika ng isang maid na napadaan sa likuran nya at nagpatuloy sa paglalakad palayo, huli na nang makapag-react si Diamante, nakalayo na ang maid kaya naman hinabol nya pa ito para makasigurado sa narinig nya.

Tinawag nya ang maid at nilingon naman sya nitong may naguguluhang mukha.

"Excuse me. Daisy wait! Anong sinabi mo, Daisy?" Tanong ni Diamante sakanya, pero hindi sumagot ang maid at tinginan lang sya nito na parang naguguluhan at hindi sya naiintindihan.

"Mi dispiace signora, non riuscivo a capire la sua lingua. C'è qualcosa con cui posso aiutarti?"
(I'm sorry ma'am, I couldn't understand your language. Is there anything I can help you with?)

Sagot sakanya ng maid kaya umiling sya. Nagpatuloy ang babae sa trabaho nya na parang walang nangyari.

"I swear I heard that Daisy girl speak Tagalog," naguguluhang si Diamante.

-----------------------------------

Hindi parin makapaniwala si Red na kilala ni Diamante si Karl kahit hindi naman nya ito pinapakilala o binabanggit sakanila.

Samot sari na ang nasa isip nya kaya imbes na pagtuunan nya iyon ng pansin pinili nya nalang na magtrabaho. She grabs her laptop and check the progress sa kumpanya sa Pilipinas and unexpectedly no report was sent to her.

Tinawagan nya si Scale at buti na lamang agad naman itong sumagot kaya hindi na nadagdagan ang init ng ulo nya.

"Hello, Ms. Red?" Sagot ni Scale sa kabilang linya.

"Ano to? Bakit wala pa akong natatanggap na report? I thought Desa had arrived in the Philippines, why haven't I received a report yet?" Tanong nya kay Scale at hindi naman agad nakasagot ang dalaga. "Ano? Nagkita muna sila ni Sevy? Tama ako diba?" dagdag pa ni Red.

"Ang galing mo namang manghula. Bagay nga kayo ni Karl, mga fortune teller. Meant to be," kinakabahang sagot ni Scale.

"Huwag mong iniiba yung usapan. Tell her, I want the report at exactly 3:00 PM, Philippine time. Also tell her unahin ang trabaho bago landi," wika ni Red at pinatay ang tawag saka nagpatuloy sa pagtatrabaho sa laptop nya.

"Bati na kayo?" Simpleng tanong ni Sorpia habang naka-upo sa sofa na medyo may kalayuan sa lamesa na pinagtatrabahuhan ni Red.

"Hm? Sino?" Malamig na tanong ni Red at hindi nililingon si Sorpia.

"Ni Scale," simpleng sagot ni Sorpia.

"Well, hindi ko alam sakanya pero kailangan naming magpansinan para sa trabaho, she is my secretary and I am her boss. We need to act professional," sagot ni Red at nagpatuloy sa pagtatrabaho. Walang nagawa si Sorpia kundi tumahimik nalang at inumin ang isang tasang kape na kanina nya pa hawak.

-----------------------------------

Masayang nanananghalian si Desa sa CZ kasama sila Ella, nandoon sya dahil matapos nilang mag-enjoy sa karagatan ni Severo ay umuwi sila sa hacienda. Masaya silang nagkukwentuhan habang kumakain nang biglang tumunog ang cellphone ni Desa. Nang tingnan nya ang text ni Scale ay nanlaki ang mata nya.

"Oh shoot!" Wika ni Desa at napalingon naman sila sakanya.

"Why? What's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Severo.

"Kailangan ko pala mag-report," aligagang sagot ni Desa.

"Mamaya na yan," inis na sagot ni Severo.

"No, nag-text sakin si Scale. I need to send the report at exactly 3:00 PM, Philippine time," sagot ni Desa kaya nawala naman ang ngiti sa mukha ni Severo at napalitan ng bwisit na mukha.

"Bakit ba kasi ikaw pa yung inutusan nya hindi ka naman involve sa mga company matters na yan. Yung work mo sakanya more on personal assistant. Dapat si Scale yung gumagawa nyan kasi sya yung secretary nya," naiinis na wika ni Severo.

"Ako naman yung nagsabi sakanya na ako nalang pupunta," wika ni Desa.

"But why? Hindi naman pwede yun," maktol ni Severo at nakasimangot kung kumain.

"Kahit kelan slow ka talaga, sya na yung nag-prisinta na pumunta rito para makasama ka rin. Ano ba sa tingin mo, papayagan syang umuwi dito ni Red ng sya lang mag-isa ng walang maayos na reason?" Wika ni Blue at napakamot naman ng ulo si Severo nang makuha nya ang pinupunto ni Blue kaya bahagyang natawa si Desa sakanya.

"Ayos lang mabilis lang naman 'to," pangako ni Desa.

"Ihahatid kita," saad ni Severo at tatayo na sana pero pinigilan sya ni Desa.

"No, it's okay I can manage naman no worries," nakangiting saad ni Desa at nagpaalam na aalis na sya kaya hinatid nalang sya ni Sevy kahit hanggang sa gate lang ng CZ.

Nang makaalis si Desa, tiningnan ni Blue si Severo ng mapang-asar na tingin kaya nakuha agad ng binata ang gustong gawin ni Blue kaya agad nya itong inisnab at pumasok sa loob.

"Wala pa nga eh, naiinis ka na kaagad," hiyaw ni Blue husto na para marinig ni Sevy.

-----------------------------------

Ilang oras narin ang lumipas hindi narin namalayan ni Red ang oras dahil sa tutok nyang pagtatrabaho pero minuminuto nya ring tiningnan ang cellphone kung may text o tawag galing kay Karl pero wala syang natatanggap.

Gusto nyang balewalain nalang ang hindi pagtawag ng nobyo pero at the same time hindi nya mabalewala dahil sa pag-o-overthink nya at hindi narin sya maka-focus sa pagtatrabaho. Kinuha nya ang cellphone at nagdalawang isip na tawagan si Karl dahil kung ano-ano narin ang naiisip nya.

"Really? Ako talaga tatawag?"

"Baka hinhintay nya lang din na ako tumawag."

"Paano kung may iba syang katawag kaya di nya ako tinatawagan?"

Wika ni Red sa isipan nya, napasandal sya sa swivel chair habang hawak ang cellphone at nag-o-overthink.

"Baka may babaeng umaaligid sakanya."

"Baka... Baka may kinakama sya..."

Bigla nalang syang napahampas sa mesa nya sabay tayo at humiyaw ng "Hindi pwede yun!"

Nilingon naman kaagad ang mga empleyadong malapit sa opisina nya at nakarinig sa paghiyaw nya agad naman nyang napansin ang mga tingin ng mga empleyado na naguguluhan sa biglaang pagsigaw nya kaya nag-kunwari nalang syang may kausap sa telepono at dahan-dahang umupo.

Nang masiguradong wala ng nakatingin sakanya, kinuha nya ang bag at umalis ng kumpanya. Habang nagmamaneho sinusubukan nyang tawagan si Karl pero hindi ito sumasagot kaya nag-o-overthink nanaman sya.

Ilalagay sana ni Red ang cellphone sa bang nang makarinig sya ng busina ng truck kaya agad naman syang nalingon at iniliko ang kotse para makaiwas sa truck.

Buti nalang at nakapreno sya dahil kung hindi babangga sya sa isang building kahit konti nalang ang distansya ng kotse nya at haligi ng isang building. Hindi naman sya kaagad nakapag-react at saka nalang sya natauhan at nag-sink in ang lahat nang katukin ng mga tao ang bintana ng kotse nya kaya agad naman nya itong ibinaba.


"Stai bene? Hai qualche ferita?"
(Are you ok? Do you have any injuries?)

Nag-usap ang medic at si Paolina pero parang walang marinig si Red dahil sa gulat na hindi parin nawawala sa sistema nya. Tinitigan nya lang si Paolina at hindi tinanggal ang tingin. Hindi nya alam kung bakit, pero hindi nya matanggal ang titig sa ginang, nang magtagpo ang mata nila bigla nalang napapikit ng mariin si Red at parang namingi ang parehong tainga kaya tinakpan nya ito at sinusubukang iwaksi ang matinis na tunog na para bang may pumutok na napakalaking bomba sa tabi nya.

"Riri? Are you ok?" Tanong ni Paolina at hinawakan ng mahigpit ang dalaga na pilit naman nitong tinatanggal.

"Signora, are you sure this is your daughter," tanong ng isa sa medic.

"Yes. Of course she is," sagot ni Paolina.

"I just want to go home, I'm fine," sagot ni Red at biglang tumayo kaya muntik na syang matumba dahil sa hilo buti nalang at naalalayan sya ng isa sa mga medic.

"Careful, baka masugatan ka," bulong sakanya ng umalalay kaya nagulat sya at napalingon, nginitian lang sya nito kaya napa-ayos sya ng tayo saka napalayo ng bahagya.

Hinawakan naman sya ng isang bodyguard ni Paolina at inalalayan papuntang sasakyan, sinulyapan nya sa huling beses ang lalaking medic at tanging nakita nya bago ito pumasok sa sasakyan nila ay ang brasong may tatak na rosas. Nang makapasok na ang driver sa sasakyan agad naman silang umalis.

"Wait, si mamma," nag-aalalang wika ni Red dahil naiwan si Paolina at iba pang bodyguards at tanging sya at ang driver lang ang nasa sasakyan.

"She can't come with you because she has to go somewhere else so she ordered me to take you home," isang pamilyar na boses ng driver, nagtataka man pero hinayaan nya nalang ito at umayos sya ng upo nang marinig ang paliwanag ng driver.

"Ako lang ba or that medic kenemerut is flirting with me kanina or talagang nahihilo lang ako. Like damn, pinoy ba yun? I mean obvious naman," pagdadaldal ni Red.

"Nakuha mo pang makipag-flirt, sabagay nagkaboyfriend ka nga habang you have a fiancè here in Italy," sambit ng driver.

"You're also a Filipino?" Masiglang tanong ni Red at nilingon ang driver at nakita nya ang bahaging mata nito sa rear view mirror. Wait you look... You look familiar," pilit na siningkit ni Red ang nanlalabong mata makita lang ang nagmamaneho sa harapan nya.

"Familiar lang? Okay na yun. Ang importante pamilyar ka sa magiging asawa mo. Don't worry hindi magtatagal mangyayari din ang kasal natin," wika ng lalaki.

Parang yelong binuhos sa buong pagkatao nya ang sinabi ng lalaki nang maaninag nya ang muka ng lalaki agad nanlaki ang mata nya.

"Oh fuck." Yun nalang ang tanging nasabi ni Red kaya napangisi naman si Yezh.

-----------------------------------

"Mula sa bahay hanggang dito ba naman wala kang kwenta, tanging kape na nga lang palpak pa! Wala ka na talaga nagawang maayos!" Sigaw ng lalaking empleyado sa isang coffee shop sa asawa nya na empleyado rin sa parehong kapihan.

Napadaan naman si Severo at Desa sa isang coffee shop kung saan din may nagkukumpulang tao at marami rin ang dumadaan na humahaba ang leeg sinusubukang makichismis sa nangyayari sa loob. Pinahawakan ni Desa ang bag nya sa binata at pumunta sila sa sulok.

"Ganyan naman talaga usually ang kape mo," Sagot ng babae.

"Talagang sumasagot ka pa!" Hiyaw ng lalaki at sinampal ang asawa nya.

"Babe, wag mo nang pagtuunan ng pansin yang slap soil na yan mag-enjoy tayo. Excited na ako para mamayang gabi, grr," sabat naman ng babaeng masasabi mong kabit sa harap mismo ng tunay na asawa hinalikan nya ang babae nya.

"Hayop ka talaga, hindi mo na ako nirespeto!" Hiyaw ng asawa nya sakanya.

"Respeto? Kelan ka ba naging karesperespeto? Eto, ganito?" Sinampal nya ang asawa at ang susunod na sampal ay napigilan ng malakas na kamay at ibinalik sakanya ang sampal na iginawad nya sa asawa.

Pulang-pula ang pisngi nito nang sampalin sya ng babaeng naka maskara. Napaupo naman ang lalaki dahil sa gulat nang makita nya ang muka nito.

"Si-sino ka?!" Tanong ng kaninang matapang na lalaki.

"Ako si Karma sayo ako ngayon dadapo. Mukang kailangan mo nang karmahin," palapit ng palapit sakanya ang babaeng nakamaskara paatras naman ng paatras ang lalaki hanggang sa mapasandal ito sa pader.

"Ako si Inang Rosas," dagdag pa nito. Lumabas ang mga lalaking matipuno at nakamaskara mula sa mga nagkukumpulang tao sa labas ng coffee shop, may tatak na rosas sa braso at kinuha ang lalaki para ilabas ng coffee shop kaya gumilid naman ang mga tao para bigyan ng daan ang mga matitipunong lalaki.

Napangisi naman si Inang Rosas nang biglang may nag-flash na mga camera, nagawa nya pang ngiti sa camera. Nilapitan naman nya ang inaaping asawa pero parang natakot lang ito sakanya.

"Don't be scared. Ganito lang muka ko pero hindi kita sasaktan, trust me, I can't promise you kasi kalokohan ang pangako so just trust me okay? You deserve better," wika ni IR at tinulungan ang babae.

Sobra-sobra ang pasasalamat ng babae sakanya pero bigla nalang umusok ang paligid at nang mawala ito ay pati sya'y nawala rin na parang bula.

-----------------------------------

"Nasan na sila. Winala ba ako ni Jane?!" Hindi makapaniwala si Karl nang biglang nawala ang sinisundan nya kaninang limousine, sinilip na nya mula harap, gilid at gilid pati narin sa likuran pero wala syang nakitang limo.

Naisip nalang nyang itrack ang cellphone ni Jane pero pagbukas na pagbukas nya ng cellphone nya bumungad agad ang mga missed calls galing kay Red.

"Hala! Nakalimutan kong tumawag! I promised her that I would call her. Hala," natatarantang wika ni Karl. Sinubukan nya tawagan si Red pero hindi ito sumasagot sakanya kaya mas lalo syang kinabahan. "Bakit ba kasi nakalimutan ko pa," dagdag pa ni Karl at sinubukan nya ulit tawagan ang dalaga pero hindi man lang nag ring.

“Sorry, you don't have enough load in your account to make this call, mag load na par–” tanging sagot sakanya ng cellphone nya kaya pinatay nalang ang tawag saka piniling itext nalang si Red. Inubos nalang nya ang natitirang load sa pagpapaliwanag kay Red kung bakit hindi sya nakatawag kanina.

Kahit na mabaliw na sya kakahanap ay nagawa nya paring mahanap at masundan si Jane. Wala naman syang nakitang kakaiba, just a normal met up ang pinuntahan ni Jane.

"Maybe, masyado lang akong paranoid kaya napag isipan ko sya ng kung ano ano," wika ni Karl sa sarili kaya umuwi nalang sya at hinayaan ang kapatid nyang magkaroon ng maayos na bonding sa mga kaibigan nito.

-----------------------------------

"Let go of me! When Paolina found out about this, hindi mo gugustuhin kung ano ang gagawin nya sayo" hiyaw ni Red sakanya habang pumipiglas sa pagkakahawak ni Yezh sakanya kaya natawa nalang ang binata.

"Oh, I'm scared. I guess hindi mo rin gugustuhing malaman kung sino ang tumulong sakin na makuha ka" makabuluhang saad ni Yezh kaya naguluhan si Red sa mga binitiwang mga salita ni Yezh at nagpupumiglas hanggang sa mapagod sya.

"Ano pagod ka na? Pahinga ka na muna" wika ni Yezh at pinasok si Red sa isang kwarto at ikinulong doon. Dahil sa pagod hindi na nagawang kumontra ng dalaga.

...

Pagkadating ni Paolina sa bahay agad naman syang nilapitan ni Susana at Diamante.

"Where is she?" Tanong ni Susana sa anak nya.

"Don't you worry, I got rid of her," malamig na saad ni Paolina.

"What?! Cosa vuol dire che ti sei sbarazzato di lei?!" Gulat na tanong ni Susana.
(What do you mean you got rid of her?!)

"She's just fooling us, she's Zyanya! They're alive," galit na hiyaw ni Paolina.

"You're crazy, Zyanya is dead they're all dead, Pao! They are all dead. They have been dead for a long time, Paolina! Including Adona!" Galit ring sagot ni Susana at saka nya lang narealize ang sinabi nya nang makita nyang maluha si Paolina, alam nyang isang ina lang rin si Paolina, isang inang nanabik sa anak.

Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Paolina sa mga binitawang salita ni Susana.

—♡—

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top