48
"Nagtatampo yun," Wika ni Sorpia habang naglalagay ng plato at mga kubyertos sa mesa. Sila lang ang natira sa bahay at iba pang katulong dahil pumunta na ng kumpanya ang mag-ina na sina Diamante at Paolina.
"At sya pa talaga may ganang magtampo," tanong ni Red, hindi sya makapaniwala at napabuntong hininga nalang saka umupo.
"Kilala mo naman yun. Likas na matampuhin," saad ni Desa kaya napalingon sila sa kakapasok lang na si Desa.
"So ako pa yung susuyo ganun?" Tanong ni Red kaya tumango naman ang dalawa, walang syang nagawa kundi umirap nalang.
"Minsan lang naman, subukan mo lang," panghihikayat ni Sorpia.
"Ang panunuyo ay hindi lang para sa mga magkasintahan, pwede din yan sa family or friends," dagdag pang panghihikayat galing kay Desa.
"Ang lalalim ng tagalog nyo ah ano to buwan ng wika?" Pag-iiba ni Red sa topic para hindi na sya mapilit na suyuin si Scale.
"Well, we made a bet that whoever speaks a language other than Tagalog first will lose and buy what the winner wants and nanalo ako, so Desa will buy me anything I want," proud na sabi ni Sorpia.
"Fine. Kung susuyuin nya si Scale," Desa referring to Red.
"That's just not fair, it's like I didn't win either," inis na reklamo ni Sorpia.
"You really used me as an excuse so you can't buy what Sorpia wants," hindi makapaniwalang si Red kaya napatampal nalang si Desa. "Halika nga dito, Sorpia," Tawag ni Desa sakanya kaya lumapit naman ang dalaga.
"Ayaw mo nun makikita mong nanunuyo si Ms. Red?" Panghihikayat ni Desa kay Sorpia kaya napaisip naman eto at unti unting napangiti. "Oo nga noh," sagot ni Sorpia.
Bahagyang natawa si Red at napailing dahil sa dalawang dilag na nasa tabi nya. Hindi rin nagtagal, tumabi si Scale kay Sorpia na kaharap si Red at Desa, biglang tumahimik ang paligid nila.
Napatingin naman si Sorpia at Desa sa amo nila na tutok na tutok sa pagkain. Madahang siniko ni Desa si Red na nasa tabi nya lang kaya nilingon sya ng dalaga, sinenyasan nya lang ito na kausapin si Scale kaya napairap hininga naman si Red.
She clears her throat at umayos ng upo. "Scale, may lakad ka mamaya?" Tanong ni Red kaya napatampal nalang si Sorpia at Desa.
"Apparently, I am your secretary. So, wherever you go nandun din ako," Scale coldly answers.
Napatango nalang si Red at nilingon sila Desa at binalik din naman nya kaagad ang atensyon sa pagkain at tumahimik nalang. Naunang matapos kumain si Red kaya nauna syang umalis ng hapag kainan, nagtinginan naman ang tatlo at dinalian ang pagkain.
-----------------------------------
Sa CZ, bigla nalang ginulat ni Severo si Giovanni na kanina pa nakatayo sa labas ng kotse tulala habang maghihintay kay Blue.
"Ano ba, Sevy," inis na wika ni Gio pero tinawanan lang sya ni Severo.
"Tulala yata ang Mr. CEO ng Lyxeeries, masyado mo namang miss ang CEO ng R Empire at natutulala ka na dyan," panunukso ni Severo kay Gio.
"Tigil tigilan mo ako. May jowa na yun," walang ganang sagot ni Gio.
"Sinabi ko bang wala? Isa pa hindi ko naman sinabing aagawin mo sabi ko lang miss mo sya," Saad ni Severo kaya hindi naman alam ni Giovanni ang isasagot.
"Ganun din yun," sagot ni Gio.
"Ang sabihin mo affected ka parin," pampapranka ni Severo.
"Hindi ako affected, kung saan masaya si Red sususuportahan ko. If being with Karl would make her happy, ayos lang sakin yun," pagpapaliwanag ni Giovanni kahit hindi naman dapat sya nagpapaliwanag.
"Ang tanong, sure ka na bang sila na talaga?" Wika ni Severo kaya nilingon naman sya ni Gio.
"So, what are you trying to say, aagawin ko sya? Ganun talaga gusto mo?" Naguguluhang tanong ni Giovanni at the same time nakukuha nya ang gustong sabihin ni Severo.
"Ikaw nagsabi nyan, not me," sagot ni Severo kaya napailing nalang si Giovanni at inayos ang gamit sa likod ng kotse.
"Mr. CEO ng Lyxeeries, masyado naman yatang kumukulo dugo mo kung ayos lang na sila diba," tukso ulit ni Severo kaya nilingon nanaman sya ni Giovanni.
"Tigil tigilan mo na ako, Severo. Hindi na nakakatuwa and stop calling me Mr. CEO; delikado," bulong ni Gio.
"Yan nagpabugbog ka kasi. Kinareer yung pagiging hero," pagpapatuloy ng panunukso ni Severo.
"Hindi naman pwedeng hayaan ko yung bata," pagpapaliwanag ni Gio at bununtong hininga si Sevy.
"Yun na nga, ikaw yung pakay nila hindi yung bata. Gusto nilang patayin ang CEO ng kumpanyang sobra nilang kinaiinisan," pagpapaliwanag ni Severo sakanya. Tinapunan lang ni Giovanni ng tingin ang kaibigan at bumuntong hininga.
"Ang ganyang mga bagay hindi dapat pinag-uusapan yan dito," nilingon nila si Blue nang bigla itong magsalita sa likuran nila. Tinaasan naman ni Giovanni si Sevy ng kilay kaya tumango tango nalang ito at tinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko sa pulis.
"Ok, ok. Hindi na, mas mabuti pang umalis na tayo at baka matraffic pa," wika ni Severo at naunang pumasok ng kotse.
Natawa nalang si Blue at Giovanni habang pinapanood na sumasakay ng kotse ang kaibigan nila. Susunod na din sana si Gio na umakyat sa driver's seat pero agad naman syang pinigilan ni Blue kaya nilingon nya ito.
"Usap tayo, mabilis lang," seryosong wika ni Blue kaya nagtaka naman ang binata.
Bahagya silang lumayo sa kotse, pilit namang binabasa ni Severo ang mga galaw ng labi nila pero hindi nya magawa dahil hindi nya masyadong makita.
...
"May alitan ba sa pagitan nyo ni Karl?" Seryosong tanong ni Blue kay Giovanni kaya naguluhan ang binata.
"What do you mean may alitan?" Naguguluhang tanong ni Giovanni sakanya.
"I saw the way you looked at Karl, you looked at him with anger," seryoso tanong ni Blue kaya ngumisi si Giovanni.
"Come on, Blue. Kung ano ano nakikita mo ikaw talaga," sabi ni Gio, para bang sinusubukan nyang baliwalain ang mga napansin ni Blue.
"Kilala kita, Gio. I know you well Giovanni Greco Tioscani." May diin na wika ni Blue. Nawala ang ngiti ni Giovanni nang literal na full name nya ang sinabi nito at napaiwas sya ng tingin sa dalaga.
"Fine, oo na... Naiinis ako sakanya. Hindi ko alam kung sya rin," mabilis na sagot ni Giovanni.
"Make sure hindi madadamay ang kapatid ko sa alitan nyo na yan," seryosong habilin ni Blue.
"Well, sya naman talaga yung dahilan–" Natigil si Giovanni nang tinaasan sya ng kilay ni Blue.
"Sya yung dahilan kung bakit kami magkakaayos," pagiiba ni Gio ng sasabihin para hindi sya malagot kay Blue.
Nag-aya si Giovanni na sumakay na ng kotse at baka ma-traffic pa raw sila kaya nailing nalang si Blue at sumunod.
-----------------------------------
Habang nasa opisina si Red sa Italy, ramdam na ramdam nya yung pagod ng likod at kamay nya sa pagtatrabaho kumpara sa Pilipinas na pashopping shopping lang sya dahil walang masyadong gawain, pero sa Italy ngayon ay halos ipinasalo sakanya lahat ni Paolina parang nasa kanya nadin ang gawain ng ibang empleyado.
Wala syang nagawa kundi sumandal nalang sa kinauupuan nya at bumuntong hininga habang nakatingin sa dami ng gawain na nakalagay sa mesa nya. Napalingon si Red sa pinto nang bumukas ito at iniluwa nito si Scale.
"Kapagod noh?" Tanong ni Scale sakanya at sinagot nalang sya ni Red ng katahimikan.
"Ayan kasi. Ang sarap na ng buhay mo sa Pinas, gusto mo pa dito sa Italy," saad ni Scale na para bang naninisi.
"Tahimik dito sa Italy. Sa Pinas, masyadong hindi maganda mga pangyayari dun," pangangatwiran ni Red kaya napairap nalang ang secretary nya dahil sa paulit-ulit na rason na binibigay nya.
"I get it, nandun sa Pilipinas ang trauma mo. Doon nangyari lahat ng yun pero nasan ba yung dahilan kung bakit may trauma ka? Saan sya nakatira, diba dito. He lives here in Italy, Ms. Red," prangkang wika ni Scale.
"Alam mo kung pumunta ka lang dito para sermunan ako. Lumabas ka nalang madami pa akong gagawin," pagtaboy ni Red sa secretary nya.
"Ang pinupunto ko is mas maayos ang buhay mo pag nasa Pilipinas ka kaysa dito," patuloy na pangangatwiran ni Scale.
"Mas maayos? Oh ok, kaya pala may sumugod saakin dun, trying to kill me, yun ba yung maayos sayo?" Saad ni Red kaya hindi naman kaagad nakasagot si Scale dahil sa sinabi ni Red kasi tama naman sya.
"Fine, hindi naman maiiwasan yung mga misfortunes, hindi ka rin naman safe here sa Italy. Kahit saan naman hindi ka safe eh pero masaya ka ba dito? Ayaw mo ng mga pangakong napapako pero ikaw naman tong nangako na uuwi ka sa Pilipinas pag natapos mo na agenda mo dito, eh ni ticket nga pauwi wala ka eh," pampapranka ni Scale kaya napatahimik si Red.
"Kinokonsensya mo ba ako?" Pagpapranka rin Red sakanya pero nginisihan lang sya ni Scale. "Just saying," sagot ni Scale at nilapag ang tasa na may kape sa desk ni Red. "Here's your coffee," dagdag pa nito at lumabas ng opisina ni Red.
Napabuntong hininga nalang si Red at kinuha ang kape na nilapag ni Scale; iinom na sana sya nang mapansin nya ang maliit na sticky note na nakadikit sa tasa.
"GMorning my Love, your smile is beautiful don't be shy to show it," sabi sa sulat na may initials na KD. Hindi naiwasan ni Red ang ngumiti dahil nakilala nya kaagad kung kanino galing ang letter na yun, at hindi rin nagtagal tumawag sakanya si Karl.
"Hello," Pagsagot ni Red sa tawag.
"Nakita mo na, nabasa mo?" Excited na tanong ni Karl.
"If you're talking about the sticky note. Yes, nabasa ko na," simpleng sagot ni Red at halata sa boses ni Karl na kinikilig ito kaya natawa naman sya.
"Sige sige bye, I love you," sagot ni Karl sa kabilang linya at agad nitong pinatay ang tawag kaya naputol ang sasabihin ni Red. Napailing nalang ang dalaga nagpatuloy sa pagtrabaho.
...
Nakangiti namang ibinaba ni Karl ang cellphone at napahiga ulit sa kama. May kaunting bukas ang pintuan nya kaya kita nya ang isang kwarto sa hindi kalayuan, katapat ng kwarto nya. Simula nang mamatay ang mommy nila hindi na hinahayaan ni Daniel na bukas ang kwartong ito, lagi nalang naka padlock, walang nakakapasok lalo na si Daniel.
Natigil si Karl sa pag gulong gulong nya sa kama nang marinig nya ang maraming susi na nagbabanggaan kaya gumagawa ng ingay na nakapukaw ng atensyon nya. Bahagya syang sumilip sa pinto, husto na para makita nya si Jane na binubuksan ang nakalock na pinto at sumusulyap sa kaliwa't kanan bago pumasok.
Hindi maiwasan ni Karl ang magduda sa kapatid nya dahil sa kinikilos nito. Mas lalo syang nagduda nang makita nya itong lumabas na may hawak na brief case at nakasuot ng maitim na mahabang coat. Nang biglang lumingon sa gawi nya si Jane agad namang isinara ni Karl ang pinto at nagpatuloy si Jane sa paglalakad and made a phone call.
"Wir sollten den Standort wechseln. Jemand hat gesehen, wie ich bin gegangen." He uttered and left.
Lumabas ng kwarto si Karl at sinundan ng tingin si Daniel na nagmamaneho palayo sa kotseng hindi pamilyar sakanya.
"Ano pa ba tinatago ng pamilyang to?" wika ni Karl at kinuha ang susi ng kotse at sinundan si Jane.
Umabot ng isang oras ang byahe at sa maliit na café malapit sa airport ang punta nilang dalawa. Bumaba ng sasakyan si Jane, at pumarada naman sa di kalayuan si Karl para hindi sya mabuking.
Jane entered the café and met up with a stranger, a stranger who look like one of her friend in the university. Karl wondered if he saw the right thing or if he was just mistaken in suspecting his sister.
Pinaandar nya nalang ang kotse at umalis, nang matansya ni Jane na naka alis na ang kuya nya agad syang tumayo at sumakay sa isang limousine kasama ang isang babae at iba pang lalaking nakamaskara. Pagkaalis na pagkaalis ng sasakyan ibinaba ng isang binata ang camera na kanina pa nakatutok sa limousine.
"Akala mo maiisahan mo ako, Jane? Ano akala mo saakin, tanga?" Umayos ng pagkakaupo si Karl at inilapag ang camera sa gilid nya saka nagmamaneho pauwi.
-----------------------------------
"Ciao Paolina, ti mancano i miei investimenti sulla tua attività"
(Hi Paolina, you miss my investments in your business?)
Paolina turned to the speaker and saw Yezh's face smiling at her as if he was teasing her. He's even holding a microphone.
"What are you doing here? Lumabas ka sa opisina ko," pilit na pananaboy ni Paolina. Imbes na lumabas ay kumportableng umupo sa harapan ni Paolina si Yezh at isinara ang laptop ng ginang.
"Are you really going to make me leave, while I have the most intriguing gossip about Red?" Tanong ni Yezh at nginusuan si Paolina na may kasamang pang aasar.
Agad namang naguluhan si Paolina, hindi nya malaman laman kung maniniwala ba sya o hindi dahil it's either gusto lang siraan ni Yezh ang dalaga o sadyang totoo ang sinasabi nya dahil matagal narin naman silang magkakilala. So, Paolina made a decision that she wishes she would never regret.
...
Paolina followed what Yezh said. She go to the hidden cemetery of their family, he also told her to hurry and she might not be able to catch the person she wanted to catch there. Hindi muna sya lumapit doon para makakuha ng ebidensya kung sakaling may mahuli o makita man sya
She saw a familiar car at sa di kalayuan, she saw familiar faces who she wishes she didn't see. Nang maka alis sila agad syang lumapit sa puntod ng anak at pamilya, nakakita sya ng tatlong kandilang bagong sindi at dalawang basket ng bulaklak
"Cosa ci fai qui, come facevi a conoscere questo posto?"
(What are you doing here, how did you know this place?)
Tanong ni Paolina sa sarili at umuwing may pagtataka at pagdududa sa anak anakan. Tumingin si Paolina sa mga puntod na nasa harapan nya at doon nakaukit ang pangalan ni Rachelle at Pablo Mala Del Brenta.
...
Naabutan ni Paolina si Red kasama si Diamante sa garden na pinipintahan ng portrait si Susana.
"Paolina, come and take a look and tell me if it's alright or if these two are just tripping me up," saad ni Susana dahil hindi na nya kaya ang pagdududa sa tawa ni Diamante at Red habang pinipinta sya.
"Questo è tradire la nonna," maktol ni Diamante.
(That's cheating grandma)
Napakamot naman ng ulo si Susana kaya napatawa ang dalawang dalaga. "Look how I can believe that you're not tripping me up, you're laughing," pampapranka ni Susana kaya pinilit naman ng dalawa na huminto sa pagtawa at nag-sikuhan.
"Red, Let's talk," seryosong saad ni Paolina.
"Alright, I'll just finish this, the portrait will be finished soon," natatawang saad ni Red at nagpatuloy sa pagpipinta.
"Lakihan mo yung ilong tas liitan mo ng leeg," saad ni Diamante at sinunod naman ito si Red kaya sabay silang napatawa.
Napabuntong hininga si Paolina. "What are you doing in the MDB cemetery?" tanong ni Paolina sakanya kaya napakunot naman ang noo ni Red.
"What do you mean, Pao? We were together all day, and we came home together. I waited for her in her office; it was impossible that she was there. Another thing is that she doesn't know where it is," depensa ni Susana.
"Non ti sto chiedendo, mamma, di smetterla di difenderla." Ma-awtoridad na utos ni Paolina kahit nanay nya ang kasuap nya.
(I'm not asking you, mom, stop defending her.)
"Now speak, defend yourself!" Wika ni Paolina at hinawakan ng mahigpit sa braso si Red. "What were you doing there, and why do you know that place? Who are you?!" Dagdag pa ni Paolina, nanlilisik ang mata habang pahigpit ng pahigpit ang hawak nya sa braso ni Red.
"Mamma, it hurts. Please let me go." Red said in tears.
"You will really get hurt if you don't tell the truth. Now tell me, who are you!" Pagbabanta ni Paolina at mas hinigpitan pa ang hawak sa braso ni Paolina.
"Paolina!" Sigaw ni Susana habang pilit nilang hinihiwalay si Paolina kay Red.
"Who the fuck are you?!" Nangangalit na sabi ni Paolina.
"I'm Red! Red Camorra! I'm Riri, mamma. Please let me go," sagot ni Red sa kanya at tuluyan nang napahagulgol. Napatingin si Paolina sa mga mata ni Red, nakita nya ang baeat mabibigat na luhang pumapatak sa pisngi ni Red kaya agad syang napabitiw sa braso nito at hinawakan sa magkabilang pisngi ang dalaga pilit pinupunasan ang mga rumaragasang luha mapawi lang ang nararamdaman nyang kosensya.
"Forgive me if I'm not Adona, forgive me if I tried to be her, sorry if I imitated her, I'm just trying to please you, I just want you to like me like Adona and Diamante" wika ni Red habang umiiyak. "I am not like Adona, who is your biological daughter. I am not Diamante, whom you legally adopted. I am just Red, the girl you offered to help, the child you sent to a private school here in Italy, and the child you promised to provide medical treatment for. This is just me, trying to be someone you will like because no one has ever treated me the way you did in the first few weeks after I arrived in your life." Dagdag pa ni Red at medyo nahihirapan nang huminga.
Pinupunasan ni Paolina ang luha ni Red at may sasabihin sana sa dalaga pero inilayo ni Susana at Diamante sakanya si Red. Naiwan mag isa sa garden si Paolina feeling guilty and upset.
"Hush now, you might have an asthma attack" saad ni Susan at hinahagod ang likod ni Red habang papasok sila ng bahay.
"I'm fine. I am" sagot ni Red habang pinupunasan ang sariling luha.
"Don't think about what happened okay?" Habilin ni Diamante at tumango si Red.
"Don't pay attention to what happened earlier, it's Adona's death anniversary that's why she's not in a mood" paliwanag ni Susana at tango lang ang sagot ni Red sa mga sinasabi ng dalawa.
"Also, don't force yourself to be something you're not just to make other people happy. Be yourself, ignore them. Do you understand me?" Dagdag pa ni Susana at tumango tango naman si Red.
"What if she gets angry, what if they get angry?" Tanong ni Red at tumingin kay Susana.
"I just said it, you're not listening, don't pay attention to them just be yourself. And when they get angry, we're here. I'm here, I'll protect you" saad ni Susana at napaiwas naman si Red. Niyakap ni Susana ng mahigpit si Red hanggang sa kumalma ito.
-----------------------------------
Napatingin si Blue sa wall clock nya at its already 10:14 PM at hindi parin sya makatulog. She feels uncomfortable at hindi mawala sa isipan nya si Red, hindi rin nya alam kung tatawag ba sya o hindi dahil baka busy ito kaya ibinaba nya nalang ang cellphone but she feels uneasy kaya sinubukan nya paring tumawag pero walang sumasagot naka ilang tawag na sya wala paring sumasagot kaya tinigilan nya ang pagtawag at naghanap ng kumportableng pwesto sa kama.
Nang hindi parin sya makatulog kinuha nya ang isang unan, lumabas at pumunta sa kwarto ni Red para doon natulog.
...
Kumatok naman si Severo sa kwarto ni Blue pero walang sumagot kaya madahan nyang binuksan para tingnan kung nasa loob ba si Blue pero walang tao. Mabilis nya namang nakuha kung nasaan ang dalaga kaya nag iwan nalang sya ng sulat sa desk nito na magpapaalam muna sya bago sila umalis para sa trabaho dahil pupunta muna sya sa baybayin kung saan sila nagdedate ni Desa saka sya lumabas ng kwarto.
...
Pagkadating ni Severo sa dalampasigan may naaninag syang babaeng nakaharap sa tubig, agad nya naman agad nakilala ang babae kahit nakatalikod ito. Nagdahan dahan sya at niyakap palikod ang babae, mabuti na lamang at hindi sya nasaktan nito.
"Namiss mo kaagad ako" tukso ni Severo sa dalaga.
"Bakit ka ba nanggugulat? Muntik na kitang masiko sa tagiliran" naha-high blood na saad ni Desa.
"Ayos lang at least nayakap kita" pilyong sagot ni Severo. Humarap naman si Desa sa kanya habang nakayakap padin sya dito.
"Hindi mo naman sinabing uuwi ka pala" dagdag pa ni Severo kaya kinurot naman ni Desa ang magkabilang pisngi nya.
"Eh kasi babalik din naman ako ng Italy may iniutos lang sakit si Ms. Red na gawin sa kumpanya" sagot ni Desa na ikinalungkot ni Severo kaya natawa sya at hinawakan ang magkabilang pisngi nito at iniharap sakanya ang binata.
"Biro lang. Pinauna na ako dito ni Red kasi yun nga may pinaayos sya saakin tapos hindi ako babalik sa Italy. Suprise dapat na nandito ako, bakit ka kasi pumunta dito" pagpapaliwanag at pagmamaktol ni Desa.
"Sige, ulitin natin kunyari isusorpresa mo ako" sagot ni Severo at nag kunwaring bagong dating.
Natawa naman si Desa at nag go with the flow nalang din. Ginulat nya si Severo kaya nagkunwari ding nagulat ang binata at sabay silang natawa.
—♡—
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top