47
"He was there, when you kissed, Karl. You kissed him because he was there, you saw him didn't you," seryosong tanong ni Scale.
Hindi agad nakasagot si Red sa mga binintang ni Scale; umiwas nalang sya sa mga tingin ni Scale na nakakalunod.
"Hindi ka makasagot, tama nga ako. Hinalikan mo si Karl dahil kay Giovanni," wika ni Scale.
"Hindi ganun yun," tried to explain ni Red.
"Then what?" Prangkang tanong ni Scale. Tumahimik ang paligid matapos ang sagutan nila na parang naging rap battle.
"I kissed him because I love him," tanging sagot ni Red.
"You kissed Karl because you want Giovanni to feel your anger, you want him to be jealous. Why are you so selfish," wika ni Scale kaya napatayo si Red.
"You listen here, lady. You are exaggerating," naiinis nang si Red.
"Oh really? Why isn't it true? you slept with countless men and left them without a word isn't that called selfish? You only think about yourself, you use them to make you happy, isn't that selfish?" wika ni Scale kaya bigla syang nasampal ni Red; matagal tagal din ang sagutan nila nang lapitan sila ni Desa at Sorpia para pumagitna sakanila.
"You take that back. I never slept with anyone. Alam mo yan!" Galit na saad ni Red at nanatili lang na nakatagilid ang ulo ni Scale.
"Tigilan nyo na yan," awat ni Sorpia. Pilit silang pinapakalma ni Desa at Sorpia pero patuloy padin ang dalawa sa pag-aaway.
"Don't make up some story to make me look bad," Red.
"Why isn't it true? Giovanni loves you. You said you loved him, Gio relied on you but you made him a fool, you deceived him. You left him... You disappeared like a bubble. He did everything for you but you wasted it," panunumbat ni Scale.
"Ako pa talaga yung nawala na parang bula?! Wow! Bakit sino ba yung nang iwan saakin mag isa sa park, I tried to call him many times but he kept on dismissing my calls, I waited for him but he never showed up. I was left there alone. He left... He left without saying a word," sumbat din ni Red.
"Sinabing tumigil na kayo eh, tayo na nga lang ang magkakasama, tapos magsisiraan pa kayo ngayon," hindi makapaniwalang sambit ni Desa.
Nagkasukatan ng tingin ang dalawa at pumiglas si Red sa pagkakahawak ni Sorpia sakanya at pumasok sa kwarto nya; sinundan lang nila ng tingin si Red at lumipat naman ang titig ng dalawa kay Scale.
"Bakit mo ginawa yun," tanong ni Desa kay Scale.
"Para matigil na sya masyado na syang playgirl. Mas mabuting matauhan sya," malamig na tugon Scale.
"Saan naman galing yung, slept with countless men? Yung alam ko lang is she flirted with countless men," hindi makapaniwalang tanong ni Sorpia.
"Yes, she never slept with anyone, hanggang flirt lang sya pero hindi parin maganda yun. Her behavior is completely unacceptable. I will not tolerate it any longer," galit na sabi ni Scale kaya napailing iling nalang si Desa at Sorpia.
-----------------------------------
Napaupo si Red sa kama nya at hindi mawala sa isipan ang sinabi ni Scale sakanya.
"Your actions have consequences. Kissing Karl may have made Gio jealous, but it was a selfish act. Putting your desires above the feelings of others is not fair or just. Consider how your actions impact those around you before making a choice that could hurt them."
Hindi nya napigilan ang pagtulo ng luha habang inaalala lahat ng mga ginawa nya.
...
"Hoy bangus!"
Sinampal nya si Karl dahil gigil na gigil na sya rito at dahil narin sa di nya nasampal ang binata bago sya umalis
Magsasalita na sana si Karl nang biglang halikan ni Red ang binata
Habang sa hindi masyado kalayuan natigilan si Gio at nalaglag ang bulaklak na hawak hawak nya nang makita ang ginawa ni Red
Kitang kita ni Red ang reaksyon nito nang makita nya ang luhang tumutulo sa pisngi ni Giovanni; hindi nya man aminin pero nakaramdam sya ng konting kirot sa puso nya, seeing her lover cry because of her doings hurts her fragile heart.
...
"So you are only using Karl to hurt Giovanni... Selfish"
...
Regretted all the stupid things she did. Lahat ng flirt na ginawa nya at pagwawasak ng puso ng mga lalake dahil lang sa dalawang lalake na tumatak sa isipan nyang masasama
...
"Ano to? Pagkain ng aso?!" sigaw ni Hernan habang nasa hapag kainan sila.
Nagulat ang dalawang bata nang hampasin ng tatay nila ang lamesa
"Blue, anak umakyat muna kayo ng kapatid mo dadalhan ko kayo ng pagkain sa taas. Dun lang kayo ha wag baba," utos sakanila ni Ella kaya hinawakan ni Blue ang kapatid sa kamay at umakyat sila.
"Ipagluluto nalang ulit kita," wika ni Ella. Kukunin na sana nya ang plato ni Hernan nang hawakan sya ng lalake sa braso at sinakal.
"Papatayin mo ba ako ha?!" galit na tanong ni Hernan kaya napailing iling naman si Ella habang nahihirapang huminga.
Nakasilip naman si Red sa gilid ng hagdan kung saan kitang kita ang pananakit ni Hernan sa nanay nila, agad naman syang madahang hinila ng ate nya paakyat.
"Ate si nanay," wika ni Red na nakaupo sa kama.
"Dito lang daw tayo. Matulog na muna tayo gigisingin lang tayo ni nanay," sagot naman ni Blue habang inaabot sa kapatid ang manika nya at pinunasan ang luha nito.
"Pero hindi nice yung matutulog ka na gutom," wika ni Red.
"Sandali lang," kumuha si Blue sa bag nya ng chocolate na naiwan sa baon nya at hinati nya para sa kanilang dalawa. Tuwang tuwa naman si Red habang kumakain ng tsokolate.
...
"Red! Red! Where the fuck are you?!" sigaw ni Yezh sa paligid kaya agad namang lumapit si Red sakanya.
Hindi pa nakakasagot ang dalaga sinampal nya na ito ng kabilaan dahilan para mapaupo sya sa sahig at dumugo ang labi nito
"Ano nanaman ba?" Naiiyak na wika ni Red.
"Ano nanaman? Ano?!" Sigaw sakanya ni Yezh. He squeezes her checks at pinaharap sakanya ang dalaga.
"I told you not to talk with any man still nakikipag usap ka parin!" Galit na saad ni Yezh.
"They were employees! Malamang makikipag usap ako sakanila!" pagpiglas ni Red.
"Talagang sumasagot ka na sakin ha!" sinakal nya si Red kaya napahiga ang dalaga at nauntog sa sahig. Patuloy sa pagpiglas si Red at patuloy rin sa pag sakal si Yezh.
...
Pinahid niya ang mga luha na tumutulo sa pisngi niya at humiga sa kama nang tumunog ulit ang cellphone niya. Napatingin siya sa pangalan ng tumatawag. Nang makita niyang si Ella ang tumatawag, agad niya itong sinagot.
"Hello, Nay?" sagot niya sa tawag.
Walang sumagot sa kabilang linya kaya nagtaka siya. Papatayin na sana niya ang tawag nang may tumawag sa pangalan niya sa kabilang linya.
"Red, sorry kung ginamit ko ang cellphone ni Nanay Ella para makatawag sa'yo. Alam kong papatayin mo kasi ang tawag kung number ko mismo ang gagamitin ko," boses ni Gio ang narinig niya sa kabilang linya, kaya natigilan siya.
"Red? Nakakaabala ba ako?" tanong ulit ni Gio nang hindi na sumagot si Red.
"No, no, hindi naman," simpleng sagot ni Red.
"One question. Please, wala nang kasinungalingan. Tatanggapin ko kung ano man ang desisyon mo," saad ni Gio.
Tahimik na nakikinig si Red sa kabilang linya, kaya napabuntong-hininga si Giovanni.
"Do you love him?"
"Who?"
"Him. Karl."
Hindi agad sumagot si Red sa tanong ng binata dahil sa bilis ng pangyayari.
"I want you to be honest. Hindi lang sa akin kundi sa sarili mo rin," paghihikayat ni Giovanni. May sasabihin pa sana si Red nang biglang magsalita ulit, "Yes." Biglang natahimik. Stunned si Gio sa biglang sagot niya.
"Gio? Still there?" tanong ni Red.
"Yeah. Mabuti naman at nalinawan ka na, happy for both of you," basag na boses ni Gio.
"Umiiyak ka ba?" tanong ni Red, na guilty.
"Yeah. Dadaan din ito, mawawala din, don't worry. I'll be fine, pero pag sinaktan ka niya, sabihan mo ako ha. Lagot sa akin 'yun," natatawang sabi ni Gio.
"OA mo naman," sagot ni Red, bahagyang natawa.
Ang kaninang katahimikan ay napuno ng tawanan. Medyo matagal-tagal din ang usapan ng dalawa, at karamihan sa napag-usapan nila ay tungkol kay Karl.
"Sige na, bye na kasi baka naiistorbo na kita. 5:00 AM na kasi dito; ako kakagising ko lang, ikaw patulog palang. Sweet dreams, baka mamaya mapanaginipan mong naiju-jumbo hotdog si Karl sa harap mo," biro ni Giovanni.
"Loko loko! Bye na," paalam ni Red, kaya natawa si Gio sa kabilang linya, at si Red na mismo ang pumatay ng tawag.
Humigang nakangiti si Red; para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan at nakahinga nang maluwag. Ang tanging sakit sa ulo niya nalang ay si Yezh. Unti-unti na ring hinihila siya ng antok, kaya inayos niya ang higa at ipinikit ang mga mata.
Pagkapikit niya, agad siyang napamulat dahil sa di-inaasahang pangyayari.
"Hanggang sa pagpikit, ba't ikaw pa rin ang nakikita ko? Nakakaloka ka, Karl," wika ni Red, kaya nagpatugtog na lang siya at sumabay sa pagkanta.
"Hmm hmm hmm. Mahal kong tala, nagniningning kasabay ng buwan, kay gandang titigan... La la la... La la la la lala..." pagsabay niya sa lullaby ng isang lalake, hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.
~Tulog na, aking tala
Huwag kang matakot sa dilim
Ako'y nandito lang
Magbabantay sa iyo
At bukas pag gising mo
Nasa tabi mo ako
Tulog na, tala ko
Ako ang magbabantay sa iyo
Huwag ka nang mangaba
Hindi ako aalis sa tabi mo
Bukas pag gising mo
Kasama mo parin ako~
-----------------------------------
"Good morning nanay," lumapit si Blue sa nanay nya at bumeso. "Ang aga mo po yata ngayon nagising," dagdag pa nito.
"Maaga naman talaga akong nagigising," wika ni Ella habang busy sa paghahanda ng pagkain.
"I mean, this early, 6 something AM ngayon. Yung gising mo kasi around 7 eh," paliwanag ni Blue.
"Sabi ko kasi kay Riri nung nakaraan igagawa ko sya ng kimbap eh nakalimutan ko kaya ngayon ko ginawa at nakalimutan ko din umalis na pala sya kahapon," malungkot na saad ni Ella. Natahimik naman si Blue at nakatingin lang kay Ella.
"Bakit? Makatingin ka naman para akong kaawa awa. Teka yun yung iniisip mo noh?" wika ni Ella at hindi naman sya agad nasagot ng panganay nya. "Loko loko ka talaga. Miss ko lang yung kapatid mo. Tawagan ko kaya sya noh," alok naman ni Ella at napakamot ng ulo si Blue.
"Nay hindi ka po masasagot nun 6:45 ng umaga na dito doon 11:45 PM palang ng kahapon. Mag-uumaga palang sakanila," sagot ni Blue.
"Oo nga noh. Sige mamaya nalang," sagot ni Ella. "Mga ano siguro, mga 1:00 PM siguradong gising na yun pati diwa nya. But sa ngayon hustisyahan natin itong kimbap. Kain na at baka mamaya dumating na yung isang lalaking baliw sa bunso mo," dagdag pa ni Blue.
"Grabe ka naman kay Karl. Nagmamahal lang naman yung tao," depensa ni Ella.
"See, nakilala kaagad," hirit pa ni Ella kaya natawa at napailing nalang si Ella at madahang pinisil ang pisngi ng panganay nya.
"Kumain ka na dyan kukuha lang ako ng juice," wika ni Ella at tinungo ang kusina. Napalingon naman silang dalawa sa pumasok.
"Hello... Magandang umaga," masiglang bati ni Karl.
"Yan na nga ba ang sinasabi ko nakaamoy nanaman sya ng pagkain kaya nandito," biro ni Blue.
"Blue, my friend ang harsh mo saakin," nakangusong tugon ni Karl.
"Eh, wala ka bang pagkain sa condo mo? Di porket malapit lang dito yung condo mo dito ka na mag-aalmusal," depensa pa ni Blue.
"Momshie oh, ang harsh ng panganay na crayon. Kasalanan ko bang masarap magluto si momshie," nakangusong tugon ni Karl.
"Ang sabihin mo nagpapalakas ka kay nanay," direktang sagot ni Blue. Napangisi naman si Karl dahil sa naisip nyang kalokohan nang makita nyang pabalik na ng lamesa si Ella.
"Nay oh, hindi raw masarap luto mo," tukso ni Karl kay Blue.
"Wala akong sinasabing ganyan ang akin lang halatang nagpapalakas ka kay nanay kasi sinagot ka na ni Red," depensa naman ni Blue.
"Sinagot nya na ba ako?" nagtatakang sagot ni Karl kaya nabatukan sya ni Blue.
"Ano tawag mo dun sa paghalik nya sayo, joke joke?" sagot sakanya ni Blue kaya namula at kinilig naman ang binata sa sinabi ni Blue.
"Oh sya, tama na yan. Kumain na kayo, sila Severo nasan?" Tanong pa ni Ella habang nagsasalin ng juice sa baso.
"Nasa garahe po, inayos lang po nila yung gulong ng kotse," paliwanag ni Blue.
"Bakit inuna pa nila yun. Mag-aalmusal na," wika ni Ella kaya inutusan nya ang isang maid na tawagin sila Severo para mag-almusal.
Maya maya dumating si Severo kasama si Giovanni; ang kaninang tawang tawa at maingay na Karl biglang natahimik at umayos ng upo pagdating ni Gio.
"Wala pala to eh. Tiklop," tukso ni Blue.
"Ikaw talaga, tigilan mo na si Karl... Kumain ka na dyan, kayong dalawa kain na," sermon ni Ella sakanya. Napalingon naman si Blue kay Karl at nakita itong ngumisi at tiningnan sya na parang nang aasar.
"Nay oh! Inaasar ako," nakangusong sumbong ni Blue.
"Hindi noh... Masyado kang delulu," pangangatwiran ni Karl kaya napairap nalang si Blue.
"Karl congrats," bati ni Gio.
"Congrats daw," wika ni Blue habang sinisiko si Karl.
"Wala naman akong sinalihang contest," pilyong sagot ni Karl.
"Wala naman daw contest," pag-uulit ni Blue sa mga sinasabi nila.
"Meron, contest sa puso ni Red," biro pa ni Gio.
"Contest daw sa– Meron pala? Di ako nainform ha sana nakasali ako," biro rin ni Blue.
Natapos ang mahabang palitan ng mga salita at tumahimik ulit ang paligid.
"Teka sandali ha. Settle muna natin to, Gio nakausap mo na ba si Red," tanong ni Ella at tumango si Giovanni. "Yes po, kanina lang," sagot ni Gio.
"Kanina lang daw, ano na?" bulong ni Blue ka Karl kaya nakurot sya sa tagiliran ng nanay nya dahilan para mapangiwi sya.
"Wag mo nang gatungam," wika ni Ella; hinimas nalang ni Blue at tagiliran nyang kinurot ni Ella.
"Oh ano? Masakit diba, yan kasi para kang demonyong bumubulong sa gilid ko," tukso ni Karl.
"Che!" inirapan ni Blue si Karl at humarap kay Giovanni. "Ano sabi mo or nya?" dagdag pa ni Blue at excited sa sagot ni Gio.
"I asked her kung sino ba talaga and she chooses... You," wika ni Gio sabay tingin kay Karl. "She loves you. Sana wag mo syang saktan," dagdag pa ni Gio.
"Bakit ko naman sya sasaktan. Hindi ako katulad ng ibang lalaki dyan, manliligaw tapos pag nahulog na yung babae. Mawawala nalang bigla," pagpapatama ni Karl kaya nakatunog si Giovanni.
"May pinapatamaan ka ba?" Nagtatakang tanong ni Gio.
"Ewan ko. Tanungin nga natin si Severo..." wika ni Karl at sabay silang napalingon kay Severo na kumakain. Nang maramdaman si Severo na may nakatingin sakanya kaya nilingon nya ang dalawa.
"What? Gutom na ako. Kayo kumain na kayo dyan," sagot ni Severo habang puno ang bibig.
"Kamusta si Savanah," tanong ni Karl.
"Ewan ko dun, Ok siguro? Bagong kasal yun baka masaya," sagot ni Severo habang kumakain.
Binalik naman ni Karl ang titig kay Giovanni at nagsukatan sila ng tingin.
"Hindi nya iniwan si Savanah para lang saktan sya... He had other reason," pagtatanggol ni Gio sa kaibigan.
"Ayan nanaman yung katwiran na yan, hindi na mamatay matay," hindi makapaniwalang si Karl.
"Tigilan nyo na yan... Nasa harap tayo ng pagkain," pagpapatigil ni Ella sakanila kaya natahimik naman ang dalawa at umayos ng upo.
-------------------------------------
In Italy, Red started her day staring at the bathroom walls while drowning in her thoughts sitting on the bathroom floor.
Iwasan man o hindi, babalik at babalik ang dating Red. Tahimik, takot, mahina, tulala, laging nasa dilim nagtatago.
Natauhan lang sya nang biglang tumunog ang cellphone nya na nasa kama naging dahilan para lumabas sya ng banyo nang tingnan nya kung sino ang tumawag ay nakita nya ang pangalang Mr. D.
Hinayaan nya nalang na mag ring ang cellphone. Tanging tingin lang ang ginawa nya, hinayaan na kusang mamatay sang tawag. Wala sya sa mood para mag umpisang mag trabaho ngayon wala syang gana gumalaw buong araw pero wala syang choice kundi sumunod sa schedule na sya din naman ang may gawa.
Umupo sya sa sahig sa gilid ng kama, sinusulit ang tahimik at kalmadong oras na meron sya dahil alam nya mamaya ay magiging magulo at sakit sa ulo nanaman ang madadatnan nya sa opisina.
Napalingon sya sa gilid ng kama nang may maaninag syang isang notebook; pagbukas na pagbukas nya ng notebook muka agad ni Karl ang tumambad sakanya, isang hindi natapos na portrait.
She just stared at the sketch for a few hours and without realizing it she was smiling because she saw Karl's face, there is no doubt that she loves Karl.
She reached for her phone and dialed Karl's number but suddenly her phone rang and Karl's name appeared calling her. Hindi naman kaagad sya nakapag-react kaagad dahil sa bilis ng pangyayari at hindi rin sumagi sa isip nya ang pagtawag mismo ng binata sakanya.
...
"Hello?" She answered the call even though she was not sure of her decision.
"Hi, nagising ba kita?" Tanong ni Karl mula sa kabilang linya.
"No. Hindi naman, kanina pa ako gising," sagot ni Red.
"Oh ok. Getting ready for work?" Nahihiyang tanong ni Karl.
"Nope. Hindi rin," nahihiyang sagot din ni Red.
"Oh." Tanging sagot ni Karl mula sa kabilang linya at tumahimik silang dalawa ng ilang segundo.
"I have something to tell you," sabay nilang bigkas.
"Mauna ka na." They said at the same time so they both laughed.
"Mauna ka na."
"No... Lady's first."
"Baligtad na ngayon."
"Aysus, mauna ka na."
Natahimik ulit ang dalawa.
"I miss you," sabay ulit nilang sabi kaya natawa nanaman silang dalawa. Nakakabaliw ang pag-ibig, may naghihintay, may nagsasakripisyo, nasasaktan, lumiligaya, minsan nakakamatay para lang sa pag-ibig.
"I miss you. Kahit isang araw palang, parang isang buwan na. Tinatanong ni Jane kung may tawagan daw ba tayo?" Wika ni Karl mula sa kabilang linya.
"Si Jane nga ba talaga o ikaw?" Pabirong tanong ni Red at rinig nya ang pagka nerbyos ni Karl.
"Si Jane nagtanong nun promise. Ayaw akong tigilan sa panunukso eh," pagsusumbong ni Karl sakanya.
"Ano ba gusto mo? Honeybunchigbunjingchingching?" Biro ni Red at sabay silang natawa.
"Saan mo nanaman nahukay yang words na yan mukang mahaba pa yan sa longest words ah," saad ni Karl at sinusubukang sabayan ang kalokohan ni Red.
"Edi history, char, seryoso na to. Love, yun nalang kasi yun naman talaga tawag ko sayo eh," saad ni Red.
"Oo nga naman. Akala ko nga bangus na tawag mo sakin forever," biro ni Karl at tymawa ng bahagya. "Pwede rin, bangus lover," hirit pa ni Red.
Natawa si Red nang marinig ang pagbuntong hininga ni Karl sa kabilang linya.
"Sige na, mamaya nalang. Kailangan ko nang patayin to, mag-aayos pa ako," sabi ni Red.
"Sige... Bye love ko, yieeeeee! Kinikilig ako," huling wika ni Karl bago nya patayin ang tawag kaya natawa at nailing nalang si Red sa inasal nito.
Hindi nya maiwasang mapangiti habang gumagayak dahil hindi mawala sa isip nya ang mga sinabi ni Karl sakanya kanina, hanggang pagbaba sa hangdan nakangiti lang sya.
"Good morning, mukang maganda ang kalangitan sa ulo mo now," bahagyang tukso ni Sorpia.
"Hindi ganun kaganda gising ko. May nagpaganda lang," nakangiting sagot ni Red sakanya. "Nasan si Desa..." Tanong pa ni Red.
"Nasa labas kausap baby nya, si Scale hindi mo hahanapin?" Tanong ni Sorpia.
Natigilan naman si Red sa biglaang bagsak ni Sorpia ng tanong nya kaya natahimik sya at napaisip.
—♡—
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top