44

Madahan namang tinapik ni Ella ang balikat ni Red para magising ito dahil medyo matagal-tagal na rin syang nakayuko.

"Tulog ka na dyan, pumasok ka na muna kayo, matulog ka na," alalang sabi ni Ella dahil alam nyang puyat si Red. Tinapos nito ang trabaho nya kagabi at kaninang umaga ay hindi sya nakatulog dahil nag-ayos din sila para sa event kaya ganun nalang ang antok nya.

"Ayos lang po, nakaidlip naman na po ako dito," natatawang sagot ni Red, kaya natawa rin si Ella.

"Basta kung hindi mo na kaya yung antok, umakyat ka na at matulog ha," kundisyon ni Ella, kaya tumango si Red at ngumiti. Nilapitan sila ng mga amiga ni Ella at nakipagchikahan.

"Amiga, eto na ba ang bunso mo?" Tanong ng kaibigan ni Ella, kaya tumayo si Red at bumati.

"Hello po," bati ni Red sa amiga ni Ella.

"Oo, ganda noh, mukang matangkad pa nga sakin kahit may heels ako eh," biro ni Ella, at nagtawanan sila saka nagpatuloy sa pagchichikahan.

Sa malayo, hindi matanggal ang tingin ni Red kila Sorpia at Karl habang masayang nag-uusap, tingin na nakakasakit ng damdamin. Tinabihan ni Ella ang bunso nya nang magpaalam muna ang amiga nya. "Selos ka?" tanong nya, kaya napalingon sakanya si Red at umiling-iling.

"No. Hindi po, bakit naman po ako magseselos. Magkaibigan lang po si Karl at Sorpia," pangangatwiran naman ni Red. Nilingon naman sya ni Ella at dahan-dahang napangiti, kaya nagtaka naman ang dalaga.

"Ang creepy mo naman nay, bakit ganyan ka makangiti?" tanong ni Red sa nanay.

"Eh hindi naman si Karl at Sorpia ang sinasabi kong pinagseselosan mo eh, si Blue at Hailey yung tinutukoy ko. So, nagseselos ka nga, pinagseselosan mo si Sorpia?" Pagprangka ni Ella sa bunso nya.

"What?! No! Hindi, never. Hindi ako nagseselos. Hinding-hindi ako magseselos. Bakit naman ako magseselos, that's childish," depensa ni Red.

"Hindi raw pero defensive," sagot ni Ella, kaya napaiwas naman si Red nang tingnan sya sa mata ng nanay nya.

"I'm not being defensive, ganito lang talaga ako, hindi mo lang ako kilala, pinamigay mo po ako eh," mahinang tumawa si Red at nagpaalam na magbibihis na, kaya naiwan si Ella sa isang gilid.

Napabuntong hininga nalang si Ella, hindi namalayan ang luhang tumulo sa pisngi nya.

...

"I want her," sabi ng isang babaeng sosyaledang habang nakaturo sa larawan ni Red.

"Pasensya na, pero kahit anong sabihin o ibigay mo, hinding hindi ko ibibigay sayo kahit sino sa mga anak ko," wika ni Ella, at binulong naman ng kasamang tagasalin ng babae ang lahat ng sinabi ni Ella.

"She told me sa ayaw at gusto mo kukunin nya ang isa sa mga anak mo, 'yun ang sinabi sakanya ni Hernan bago sya mamatay," sabi ng tagasalin kay Ella.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Ella dahil sa nalaman. "Bakit naman nya gagawin 'yun... Wala syang sinabi saakin," naguguluhan si Ella.

"Dadalhin ko sya sa magandang ospital at ipapagamot ko sya... Gaganda ang buhay nya saakin, ayaw mo ba 'yun?" wika ng sosyaledang babae.

...

"Anak, Riri, bakit hindi ka pa nagbibihis, nasa baba na si Paolina," malumanay na tanong ni Ella.

"Nay, diba sabi ko sayo ayoko. Huwag mo po akong ibigay sakanya, please, ayoko nay, dito lang po ako," naiiyak na pagmamakaawa ni Red.

"Ipapagamot ka nya, magagawa mo na lahat, lalo na yung ballet, diba gusto mo maging ballerina? At gigihawa buhay mo sakanya," pagkumbinsi ni Ella sa anak.

Napatitig naman si Red sa mga lalagyan ng mga koleksyon nya, kung saan nandun din ang sapatos ng ballet.

"Mag-ayos ka na..." wika ni Ella. Nilingon naman sya ni Red, pero nakalabas na ito ng pinto.


...

"Nay, ok ka lang po? Birthday mo tapos umiiyak ka dyan," tapik ni Blue sa balikat nya.

"Tama sya, hindi ko na nga talaga kilala ang kapatid mo, Ang tagal nyang nawala..." Wika ni Ella at suminghot.

"Sinira nya nanaman yung mood, hays, KJ nga naman, hayaan mo na yun nay. Tahan na, masisira make-up mo," saad ni Blue kay Ella habang pinupunasan ang luha ng nanay nya.

"Wala akong make-up," saad ni Ella habang pumapahid ng mukha.

"Ay wala ba, ang ganda mo po kasi," wika ni Blue at bahagya namang natawa si Ella.

"Sige bolahin mo pa ako, pero hindi ako papayag na mag-inom kayo," wika ni Ella at naunang maglakad.

"Totoo naman po eh, nay naman eh," sumunod si Blue sa likuran nya.

-----------------------------------

Unti-unti nang dumarating ang mga bisita at isa-isa nya ring binabati nang lapitan nya ang kambal na nagce-cellphone lang sa isang tabi abala sa natitirang trabaho.

"Magce-cellphone nalang ba kayo dyan?" tanong ni Ella, kaya napalingon sakanya ang kambal. "Tigilan nyo yan, halika kayo babati tayo sa mga dumalo," dagdag pa ni Ella.

"Wala naman po kaming kilala dyan eh," maktol ni Red nang kunin ng nanay nila ang cellphone nilang dalawa.

"Mga kapitbahay natin yan dati tapos mga kaibigan," katwiran ni Ella, kaya nagkatinginan ang kambal at napakamot sa ulo.

"Kapal naman, parang di ka nila sinabihan ng pok–" naputol ang sasabihin ni Blue nang takpan ni Ella ang bibig nya dahil may lumapit sakanilang bisita.

"Issavella, you look nice, di ka na mukang squatter," wika ng bisitang lumapit sakanila, at nginitian lang sya ni Ella. Tinanggal naman ni Blue ang kamay ng nanay nya.

"Ikaw din po. You look nice pero yung ugali mo pang squ–" naputol ulit ang sasabihin ni Blue nang takpan ulit ni Ella ang bibig nya at pilit nalang na ngumiti sa harap ng bisita.

"Hindi parin nababago ang kambal mo," wika ng kausap nila. "Ang talas ng dila," dagdag pa nito habang nakatingin kay Blue. Nilingon naman nito si Red at kinurot sa pisngi sabay sabing "Eto na ba ang bunso mo? Yung batang laging tahimik sa isang sulok hanggang ngayon. Pumayat ka yata hija."

Madahang tinanggal ni Red ang pagkakakurot ng ale sa pisngi nya at nginitian. "Ikaw nga po ni minsan hindi ka pumay–" naputol din ang sasabihin ni Red nang takpan din ni Ella ang bibig nito.

"May pinagpapraktisan lang silang tula kaya ganyan. Uhm, Manang, pwedeng paki-assist muna sila, kakausapin ko lang tong dalawa," utos ni Ella, tumango naman ang maid at sinamahan ang bisita sa loob.

Tinanggal ni Ella ang kamay nya sa bibig ng kambal kaya natawa naman ang dalawa. "Kayo pinapahamak nyo ako," sermon ni Ella.

"Deserve nya yun nay, noh. Sya yung may matulis na dila, noh," wika ni Red sabay irap, kaya natawa naman sila at pinisil ni Ella ng madahan ang ilong ni Red.

"Ikaw ang tahimik mo nga pero kapag binuka mo naman yang bibig mo, napakasuplada mo. Kayong dalawa, behave kayo ha, alam kong mga masasamang damo yang mga yan, pero hayaan nyo na, naging kaibigan ko din naman iba dyan," wika ni Ella, kaya natawa naman ang kambal.

"Red... nandun pala yung batang bantot dati na pinangakuan ka ng kasal," pang-aasar ni Blue, kaya sumimangot naman si Red.

"Hoy wag nyo ngang ganyanin, yun ang laki ng pinagbago ng batang yun," wika ni Ella.

"Oo nga... so kelan kasal," tukso ni Blue sa kapatid nya, kaya tinitigan sya ng masakit ni Red.

"Nakikita mo ba tong dalawang daliri ko? Mamaya hindi na kasi nakatusok na to sa mata mo," inis na wika ni Red.

Napailing nalang si Ella sa mga nakikita at nadidinig nya. Hindi na sya nagulat o nataranta dahil mula bata pa ang dalawa, ganyan na talaga sila maglambingan.

-----------------------------------

Panay ang tingin ni Red sa cellphone nya, tinitingnan ang oras at kung tumawag na ba si Giovanni sakanya, pero kahit isang hi wala syang natanggap mula sa binata na mas ikinagalit nya pa.

"Kung ayaw mo edi wag, bakit ba ako nag-aantay. This is not me, hindi ko gawain 'to, hindi ko dapat ginagawa 'to. Hindi porket mahal ko sya ganito na ang ipapakita nya saakin. This is fucked up," inis na wika ni Red sa sarili at hinubad ang bracelet na binigay sakanya ni Gio at tinapon sabay pasok sa loob.

"Nakasimangot ka nanaman, mamaya tawagin ka ulit ng bata dun, ng angry bird, sige ka," Pagtabi sakanya ni Blue habang sya naman ay tinutunga ang isang baso ng wine.

"Di na yata angry birds itatawag sayo, tipsy bird na. Hoy, babaeng pula, kakanta ka pa," saway ni Blue sa kapatid nya.

"Isang baso lang yun, di ganun kababa alcohol tolerance ko para malasing ako sa isang basong wine," katwiran ni Red.

"Bat ka ba kasi nakasimangot. Akala ko ba walang iinom, bakit tinunga mo yun," tanong ni Blue.

"Giovanni. Si Gio, ilang beses na akong nagte-text sakanya pero wala. Dedma. Masyado ba akong demanding para sabihin na saakin lang ang most ng time nya? I mean, not literally yung pansinin nya lang ako, hindi yung mag-iisang linggo nya akong iiwasan," nakasimangot na wika ni Red, at natahimik naman si Blue.

Magsasalita na sana si Blue nang may lumapit sakanilang matipuno, matangkad, at gwapong lalaki.

"Ohh lala," wika ni Red, kaya natawa naman si Blue.

"Can I take you to dance?" wika ng lalaki.

"Gora ka na mhie para matanggal yang tililing mo," tinulak sya ni Blue at tinanggap naman nya ang kamay ng lalaki; wala naman sana syang balak tanggapin ang offer ng lalaki, pero tinulak na sya ng kapatid nya palapit sa lalaki, kaya wala na syang choice.

...

"Selos ka noh. Ayan kasi ang bagal bagal mo," wika ni Sorpia kay Karl na halos nakadikit na ang mga tingin kay Red at sa kasayaw nitong lalake.

"Alam mo para kang demonyo dyan, bumubulong sa gilid ko," tukso ni Karl.

"Bakit lagi bang demonyo bumubulong sa gilid mo?" Pabalik na tukso ni Sorpia, kaya napairap si Karl.

"Ewan ko sayo. Dyan ka na nga susunduin ko pa si Daddy sa labas," pagpapaalam ni Karl.

"Wala ba syang mapa ng venue?" Tukso ulit ni Sorpia. "Che!" natawa nalang si Sorpia nang mapikon si Karl at bigla nalang umalis.

...

"Daddy, Jane. Bakit di pa kayo pumasok sa loob?" wika nya habang lumalapit sa dalawa.

"Nahihiya daw sya eh," sagot ni Jane at natatawa.

"Himala nahihiya. Daddy wag naman po si Momshie, baka mamaya hindi na pwedeng maging kami ni Red kasi inunahan mo na ako kay tita," biro ni Karl, kaya muntik nang mabatukan ni Daniel si Jane at Karl.

"Mga loko loko talaga kayo. Syempre mahihiya ako, wala naman kaming masyadong kilala dun, ikaw lang naman yung makapal ang muka sa amin," biro rin ni Daniel, pero wala syang nagawa nang hilahin sya ng dalawa papasok sa loob ng venue na nagtatawanan nang may makita si Daniel na ikinawala ng ngiti nya.

"Akala ko mga tao lang ang nandito, mga hayop din pala," bulong ni Daniel.

"Oo nga po, may kasama rin tayong kabayo," turo ni Jane kay Karl.

"Aray ha. Nakakagigil. Napipikon ako," asar na sagot ni Karl.

"Tumigil na kayo dyan, kailangan ko pa ibigay tong regalo," saad ni Daniel, na akala mo misyon nya ang pagbigay ng regalo.

...

Napalingon naman si Red kay Blue na nagpipigil ng tawa. Red got a little uncomfortable sa kasayaw nya dahil parang uod na inasinan yung umaya sakanya sumayaw.

"Come on, bakit di ka sumasayaw? Aren't you having fun?" tanong sakanya ng kasayaw nya.

"Sino ba mag-eenjoy kung kagaya mo lang din naman ang makakasama ko. Yabang mo," sagot ni Red at aalis na sana sya, nang biglang syang hawakan sa braso ng lalaking kasayaw nya. "Let go, kung ayaw mong magkaroon ka ng issue," dagdag nya pa.

"Go ahead, make a scene, wala akong pakialam," bulong ng lalaking kasayaw nya at hinila sya saka hinaplos ang bewang nya, kaya napapiglas naman sya bigla.

Agad namang dumating si Micheal at Isyddro dahil malapit lang sila sa dalawa. Inilayo ni Micheal si Red at kinuwelyuhan naman ni Isyddro ang lalaki. "Binabalaan kita, wag na wag mong gagawin ulit yun sa pamangkin ko, at baka gusto mong maputulan ng ulo," galit na pambabanta ni Isyddro sa lalaki.

"Easy lang tanda. Yang pamangkin mo ang pagsabihan mo, mapang-akit eh, kung ayaw nya mabastos, wag syang mag-suot ng ganyan," wika ng lalaking bumastos kay Red, at nagulat nalang ang lahat nang bigla nalang itong suntukin ni Micheal, kaya napaupo ang lalaki; babanatan pa sana sya ni Micheal, nang pigilan sya ng tatay nya.

"Isusuot nila ang gusto nilang suotin, wala ka nang pakialam, ang magagawa mo lang ayusin yang bulok mong ugali at subukan mong ipalinis yang utak mo hanggang sa kasuloksulukan, baka sakaling tumalino ka pa!" Galit na sumbat ni Micheal.

Pinunasan naman ng lalaki ang tumulong dugo sa bibig nya at kinuha ang bag at coat saka umalis.

"Tama yan, umalis ka dito! Sa ugali ka na nga lang babawi, hindi mo pa ginalingan!" Sumbat pa ni Micheal, at ikinalma naman sya ni Isyddro at nilapitan nya si Red na maluhaluha at ipinasok muna sa loob.

"Anak, Red? Ayos ka lang ba? Anong ginawa nya sayo?" nag-aalalang tanong ni Isyddro. Nilingon sya ng dalaga at madahang umiling.

"Red, Anong nararamdaman mo?" wika ni Isyddro at nakatingin lang si Red sakanya. "Anak, pwede mo akong sabihan, anong nararamdaman mo... Anong gusto mo? Yakap?" tanong ni Isyddro, at madahan namang tumango si Red, kaya niyakap sya ng ginoo; doon nalang sya napaiyak.

"Nandito na kami... Nandito lang kami, wag kang matakot," wika ni Isyddro habang hinahagod ang likod ng dalaga. Hinawakan nya sa magkabilang pisngi Red at pinunasan ang luha.

"Nandito lang ako, nandito lang tatay Isyddro ha, pangako yan," habilin ni Isyddro.

"Wag po yung pangako, nakakatakot yan," pagtutol ni Red.

"Kapag nangako si tatay Isyddro, wala nang bawian yun," paninigurado ni Micheal sakanya. "Hindi ako kagaya ng tatay nyo. Hindi ko hinihiling na pagkatiwalaan mo ako, pero ang maipapangako ko sayo. Poprotektahan kita, poprotektahan ko kayo," wika ni Isyddro, at nginitian si Red, kaya napangiti rin ang dalaga at yumakap ulit sakanya.

...

"Beshie. Happy birthday," lumapit si Karl kay Blue at bumeso.

"Baliw, hindi ako yung may birthday, si nanay yung may birthday," natatawang saad ni Blue.

"Ay, hindi ba, nasan ba si nanay?" tanong ni Karl.

"Nandyan lang, bumabati sa mga bisita. Uy Tito, Jane, nakarating kayo," excited na bumeso si Blue sakanila.

"Sino yan? Yan ba yung boyfriend mo?" Daniel referring to Lucas.

"Hindi po," wika ni Blue, kaya nabilaukan naman si Lucas. Pinakilala nya ang mga kasama nya sa trabaho.

"You look familiar," wika ni Daniel habang nakatingin kay Lucas.

"Hala ka sir, lagot ka, isauli mo na yung wallet," natatawang pang-aasar nila kay Lucas.

"Baka nakatransaction nyo, sya kasi yung gumagawa ng transactions ng Lyxeeries kaya baka familiar sya," paliwanag ni Blue.

"Lucas Camero, nice meeting you," nilahad ni Lucas ang kamay nya at tiningnan lang ito ni Daniel bago tanggapin.

"Daniel... Daniel Derioso," sagot ni Daniel. Sumikip ng sumikip ang pagkakahawak nila sa kamay ng isa't isa at nag-sukatan sila ng tingin hanggang sa may magsalita sa mic sa taas ng stage.

"Good afternoon ladies and gentlemen, we are here today to celebrate the 18th birthday of Mrs. Issavella Camora," wika ng host kaya bahagya namang natawa ang iba. "Yes! 18 + 40," dagdag pa nito kaya natawa din si Ella.

"Unang-una sa lahat may special performance na magaganap dahil may inihanda ang dalawang magagandang princessa ng birthday girl. Please welcome Ms. Blue and Red Camorra," umakyat sa stage ang dalawa at nagpalakpakan naman ang mga bisita.

"Magandang araw. Una sa lahat pasensya na sa nangyari kanina kung may nasaksihan man kayong away, pasensya na po," wika ni Red at agad ibinihay kay Blue ang mic kaya napalingon naman sakanya ang ate nya na may pagtataka sa mukha.

"Uhm, Ciao. Good day, maybe maraming nakakaalam ng song na ito, so kung alam nyo, pwede kayong makis sing-along," nakangiting saad ni Blue.

Umupo si Blue sa harapan ng piano habang si Red ay nakatayo, may hawak na mic. Inumpisahan ni Blue ang pag-pindot sa piano habang naghahanda namang kumanta si Red.

...

Red:

There I was, an empty piece of a shell
Just minding my own world
Without even knowing what love and life were all about

Then you came
You brought me out of the shell
You gave the world to me
And before I knew
There I was so in love with you

...

Tuwang-tuwa naman si Ella dahil sa tinagal tagal ng pamimilit nila kay Red, ay kumanta na rin sya sa harap ng maraming tao, matapos ang nangyari pagkatalo nya sa unang una at pinakahuling contest na sinalihan nya noon.

...

Red:

You gave me a reason for my being
And I love what I'm feeling
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you

I love the touch of your hair
And when I look in your eyes
I just know, I know I'm onto something good

...

Sinisiko-siko ni Jane si Karl na hindi maiwasang ngumiti habang nakikinig sa malamig na pagkanta ni Red.

...

Red:
And I'm sure, my love for you will endure

Your love will light up my world
And take all my cares away where they can't bother me

Blue:

You gave me a reason for my being
And I love what I'm feeling
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you


Blue and Red:

You taught me how to love
You showed me a tomorrow and today
My love, that's different from the yesterday I knew
You taught me how to love
And darling, I will always cherish you
Today, tomorrow, and forever

Blue:

And I'm sure when evening comes around
I know, we'll be making love like never before
My love, who could ask for more?

Red:

You gave me a reason for my being
And I love what I'm feeling

Blue:

You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you
When I met you


Blue (Red):

You gave me a reason for my being
And I love what I'm feeling (love what I'm feeling)
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you

Blue and Red:

When I met you

...

Nagpalakpakan sila nang matapos ang kanta. Umakyat ng stage si Ella at niyakap ang kambal.


-----------------------------------

Umaayaw na si Red sa dami ng bisitang kinakausap nila habang si Blue ay sige pa at hinihila si Red.

"Blue, ayoko na nga," pagmamaktol ni Red.

"Sige na. Nagagalit ka nga kapag ayoko eh," pangangatwiran ni Blue kaya napasimangot si Red.

"Drain na drain na ako," patuloy na pagrereklamo ni Red kaya tinawag ni Blue si Karl.

"Yes?" Tanong ni Karl nang makalapit sya sa kambal.

"Drain na raw sya, icharge mo nga," wika ni Blue at nakurot naman sya ng kapatid.

"Nakakainis ka," naunang maglakad si Red at paikay-ikang iniwan ang dalawa na nagkatinginan.

"See, full charge na sya sa tingin mo palang," biro ulit ni Blue kaya natawa si Karl.

"Ang bully mo sakanya," kontra naman ni Karl sakanya habang natatawa.

"Kayo tinutulungan na nga kayo, pa galit," katwiran ni Blue.

"Ayokong magustuhan nya ako dahil napilitan lang sya. Gusto ko kapag magustuhan nya ako, pure, walang biro o hindi napilitan," wika naman ni Karl kaya bumuntong hininga si Blue. "Galaw-galaw. Take the chance kasi," naiinis na si Blue.

"Akala ko ba team Gio ka?" Tanong ni Karl at sinusukatan ng tingin si Blue.

"Eh nasasaktan lang sya kay Gio kaya lipat ako," simpleng sagot ni Blue.

"Sinaktan sya ni Gio?!" wika ni Karl at nagulat naman si Blue.

"OA mo, bagay nga kayo. Bahala ka dyan," sagot ni Blue at iniwan nya si Karl at sumunod sa kapatid na nasa iisang sulok nanaman. "Sinasaktan nya ba si Red? Di naman siguro. Pero subukan nya lang talaga," naguguluhang wika ni Karl sa sarili.

—♡—

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top