43
Paolina's phone rang, and when she looked at it, it was an unknown number. She was hesitant to answer it, the call was cut, but after a second, it rang again from the same number.
Paolina had no choice but to answer the phone call because it wouldn't stop calling her. She answers the phone, but all she gets is silence. It stays quiet for a minute, but when she is about to end the call, she hears the voice of an unknown person with sounds like it has a filter to deepen his or her voice.
"Hello dear spare," a deep voice came out from the phone.
"Hello? Who are you and who are you calling a spare?" Paolina answers.
"Come on, stop acting like you don't know what a spare is... Let me give you an example, just like your nieces, also known as 'The Czarina,' isa sa mga pinatay mo. The heir and the spare. The heir Zetian Mala Del Brenta and the spare Zyanya Mala Del Brena; the twins who made you lose the title of being the spare and make your efforts useless in the attempt to kill their father, your brother, the heir, Pablo Mala Del Brenta..." said the person behind the call.
"I killed no one and I did not attempt to kill my brother! You moron!" Paolina shouted to her caller.
"Oh come on, Paolina, I know a lot about you, like a lot, so you better be careful because there are many Lilith ready to hunt you down," The caller answered and laughed silly, then the call went dead.
Paolina was stunned by the interaction with the nameless person. By the tone of its voice, it seemed that it knew a lot about her. She got goosebumps and couldn't help but think what does the person know, what the person has, or who the person is.
-----------------------------------
Matapos nilang mag-ayos ng mga dekorasyon para bukas, naisipan muna nilang maglaro ng spin the bottle.
"Wow, bagong-bago ha," biro ni Sorpia.
"Pagbigyan nyo na minsan lang naman eh, so go na, yung matapatan nung head nung bottle, sya yung magsasabi ng 'what if,' at yung matapatan naman ng bottom, sya yung sasabihan ng 'what if,'" paliwanag ni Scale.
"Head ng bottle, nye nye nye, apaka arte mo naman," pang-aasar ni Sevy sa kapatid, kaya biglang inabot ni Scale ang kuya nya at hinampas sa balikat, dahilan para umaray sya.
"Ang bully mo!" Inis na saad ni Scale.
Pinaikot ni Scale ang bote at tumuro ang ulo ng bote kay Sevy, habang ang ilalim naman nito ay tumuro kay Scale.
"Ohh, meron ako. 'What if inampon ka lang ni Tito at Mama?'" Tanong ni Sevy, kaya napasimangot naman si Scale at binato si Sevy ng tsinelas. "Aray! 'What if' nga diba, bakit napikon ka?" reklamo ni Sevy.
"Tama na yang away, ako na lang magpapaikot," wika ni Blue at pinaikot ang bote at tumapat naman kay Karl ang ulo at kay Red naman ang ilalim ng bote.
"Ayun! Sige, ilabas mo lahat mhie!" wika ni Desa, kaya natawa naman silang lahat.
"'What if ako yung forever mo,'" 'what if' ni Karl na nagpakilig sa kanila.
"Yown! Nasan na yung isa pa, mukhang naging statue na yata," sigaw ni Severo, hinahanap sa paligid si Giovanni.
"Next na, next na," kinuha ni Red ang bote at sya na mismo ang nagpaikot. Nagkatinginan naman ang iba dahil sa pamumula ng pisngi ni Red.
Tumama naman kay Sorpia ang ulo ng bote habang naka'y Scale naman ang ilalim.
"'What if mahal kita kahit may mahal kang iba,'" 'what if' ni Sorpia na nakapagpahiyaw sa kanila na para bang nanalo sila sa lotto.
"'What? 'What if' nga diba... iikot nyo na nga yan,'" naiinis at nahihiyang wika ni Sorpia.
"Bakit nga ba mahal kita kahit na may mahal ka mang iba, ba't baliw na baliw ako sa 'yo, hanggang kailan ako magtitiis. O bakit nga ba mahal kita," pagkanta ni Red, kaya nagtawanan naman sila. Nagpatuloy ang spin the bottle nila hanggang sa unti-unti nang umaayaw ang iba.
"Ah, Scale, pwede ba kitang makausap?" Alok ni Micheal, kaya nilingon sya ni Scale.
"Ano yun?" Tanong ni Scale.
"Ano kasi," natigil si Micheal nang may tumawag kay Scale sinabing pinapatawag sya ni Red.
"Uhm, sandali lang ha, sorry talaga. Baka mapagalitan kasi ako," paalam ni Scale.
"Sige lang, ok lang... Siguro bukas nalang pahinga ka na din, mag-gagabi na rin eh," nahihiyang wika naman ni Micheal. Nginitian naman sya ni Scale at saka lumapit kay Sorpia na tumawag sakanya.
"Dalian mo na dun pag yun nainis," banta ni Sorpia.
"Eto na nga dinadalian na," wika ni Scale at nagmamadaling umakyat. Tiningnan muna ni Sorpia si Micheal bago sumunod kay Scale sa taas.
"Sayang yun," napalingon si Micheal nang biglang may magsalita sa likuran nya.
"Hailey, bakit gising ka pa, may pasok ka pa bukas," suway ni Micheal sa kapatid.
"Hindi ako papasok bukas, and don't worry wala namang masyadong pasok, puro practice lang naman para sa event next Monday," nakangiting katwiran ni Hailey.
"Eh diba sumali ka ng beauty contest?" Tanong ni Micheal.
"Wala na yun, nag-quit na ako, para kasi akong tomboy," nahihiyang sagot ni Hailey.
"Kaya nga may practice diba. Hindi ka mag-quit, babalik ka sa contest na yun at rarampa, okay?" Paghihikayat ni Micheal, kaya napakamot naman ng ulo si Hailey. "Eh, kuya, wala tayong pera, ano ipambibili natin ng mga gown? Yung makeup ko? Oh diba, gastos lang yan," sagot pa ni Hailey, kaya napatampal si Micheal ng muka.
"Advantage din na may pinsan tayo, sino ba mga pinsan natin?" tanong sakanya ni Micheal.
"Si Ate Blue saka Red?" Alinlangan sagot ni Hailey.
"Oh, ano sila?" Tanong ulit ni Micheal.
"Tao? Di joke lang, mayaman?" patanong na sagot ni Hailey.
"Hindi yan yung sagot na hinahanap ko, pero totoo yan. Yung ibig kong sabihin, anong ginagawa nila? Anong kaya nilang gawin?" - Micheal.
"Nag-bebenta ng mga damit and other luxurious things? Saka essential goods?" Patanong na sagot uli ni Hailey.
"Hindi mo parin nakukuha? Pwede kang magpatulog sa kanila, yan yung tinatawag na ate. Tinutulungan yung bunso," wika ni Micheal, kaya napasimangot si Hailey.
"Hindi, ayoko, hindi ko naman sila close," pagmanatigas ni Hailey, kaya ginulo ni Micheal ang buhok nya.
"Ayan, inaaway mo kasi. Ano naman kung hindi kayo close? Magtatanong ka lang naman kung pwede. Kung oo edi sige, pero pag hindi, okay lang din, walang masama kung susubukan, diba?" paghihikayat ni Micheal, at tumango naman si Hailey, kaya napangiti si Micheal. "Sige, tatanungin ko sila bukas, basta hahayaan mo akong umabsent bukas," sagot naman ni Hailey.
"May choice pa ba ako?" sagot ni Micheal, at napabuntong hininga. Tuwang-tuwa naman si Hailey.
-----------------------------------
"My dear Dahlia," bati ni Inang Rosas kay Dahlia na naglalaro ng busog at palaso.
"Oh! My dearest Rosa," bati rin ni Dahlia kay Inang Rosas nang makita nya itong palapit sakanya.
"Sa dami ng paglalaruan, pana talaga ang gusto mo," saad ni Inang Rosas at natawa si Dahlia.
"Alangan namang latigo, diba?" sagot ni Dahlia, kaya napaisip si Inang Rosas.
"Ang layo naman ng pana sa latigo," sagot ni Rosa nang maisip nya ito. "Kaya nga busog at palaso ang aking hawak," dagdag pa ni Dahlia at nagpatuloy sa pag-ensayo.
"Samahan mo ako, gusto kong mangabayo," utos ni Inang Rosas at naunang pumunta sa kuwadra, napailing nalang si Dahlia at sumunod.
Inang Rosas has five horses. The white one is named Mariposa, the black one is named Erebus, the Piebald one is named Moo, the brown one is named Tanso, and the Albino one is named Ziya.
"I'll take Mariposa," saad ni Inang Rosas at ipinalabas ang puting kabayo sa kuwadra, sumunod namang inilabas ni Dahlia si Erebus. Paminsan-minsan ay nagpapaunahan si Dahlia at Rosa, minsan naman ay nagpapaligsahan sakay sa kanilang kabayo.
"Lipad Mariposa, lipad!" Biro ni Inang Rosas, kaya napailing nalang si Dahlia.
"Kabayo 'yan, hindi Pegasus," saad ni Dahlia, at bigla naman silang napaisip ni Inang Rosas.
"Eh ano ba 'yung Pegasus?" sagot naman ni Inang Rosas, kaya sabay silang napahalakhak.
-----------------------------------
"Daddy? Jane? Bakit parang walang tao dito?" inilibot ni Karl ang paningin nya.
Kakauwi lang ni Karl at tanging mga katulong lang ang nakikita nya sa paligid; tinanong nya ang isang katulong kung nasaan ang tatay nya at tinuro naman ng kasambahay na nasa taas kaya agad nyang pinuntahan.
Nang maispatan nya si Jane, agad naman nyang inilabas ang sobre at lalapitan na sana nang makita nyang nagmamadali itong pumasok sa isang kwarto dala-dala ang isang briefcase.
Nilapitan nya ang pintong nakasara kung saan pumasok kanina si Jane, nang pipihitin na sana nya ang door knob biglang bumukas ang pinto at tumambad sakanya ang gulat na mukha ng kapatid nya. Sinubukan nyang sumilip pero hindi nya maaninag kung ano ang tinatago ng kapatid nya.
"Anong ginagawa mo dito?" Bungad ni Jane.
Napalingon sya ng tanungin sya nito kaya inilahad nya ang sobre. "Ibibigay ko sana 'tong invitation sa birthday ni mamsh Ella bukas ng gabi," tinanggap naman ni Jane ang sobre.
"Si daddy?" Tanong ni Karl sa kapatid nya.
"May pinuntahan lang na importante," sagot ni Jane, kaya napatango naman sya. Nang mapansin ni Jane na halos humaba na ng tuluyan ang leeg ng kuya nya, hinawakan nya ang kamay nito at inayang mag-hapunan na.
-----------------------------------
Dumating si IR sa headquarters dahil tinawagan sya ng Spades
"Ciao, babaeng rosas" tukso ni Spades sakanya
"Enough with that teasing already what do you want?" Seryoso tanong ni IR
"Wala lang namiss lang kita" biro ulit ni Spades
Hindi naman makapaniwala si Inang Rosas sa sinagot ng kasama nya. "Pinapunta mo ako dito, alas otso na ng gabi, ginising mo pa ako dahil sabi mo may importante kang sasabihin tapos pag dating ko dito yan lang?!" galit na tugon IR kaya natawa naman ang kasama nya
"Hindi nakakatawa, Spades. If pinapunta mo ako dito just to waste my time then bye uuwi na ako" dagdag pa ni IR at aalis na sana nang pigilan sya ni Spades.
"Sandali lang naman, joke lang, totoong importante to. Daisy just called me and sabi nya while spying on Paolina's mansion may iniuutos daw sya sa mga tauhan nya" naguguluhang pagpapaliwanag ni Spades
"Eto na nga ba ang sinasabi ko kaya ayokong nagpapadalos dalos kayo" saad ni IR at napabuntong hininga dahil sa pagiging padalos dalos na galaw ni Daisy habang nag eespiya sya kay Paolina
"Hindi sapat ang nakuha nyang impormasyon tungkol sa plano ni Paolina, sabihan mo sya magmanman ng mabuti dahil marami pang butas ang mga pinaplano ni Paolina" utos ni Inang Rosas kaya napatango si Spades at agad tinawagan si Daisy. "Kasabwat ngayon ni Paolina ang mga Martinez, isa sila sa makapangyarihang angkan sa underground kaya pag isipan nyo ang bawat plano at galaw na isasagawa nyo" habilin pa ni Inang Rosas.
"Nahack na ni Clover ang bawat CCTV sa kumpanya, mga bahay at condo ni Paolina" balita ni Spades kaya napangisi naman si Inang Rosas.
"Mabuti, magaling. Sayo ko na muna iiwan ang problema na to Spades dahil bukas maaga pa akong makipagplastikan sa mga taong pagkapanganak palang ay plastik na" wika ni Inang Rosas.
"Yes. Your Highness" sagot ni Spades at nagbigay galang hanggang sa makaalis na si Inang Rosas.
-----------------------------------
Pumunta ng kusina si Isyddro para kumuha ng tubig nang may madinig sya sa garahe at sumilip silip muna
Isang pulang sasakyan ang pumasok ng dahan dahan sa garahe pero hindi nya maaninag kung sino ang nag mamaneho dahil tinted ang mga salamin nito kaya hininay nya nalang sa loob ang pagpasok ng taong iyon
Pumasok naman si Red sa kotse nya at kinuha ang biniling ice cream saka pumasok sa loob ng bahay; nagulat nalang sya nang makita nya si Isyddro naka upo sa sofa na parang naghihintay sakanya
"Tio?" nagtatakang tanong ni Red
"Ikaw pala yung nagmamaneho ng sasakyang yun... Saan ka galing" seryosong tanong ni Isyddro. Tinaasan sya ng kilay ni Isyddro kaya madahan nyang itinago ang supot ng candies at ice cream sa likuran nya
"Nagpahangin lang po. Akyat na po ako" katwiran ni Redat nagmamadaling umakyat kaya napailing nalang si Isyddro at kumuha ulit ng tubig para dalhin sa kwarto nya
...
Nagdahan-dahan si Desa ng lakad papasok ng kwarto nilang tatlo ni Scale at Sorpia para hindi magising ang dalawa, nang biglang bumukas ang ilaw at nasa harapan na nya si Scale at nakapamewang habang si Sorpia naman ay nasa switch ng ilaw.
"Saan ka galing?" nakataas kilay na tanong ni Scale sa kaibigan.
"May binili lang," katwiran naman ni Desa.
"Ano?" Seryosong tanong ni Scale.
"Ano 'to, interrogation?" Natatawang tanong ni Desa.
"Baka sa kwarto ni Severo galing," sabat naman ni Sorpia, kaya napailing iling si Desa.
"Oo nga eh, di makalakad oh," dagdag pa ni Scale.
"Nagdadahan-dahan ako para di kayo marinig, walang nangyari sa amin," depensa naman ni Desa, pero hindi naniniwala ang dalawa.
"Ayaw nyo maniwala, sige tingnan nyo kung may bakas," dagdag pa ni Desa, at akmang ibababa na ang shorts, ngunit tinalikuran naman sya ng dalawa at humiga sa kani-kanilang kama.
"Kahit kelan, loko-loko ka talaga!" Inis na saad ni Scale.
"Ayaw nyo naman pala eh," wika naman ni Desa, at humiga sa kama nya.
-----------------------------------
Kinaumagahan sa CZ, maaga pang naghahanda ang mga tao sa mansyon para sa gaganaping birthday party ni Ella.
Hindi naman sana ganun ka garbo ang gusto nya, pero hindi sya hinayaan ng kambal na simplehan lang ang birthday.
"Diba sabi ko sa inyo wag na kayong maghanda ng ganito. Sama-sama at kumpleto lang tayo, ok na ako dun," wika ni Ella.
"Nay, si Red po ang may idea nito, and nandito si Tala, so it needs to be special and memorable, at deserve mo rin 'to," sagot naman ni Blue, at nginitian si Ella.
"Oo nga po, kaya relax ka lang dito, hayaan mo kami ang mag-asikaso nito," sagot naman ni Red, at madahang inupo si Ella sa sofa.
Busy ang lahat nang biglang lapitan ni Hailey si Red, napalingon naman sakanya ang dalaga, pero hindi sila nagkibuan. Nilingon ni Hailey ang kuya nya at tumango-tango naman ito.
"Yes? Beh, hindi ako manghuhula ha, baka isipin mo mahuhulaan ko 'yang sasabihin mo," saad ni Red habang busy sa pag-aayos.
"Magpapatulong sana ako, para sa pageant namin sa school," nahihiyang sambit ni Hailey.
"Pageant? Babae ka pala, matapos mong pakialaman lahat ng gamit ko ng walang paalam, at matapos mo akong awayin, magpapatulong ka saakin?" Supladang sagot ni Red.
Nalungkot naman si Hailey sa reaksyon ni Red at nawalan ng pag-asa na matulungan sya. Nagulat nalang sya nang biglang matawa si Red.
"Oo na papayag ako, basta siguraduhin mong mananalo ka," natatawang wika ni Red.
"Huh?" nagtatakang tanong ni Hailey sakanya, kaya napalingon naman sya kay Micheal.
"Kuya, dati pa bang bungol tong kapatid mo?" rektang tanong ni Red, kaya natawa ang binata at napakamot naman ng ulo si Hailey. "Excuse muna at may inaayos pa akong trabaho," dagdag pa ni Red habang inaayos ang mga pinipirmahang mga papeles.
Aalis na sana si Hailey nang tawagin sya ni Red, kaya dali-dali naman syang lumapit.
"Ano ba kailangan mo for that pageant?" Tanong ni Red at tinakpan ang ballpen nya.
"Uhm, make-up," sagot naman ni Hailey, kaya tumango naman si Red. "And gowns, accessories, tsaka paturo ng mga rampa-rampa," wika ni Hailey, at napatingin naman sakanya si Red. "Edi sana kinuha mo nalang ako bilang manager."
"Kailangan lang kasi talaga," wika naman ni Hailey.
"What's the magic word?" Tanong ni Red habang nakatingin kay Hailey.
"Please," sagot ni Hailey, pero umiling si Red. "Mali... Abracadabra dapat," pabirong saad ni Red, kaya napanguso si Hailey.
"Ih! Paturo ha. Talent nadin pala, thank you," wika ni Hailey bago tumakbo palayo, kaya napailing at napangiti nalang si Red.
-----------------------------------
Dumating ang gabing pinakahihintay nya, ang gabing hinihintay ng lahat, birthday ni Ella.
Masasabing pinaghandaan talaga ang lahat dahil mula sa mga damit nila hanggang sa mga pagkain, lahat parang mga ginto dahil sa presyo. Ngunit hindi dahil sa gusto nilang maipakita kung gaano sila kayaman, mahal ang presyo ng mga pagkain dahil nais rin nilang maghain ng hindi lang masarap kundi maayos at safe foods ang ihahain nila sa mga bisita.
Habang abala si Ella sa pag-entertain sa bisita, si Red ay abala sa pagpigil ng antok nya; nakangiti naman si Karl habang kinukuhanan ng picture si Red gamit ang camera nya habang nakakaidlip sa upuan. Ilang litrato na rin ang nakuha ni Karl kaya tuwang-tuwa sya sa patuloy na pag-picture kay Red.
"Magagalit yan pag nalaman nya," pagbabanta ni Sorpia kay Karl, pero nginitian lang sya ng binata.
"Hindi sya magagalit kung walang magsusumbong, diba," sagot nya, pero nang hindi na sumagot si Sorpia, ay nilingon nya ito, malayo ang tingin ni Sorpia at para bang nasasaktan. "Ang layo naman yata ng tingin mo," dagdag pa ni Karl.
"Wala, akala ko napuwing ako kaya pinahanginan ko muna yung mata ko baka sakaling matanggal," walang ganang pangangatwiran ni Sorpia, kaya napailing nalang si Karl dahil alam nyang nagseselos si Sorpia dahil magkasama sina Micheal at Scale na nagtatawanan sa isang gilid.
"Ah, kaya pala may kasamang iba ang baby Micheal mo," biro ni Karl, kahit alam naman nya na si Scale ang pinopormahan ni Sorpia.
"Alam mo yang bibig mo ipapatahi ko talaga yan, at anong baby Micheal, wag kang story-maker," inis na wika ni Sorpia, kaya natawa naman si Karl.
"High blood mo naman masyado," sambit ni Karl, kaya inirapan sya ni Sorpia.
"Tapang ah, pag si Red at Giovanni ba ang nakita mong naggaganyan, hindi ka nagseselos?" Direktang tanong ni Sorpia kay Karl, kaya napaiwas nalang ang binata at pinagpatuloy ang paglilitrato kay Red na nakaupo at nakayuko.
"Kita mo, natameme ka rin," tukso pa ni Sorpia, kaya tinitigan sya ng masama ni Karl na ikinatawa nya. "High blood mo naman masyado," natatawang wika ni Sorpia.
"Oo na, oo na, tama na," inis na sambit ni Karl at iniwan si Sorpia sa isang gilid na tumatawa.
—♡—
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top