42

Buong byahe, nakasimangot lang si Red habang katabi si Karl habang si Sorpia naman ang nagmamaneho. Nakaramdam naman si Karl ng konsensya dahil sa mga pinapakita ni Red buong byahe.

"I'm sorry, gusto ko lang naman makasama ka, and this is the only way na makasama ka. Lagi ka kasing kasama ni Giovanni, so ayun, sorry talaga, hindi ko naman gustong magalit ka. I'll call Scale nalang, sasabihan ko syang samahan ka para sa event now, sisiguraduhin ko muna makakarating kayo ng safe," saad ni Karl, at napalingon naman si Red sa binata na pilit pinipigilan ang luha sa pagpatak.

"No... I mean, di naman ako galit dahil kasama kita, nagulat lang ako, and natatakot na baka iwan mo rin ako sa ere," prangkang sagot ni Red.

"What do you mean baka iwan din kita sa ere?" Tanong ni Karl.

"Wala yun, wag mo nang alalahanin," sagot ni Red sakanya at inayos ang sarili habang si Karl ay naguguluhan pa rin. "Samahan mo nalang ako, nandito ka na eh, sayang naman pabango mo," dagdag pa ni Red.

"Sabagay, sayang yung R Empire na perfume ko, mababango kahit kanino, bagay lalo na yung Killer Roses," nakangiting wika ni Karl.

"OMG, fave," sabay na wika ng dalawa, kaya natawa sila sa pinaggagagawa nila.

Hindi rin nagtagal, nakarating na sila sa Empress University where Red was invited to join their event. Agad siyang sinalubong ng mga student at guro, they give her a warm welcome. Nandun din ang ibang parents at family ng mga studyante. Nagbigay siya ng speech and some words of wisdom for students and teachers.

"Ngayon, palapakan natin ang isang napaka cute na chikiting na maghahandog saatin ng isang kanta, ladies and gentlemen, Mina Lee!" pagpapakilala ng teacher, at pumalakpak naman ang nasa paligid nya. Palinga-lingang umakyat si Mina sa stage, hinahanap ang daddy nya sa paligid.

Napansin ni Red na parang may hinahanap ito, kaya kinawayan nya ang bata. Lumiwanag naman ang mukha ni Mina at ngumiti, saka kumaway pabalik. Unti-unti nag-uumpisa ang kanta, nakatayo sa gitna ng stage ang nakangiti si Mina, at stage dad naman si Jung, dahil walang tigil ang pagkuha ng picture at video sa anak nya.

(Playing: Sana by Jolina Magdangal
Sung by Mina Lee | IMOGEN Ver.)

...

Mina:
Sana ang buhay
Ay walang dulo o hangganan
Sana'y wala nang
Taong mahirap o mayaman

...

Napatingin si Paolina sa paligid niya, isang mansyon na walang katao-tao, siya lang mag-isa dahil hindi pa umuuwi si Diamante pagkatapos ng alitan nila.

Napatingin siya sa mga litrato sa pader, lahat ay may mga ngiti sa labi, hanggang sa litrato niya na lang matititigan.

...

Mina:
Sana'y iisa ang kulay
Sana'y wala ng away
Sana'y pag-ibig na lang ang isipin
Ng bawat isa sa mundo

...

Napapangiti si Venus sa pinapanood niyang mga vlog ni Red sa channel ng R Empire. Miss nya na rin ang babaeng minahal nya ng totoo, kahit panandalian lang, pero kailangan nyang lumayo para hindi na lalong masaktan ang babaeng minahal nya.

...

Mina:
Sana'y pag-ibig na lang ang isipin
Sana'y magkatotoo
Sana'y laging magbigayan
Sana'y laging magmahalan
Sana

...

Hindi na napigilan ni Red ang luha na tumutulo mula sa mata niya na kulay langit. Marami siyang naaalala sa mga liriko na binibigkas ni Mina. Masakit man, pero gaya sa kanta, lahat ay hanggang sana na lamang.

...

Mina:
Sana ang tao'y
'Di nagugutom o nauuhaw
Sana'y hindi na
Gumagabi o umaaraw

...

"Oh diba, ang ganda, sabi ko sa inyo, teamwork makes better outcome," wika ni Ella, at napangiti naman si Blue habang tinitingnan nila ang gawang damit para sa birthday ni Ella.

...

Mina:
Sana'y walang tag-init
Sana'y walang taglamig
Sana'y pag-ibig na lang ang isipin
Ng bawat isa sa mundo

...

Nakatitig lang si Diamante sa cellphone niya, kung saan nandoon ang picture nila ni Paolina.

"I'm sorry, mamma, but I don't want to see you right now," saad ni Diamante, at kahit masakit, ay kakayanin niya.

...

Mina:
Sana'y pag-ibig na lang ang isipin
Sana'y magkatotoo
Sana'y laging magbigayan
Sana'y laging magmahalan
Sana

...

Na kay Red lang ang buong atensyon ni Karl sa buong minuto. Pinupunasan ni Red ang pisngi nya at nang punasan ito ni Karl gamit ang panyo nya, kaya napatitig naman sakanya si Red.

...

Mina:
Sana'y laging magbigayan
Sana'y laging magmahalan
Sana'y pag-ibig na lang ang isipin
Ng bawat isa sa mundo

Sana'y pag-ibig na lang ang isipin
Sana'y magkatotoo
Sana'y laging magbigayan
Sana'y laging magmahalan
Sana

Nang matapos ang kanta, nagpalakpakan sila, at ang iba naman ay nagpupunas ng luha.

-----------------------------------

"Daddy, magaling po ba ako?" Tanong ni Mina kay Jung at nagpabuhat.

"Oo naman, ang galing-galing mo kaya," sagot ni Jung sa anak nya at bahagyang kiniliti, kaya natuwa naman ang bata.

Napalingon si Mina nang makita nya si Red at Karl paalis, bigla nalang syang nagpababa at tumakbo para yumakap kay Red.

"Oh, Mina. You know ang ganda ng kinanta mo," saad ni Red at umupo ng bahagya para magkasing-tangkad na sila ni Mina.

"Thank you po," tuwang-tuwa saad ni Mina at nakangiti.

"Take care ha, dapat good girl ka, okay?" Habilin ni Red at tumango-tango naman si Mina, at nangiti si Red. "Go back to your dad na. Uuwi na po kasi kami eh," dagdag pa ni Red at bahagyang pinisil ang pisngi ni Mina.

"Sige po, ba-bye," sagot ni Mina at tumakbo pabalik sa tatay nya.

"May soft spot ka talaga for kids," wika ni Karl, kaya napalingon sakanya ang nakangiting si Red.

"Lahat naman tayo meron, ang sama mo namang tao kapag wala ka nun," sagot ni Red sakanya at nauna na sa kotse.

"Bakit parang ako yung pinapatamaan nya, teka sandali nga," wika ni Karl at dali-daling naglakad papunta sa kotse.

"Shh! Inaantok ako, manahimik ka," umupo ng kumportable si Red at ipinikit ang mata nya.

"Saan mo gusto pumunta?" tanong ni Karl, kaya napamulat ng mata si Red.

"Nananadya ka ba?!" Inis na saad ni Red.

"Nagtatanong lang eh, edi wag," supladong wika ni Karl at ibinalik maman ni Red ang panyong pinapantabon nya sa muka at natulog ulit.

Tumahimik ang loob ng kotse, kanina pa sinusulyapan ni Karl ang dalaga at baka mauntog ito o magulat kasi tulog sya, unti-unti nalalaglag ang ulo ni Red kaya dahan-dahan syang umusog palapit sa dalaga at isinandal ang ulo nito sa balikat nya. Kinikilig naman si Sorpia sa nakikita nya sa rear view mirror habang nagmamaneho.

"Grabe ka na Karl, iba talaga ang tama ng isang Red Camorra," tukso ni Sorpia kaya napangiti si Karl.

"Tinamaan ako ng sobra-sobra, ewan ko ba nagayuma yata ako," biro ni Karl, kaya napahalakhak sila, nang biglang gumalaw si Red, kaya napatahimik sila.

"Ay gumalaw, tahimik na tayo, baka mamaya nakasimangot nanaman yan," pabirong wika ni Sorpia. Natawa sila, pero hindi na ganun ka lakas gaya ng kanina.

-----------------------------------

Kanina pa scroll ng scroll si Blue sa social media, nang mag-top 1 nanaman ang Lyxeeries at nalampasan nanaman ang R Empire, Empress, at iba pang kumpanya. Kaya nag-aaway nanaman sa social media ang mga taong nasa iba't ibang panig.

"Yes!!! Top 1 as always. Pag aari naman talaga ng Lyxeeries ang top 1 kaya wala kayong karapatan dyan lalo na yan R na yan"

"Top 1, Lyxeeries. Awww kawawa naman Red Camorra uwi na tas iyak ka HAHAHAHA! Yung kapatid nga nya sa Lyxeeries nagtatrabaho para kasi hindi keri sa R Empire na yan HAHA! RED HORSE EMPIRE"

"R EMP is more deserving than that Lyxeeries. Hindi nga nagpapakita CEO nyan eh this is nonsense malay ba nating may binabayaran sya para mag top 1 ewwwww"

Blue posted a picture of her and Red in one frame just to show that they are not fighting, so there is no point in debating.

"Ang ganda naman ng ngiti ng panganay ko. Sino kaya ang ka-chat nyan," tukso ni Ella nang makita nyang nakangiti si Blue habang may ginagawa sa cellphone.

"Wala po noh, may nakita lang po ako nakakatawa," nahihiyang saad ni Blue.

"Sus, yan din sabi saakin ni Michael dati nung ka-chat nya girlfriend nya," dagdag na tukso ni Isyddro sakanya.

"Tito naman eh, promise po may nakita lang akong nakakatawa," katwiran pa ni Blue.

"Asus, si Zacxheus yan eh," patuloy na panunukso ni Isyddro.

"Hindi po, busy po sya," sagot naman ni Blue.

"Busy pero online yung nakalagay dito?" Wika ni Ella habang nakatingin sa sarili nyang.

"Friends po kayo?" gulat na tanong ni Blue, pero tinawanan lang sya ng dalawa.

"Secret," sagot ni Ella. Napakamot nalang ng ulo si Blue, napaling naman sila nang dumating si Red at Karl.

"Anak, hindi ka papasok sa trabaho?" Tanong ni Ella, pero umiling si Red.

"Hindi po. Tutulong po sana ako sa pag-aayos dito, but parang di na kailangan," alinlangan na sagot ni Red. Lumapit si Blue at inakbayan ang kapatid.

"Ano ka ba, anong hindi na kailangan? It's our pleasure if you help us," wika ni Blue saka pinahidan ng pintura si Red sa ilong at tumakbo palayo, iniwan nya si Red na naiinis habang pinupunasan ang ilong.

"Piste ka talaga, Blue!" galit na sigaw ni Red, pero tinawanan lang sya ng kapatid.

...

Busy sa pagde-decorate ang dalawa, nang may maisip nanamang kalokohan si Blue.

"Tala, halika dito lagyan kita ng rose sa mukha," alok ni Blue, pero wala nang tiwala si Red sakanya.

"Tigil-tigilan mo ako, nananahimik yung mukha ko, lalagyan mo nanaman ng kung ano-ano," sagot ni Red at nagpatuloy sa ginagawa.

"Maliit lang naman eh, sige na please," pagsusumamo ni Blue.

"Tigil-tigilan mo ako, Blue," tumayo si Red at lumipat ng pwesto, kaya napasimangot si Blue dahil hindi natuloy kalokohan nya, kaya naghanap nanaman sya ng matatarget at nakita nya si Hailey.

"Hailey, halika lagyan kita ng flower sa mukha," saad ni Blue na parang hindi lang sila nag-away, kaya nagdalawang isip naman lumapit si Hailey dahil sa biglang bumait ito sakanya, kaya si Blue nalang ang lumapit sakanya; tuwang-tuwa si Blue nang magawa nya ang kalokohan, and the best part, hindi nagalit si Hailey, natuwa pa sya.

Pasulyap-sulyap lang si Red sa kapatid nya at pinsan. Tinabihan sya ni Michael at tinulungan sa pagdikit ng mga design. Hindi naman ganun ka-bongga ang selebrasyon, kaya sila-sila lang ang gumagawa ng mga decorations.

"Tingnan mo yung nilalagyan mo ng glue stick, baka mapaso ka," saad ni Michael. Napalingon si Red sakanya nang kunin nya ang glue gun sakanya.

"Hey, akin na yan," reklamo ni Red, pero hindi sya pinansin ni Michael.

"Ako na maglalagay ng glue, ikaw na bahala sa paglagay kung saan mo ididikit," saad ni Michael. Napalingon ulit si Red sa dalawa nang magtawanan ulit ang dalawa. "Uy, selos sya," tukso pa ni Michael sakanya, tiningnan naman sya ni Red na parang medyo nainis.

"Hindi ako nagseselos, noh. Bakit naman ako magseselos, duh," supladang sagot ni Red at nagpatuloy sa pagdidikit.

"Alam mo, you are a bad, bad liar, magaling ka sa halos lahat-lahat, pero di ka marunong magsinungaling," saad ni Michael.

"Hindi ako sinungaling, and hindi ako magaling sa lahat, I'm bad at math," sagot ni Red sakanya.

"Bad at math eh, ang dami nyo ngang medal, nakita ko din picture nyo, yung parang math quiz bee," wika ni Michael habang naglalagay ng hot glue sa mga designs.

"Dati ka bang adik?" tanong ni Red, kaya napalingon sakanya si Michael.

"Adik agad? Chismoso lang," pilyong sagot ni Michael.

"Wow, aminadong chismoso," biro ni Red, kaya natawa naman si Michael.

"Teka, teka, mali yata yan, dapat, gwapong chismoso," sagot ni Michael at nagpapogi, kaya napangiwi si Red na para bang nandidiri. "Kadiri ka, kaya ka single eh," sagot pa ni Red, kaya tinitigan sya ni Michael na parang medyo nainis.

"Wow, personalan pala to," biro naman ni Michael kaya natawa nalang si Red sa reaksyon nya dahil natigil ang pagpapagwapo nya sa kawalan.

"Ewan ko sayo, ewan ko ba kung anong nagustuhan sayo ni Scale," saad ni Red at nagpatuloy ulit sa paggawa.

Natigilan si Michael sa sinabi ni Red, kaya agad syang napalingon sa dalaga na nagpipigil ng tawa, pinanlakihan nya ng mata si Red. "Wag kang ganyan, scary ka," natatawang sagot sakanya ng dalaga.

"Yung totoo? Red naman eh," inis na wika sakanya ni Michael.

"Oo nga, she likes you okay, ikaw lang naman tong manhid," prangkang sagot ni Red.

"Bakit di nya sinabi saakin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Micheal.

"Hindi ka nagtanong eh," biro ni Red, kaya napakamot ng ulo si Michael. "Konti nalang talaga makukurot na kita, hindi naman kasi sya umamin eh," saad pa ni Micheal.

Dismayadong tinitigan sya ni Red, kaya naguluhan sya. "Talagang adik ka sa baranggay nyo noh," wika ng dalaga, kaya napakamot ng ulo si Micheal. "At sinong aamin na crush nya ang isang tao aber? kung masyado nang makapal muka mo o desperado or desperada kana edi ayun nagiging creative," dagdag pa ni Red.

"Creative? What do you mean?" Takang tanong ni Micheal.

"Creative... good way to describe someone who is flirtatious," saad ni Red, kaya napairap ng bahagya si Michael.

"Pinaganda mo pa edi malandi," direktang wika ni Micheal, kaya natawa ulit si Red.

"Sabi ko nga... Yan yun," sagot ni Red.

"Pero seryoso. She likes me? bat di sya nagpapapansin, I mean hindi sya nakikipag-interact," interesadong tanong ni Micheal.

"Eh sabi nya may crush ka daw saakin, well I can't blame you kasi sa ganda kong to and sa kasexyhan well sino ba ang hindi mafafall," nagmamagandang saad ni Red na agad rin namang binara ni Micheal.

"Walang nagtatanong kung gaano ka kaganda, ang tinatanong ko is about Scale not you," pambabara ni Micheal sakanya. "I like her too," dagdag pa ni Micheal, titili na sana si Red nang takpan nya ang bibig ng dalaga at sinabihang wag muna ipaalam kay Scale at sya na bahala dun; nang kumalma si Red, tinanggal na nya ang kamay sa bibig nito.

-----------------------------------

Masyado na rin natagalan ang usapan ni Micheal at Red kaya natagalan ang pagtapos ng ginagawa nila.

Lumapit naman si Hailey sa kanila at kinalabit si Micheal. "Kuya, pwedeng patulong dun?" turo ni Hailey sa mga upuan.

"Hailey, mamaya na, may ginagawa pa ako, tatapusin pa namin 'to," sagot ni Micheal. Bahagyang tumango si Hailey at malungkot na bumalik sa ginagawa. Nakaramdam naman si Red ng pagka-guilty dahil parang naagaw na nya si Micheal kay Hailey. Alam nya ang pakiramdam ng maagawan kaya ayaw na nyang maramdaman din ito ng iba. Kaya kinuha nya ang ginagawa ni Micheal, napalingon naman sakanya si Micheal.

"Hailey needs you, kaya ko nang tapusin 'to. Puntahan mo na sya, she's your sister and she needs her kuya," nakangiting wika ni Red. Kaya pinuntahan ni Micheal ang kapatid at tinulungan. Kita sa mga mata ni Hailey ang saya nang lapitan sya ng kapatid at tinulungan. Nagpatuloy naman si Red sa ginagawa nya, since malapit na rin namang matapos.

Minutes have passed and natapos na ang ginagawa nya, kaya umupo muna sya at nag-scroll-scroll sa Instagram, until a notification pops up.

blueberry_blue
tagged you in a post


"Oo nga, she likes you okay, ikaw lang naman tong manhid," prangkang sagot ni Red.

"Bakit di nya sinabi saakin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Micheal.

"Hindi ka nagtanong eh," biro ni Red, kaya napakamot ng ulo si Michael. "Konti nalang talaga makukurot na kita, hindi naman kasi sya umamin eh," saad pa ni Micheal.

Dismayadong tinitigan sya ni Red, kaya naguluhan sya. "Talagang adik ka sa baranggay nyo noh," wika ng dalaga, kaya napakamot ng ulo si Micheal. "At sinong aamin na crush nya ang isang tao aber? kung masyado nang makapal muka mo o desperado or desperada kana edi ayun nagiging creative," dagdag pa ni Red.

"Creative? What do you mean?" Takang tanong ni Micheal.

"Creative... good way to describe someone who is flirtatious," saad ni Red, kaya napairap ng bahagya si Michael.

"Pinaganda mo pa edi malandi," direktang wika ni Micheal, kaya natawa ulit si Red.

"Sabi ko nga... Yan yun," sagot ni Red.

"Pero seryoso. She likes me? bat di sya nagpapapansin, I mean hindi sya nakikipag-interact," interesadong tanong ni Micheal.

"Eh sabi nya may crush ka daw saakin, well I can't blame you kasi sa ganda kong to and sa kasexyhan well sino ba ang hindi mafafall," nagmamagandang saad ni Red na agad rin namang binara ni Micheal.

"Walang nagtatanong kung gaano ka kaganda, ang tinatanong ko is about Scale not you," pambabara ni Micheal sakanya. "I like her too," dagdag pa ni Micheal, titili na sana si Red nang takpan nya ang bibig ng dalaga at sinabihang wag muna ipaalam kay Scale at sya na bahala dun; nang kumalma si Red, tinanggal na nya ang kamay sa bibig nito.


—♡—

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top