39
"Hello! Nandito na ulit kami nagbabalik, Ate Red, superhero mo nakabalik na," biro ni Jane kaya natawa naman sila.
"Loko loko ka talaga," wika ni Karl na nakatago sa likod ng pader.
"Bihis na bihis, gwapong gwapo, presenting! Karl Derioso," pagpapakilala ni Jane.
"Ano pwede na ba akong lumabas?" Tanong ni Karl kau Jane at excited na tumango si Jane kaya bahagyang natawa ang kuya nya at napailing nalang.
"Gwapo naman ng panganay ko," wika ni Daniel kabang inaayos ang damit at buhok ni Karl.
"Gwapo? Pero di naman ako napapansin nung isa," hugot ni Karl at tumingin kay Red na napaiwas din ng tingin para hindi magtagpo ang mga mata nila.
"Hugot hugot, wala kang makukuha sa hugot na yan ligawan mo kasi," bulong ni Daniel.
"Try ko po," sagot ni Karl at may kumpyansa sa sarili.
"Wag mo lang subukan, gawin mo. Take the risk, kahit ma reject ka pa at least wala kang regrets kasi nagawa mo na eh nasubukan mo na... Learn from the expert," nakangiting wika ni Daniel habang tinataas baba ang kilay nya kaya natawa naman si Karl.
-----------------------------------
The event went well, syempre sa tulong nadin ni Red. Meron namang ibang malfunctions na nangyari pero nagawan din naman ng paraan kaya walang nakapansin sa maliliit na problemang yun throughout the event.
"Ladies and gentlemen, let us all welcome the CEO of D'Flora, the son of the former CEO Daniel Derioso, the one and only Karl Derioso!" announcement ng host kaya nagpalakpakan sila.
"KUYA!" Hiyaw ni Jane nang makaakyat ng stage si Karl kaya napuno ng tawanan ang paligid.
"Hello and good afternoon to all, una sa lahat nagpapasalamat ako syempre sa panginoon and sa inyong lahat, sa mga sumuporta at di ako iniwan, sa lahat lahat thank you. Hindi ko maimagine na makakatungtong ulit ako dito pwestong to, di ko naimagine na makabalik ulit ako sa D'Flora Corp. pero with a little help and determination walang imposible, diba," wika ni Karl kaya sumang-ayon naman ang mga nakikinig sa speech nya.
"And meron din akong isang tao na gusto kong pasalamatan. Kahit hindi nya alam, sya yung reason kung bakit nangyari lahat ng ito because I want to be a better man for her. I know a lot of you are confused maybe yung tumatakbo sa isip nyo ay bakla nagkagusto sa babae? Iniisip nyo palang parang nandidiri na kayo pero possible po yun nagawa ko nga eh," nakangiting wika ni Karl.
Nakaramdam si Red ng pagiging hindi komportable dahil parang alam na nya kung sino ang tinutukoy ni Karl, napatayo sya at aalis na sana nang tawagin sya ni Karl na hawak ang mic at nasa taas ng stage.
"Red Camorra! Humarap ka dito, once in a blue moon ko lang to gagawin if ayaw mo talaga lumingon, please wag ka munang umalis, stay there may sasabihin ako. Red, Riri, Pulang araw, crayon, suplada, andami ko na palang naitawag sayo I know iniisip mo ngayon this is a waste of time pero please umupo ka muna ayokong mapagod kakatayo please sit down sige na," dagdag pa ni Karl at napatingin kay Red ang lahat kaya walang syang nagawa kundi umupo nalang ulit at nakinig sa mga sinasabi at sasabihin palang ni Karl.
"Thank you, Red, I know hindi maganda yung una nating pagkikita and hindi tayo masyadong matagal na magkakilala but still, you made me one of your closest friends, you trusted me, you treated me like family and I'm thankful for that. Now I gather all of my strength to make this kind of announcement or whatsoever at alam kong narinig at nasabi ko na to sayo pero gusto kong ipagsigawan sa mundo," wika ni Karl at huminga muna ng malalim; tahimik ang paligid, naghihintay sa susunod na sasabihin ni Karl.
"Red I like you," pag amin ni Karl kaya nagulat naman ang lahat at hindi naiwasan ng iba na mag bulong bulungan. "Alam ko iniisip nyo, bakla ako bat ako nagkakagusto sa babae, hindi ako pwedeng magkagusto sa babae, well that woman right there made me feel what a man feel when they see the woman of their life. Sya yung salarin kung bakit hindi na ako bakla," dagdag pa ni Karl kaya natawa naman sila.
"Red alam kong gulat ka padin–" Wika ni Karl pero naputol ito nang sumigaw si Red. "Indeed I am!" napalingon naman ang iba sa likuran nila nang sumagot si Red.
"Peace na... Matagal ko din pinag-isipan ito, gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na I fell in love with you the second time I saw you, pinag-isipan ko muna ng mabuti bago magpadalosdalos kasi back then I was confused kung ano ba talaga ang nararamdaman mo pero ngayon I know, I love you," malumanay na saad ni Karl.
Bumaba si Karl sa stage dala ang mic at hinawakan sa kamay si Red. "Red mahal kita, Sinisinta kita, Gihigugma ko ikaw, Palangga ta ka, I love you in 100 languages," wika ni Karl kaya natawa naman si Red.
"100 languages? As if–" hindi naniniwalang saad ni Red pero naputol ito nang biglang magsalita si Karl.
"Wǒ ài nǐ, te amo, te quiero, Kaluguran da ka, main tumse pyar karta hoon, ahabak, eu te amo, Āmi tōmāẏa bhālōbāsi, ya lyublyu tebya, watashi wa anata o aishiteimasu, maiṁ tuhānū pi'āra karadā hāṁ, ich liebe dich, Aku tresna sampeyan, Ngu long hushin long lah, saya sayang awak, salanghae, nēnu ninnu prēmistunnānu, anh yêu em, je t'aime, mī tujhyāvara prēma karatō, nāṉ uṉṉai kātalikkiṟēṉ, mein ap say muhabat karta hoon, asheghetam, seni seviyorum, ngóh oi néih, ti amo, P̄hm rạk khuṇ, Huṁ tanē prēma karuṁ chu, maite zaitut, wǒ ài rǔ, kocham Cię, za la ta sara meena kawom, Nānu ninnannu prītisuttēne, ñān ninne snēhikkunnu, abdi bogoh ka anjeun, Hu guiaya hao, Ina son ka, mainnkohkyittaal, mu tumoku bhala paye, Yes sirum yem k'yez, ya tebe lyublyu, hum tohse pyaar kareni, Iniibig kita, mo nifẹ rẹ, hawm ahāṃ se prem karechi, Man tokhe prem karyan ti or Man tokhe prem karyan to, nakupenda, Men seni Sevaman, ewedihalehu mi yidi ma, a hụrụ m gị n'anya, Sin jaalladha', te iubesc, Mən səni sevirəm, əi-nə nəng-bu nung-shi, Ndimakukonda Ndimakukondani, ik hou van je, Ez hej te dikim, Volim te, tiako ianao, Ma timīlā'ī māyā garchu, mẽ tenū̃ piār kardā hā̃, ing aming sibilama, khnhom sralanh anak, mama oyāṭa ādareyi, M'bi fe, môi apunak bhal paû, Kula tresna, Waan ku jeclahay, həm t̪oːraː seː pjaːr kərə hɪjo, Minjo tere naal pyar hega, main tanne pyaar karoon, Szeretlek, ndimakukondani, Ndagukunda, Se agapó, Me dor wo, Nga ieid ia phi, men seni jaqsı köremin, Ke a go rata, Ani Ohev Otach, Ngiyakuthanda, Miluji tě, ndagukunda, hav tujo mog korta, Mwen renmen ou, Ek het jou lief, Ayayatenka, Kuyayki, Ndagukunda, jag älskar dig, Kuv hlub koj, Ndinokuda, Män sızni söyümän, Tu mana doost biyeh, ja ciabie kachaju, Kei te aroha au ki a koe, ndiyakuthanda, Hav tukka Mog Karta," sagot ni Karl sakanya kaya hindi agad sya nakasagot.
"100? Hindi naman 100 'yun, 95 lang 'yun," pilit na pang-ookray ni Red.
"Ilan ba 'yung una kong sinabi, diba lima, mahal kita, Sinisinta kita, Gihigugma ko ikaw, Palangga ta ka, I love you," sabat ni Karl. Hindi rin naman nakasagot kaagad si Red.
"Red, I like you. I love you," wika ni Karl at kinilig naman ang lahat nang nasa venue.
"Karl, hindi mo–" wika ni Red pero agad itong pinutol ni Karl.
"Hindi ko alam ang sinasabi ko? Hindi ko alam ginagawa ko?" pagputol ni Karl kay Red. "Riri, alam ko. Alam ko kung anong ginagawa ko, alam ko ang nararamdaman ko. Mahal kita," dagdag pa ni Karl at hinawakan sa magkabilang pisngi si Red kaya napahiyaw naman sa kilig ang mga tao sa paligid nila.
"I love you kahit ano pang malaman ko tungkol sayo, hindi ko pagsisisihan ang nilaan kong pagmamahal sayo. Kahit gaano pa kadilim ang dinaan mo kakayanin ko daanan yun maabot lang kita. I love rain, as well as thunderstorms. I love sunrise and also the sunset. I love the sun, but I also love the moon and stars. I love the light, but I also love the darkness. So, what makes you think that I will not love you if you show me your darkest side?" wika ni Karl na ikinapula ng pisngi Red. "Red Camorra" dagdag pa ni Karl at lumuhod sa harapan ng dalaga na parang nag popropose
"Karl, tumayo ka nga dyan, pinagtitinginan tayo" bulong ni Red at pasimpleng hinihila latayo si Red pero hindi nagpatinag si Karl at nanatiling nakaluhod.
"Hindi ako tatayo dito hanggat hindi mo sinasagot itong tanong ko. Pwede ba kitang ligawan?" Tanong ni Karl kaya napahiyaw sa kilig ang mga tao sa paligid dahil hawak parin ni Karl ang mic na nakakonekta sa malalaking speaker.
Napatingin si Red sa paligid nya na nag aabang sa sagot kung oo ba o hindi. Hindi nya maitago ang kaba at pagkapressure sa mga mata nya
"Kapag nalaman mo kung ano ang dilim na hawak ko, titigil ka lang at iiwan mo ako" saad ni Red pero nginitian lang sya ni Karl.
"What makes you think I won't embrace your darkness? Just like the stars shine brightest in the darkest night, I believe that your light shines even more brilliantly when you show me your true self, shadows and all," malambing na sagot ni Karl habang pinamulahan ang pisngi ni Red.
...
"Oh, Gio mukang may kaagaw ka na," tukso ni Sevy sa kaibigan na kasama nyang nanonood ng live.
Hindi alam ni Gio ang ire-react nang makita nya si Karl nakaluhod sa harapan ni Red.
"Ayan, ako inaasar mong may kaagaw kay Blue dati, pero ngayon engaged na ako kay Desa, ngayon ikaw naman aasarin ko. Karl tsaka Red, KaRe oh! Masarap yun Kare Kare," pang-aasar ni Sevy sakanya kaya nakasimangot syang bumalik sa ginagawa nya.
"Galaw galaw pare. Nauunahan ka na oh," dagdag na panunukso ni Sevy.
"Porket engaged ka na gaganyanin mo na ako," inis na tanong ni Gio kaya tinawanan lang sya ni Severo.
"At least ako pinili ni Desa eh ikaw? Kapag si Karl pinili ni Ms. Red, paano ka," pagpapatuloy sa panunukso ni Severo.
"Tigil tigilan mo na nga yang pili-pili na yan, tulungan mo nalang ako dito maglinis ng kotse," pag-iiba ni Giovanni ng usapan at tumayo para maglinis ulit ng kotse.
"Ayoko mababasa ako, may date pa ako mamaya sa fiancè ko, kaya mo na yan," napailing nalang si Giovanni sa inasta ni Sevy at sinundan nalang ng tingin habang papasok ito ng bahay.
...
"The audacity na magpaligaw ka sa iba kung ikakasal ka na," galit na saad ni Yezh habang pinapanood ang video na sinend sakanya. "Sige lang, magsaya ka lang, dahil sa susunod tingnan lang natin kung makakangiti ka pa," dagdag pa nito at tinapon ang laptop.
-----------------------------------
Hindi pa rin makapaniwala si Red sa nangyari kanina lang at hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya. The party has started kaya sumasayaw-sayaw na sa gitna ang ibang guest while Red is in the corner alone, nakatulala at umiinom ng wine nang biglang tumunog ang phone nya at isang unknown number ang tumawag.
"Hello, who–" sagot nya sa tumawag, naputol na sasabihin nang biglang sumingit ang nasa kabilang linya.
"Have you lost your mind?! You let him propose to you and on Facebook Live?!" sumbat sa kanya ng nasa kabilang linya.
"Oh BFF, it's you, correction he didn't propose to me, he asked me if he could court me," sagot naman ni Red kaya rinig nya ang buntong hininga mula sa kabilang linya.
"On his knees?" Hindi makapaniwalang tanong ng unknown persona sa kanya.
"Yes," simple sagot ni Red kaya narinig nya namang bumuntong hininga ang kausap nya.
"What's your answer?" Tanong ulit ng unknown caller pero natagalan pa bago sumagot si Red dahil nagdalawang-isip sya kung sasabihin nya ba o hindi.
"What now? Cat got your tongue?" Panunukso ng unknown caller kay Red nang hindi na sya sumagot.
"I said yes," aalinlangang sagot ni Red.
"Ты правда с ума сошел... А Еж, а?! Он смотрел это," gulat na ssaad ng unknown caller.
[Ty pravda s uma soshel... A Yezh, a?! On smotrel eto]
Translation: You really are out of your mind... What about Yezh huh?! He watched it.
"What?! H- how? He's in- in Italy how did he- paano?!" Gulat na tanong ni Red.
"I- I don't know. Maybe someone sent it to him or he saw the live, he can see that live because it's in public," nauutal na sagot ng unknown caller.
Narinig naman ni Red sa kabilang linya ang mga hiyawan at boses ni Karl.
"ты смотришь?!" Gulat na tanong no Red.
[ty smotrish'?!]
Translation: are you watching?!
"Yes, and I repeated it several times, it was not shown here that you answered yes," panunukso ng unknown caller sakanya.
"Stop that. Turn that off," maawtoridad na saad ni Red.
"Ok," huling sagot ng nasa kabilang linya at pinatay nya ang tawag.
"No! He- Hello? Argh," napahilamos nalang ng muka si Red at uminom ng wine. "I mean the live, not the goddamn phone call," bwisit nyang wika. Ibinulsa nalang ni Red ang cellphone at tinungga ang isang basong wine na parang tubig lang ito.
-----------------------------------
Naglakad-lakad si Hailey sa buong bahay dahil na rin sa pagkabored at kagustuhang makita ang bawat sulok ng CZ. Hindi nya maiwasang mapahinto sa ganda ng aquarium na nasa harapan ng mga silid, iba't ibang klase ang mga isda ang mga naroon kaya tuwang-tuwa sya sa pinapanood nya. Hindi rin maiwasang maintriga ni Hailey nang mapalingon sya sa likuran nya at makita ang pulang pinto na may naka-ukit na malaking rosas sa pinto.
"Bongga, may pa-ukit sa pinto, ano laman nito rose din? Ginto ba? Wala namang masama kung papasok ako diba," pagdadalawang-isip ni Hailey at nagpalinga-linga sya sa paligid bago pasukin ang kwarto.
"Ah si pulang dragon pala yung may ari, kaya pala pula," wika ni Hailey habang nakatingin sa mga litrato sa pader..
"Ah si pulang dragon pala yung may ari, kaya pala pula," wika ni Hailey habang nakatingin sa mga litrato sa pader.
"Sino 'to? Hindi naman si Tita Ella 'to ah, nagparetoke ba sya? Hindi ko din kilala tong lalake. Full of mystery talaga yung pulang yun pero infairness cute nya," wika ni Hailey sa sarili nya, her eyes darting around the room, taking in every detail. Patuloy sa paghahalungkat si Hailey sa kwarto ni Red nang may makita syang malaking box sa ilalim ng kama nito.
"Ano 'to? Bow and arrows? Mangangaso ba sya? Paano eh syudad 'to?" Tanong ni Hailey sa sarili nang masama nya sa paghila ng kahon ang busog at palaso. Itinabi nya muna ito at binuksan ang malaking box.
Madami pa syang nakita sa loob ng box, gaya ng ballet shoes, necklace, crowns and sash, medals, etc. and another box, not just a simple box. Box na masasabi mong mahalaga dahil sa padlock at may desenyong susi na nakalagay sa gilid ng briefcase.
Unti-unti nyang binuksan yung briefcase at napatigil nang biglang may magsalita sa likuran nya.
"Anong ginagawa mo dito?" wika ng tao sa likuran nya.
"Anong ginagawa mo sa kwarto ng kapatid ko?" dagdag pa ni Blue, nakahinga ng malalim si Hailey nang malamang hindi si Red ang nakahuli sakanya dahil sigurado sya bubuga naman ito ng apoy.
"Uhm, nothing, napadaan lang and bukas yung pintuan so–" naputol ang sinabi ni Hailey nang magsalita si Blue.
"So you came in, who gave you permission? You really have no respect for someone older than you and for her privacy," malamig na sambit ni Blue.
"Grabe ka naman sa walang respeto, kahit si Tatay Isyddro lang nataguyod at nagpalaki samin pinalaki nya kaming marunong rumespeto at may takot sa Dyos," sagot ni Hailey.
"Do you have any respect? You've practically opened almost all of my sister's drawers, do you realize that this is invading someone's privacy, don't you?" depensa ni Blue kaya napangisi at napailing si Hailey.
"Alam mo ba kung anong respeto ang ibinigay ng kapatid mo sa amin? Hindi diba kasi wala naman syang ipinakitang respeto para saamin. So saaming dalawa sya ang walang respeto sa kapwa nya, sabi nga nila, what you give is what you get," nakangising sagot ni Hailey.
Nagkatitigan silang dalawa nang naunang bumitaw si Hailey at binangga sa balikat si Blue saka lumabas ng kwarto, naiwan si Blue mag-isa sa kwarto ng kapatid nya kaya napabuntong hininga nalang sya at iniligpit ang mga ikinalat na gamit ni Hailey.
-----------------------------------
Napatingin si Red sa cellphone nya saka sinagot habang nagmamaneho. "Nasan ka ngayon?" tanong ng nasa kabilang linya.
"Hmmm, 15 degrees east, 20 degrees north, 13 degrees south, 15 degrees west," pabalang na sagot ni Red.
"Red Camorra, hindi ako nakikipagbiruan sayo. Nasaan ka?" seryosong tanong ni Ella. Napabuntong hininga nalang si Red at napairap. "Pauwi na po," sagot nito.
"You're driving alone? Akala ko ba sira headlights mo? Gabi na delikado sa daan," sabi ni Ella.
"Nay don't worry, walang multo dito, there is no such thing as a ghost," natatawang saad ni Red at nakatutok ang atensyon nya sa daan habang kausap si Ella na naka loudspeaker.
"Wala ngang multo pero may disgrasya namang tinatawag, Karl told me na sinabihan ka nyang sya ang maghahatid sayo pauwi pero kinuha nya lang yung susi ng kotse nya pagbalik nya wala ka na dun at ang kotse mo, tapos iniwan mo pa si Scale dun pero mas nauna pa syang naka uwi kesa sayo and lasing ka pa. Gabi na, sira headlights mo, and you're drunk driving," sermon ni Ella sakanya kaya bumuntong hininga nalang si Red.
"I'm not drunk, I'm just tipsy," katwiran pa ni Red.
"Just stop driving and tell me kung nasaan ka, ipapasundo kita," suhestyon ni Ella.
"Nasa gate, nakapasok na ng bahay, patayin ko na po 'to," saad ni Red. Red ended the call and entered the house, tumambad agad sakanya si Ella at Isyddro.
"Ayan na nga ang presidente at reporter may pa welcome home, akyat lang po ako," habang paakyat sya ng hagdan nakasalubong nya si Hailey na binigyan sya ng makabuluhang tingin.
Kahit naguguluhan nagpatuloy pa rin sya sa pag-akyat. Agad naman syang naalarma nang makitang bukas ang pinto ng kwarto nya kaya agad-agad syang pumasok.
"Blue?" tanong nya sa babaeng nakatalikod at nakatayo malapit sa kama. Natigilan ang babae at dahan-dahang napalingon kay Red na may pilit na ngiti sa mukha.
"Anong ginagawa mo dito, pinakialaman mo nanaman ba ang mga gamit ko?" seryosong tanong ni Red sakanya kaya di nito maiwasang kabahan dahil sa matalim na tingin ni Red.
"Answer me, did you?"
—♡—
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top