34
Parang batang manghang-mangha si Red sa mga nakikita nya sa Fishermall QC kahit may sarili syang mall, tuwang-tuwa parin sa mga bagong tanawin ng iba't ibang mall na napuntahan nya.
"Gusto mo mag roller skates?" tanong ni Giovanni nang mapansin nyang tuwang-tuwa nanonood si Red sa mga nag-rooller skate.
"Hindi ako marunong," nahihiyang sagot ni Red kay Giovanni.
"Ako marunong ako, kaya nga nandito ako diba, gwapong-gwapo ang magtuturo sayo," wika ni Gio kaya natawa naman si Red dahil nadama sa gestures na ginawa nito.
Sinusuotan ni Gio ng roller blade si Red habang hindi naman malaman ni Red kung ano mararamdaman nya kung maeexcite ba sya o kakabahan.
"Teka lang, suot ka ng knee pads and elbow pads saka helmet," saad pa ni Gio at kinuhanan ng helmet si Red.
"Para naman akong bata niyan," natatawang tugon ni Red.
"Para safe, hindi kita iuuwi sa CZ na puro gasgas yang tuhod saka siko mo noh tapos may bukol sa ulo. Baka ako ang mabukulan ng kapatid mo," wika ni Gio kaya namula ang pisngi ni Red at bahagyang natawa. Nagpatuloy sa pagsuot ng knee pads at elbow pads kay Red, sunod naman ang helmet. Matapos suotan ni Giovanni ang dalaga ay sya naman ang umupo at nag-suot ng sarili nyang roller blades.
...
"Bakit ba kasi dito pa tayo sa Fishermall QC? Eh may mall naman dun malapit sa atin tapos nandun pa yung shop natin," reklamo ni Karl kay Jane na inaya syang mag-mall.
"Para maiba naman at sabi mo ililibre mo ako diba ito yung gift mo," paglalambing ni Jane sa kapatid nya at tumango lang si Karl. Mahinang bumuntong-hininga si Karl dahil hindi naman talaga yun ang dahilan kung bakit nya inayang mag-mall ang kapatid, inaya nyang mag-mall si Jane para hindi nito makita at malaman ang ginagawa ng tatay nila, lahat ng pagbubugbog at pagpaparusa, kaya inilabas nya muna si Jane.
"Oo nga, pero sabi ko kanina kakain tayo tas nung malapit na tayo dun nag-aya kang pumunta dito," panenermon ni Karl sa kapatid na napakamot ng ulo at mahinang tumatawa.
"Love you kuya, tara dun tayo sa disco," pag-iiba ni Jane ng usapan at hinila ang kuya nya.
"Marunong ka bang mag roller skates?" tanong ni Karl sa kapatid at umiling ito. "Hindi, pero marunong akong mag disco, tara na dalian mo kuya," sagot ni Jane at hinila ulit ang kuya nya papuntang Roller disco.
...
"Dahan-dahan lang," advice ni Gio kay Red na kanina pa pagewang-gewang.
"Ayoko na, kinakabahan ako," natatawang sagot ni Red habang nakakapit ng mahigpit kay Giovanni. "Ah, nanay ko!" Sigaw pa ni Red at hindi naman napigilang matawa ni Giovanni kaya hindi nya kaagad naalalayan si Red at pareho silang napa-upo sabay tawa.
"Ay giatay ka piste," wika ni Red at hinampas sa balikat si Gio na tumatawa parin. Nang mahimasmasan na sila ay inalalayan ni Giovanni patayo si Red at inayos ang tumagilid na helmet nito.
...
"Try kaya natin mag-skate kuya, tapos pag marunong na tayo mag-rooller skates nalang tayo sa bahay," suhestyon ni Jane na ikinabunting hininga ni Karl. "Aanhin mo yung hagdanan?" Tanong pa Karl.
"Jump jump lang tayo tapos pag namali ng landing, edi good night," natatawang sagot ni Jane sakanya.
"Loko loko ka talaga kahit kelan," sagot ni Karl sakanya at umiling-iling. Tuluyang napatawa si Jane dahil sa nakakatawang reaksyon ng kuya nya, napalingon naman sa paligid si Karl nang may narinig syang pamilyar na boses at nawala ang ngiti nya sa nakita.
Nakita nya si Gio at Red tuwang-tuwang nag-rooller skate, para namang dinukot ang puso nya at pinagpupunit-punit dahil sa nakita nya.
"Wag nalang tayo dito, hindi ko bet dito now eh, masyadong masakit sa mata yung flashy lights," pangangatwiran ni Karl para lang makaalis sila sa lugar na yun.
"Ha? Sabi mo kanina ang ganda bakit ngayon ayaw mo na," naguguluhang tanong ni Jane na nagsusuot na ng roller blades.
"Tara na, wag ka nang makulit," inis na sabi ni Karl at naunang umalis kaya nagtaka naman si Jane at hinanap nya ang dahilan kung bakit biglang uminit ang ulo ng kuya nya, doon nasulyapan nya si Red kasama si Gio nagkakasiyahan. "Kaya naman pala," wika pa ni Jane.
"Kuya sandali lang. Hintayin mo ako, kaya pala nagmamadali ka nandun pala si bebeluvies sugarplum mo ha," paghabol na wika ni Jane nang matapos nya ang pagtatanggal ng roller blades na sinamahan nya rin ng panunukso.
"Manahimik ka nga dyan," naiinis na sagot ni Karl sakanya na patuloy parin sa paglalakad palayo.
...
Lumabas si Giovanni at Red sa Roller Disco nang may madinig si Red na familiar na boses kaya napalingon sya sa pinanggalingan nito. Dahil sa karamihan ng tao, hindi nya malaman kung sino sakanila ang narinig nya, ngunit isang taong nakatalikod ang tinutukan ng mga mata nya. Inaalala nya kung saan nya ba ito nakita.
"Riri, are you ok? Sino hinahanap mo dyan?" Concerned na tanong ni Gio sakanya.
"Wala, wala, may narinig lang ako akala ko kilala ko," sagot naman ni Red at tumango naman si Giovanni at pinaupo sya nito para tanggalin ang roller blades sa paa nya.
"Saan tayo next?" Tanong ni Giovanni matapos nyang tanggalin ang suot ng roller blades ni Red at isinuot ang rubber shoes nya.
"Tara arcade tayo," pag-aaya ni Red matapos magsuot ng sapatos ni Giovanni at nauna syang naglakad. Nakangiting sumunod si Giovanni sakanya habang excited syang naglalakad.
...
"Ikaw kasi, bakit ka ba umiiwas sakanya? Ayan tuloy naunahan ka," patuloy na panunukso ni Jane sa kapatid nya habang bumibili sila ng pagkain sa loob ng mall.
"Kailangan kong lumayo para makapag-isip-isip," katwiran naman ni Karl pero inirapan lang sya ni Jane.
"Ano? Hahanapin mo sarili mo?"
"Parang ganun na nga."
"Edi sana humarap ka sa salamin para makita mo sarili mo."
Napailing-iling nalang si Karl at nauna nang maglakad bang makabili na sila ng pagkain at sumunod naman si Jane sa likuran nya habang kinakain ang binili nilang ice cream rolls. "Pero siguro nga tama sya, madami ka pa kasing hindi alam about her," saad naman ni Jane kaua napatigil naman si Karl sa paglalakad kaya nauna ng kaunti sakanya si Jane.
"Pano mo nalamang yan yung sinabi nya saakin?" nagtatakang tanong ni Karl kaya napatigil din si Jane sa paglalakad.
"Kinuwento– Kinuwento mo saakin," kinakabahang sagot ni Jane sa kapatid nya.
"Wala pa akong kinukwento sayo, Jane," pangpaprangka ni Karl kaya napalunok naman ng ilang beses si Jane at hindi hinaharap si Karl.
"Nakinig ka sa usapan namin noh," wika ni Karl at may kasamang panunukso sa boses nya kaya nakahinga ng maluwag si Jane at hinarap si Karl na may malaking ngiti sa labi.
"Ah, oo, ang tagal mo kasing bumalik eh kailangan nating mag family picture, you know minsan lang ako mag debut kaya ayun sinundan kita and narinig ko usapan nyo," kinakabahang tugon ni Jane, nag-aya narin syang umuwi at naunang naglakad habang si Karl ay naiwang nagtataka.
"Hindi nya sinabi yun saakin nung debut ni Jane, sinabi nya saakin yun tapos na yung debut, kung kinuwento ni Red sakanya imposibleng nakalimutan nya ang mga detalye, matalino syang chismosa laging may resibo kaya imposible. Anong tinatago mo, Jane, o baka napapraning lang ako dahil sa nalaman ko kay daddy ngayon," wika ni Karl sa isipan pero iniwaksi nya muna iyon at pinili g sumunod sa kapatid nyang papunta nang parking lot.
-----------------------------------
Tuwang-tuwa naman si Red at sobrang energetic dahil narin sa nakakatatlo na syang inom ng chuckie na binili nila. Naglalaro sila ngayon sa arcade at tuwang-tuwa naman si Red habang may nakukuha si Gio na mga stuff toys sa claw machine.
"Ang cute nun, ayun ayun!" Excited na turo ni Red sa maliit na sheep stuff toy.
"Alin dito yung pink, white or purple?" tanong ni Gio bago ihulog ang token para simulan ang claw machine.
"Yung white po," request ni Red kaya yun ang kinuha ni Gio, tuwang-tuwa naman si Red nang makuha ni Gio ang gusto nyang stuff toy.
Madami na rin ang nakuha nilang mga stuff toys galing lang sa mga claw machines, hindi na rin alam-alam ni Red kung papaano nya hahawakan ang lahat dahil malalaki rin yung iba.
"Akin na, ako magbibitbit nyan," alok ni Gio at binibit ang mga stuff toys ni Red.
Nagpatuloy pa sila sa paglalaro hanggang maubos na ang token nila. Hindi na rin bumili ng panibagong token si Giovanni nang nakaramdam sila ng gutom at dahil maghahapon na rin, nagkayayaan silang kumain sa Jollibee.
-----------------------------------
Tahimik lang sa isang gilid ng malaking fountain si Scale at nakatingin sa malayo habang umiinom ng nakalatang beer.
"Layo ng tingin mo ah, abot Pluto ah," tukso ni Sorpia at napalingon naman sakanya si Scale.
"Ayan ka nanaman sa panunukso mo, nananahimik na nga ako dito ikaw naman tong panay tukso saakin," reklamo ni Scale nang tabihan sya ni Sorpia.
"Ikaw kasi ang layo ng iniisip mo, para namang ikaw yung nagbabayad ng utang ng Pilipinas," panunukso ulit ni Sorpia sabay bukas ng isang lata ng inumin at sinabayan sa pag-inom si Scale.
"Ako nanaman nakita mong pagtripan," reklamo ni Scale at tinungga ang alak na hawak nya.
"Oo eh, wala kasi si Desa, may date sila ni Severo tapos si Red may date rin kaya wala kang choice, ayoko namang maging lonely ang mahal ko," wika ni Sorpia pero binulong nya lang ang huling sinabi nya kaya hindi ito narinig ni Scale.
"Ha? Ano yung binulong mo?" Tanong naman ni Scale at umiwas ng tingin si Sorpia.
"Ang sabi ko sasamahan kita dito kasi ang lonely mo," pagsisinungaling ni Sorpia at nagbukas ulit ng panibagong alak.
"Akala ko ba may pupuntahan ka, diba sabi mo aamin ka na dun sa crush mo bakit nandito ka," nagtatakang tanong ni Scale na nakapag-pabuntong hininga kay Sorpia.
"Kaya nga ako nandito kasi aamin ako," saad ni Sorpia at napatingin sakanya si Scale.
"Ha?" Naguguluhan tanong ni Scale kaya napairap naman si Sorpia.
"HAKDOG!"
"Galit agad, hindi kasi kita na gets! Anong ibig mong sabihin na aamin ka sa crush mo," dagdag pa ni Scale at bumuntong hininga nalang ulit si Sorpia at tumayo.
"Ewan ko sayo ang slow mo," sagot ni Sorpia at naglakad papasok ng mansyon. Naiwan naman mag-isa si Scale na naka-upo sa fountain gulong-gulo.
"Baliw talaga yun, nagagalit agad nagtatanong lang naman ako eh. Sabi nya kanina saakin puntahan nya daw yung mahal nya at aamin na sya tapos ngayon pumunta sya dito para tuksuhin ako tapos may aaminin daw, baliw," wika ni Scale sa sarili at ininom ang bagong bukas na beer sa kamay nya. Hindi naman maiwasang isipin ni Scale kung bakit sya nasabihan na slow ng kaibigan, bigla nya namang narealize kung ano ang ibig sabihin ni Sorpia kaya naibuga nya ang beer na iniinom.
...
Kakarating lang ni Karl at Jane sa CZ dahil nag-aya si Jane na puntahan nila si Red. Bubusina na sana si Karl para mapagbuksan sila ng gate pero bigla nalang itong bumukas. Nakita nila ang sasakyang Rolls Royce na pagmamay-ari ni Red palabas ng gate, nilabas naman ni Jane ang kalahati ng katawan nya sa bintana ng kotse para tawagin si Red at kumaway dahil hindi nya napansin ng dalaga.
"Ate Red!" Tawag ni Jane sa dalaga pero hindi ito lumingon at nagpaharurot paalis na para bang wala syang narinig.
"Umayos ka na ng upo papasok na tayo, baka nagmamadali yun," wika naman ni Karl at umayos ng upo si Jane bago paandarin ang kotse papasok ng CZ. Pagkapasok nila ay nakita kaagad nila si Ella sa beranda ng mansyon.
"Hello po, Nay. Bakit parang nagmamadali po si ate Red?" Tanong ni Jane sa ginang nang matapos nilang makipag besohan.
"Nagkaproblema kasi sa R Empire dito sa QC, kakarating nya lang dito tapos may tumawag sakanya kaya umalis kaagad sya," sagot ni Ella sa tanong ni Jane kaya tango lang ang sagot ng dalaga kay Ella.
Ella warmly welcomed them and invited them inside the house for a snack and some light conversation.
-----------------------------------
Naghihintay si Spades sa Casa de la locura dala-dala nila si Jhonsin.
"Ano ba ang plano sa lokong 'yan?" Tanong ni Clover, isa sa mataas na opisyal sa Thorns.
"Ganun parin, kung ano ang ginagawa ni Rosa sa mga lalaking kagaya nya, ganun din ang gagawin natin sakanya, hintayin nalang natin si Rosa, papunta raw sya," sagot ni Spades kaya tumango naman si Clover at nagsindi ng sigarilyo nya. "Nasaan na ba yung iba?" Dagdag na tanong ni Spades nang mapansin nyang si Clover lang ang nasa Casa pagdating nya.
"Busy eh, may kani-kanilang agenda ngayon," sagot ni Clover at nagpatuloy sa pagsipsip sa sigarilyo at pagbuga ng usok nito. Dati ay Walo sila ngayon ay pito nalang ang matataas na opisyal sa Thorns liban kay Inang Rosas dahil sa pagkamatay ni Orlaya, ang sharpshooter sa Thorns. Sa pitong yun ay may mga gawaing nakatoka sa bawat isa sakanila.
Si Spades ang pinakamatanda sakanilang lahat at kamang-kamay ni Inang Rosas, Si Daisy ang ate sa grupo at spy na ngayon ay nasa Italy nag-eespiya sa kalaban nila, si Dahlia ang proxy ni Inang Rosas na madalas ay sya na ang gumagawa ng mga pagpatay at pagparusa sa mga lalaking nahuhuli nila, mga lalaking mapang-abuso at nangaagrabyado, si Clover ang magaling na hacker ng Thorns, buong CCTV sa Pilipinas ay nakaya nyang ihack paminsan-minsan ay ginagawa nya ito pampalipas ng oras at ito rin ang ginagamit nila para makita kung sino ang mga lalaking hahatulan nila ng kamatayan, si Lily ang lawyer o ang boses ni Inang Rosas kung meron mang mga importanteng usapan o kita-kita sa mga underground businesses, si Orchid isa sa pinakabata pero isa rin sa mahirap kalabanin dahil sa angking katalinuhan nito at galing sa pagmamanipula ng tao. Limang taon na rin ang nakalipas noong mamatay si Orlaya pero hindi parin sila nakakahanap ng ipapalit sa ginang dahil mahirap tapatan ang kakayahan nito at respeto narin kay Spades dahil si Orlaya ang pinakamamahal nyang asawa, dating chief ng pulisya.
"Ilang beses ko bang sasabihin na wag na wag kang maninigarilyo dito sa loob ng casa, kung gusto mong manigarilyo doon ka sa labas ng gate," saad ng isang babaeng kakapasok lang ay may suot na maskarang ginto at nakasuot ng pulang mahabang dress, umalingawngaw ang tunog ng pulang stilleto nya sa buong sala habang naglalakad sya palapit kila Spades.
Nagulat naman ang dalawa at nataranta si Clover kung saan nya itatago ang yosi na hawak nya kaya sinubo nya nalang ito ng buo kahit kakasindi nya palang. Sabay na yumuko si Spades at Clover bilang paggalang nang dumaan si Inang Rosas sa harapan nila. Nang makalampas na si IR ay agad namang iniluwa ni Clover ang sinubong yosi, napadura-dura sya at pinagpag nya ang dila dahil sa init na pumaso sa dila nya.
"Ayan kasi, ang tigas ng ulo mo tapos matataranta ka kung mahuhuli ka ni Rosa," tukso ni Spades kay Clover at tinawanan ang dalaga bago sumunod kay Inang Rosas sa torture room.
"Kainis!" Buwelta pa ni Clover at pumunta ng kusina para magmumog.
...
"Gisingin nyo yan, ayoko sa lahat ang tinutulugan ako," utos ni Inang Rosas kaya sinabuyan ng mga tauhan ni IR ng malamig na tubig si Jhonsin, dahilan para magising at manginig sya sa lamig. "Good afternoon, kamusta ang morning nap?" Mapang-asar na tanong ni Inang Rosas sa lalaking ngayon ay nakagapos sa upuang nakasemento na sa sahig, tanging matalim na titig lang ang iginawad ni Jhonsin kay IR kaya mapaklang natawa si Inang Rosas.
"Tagilin na nga yang ilong mo, nagawa mo pa akong tingnan ng masama, lakas naman ng guardian demon mo. Masamang damo ka nga walang duda," dagdag pa ni Inang Rosas.
"Si Karl ang may gawa nyan," pag-amin ni Spades kaya napalingon sakanya si Inang Rosas.
"Si Karl, yung anak mo?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga at tumango si Spades.
"Ginalit nya eh, babakla-bakla lang yun pero nag-gym yun," sagot ni Spades na ikinamangha ni Inang Rosas.
"Magaling, pwede na syang maging otolaryngologists, ganda ng pagkakagawa oh," sambit ni Inang Rosas at halata ang pang-aasar sa boses nya. "Tanggalin nyo yan sa upuan, hayaan nyo syang lumaban, kalasan nyo, mas exciting kapag lumalaban yung tatagain mo," dagdag pa ni Inang Rosas at kinuha ang bolo na nakalatag sa mahabang mesa kasama ang iba pang gamit.
Agad tumakbo palapit si Jhonsin pero napahinto sya nang biglang itutok ng direksyon ni Inang Rosas ang bolo sa kanang mata ni Jhonsin, isang maliit na galaw nalang ay matutusok na ang mata ng lalaki.
"Gusto ko ang kulay ng mata mo, pero aanhin mo ang dalawang matang nakakakita kung ginagamit mo naman ito sa mga walang kakwenta-kwentang bagay!" Gigil na gigil na wika ni Inang Rosas sabay sipa sa dibdib ng lalaki kaya tumilapon ito.
"Ito para to sa mga batang babae na inabuso mo!" Wika ni Red at sinipa sa tyan ang lalaki. "Para ito sa mga menor de edad na mga babaeng dinadala at binebenta nyo sa bar at sa ibang dayuhan!" Patuloy na wika ni Inang Rosas at patuloy rin sa pag-sipa sa bawat parte ng katawan ng lalaki kaya napadaing nalang ito sa sakit at hinang-hina. Ipinatong ni Inang Rosas ang paa nyang nakasuot ng pulang stilleto sa dibdib ni Jhonsin.
"Para ito sa lahat ng inalipusta mo," diin wika ni Inang Rosas sabay sa pagdiin nya ng stilletong pula sa dibdib ng lalaki kaya napahiyaw ito sa sakit.
Pinagmasdan ni Spades kung paano unti-unti mawalan ng hininga ang lalaking inaapakan ngayon ni Inang Rosas pero para kay IR ay hindi pa sapat ang lahat ng iyon. Nagulat nalang ang tao sa paligid nila nang bigla nyang tinaga ang lalaki ng ilang beses.
"Your highness," pigil ni Spades kay Inang Rosas at inilayo sya. Hingal na hingal ang dalaga dahil sa pagod at galit na nadarama nya, mahigpit rin ang hawak nya sa bolong ginamit nya sa lalaki, naghalo rin ang pawis nya at ang dugo ng lalaking tumalsik sa mukha nya.
—♡—
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top