31

Naunang nagising si Red at nag inat saka tinitigan ang mukha ng ate nya. "Good morning," bati nya rito. Napamulat si Blue sa nagsalita sa tabi nya at bumungad sakanya ang nakangiting si Red na nakasuot din sa oversized shirt nya.

"Ang aga mo naman nang gigising, hindi ba masakit ulo mo?" tanong ni Blue at umiling iling naman si Red.

"Aba! Ganun na karami ang nainom mo hindi sumakit ang ulo mo, wala kang hangover?" Manghang tanong ni Blue habang si Red naman ay proud na proud sa sarili nya.

"May super powers ako eh," proud na proud na sinabi ni Red habang nakangisi.

"Hindi yan super powers, immune ka na yata," biro ni Blue at natawa. "Ang hilig mo magsusuhot sa mga butas butas noh," dagdag pa ni Blue kaya natawa naman silang dalawa dahil sa biro nya at nagyakapan sila ng mahigpit, napuno ulit ng katahimikan ang buong kwarto nang nanahimik silang dalawa para maglambing lang sa isa't-isa.

Hindi rin nagtagal ay umalis si Red sa loob ng oversized shirt ng ate nya at umupo sya para gumamit ng nebulizer na inilahad sakanya ni Blue. Matapos ang limang minuto ay naubos nadin ang gamot sa nebulizer cup, itinabi ni Blue ang nebulizer saka hinarap si Red, agad naman syang nag alala nang makita nyang hindi maganda ang reaksyon sa muka nya.

"Are you ok?" Nag aalalang tanong Blue.

"Lagi nalang yan ang tanong nyo saakin," inis na sagot ni Red dahil rinding rindi na sya sa pareparehong tanong ng mga tao sa paligid nya kapag mag iiba ang ekspresyon o kilos nya.

"Alangan namang tanungin kita kung buhay ka pa ba edi mas malalayon, now tell me ano nararamdaman mo," tanong ulit ni Blue.

"Tawagin mo nalang si Desa, sya na yung bahala," wika ni Red at iniiwasan ang mga tanong ni Blue pero nagulat nalang sya nang bigla syang hawak ni Blue sa magkabilang balikat at pinihit sya paharap.

"No, ako ang nurse mo ngayon kaya tell me anong nararamdaman mo," may diin wika ni Blue.

"Ay selosa?" Pabirong tanong ni Red nang mapansin nya ang pag iibang ng tono ng boses ni Blue nang sabihin nyang si Desa na ang bahala pero nawala ang ngiti nya nang makita nyang hindi nakangiti si Blue. "Which one? Mentally or physically?" Dagdag pa ni Red.

"Physically," simpleng sagot ni Blue.

"Dizzy and nauseous," sagot rin ni Red habang inaayos ang pagkakasandal sa headboard.

"What about mentally," biglaang tanong ni Blue kaya natigilan si Red, hindi sya kaagad nakasagot at dinaan nya nalang ito sa mahinang pagtawa. "Makikinig ako," dagdag pa ni Blue kaya napalingon naman sakanya si Red at natagalan bago sumagot.

"Si ate naman parang ano, joke lang," wika ni Red, pambawi sa tinanong nyang mentally or physically kay Blue.

"Seryoso ako, Tala. What about mentally," pag-uulit ni Blue sa tanong nya kaya napabuntong hininga nalang si Red.

"Nakita ko si Venus nung isang araw, nakita ko sya sa mall. Akala ko, akala ko naka move on na ako," agad syang napaiwas ng tingin nang maramdaman nyang nanubig ang mga mata nya. "Akala ko nung pinagmuka nya saaking hindi pwede, nung pinakilala nya sakin yung boyfriend nya, akala ko naka move on na ako, kasi flirt lang naman yun hindi totoo yun, ayokong mag commit," dagdag pa ni Red. She cleared her throat before continuing, napaiwas naman ng tingin si Blue dahil alam nya kung ano o sino ang tinutukoy ng kapatid nya.

(Now Playing: Tahan na by Hannah Precillas)


Pinunasan naman ni Blue ang tumulong luha sa pisngi ng kapatid nya. "Ate mahal ko si Venus pero ayoko nang masaktan, ayoko nang umiyak, ayoko nang madurog ulit, ayoko na. Pero ate ang sakit, ang sakit sakit, ayoko na ate. Ang tanga tanga ko, nahulog ako sakanya di ko man lang inisip, nagbulagbulagan ako sa pwedeng mangyari," tuloy-tuloy na wika ni Red at tuluyan na syang napaiyak kaya niyakap sya ni Blue at hinagod ang likod nya.

"Nagmahal ka lang. Hindi masama ang masaktan, ang maging tanga, ang maging bulag, kailangan din natin mapagdaanan yan para makarating sa tamang landas at tamang tao, pero sana wag mong gawing kapansanan ang pagiging tanga at pagiging bulag, choice wisely lalo na sa sitwasyon mo ngayon," dagdag pa ni Blue at hinawi ang buhok ni Red at inipit ito sa likod ng tenga nya.

Humiga ulit si Blue at madahang hinila pahiga si Red at niyakap ulit habang si Red naman ay yumakap sa bewang nya.

"Ayoko lang, makitang nasasaktan ka. Gagawin ko ang lahat, wag ka lang masaktan," dagdag pa ni Blue. "Huwag mo na akong iwanan ha," paglalambing ni Red sa ate nya at tumango naman si Blue.

Tumahimik ulit ang paligid at nanatili ang dalawa sa pwesto nila ng tahimik, napalingon si Blue sa kapatid nya nang hindi na ito gumalaw at nakita nyang nakatulog na pala si Red sa kakahikbi at inayos naman ni Blue ang pagkakahiga nya saka sinuklay suklay ang buhok ni Red gamit ang mga daliri nya.

"Nangako ako dati, gagawin ko ang lahat maprotektahan lang kita at hindi padin magbabago ang pangako ko sayo. Poprotektahan kita palagi, mahal na mahal kita Tala," wika ni Blue habang nakatingin sa kapatid nya at sinusuklayan ang tulog na si Red.

"Gagawin lahat ni ate mapasaya lang kita. Gagawin ko ang lahat bumalik lang ang dating, Tala, lalo na yung bungisngis," dagdag pa ni Blue.


...


Pumasok si Blue sa kwarto ni Red sa ospital dala-dala ang 18 red roses at strawberries na nakatago sa likod nya.

"Ang lungkot mo naman, birthday kaya natin," bungad ni Blue pagkapasok ba pagkapasok nya mismo sa hospital room ni Red.

"Nandito ako oh, may swero, may oxygen, nakaratay sa hospital bed," inis at nalulungkot na wika ni Red. Nagkatinginan nalang sila Blue at Ella at sabay na napabuntong hininga.

"May surprise ako, pikit ka," wika ni Blue at kahit na nagdadalawang isip si Red ay pumikit padin sya.

"No peeking ha," wika ni Blue at tumango naman si Red. "Ok, open your eyes na," dagdag pa ni Blue at binuksan ni Red ang mga mata at tumambad sakanya ang bouquet of red roses and boxes of strawberries, agad umaliwalas ang muka nya at ngumiti saka niyakap nya si Blue at napangiti din si Ella sa nakita nya.

...

Napalingon si Blue sa babaeng nasa sofa na nakapangalumbaba nakatingin sa papel at malungkot; napabuntong hininga nalang sya at pumunta ng kusina.

Napasandal si Red sa sofa na kinauupuan nya nang may kumalabit sa likod nya kaya napalingon sya at may dalawang candied strawberry na nasa stick.

"Don't be sad na, I'm sure next time perfect mo na yan," said mommy berry to baby berry, and baby berry smiled at mommy berry and said thank you, Berry much," wika ni Blue na nagtatago sa likod ng sofa kaya napangiti naman si Red.

"Joke ba yun?"

Tumayo naman si Blue at lumabas sa pinagtataguan nya saka tumabi kay Red sa sofa. "Sana, pero parang hindi ka naman natawa, nood tayo anong gusto mo," sagot naman ni Blue.

"You don't like cartoons," nagdadalawang isip na tanong ni Red.

"Dalian mo na baka magbago pa isip ko," sagot naman ni Blue kaya gumuhit ang malaking ngiti sa labi ni Red at agad naghanap ng magandang cartoons, inabutan naman sya ni Blue ng strawberry ice cream.

...

"Excuse, makikidaan. Makikidaan po. Ayun sya nay," turo ni Blue kay Red na hinahanap din sila.

"Ri, anak!" Tawag ni Ella sa anak. Napalingon naman si Red sa tumawag sakanya at napangiti saka lumapit sakanila.

"I won! Sayang di nyo nakita," wika ni Red at parang rollercoaster of emotions ang nararamdaman nya.

"Anong hindi, nandito kami kanina pa napanood ka namin hindi lang kami nagpakita kasi isusurpresa ka namin," pangbubulgar ni Ella kaya parang nagnining ang mga mata ni Red nang marinig nya yun.

"Talaga?!" excited na tanong ni Red at napayakap sa nanay nya.

"Ang galing mo, ang bilis, parang kang si tatay, manang mana, parang hangin. Ang bilis mong magmaneho," pagpupuri ni Blue at manghang mangna.

"Malamang racecar nga diba," pamimilosopo ni Red kaya muntik na syang makurot sa tagiliran ni Blue kung hindi sya nakaiwas.

"Proud na proud kami sayo basta dito lang yung race ha wag sa highway," paalala ni Ella kaya natawa naman ang kambal. "Meron pa pala kaming surprise. Hindi lang kaming dalawa ang nakapanood. May nakumbinsi si Blue na sumama," dagdag pa ni Ella.

"Red, galing mo," napalingon sya sa likod nya at naluha nang makita nya si Hernan papalapit sakanila, nilingon nya si Ella at Blue na nakangiti din sakanya. Tumango naman si Ella at agad tumakbo palapit si Red sa tatay nya at yumakap.

Nilingon nya ulit si Blue and mouthed 'Thank you at nginitian naman sya nito bilang ganti.

"Saan nyo gustong kumain?" tanong n Hernan sakanila at 'Jollibee' naman ang sigaw ng kambal.

"Teka, picture muna tayo," wika ni Ella at tinawag si Giovanni na kaibigan ng kambal para picturan silang pamilya, magkatabi ang kambal habang napapagitnaan sila ng magulang nila.

"Thank you ate," bulong ni Red kay Blue na katabi nya lang.

"Wala yun, manalo ka lagi para lagi tayong may Jollibee," biro ni Blue sakanya kaya natawa sila.

...

Napangiti nalang sya habang inaalala ang mga alaalang yun at napalingon sa phone nya nang biglang may tumawag sakanya na work related.

"I have to go na," Hinalikan ni Blue sa noo ang kapatid at dahan dahang tinanggal ang kamay nito na nakayakap sakanya at dahan-dahan ding umalis sa kama para hindi ito magising.

-----------------------------------

Bumaba si Red habang humihikad at nakasuot lang ng oversized shirt, messy hair, barefaced at nakasimangot.

"Good morning po, Ms. Red," bati ng isang lalaki kaya napalingon si Red at natigilan nang makita nya si Micheal naka upo sa sofa. Nanlaki naman ang mata nya at para syang boomerang na dali-daling bumalik sa taas at tinawag si Scale.

"Anong Snapchat mo?" Tanong ni Scale kay Michael at hindi pinapansin ang pagtawag ni Red sakanya.

"Wala akong Snapchat eh," nahihiyang sagot ni Michael.

"Instagram nalang meron ka ba?" Tanong ulit ni Scale nang sumigaw ulit si Red.

"Scale! Kapag hindi ka pa talaga umakyat dito tatanggalan kita ng hasang!" hiyaw ni Red kaya napatayo naman si Scale.

"Sandali lang ha, wait for me," pagpapaalam ni Scale at umakyat.

Hindi naman nakaligtas si Micheal sa matalim na titig ni Sorpia sakanya.

...

"Anong ginagawa ni Micheal dito?" tanong ni Red habang naghihilamos.

"Nililigawan ako," pilyang saad ni Scale.

"What?" takang tanong ni Red sakanya kaya napa-iling sya.

"Ang sabi ko pinapunta mo sya dito diba bakit ka nagtataka?" Pangangatwiran naman ni Scale.

"Oo, pinapunta ko sya dito, but not this early, hindi pa nga siguro tumitilaok yung manok nandito na yan," inis na wika ni Red at inayos ang kama nya.

"Natilaok na ho," simpleng sagot ni Scale.

"Natilaok na? Bakit may manok ba dito?"

"Oo, yung kapit bahay."

Napahilamos ng kamay si Red at napabuntong hininga sa sagot ni Scale.

"Kelan pa nagka manok dito sa Forbes? Lumabas ka na nanggigigil ako sayo, lumabas ka na at baka mapisa ko pa yang pigsa mo," wika ni Red at napaigting ang panga nya.

"Wala akong pigsa noh! Che! Dyan ka na nga magpapacute pa ako," pagmamaldita ni Scale. Hindi naman makapaniwala si Red sa narinig at nakitang pagmamaldita sakanya ni Scale.

"Iba talaga tong Australianang hilaw na to, napaka unpredictable, kaloka," wika ni Red sa sarili at pumasok ng banyo para maligo.

-----------------------------------

Bumaba si Red nang naka-ayos at nakabihis. "Let's go, Micheal," pag-aaya ni Red kaya tumayo naman si Michael.

"Uhm saan kayo pupunta?" Tanong ni Scale kaya napalingon naman si Michael sakanya.

"Kahapon sinabihan ako ni Ms. Red na pupunta kami sa bahay," paliwanag ni Micheal.

Naunang maglakad si Red saka sumunod naman si Micheal sa likod nya, agad namang nilapitan ni Gio si Scale. "Bata, sino yun?" Tanong ni Giovanni sakanya.

"Si Micheal, Baby ko," sagot ni Scale habang pinapaliit ang boses nya na para bang nagpapacute habang nakatingin kay Micheal.

"May boyfriend ka na? Alam ba ng kuya mo?" Gulat na tanong ni Giovanni kaya napakamot ng ulo si Scale, bukod kasi kay Severo na half brother nya ay naging kuya rin ang turing nya kay Giovanni.

"Hindi ko sya boyfriend, well, hindi pa. Employee sya ni Ms. Red sa Bloom Maker," paliwanag ni Scale kaya napailing-ilng si Giovanni.

"Saan daw ba sila pupunta?" Pagbabago ng usapan ni Giovanni. "Sa bahay daw ni Micheal," sagot naman ni Scale.

"Samahan natin, bata, baka ano gawin sa baby ko," sabi ni Giovanni at halos humaba na ang leeg sa kakasilip kung nasaan na sila Red.

"Baby mo? Bakit kayo na ba?" Pagbalik ni Scale ng panunukso kay Giovanni kaya napasimangot naman ang binata.

"Hindi, hindi pa, ikaw gusto mo bang mawala baby mo? Hindi diba kaya tara na, bata," sagot ni Gio at agad humabol sa garahe.

...

"Ri, sandali!" Tawag ni Gio kaya napalingon si Michael at Red sakanya. "Ako na magmamaneho," dagdag pa ni Giovanni.

"Are you sure?" Tanong ni Red na sasakay na sana sa passenger seat.

"Yeah, just for you," hinawakan ni Gio at hinalikan ang kamay nya kaya pinamulahan sya ng pisngi.

"Napakapal yata blush on mo, Ms. Red, pulang pula oh," tukso ni Scale kaya tinitigan naman sya ng matalim ni Red.

"Pumasok ka na nga dun," inis na wika ni Red kaya bahagyang natawa si Scale at sasakay na sana sa likod ng kotse pero nagulat sya nang mag-unahan si Sorpia at Michael para buksan ang pinto ng kotse. Binigyan ni Sorpia ng matalim na titig si Micheal kaya napabitaw naman ang binata. Nakangiti namang pinagbuksan ni Sorpia ng pintuan ng kotse si Scale.

"Sumakay ka na, pinag-unahan pa nila yan," tukso ni Red kay Scale at pumasok sa passenger seat at pinagbuksan sya ni Giovanni.

Umikot naman si Giovanni para sumakay sa passenger seat habang si Scale at Michael naman ay magkatabi sa likuran ng kotse. Tahimik lang nagmamaneho si Giovanni dahil tahimik lang din naman ang mga kasama nya sa kotse, si Red ay may inaasikasong trabaho sa iPad nya habang si Scale at Michael naman ay nagkakahiyaan.

Nang makarating sila sa labasan doon nalang nila iniwan ang kotse dahil matatagalan lang din sila dahil sa dami ng tao sa paligid at hindi din naman magkakasya ang kotse dahil sa ibang makitid na daanan kaya nilakad nalang nila habang pinapakita ni Michael ang daanan.

"Ri, sure ka dito? You look uncomfortable," bulong ni Giovanni kay Red na kanina pa napatingin sa paligid nya, napapansin ang mga maruruming kanal at ibang pang bahagi, malayong malayo sa tinitirhan nila sa Forbes o sa mga condo nya.

"Hindi ka bagay dito. I mean look around," bulong din ni Scale kay Red nang makita nyang madaming daga sa paligid, may mga batang naglalaro sa gilid-gilid, at may mga nag-iinumang mga siga. "Nakakalat yung putik, naka puting trouser ka pa naman" dagdag pa ni Scale.

"Ayos lang ako, ganito din naman kinalakhan ko, hindi lang talaga ako sanay sa mga ganito kasi madalas akong nasa hospital," sagot ni Red habang sinusubukang itago ang pandidiri pero ekspresyon na nya mismo ang tumatraydor sakanya.

Nang makarating sila sa bahay ni Michael naabutan nila ang lalaking may hawak na tsinelas at parang may hinahampas sa sahig.

"Tay, nandito na po kami," bati ni Michael sa matandang lalaki.

"Micheal, kumuha ka nga ng tsinelas tulungan mo ako hulihin to, hindi na tinatablan ng spray," wika ng tatay ni Michael kaya napatampal ng mukha si Michael sa kahihiyan.

"Tay naman," nahihiyang si Michael.

"Ayun ayun!" sigaw ng matanda at lumingon sa kanila habang nakayuko pa rin at tanging paa lang ang nakikita nya. Nagulat sya nang makita nya ang paang nakasuot ng pulang stiletto at tinapakan ang ipis na kanina nya pa hinuhuli kaya agad syang napatayo ng maayos.

"Tay si Ms. Red po, boss ko. Ah, Ms. Red tatay ko po, si tatay Isyddro," pagpapakilala ni Micheal sa tatay nya.

Nilahad naman ni Isyddro ang kamay nya. "Isyddro Agustin po Ms. Red," wika nya at napatingin naman si Red sa kamay nya. "Ay pasensya na, marumi yung kamay ko," dagdag ni Isyddro at ibababa na sana ang kamay nang tanggapin ni Red ang kamay nya at nakipagkamay.

"Red nalang po, Red Camorra," pagpapakilala rin ni Red at natigilan si Isyddro nang marinig nya ang buong pangalan ng dalaga.

"Anak ka ni?" tanong ni Isyddro at tumango si Red kaya sumeryoso ang muka nya.

"Isa po sa kambal ni Issavella and Hernan Camorra," pagbubunyag ni Red at para namang nakakita ng multo si Isyddro.

"Ka-kamusta ang nanay nyo?" nauutal na tanong ni Isyddro pilit tinitigan ang mukha ni Red na para bang may hinahanap sa mukha nya.

"Maayos naman po sya," simpleng sagot ni Red at tumango naman si Isyddro.

"Mabuti naman, eh, ang tatay nyo?" Tanong ulit ni Isyddro kaya napatahimik si Red ng sandali bago sumagot.

"Patay na po sya, 6 years na," sagot ni Red kaya napatahimik silang lahat.

"Pasensya na," sagot ni Isyddro at ginawaran naman sya ng maliit na ngiti ni Red.

"Ah, pasok kayo pasensya na medyo marumi, naglilinis pa kasi ako eh," nagmamadaling pag-aayos ni Isyddro sa sala.

"Gusto nyo ho ba ng maiinom? Sandali lang," alok ni Isyddro at agad syang pumunta ng kusina.

"Pasok po kayo, Ms. Red," alok rin ni Micheal kaya pumasok naman sila at umupo sa sofa, inalok ni Scale ng alcohol si Red para sa kamay nya pero umiling naman sya.

"Oh my life! Red! OMG, am I dreaming?!" napalingon silang lahat sa sumigaw na kakagaling lang ng paaralan dahil suot nya ang uniform ng Empress University.



-♡-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top