30
Nagkatinginan si Karl at Red pero naunang umiwas ng tingin si Red.
"Bihis lang ako, ang init dito," pagpapaalam ni Red at dinaanan lang nya si Karl na nakatayo sa isang gilid, walang ni isang emosyon ang makikita sa mukha nya. Tinapik nalang ng bahagya ni Scale ang balikat ni Karl bago sumunod sa boss nyang pumasok sa loob ng bahay.
Tinitingnan lang ni Scale si Red habang kumukuha sya ng damit sa closet nya, inoobserbahan ang bawat galaw ni Red.
"Ang panahon ba talaga ang mainit o ang tensyong namamagitan sainyo ni Karl," direktang tanong ni Scale nang makapasok na ng banyo si Red.
"What do you mean?" Tanong ni Red habang nagpapalit ng kumportableng damit.
"Mahal ka ni Karl, Ms. Red," simpleng sagot ni Scale at rinig nya ang pagbuntong hininga ni Red mula sa loob ng banyo. "Alam ko, Scale, nararamdaman ko," sagot naman ni Red.
"Nararamdaman mo naman pala eh, bakit ang manhid mo. Ang galing mong mag-advice na pumili ng maayos eh ikaw nga hindi makapili," panunukso ni Scale pero nagulat nalang sya nang biglaang lumabas si Red ng banyo.
Sya ay nakasuot ng isang marangyang kasuotan na may kasamang cashmere o silk blouse sa isang soft pastel color o classic neutral tone na pinaresan ng silk o velvet lounge pants para sa kaginhawahan at elegansya. Nagdagdag siya ng isang cashmere cardigan o robe para sa karagdagang init at pagiging sosyal. Kasama rin sa kanyang outfit ang velvet slippers o stylish mules na may mga embellishments para sa isang pindot ng kasaganahan. Kasama sa kanyang accessories ang mga delicado at gintong alahas tulad ng isang maliit na kuwintas o bracelet, kasama ng isang silk scarf para sa isang pinong pagtatapos. Ang kanyang buhok ay naka-style nang walang kahirap-hirap, na pinapantayan ng natural na makeup para sa isang pulido ngunit nakarelaks na anyo.
"Kung tinulungan mo sana ako ng pagpili kung ano susuotin ko hindi yung puro ka kuda dyan," inis na utos ni Red kahit na nakabihis na sya.
"May pastel ka palang mga damit dyan?" Nagtatakang tanong ni Scale dahil ngayon nya lang nakita si Red na nakasuot ng mga soft colors clothes dahil lagi syang nakasuot ng dark colors, kung hindi pula ay kadalasan itim ang suot nya.
"Regalo ni Karl," halos ibulong na ni Red ang sagot nya kaya hindi naman narinig ni Scale ang sinabi nya.
"Ha?"
"Regalo ni Karl"
"Ano?"
"Regalo ni Karl!" Nagulat si Scale sa paglakas ng boses ni Red pero napangisi lang sya nang marinig nya ang mga salitang binitawan ni Red.
"Si Karl lang pala ang susi para makapagsuot ka ng mga light colors, naalala ko sya rin yung nakapagpasuot sayo ng cute na dress tapos ang light ng make up mo nun," panunukso pa ni Scale kay Red kaya walang nagawa si Red kundi umirap nalang at bumuntong hininga.
-----------------------------------
Nanonood lang si Karl kila Gio at Red habang ginagawa nila ang short film, sa CZ lang naman ang location kaya hindi na kailangan lumayo pa dahil malaki naman ang casa para maging location.
"Tapang ah, talaga pinanood mo ang taong mahal mo habang nakikipaglambingan at laplapan sya sa iba," panunukso ni Scale kay Karl nang makita nyang nasa gilid lang ito at nanonood.
"Support ako dito wag kang magulo," sabat naman ni Karl at tinungga ang hawak nyang beer.
"Support na may kasamang beer, bongga," tukso ulit ni Scale kaya na-buwisit si Karl sakanya. "Manahimik ka nga dyan nanonood ako," pananaboy ni Karl kaya natawa nalang si Scale at iniwan sya nito, patuloy lang sa pag-iinom si Karl habang pinapanood si Red na maging sweet sa iba. Madami dami na din ang nainom nya kaya medyo nalalasing na rin sya at nabubwisit na rin sa mga nakikita nya kaya grabe ang pasasalamat nya nung natapos ang shooting na parang pakiramdam nya'y napakatagal pa bago matapos.
Inihatid naman ni Giovanni sina Direk Joel at ang mga kasama nya papunta sa gate kung saan nakaparada ang sasakyang dala nila at dumiretso na rin pabalik si Giovanni sa trabaho nya kaya naiwan si Red sa garden at si Karl na nasa mga upuan, nag-iinom. Tumayo si Karl at lumapit kay Red dala ang isang pares ng tsinelas.
"Upo ka, palitan natin yang stilleto mo, tingnan mo may paltos ka na oh," sabi ni Karl habang lumuhod naman sa harapan ni Red at pinauupo sya sa upuang nasa likuran lang ng dalaga. Hindi na nagreklamo pa si Red at umupo na dahil inaamin nyang masakit na rin ang paa nya.
Madahan tinanggal ni Karl ang stilleto ni Red at pinasuot sa dalaga ang kumportableng tsinelas. Matapos mapalitan ni Karl ang suot na pang-yapak ni Red ay tumayo sya para umalis.
"Karl," tawag ni Red sa kanya kaya nilingon siya nito.
"Iniiwasan mo ba ako?" Walang pag-aalinlangang tanong ni Red sa kanya. Maya-maya ay napaiwas ng tingin si Karl at umiling bago magpatuloy sa paglalakad.
"Sandali lang naman!" Inis na wika ni Red at marahas na pinaharap si Karl sa kanya. Nang makalingon na si Karl sa kanya, nakita ni Red ang mga nagbabadyang luha na tumulo na sa pisngi ni Karl.
"Lasing ako, Red, baka ano ang masabi ko sayo," wika ni Karl at tinalikuran si Red, ngunit hindi pa siya nakakaalis nang marinig niya ang magsalita ang dalaga.
"Pwes wag mo akong iwasan, magkaibigan tayo–"
"Magkaibigan?" Pagputol ni Karl sa sinabi ni Red. "Para sayo, magkaibigan tayo, pero para sa akin, Red, mas higit pa dun. Mahal kita, Red. Mahal kita, mahal na mahal, kaya kong ipagsigawan sa buong mundo na mahal kita, kung hahayaan mo lang ako. Handa akong ibuwis ang lahat kahit buhay ko pa, just for you because I love you, I love you more than the life na pinahiram sa akin ng Diyos," dagdag pa ni Karl at pinunasan ang sarili niyang luha saka tumingin ulit kay Red na naluluha na rin.
"Hindi mo pa ako kilala, Karl, madami ka pang hindi alam, at ang mga bagay na yun sigurado akong hindi mo matatanggap at makakaya," sagot naman ni Red at naluha na rin. Lumapit si Karl sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi saka pinunasan ang luha ni Red gamit ang hinlalaki niya.
"Kakayanin ko, tatanggapin kita kasi mahal kita, Red. Kung nagawa kong magpakalalaki para sayo, magagawa ko ring tanggapin ka," kalmado at mahinahong sagot ni Karl kay Red habang hawak nya parin ang pisngi ng dalaga at pinupunasan ang luhang tumutulo sa pisngi nya.
"Don't cry, seeing you cry makes my heart shatter into pieces. Gusto kong pumili ka ng maayos, kung sino man ang pipiliin mo saamin ni Giovanni, kung sya man, nangangako ako, hindi masisira ang pagkakaibigan natin. Gusto kong pumili ka ng mahal mo at mamahalin ka ng buong buo," makahulugang wika ni Karl at tinitigan ang bughaw na mata ni Red.
"Paano kung ikaw ang napili ko, tapos nalaman mo kung sino talaga ako," tanong ni Red at nginitian lang sya ni Karl bago sumagot.
"Magsisinungaling ako kapag sinabi kong matatanggap kita agad-agad pero magsisinungaling din ako kapag sinabi kong hindi na kita mamahalin. Red, kung dumating man ang araw na yun, kakayanin kong tanggapin ka, tao lang din naman ako, kailangan ko pa ng oras para mag sink–in lahat ng impormasyon sa utak ko, kaya kahit matagalan man at kahit siraan ka pa nila sa akin, ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko, kakayanin ko," sagot ni Karl at tumulo ang mga luha nya na syang pinahid rin ni Red gamit ang kamay nya.
"Oo at hindi lang naman ang gusto kong marinig, essay yung sinagot mo saakin eh," biro ni Red kaya bahagyang natawa silang dalawa.
"Ikaw talaga, ang seryoso ng usapan nagawa mo pang mag biro," sagot naman ni Karl manghang-mangha sa pagbibiro ni Red habang nasa kalagitnaan sila ng masinsinang usapan. Madahan nyang pinisil ang tungki ng ilong ni Red at nginitian ang dalaga at ipinikit nya ang kanyang mga mata. Sa sandaling yun, tila huminto ang oras para sa kanilang dalawa. Ang mundo ay nawalan ng kulay at tunog, at ang tanging naririnig ay ang tibok ng kanilang mga puso na nag-uusap nang hindi gumagamit ng salita. Sa bawat halik, tila naglalabasan ang mga damdamin na matagal nang itinago.
-----------------------------------
"Zac, pwedeng pakidala to sa table ng CEO alam na nya ang gagawin dyan. Thank you," kondisyon ni Blue sa binata na dalhin ang mga papeles sa opisina ng CEO nila dahil si Zacxheus din naman ang secretarya ng CEO. Lumabas si Zacxheus dala ang mga papeles, napainat naman si Blue nang biglang tumunog ang cellphone at nakitang si Red ang tumatawag kaya nakangisi nyang sinagot ang tawag.
"Hello my sister akala ko ba wala kang load–" sagot ni Blue sa tawag at manunukso pa sana sya pero natigilan sya nang may marinig syang humihikbi mula sa kabilang linya.
"Are you ok? Umiiyak ka yata, may masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong Blue.
"Yung puso ko, anong oras uwi mo?" Tanong ni Red habang humihikbi.
"Sumasakit puso mo? Nakainom ka na ba ng gamot? Maya-maya pa ako makakauwi eh, nandito kami ngayon ni nanay sa opisina may tinapos lang ako, sino kasama mo dyan ha," sunod-sunod na tanong ni Blue sa kapatid.
"Hindi ako inaatake ng sakit ko, ibang sakit to eh, inom tayo," pag-aaya ni Red kay Blue habang pasinghot-singhot pa sa kabilang linya. Sasagot pa sana si Blue nang biglang namatay ang tawag, nagtaka naman si Blue sa inasal ng kapatid.
"Sya na pala nag-aaya ngayon, dati sya yung nag-iintay ayain," wika ni Blue at lumingon kay Ella na katabi nya lang.
"Tunog broken-hearted ang bunso, mukhang gulong-gulo na sa dami ng nakapila sakanya," biro ni Ella at bahagya silang natawa. Pinasundo nalang ni Blue si Ella kay Scale at inihatid sya ni Zacxheus sa bar kung nasaan si Red ngayon.
"Are you sure di na kita sasamahan? Why here? Delikado dyan, may alak naman sa bahay nyo ah," nag-aalalang tanong ni Zacxheus pero umiling lang si Blue.
"Ayos lang, baka magalit si Red. Don't worry hindi ako iinom ng sobra-sobra kasi kailangan ko ring iuuwi yung kapatid kong paniguradong lasing na ngayon. Sige na, ingat ka sa daan ha," habilin ni Blue saka tumango naman si Zacxheus at hinintay nya muna na makapasok si Blue bago sya umalis.
Agad din namang nahanap ni Blue ang kapatid dahil doon naman sya laging pumepwesto, medyo lasing na din si Red kaya medyo maluwag na ang turnilyo nito at ang ingay na nya.
"Tala, ang tigas talaga ng ulo mo, alam mo namang bawal sayo ang mag inom pero here you are, drunk," wika ni Blue at tinabihan ang kapatid na kung bibilangin ay nakakalimang bote na.
"Ang hirap, ate. Ang hirap pumili," wika ni Red at humikbi, hinagod naman ni Blue ang likod ng kapatid nya. "Bahala na! Kampay!" Hiyaw ni Red kaya napailing nalang si Blue at tinungga ang alak sa baso na sinalin ni Red kahit masyadong madami.
Lumipas ang oras lasing na lasing na si Red habang si Blue at konti lang ang nainom habang kino-comfort si kanina pa umiiyak at nag rarant sakanya. Swerte naman ni Red dahil kahit ganun na karami ang nainom nya ay hindi parin syang inaatake ng sakit nya, siguro nga ay immune na ang katawan nya sa pinaggagagawa nya.
Hanggang sa byahe ay hindi parin tumitigil sa pag dadaldal si Red na nasa passenger seat habang si Blue naman ay focus sa pagmamaneho. Nakahanap naman ng kaunting solusyon si Blue sa kaingayan ng kapatid nya, binigyan nya ng natitirang chicharon si Red at ngayon ay kaingayan naman ng chicharon ang problema nya hanggang sa makarating sila ng CZ.
"Duck cover and hold," wika ni Red at agad namang dumapa at gumapang papasok kaya hindi napigilan ni Blue ang matawa, maging si Ella ay natawa nadin sa pinaggagagawa ng anak nya.
"Papatulugin ko na po," pagpapaalam ni Blue kay Ella at agad nyang nilapitan kapatid at pinatayo, halos sumemplang naman silang dalawa dahil kung saan saan hinihila ni Red ang ate nyang umaalalay sakanya papasok ng mansyon, mabuti nalamang ay nakita sila nina Sorpia, Scale, at Desa saka nila tinulungan si Blue.
"Naglasing nanaman sya," wika ni Sorpia at napabuntong hininga.
"Vroom vroom," biglang sabi ni Red kaya natawa naman silang apat.
"Anong vroom vroom ka dyan. Oh eto, si Nena muna, si Nena," wika ni Scale at parang di-susi si Red at pumwesto ginaya ang ginawa ni Maris Racal sa patok na movie nya.
"Five, six, seven, eight, si Nena ay baby pa, ang sabi nya ay mm-ah mm-ah-ah," kanta nilang apat sabay halakhak habang si Red naman ay ginagaya ang mga aksyong ginawa ni Maris sa movie.
"Isa pa, isa pa, si Nena ay high school," wika naman ni Sorpia at umayos ulit ng tayo si Red.
"Tama na yan, pinagtitripan nyo na," natatawang wika ni Blue at inayos ang buhok ni Red.
"Away ako Karl Karl," wika ni Red na parang bata at saka ngumuso.
"Aww away ka ni Karl Karl? Lika dito, away ni Karl Karl ang baby namin," paglalambing ni Desa kaya lumapit si Red kay Desa at yumakap sa bewang nito, medyo nagselos naman si Blue dahil sa nakita nya.
"Ikaw kasi di mo pinaniwalaan tas nirereject mo pa. Maghahanap ng iba yun," gatong naman ni Scale kaya napahikbi nanaman si Red.
"Subukan nya lang," sabi ni Red habang humihikbi.
"Nirereject mo tas ayaw mo maghanap ng iba, dati ka bang clown?" Tanong naman ni Desa kaya napasimangot ulit si Red.
"Away nila ako, ate oh," lumipat ng yakap si Red at yumakap sya kay Blue.
"Aw, away ka nila? It's ok, don't cry na," wika ni Blue at hinihimas ang ulo ng kapatid nya habang nakayakap sakanya.
-----------------------------------
"Psst! Psst, huy!" tawag ng babae kay Blue pero mahimbing syang natutulog kaya lumapit nalang ang babae at dahan dahang humiga sa kabilang side ng kama.
"Hmm! Ano ba, ang kulit, natutulog ako eh," inis na wika ni Blue habang si Red naman ay patuloy sa pangungulit kay Blue. Hindi makatulog si Red sa higaan ni Blue kaya patuloy sya sa pag ikot-ikot, nasanay kasi sya sa kama nyang malambot kahit malambot din naman ang kama ng ate nya pero hindi kasing lambot ng kama nya.
"Tumigil ka nga natutulog yung tao eh," wika ni Blue kaya napalingon sakanya si Red nang bigla syang magsalita habang nakapikit.
"Naka hubad ka ba? Hanggang ngayon ganyan padin hobby mo? Nakahubad pag natutulog?" Nagtatakang tanong ni Red at halata sa boses nya ang kaunting panghuhusga.
"Wow, nagsalita ang hindi may damit pag natutulog, tigil tigilan mo ako Tala ha, nakahubad ka rin kaya kapag natutulog," sagot ni Blue habang nakapikit padin ang mga mata.
"So naka hubad ka nga?" Nagtatakang tanong ni Red na nakapagpabuntong hininga kay Blue.
"Alam mo ewan ko ba kung anong meron dyan sa mata mo at hindi mo pa nakikitang naka oversized ako," sagot ni Blue at binuksan ang isang mata para tingnan si Red.
Napangiti naman si Red at pumasok sa damit ni Blue kaya dalawa na sila sa loob ng iisang oversized t-shirt, niyakap ni Blue ang kapatid nya.
"Pag yan talaga napunit," pagbabanta ni Blue kaya napatawa naman ng mahinhin si Red. "Hay nako, kahit kelan talaga kung ano anong kalokohan ang naiisip mo, sige na matulog ka na," dagdag pa ni Blue at natulog na rin habang yakap yakap ang kakambal nyang mahimbing na natutulog.
—♡—
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top