29

Umaga sa R Empire, busy ang mga empleyado, tambak din ang trabaho nila dahil naglunsad ang R Empire ng isang bagong pabango sa pakikipagtulungan sa D'Flora. Ang pagsasama ng R Empire at D'Flora para sa paglulunsad ng pabangong ito ay tiyak na magdadala ng isang natatanging at kaakit-akit na amoy sa mga customer.

Ang mga empleyado ay busy at tutok na nagtatrabaho upang itaguyod at pamahalaan ang mga benta ng bagong pabango, lalo na sa patuloy na pagtaas ng demanda at pansin na tiyak na aanihin nito. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa R Empire na palawakin ang kanilang range ng produkto at maabot ang mas malawak na audience sa pamamagitan ng pagsasama na ito.

Kakarating lang ni Red sa main building ng kumpanya nya at hindi pa sya nakakapasok ng elevator ay may nag eskandalo na kaagad.

"Ikaw nanaman? Hindi ka na natuto," walang ganang wika ni Red nang makaharap nya ulit si Violet. Dinumog ng batikos sa social media si Violet Claveria nang malaman ng mga tao na sya ang gumawa ng Facebook page na naninira kay Red.

Napasara ang kamao ni Violet nang lumapit sya kay Red at nagulat nalang ang lahat nang biglang lumuhod si Violet sa harapan ng dalaga.

"Tumayo ka, hindi ako dyos para luhuran," wika ni Red at hindi makatingin ng diretsyo kay Violet. Pinilit syang itinatayo ni Desa at Sorpia pero hindi parin natitinag ang dalaga, kahit na pinagtitinginan at pinag chichismisan na sya at hindi parin sya tumatayo sa pagkakaluhod.

"Hindi ako tatayo dito hanggat hindi mo ako pinapatawad. Alam kong malaki ang kasalanang nagawa ko sayo dati palang, pati ang kuya ko malaking malaki ang nagawa nyang kasalanan sayo, please, I'm not doing this for myself, ginagawa ko to para sa kuya ko para sa treatment nya ayoko mawalan ng trabaho," pagmamakaawa ni Violet at nakuha nya pang umiyak.

"Tumayo ka dyan, ako nanaman papalabasin mong masama," sagot ni Red at may malamig na ekspresyon sa mukha. itinayo ni Desa at Sorpia si Violet at hindi na nagpatinag pa.

"Hindi ko kailangan ng sorry mo, hindi ikaw ang nambaboy sa buong pagkatao ko, hindi ko tatanggapin ang paghingi mo ng tawad dahil hindi naman Vien Claveria ang pangalan mo," matigas na sagot ni Red kaya napapahid ng luha si Violet.

"Dati palagi mong sinasabi saakin noon, nung mga panahon na kahit isang sorry lang hinihingi ko sa kuya mo, Claveria's don't beg, what happened to that? You told me Cloud Claveria Design was a very powerful and adored clothing line, then bakit ka nasa Lyxeeries, pinatalsik pala kayo ng lolo nyo dahil sa kabalastugang ginawa ng kuya mo," dagdag pa ni Red at ngumisi kaya namuo nanaman ang galit sa mata ni Violet.

"Ikaw na nga tong hinihingan ng tawad ikaw pa tong suplada," galit na sabi ni Violet.

"Eh, ikaw nga tong humihingi ng tawad ikaw pa yung nagrereklamo kapag hindi tinanggap, kung gusto mo talagang humingi ng tawad, beg for it," sabat naman ni Red kay Violet kaya mas lalong nagalit ang dalaga.

"Beg? Sayo? Akala ko ba hindi ka dyos para luhuran pero you want me to beg infront of you?" Hindi makapaniwalang sabi ni Violet.

"Ang sabi ko beg hindi kneel, magmakaawa ka hindi lumuhod," paglilinaw ni Red.

"Nagmakaawa na ako sayo, hindi pa ba sapat yun?!" Bulalas ni Violet.

"Pagmamakaawa na pala yun? Akala ko essay," pamimilosopo ni Red sakanya. "Mukang hindi mo kaya, sayang lang ang oras ko sayo nagamit ko pa sana yan for beauty rest. Titig na titig ka ah, crush mo siguro ako, tawagan mo lang ako kapag gusto mo akong makita. Free ako for you, darling," dagdag na panunukso ni Red kay Violet.

Satisfied na si Red sa nakikita nyang inis sa mukha ni Violet kaya tinalikuran nya nalang ang dalaga, bugla namang kumuha ng gunting si Violet na malapit sakanya at itinapon sa direksyon ni Red pero buti nalang ay nahila sya kaagad ni Sorpia sa gilid kaya sa pisngi nya tumama at bahagyang nahiwa.

"Napakahangin mo naman akala mo kung sino attractive, nakakasuka ka!" Gigil na sigaw ni Violet.

Gulat ang mga tao sa paligid at naalerto naman ang mga guards ni Red na nasa labas at loob ng kumpanya pero kalmado lang si Red at hinawakan ang pisnging nahiwa sabay tiningnan ang dugong nasa kamay nya. "Sugatan mo na ang lahat, wag lang ang muka ko," wika ni Red at hinarap si Violet.

"How dare you," walang emosyong wika ni Red at lumapit sya kay Violet habang ang dalaga ay umaatras hanggang sa nasandal sya pader at nacorner ni Red, napasinghap naman ang paligid sa nasaksihan nila. "Baka nakakalimutan mo at ikaw na mismo yung nag post, pumapatol ako sa babae, hindi nga lang sa katulad mo," dagdag pa ni Red.

Hinawi ni Violet ang kamay ni Red na nakatukod sa pader at sinubukang umalis sa pagkaka-corner pero nagulat sya nang itinaas at ipinatong ni Red ang isang paa sa pader, lagpas sa ulo nya para macorner sya ulit, nagulat lahat ng tao sa paligid maging sina Sorpia at Desa ay nagulat din sa pagiging flexible ng boss nila.

Napatingin si Red sa mga labi ni Violet na bahagyang naka-awang kaya bahagya nyang inilapit ang muka kaya napapikit si Violet at tinanggap nalang ang kung ano man ang mangyayari sakanya at dahil doon ay napangisi si Red at tinitigan lang ang nakapikit na muka ni Violet, titig na diring diri. Inilapit nya ang muka sa tenga ni Maxine at binulungan ang dalaga.

"Ikaw yata ang masyadong mahangin. Hindi kita hahalikan, I don't kiss someone who kissed thousands of men," bulong ni Red sakanya at ibinaba ang paa.

"I don't repeat myself twice but sa taong kagaya mo, sige, I will not accept any apologies until you beg," wika ni Red saka tuluyan silang tinalikuran at iniwan si Violet na halos umusok na ang ilong at tenga sa galit.

-----------------------------------

Habang nilalagyan ng band-aid ni Scale ang pisngi ni Red, hindi maiwasan ni Sorpia at Desa na mag-chismis tungkol sa nangyari kanina.

"Bongga linhayan ni mother duck kanina," manghang-mangha na si Desa.

"Sabi nga may nakabardagulan nanaman yan," turo ni Scale kay Red na ngayon ay busy sa pagpirma.

"Ganito ganito... Dalawa tayo, Pia," pagaaya ni Desa kaya tumayo naman si Sorpia para samahan sa kalokohan ang kaibigan.

"Sabi ni Violet, ikaw na nga tong hinihingan ng tawad ikaw pa tong suplada," pag-uulit ni Desa sa sinabi ni Violet at gayang-gaya nya ang ekspresyon.

"Tapos sumagot si Mother duck. Eh, ikaw nga tong humihingi ng tawad ikaw pa yung nagrereklamo kapag hindi tinanggap, kung gusto mo talagang humingi ng tawad, beg for it," panggagaya rin ni Sorpia kay Red.

"Sumagot si bakla! Beg? Sayo? Akala ko ba hindi ka dyos para luhuran pero you want me to beg in front of you?" Wika naman ni Desa.

"Eh hindi nagpatalo. Ang sabi ko beg hindi kneel, magmakaawa ka hindi lumuhod," sabat naman ni Sorpia at hindi na napigilan ni Scale ang pagtawa dahil sa kalokohan na ginawa ng dalawa.

"Tapos sagot nya. Nagmakaawa na ako sayo, hindi pa ba sapat yun?! Ganern! Sinigawan mhie!" Manghang sagot ni Desa.

"Talaga?" Interesadong tanong ni Scale sa dalawa kaya tumango-tango sila.

"Yes! Tapos sabi ni Mother. Pagmamakaawa na pala yun? Akala ko essay, Oh, bongga! Tapos mhie kinorner nya si Violet," dagdag pa ni Sorpia at napapalakpak habang inaalalaya ang mga naganap kani-kanina lang.

"Anong corner sa pader?" Naguguluhan tanong ni Scale.

"Yung sa mga Japanese na kabedon, ganun, tapos nag-split sya sa pader mhie," dagdag pa ni Desa kaya mas lalong naguluhan si Scale.

"Anong split sa pader?" Gulong-gulong tanong ni Scale habang si Red ay napapailing na lang habang nakikinig sa chismis.

"Basta ganun, Ri, ulitin mo nga," utos ni Desa na nagpabuntong hininga kay Red.

"Galing, pinagchichismisan nyo ako eh nasa harap nyo lang ako," wika ni Red kaya napa-peace sign si Desa at Sorpia sakanya. "Ikaw Scale nabigay mo na ba sa design department ang mga dinesign ko para sa darating na event ng HiLove," dagdag pa ni Red at nilingon si Scale na nagpapatay-malisya para hindi sya mapapalitan sa pagsali sa chismis.

"HiLove? Diba modeling agency yun, yung magkapatid ang may ng HiLove at GLIO Empire? Diba," curious na tanong ni Desa saka naman tumango-tango si Red.

"Well, he wanted to see other realms of business and that design I made was based on the desired design of Mr. Gearn Gillio," sagot ni Red at nagpatuloy sa pagpirma.

"Mukhang hindi na nya maeexplore ang business," sagot naman ni Scale kaya napatingin ang tatlo sakanya.

"What do you mean hindi na nya maeexplore?" Nakakunot noong tanong ni Red sa secretary nya.

"He's dead, patay na sya," sagot ni Scale na ikinagulat ng tatlo.

"Paano nila nalaman na patay eh hindi pa naman nakikita yung katawan," sabi ni Desa na nagbigay ng pagtataka sa isipan ng mga kaibigan nya.

"Paano mo nalamang hindi pa nakikita yung katawan eh chinika lang naman saakin nung kakilala ko sa GLIO Empire," nagtatakang tanong ni Scale kaya hindi naman maka tingin ng diretsyo si Desa sakanila.

"Nakausap ko pa sya kagabi through phone, madami nga talaga syang kalaban," wika ni Red habang inaalala ang pag-uusap nila kagabi.

"Kaya ikaw yung mga kalaban mo binabalaan ka na tapos nasaksak ka pa, pero napaka tigas ng ulo mo kinakalaban mo padin sila," panenermon ni Scale kay Red, kaya halos hindi maipinta ang mukha ng dalaga.

"Malamang, alangan namang kaibiganin ko ang kakompitensya ko edi talo ako," pangangatwiran ni Red, sasagot na sana si Scale nang tumayo si Sorpia na nakapukaw ng atensyon nila. Lumapit si Sorpia sa isang maliit na mesa na nasa gilid lang at nagsalin ng alak.

"Alam mo Ms. Red Camorra, mas ayos kapag kinaibigan mo magiging malapit sila sayo, may kasabihan, keep your friends close, and your enemies closer, diba Desa?" Biglaang tanong ni Sorpia kaya hindi agad nakapagreact si Desa. Napuno ng tensyon ang paligid ng opisina ni Red pero naputol lang ito nang biglang may tumawag sa cellphone ni Scale kaya agad naman nyang sinagot. Bahagya nyang nailayo ang cellphone sa tenga nang biglang humiyaw ang tumatawag sakanya.

"Wag ka namang sumigaw, tawag to hindi face to face masakit sa tenga," nakasimangot na reklamo ni Scale.

"Sabihin mo sa amo mo, teka kasama mo ba sya?" Wika ni Blue na katawag ni Scale. "Oo, nandito," sagot naman ni Scale.

"Put me on speaker," utos ni Blue kaya sinunod naman sya ni Scale. Nang ma speaker phone na ang tawag ay bigla nalang sumigaw ulit si Blue.

"Hoy, pulang araw! Kanina pa kita tinatawagan hindi mo sinsagot?!" inis na tanong ni Blue sa kapatid.

"Wala akong load," simpleng sagot ni Red.

"Loko loko! Ako yung tumatawag, ikaw yung sasagot aanhin mo yung load mo! Gagawa ka na nga lang ng alibi mali mali pa," panunumbat ni Blue kay Red mula sa kabilang linya.

"Ano ba kailangan mo," halata ang inis sa boses ni Red habang kinakausao si Blue na nakaloud speaker.

"Kanina ka pa tinatawagan ni nanay hindi ka raw sumasagot, tapos sasabihan mo ako na wala kang load?! Umuwi ka na at baka maubusan pa ako ng dugo sayo sa kakakulo," sabi ni Blue at napakamot ng ulo si Red.

"Bakit mo ba ako pinapauwi?" Tanong ni Red pero binabaan lang sya ng tawag ng kapatid kaya mas lalo syang nainis. "Piste! Lagi nalang," napairan nalang si Red at tumayo, lumabas sya ng opisina kaya agad din namang napatayo ang tatlong bibe, kinuha nila ang mga gamit ni Red saka sumunod sakanya. Mula sa byahe hanggang sa makarating sila sa CZ ay nakasimangot lang si Red.

"Oh, kita mo! Wala naman sya dito. bakit nya pa ako pinauwi kung nag grocery pala sila ni Nanay? Anong gagawin ko dito sa bahay babantayan ko? Ano ako aso?" bulalas ni Red habang naka cross arm at nakaharap sa tatlo.

"This is a waste of time, sa mga oras na to marami na akong natapos na trabaho but now wala kasi nandito ako nagsasayang ng oras," dagdag pa ni Red habang ang tatlong bibe naman ay sinesenyasan syang tumigil na at may tinuturo sa likuran nya pero nanatili stang nakasimangot at naguguluhan sa pinag gagagawa ng tatlo.

"Ms. Red," nanlaki ang mata ni Red nang madinig nya ang pamilyar na boses sa likuran nya, isang boses ng taong iniiwasan nya, huminga muna sya ng malalim bago harapin ang taong nasa likuran nya. Humarap sya ng nakangiti na parang hindi sya na bwisit kani kanina lang.


"Direk Joel! Ikaw pala, hindi mo naman sinabing pupunta ka, ano po yung ginagawa mo dito hindi naman po to Lyxeeries?" Dagdag pa ni Red at nagbigay na pekeng ngiti sa direktor. Matagal na nilang family friend si Joel Chivalro, isa syang magaling na direktor at bihasa sa paggawa ng kahit anong film, kaya sinubukan syang kunin ni Red na sakanya na magtrabaho para sa mga advertisements ng R Empire at iba nya pang mga business pero mas pinili ni Joel ang Lyxeeries.

"Bakit hindi na ba ako welcome sa CZ hacienda?" Tanong ni Joel at nakipagpekean rin ng ngiti.

"Hindi naman ho ganun, nagtatanong lang naman ako kung bakit ka nandito, hindi naman kita pinapaalis," sagot naman ni Red at nakipagbeso. "Sa pagkakaalala ko, hindi ako pumayag sa gusto ng CEO nyo, why would I advertise a different company? I have my own," dagdag pa ni Red at bahagyang tumawa.

"Well, ang sabi ng sister mo, pumayag ka raw, diba she also works at Lyxeeries?" Tanong naman ni Joel kaya napatango-tango si Red.

"Yeah, yeah, she does. Tawag ko lang po muna sya ha, excuse me," paalam ni Red kaya tumango naman si Joel at nagpatuloy sya sa pag-setup kasama ang team nya. Kinuha ni Red ang cellphone nya at sinubukang tawagan si Blue pero hindi sya sumasagot kaya naisipan nya nalang itext ito.

"Blue, ano to?!" Text ni Red sa kapatid.

"I love you, galingan mo sa pag-pose ha," reply naman ni Blue kaya mas lalong uminit ang ulo ni Red.

"I never said yes!"

"Nandyan na yan, Tala, alangan namang paalisin mo yan. Bad yun."

"Nakakainis ka!"

"Love you too! Also, kinuha ko yung black card mo ha, gusto mag-shopping ni Nanay. Bongga daw kasi centurion black card," huling reply ni Blue kaya nanlaki naman ang mata ni Red nang mabasa nya ito sabay hinalughog ang bag nya para hanapin ang card holder nya. Nang makita nya ito agad nyang hinanap ang black card nya pero wala na dun pati ang Metrobank World Mastercard. Hindi na nagrereply si Blue kaya naisipan nya nalang tawagan ito.

"Hoy!" Bungad kaagad ni Red nang sagutin ng kapatid nya ang tawag. "Yung Metrobank ko dala mo rin! Bakit dalawang black card dala mo!" Tanong ni Red na gulat parin.

"Pang back up since it's not as widely accepted as Visa or Mastercard so dinala ko na yung Mastercard mo," paliwanag naman ni Blue sa kapatid nya. "Masaya ka ba, kung masaya si Nanay?" Dagdag pa ni Blue kaya wala nang nagawa si Red kundi pumayag nalang sa pag-shopping nila.

Rinig ni Red ang usapan ng kakambal at nanay nya sa kabilang linya habang nag-shopping.

...

"Nay, ang cute nung necklace bagay sayo," wika ni Blue.

"Hello po ma'am, this is the Rivière Diamond Necklace it's approximately 103,774 pesos," bati ng sales lady kaya para namang nasamid ng sariling laway si Ella sa presyo.

"Blue, anak ang mahal naman yata nyan," bulong ni Ella kay Blue na rinig rin sa kabilang linya kaya sabay na natawa ang kambal.

"Nay, nasaatin ang dalawang black card ni Tala, sisiw lang yan, sabi nya kahit anong gusto mo diba, diba Tala," wika ni Blue at um-oo naman si Red na nasa kabilang linya at naka loud speaker pa.

"Oh sya sige, bilhin natin ipapakita ko sa mga kumare ko," sagot ni Ella habang nakangiti kaya napangiti narin si Blue. Bibilhin na sana ni Blue ang kwintas pero may biglang pumigil sakanila at nag offer ng malaking halaga para sa necklace.

"200,000 pesos, for the necklace," alok ng sopistikadang babae na nakasuot ng eksaheradang damit.

"Ah ma'am may bibili na kasi nito," sagot ng sales lady pero pinuna naman ito ng babae. "Wala akong pake, I'm offering 200,000 pesos for the necklace," sagot ng babae kaya nagkatinginan ang mga sales lady sa store na yun. Nang papayag na sana ang sales lady sa gusto ng babae ay nag alok naman si Blue.

"300,000 pesos for the necklace," sabi ni Blue kaya napalingon sakanya ang lahat pati si Ella.

"Huy! Ginawa mo namang auction yan," suway ni Red sa ate nya nang marinig nya ang pakikipagtalo nito sa presyo habang ang babae ay mas tinaasan pa hanggang kalahating milyon ang offer ng babae kaya natahimik si Blue.

Nung akala ng babae na nakuha na nya ang kwintas ay biglang nag offer si Blue ng isang milyon kaya nagulat ang mga tao maging si Ella.

"Blue tama na," suway ni Ella sakanya.

"One million?!" Hiyaw ni Red sa kabilang linya kaya napalingon sakanya sina Direk Joel at napalingon rin ang mga tao sa paligid nila Blue at natahimik. "Kung gagamitin nyo lang rin naman ang card ko, bakit one million lang, magmumukang mahirap ako nyan kung one million lang ang offer mo ate," dagdag pa ni Red kaya napuno ng bulong-bulungan ang paligid nila Blue at Ella.

"Am I on loud speaker?" Tanong ni Red at nang um-oo si Blue ay nag offer si Red ng presyo na ikinagulat ng lahat maging si Blue. "Ten million pesos, pack it and give it to my mother and sister, this is Red Camorra speaking," dagdag pa ni Red at nang marinig ng sales lady ang pangalan ni Red ay agad syang gumalaw at maingat na inilagay sa box ang kwintas para maibigay na kina Blue.

...

Nag-umpisa sila sa pag-film ng advertisement ngayon ay nagsasagawa na lang sila ng photoshoot.

"Parang may kulang, kulang ng leading man," direktang wika ni Joel kaya halos masamid si Red sa sarili nyang laway.

"Leading man? Direk kailangan pa ba yun?" tanong naman ni Red.

"Of course, kailangang kailangang isama dun sa advertisement kaya maghahanap tayo now na," sagot ni Direk Joel kaya tumango at alinlangan namang ngumiti si Red sa paliwanag ni Joel kaya wala syang nagawa kundi pumayag nalang. "Minsan lang din naman mangyayari ang lahat ng ito bahala na," wika ni Red sa isipan nya.

"Ay Direk may kilala po kami, sandali lang po tatawagan ko lang," suhestyon ni Sorpia kaya kinabahan na si Red sa kung sinong maisip ni Sorpia.

"Sino tinawagan mo?" Tanong Scale kay Sorpia na may tinatawagan.

"Si Giovanni," simpleng sagot ni Sorpia.

"Why? Bakit sya, dapat si Karl," pangungumbinsi ni Scale.

"Why? si Gio naman talaga ang leading man nya ah," sagot naman ni Sorpia.

"Well ibang palabas yata ang napanood mo at hindi mo alam na si Karl," sabi naman ni Scale panglaban kay Sorpia.

"Tama na yan," wika ni Joel kaya natigil sa bangayan ang dalawa. "Kung sino ang mauuna sya ang leading man. Red, kape tayo, if nagkakape ka," dagdag pa ni Joel.

"Sige po, susunod ako," Sagot ni Red kaya naunang maglakad si Joel. Bago sumunod si Red ay tiningnan nya muna si Scale at Sorpia ng matalim na patang nagsasabi ng "Humanda kayo mamaya saakin" bago sumunod kay Joel kaya nagkatinginan ang dalawa. Lumipas ang ilang oras wala pa ring dumadating na Giovanni o kahit si Karl.

"Nasaan na ang pambato nyong dalawa? Mukhang na-ghost kayo," wika ni Joel kaya napakamot ng ulo si Scale at Sorpia. Sakto namang pagkakasabi ni Joel ay dumating na si Giovanni kaya tuwang-tuwa naman si Sorpia.

"Si Scale lang po ang na-ghost," wika ni Sorpia na may kasamang panunukso kay Scale. Nagulat naman si Giovanni nang hinalahin sya palapit ni Joel.

"Pwede to, bagay, dalawang blue eyes," wika ni Joel kaya nahiya naman si Gio nang itabi sya kay Red. "Ano lahi mo?" Dagdag pa ni Joel.

"Italian po," simpleng sagot ni Gio at napapalakpak si Joel.

"Pwede pwede, subukan nyo ngang maghalikan," direktang wika ni Joel kaya nanlaki ang mata ni Giovanni at napabuga si Red nang iniinom nyang tubig.

"Halikan?!" gulat na wika nilang dalawa.

"Yes, to see if may chemistry kayo ng manliligaw mo," sagot ni Joel.

"Ma– manliligaw?" Halos mautal na tanong ni Red.

"Yes, tama naman ako diba," tanong ni Joel at nagkatinginan naman ang dalawa at nagkahiyaan din agad.

"Dali na pwesto na, doon kayo galing sa magkabilang dulo tapos parang nasabik kayo sa isa't isa tatakbo kayo palapit tapos magyayakapan then tinginan kayo and kiss ok?" Instructions ni Joel kaya walang nagawa ang dalawa at tumango nalang sabay punta sa kani-kanilang pwesto.

...

"Ang tagal naman ni Karl," wika ni Scale habang nag-aabang sa gate ng CZ at hindi mapakali. "Saan ba galing na lupalop yun napakatagal naman magmaneho," dagdag pa ni Scale at hindi mapakali.

Hindi din naman nagtagal may dumating na kotse sa harapan nya kaya pinasok nya sa loob saka nilapitan ang driver nito pagbaba na pagbaba nya.

"Karl, bakit ba antagal mo ha?!" Inis na tanong ni Scale kaya nagulat naman ang binata.

"Ano ba kasi kailangan mo?" inis ding tanong ni Karl.

"Need ka ni Red, dalian mo baka may mauna," sagot ni Scale kaya napakamot ng ulo si Karl. "Anong need?" Tanong naman ng binata.

"Need nya ng leading man kaya dalian mo na," sagot ni Scale, sinara ni Karl ang kotse at sumunod kay Scale na nagmamadaling naglalakad.

...

Sinunod naman nila Gio at Red ang utos ng direktor. Nagkatinginan sila at unti-unti maglapat ang mga labi nila, nagulat nalang si Red nang laliman ni Gio kaya napapikit naman sya. Pagdating ni Karl, agad bumungad sakanya ang naghahalikang si Red at Gio.

"Huli na," bulong ni Scale kay Karl na nakatitig sa dalawa at maluha-luha ang mga mata.

"And cut! Perfect ang galing, parang totoo ah," hiyaw ni Joel at napahiwalay naman ang dalawa at medyo napalayo sa isa't isa kasi nagkahiyaan matapos ang malalim na halikan na yun. Nakatingin lang sa kanila si Karl habang nasasaktan at pilit pinipigilan ang luha.

"I can't make you love me, Red," wika ni Karl sa isipan nya at tuluyan nang naluha.

"Sabi sayo dalian mo nalate ka tuloy," wika ni Scale kay Karl at inalok nya ng panyo ang binata.

Nilingon ni Red si Scale nang madinig nya ito, natigilan sya nang makita nya si Karl saka nagkatinginan sila.

Parang may tumugtog namang kanta sa pagitan ng dalawa at tumigil ang mundo nila, tumahimik ang paligid at tanging ang isa't-isa lang ang nakikita nila.



“Just give me till then
to give up this fight
And I will give up this fight
'Cause I can't make you love me
if you don't
You can't make your heart feel
something it won't”

—♡—

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top