27

Sa loob ng isang hindi masyadong kalakihang bahay pero nagpapakita ito ng karangyaan, naglalaro ang mag-ama sa sala. Silang dalawa nalang ang naninirahan sa malaking bahay na iyon at ang sampu nilang kasambahay.

"Daddy, I'm a princess," wika ng bata at umikot-ikot dahil lumolobo ang dress na suot nya.

"Wow, you look so pretty, my princess," puri ng lalaki sa anak nya. Natigil ang paglalaro nila ng bahay-bahayan nang marinig ng ginoo ang pagtunog ng doorbell kaya nagpaalam muna sya sa anim na taong gulang na anak saka binuksan ang gate. Nagulat nalang sya nang makita nya ang isang pamilyar na taong iniiwasan nyang makita.

Binuksan ng lalaki ang gate ng bahay nila at ganun nalang ang gulat nua nang makita nya ang isang pamilyar na taong iniiwasan nyang makita. Hindi sya kaagad nakareak nang biglang pumasok ng walang paalam si Gearn.

"Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na tanong ng lalaki kay Gearn na nagsasara ng gate ng hindi nya bahay.

"Jung, magkaibigan naman tayo. Jung, tol, kailangan na nating umalis, kailangan nating magtago," natatarantang wika ni Gearn at mas lalo pang naguluhan si Jung.

Isa si Lee Jung ay isa sa kilalang tanyag na designer sa Korea, ganun rin sa Pilipinas. Isa din sila sa nakalaban ng R Empire sa fashion industry. Si Lee Jung ay mayroong isang anim na taong gulang na anak na si Lee Mina, mag isa nya lang pinalalaki ang anak dahil namatay ang asawa nya dahil sa childbirth.

"Ano nanaman yang kalokohan na ginawa mo, wag mo ako idadamay dyan, Gearn, may anak ako," depensa ni Jung kaya napabuntong hininga nalang ang lalaking kausap nya.

"Itago mo lang ako, malaki naman ang bahay mo," kondisyon naman ni Gearn at hinihintay ang sagot ni Jung sakanya. "Promise hindi ka madadamay dito, itago mo lang ako. Hindi kita idadamay dito, hindi kagaya ng paglaglag mo saamin," dagdag pa ni Gearn na nagpakunot ng noo ni Jung.

"Hihingi ka na nga lang ng pabor susumbatan mo pa ako? Wow, Gearn, wow, hindi ka talaga nagbago," hindi makapaniwalang sagot ni Jung sa kaibigan nya. "Kung hindi mo lang ibinigay ang lintik na USB na yun kay Red Camorra edi sana wala syang ebidensya laban saatin!" Galit naman na sagot ni Gearn sa kaibigan.

"Saatin? Gearn, sainyo lang. Kayo ni Cleove, Kelvin, Vien, at Yezh ang lumapastangan sakanya, dinawit nyo lang ang pangalan ko dahil sa lintik bro code na yan," galit na sumbat ni Jung at mapaklang tumawa si Gearn.

"Oo, nandun ako sa bar, kasama nyo ako, nandun ako sa loob ng kwarto at nakita ko kung paano nyo sya ginahasa. Sobrang tanga ko, sobrang duwag dahil hinayaan ko kayong lapastanganin sya kahit na humihingi sya ng tulong saakin, hindi ko sya natulungan dahil takot ako sa kung ano ang pwedeng gawin saakin ni Yezh," Dagdag pa ni Jung, maluha luha at nanginginig sya sa galit.

"Noon palang naman talaga duwag ka na, alam ng buong grupo na mahal mo si Red, nauna mo syang niligawan pero wala kang nagawa nang si Yezh ang piliin nya, hindi ka na pumalag dahil naduduwag ka, tapos ngayon mag tatapang tapangan ka at kinakalaban mo na kami? Binigay mo kay Red yung USB na yun tapos ipagtatabuyan mo ako. Matapang ka lang dahil pinoprotektahan ka ng Camorra na yun!" Sumbat ni Gearn sa kaibigan.

"Binigay ko sakanya ang USB na yun dahil yun yung tama, Gearn, sinadya kong magkaroon ng record ang ginagawa nyong kababuyan para sa ebidensya, para lang may maitulong ako sakanya, hindi ko na kasalana kung kinakarma kayo ngayon. Umalis ka na, tahimik na ang buhay ko, Gearn, wag mo nang guluhin pa ulit," galit na pagtataboy ni Jung at ikinagulat naman ni Gearn nang pagtabuyan sya ng kaibigan.

"Jung, maawa ka. Ka- kalimutan na muna natin yung mga nangyari dati. Please, Jung, tu- tulugan mo ako," nauutal na pagmamakaawa ni Gearn sakanya na halos lumuhod na ito sa harap nya nang pilit syang ipagtabuyan ni Jung. Unti unting lumuluhod si Gearn sa harapan ni Jung pero hindi ito natuloy nang may batang lumapit sakanila.

"Hello po ninong Gearn," bati ng babaeng bata sakanya, kaya pilit na ngumiti si Gearn at kinawayan si Mina. "Hi, Mina," pilit na ngiting bumati si Gearn sa bata.

"Daddy pwede po kami play ni ninong?" Tanong ni Mina kay Jung.

"Mina anak pumasok ka na muna sa loob, mag-uusap lang kami ng ninong mo okay?" Habilin ni Jung saka tumango tango ang bata at pumasok. Siniguro muna ni Jung na nakapasok at nakalayo na ang anak bago nya kinausap ulit si Gearn.

"Sige, patutuluyin kita dito pero wag na wag mo akong idadamay sa kalokohan mo, lalo na ang anak ko, nagkakaliwanagan ba tayo?" Walang nagawa si Jung kundi payagan nalang ang gusto ni Gearn dahil hindi rin naman sya titigilan nito hanggat hindi sya pumapayag. Tumango naman si Gearn bilang sang ayon sa kundisyon ni Jung at niyakap ang kaibigan.

-----------------------------------

Lunes ng umaga, araw ng birthday ni Jane at inaayusan sya ngayon ng mga binayarang make-up artist ni Daniel para ayusan sya. Napatingin si Jane sa salaming nasa harapan nya nang marinig nya ang pagbukas ng pinto sa kwarto kung saan sya inaayusan.

"Oh kuya bakit nandito ka pa?" tanong ni Jane nang makita nya ang repleksyon ni Karl sa salamin na nasa harapan nya.

"Parang pinagtatabuyan mo naman ako," biro ni Karl at natawa.

"Hindi naman sa ganun, ang saakin lang hindi mo ba susunduin si ate Red? Ikaw na mismo nagsabi kailangan ng date diba," tanong ni Jane pero umiling si Karl.

"Kung aayain ko sya bilang date ko paano ka? Wala kang date nyan," pangangatwiran ni Karl.

"Ano ka ba. I'm the debutant di ko na kailangan ng date and if ever na kailangan man, nandyan naman si Daddy, he can be my date, so, go na," pagpapalakas ng loob ni Jane sa kapatid nya.

"Wag na, may date na sya, si Giovanni na yun," sagot ni Karl at umupo sa gilid ni Jane at pinapanood sya habang inaayusan.

"Selos yarn, gusto mo ienroll kita sa JRASU?" Tukso ni Jane pero nagtaka lang si Karl. "JRASU? Ano yun?" Tanong ni Karl sa kapatid.

"Jak Roberto Anti-Silos University... Tawagan ko si prof. Jak sayaw kayo," tukso ni Jane.

"Tigil tigilan mo ako hahambalusin kita," naiinis namang sagot ni Karl kaya natawa si Jane nang mag walk out ang kuya nya.

-----------------------------------

"Ang cute naman ng theme na to... Fairytale," wika ni Blue habang tinitingnan ang bagong damit na binili ni Red para sakanya at para may susootin din sya sa birthday party ni Jane.

"Dapat may ka-date, bring Zacxheus," suhestyon ni Red pero napanguso naman si Blue.

"Hindi sya free eh, may importante syang lakad," nakangusong wika ni Blue. Hindi na pumalag pa si Red sa sinabi ng kapatid nya at tumahimik nalang. Sinubukan ni Blue ang damit na binili ni Red para sakanya pero medyo may kalakihan ito.

"Halika dito aayusin ko," suhestyon ni Red kaya lumapit si Blue sa kapatid at hinayaang gawin ni Red ang gusto nyang gawin sa suot nyang dress. Pinalapit ni Red ang maid na nasa gilid lang nila na hawak ang gamit nya, kinuha nya ang pang-clip sa damit at isang chalk saka minarkahan ang damit. Nagulat nalang si Blue nang biglang gupitin ni Red ang sleeves ng designer dress na suot nya na para bang galing lang ito sa ukay-ukay.

"Bakit mo naman ginupit?" Gulat parin na tanong ni Blue.

"Hindi bagay sayo ang may sleeves pag ganitong mga dress," kalmadong sagot ni Red at inusisa ang suot ni Blue. "Hindi sya ganun ka pasok sa theme na fairytale, hubarin mo aayusin ko," dagdag pa ni Red at tinulungan ang kapatid nyang hubarin ng dahan-dahan ang dress.

Napabuntong hininga nalang si Blue nang makalabas ang kapatid nya dala ang dress. "Ginupit nya ba talaga yung dress na yun, hindi ako nag-iilusyon?" Tanong ni Blue sa katulong na nasa gilid nya at tumango naman ito. "Parang play money lang yung pera nya sakanya," dagdag pa ni Blue at bumuntong hininga nalang sya habang umiiling-iling.

...

Malapit nang mag alas-syete nang dumating sila Ella sa venue at agad namang sinalubong ni Karl at Daniel ang mag-ina.

"Hello, good evening," bati ni Daniel sa kanila, lumapit rin si Karl at nakipag-beso sa kanila. "Good evening po," bati din ni Karl at bumeso sa kanila.

"Naks naka tuxedo ah, pormadong pormado," tukso ni Blue kay Karl, maya nahiya naman ang lalaki.

"Kulang yata kayo si Red po?" Pag-iiba ni Karl sa topic para makaiwas sa panunukso ni Blue pero nakahanap parin ng maitutukso ang dalaga.

"Uy, hinahanap nya," panunukso ni Blue habang tinutulak-tulak si Karl ng mahina.

"Nangako sya kay Jane na pupunta sya eh," katwiran naman ni Karl.

"Ayun yung hinahanap mo," tinuro ni Desa ang dalawang taong kakapasok lang sa entrance at napalingon naman si Karl sa tinuro ni Desa. Nakahawak si Red sa braso ni Giovanni at naglalakad sila palapit sa table nila Ella.

Nakalugay ang mahabang buhok ni Red na nahanggang baywang at nakasuot sya ng isang itim na damit na gawa sa manipis na sutla, na may malalim na neckline at maluwag na manggas na tumataas hanggang sa siko. Ang palda ay may simpleng A-line na hugis, na bumabagsak ng may mahinang daloy. Ang buhok ay nakapusod at may mga maitim na pulang ribbon na nakasabit, nagbibigay ng kontrast sa kanyang mapuputing balat. Ang kanyang mga labi ay may mapulang lipstick, na tila dugo ng isang bampira. Ang kanyang mga mata naman ay may maitim na eyeliner na nagbibigay ng misteryo at intriga, at ang kanyang mga kuko ay may pulang polish.

Isinara ni Daniel ang bibig ni Karl kaya napatingin naman sakanya ang anak nya. "Isara mo muna yan baka pasukin ng langaw," biro ni Daniel at napakamot naman ng ulo si Karl. Nagkatinginan sila ni Red at napalingon naman si Karl sa kamay ng dalaga na nakahawak sa braso ni Gio, napansin naman ito ni Red kaya dahan-dahan nya itong tinanggal.

"Puntahan ko lang po si Jane, excuse me lang po," pagpapaalam ni Karl at umalis, bahagya namang napatingin sa sahig si Red dahil sa kirot na maramdaman nya sa pag-iwas ni Karl.

"Ay walk out," kumento ni Severo. "Naks ang gwapo mo naman ngayon Giovanni ah," tukso ni Severo sa kaibigan at marahang sinuntok ang balikat nito.

"Gwapo ni totoy lumpia wrapper, tapos yung partner nya nakapula," kumento rin ni Desa pero bigla nalang natawa si Severo na katabi nya.

"Lumpia wrapper na sinamahan ng ketchup," tukso ulit ni Severo kaya nabatukan sya ni Giovanni. "Ako nanaman napagdiskitahan mo," wika ni Gio matapos nyang batukan ang kaibigan.

"Ang layo naman yata ng tingin mo, huy!" kalabit ni Blue sa kapatid kaya nagulat si Red at napalingon naman ito sa kanila. "Tulala ka na dyan, gutom ka na ba?" Tanong ulit sakanya ni Blue.

"Ah hindi naman, magbabanyo lang ako, excuse lang po," wika ni Red at nagmadaling maglakad palayo.

...

"Karl," tawag ni Red, napalingon naman si Karl at dali-daling naglakad palayo kaya sinundan sya ni Red.

"Karl, teka, dahan-dahan naka heels ako," reklamo ni Red pero hindi parin tumitigil si Karl.

"Sino ba kasi nagsabi sayo na sundan mo ako," inis na sagot ni Karl habang patuloy padin sa paghabol si Red.

"Hindi mo kasi ako pinapansin eh," reklamo ni Red na nakasunod padin. Pumasok ng banyo si Karl at sumunod naman si Red, natigilan sya nang may mapansin syang mali.

"Sige sumunod ka pa, manood ka dyan kung paano ako umihi," pagbabanta ni Karl kaya nainis si Red.

"Bastos!" inis na lumabas si Red sa banyo kaya natawa naman si Karl. Matapos magbanyo ni Karl ay nagulat sya nang makita nya si Red sa labas nakaabang sakanya, nakaupo sa sahig at nakahubad ng heels, napatingala si Red sakanya saka tumayo at hinila sya sa walang taong pwesto.

"Ano gagawin mo sakin?" Depensa ni Karl kaya nabatukan sya ni Red.

"Bakit mo ba ako iniiwasan, may nagawa ba akong masama?" Nagtatakang tanong ni Red at hindi naman sya kayang titigan si Karl.

"Ba- bakit naman kita iiwasan, may- may ginawa ka bang masama?" Nauutal na katwiran ni Karl. "Napipikon na ako sayo kahapon mo pa ako iniiwasan," inis na inis na sagot ni Red sakanya kaya napabuntong hininga nalang sya.

"Kinausap kaya kita kahapon sa simbahan," sagot ni Karl pero nagulat sya nang biglang sumigaw si Red.

"Dun lang! The rest iniiwasan mo na ako," galit na sagot ni Red. Iniiwasan nyang magalit pero sadyang sinusubukan ni Karl ang pasensya nya.

"Bakit, dapat ba all the time nasaiyo atensyon ko?" Direktang tanong ni Karl kaya natahimik naman si Red sa sinabi nya. "Hindi naman diba," dagdag pa ni Karl, hindi kaagad nakasagot si Red at hindi rin makatingin ng direkta sakanya.

"Well, hindi padin valid ang reason mo," maawtoridad na sagot ni Red.

"Sige! Gusto mo ba talagang malaman?" galit na tugon ni Karl na syang ikinagulat ng dalaga.

(Playing: I can't make you love me by Bonnie Raitt)
(PIANO)

"I like you, Red. Sinabi ko na sayo 'to doon palang sa event mo pero hindi mo pinaniwalaan!" galit na sabi ni Karl at napapahid sya ng luha. "Hindi mo sineryoso, you take it as a joke. Hindi ako nagbibiro, Red, I like you– I love you," dagdag pa ni Karl at na-speechless si Red.

"Karl," hindi alam ni Red kung ano ba ang dapat maramdaman; hindi nya mahanap ang tamang reaksyon para hindi masaktan si Karl.

"Karl, ang complicated kasi eh, hindi tayo pwede sa isa't isa kasi–" katwiran ni Red pero napatigil sya at tinitigan ang kayumanggi nyang mga mata.

"Kasi ano? Sige, sabihin mo," maawtoridad na sabi ni Karl kaya napaiwas ulit ng titig si Red. "Kasi, you're gay," pagpapatuloy ni Red.

"Ayun, lumabas din," bahagyang natawa si Karl habang pinapahid ang luha. "Akala ko iba ka, akala ko iba ka sakanila," dagdag nya pa at tinalikuran si Red, at disappointed sa narinig nya.

Tiningnan ni Red si Karl na papalayo mula sakanya at naramdaman nya ang luha na kusang tumulo sa pisngi nya. Hindi na nya kinaya ang pressure ng nagaganap sa pagitan nilang dalawa at sumabog na sya.

"I fucking fucked a girl! Hindi mo gugustuhing maging asawa ako, madumi akong babae, Karl, mag-isip ka nga!" Hiyaw ni Red at naluha, napatigil naman sa paglalakad si Karl at hinarap si Red saka nilapitan.

"At ano, si Giovanni pwede? Sabagay lalaking buo eh, sya yung knight in shining armor mo, ano bang laban ko eh ilang linggo lang naman kitang kilala, si Giovanni ilang years na kayong magkakilala," sumbat ni Karl habang kaharap si Red na humihikbi. "Pero wala akong pakialam kung sino pang ponsyo pilato yang kinama mo, mahal kita at hindi magbabago yun, ikaw lang ang tanging babae na nagpabalik ng pagkalalaki ko, tandaan mo yan," dagdag pa ni Karl kaya pinamulahan ng pisngi si Red.

Pinunasan ni Karl ang luha ng dalaga at hinawakan ang magkabilang pisngi. "Stop crying, ayokong mamatay ka dahil sakin," bahagyang biro ni Karl at binigay nya ang panyo kay Red saka umatras ng kaunti.

"Let's have a deal, iiwan ko sayo ang panyo ko, ibalik mo sa akin yan kung hindi ka na naguguluhan at gusto kong tingnan mo ako sa mga mata ko at sabihin saking may mahal kang iba, hindi ako magmo-move on hanggat hindi ko naririnig galing sa'yo na hindi ako ang mahal mo," wika ni Karl at basag na rin ang boses nya. Magsasalita pa sana si Red pero hindi sya hinayaan ni Karl.

Kinuha ni Karl ang heels ni Red na hawak hawak nya at lumuhod sa harapan ni Red. "Humawak ka sa buhok ko, isusoot ko sayo 'to," sinunod naman ni Red ang sinabi ni Karl at humawak sya sa buhok nito. Maingat na isinuot ni Karl ang heels sa paa ni Red, nang matapos nyang maipasuot kay Red ay agad syang tumayo para harapin muli ang mukha ng dalaga, hindi nya napigilan ang puso nang mabilis itong kumabog nang magtagpo muli ang mga mata nila ni Red kaya agad napaiwas ng tingin si Karl.

"Sa susunod magdala ka ng kumportableng sapatos para kapag masakit na ang paa mo makakapagpalit ka ng sapatos, mauna na ako aasikasuhin ko pa kapatid ko excuse me," wika ni Karl at hinalikan sa noo si Red bago umalis.

Naiwan si Red mag-isa at humihikbi; she tries to pull herself together para hindi masira ang importanteng gabi ni Jane. Matapos nyang makakuha ng lakas, bumalik na sya sa table nila.

"Red, nakasalubong mo ba si Desa?" Tanong kaagad ni Severo pagkarating nya sa table.

"Hindi bakit, nagbanyo din ba sya?" Tanong ni Red saka tumango naman si Severo. "Baka nagkasalisi kami," dagdag pa ni Red kaya sinang-ayunan naman iyon nila.

-----------------------------------

Habang naghuhugas ng kamay si Daniel dahil kakatapos nya lang magbanyo, may narinig syang nagsalita sa labas ng panlalaking banyo.

"Tapos na ba ang duty mo bilang tatay?" Tanong ng babaeng nilingon ni Daniel. Nakita nya si Desa nakatayo sa entrance ng banyong panglalaki.

"Anong ginagawa mo dito, bakit mo ako sinundan?" Tanong ni Daniel pero hindi sumagot si Desa. Doon nalang natanggal ang pagtataka ni Daniel nang makita nya ang isang gintong maskara na iniabot sakanya ni Desa at ang isa pang gintong maskara na hawak hawak ng dalaga.

"Kung tapos ka na sa daddy duties mo, may naghihintay na gawain para sayo," wika ni Desa. Tinanggap ni Daniel ang maskara at pasimpleng itinago ito sa ilalim ng damit nya.

"Magician ka nga talaga," manghang puri ni Desa dahil naitago ni Daniel ang maskara sa ilalim ng damit nya kahit may kalakihan ito. Tumungo sa magmabilang landas si Desa at Daniel para hindi sila mapag-hinalaan dahil iba ang daan papunta sa banyo ng mga babae kumpara sa banyo ng mga lalaki.

"Cara mia, saan ka galing?" Mahinahong tanong ni Severo kay Desa nang makabalik ito sa table nila. Hindi muna sinagot ni Desa ang nobyo at iniligpit ang gamit nya kaya nagtaka naman si Severo.

"Mauuna na akong umuwi, masama pakiramdam ni Red ayaw nyang umiwi dahil wala syang kasama," paliwanag ni Desa kay Severo.

"Bakit ikaw pa? Nandyan naman si Sorpia at Scale," pangangatwiran ni Severo para hindi lang umalis si Desa.

"May iniutos sya kay Scale kaya maiiwan sya dito tapos si Pia naman ang magmamaneho, sasamahan ko silang dalawa baka anong mangyari kay Red habang nagmamaneho si Sorpia," paliwanag ni Desa kaya walang nagawa si Severo kundi tumango nalang. "Ingat kayo sa daan ha, sabihin mo kay Sorpia dahan-dahan lang, ti amo, cara mia," habilin naman ni Severo at hinalikan ang nobya sa noo.

"Ti amo," sagot ni Desa sakanya at nagmadaling sumunod kay Sorpia na inaalalayan si Red. Hindi na nakatulong si Giovanni dahil narin sa hiling ni Red na si Sorpia lang at Desa ang sasama sakanya.

-----------------------------------

"Good night, daddy," inaantok na bati ni Mina sa tatay nyang nasa gilid ng kama at inaayos ang kumot nya. Nilagyan nya ng headphones si Mina at malakas na tumugtog doon ang mga paboritong kanta ng bata.

"Good night, sleep na, may school ka pa bukas. Huwag mong tatanggalin ang headphones na 'to, nagkakaintindihan ba tayo?" habilin ni Jung bago paandarin ang headphones. Hinalikan nya sa noo ang anak, pumikit naman ang bata at natulog saka lumabas naman si Jung ng kwarto para lapitan si Gearn na nasa sofa naghihintay.

"Gearn, pwede kang matulog dun sa guest room malapit sa banyo, hindi pa kasi tapos ang renovation ng ibang kwarto," suhestyon ni Jung at parang batang tumango si Gearn sumasang-ayon sa mga sinasabi ni Jung para hindi lang sya maitaboy ng kaibigan.

Nang makapasok si Gearn sa kwartong sinabi ni Jung, hindi ito kalakihan at maganda ang lagay ng kwartong iyon dahil ayon nga kay Jung ay inaayos pa ito.

Sinubukan ni Gearn na maging kumportable ang pagkakahiga nya pero hindi pa sya tinatablan ng antok ay may narinig syang pagbukas ng pinto at mabibigat na hakbang kaya nilingon nya ito.

"Karma is back my love," saad ng babaeng nakasuot ng gintong maskara saka nilapitan si Gearn at ginagapang sa kama. "Prueba tu propia medicina"
(Taste your own medicine).

Ginapang ng babaeng naka-suot ng pulang damit at may gintong maskara, ngunit napaupo sa sahig ang babae nang sinipa siya ni Gearn at tumayo para lumaban. Inilabas ng babae ang isang punyal habang lumalapit kay Gearn na pilit binubuksan ang nakasarang pinto ng guest room.

"Suki suki daisuki. Suki suki daisuki. Aishiteru tte iwanakya korosu!" Paulit-ulit na tumutugtog sa kung saan mang speaker. Pilit pa rin binubuksan ni Gearn ang pinto at nagulat nalang siya nang biglang bumukas ito at lumabas si Jung.

"Jung, umalis na tayo dito, kunin mo si Mina. Nandito siya at papatayin tayo," nanginginig na wika ni Gearn, patuloy sa paglingon pabalik-balik sa kaibigan at sa babaeng nakapula na nasa likuran.

"Anong tayo? Gearn, ikaw lang, wag mo akong isali sa mga kalokohan mo," wika ni Jung na nagpagulo ng isip ni Gearn.

"Huh? Anong ako lang, anong kalokohan ko?" Tanong ni Gearn, nasundan pa iyon ng iba pang katanungan. Napatahimik si Gearn at napatingin sa kamay ni Jung nang iangat nito ito at may hawak na USB.

"Kaya hindi mahanap ni Venus o kung sino man ang inuutusan nyong kunin ang USB na 'to sa bahay ni Red, eh kasi wala naman talaga dun," wika ni Jung, ngumiti nang makita ang hindi makapaniwalang reaksyon ni Gearn.

"You have that fucking USB the whole time?! Akala ko–" naputol ang sasabihin ni Gearn nang sapawan siya ni Jung. "Akala mo ibinigay ko kay Red? Paano ko ibibigay eh hindi na nga kami close nun, hindi na kami nag-uusap simula nung binasted nya ako. Baka mamaya madamay pa ako sa kalokohan nyo at ako yung ipakulong nya. Kawawa naman ang anak ko pag ganun," pang-aasar ni Jung sa kaibigan kaya mas nagalit pa ito.

"So, magkakampi kayo ng Inang Rosas na 'to? Traidor ka!" Hindi makapaniwalang sabi ni Gearn, nakuha naman ng babaeng naka maskara ang atensyon ng dalawang lalaki nang bigla syang pumalakpak at tumawa ng mapang asar.

"Ang galing ah, tagal mong nagets nun," pang-aasar ni Inang Rosas kay Gearn. "Thank you for your cooperation, Lee Jung, don't worry wala ka sa listahan ko. Bagay sayo yang tattoo mo sa braso, I like it, little red rose," hirit pa ni Inang Rosas bago ipagtabuyan si Jung. Mas lalong nanindig ang balahibo ni Gearn nang lumabas si Jung ng kwarto at marinig niya ang pag-lock nito mula sa labas. Sa loob ng kwarto, tanging siya at si Inang Rosas na ngayon ay mataman siyang tinitigan.

Nagkatitigan si Gearn at Inang Rosas at nagsukatan ng tingin, nakatitig si Gearn sa kabuuan ng mukha ni Inang Rosas kung saan ang kaliwang mata ng babae ay bughaw habang ang kanan naman ay purong puti, mayroon syang mahabang scar sa kanang pisngi na natatakpan ang kalahati nito ng suot nyang gintong maskara. Nagulat nalang si Gearn nang biglang namatay ang ilaw at nakaramdam sya ng kirot sa tagiliran nya, pagbukas ng ilaw ay nakita nya si Inang Rosas sa harapan nya hawak hawak ang punyal na nakasaksak sa tagiliran nya.

"Ang tapang tapang nyo naman kasi, iba-vlog nyo pa talaga yung kademonyohang ginawa nya, ayan tuloy nakabisado ko ang bawat galaw mo sa video na laman ng USB na yun," nangangalit na wika ni Inang Rosas at hinugot ang punyal na nakasaksak sa tagiliran ni Gearn kaya napangiwi ang lalaki sa sakit.

"Ganito yun, let me demonstrate," wika ni Inang Rosas, inilagay nya ang punyal sa bulsa ng dress nya at hinawakan sa leeg si Gearn.

"Dumating kayo sa harap ng nakasarang pintuan, hila hila nyo ang nanghihinang si Camorra, kinuha mo yung susi sa bulsa mo," dagdag pa ni Inang Rosas at kinuha ang punyal na ibinulsa nya at isinaksak sa kabilang gilid ni Gearn kaya napaungol sa sakit ang lalaki.

"Ipinasok mo ang susi sa doorknob at pinihit," simpleng wika ni Inang Rosas habang pinipihit yung punyal na nakasaksak sa tagiliran ni Gearn habang sumisigaw sa sakit ang lalaki at itinulak ni IR ang lalaki sa kama.

"Tapos ganito, tinali nyo sya sa kama para hindi sya makapalag," dagdag pa ni Inang Rosas, pumaibabaw sya kay Gearn pero natigilan sya nang maramdaman syang matigas na bahagyang tumusok sa hita nya.

"Hanep ah, naghihirap ka na nga sa sakit pero buhay na buhay parin ang alaga mo ibang klase talaga kapag manyak," wika ni Inang Rosas at mapaklang tumawa, nagpatuloy sya sa paggapos sa paa at kamay ni Gearn sa kama at walang tigil sa paghiyaw ng lalaki sa sakit,  patuloy din syang nagmamakaawa kay Inang Rosas tumigil na at dalin sya sa hospital.

"Ang galing, ganyan na ganyan ang pagmamakaawa nya sainyo. Ang laki ng ambag mo sa roleplay na to, kaso puro ka iyak at hiyaw buti pa Kelvin, in character," manghang tugon ni Inang Rosas sa pagmamakaawa ng lalaki, nagpatuloy naman sya sa pagtatali gamit ang bob wire imbes na normal na bed restraints.

"Ang ingay mo naman, gabi na," dagdag pa ni Inang Rosas at tinalian din ng bob wire ang leeg ni Gearn kaya dumugo ito.

"Ay, photogenic ah, teka," tuwang-tuwa ang sabi ni Inang Rosas habang inilabas ang pulang Canon compact digital camera nya at nilitratuhan si Gearn. "Astig ah, photogenic na tigasin pa. Ang dami nang dugo ang nawala sayo pero buhay ka pa rin, iba talaga kapag masamang damo," dagdag pa ni Inang Rosas.

"Ano pa nga yung ginawa mo sakanya, hmm," wika ni Inang Rosas at kumawaring nag-iisip hanggang sa napunta ang titig nya sa alaga ni Gearn kaya kinabahan naman ang nanghihinang lalaki. "Ah, alam ko na, ito pala yung ginamit mong sandata," dagdag pa ni Inang Rosas at may kinuha sa drawer.

"Wa– wag please– please, nagmamakaawa ako sayo, spare me, please. Kung sino ka man, please patawarin mo ako, gagawin– gagawin ko ang lahat, susuko ako sa– sa mga pulis, lu– luluhod ako s– sa harap ni Red Camorra gagawin ko, nagmamakaawa ako sayo," nauutal at nahihirapang wika ni Gearn nang ilabas ni Inang Rosas ang gunting na medyo kalakihan.






—♡—

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top