26

Ibinaling nalang ni Ella ang atensyon niya sa kinakain dahil hindi siya makawala sa titig ng mga kasama niyang kumakain.

"I have this employee po kasi, he's new, Michael Agustin yung name nya, he's around our age po, baka lang naman kapamilya natin," tanong ni Red sakanya kaya bumuntong hininga muna si Ella bago sumagot.

"May kapatid ako, tatlo kami," sagot ni Ella kaya nagkatinginan naman si Blue at Red.

"Ang sabi mo po samin dalawa lang mayo ni tia Issmarhel, so yung pangatlong kapatid nyo sya po yung bunso?" Nagtatakang tanong ni Blue

"Hindi, ang tia Issmarhel nyo padin ang bunso. Ikalawa sya saaming tatlo," paliwanag ni Ella kaya napatango tango naman sila.

"Si Isyddro Agustin daw tatay nya," kwento ni Red sa nanay nya kaya nagulat namang napatingin si Ella sakanya. Minsan lang magkwento si Ella tungkol sa past nya kaya nilubos lubos na nila.

"Oo Isyddro pangalan ng kapatid ko pero anak? Paano sya magkakaanak," nagtatakang tanong ni Ella na kahit sino sakanila ay hindi alam ang isasagot.

"Baka nag asawa na po, nay, matagal nadin po kayong di nagkikita diba?" pangungumbinsi ni Blue dahil marami ang pwedeng mangyari sa loob ng matagal na panahon.

"Sabi nya mag papari sya," direktang sagot ni Ella kaya nabilaukan naman ang kambal. Binigyan naman ni Gio ng tubig si Red at pinunasan ang labi nya, kaya umiwas ng tingin si Blue at sa pag iwas nya ay nahagip ng paningin nya si Severo na nilalagyan ng pagkain ang plato ni Desa kaya mas lalo nyang namiss ang prince charming nya.

"Baka change of hearts po," sagot ni Red nang makarecover sya sa pagkakasamid.

"Miss mo na ba sya nay?" Karagdagang tanong ni Blue kaya napaiwas ng tingin si Ella saka pinagpatuloy ang pagkain

"Hayaan nyo na sya. Tapusin nyo na yang kinakain nyo para makapagpahinga kayo bago matulog," walang ganang wika ni Ella. Nagkatinginan naman ang kambal habang busy sa pagkain si Ella

-----------------------------------

Linggo ng umaga sa CZ mansion, maagang naglakwatsya si Red kasama si Scale at Sorpia.

“Nay, una na po kami,” pagpapaalam ni Red at bumeso sa nanay. “Akala ko ba wala kang trabaho ngayon?” Nagtatakang tanong ni Ella.

“Opo, pero nag-aya po si Sorpia kumain sa labas,” masayang sagot ni Red.

“Yeah, payday po kasi, ano po want mo?” Tanong ni Sorpia kay Ella pero nginitian lang siya nito at umiling-iling. “Ay hindi na, ayos lang. Sigurado ka bang ililibre mo si Red? Siya yung nagpapasweldo sainyo tapos siya pa yung magpapalibre?” Biro ni Ella kaya napakamot nalang ng ulo si Red.

“Hayaan nyo na po, baka mamaya magtampo pa, mawalan kami ng sweldo ng isang buwan,” biro pabalik ni Sorpia kaya nagtawanan sila.

"Si Desa hindi nyo isasama?" Tanong ni Ella nang mapansing wala si Desa.

"Umalis po sya eh, may inasikaso," sagot ni Scale kaya napatango nalang si Ella. Nagpaalam na ulit silang tatlo kay Ella saka tuluyan nang umalis. Sunod namang pumasok si Blue na nagtataka.

“Saan punta nun nay? Ang saya saya nya ah,” tanong ni Blue kay Ella kaya ngumiti naman sakanya ang ginang.

“Ililibre daw sila ni Sorpia kaya ayun yung kapatid mo tuwang tuwa,” sagot ni Ella saka natawa na pailing-iling.

-----------------------------------

Linggo ng umaga sa GLIO Empire tinulungan ni Gearn Gillio ang bagong salta sa kumpanya nya, isang masasabi nyang magada at malamang dalaga.

"Ang bait nyo naman po, Sir Gillio," puri kay Gearn ng tinulungan nyang bagong empleyadong babae, habang hindi naman maipinta ang muka ng iba matagal na sa kumpanya dahil gaya ni Kelvin ay kilala ito bilang manyak na boss.

"Please, Gearn nalang," kalmadong wika ni Gearn at nginitian ang dalaga.

Tumango naman ang dalaga at naunang umalis, nakapamulsang bumalik naman si Gearn sa opisina nyang busog ang mga mata dahil sa malaking hinaharap ng babae, patuloy sa pagpantasya si Gearn sa isipan nya nang magulat nalang sya dahil sa may biglang pumasok ng opisna nya kaya nabwisit sya.

"Hindi ka ba tinuruang kumatok?!" Galit na sabi ni Gearn peri nang mapatingin sya sa babaeng nakasuot ng gintong maskara at pulang Ruched Mini Dress, dahan dahang isinara ng babae ang pinto ng opisina ni Gearn kaya napangisi naman ang binata at sumipol.

"Kung ganyan din naman ka sexy, 'wag ka nang mag-aral kumatok," wika ni Gearn at kumagat labi.

Parang batang tuwang tuwa si Gearn nang lapitan sya ng babae para ibigay ang mga papeles, yumuko ito ng bahagya sa harap nya dahil nakaupo sya sa swivel chair nya, kaya kitang kita ni Gearn ang malaking hinaharap ng babae.

"Bakit ka naman naka maskara, may kuliti ka ba sa mata?" Biro ni Gearn kaya bahagya ding natawa ang dalagang nakamaskara na nasa harapan nya.

"Tinatago ko lang po ang muka ko, nahihiya po ako," sagot ng babae pero ganun nalang ang gulat nalang ang babae nang tumayo si Gearn at bigla syang hawakan sa braso.

"Why? Bakit mo naman itatago yang mukha kung ganito ang katawan mo?" Nagtatakang tanong ni Gearn at tiningnan ang babae mula ulo hanggang paa. "I'm pretty sure pag maganda ang katawan maganda din ang mukha lalo na ang bulaklak nito," dagdag pa ng binata, mahina at puno ng pangaakit na boses ni Gearn.

"Talaga?" tanong ng babae kay Gearn. "Oo naman," mapangakit na sagot ni Gearn, hinawakan nya ang babae sa bewang nito saka inilapit sakanya.

"Oh, feisty. Gusto ko 'yan," bulong sakanya ng babae, hinalikan sya ni Gearn kaya agad namang napapalag ang babae.

"Teka lang, hindi mo pa nga ako kilala, susunggaban mo na agad ako?" tanong ng babae sakanya.

"You're right, I should have asked your name first. So, anong pangalan mo," nakangising tanong ni Gearn sa babae kaya ipinalibot ng babae ang kamay nya sa leeg ni Gearn at tinitigan ang kulay abong mata ng lalakim

"Dahlia," she passionately kissed Gearn. "You can call me Dahlia," mapangakit na pagpapakilala ng babae kaya napangiti naman si Gearn.

Inilabas ni Dahlia ang isang maliit na syringe at ituturok sana sa batok ni Gearn pero binuhat nya si Dahlia, inihiga sa sofa dahilan para itago ulit ng babae ang syringe. Sinimulan ang paglalaro, mapusok na naghahalikan ang dalawa nang tatanggalin sana ni Gearn ang maskara nya agad itong niwasan ni Dahlia. Mabilis na tumayo si Dahlia at ibinaliko ang kamay ng lalaki papunta sa likod nito.

"Anong akala mo sakin tanga? I know you, I know who you are, ikaw ang pumatay kay Kelvin," nanggigigil at nasasaktang wika ni Gearn.

"Really, then who am I, huh?" Nanggigigil na tanong Dahlia at bawat salitang binitiwan nito ay may katumbas na pagdiin nya sa muka ni Gearn sa sofa.

"Mamamatay tao ka, Inang Rosas! Halimaw ka!" Galit na sumbat ni Gearn habang nasasaktan parin sa pagkakadiin ng mukha nya sa sandalan ng sofa.

"Talaga ba, ilan na nga ang mga babaeng nabastos mo, sa loob at labas ng kumpanya? Ilang babae na ang na catcall mo sa daan, ilang babae na ang kinama mo ng walang kalaban laban, sige nga sabihin mo saakin, sino ang halimaw saating dalawa," nakangising tanong ni Dahlia at kinuha nya ang dagger na nasa garter belt na nakasuot sa kanyang hita, ginawaran nya ng hiwa ang hita ni Gearn kaya napahiyaw naman sya sa sakit.

"Sa oras na mahawakan kita, I swear papatayin kita, Inang Rosas!" Galit at nasasaktang hiyaw ni Gearn.

"Nagpakilala na nga ako sayo, sinabi ko na ang pangalan ko sayo, ako si Dahlia, and you still insist na ako si Inang Rosas? Masyado ka naman yatang atat na makita si Satanas. Wag kang mag alala, bukas na bukas makikita mo ang totoong Inang Rosas, makikita mo yung mukha nya at kung sino talaga sya. Libreng tingen, libreng libing" makahulugang sabi ni Dahlia at nginitian ang lalaking pawis na pawis at nanlilisik ang tingin sakanya.

"Papatayin talaga kita!" Galit na sambit ni Gearn at sinusubukang kumawala sa pagkakadiin ni Dahlia sakanya sa sandalan ng sofa.

"Alam mo, Gearn, puro ka salita, hindi ba pwedeng samahan mo rin ng gawa? Kung pwede nga tuluyan nalang kita ngayon, gagawin ko pero gusto ni Inang Rosas na sya mismo ang makasaksi ng huling hininga mo" sambit ni Dahlia, bigla nalang inilabas ng dalaga ang syringe at kahit hindi pa nakareact ay bigla nalang nyang tinurukan ng kung ano si Gearn sa braso kaya hindi na nakapalag pa ang lalaki.

"Sa tingin mo ba, sa oras na magsisigaw ka dito o lumabas ka pintong yan na naghihingalo, tutulungan ka nila? Think again, Gearn Gillio. You've been real real bad, Gillio. Eres un demonio en sus ojos" dagdag pa ni Dahlia habang si Gearn ay nagkakandaduling na.

(Isa kang demonyo sa paningin nila)

"Good night for now, Adiós, te veo mañana" paalam ni Dahlia kay Gearn nang unti unti nang tumatalab ang pampatulog na tinurok sakanya.

(Goodbye, see you tomorrow)

Biglang may maliwanag na kung ano ang umilaw sa harapan ni Gearn pero dahil nanlalabo na ang mga mata ay hindi nya malaman kung ano o saan galing ang liwanag na yun. Unti unti nang nawawala ang ilaw kasama na sa naglaho si Dahlia, hanggang sa nandilim na ang paningin ni Gearn at pumikit. "Suki suki daisuki!"  Huling tunog na narinig ng lalaki bago sya takasan ng ulirat.


-----------------------------------


"Akala ko ba sasama si Ate Red ngayon saatin magsimba?" tanong ni Jane, bahagyang may pag-aalala sa boses niya. Nasa labas sila ng Santo Domingo Church, si Jane at Karl, habang hinihintay si Daniel na bumili lang ng tubig sa malapit na tindahan at si Red na kanina pa nila hinihintay.

"Eto na nga, tinatawagan ko, di sumasagot," bulong ni Karl, bahagyang kumunot ang noo dahil sa pag-aalala. Patuloy siyang tumatawag kay Red.  "Nag-text na siya. Papunta na raw siya, natraffic lang," basa ni Karl sa text ni Red.

"Ah, sige, pagdating ni Daddy sa loob na tayo maghintay, kaya mag-uumpisa na ang misa," suhestyon ni Jane. Tumango si Karl, ang tingin ay nakatuon sa pasukan, umaasang makita ang pamilyar na pigura ni Red.

Ilang sandali pa, bumalik na si Daniel na may dalang tubig at mga kendi. Ibinulsa ni Karl ang telepono niya at pumasok na silang tatlo sa simbahan.  Habang nagsisimula na ang misa, hindi pa rin dumarating si Red.  Panay ang lingon ni Karl sa pinto ng simbahan, nag-aalala na siya.  Parang may kakaiba sa pagiging huli ni Red.

Sa halip na mag-focus sa misa, ang isip ni Karl ay nasa kapatid niya.  Ano kaya ang nangyari?  Bakit kaya siya na-traffic nang ganito katagal?  Habang nagdarasal, hindi mawala sa isip niya ang pag-aalala para kay Red.

...

Habang nasa loob ng kotse ay pinupunasan ni Red ang kamay niya gamit ang puting panyo na dala niya nang bigla niyang marinig ang ingay sa simbahan. Patunay ito na nagsisimula na ang misa kaya agad niyang isiniksik sa shoulder bag niya ang panyo at pumasok ng simbahan. Nagpalinga-linga siya sa paligid para hanapin kung nasaan sina Karl.

Napangiti nalang si Red nang makita niya si Karl na taimtim na nakikinig. Tinabihan niya ang binata. Napalingon naman si Karl nang may tumabi sa kanyang babae na nakaputing floral dress.

"Buti naka abot ka pa," tukso ni Karl pero hindi magawang magalit ni Red dahil nasa loob sila ng simbahan.

"Kakaumpisa lang naman, kuya," pagtatanggol ni Jane kay Red at tiningnan ito. "Hayaan mo na si Red, ayaw niya lang ng late," paliwanag ni Jane para hindi na humaba ang inis ni Red sa kuya niya.

"Ah, sorry kung ngayon lang ako inatake kasi ako," sagot naman ni Red kaya agad namang napalingon sakanya si Karl at bahagyang hininaan ang boses dahil nagmimisa ang pari.

"Bakit ka pa nandito? Kailangan nagpapahinga ka," nag-aalalang wika ni Karl.

"I'm fine, I'm fine. Mas mabuti nang nandito ako sa simbahan, nakakagaan ng loob. Makinig ka na lang diyan," mahinahong wika ni Red habang nakatingin ng diretsyo sa pari. Hindi mawala ang titig ni Karl sa dalaga, kung titigan niya ito ay para bang may taning na ang buhay nito. Napansin iyon ni Red at sinabihan si Karl na makinig.

Natahimik nalang si Karl at nakinig sa mga sinasabi ng pari. Paminsan-minsan naman ay tinatapunan ni Karl nang tingin si Red kapag umuubo ito o nilinis ang lalamunan. Pagkatayo ni Red sa pagkakaluhod, bigla siyang nahilo kaya napahawak siya kay Karl.

"Uy ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Karl pero umiling si Red kaya mas lalong nag-alala ang binata.

"May tubig ka ba?" Direktang tanong ni Red kaya kinuha kaagad ni Karl ang tubig niya. Binuksan niya muna ang water bottle bago ibigay kay Red.

Dumukot naman si Red sa shoulder bag niya para kunin ang panyo nang may nalaglag na isa pang panyo na hindi niya napapansin. Pinulot naman ni Karl.

"Sayo to diba? Bat may–" hindi naituloy ni Karl ang gustong sabihin nang biglang hablutin ni Red ang panyo na agad niyang ibinalik sa shoulder bag nya.

"Na- namantyahan lang ng ketchup kumain kasi ako kanina ng footlong kaya namantyahan," nauutal na sagot ni Red at hindi sya makatingin sa lalaking nasa tabi nya.

"Mukhang masarap yung footlong ah, meron ka din sa kamay mo," wika ni Karl at akmang pupunasan na sana ang palad ni Red kung saan nya nakita ang pulang mantsya ay bigla itong inilayo.

"Ketchup yan, ketchup," depensa ni Red at pinunasan ulit ang kamay saka nakinig ulit sa misa.

Hanggang sa matapos ang misa hindi parin mawala ang duda ni Karl sa pulang mantya na nasa panyo at kamay kanina ni Red lalo na't may mga kumalat na balita na may bangayan at patayang nagaganap between big personas kagaya ni Red.

Nang makalabas sila ng simbahan nagyaya si Red na pumunta ng CZ Mansion dahil nagprisinta syang sya na ang magdedesign ng mga susootin ni Jane.

Pagkarating na pagkarating nila ay isang malaking gate na may naka-ukit na mga malalaking letrang C at Z ang agad na bumungad sakanila, ibinaba ni Red ang salamin sa gilid nya at hinintay na ma recognize ng computer ang muka nya, awtomatiko namang bumukas ang gate at nagpatuloy sa pagmamaneho ang dalaga papasok. Pagkapasok nila ng gate ay binaybay pa nila ang mahaba at pribadong kalsada na puro kakahuyan at mga cheery blossom ang nakikita nila na nasa magkabilang gilid ng daan. Manghang mangha na si Jame dahil sa mga nadadaanan nilang daan-daang cherry blossom, mahogany tree, at mga punong namumunga ng mga iba’t-ibang klase ng prutas.

"Woah! Kuya look may strawberries silang tanim," natutuwang sabi ni Jane habang nakaturo sa nakatanim na nga strawberries, alagang alaga ito kaya hindi ito madaling masira.

"Do you like strawberries too?" Tanong ni Red kay Jane habang nakafocus parin sa daan. Masaya namang tumango tango si Jane sakanya bilang sagot. "Sige, papadalhan kita mamaya pag uwi madami sa bahay," dagdag pa ni Red kaya hindi na matanggal ang ngiti sa labi ni Jane.

Nang makarating sila sa mismong bahay ay bumaba na muna sila saka ipinarada ni Red ang saaakyan nya. Hindi maitago ni Jane ang pagkamangha nya at tuwang tuwang naglibot.

"Hindi naman halatang fan na fan ni Red ang kapatid mo noh," biro ni Daniel kaya napailing din habang natatawa si Karl.

-----------------------------------

"Nasa malapad na practicing area sila ngayon kung saan nagt-training ang ibang guards kasama na sila Sorpia at Desa, maging si Gio at Severo ay nandon din.

"Sorpia, can I ask you some questions?" Tanong ni Karl kay Sorpia kaya napalingon naman sakanya ang babae habang nagpupunas ng pawis dahil kakatapos nya lang sumipa sipa sa ere.

"Yeah, ano yun?" Sagot ni Sorpia.

"Totoo bang inatake si Red kanina kaya sya nalate?" Nagtatakang tanong ni Karl kaya tumango naman si Sorpia. "Yes, bakit?" Tanong pa pabalik ng dalaga.

"I saw red something sa panyo and kamay nya kanina, wala ka bang alam na ginawa nya bago yun?" Tanong ulit ni Karl at hindi parin naniniwala.

"Hindi nya ba nasabi sayo?" napalingon ang dalawa kay Scale na kakarating lang galing kusina dala dala ang mga juice. "Don't tell me pinagdududahan mo sya doon sa nangyari kay Kelvin Samonte? Hindi nga nya mapatay ang ilaw kung gabi tao pa kaya," dagdag pa ni Scale agad namang umiling si Karl at dinepensahan ang sarili.

"Hindi ko sya pinagdududahan. Concerned lang ako kasi may parang dugo sa panyo at kamay nya, ang sabi nya saakin ketchup daw pero hindi naman ako tanga para maniwalang mantya ng ketchup yun. I know the difference between ketchup and blood," pagkaklaro ni Karl kaya nagkatinginan si Sorpia at Scale saka sabay na bumuntong hininga.

"Ayaw naming mawalan kaibigan at trabaho Karl," buwelta naman ni Sorpia kaya napakamot nlang ng ulo ang lalaking kausap nila.

"You know wala kami sa tamang posisyon para sabihin sayo to kasi baka ayaw nya ipaalam sa iba so please wag mong ipagkalat to, sasabihin ko sayo to para matigil ang paghihinala mo," seryosong wika ni Scale kaya nabaling kaagad sakanya ang atensyon ni Karl.

"Yung atake na yun kanina, yung ubong yun alam naming iba yun. Kinuha nya yung panyo tas tinakip sa bibig nya saka umubo," paliwanag pa ni Scale pero nagtataka parin ang lalaki.

"She– she coughs blood?" Hindi makapaniwalang tanong ni Karl at parang nanghina ang tuhod nya nang tumango ang dalawang babaeng kausap nya, natahimik lang silang tatlo nang dumating ang kambal sa tabi nilam.

"Ang seryoso naman ng pinag uusapan, ano meron may nanalo ba sa loto?" Biro ni Red kaya tumawa sila ng bahagya.

"About lang sa birthday ni Jane," alibi ni Sorpia para hindi sila mahuli, sinangayunan din naman sya ni Karl at Scale para mas kapanipaniwala ito.

"Ah, nasan na ba ang bulinggit na yun?" Tanong naman ni Blue.

"Nandun sya sa silong nakikipaglaro ng chess kila Giovanni," sagot ni Karl na tinuro ang kapatid nyang nakikipaglaro kay Gio.

"Sali tayo, Karl. Tatalunin kita," wika ni Blue at confident na matatalo nya si Karl.

"Olats nanaman ako sayo beshie yoko," sagot ni Karl kaya napakamot nalang ng ulo si Blue. "Sige na, akin yung black," kondisyon ni Blue sakanya.

"Kahit naman maging polka dots pa yan talo padin ako sayo," reklamo ni Karl habang hila hila sya ni Blue at pinipilit mag laro ng chess. Bumalik narin si Sorpia at Scale sa pagpapapawis kaya naiwan si Red gilid.

Natawa nalang si Red at umupo sa isang gilid, minding her business kabonding ang papel at ballpen at nagsimulang idrawing ang nasa paligid nya.

-----------------------------------

Huminga ng malalim si Sorpia at naisipang habulin si Scale na papasok na ng bahay.

"Scale, teka, sandali lang," tawag ni Sorpia kay Scale kaya nilingon naman sya nito.

"Ano 'yun? May kailangan ka ba?" Tanong ni Scale nang lingunin nya si Sorpia na hinihingal.

"Gusto ko lang mag-sorry," wika ni Sorpia at bakas ang sinseridad sa boses at mata nya.

"Sorry? Saan naman?" nagtatakang tanong ni Scale at bumuntong hininga.

"Dun sa attitude na pinakita ko sa inyong dalawa ni Desa, sayo. Nagselos kasi ako eh," pag-amin ni Sorpia na mas nagpagulo lalo sa isipan ni Scale.

"Eh, kasi, kayo matagal nyo nang nakasama si Ms. Red... Simula mga bata pa kayo, ako umulhot lang naman out of nowhere," dagdag na paliwanag ni Sorpia.

Walang nagawa si Scale at tinawanan nalang si Sorpia at inakbayan, pilit namang tinatago ni Sorpia ang kilig ng maramdaman nya ang pag-akbay sakanya ng dalaga.

"Ano ka ba, tayo ang tatlong bibe nya wala kang dapat ipagselos, ok?" Paglilinaw ni Scale kaya tumango si Sorpia. "Puntahan na muna natin si mommy duck, may sariling mundo nanaman sya," suhestyon ni Scale kaya natawa naman si Sorpia.

...

Kanina pa sinusulyapan ni Red si Karl kaya nailang naman si Karl dahil nahuhuli nyang tumitingin si Red sakanya pero agad naman nyang nababalik ang atensyon sa notebook na hawak nya.

Patuloy lang sa pag-sketch si Red at di maiwasang mapangiti habang ginuguhit ang mukha ni Karl, hindi nya namalayang nasa likod na pala nya si Scale at Sorpia.

"Sino yan ha?" pamukaw atensyon ni Scale. "Familiar... Kulot, Moreno, matangos ang ilong," dagdag naman ni Sorpia kaya agad naisara ni Red ang sketchbook nya.

"Bat nyo ba ako ginugulat, kapag ako inatake sinasabi ko sainyo," pagbabanta ni Red kaya nagkatinginan naman ang dalawa at napangisi.

"Aysus! Si Karl yun eh, kitang kita ng dalawang beautiful eyes ko," tukso ni Sorpia kaya inirapan naman sya ni Red.

"Ikaw ha sya ginuguhit mo ha, iba na yan," gatong pa ni Scale sa tukso kaya mas napasimangot si Red.

"Alam nyo kayong dalawa kapag hindi kayo titigil pipitpitin ko kayo tapos kayo yung gagawin kong papel," inis na inis na sagot ni Red kaya natawa naman ang dalawang bibe dahil nagalit nila si Red ng hindi lalagpas sa isang minuto.

"Desa oh," tumayo si Red at lumapit kay Desa nang makita nya itong palapit sakanya. "Inaaway nila ako," pagsusumbong ni Red kay Desa.

"Luh nagsumbong nagbibiruan lang eh," buwelta ni Sorpia nang magsumbong si Red kay Desa.

"Ayan nanaman kayo, si Red nanaman tinutukso nyo," sermon ni Desa sa dalawa kaya napangiti naman si Red habang pinapanood silang nasesermonan ng pinakamatanda sakanilang apat at nagsilbing ate nila.

"Eh, kasi naman, nahuli naming dino-drawing nya si Karl dine deny pa," katwiran ni Scale kaya gulat na lumingon si Desa kay Red.

"Che! Tapusin ko nalang yung regalo ko kay Jane baka di pa umabot ng bukas mahirap na," sabat ni Red sa kanila. Namula naman ang pisngi ni Red at ramdam nya ang pag-init ng pisngi kaya naisipan nyang mag-walk out nalang.


...

Tulala ngayon si Red habang nag-pe-painting at iniisip ang pandesal ni Karl last Friday, pero bigla syang nagising sa delusyon nya nang malaglag ang palette na hawak nya. Pinulot nya ang palette at pagkalingon nya sa canvas mas malala pa ang tinamo nito, the painting is all smudge.

"Ano ba yan Red. Matatapos na eh, ngayon mo nga lang matututukan due to busy schedule tapos sinira mo pa. Piste talaga," galit na wika ni Red sa sarili at marahas na bumuntong hininga.

Sinubukan nyang ayusin ang nasirang painting ng ilang oras pero hindi parin nya maayos ayos kaya nawalan sya ng pag-asa at kumuha nalang sya ng bagong canvas at inulit ang ginawa nya.

"Nakakainis kasi akala mo kung sinong gwapo," nakasimangot na nagpipinta si Red.

-----------------------------------

Sa loob ng isang hindi masyadong kalakihang bahay pero nagpapakita ito ng karangyaan, naglalaro ang mag-ama sa sala. Silang dalawa nalang ang naninirahan sa malaking bahay na iyon at ang sampung nilang kasambahay.

"Daddy, I'm a princess," wika ng bata at umikot-ikot dahil lumolobo ang dress na suot nya.

"Wow, you look so pretty, my princess," puri ng lalaki sa anak nya. Natigil ang paglalaro nila ng bahay-bahayan nang marinig ng ginoo ang pagtunog ng doorbell kaya nagpaalam muna sya sa anim na taong gulang na anak saka binuksan ang gate. Nagulat nalang sya nang makita nya ang isang pamilyar na taong iniiwasan nyang makita.


—♡—

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top