25
Yakap-yakap ni Blue ang kapatid niya habang nasa taas pa rin sila ng stage. Umiiyak pa rin si Red, nakatakip ang mukha, at kinakausap ni Blue. Medyo malapit sila sa mic kaya kahit mahina, rinig pa rin ang boses ni Blue at ang paghikbi ni Red.
"Okay lang 'yan," pagpapatahan ni Blue, hinahagod ang likod ni Red.
"Hindi ko dapat sinabi 'yon, nasira tuloy ang event," bulong ni Red, boses niya nanginginig.
"Hindi, tingin ka sa akin," hinawakan ni Blue ang pisngi ni Red, pinipilit siyang tumingin. "Galing mo, okay? Ang tapang mo. Tingin ka sa ate, pakita mo mukha mo." Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay ni Red na nakatakip sa mukha niya.
"Yung mascara ko, baka kumalat," natatawang sabi ni Red, pero ang mga mata niya ay puno pa rin ng luha.
"Sabi ko sayo, Lyxeeries mascara gamitin mo, hindi nasisira o nagmamantsya," sagot ni Blue, at natawa naman ang iba dahil sa narinig nila.
"Aba'y, kapal mo! Nasa R Empire ka, nag-a-advertise ka pa talaga! Sana dun mo sa mic sinabi," naiinis na sabi ni Red. Kaya lumapit naman si Blue sa mic. "Lyxeeries mascara is a smudge-proof mascara; waterproof, it will help you enhance the look of your eyes by thickening, lengthening, and generally darkening your lashes. We can promise you high quality," pabirong advertisment ni Blue.
Nagtawanan naman sila sa ginawa ni Blue, at nahampas naman siya sa balikat ni Red.
"Aray ko, nananakit ka nanaman! Sabi mo sa mic ko sasabihin," reklamo niya, habang pinupunasan ang luha ni Red.
"Pinapatawa lang kita, hindi mo na kailangang ikwento lahat. Sigurado akong naiintindihan nila kung bakit," pagpapagaan ni Blue ng loob ni Red.
Binigyan ni Karl ng upuan si Red, at pinaupo nila ang dalaga sa harapan ng stage, nakaharap ang lahat sa malaking screen.
"Ano 'to?" Nagtatakang tanong ni Red, pero sinabihan lang siya ni Karl na manood lang dahil para sa kanya ang video presentation.
Nang makaupo ng maayos si Red, saka nag-umpisa ang video presentation. Isang video appreciation para sa kanya, at may background music na "Unsung Hero" by King & Country. Ipinakita sa video ang mga litrato niya noong bata pa siya, at ang mga video niya.
Tuwang-tuwa naman si Red habang pinapanood kung gaano katigas ang ulo niya dati. Halos lahat ng kapilyahan ng bawat bata ay napunta sa kanya, lahat din ng mga contest na sinalihan niya at achievements niya nilagay doon. Hindi maiwasang maluha si Red habang pinapanood ang video.
Video niya sa ballet class, pagkanta ng opera, pagsali sa mga car racing competitions, pangangabayo at ang pinakamarami sa lahat ay ang pagtulong niya sa kapwa tao ng walang kapalit. Tuluyan nang bumagsak ang luha niya nang bumati sa kanya ang mga batang tinutulungan niya sa orphanage.
"Hi po ate Riri, thank you po sa lahat ng tinulong mo sa amin, we love you po! See you sa susunod na dalaw mo sa amin," bati ng mga bata sa video, at kumaway-kaway. Sunod namang lumabas sa video ang mga natulungan niyang taong may sakit, lalo na ang mga kagaya niyang may sakit sa puso.
Sumunod naman ay ang mga scholar niya, ang iba ay nakatapos na ng pag-aaral at may maayos na trabaho, ang iba naman ay nag-aaral ng mabuti at maayos. Hindi na pinigilan ni Red ang pagpatak ng mga luha niya at nanatili na lang na nanonood. Unti-unting umitim ang screen kaya akala niya ay tapos na, pero may lumabas na text doon.
"Anong klaseng boss ang isang Red Camorra," basa ng ibang tao sa nakasulat sa malaking screen. Biglang lumabas ang mukha ni Scale, Desa, at Sorpia sa video, kaya bahagyang natawa si Red.
"Si Ms. Red, isa siyang boss na napakatigas ng ulo," pagsasabi ni Scale ng totoo, kaya natawa ang lahat. "Isa siyang boss na mauutangan mo," biro naman ni Sorpia kaya natawa ulit sila.
"Kidding aside, si Ms. Red, isa siyang boss na hinihiling ng lahat. Hindi niya ipaparamdam sa'yo na empleyado ka lang, instead she'll treat you like a friend, a family. Ang usapan naming tatlo, hindi kami iiyak habang nagvivideo, pero ang goal namin is paiyakin si Red habang pinapanood niya ang video na 'to. Buti na lang wala siya dito ngayon, nasa condo siya," basag na boses ni Desa.
"True," tanging sagot ni Scale, at natahimik na naman silang tatlo, at bigla na lang natawa. "Hindi, akala ko kasi may sasabihin pa si Desa. Sige, ako na. Agree ako kay Desa. Siya kasi yung nauna sa amin na tatlo, as in siya yung best friend ni Red kaya agree ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ang daming hindi magagandang rumor na kumakalat about sa kanya, like she's so bossy, nananakit siya ng empleyado physically and emotionally, mga ganun-ganun. Kapag may lumalabas na naman na ganun, out of nowhere, magtitinginan na lang kami then ignore. Kasi sa totoo lang, madami na ang nag-resign at nag-retire sa R Empire, pero ni isa walang nagreklamo o nag-resign dahil sa hindi magandang dahilan," kwento ni Scale sa video.
Nag-eenjoy na nanonood si Red, habang marami nang gamit na tissue sa tabi niya dahil sa kakaiyak. Ang mga tissue ay nakakalat na sa sahig, at ang ilan ay nakadikit pa sa kanyang pisngi.
"Red is a very sweet girl. Yes, intimidating siyang tingnan, pero pag nakilala niyo siya, kasing-kulit niya ang batang hindi mapakali. Madami na siyang natulungan sa amin, hindi ko mapangalanan lahat, pero masisiguro ko marami," dagdag pa ni Sorpia.
Nagpatuloy ang video sa pagkukwento ng iba pang empleyado kung anong klaseng boss si Red. Ang iba ay nakakaiyak, ang iba naman ay nakakatawa dahil sa sobrang kulit ni Red kapag wala siyang gawain sa opisina.
"Alam mo na kapag wala na siyang ginagawa, bigla na lang siyang tutugtog ng violin, or magpatugtog siya ng mostly Danière danse, tas sasabayan niya ng pagkanta. Minsan bigla na lang siyang tatawa, yung tawa na parang 'hihihi', ganun, tas lalabas na siya ng opisina niya para maghahanap ng stick-o," pangbubulgar ng empleyado ng R Empire sa video, kaya natawa naman ang lahat, lalo na si Red.
Patuloy ang panonood nila ng video, kung saan magaganda at masasayang alaala ang sinasabi ng lahat. Hindi rin naman masasabing sinungaling ang mga empleyado ng R Empire sa mga sinasabi nilang magagandang bagay tungkol sa CEO nila na si Red Camorra, dahil may mga video na nagpapatunay na totoo lahat ng sinasabi nila, hanggang sa matapos ang video kaya nagpalakpakan sila.
Umakyat naman ang tatlo na sina Sorpia, Scale, at Desa sa stage na may dalang mic dahil may importante daw silang sasabihin.
"Good afternoon everyone, we want to thank those who are here and willing to be here. Thank you very much. Honestly, we only convinced Ms. Red to have this event, so she was already upset with us this morning because our preparation wasn't perfect and she couldn't find a model to walk on the runway today. This made her even angrier, but she doesn't know that everything is already planned," panimula ni Scale, at halata naman ang gulat at pagtataka sa mukha ni Red.
"Yes, you heard it right Red, all of this was planned by all of us, everyone in the R Empire was involved in this plan. We all have our flaws and traumas. You yourself told us Ms. Red, that, 'so what if they see who you are and what you have, even if everyone judges you, they can't do anything to you because you are not stepping on anyone so there's nothing to be afraid of.' But it turns out, you are the one who is afraid of the world," wika naman ni Desa, at pinahid ang luha.
"You don't have to be afraid of the world. You said it yourself, they can't do anything to you. Remember this, you have changed many lives, that's true, and the video doesn't show everything, there are many more, and there will be even more. Don't give up, we are here to support you. Maybe it's time for you to prioritize yourself before others, because that's what you truly need, self-confidence," dagdag pa ni Sorpia, at nagpalakpakan sila.
Lumapit lahat ng empleyado niya sa malaking espasyo sa ilalim ng stage at gumawa ng bilog. "And a one, a two, a one, a two, a three," wika ni Desa, at bumwelo ang lahat sa pagkanta ng, "bubuka ang bulaklak papasok ang reyna, sasayaw ng cha-cha-cha ang saya saya," kanta ng nilang lahat, at pinapasok nila sa gitna si Red. Nagpatuloy ang lahat sa event ng R Empire na nag-enjoy dahil bukod sa fashion show ay naging party na rin ito.
-----------------------------------
"Laman ngayon ng chismis! Ang kilalang personalidad sa larangan modeling at business na si Red Camorra! Ang chika ay ipinaliwanag nya ang dahilan ng nagviral na tattoo nyang si Medusa," tinig na lumalabas sa malaking screen ng TV. Nanonood ng news ang isang babae nang biglang magring ang cellphone nya.
"Hello, Lilith, napanood mo na ba?" Tanong ng lalaking nasa kabilang linya.
"Oo, nanonood ako ngayon. Sya nanaman si Jollibee, bida bida," sagot ni Lilith sa katawag nya habang busy sa panonood at pakikinig sa speech ni Red na nasa 219-inch na tv. Ang mga mata ni Lilith ay nakatuon sa imahe ni Red, ang Medusa tattoo sa braso nito ay tila nagniningning sa screen. Isang pamilyar na panginginig ang naramdaman niya, isang alaala na gusto niyang kalimutan.
"Sige na, enjoy your vacation, bye," pinatay naman ni Lilith ang tawag at nilakasan ang volume ng pinapanood nya.
"Justo disfruta mientras puedas. Estoy casi terminado con mis preparativos. Tú eres la razón por la que mis hijos están muertos, y te haré pagar. Te haré sufrir el mismo destino." Nanlilisik na pagsasalita ni Lilith ng Spanish at nagulat nalang ang mga guards sa paligid nya nang bigla nyang tinapon ang remote sa screen ng tv kaya nasira ito.
(Just enjoy yourself while you can. I'm almost finished with my preparations. You're the reason my children are dead, and I will make you pay. I will make you suffer the same fate.)
"Ano ba yan, lahat ng binibili nyong tv lagi nalang sira! Maghanap naman kayo ng matibay hindi yung nababasag agad!" Galit na sabi ni Lilith kaya napatinginan naman ang guards nya.
"Ikaw ba naman bumato ng remote sa tv malamang masisira yan," bulong ng isang guard pero narinig iyon ni Lilith at nilingon sya. Bakas ang takot sa mukha ng guard at ilang beses pang napalunok nang kumasa ng baril si Lilith at itinutok iyon sa noo nya.
"Lilith, tama na yang pagpatay mo ng mga tauhan natin dahil lang galit ka," boses ng isang lalaki at nilingon sya ng lahat.
"Arsenal," tawag ni Lilith sa lalaking kanina ay kausap nya lang sa telepono.
"Kailangan pa natin sila, hindi natin matatansya kung gaano kadami ang makakalaban natin kung susugod tayo kaya magtimpi ka muna," suhestyon ni Arsenal kaya ipinutok ni Lilith ang baril sa pader na nasa gilid lang ng guard na dapat ay babarilin nya.
-----------------------------------
Kumatok si Karl sa dressing room kung saan nagre-retouch si Red ngayon. Sinabihan sya ni Red na pumasok kaya pumasok sya at isinara ang pinto.
"Bongga, may pa retouch," tukso ni Karl, umupo siya sa isang swivel chair na nasa gilid.
"Syempre, pinaiyak nila ako eh nasira tuloy yung make up ko," sagot ni Red, bahagyang natawa si Karl at pinagmasdan ang dalaga.
"Cute ng ilong mo noh," wika ni Karl, nagtaka si Red sa pagiging random nya.
"Bakit ilong ko naman yung pinuntirya mo?" natatawang tanong ni Red sakanya.
"Wala lang, para kasing hindi pang Italian, ang cute maliit sya na matangos," sagot naman ni Karl. Naramdaman ni Red ang pag-init ng pisngi nya kaya napaiwas sya at patuloy na nag retouch.
Maya maya napalingon si Red kay Karl na nasa tabi nya lang at kinakalikot ang cellphone. Kanina pang walang nagsasalita sakanilang dalawa kaya naisipan ni Red na basagin ang katahimikan.
"Bakit ka ba nandito? Nagpa-party sila dun sa labas, akala ko ba gusto mong mag party-party dun, gora ka na dun madaming baby boys dun," kumbinsi ni Red nang mapansin nyang napapasarap na ang upo ni Karl.
"Ayoko, boring dun. Mga ugaling aircon, walang ugaling kanal, hirap bumagay sa party ng mga mayayaman," sagot ni Karl, pero hindi naniniwala si Red.
"Tigil tigilan mo ako, Karl, alam kong may Black card ka," wika ni Red, sumandal sya sa upuan at napatingin ulit kay Karl na nakabukas ang lahat ng butones ng polo.
"Ano ba yang damit mo, nawili ka na ah, isara mo nga yan baka sumakit tyan mo," reklamo ni Red kaya napakamot ng ulo si Karl.
"Eh, mainit eh, hayaan mo na. Lalaki naman katawan ko wala namang makikita dyan," katwiran naman ni Karl.
"Sasakit tyan mo, halika nga dito," hinila nya ang swivel chair na kinauupuan ni Karl at inilapit sakanya saka sinimulang ibutones ang damit nito habang si Karl naman ay nakatingin lang sakanya habang isinasara ang polo nya.
"Ano bang necktie—" naputol ang sinasabi ni Red nang napaangat sya ng tingin at biglang napatigil nang magtagpo ang mga mata nila at nagkadikit ang mga labi nila dahil sa lapit ng mga muka nila sa isa't isa.
Nauna namang napaatras ng konti si Red at huminga ng malalim. "Hin— hindi ka ba marunong mag suot ng tie?" Nauutal na tanong ni Red kay Karl na parang walang nangyari.
"Hindi eh, maayos yan dito kanina kaso tinanggal ko kasi mainit then sinubukan ko, hindi ako marunong," paliwanag ni Karl na nagpabuntong hininga kay Red. "Halika aayusin ko," dagdag pa ni Red kaya lumapit naman sakanya ang binata at umayos ng upo habang inaayos ni Red ang necktie nya.
"Ayan, diba muka ka nang tao," puri ni Red, natigilan lang sya nang hinawakan ni Karl ang ilalim ng baba nya at iniangat ang muka nito para magtagpo ulit ang mga mata nila. Unti unting nilapit ni Karl ang muka nya pero tinakpan ni Red nang palad nya ang buong muka ni Karl at ipinaatras.
"Kung lasing ka na wag ako pagdiskitahan mo baka di ka na sikatan ng araw," banta ni Red kaya bakas sa mukha ni Karl ang inis.
"Hindi ako lasing noh! I like you!" Buong lakas na sinabi ni Karl, hindi agad nakarecover si Red sa sinabi ng lalaking kasama nya pero mas pinili nyang wag itong paniwalaan.
"Tigil tigilan mo ako Karl, nananahimik ako dito," wika ni Red at hindi pinapaniwalaan ang mga sinabi ni Karl kaya mas lalong nainis ang lalaki.
"Bahala ka kung ayaw mo maniwala," bulalas ni Karl at tumayo saka lumabas ng dressing room.
Napahinga naman ng malalim si Red at naguguluhan kung maniniwala ba sya dahil baka prank lang ito ng kaibigan.
----------------------------
Sabado ng umaga, hindi parin makatapos ng kahit isang gawain si Red dahil sa pag-iisip doon sa confession ni Karl.
"Scale, pakitawag si Desa and Sorpia aalis tayo," utos ni Red at tumayo para lumabas ng opisina nya.
"Ms. Red, may nagpapabigay po ng bouquet of red roses," salubong ng isang empleyado kay Red at ibinigay ang isang malaking bouquet ng red roses kaya napangiti naman si Red na kanina ay nakasimangot.
"Real roses, kanino galing kay Karl?" Tanong ni Red pero umiling naman ang empleyadong kausap nya kaya nawala ang ngiti nya.
"Kay Giovanni po galing yung bulaklak," dagdag pa ng empleyado kaya parang na disappoint si Red na hindi galing kay Karl ang bulaklak. Ibinigay mya ulit sa empleyadong kausap nya, inutusang nya itong ilagay sa vase ang mga bulaklak at idisplay sa opisina nya. Nagkatinginan nalang ang tatlo sa inasal ng boss nila pero wala silang nagawa dahil nauna na itong pumunta ng parking lot.
Tahimik silang apat habang nasa byahe; si Sorpia ngayon ang magmamaneho, naunang magprisinta si Red na sya magmamaneho pero hindi nya pinayagan ng tatlo dahil inaantok sya kaya si Sorpia nalang ang nagmaneho. Ilang oras din ang lumipas nakarating na sila sa loob pupuntahan nila, pagkababa na pagkababa ni Red ay agad naman syang binati ng isang empleyado doon.
"Hello, Ciao, welcome to R Empire's Bloom Maker, we are happy to make you and your day blooming," bati ng empleyado sakanya kaya nagtaka naman silang apat.
"You're not supposed– Are you new?" Tanong ni Desa at tinanguan naman sya ng binata.
"One of the rules in every business of R Empire is that the owner should only greet with 'Good morning, Good afternoon, and Good evening' and should not be greeted like how customers are greeted." paliwanag ni Sorpia pero naguguluhan naman ang binata, magsasalita pa sana si Sorpia nang itinaas ni Red ang kaliwang kamay kaya hindi na tinuloy ni Sorpia ang sasabihin.
"Anong pangalan mo?" Tanong ni Red at napalingon naman ang binata sa mga kasamahan nyang nasa likod nya lang at tinanguan sya ng mga ito. "Micheal po," simpleng sagot ni Michael, wala namang sagot si Red at dumiretsyo lang papasok kaya sumunod naman ang lahat sakanya.
"I want Micheal," utos ni Red nang makaupo na sya ng komportable. Bahagya namang itinulak si Micheal ng mga kasamahan nya.
"Anong alam mo?" Direktang tanong ni Red kaya nagdadalawang isip na sumagot si Michael.
"Magmasahe po tsaka mag ayos ng buhok," simpleng sagot ni Micheal.
"Nice, gusto ko ng masahe," direktang utos ni Red at ipinikit ang mata na naghihintay sa masahe ni Micheal.
...
"I like the company logo, it's so aesthetic," puri ni Red kaya mapangiti naman si Michael at nag umpisang mag share ng malalaman niya.
"Madaming nagsasabi na artist daw yung CEO ng R Empire and that logo was designed by herself. One line lang yan except sa parang letter R, una nyang drawing yan sa isang scratch paper in the middle of a meeting kung saan nag aaway sila for the new logo. Then tumayo sya and lumabas nakita nila yung design nya and ayun, sorry daldal ko," pagkukwento ni Micheal.
"Interesting. Alam mo talaga ang chika noh. Well, hindi scratch paper yung papel kung saan ako nag drawing, it was an important paper as I can remember kasi nasa likod din yung isa pang design," wika ni Red at inaalala ang mga designs niya.
"Talaga? Buti naalala mo pa yun," patuloy parin sa pag aayos si Micheal ng buhok ni Red nang marealize niya ang sinabi ng dalaga. "Hala! Ikaw po ba si Ms. Red?" tanong ni Micheal at nanlaki lalo ang mata niya nang tumango si Red. "Hala hindi ko po alam sorry di po kasi nila ako sinabihan," pagpapaliwanag ni Micheal.
"It's okay, okay lang yun, ako din gumawa ng rule na yun wag akong ipakilala para makilala ko sila ng tunay hindi yung nagpapakitang tao dahil kaharap nila ang boss," paliwanag din ni Red. Nakatingin lang sa kanya si Micheal parang nahihypnotize sa ganda niya.
"Red Camorra, you are?" Pagpapakilala ni Red at inilahad ang kamay niya, agad namang tinanggap ni Micheal.
"Micheal po, Micheal Agustin," pagpapakilala din ni Micheal habang nakikipag shake hands.
"Magaling ka, magaan ang kamay mo. Regular ka na ba dito?" Tanong ni Red pero umiling naman si Michael. "Well, you should be," dagdag pa ni Red.
"Hala! Thank you po Ms. Red malaking tulong po ito para sa pamilya ko," pagpapasalamat ni Micheal.
Napangiti si Red at nagpaalam nang aalis nang matapos ang tatlo niyang kasama; pagka alis mismo ni Red agad namang nagdiwang ang mga kasamahan niya for him dahil ang CEO na mismo ang nagsabi na tanggap na tanggap na siya sa trabaho niya.
-----------------------------------
"Micheal Agustin," wika ni Red habang nasa kotse sila pabalik ng CZ, hindi parin makalimutan ni Red ang interaction nila ni Micheal.
"Can't forget about him? Crush mo noh" tukso ni Scale kay Red na katabi nya lang sa likuran ng kotse.
"Scale, alam mong katabi mo lang ako at umaandar yung kotse na to diba?" Mahinahong tanong ni Red at tumango naman si Scale. "The you better lock your door and roll up that window dahil baka magulat ka nalang naihagis na kita" dagdag pa ni Red at napapigil naman ng tawa si Desa at Sorpia na nasa driver's at passenger seat.
"Ang init ng dugo mo kay Scale. Ang sabihin mo hindi mo makalimutan si Micheal, sige ka, isusumbog kita kay Giovanni" tukso rin ni Sorpia sakanya kaya sumama ang titig ni Red sa magmamaneho.
"Bakit mo naman sya isusumbong kay Giovanni eh nung binigyan nga ng bulaklak kanina parang na disappoint pa na hindi galing kay Karl yung bulaklak" gatong pa ni Desa sa panunukso ni Scale at Sorpia kaya parang kawawa sa isang gilid si Red, hindi na maipinta ang mukha dahil pinagtutulungan nanaman sya ng tatlo. Si Red ang pinakabata sakanilang apat kaya kahit sya ang boss wala parin syang nagagawa kapag ang tatlo na ang nanunukso sakanya dahil ate ang turing nya sakanila.
"Inaaway nyo nanaman ako" mangiyak ngiyak na maktol ni Red kaya natawa nanaman ang tatlo. "Yung apelyido nya kasi Agustin, yun din yung middle name ko baka lang kapamilya namin" pagmamaktol ulit ni Red.
"Then, why don't you ask Tita Ella" sagot naman ni Sorpia.
"Hindi naman sya sumasagot sa mga tanong namin about sa relatives nya kung may tito or tita or whatsoever" wika ni Red at nakanguso.
"Try mo lang. Baka sakaling sumagot sya diba" pagkumbinsi ni Sorpia kaya napaisip naman si Red. Hindi rin naman nagtagal tinukso nanaman sya ng tatlo kaya napahikbi nalang sya, todo suyo naman ang tatlo bibe sakanya.
-----------------------------------
Gabi sa CZ Mansion, tahimik silang kumakain ng hapunan sabay-sabay. Tanging ang tunog ng kubyertos na tumatama sa plato ang naririnig nila.
"Nay," panimula ni Red dahil kanina pa tahimik ang paligid.
"Hmm, Bakit? Kanin pa ba?" Tanong ni Ella at inalok ang kanin.
"May tanong lang po ako," sagot ni Red kaya nakinig naman si Ella. "By any chance, may kapatid ka po ba?" Tanong ni Red pero napatigil naman si Ella. Ang titig nya ay nag-iba, parang nag-aalangan.
Nanatiling nakatingin si Red sa nanay nya, ganun rin ang iba sakanya. Nakatingin sila kay Ella na parang nakagawa sya ng krimen.
—♡—
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top