24

Ilang segundo din ang itinagal ng halikan ni Desa at Severo hanggang si Desa na mismo ang kumalas at natawa nalang sila pareho. Sabay silang napatingin sa cellphone ni Desa nang may matanggap syang text.

"Mauna na ako, susunduin ko pa sila Scale. Wala kasi si Sorpia, una na ako," pagpapaalam ni Desa at binigyan ng mabilis na halik sa labi si Severo.

"Marunong naman syang magmaneho eh bakit ikaw pa yung susundo sakanya? At kasama nya din si Red diba, marunong yun magmaneho nakikipagkarera pa nga eh," maktol ni Severo at tinawanan sya ni Desa.

"Hayaan mo na, alam mo namang ako yung pinakamatanda saaming apat," katwiran ni Desa at hindi naman maganda ang timpla ng mukha ni Severo kaya tinadtad nya ito ng halik sa mukha na nakapagpangiti sa nobyo nya. Nang masiguro nyang maayos na ang timpla ni Severo, kinuha ni Desa ang susi ng kotse na binigay sakanya ni Red.

Pinagbuksan ni Severo ng gate ang nobya at hinintay munang makaalis ito bago sya pumasok ulit sa loob.

-----------------------------------

Jane was about to enter the indoor gym when she smiled, seeing Karl and Daniel working out together. She turned to the altar near them, where her mother's picture was placed.

"Galing ko po noh, napagbati ko sila bago yung birthday ko," she said proudly, smiling at Hannah's picture. She then turned her gaze back to her brother and father, who were laughing while working out.  She took a deep breath and walked towards them.

"Wow, you're showing off your abs, Kuya!" she teased her brother, who was shirtless.

"I have abs too, anak," Daniel declared, and was about to lift his shirt when Jane stopped him. "No need, Dad, it's okay. I can see your big biceps, the abs are fine," she said, a mischievous smile on her face.

"You're so mean to me," Daniel pouted, so Karl defended him.

"Don't worry, you're handsome," Karl said, which made Daniel happy. He stuck his tongue out at Jane.

"Oh! They said I'm handsome, who are you to disagree?" Daniel boasted, making Jane and Karl laugh at his antics.

"Kidding aside, Kuya, you're the only gay guy I know with abs," Jane said to her brother.

"Better than having a big belly, right Dad?" Karl said, turning to Daniel.

"It's okay, I've gotten over it," Daniel said, scratching his head. "But it's okay because you called me Dad," he added, blushing slightly as he pushed Jane playfully.

"Ouch! Is that from the nuggets earlier? You guys must have eaten too many, you got abs and Dad went crazy," Jane said to Karl, making the two men laugh.

"No, it's for Red. He invited me to model, you know," Karl replied, continuing his push-ups.

When Jane and Daniel heard Red's name, they looked at each other and jumped in excitement. Karl just shook his head.

-----------------------------------

Hinatid ni Zacxheus si Blue sa may kanto dahil doon gustong magpahatid ni Blue. Hinintay muna ni Blue na makaalis na si Zacxheus bago siya maglakad papunta sa CZ Mansion. Ginabi siya ng uwi dahil sa haba ng usapan nila at namasyal din saka namili.

"Nay, good evening po," bati ni Blue at nagmano kay Ella.

"Oh, kaawaan ka ng diyos, Blue, kausapin mo yang kapatid mo, namumuro na," naiinis na wika ni Ella.

"Nay, intindihin nalang po muna natin si Red. Nasaan po siya?" Tanong ni Blue sa galit na si Ella.

"Nasa taas, puntahan mo dun," walang interes na sagot ni Ella at umupo ulit para magbasa ng dyaryo.

Napailing nalang si Blue, bumuntong hininga at umakyat; kinatok niya ang kwarto ni Red at pumasok. Tinabihan niya ang kapatid na nakaupo sa kama, busy sa pagpindot sa laptop niya.

"Nagkasagutan nanaman kayo ni nanay noh?" paghuhula ni Blue pero tahimik lang si Red at busy sa pagtatrabaho gamit ang laptop na nakapatong sa binti niya.

"Mukang galit nanaman kasi si nanay. Alam ko na kung sino may gawa ng page," wika ni Blue at nilingon ang kapatid na kanina pa siya hindi sinasagot. "Huy, hindi mo ba talaga ako papansinin?" Tanong ni Blue.

"Busy ako, nagtatrabaho ako," simpleng sagot ni Red.

"Wala ka naman sa office mo ah," maktol ni Blue dahil hindi siya pinapansin ng kakambal. "Naikwento pala sakin ni Gio yung dahilan ng tattoo mo, the Medusa," dagdag pa ni Blue at narinig

"Good for you," tanging sagot ni Red kaya naisipang manlambing ni Blue at yumakap siya sa bewang ng kapatid.

"Nahuli na ba sila?" Tanong ni Blue kay Red at tiningala ito. "Nahanap mo na ba?" Tanong ulit ni Blue na nagpabuntong hininga kay Red.

"Hindi, wala na akong pake, bahala na ang karma ang humuli sakanila," walang ganang sagot ni Red.

"Wag kang mag alala," umupo si Blue at humarap kay Red kaya napalingon naman sakanya ang kapatid nya. "Tutulungan kitang mahuli sila," dagdag pa ni Blue.

"Wag na at wag na wag kang gagawa ng kung ano na makakadagdag sa issue, hayaan mo nang ako mag handle nito. Pati si Venus nadadamay sa issue ko ayoko din makasira ng relasyon," walang emosyong sagot ni Red kaya yumakap ulit si Blue sakanya.

"Si Venus may karelasyon?" Gulat na tanong ni Blue.

"Yup, may boyfriend sya at ako naman tong tanga," basag na boses ni Red.

Ramdam ni Blue ang bawat paghinga ni Red kaya niyakap nya nalang ito ng mahigpit habang nagpipigil si Red maiyak.

-----------------------------------

Masama ang tingin ni Venus sa kasama niyang lalaki ngayon sa isang bahay. Sobrang sobra ang pagkuskos niya sa kamay at braso, na para bang nakahawak siya ng nakakadiring bagay.

"Mhiemasaur, nakakalerki ka, you know that," nandidiring sabi ni Frank na patuloy sa pagkuskos ng sabon sa kamay at braso niya.

"Sorry na, Mhiemasaur. Yun lang yung naisip kong paraan para di na lumaki ang gulo," paliwanag naman ni Venus.

"Ang alin? Gawin akong boyfriend mo? Mhiemasaur, I know mukhang lalaki ako, katawan ko lalaki, but my heart's a woman's, and Frank pa talaga pinakilala mo? Ew! I am Franchezka, noh," nandidiring sagot ni Frank at nasusuka pa.

"Crush mo kaya ako dati, noh? Pasimple ka pa," tusko naman ni Venus kaya hindi maipinta ang mukha ni Frank.

"Dati yun, noong hindi pa ako nag-iisip," diring-diri si Frank kaya inirapan siya ni Venus. "Paano yan, lalayuan mo talaga si Red? Paano ka makakakuha ng information para kay Mr. Gillio? Paano yung USB na pinapakuha sayo? Alam mo naman kasabihan nun," dagdag pa ni Frank.

"Bawal paghintayin ang grasya," sagot pa ni Venus.

"Bakit ba kasi kailangan pang kunin yung USB na yun? Maka-react sila parang nakataya buhay nila dun, nakakaloka! Sa dinami-dami ng mga pinapagawa nila sa'tin, ito yung pinakawalang kwenta," naiinis na wika ni Frank.

"Mhiemasaur, yung bibig mo, baka may makadinig sayo," suway ni Venus sa kaibigan.

"Nasa bahay naman tayo ah. Ano 'to, PBB? May mga nakikinig? Hindi naman diva. So ano plano mo? Balita ko may fashion show bukas ang baby mo," sabi ni Frank kaya napalingon naman sakanya si Venus at umiling.

"Wala. Ayoko na. I think kakalas na ako. Pumasok lang naman ako sa grupo nyo kasi gusto kong mahuli yung pumatay sa magulang ko," sagot ni Venus kay Frank. "Madami na silang naaapakang tao at ayokong maging weapon nila para makaapak pa sila ng iba pang tao," dagdag pa ni Venus.

"Bakit, ano ka sapatos?" Biro ni Frank kaya nilingon naman siya ni Venus at napa-peace sign siya.

-----------------------------------

Friday, Madami na din ang nagsisidatingan sa venue para sa launch ng mga bagong design ng R Empire pero kabado padin si Red dahil nga sa issue na nangyari kahapon at dahil sa mabilis na pagbaba ng sales ng R Empire.

"Ms. Red huminahon ka," pagpapakalma ni Scale.

"Pano ako hihinahon kung ganon ang mga nangyari kahapon, sige nga subukan mong huminahon, tapos ngayon sasabihin nyo saakin kulang ang mga model?!" nagulat sila nang biglang hampasin ni Red ang mesa.

Nag uumpisa na ang event pero hindi padin dumarating ang ibang model kaya kanina pa umiinit ang ulo ni Red pero kailangan nyang isantabi lahat at mag isip ng paraan.

"Bahala na," wika ni Red. Tumayo sya at inayusan ang sarili, nakatingin lang sakanya ang mga staff at ibang empleyado na nakatoka sa pag aayos ng event  nandun sa backstage na parang change room na rin. "Ako na maglalakad dun, kung gusto nyong sumama kayo na ang bahala, ang important matapos tong event na successful dahil kalahati ng pera dito mapupunta sa orphanage," dagdag pa ni Red at sinuot ang isa sa mga dapat soot ng model.

Red fearlessly walked the runway in a sexy black dress with a high cut and a cut-out stomach that exposed her Medusa tattoo and a large backless back that exposed her scar from a incident when she was young. There is no doubt that the event was named 'Fearless Flaws'.

Nang palakad na sya pabalik nanlaki ang mata nya nang makasalubong nya si Karl at nakita ang pinaghirapan nitong anim na pandesal na he consider as flaws now he's not scared to show everyone I mean that's what the event for bravely showing everyone your flaws.

Since hindi sya sinipot ng mga models nya ay madami naman ang nag prisintang rumampa, lahat ay empleyado ng R Empire, lahat sila hindi nahiyang ipakita ang flaws nila tuwang tuwa naman si Red at maluha luha.

"Sabi sayo diba, huminahon ka lang, lahat ng problema may sulosyon," pag comfort ni Scale kay Red sabay hagod ng likod nya.

"Bakit ba kasi walang model? Nung pumunta ako dito kanina nandito silang lahat tapos nagbihis lang ako naglaho na sila? Ano yun magic? Wow!" Naiinis na wika ni Red kaya napapigil naman ng tawa si Desa at Sorpia.

"Ano ba yan abot pa yung boses mo sa dun sa banyo," tukso ni Karl habang inaayos ang tuxedo nyang nakabukas at lantad ang katawan nya, kitang kita ang 6-packs abs nya.

"Karl, please... Ayokong makipagbardagulan sayo ngayon, ayusin mo nga yang tuxedo mo baka kabagin ka," pagsusuplada ni Red.

"Sayang naman ang pinaghirapan kong  abdominal muscles kung itatago lang diba," pagmamalaki naman ni Karl.

"Kelan pa naging flaws yung abs ha?tsk, pasikat," wika ni Red at sasagor pa sana si Karl pero nirapan sya ni Red at lumabas para rumampa.

"Supladang babae," inis na kumento ni Karl.

"Madami kasing pandesal sa Italy nagsawa na yata," biro naman ni Blue kaya nilingon sya ni Karl.

"Iba naman tong akin eh hindi lang simpleng pandesal to," sagot ni Karl na ipinagtaka nila.

"Eh ano yan?" Nagtatakang tanong ni Blue.

"Monay," simpleng sagot ni Karl at nabulunan si Sorpia sa iniinom nyang juice.

"Oh ano kaya pa?" Natatawang tanong ni Blue kay Sorpia na hinahampas ang balikat ni Karl.

"Ikaw, bakit mo ba sinabi yun?!" reklamo ni Sorpia kay Karl habang naluluha na at umuubo ubo.

"Oh tubig," sabi ni Karl at inilahat ang puting tumbler kay Sorpia. Uminom naman si Sorpia sa tumbler na binigay ni Karl at napangiwi.

"Ano ba to," tanong ni Sorpia at tiningnan kung kanino ang tumbler.

"Kaya naman pala, hindi akin to kay Red to, bakla ka Red wine to," wika ni Sorpia at inuubo ubo kaya natatawa naman si Karl.

Kawawa naman ang balikat ni Karl sa hampas ni Sorpia habang si Blue naman ay tawang tawa natigil lang sila nang may marinig silang magsalita sa stage kaya napalabas sila.

"Good Morning everyone, well, it can also be, good afternoon because it's almost 12. I just want to thank everyone who came and was part of this event. Thank you for supporting this event," wika ni Red at lahat ng atensyon nasa kanya.

"I know you're all shocked by the issue that came out just yesterday, I just want to clarify... Yes, I have a Medusa tattoo, yes, I kissed a girl because I'm not that straight, and no, I'm not a whore. This tattoo has a whole other reason so in order not to have wrong information, listen carefully because there is no lie because I have nothing to hide unlike others, right Ms. Violet Claveria?" pagpapatuloy ni Red at napatingin naman sila kay Violet na naiilang sa mga nakatingin sakanya.

"Oh damn. Name drop," bulong ni Karl habang nandun parin sila sa likod ng stage at pinapanood sa monitor si Red.

"At lalong lalo na hindi ako manloloko at mananapak ng kapwa ko just to get attention and revenge am I right Mr. Cleove Gillio?" Tanong ni Red sa katabi ni Violet at napaiwas naman ng tingin ang dalawa.

"Now the story about my Medusa tattoo. It's hard for me to discuss this but to get rid of this mess I will try. September 17, 2018... It was 5 years ago but I still remember also every detail of what happened that night the only thing I can't remember is their name and face, 6 men were sitting next to me, I remember how uncomfortable I am wearing the clothes I don't usually wear, and I remember the taste of the first alcohol I tasted. They forced me to drink more until the fourth drink I blacked out," kwento ni Red at tahimik ang paligid at hinahayaan nilang magsalita si Red; naiiyak naman si Blue dahil sa dami ng taong nakikinig sa kapatid nya.

Huminga ng malalim si Red bago magpatuloy at tumingala para pigilan ang luha.

"Pinasok nila ako sa kwarto ng bar. Silang anim, and they start undressing me. They tied me sa gilid at gilid ng higaan. I remember isa sa mga lalaki may dala syang pocket knife and tumawa sya habang sinusugatan yung braso ko yung likod, hita, everywhere, buti nalang di nag iwan ng scars, silang lima, they started to undress. Sa kanilang anim isang lalaki lang ang tumututol, simula pa nung pinipilit akong painumin ng alak, pinatanggol nya ako pero pinagtangkaan din syang papatayin kaya wala syang nagawa," kwento ni Red.

Nanginginig na ang boses ni Red at napatakit ng mukha "I'm sorry," huling winika nya at napaiwas sa mic para hindi rinig ang paghikbi nya, agad namang umakyat si Blue at niyakap ang kapatid.


—♡—

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top