23

Naisipang sundan ni Venus ang babae hanggang sa makarating siya ng Lyxeeries at patuloy na sinundan si Violet pero bigla na lang itong nawala.

Sumilip-silip siya sa entrance ng Lyxeeries dahil ayaw siyang papasukin ng guard dahil sa pin na rosas na nasa damit niya. Ang pin na iyon ay nagpapahiwatig na isa siyang empleyado ng R Empire o ni Red Camorra.

"Venus?" Tawag ni Blue nang makita niya si Venus sa malaking glass window ng kumpanya.

Napalingon si Venus kay Blue na kasama si Zacxheus. "Anong ginagawa mo dito?" dagdag pa ni Blue.

"Ms. Blue, nandito po ba si Violet? Sys yung nakapulot ng cellphone ko eh" Tanong ni Venus kaya nagkatinginan naman si Blue at Zacxheus.

"Violet Claveria?" Tanong naman ni Zac kaya tumango si Venus bilang sagot. "Bakit mo naman siya hinahanap?" Dagdag na tanong ni Zacxheus.

"Eto naman, kakasabi lang sya yung nakapulot. Wag mo nang sagutin yan," wika ni Blue kaya itiniklop niya ang bibig. "Venus, pwede ka bang sumama sa office ko?" Dagdag pa ni Blue at tumango si Venus. Sinabihan nila si Blue ang guard na kaibigan nila si Venus para papasukin siya nito, naunang maglakad ang dalawa at sumunod naman si Venus sa likuran.

Nang makarating sila sa loob ng isang opisina, nagulat na lang si Venus nang ilock ni Zacxheus ang pinto at isara ang mga blinds.

"Pwedeng patingin ng phone mo?" Random na tanong ni Blue kaya nagtaka naman si Venus at kinakabahan.

"Akin po? Bakit?" Kinakabahang tanong ni Venus, nginitian lang siya ni Blue at huminga ng malalim.

"What do you mean bakit? May tinatago ka ba?" Wika ni Blue, pilit na hinuhuli ang mga salitang binibitiwan ng dalaga.

"Wala, wala naman po, nagtataka lang ako kung bakit kailangan makita 'yung phone ko," kabadong tanong ni Venus sa kanya.

"Kung wala kang tinatago, hindi ka dapat kabahan. Wag kang mag-alala, alam ko na ang nangyari sa pagitan ninyo ng kapatid ko. Alam ng buong mundo," direktang sabi ni Blue kaya mas naguluhan si Venus.

"Po? Ano po ibig niyong sabihin?" Wika ni Venus na naguguluhan pa rin. Iniharap ni Blue ang laptop niya kay Venus at tumambad sa dalaga ang page kung saan naka-post ang picture nilang dalawa ni Red na magkahalikan.

"Zac," tawag ni Blue sa lalaki at inilahad ni Zac ang kamay niya sa harapan ni Venus na nagdalawang-isip namang ibigay ito.

"Mukhang may iba ka pang tinatago bukod sa kababalaghan na tinatago ninyo ng kapatid ko. I think we should call the authorities; Zac, can you-" pagbabanta ni Blue kaya bigla namang napatayo si Venus.

"No, please don't. Ayokong mas lumala pa ang gulo at madawit ang pangalan ni Red dito. Eto 'yung phone ko, walang password 'yan," walang nagawa si Venus kundi ibigay ang phone niya kay Zac at madali namang nakapasok ang binata dahil wala itong password. Ibinigay ni Zacxheus kay Blue ang cellphone nang may makita siyang mga video sa gallery kaya pinanood ito.

Sa video, inaayos ni Venus ang pinaglalagyan ng cellphone at umayos ng pagkakaupo sa tabi ni Red sa sofa.

"Sino mahal mo?" tanong ni Venus kay Red habang hawak ang pisngi nito.

"Hmm," sagot ni Red at tumingin sa taas na parang nagiisip ng malalim. "Si Dora," panunukso ni Red sa kanya kaya napasimangot siya.

"Ang sama mo sa akin. Ikaw kaya nag-gupit ng bangs ko," pagmamaktol ni Venus kaya tawang-tawa naman si Red.

Habang nanonood ng video si Blue, napansin niya ang tawa at ngiti ng kapatid, totoo at puno ng saya, at parang ngiti at tawa ng isang batang wala pang muwang sa mundong ginagalawan niya. Huminga muna ng malalim si Blue at pinagpatuloy ang panonood.

"Bagay naman sa'yo," wika ni Red at inayos-ayos ang buhok ni Venus at ninakawan ito ng halik kaya nanlaki namana ang mga mata ni Venus at marahang pinisil ang ilong ni Red. "May video oh," turo ni Venus sa video.

"So? What?" tanong sa kanya ni Red at sasagot na sana siya nagsakupin ni Red ang labi niya.

Sumunod naman ang video na naglalaro si Venus at Red ng uno cards. Puno ng tawanan ang video, ganun rin ang iba pang video sa gallery ni Venus kaya napabuntong-hininga na lang ulit si Blue dahil ngayon niya lang nakitang ganun kasaya ang kapatid.

"Tama na 'yun. So, what do we have here sa contacts?" tanong ni Blue nang binalik niya na ito sa home screen.

"Wag!" agad silang napalingon kay Venus nang humiyaw siya.

"I mean, kailangan pa ba, kasi nakita n'yo naman na ang gusto n'yo makita totoo 'yung nasa page, we-we kissed and other things," pag-amin ni Venus.

"Hindi 'yun ang totoong sadya ko," bulgar ni Blue sa totoong intensyon niya. "I need to see your Facebook account," dagdag pa ni Blue habang busy sa cellphone ni Venus.

"Facebook account?" Naguguluhang tanong ni Venus habang nakatingin kay Blue na patuloy sa paghahanap ng ebidensya sa cellphone niya. "Pinagdududahan n'yo ba ako? Hindi ako ang may gawa n'yan, I would never do that to her, Ms. Blue, mahal ko ang kapatid mo," bwelta ni Venus.

"Mahal ka ba?" Napatigil si Venus sa sagot ni Blue sa kanya.

"I know her allergic siya sa touchy-touchy, sa sweet time, and most importantly allergic siya sa commitment," walang emosyong sagot ni Blue.

"Di mo nga siya kilala," simpleng sagot ni Venus kaya napalingon naman kaagad sa kanya si Blue at siningkitan siya ng tingin.

"Kilala ko siya, dahil kakambal ko siya," katwiran ni Blue. "Well, oo, dati siya 'yung pinakasweet na kilala ko noon, isang siyang inosenteng bata, mahinhin, maligalig at mapagmahal pero isang araw bigla na lang siyang nagbago, nawala na ang Tala ko dahil dun sa mga halimaw na 'yun and now bumalik na naman ang lahat ng sakit at trauma na nadama niya. Dahil sa'yo," dagdag pa ni Blue.

Nagtaka naman si Venus sa sinabi ni Blue; not until iniharap sa kanya ang cellphone niya at mismong account niya ang nagmamay-ari ng page.

"Hindi ako ang may gawa n'yan," pagtatanggol ni Venus sa sarili niya.

"Ano 'to kabute? Umuulhot lang," sakrastiking tanong ni Blue.

"Ngayon lang naisauli sa akin 'yan paano ko magagawa 'yan," wika ni Venus na ipinagtatangol ang sarili.

"Diba sinabi mo sa amin kanina, si Violet ang nakapulot ng cellphone mo?" Karagdagang katanungan ni Blue at tumango naman si Venus dahilan para magkatinginan si Blue at Zac.

"Wag kang mag-alala, hindi kita ipapahuli," paglilinaw ni Blue. "Papalayain kita sa isang kondisyon," Pagpapatuloy ni Blue habang tahimik naman ang paligid. "Layuan mo ang kapatid ko," dagdag pa ni Blue, tuwang-tuwa naman si Zac sa narinig niya.

"Ayos ah, parang nasa teleserye lang. Sabihin mo isang milyon, layuan mo ang kapatid ko," natutuwa wika ni Zacxheus pero tiningnan lang siya ni Blue.

"Seryoso 'to, Zac," suway ni Blue kaya natahimik naman si Zacxheus. Nilingon ulit ni Blue si Venus na nagdadalawang-isip kung tatanggapin niya ang offer ni Blue o hindi.

-----------------------------------

Si Blue at si Zac ay naghihintay ng kanilang order sa gotohan malapit sa Lyxeeries.

"Grabe yung offer mo sa kanya kanina, akala ko pera na," biro ni Zac.

"Well, hindi ko siya ma-offeran ng pera dahil kay Red ang pera na yun. Kapag nalaman niya na may kinuha akong isang milyon at saan ko ginamit, magagalit siya sa akin," sagot ni Blue.

"Kung magagalit siya, bakit mo pa ginawa yun?" tanong ni Zac na naguguluhan.

"Umiiwas lang ako sa gulo, Zac, at bilang ate, pinoprotektahan ko lang siya," dagdag ni Blue.

"Pano kung mahal nga siya ni Red?" simpleng tanong ni Zac, pero hindi nagpatinag si Blue.

"Hindi rin ako sigurado kasi madami nang balita na nakipag-flirt si Tala sa Italy at siya yung nang-ghost," sabi ni Blue.

"Ay, haba ng hair!" biro ni Zac kaya napatawa si Blue. "Ano naman yung sinabi mong di na siya kagaya ng dati?" tanong ni Zac, ngunit tinitigan lang siya ni Blue na para bang may tinatago.

"Alam mo, tama nga sila, langaw ka nga," biro ni Blue kaya napakamot ng ulo si Zac.

"Gusto ko lang naman magkaroon ng kaalaman tungkol sa future sister-in-law ko," biro ulit ni Zac, kaya natawa ulit si Blue. "Sister-in-law... Ayaw nga niya sa iyo," tukso ni Blue sa kasamahan niyang lalaki na ngayon ay nakasimangot na.

"Seryoso, nagalit ako nung malaman ko yung nangyari kanina. Parang little sister na sa akin... Hirap maging only child," wika ni Zac, at halata ang sinseridad sa boses at mata niya.

"Well, sweet naman talaga si Tala dati. Tahimik lang sya, parang manikang naka-display sa isang gilid, ganun siya. Clingy but sweet girl," kwento ni Blue habang interesado namang nakikinig si Zac. "Kahit nagtatampo siya sa akin o may galit, tatabi pa rin siya sa akin. Magso-sorry siya kahit hindi niya kasalanan, at kukulitin niya ako hanggang sa makipaglaro ako sa kanyang mga online games," dagdag pa ni Blue.

"Sigurado ka bang si Red pa rin yan ang kinukwento mo? Baka iba yung pinag-uusapan natin, baka kababata mo lang at kapangalan lang siya," sabi ni Zac, dahil sa layo ng pagkakakilala niya kay Red sa kwento ni Blue.

"Hindi kapani-paniwala, 'no? Kahit napakahinhin niya, matapang siya at laging nakikipagbasag-ulo sa amin. Tapos sa pag-aayos, parang lalaki," dagdag ni Blue sa kwento niya.

"Maluwag yata ang turnilyo ng kapatid mo dati pa. Mahinhing tomboy," tukso ni Zac. Natawa si Blue sa sinabi ni Zac, at napailing na lang saka sila kumain ng sabay.

-----------------------------------

Habang may inaayos si Desa sa mga ebidensyang kanilang nakuha, biglang nagulat siya nang may biglang yumakap sa kanya mula sa likuran. Malaking braso ang yumakap sa kanyang bewang at malaking katawan ang lumapat sa kanyang likuran.

"Ano 'yan?" tanong ni Severo na nakayakap sa bewang ni Desa at hinalikan ang balikat ni Desa.

"Mga ebidensya tungkol sa kung sino man ang naninira kay Red. Sinend sakin ni Blue yung iba pang ebidensya, kasama na dito yung nagtangka sakanya," sagot ni Desa habang tinitigan ang mga ebidensya at hindi masyadong pinansin ang mga halik ni Severo.

"Familiar 'to," sabi ni Severo na natigil sa panglalambing kay Desa dahil napansin niya ang litrato sa mesa. Lumapit siya sa mesa at nakita ang singsing.

"Ito yung singsing ng Claveria's, bakit nandito ito?" tanong ni Severo.

"Suot-suot ni Violet yan nung pinasundan siya ni Ms. Red. Sabi ni Red, hindi tinantanan ni Violet at inispam ng threats. Eto yung mga screenshot," wika ni Desa habang ipinakita ang mga screenshot.

"Pinasundan ni Red si Violet Claveria? Bakit hanggang dito lang yung litrato, hanggang close-up lang sa singsing?" tanong ni Severo.

"Sinubukan kumuha ng litrato ng malapitan ang pinadala ni Red para magmanman, pero hindi nagawa dahil maraming bantay na nakakalat," paliwanag ni Desa. Nagsalita bigla si Sorpia, na dala ang isang brown envelope.

"Nandito ang iba pang mga litrato at isang USB na may usapan ni Venus at ng magkapatid na Gillio sa phone call," dagdag pa ni Sorpia habang tinitingnan ni Desa ang laman ng brown envelope.

Severo's jaw dropped in awe as he asked, "How did you manage to eavesdrop on their phone call?" But Sorpia just smirked in response.

"Sorpia isn't your average techie," Desa boasted proudly. "She's got degrees in computer science, information technology, and cybersecurity. But what sets her apart are her exceptional skills, knowledge, and hands-on experience."

"I was trained to be a hacker," Sorpia declared confidently, her voice steady and unwavering. "I can penetrate the toughest security systems, bypass firewalls, and retrieve data without a trace." The room fell silent, captivated by Sorpia's undeniable expertise.

"Wow! Just wow!" Manghang-mangha si Severo at proud na tinitigan ni Desa si Sorpia na nakangiti.

-----------------------------------

Hindi mapakali si Red habang naghihintay sa labas ng coffee shop malapit sa opisina niya. Nakasuot siya ng sumbrero at leather jacket, at biglang napalingon sa isang babae na lumabas ng coffee shop.

"Venus," tawag ni Red sa dalaga kaya napalaki ang mata nito.

"Red? Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Venus.

"Bakit ka magre-resign? Venus, wag mo akong iwanan. Huwag kang mag-re-resign," pagmamakaawa ni Red.

"Kailangan ko, masyado nang malaki ang issue na ito na makakaapekto sa pamilya ko," sabi ni Venus, halos hindi makatingin ng maayos kay Red.

"Aayusin ko ito... Pangako, huwag ka lang umalis sa akin... Please, I'm begging you," pagsusumamo ni Red, na sana ay luluhod na sana kung hindi siya pigilan ni Venus.

(Now playing: August by Taylor Swift)

Pinahid ni Venus ang luha na tumutulo sa pisngi ni Red at ngumiti ng mapait.

"I think... Mas better na rin ito para sa ating dalawa. Wala naman talaga tayo, we are just confused by our feelings and are just led into temptation," pagpapaubaya ni Venus.

"You're joking, right?" Basag na boses ni Red. Napalingon silang dalawa nang may lumabas na lalaki sa coffee shop, inakbayan si Venus, at hinalikan sa noo.

"Babe, let's go?" Wika ng lalaki, kaya hindi makapaniwala si Red sa mga narinig at nakita niya.

"Uhm, This is Frank, my- my boyfriend," nauutal na sabi ni Venus.

Tila tinanggalan ng hininga si Red at naging bato ang labi ni Venus sa lahat ng ayaw niyang marinig sa oras na iyon.

"Oh- Oh, boy- boyfriend?" Nauutal na tanong ni Red, at tumango si Venus. "Congrats, take care- take care always, mauna na ako," wika ni Red, at nagmamadali siyang naglakad pabalik sa sasakyan niya, at napalingon siya kay Scale na nag-aabang sa driver's seat na naka-cross arm.

"Oh look, nagsusumamo ang heartbreaker," tukso ni Scale nang makita niya ang buong usapan ni Venus at Red habang naghihintay sa loob ng kotse.

"Shut up, Scale," inis na suway ni Red, pinunasan ang mga luha. "Tama siya, mas mabuti na ito para di ako makasira sa kanya. After all, she was never mine. Kaya bakit naman ako masasaktan, diba? Dagdag mo na yung picture niya sa collection mo ng mga ginost ko," dagdag niya habang naglalakad.

"Ginost mo? Mhie hindi ka nang-ghost, nabasted ka," tukso ulit ni Scale, kaya tinignan siya ng masama ni Red, nag-peace sign si Scale, at iniwas ni Red ang tingin sa kanya, saka tumingin sa bintana ng kotse.

"Matapang ka nga, pero mahina ka naman pagdating sa pagmamahal," bulong ni Scale sa hangin habang nagmamaneho, at napailing na lang habang nagpapatuloy sa daan.

-----------------------------------

Nagpunta si Severo sa courtyard matapos sabihan ni Giovanni na magkita sila doon. Nakita niya si Gio na nakaupo sa maliit na upuan malapit sa indoor gym, maagang nag-iinom.

"Ang aga-aga, nag-iinom ka?" bulalas ni Severo, kaya napatingin sa kanya si Giovanni at inabutan siya ng isang latang inumin.

"Sayang lang yung premyo mong alak kung hindi mo rin naman iinumin," sagot ni Giovanni kay Severo, kaya napailing na lang si Severo at tumabi sa kaibigan na medyo may tama na.

"Susukuan mo na ba yung panliligaw mo kay Red dahil lang du'n?" Tanong ni Severo, habang tinungga ang alak, kaya napalingon si Gio sa kanya.

"Anong sabi mo, bakit ko naman susukuan ang panliligaw sa kanya, nasaktan lang ako," sagot ni Gio, habang nagbukas ulit ng isa pang alak.

"Tapos maglalasing ka na lang kasi nasaktan ka sa nakita mo? Sabagay, kung ako naman yung nasa posisyon mo, masasaktan talaga ako," sang-ayon ni Severo, habang iniinom ang hawak niyang alak. "Buti na lang at hindi ganyan ang baby ko," biro ni Severo, kaya matalim na tinitigan siya ni Giovanni, pero tinawanan lang ito.

Nakarating si Desa sa tamang oras, kaya napalingon si Severo sa likuran.

"Paano ba 'yan, tol, nandito na yung sasakyan ko," wika ni Severo, saka tumayo. "Usap tayo mamaya, baby time muna ako," biro ni Severo, kaya napatawa si Desa at bahagyang binatukan ang nobyo.

...

"Nagrarant yung kaibigan mo sayo tapos sinabihan mo akong sunduin kita after 1 minute," wika ni Desa habang kausap ang lalaking nakayakap sa likod niya. Kasalukuyan silang nakaupo sa ilalim ng cherry blossom tree at nakatingin sa malawak na lupain.

"Gusto kitang makasama eh, life is short sabi nga nila," sagot ni Severo, at bahagyang natawa si Desa.

"Diba niligawan mo na dati si Blue, pati si Gio niligawan nya rin dati si Blue," wika ni Desa, na nagpakunot ng noo ni Severo.

"Oo, una niya akong binasted, sunod naman si Giovanni nung sumunod na araw. Bakit... Bakit mo natanong? May nagawa ba akong mali?" Nag-aalalang tanong ni Severo, kaya umiling naman si Desa.

"Hindi, ano ka ba, nagtatanong lang ako," paninigurado ni Desa, kaya nakahinga ng maluwag si Severo, at hinigpitan ang yakap sa bewang ni Desa. "Sa totoo lang, nagdalawang-isip ako nung tinanong mo ako kung pwede bang manligaw," pagsasabi ng totoo ni Desa, habang hinarap ang lalaking nakayakap sa likuran niya.

"Kasi hanggang MU lang naman tayo dati, nagulat lang ako kasi gusto mo akong ligawan," dagdag pa ni Desa. Kaya nginitian siya ni Severo, hinawakan ang magkabilang kamay niya. Sakto namang may tumugtog na violin, dahil sa ganung oras nagpapatugtog ng violin si Ella, pangpalipas oras niya.

Tumayo si Severo at inilahad ang kamay sa harapan ni Desa. "May I have this dance, my lady?" Magalang na alok ni Severo, kaya napangiti si Desa at malugod na tinanggap ang kamay ng nobyo. Sumayaw sila kasabay ng magandang ritmo na tinutugtog ni Ella, na medyo makalayo ng kaunti sa kanila.

"Dati palang, nakuha mo na ang atensyon ko, pero laging hindi tayo tumutugma sa isa't-isa. Kung kelan pwede na ako, saka ka naman mayroon, tapos kung kelan pwede ka na, ako naman ang hindi. Naduwag ako, naduwag ako na baka hindi mo ako gusto, kaya sabi ko sa sarili ko hihintayin ko ang tamang oras at panahon," wika ni Severo kay Desa habang nakahawak ang isang kamay niya sa bewang nito at ang isa naman ay sa kamay niya. Sinayaw niya ng mabagal si Desa na mataman na nakikinig sa kanya.

"And this is it, ito na ang hinihintay ko. Natupad na lahat ng pangarap at hiling ko, nandito ka na sa tabi ko. Hinding-hindi ko na hahayaang masaktan ka," dagdag pa ni Severo, at pinunasan ang luha na tumulo sa pisngi ng nobya.

"Perché una bella donna come te non merita di essere ignorata"
(Because a beautiful woman like you doesn't deserve to be ignored.)

Napangiti si Desa habang nakatingin sa bughaw na mga mata ni Severo. Hinaplos ni Severo ang pisngi ni Desa, at napatingin siya sa labi nito-mga labing kulay rosas-hanggang sa unti-unti nang nagdikit ang kanilang mga labi. Ang sandali ay tila huminto habang sila'y nasa gitna ng courtyard, sa ilalim ng kumikislap na liwanag ng araw na bumabalot sa kanilang pagmamahalan. Sa pagyakap ng kanilang mga labi, tila naglaho ang lahat ng problema at pangamba, at naroon lamang ang tamis ng pag-ibig na kanilang pinagsaluhan.

Ang cherry blossom tree sa tabi nila'y animo'y saksi sa pag-usbong ng bagong kabanata sa kanilang pagmamahalan. Ang hangin ay tila sumasayaw sa ritmo ng kanilang mga puso na naglalaman ng ligaya at pag-asa. Ang oras ay tila tumigil sa kanilang pagmamahalan, at ang mundo'y tila nagpasya na bigyan sila ng espasyo para sa kanilang pag-ibig.

Sa pagitan ng mga bulaklak na naglalagablab sa courtyard, nagsimula ang kanilang bagong paglalakbay kasama ang isat-isa, puno ng pagmamahal, pag-unawa, at pangako ng walang hanggang pagmamahalan.

—♡—

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top