22

Natutuwa si Jane habang nakatingin sa kanyang tatay at kapatid habang nagtuturo si Daniel kay Karl kung paano gumawa ng kanilang handmade invitations, kahit na mas malapit sa kanya si Jane.

Hindi pumasok sa opisina si Daniel at pinatrabaho na lang sa kanyang secretary ang mga naiwang gawain para makasama at makabonding ang kanyang mga anak. Hindi rin nagbukas ng shop si Karl para matulungan si Jane sa kanyang gusto.

Siguradong nagpili si Daniel ng mga salitang hindi makakasakit sa damdamin ni Karl at pinanatili ang magandang usapan sa kanilang bonding moment.

"Karl anak, paano ipasok ito dito sa ganyan?" Tanong ni Daniel kay Karl, na siya namang masayang tinuruan ni Karl at nakikinig ng mabuti.

"Daddy, naaalala mo pa yung boyfriend ni Kuya dati?" Tanong ni Jane kay Daniel, na agad namang pinanlaki ng mata ni Karl.

"Oo, bakit?" Tanong ni Daniel sa kanyang bunso habang lumingon sa kanyang panganay. "Kayo pa rin ba nun, Karl? Mukha namang adik yun eh," komento ni Daniel, na nagpatawa kay Jane.

"Adik nga, daddy, dinadamay nga si Kuya," pangungulit ni Jane, na nagdulot ng pagtampal ni Karl sa kanyang noo habang halata ang galit sa mukha ni Daniel.

"Eh gago pala yun, sana pala yung Andrew nalang yung sinagot mo, hindi yung gagong adik na yun, dalawa naman yung nanliligaw sayo nun eh," galit na bulalas ni Daniel kaya nagkatinginan naman si Karl at Jane dahil alam ni Daniel na may nanligaw kay Karl.

"Paano mo nalamang–" wika ni Karl pero pinutol ito ni Daniel.

"Sa tingin mo hahayaan kong ligawan ka ng mga lalaking yun ng hindi ko sila na background check? No," direktang sagot ni Daniel kaya napaiwas naman ng tingin si Karl. "Nangako ako sa Mommy nyo, hindi ko kayo pababayaan at lalong lalo na hindi ko hahayaang makipagrelasyon kayo sa taong aabusuhin at sasaktan lang kayo," dagdag pa ni Daniel at bahagya syang pumiyok.

"Daddy, yung ex kasi ni kuya, sinasaktan sya not only emotionally but also physically. Kung nandun lang ako bubog saakin yun–" dagdag pa ni Jane pero naputol ito dahil napatayo si Daniel at mas lalong nagalit saka tinitigan si Karl na bumuntong hininga at napailing iling nalang.

"Sinaktan ka nya?! Abay, putang ina nya! Hindi tayo magkasundo pero never kitang binugbog Karl alam mo yan. Tapos sya sasaktan ka lang nya?! Gago lang?!" Galit na galit na si Daniel kaya nagulat naman ang magkapatid.

"Daddy, huminahon ka po," pagpahinahon ni Jane sa tatay nya pero hindi nagpatinag si Daniel.

"Anong huminahon, hindi ako hihinahon. Bakit ngayon nyo lang sinabi saakin to ha, ay nako sinasabi ko talaga! Nakulong na ba yan?" Galit na sagot ni Daniel.

"Hindi po kasi yung tatay nya lawyer," mahinang sagot ni Karl kaya marahang na bumuntong hininga si Daniel.

"Abay putang ina! Eh, ano naman kung lawyer, kung maaga nyong sinabi saakin yan... hay nako gago yun. Hintayin n'yo ako diyan, kukunin ko lang yung cellphone ko," wika ni Daniel bago pumasok sa loob. Hindi napigilan ni Jane ang pagtawa kaya nilingon siya ng kanyang kapatid.

"Bakit ka tumatawa diyan?" Tanong ni Karl.

"Wala lang, ngayon ko lang nakitang ganoon ang reaksyon ng daddy. Kuya, alam mo ba, kahit anong taboy niya sayo, ikaw pa rin ang hinahanap niya. Pag nalalasing yan, walang ibang bukambibig ang daddy kundi ikaw lang," nakangiting sabi ni Jane. "May isang beses umiyak pa nga siya. Pag-uwi ko galing sa school, sabi sa akin ni manang na dalian ko raw at umiiyak ang daddy, hinahanap tayo," dagdag pa ni Jane.

"Tapos?" Interesado si Karl sa kwento ng kapatid.

"Ayun, pagpasok ko, nasa sahig siya, nakayakap kay uncle at umiiyak. Nung lumapit ako, sabi niya iniwan daw natin siya mag-isa sa bahay, at siya na lang daw mag-isa," kuwento ni Jane, na bahagyang napatawa sa pagbalik ng alaala ng pangyayari. Napalingon si Karl kung saan pumasok si Daniel at bahagyang ngumiti.

-----------------------------------

Lumabas si Red ng kwarto at napatingin naman sa mga isda sa aquarium na nasa harap ng kanyang kwarto. Sakto naman lumabas si Blue mula sa kabilang kwarto at nakabihis din.

"Oh, Tala, dito ka pala natulog? Sabi ni Scale sa condo ka raw umuwi," tanong ni Blue nang makita niya ang kapatid na nakatitig sa aquarium.

"Sa condo ako natulog, may kinuha lang ako," sagot ni Red kaya tumango naman si Blue.

"Papasok ka na ba? Sabay na tayo," sabi ni Blue habang inaayos ang mga bag niya.

"Sa tingin mo nababagot din ba sila dito? I mean paulit-ulit lang ang buhay nila. Lumalangoy, kumakain, tapos lalangoy ulit," random na tanong ni Red kaya napalingon si Blue sa kanya at nilapitan ang kapatid na titig sa aquarium. "Ano kaya nararamdaman nila, natatakot rin ba sila sa mundong ginagalawan nila?" Dagdag pa ni Red habang hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa malaking aquarium.

"Bakit mo naman natanong 'yan?" Kunot-noo na tanong ni Blue.

Napatingin naman sa kanya si Red ng hindi katagal at bumuntong-hininga. "Wala. Tara na, ihahatid kita," sagot niya, nilagpasan si Blue at bumaba.

"Magandang umaga, Nay," bati ni Red at ngumiti kay Ella.

"Oh, papasok na kayo? Kumain na muna kayo para may laman ang sikmura n'yo," alok ni Ella ngunit umiling lang si Red at kinuha ang susi ng kanyang sasakyan.

"Umaga po," bati ni Blue at ngumiti rin sa kanyang nanay saka humirit ng tinapay.

"Blue! Dalian mo, akala ko ba sasabay ka sa akin," tawag ni Red sa kapatid.

"Eto na, sandali lang!" Sagot ni Blue habang nagmamadali sa pagkain ng tinapay at nang lingunin siya, palabas na ng pinto si Red na nakabuntot sa kanya si Scale. Sinubo na lang niya nang buo ang tinapay at kumuha ulit ng isa bago tumakbo papunta kay Red.

"Blue, baka mabulunan ka. Red, dahan-dahan lang sa pagmamaneho!" Habilin ni Ella kaya sabay na sumagot ang dalawa at pasigaw na um-oo ang dalawa dahil medyo malayo naman sila kaya napabuntong-hininga na lang ang ginang.

"Palaging nagmamadali yang amo n'yo, 'no?" reklamo ni Ella kay Desa at Sorpia na nagpapalaman ng itlog sa tinapay at sumang-ayon naman sila.

"We have to go po," paalam ni Sorpia kaya nagmadali rin si Desa sa pagkain.

"Teka, sandali lang. Paalam po. Pia! Sandali lang," paalam ni Desa at nagmadaling habulin si Sorpia na mabilis na maglakad kaya napailing na lang ulit si Ella.

...

Lumipas ang isang oras at nakarating din sila sa Lyxeeries; sana ay bababa na si Blue ngunit pinigilan siya ni Red.

"Sandali lang," sabi ni Red habang iniabot ang lunch box kay Blue.

"Ano 'to?" tanong ni Blue sa kanyang kapatid.

"Diba nangako ako na ipagluluto kita," sagot ni Red kaya napangiti si Blue.

"Yiee!" yumakap siya at humalik-halik sa mukha ni Red. "Thanksie, thank you, thank you very very much," dagdag pa niya habang natatawa sa reaksyon ng kanyang kapatid.

"Laway mo mhie... Bumaba ka na nga, puno na ako ng laway at lipstick," reklamo ni Red habang pinupunasan ang kanyang mukha.

"Thank you lang may pakiss talaga," tanong ni Scale na nasa likuran.

"Bakit gusto mo din ba? Lika," biro ni Blue ngunit tinataboy na siya ni Red.

"Blue Camorra, bumaba ka na o baka gusto mong itapon kita pababa?" ma-awtoridad na wika ni Red. Bumaba si Blue at kumaway muna bago pumasok sa HQ.

"Selos yarn," tukso ni Scale kaya tiningnan niya si Scale sa rearview mirror at napataas ng peace sign ang dalaga bago sila lumarga.

Pagdating sa main building ng R Empire, lahat ng tao ay nakatingin sa kanila ngunit hinayaan nila iyon. Baka dahil lang sa mga tumataas na sales at bagong produkto, ngunit iba ang tingin ng mga tao sa kanila; hindi tingin ng papuri kundi tingin ng panlalait.

"Scale, what's my schedule?" tanong ni Red na hindi pinansin ang hindi magagandang tingin.

"May appointment ka with the investors of SM Osania mamayang 10 AM at may meeting ka with the board of directors mamayang 2 PM. For Thursday, you have an appointment with Mr. D at sa Sabado meron ding dalawang magkaibang appointment, that's all," wika ni Scale habang nakatingin sa kanyang iPad.

"Okay. Make sure walang ganap sa Friday, mamamasyal tayo kasama si nanay, and sa Monday, cancel all my meetings kasi birthday ni Jane 'yan and–" naputol ang pag-uutos ni Red nang mapalingon siya dahil napansin niyang hindi na sumusunod si Scale sa kanya; nakatutok ito sa cellphone niya gaya ng mga tao sa paligid.

"Ano ba! Scale, are you even listening to me? Kayo?! Bakit kayong lahat nakatutok sa phone n'yo, wala ba kayong trabaho? Tornare al lavoro!" Galit na utos ni Red sa lahat kaya dali-dali bumalik sa trabaho ang lahat.
(Go back to work!)

"Ms. Red, I think you need to see this," nag-aalala ni Scale sabay abot ng cellphone kay Red. Parang naging bato si Red sa nakita niya.


"Sinong may gawa nito. Hindi ako magagalit basta umamin na kayo ngayon," mahinahong tanong ni Red sa paligid ngunit ni isa sa kanila ang hindi umamin at hindi makatitig sa kanya.

Uminit na ang ulo niya, "Sino!" Galit na hiyaw ni Red at umalingawngaw ang boses niya sa buong building na nagdulot ng nakakabinging katahimikan.

"Sige, walang aamin? Makikilala ko rin naman kayo. Ipagdasal n'yo na may trabaho pa kayong babalikan pag nalaman ko kung sino ang may gawa nito," wika ni Red na umiigting ang panga.

Naunang maglakad si Red papasok sa kanyang opisina, sumunod naman si Scale.

...

Ang sitwasyon sa opisina ni Red ay naging masalimuot dahil sa biglang isyung lumitaw. Hindi makapag-umpisa sa pagtatrabaho si Red dahil sa nasabing issue. Hawak-hawak niya ang basong may laman na alak habang paulit-ulit siyang pabalik-balik.

"From wine to whiskey ah," biro ni Giovanni kaya nasiko siya ni Scale.

"Pwede ba, Gio, wag ngayon," bulong ni Scale sa kanya.

"Ang sa akin lang naman, bawal 'yan sa kanya," bulong ni Gio kay Scale.

"Ilang beses ko nang sinabihan 'yan pero ayaw niyang makinig," sagot ni Scale habang pinapanood si Red na pabalik-balik ng lakad.

"Masyado kasing kampante na may naka-standby na medic dito, kaya matigas ulo," dagdag pa ni Giovanni.

"Pwede ba, tumahimik kayo dahil kapag ako nakakita ng karayom at sinulid, tatahiin ko mano-mano 'yang mga bibig n'yo," nanggigigil na wika ni Red at natahimik naman ang dalawa kaya nagsikuhan na lang sila habang si Red ay nababalisa sa kakaisip kung sino ang may gawa at kung ano ang gagawin niya.

"Nakilala n'yo na ba kung sino?" Pag-iba ng usapan, umiling naman si Giovanni.

"Kung alam na namin edi sana hindi na magpapakalasing 'yan," wika ni Scale at tinuro si Red na nagsasalin nanaman.

Ngayon lang nila nakita ang kanilang kaibigan at boss na ganoon; galit na galit, balisa, at tila adik. Nanginginig ang kanyang kamay at pawisang pawisan. Napatingin si Scale sa kanyang phone nang may lumabas na notification galing sa page na 'Pokpok ng R Empire' may bagong post.

"You kissed a girl? And si Venus?!" Wika ni Scale at napatayo.

Bumuntong-hininga naman si Red at nagsalin ng whiskey sa baso. "I slept with her," walang emosyong sinabi habang umiinom.

"You... You did what?!" Parang binuhusan ng malamig na tubig si Scale at pati si Giovanni ay natigilan sa sinabi ni Red.

"Maka-react kayo parang wala kayong hinalikan na babae ah," supladang wika ni Red at nalalasing na rin siya.

"Oo, may hinalikan akong girl pero smack lang, hindi laplap mhiemah! Hindi ako nakikipag– ano!" Wika ni Scale at gulat na gulat pa rin.

"Oo! Madumi na ako! Madumi akong babae!" Buwisit na wika ni Red.

"Hindi naman 'yun ang pinupunto ko. Alam kong bi ka pero hindi ko akalaing magagawa mo–" wika ni Scale ngunit naputol ang sasabihin niya nang biglang humiyaw si Red at inihagis ang basong hawak niya, nagkalat ang basag na baso sa loob ng opisina.

Kumuha ng walis si Scale at nilinis ang mga bubog; nilapitan naman ni Gio si Red at hahawakan sana ngunit sinenyasan siya nito na huminto.

"Please, lumabas muna kayo," sabi ni Red at huminga ng malalim.

"Pero, Red," wika ni Giovanni.

"Please lang, Gio. Lumabas ka na," nagpipigil na si Red.

"Hindi kita iiwan dito," pagmamatigas ni Gio.

"I said get out! Ano ba ang hindi mo naiintindihan dun?! Gusto mo bang itranslate ko pa in Italian?!" Wika ni Red at sumabog sa galit.

"Tara na, Gio. Hayaan na muna natin siya," wika ni Scale at hinatak si Giovanni.

Bago sila lumabas, nilingon nila si Red na ngayon ay hawak na ang bote ng whiskey at tinutungga; at tuluyan silang lumabas.

-----------------------------------

Habang nagkakaroon na ng bonding si Daniel at Karl, bigla namang tumakbo papalapit sa kanila si Jane na dala ang kanyang cellphone.

"Kuya! Kuya!" Kinakabahang tinawag ni Jane ang kanyang kuya, na agad namang nabalot ng pag-aalala sina Karl at Daniel.

"Oh! Ano'ng nangyari sa'yo?" Nagaalalang tanong ni Karl.

"Diba si ate Red 'to?" Tanong ni Jane habang ipinakita ang page na nakita ng buong mundo at ni Red.

"Si Red? Si Red Camorra?" Tanong ni Daniel, na tumango naman si Jane. "Opo, may naninira sa kanya," sagot ni Jane sa kanyang tatay. Parehong napatingin sina Jane at Daniel kay Karl na gulat.

"Puntahan mo na ang crush mo," nag-aalalang wika ni Jane na may konting tukso.

"Crush?" Tanong naman ni Daniel. Pinanlakihan naman ng mata ni Karl ang kapatid kaya napatakip ito ng bibig.

"Mamaya na natin pag-usapan tungkol sa crush na 'yan. Puntahan ko muna si Red," pagpapaalam ni Karl at agad nagpaharurot papuntang main building ng R Empire.

Habang nagmamaneho siya, sinusubukan niyang tawagan si Red pero ring lang ito ng ring kaya naisipan niyang tawagan na lang si Blue.

"Hello," sagot ni Blue sa tawag ni Karl.

"Hello, Blue, Alam mo na ba?" Tanong ni Karl kay Blue na nasa kabilang linya.

"Yes, Kanina ko pa nga siya tinatawagan, hindi niya sinasagot, kinakabahan na ako," sagot ni Blue.

"Papunta na ako sa R Empire. Gusto mo bang daanan kita diyan, malapit lang ako sa Lyxeeries," tanong ni Karl at pumayag naman si Blue kaya ibinaba na ni Karl ang tawag at nagfocus sa pagmamaneho.

Dinaanan ni Karl si Blue at sabay silang pumunta sa R Empire. Agad din namang pumasok si Blue sa kumpanya, nagmamadali at nag-aalala.

"Scale, nasaan siya?" Tanong ni Blue.

"Nasa opisina niya," sagot naman ni Scale.

"Sya lang ba mag-isa dun?" Tanong ni Blue at tumango naman si Scale.

"Bakit n'yo iniwan, baka mamaya ano maisipan nun," medyo naiinis na wika ni Blue.

"Pinalabas niya kami... Blue, galit na galit siya, ngayon ko lang siyang nakitang ganun," sagot naman ni Scale. "Nag-aalala din kami, may binasag siyang baso, kinakabahan ako baka may naiwang basag na baso dun," dagdag pa ni Scale.

"Sya? Nagbasag ng baso?" Gulat na wika ni Blue dahil hindi ugali ng kapatid niya ang pagbabasag ng mga bagay-bagay.

"I know, di kapani-paniwala pero totoo," sagot naman ni Scale.

Sinubukang buksan ni Karl ang opisina ni Red pero naka-lock ito. "Naka-lock, may susi ba kayo?" Tanong ni Karl sa kanila.

"Eto, ID ko i-scan mo," wika ni Scale at inabot ang ID kay Karl. Bago pa ma-scan ni Karl ang ID sa pinto, biglang bumukas ito.

"Scale," Tawag ni Red.

Bumungad sa harapan nila ang hinihingal at namumugto ang mata na si Red, nakatingin sa kanila; isasara na sana ni Red ang pinto pero napigilan ni Giovanni at Karl, at dahil na rin sa lakas ng dalawang lalaki, hindi kinaya ni Red na labanan ang pagtulak nila sa pintuan kaya napasok sila.

Kinuha niya ulit ang bote ng alak at tinungga habang nanginginig ang mga kamay niya; ihahagis na niya sana ang bote ng alak nang mapigilan at makuha ni Blue ang bote at inilayo.

"Tama na, tama na 'yan," pagpapakalma ni Blue sa bunso at niyakap niya ng mahigpit ang kapatid at hindi binitiwan kahit nagpupumiglas ito.

"Bitiwan mo ako! Madumi ako! Ano ba, bumitaw ka!!" Pagmamaktol ni Red at halos namamaos na.

"Tama na ha, nandito na si ate, tama na," kahit nanginginig ang boses niya, ay pilit niya pa ring pinapakalma si Red na nagkakaroon ng panic attack. "Huminahon ka... Inhale, exhale... Inhale... Exhale," dagdag pa ni Blue habang yakap-yakap parin ang umiiyak at nanginginig na si Red.

"Ate," tawag ni Red sa kapatid niya kaya hinagod naman ni Blue ang likod nito.

"Opo, nandito si Ate," wika ni Blue at tinali ang buhok ni Red saka niyakap ulit. "Pawis na pawis siya, Scale, pengeng towel," utos ni Blue kaya dali-dali namang kumuha si Scale ng towel sa closet ni Red na nasa gilid lang ng banyo at kwarto sa opisina niya.

"Ate, masakit po," wika ni Red habang kinakabog ang dibdib niya kaya pinigilan naman ito ni Blue.

"Inhale-exhale tayo, okay?" Suhestyon naman ni Blue kaya tumango si Red at nag inhale-exhale, pero imbes na kumalma ang paghinga niya, nasusuka siya. Inilapit ni Karl ang basurahan para doon mailabas ni Red kung meron man.

"Wag mong pigilan, ilabas mo lang," wika ni Blue kaya nasuka si Red sa basurahan. Nang mailabas na lahat ni Red, sumandal ulit siya sa braso ni Blue. "Saan masakit?" Tanong ni Blue sa kapatid at tinuro naman nito ang ulo niya saka tumango si Blue.

Yakap-yakap pa rin siya ni Blue at unti-unti nang kumalma at madahan silang umupo sa sofa; ilang oras din ang lumipas bago tuluyang maging kalmado si Red pati na rin ang paghinga niya. Nanatili lang na naka back hug si Blue sa kapatid at nakakandong si Red sakanya, sinusuklay-suklay ni Blue ang buhok niya gamit ang kamay, natigil lang siya nang lingunin siya ni Red.

"Hmm? Bakit, ano 'yun?" Tanong ni Blue pero tinitigan lang siya ni Red kaya nginitian niya ito. Umikot si Red at kumandong ulit sakanya.

"Ate," yumakap si Red sa bandang bewang ng ate niya at inihiga ang ulo sa dibdib ng ate niya saka pumikit.

Nagulat naman ang tatlo sa ginawa ni Red, pati si Blue ay nagulat din; niyakap siya ni Blue ng mahigpit at hinalikan sa noo.

"Huhulihin natin lahat ng may gawa nito, pangako 'yan," wika ni Blue.

"Ayoko ng pangako," simpleng sagot ni Red kaya tumango naman si Blue.

"Sige, huhulihin natin siya, period," wika ni Blue at hindi na sumagot si Red pagtingin niya at tulog na ito.

Gusto sanang lapitan, hawakan, at yakapin ni Karl si Red, pero para bang may pumipigil sa kanya kaya naisipan niya na lang magpaalam na uuwi na.


...

"Kamusta si Ate?" Bungad ni Jane nang makauwi na si Karl sa kanila.

"Ok na siya, kanina inatake siya ng panic attack pero kalmado na siya ngayon," paliwanag ni Karl kaya nakahinga naman ng maluwag si Jane.

"Eh bakit mo iniwan, baka mamaya maagaw pa ng iba 'yun," reaksyon ni Jane kaya napatingin siya ng malaki ni Karl.

"Ewan ko sa'yo, dyan ka na nga, magdidilig pa ako," wika ni Karl at pumunta sa garden.

"Ikaw, kung ano-ano pinapasok mo sa utak ng kuya mo, tigilan mo nga 'yan," suway ni Daniel kaya bahagyang natawa si Jane. Nilingon ni Daniel ang panganay niya at bumuntong-hininga saka sinundan papuntang garden, sumunod rin si Jane. "Anak, tanong lang, akala ko... I thought you like boys?" Dagdag ni Daniel at naguguluhan.

"Akala ko din po, then she came; my heart beats her name, nakakaginhawa ang mga ngiti niya, nakakatanggal ng pagod kapag kasama ko siya," matapang na sumbong ni Karl. Gumaan-gaan na rin ang pakiramdam niya sa tatay niya, hindi niya maintindihan pero hindi niya ito magawang pagtabuyan o magalit kay Daniel.

"In love na ako, in love na sayo," pang-aasar ni Jane kay Karl.

"Ganun?" tinutok ni Karl ang hose na ginagamit niya pandilig at iniharap kay Jane kaya napatili at tumakbo para kumuha rin ng hose.

"Magsitigil nga kayo. Tigilan nyo na 'yang basaan, magkakasakit kayo niyan," dahil sa sinabi ni Daniel, napagkaisahan sila ng dalawa at sabay syang binasa.

-----------------------------------

"Dito ko lang naihulog 'yun eh. Wala naman sa lost and found, lagot ako nito," wika ni Venus habang hinahanap ang cellphone sa lugar kung saan niya naalalang naihulog niya.

"Excuse me," tawag ng isang babae sa kanya kaya napalingon siya sa kanya.

"Daan ka na po," alok ni Venus na abala sa paghahanap kaya hindi na niya pinansin ang nasa gilid niya.

"Is this yours?" Tanong ng babae at napalingon siya sa nilahad na cellphone sa harapan niya.

"Yes, akin siya, saan mo nahanap?" Tanong ni Venus sa babaeng nakapulot ng cellphone niya.

"Nahulog mo dito nung nagkabangga tayo," sagot ng babae at inilahad ang kamay. "Violet, Violet Claveria," pagpapakilala ni Violet. Napatingin si Venus sa kamay na inilahad ni Violet at tinanggap ito.

"Venus Salazar," sagot ni Venus. "Kapatid ka ni Vien Claveria?" Tanong ni Venus sa babaeng kaharap niya, pero hindi siya nito sinagot at nilampasan lang kaya naiwan siyang nagtataka at kinakabahan kung baka anong ginawa niya sa cellphone.

—♡—

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top