20
Nakayakap pa rin si Blue sa kanyang kapatid habang umiiyak ito.
"Matanong nga kita..." kumalas si Red sa pagkayakap at hinawakan si Blue sa magkabilang balikat, iniharap sa kanya. "Umamin ka nga sa akin, gumagamit ka ba?" tanong niya sa kapatid.
"Nakakainis ka," wika ni Blue, nakanguso ang bibig, namumula ang ilong, at namumugto ang mata; tumataas-baba ang balikat dahil sa paghikbi.
"Ako pa yung nakakainis? Ikaw nga yung sumugod dito tapos biglang umiyak. Mukha ka nang si Rudolf na may sore eyes," tukso ni Red sa kapatid, na parang bata kung mainis.
"Naniwala ka naman sa dalawang 'yun, sana kay Sorpia ka nagtanong kasi matino 'yung matatanggap mong tanong, hindi 'yung kina Scale at Desa," dagdag pa ni Red, kaya napatango si Blue at yumakap ulit sa bewang ni Red. "Sa atin dalawa ngayon, ako 'yung nagmumukhang ate," tukso ulit ni Red sa kapatid.
"Namimiss lang kita... Nung bumalik ka, gustong-gusto kong gawin ito kahit alam kong allergic ka sa mga touchy-touchy, pero ang lambot mo kasi yakapin," sinisinok-sinok na sagot ni Blue, na nauwi sa paghagulgol nito habang hawak siya ni Red sa balikat.
"Bumalik ka na naman sa pagiging iyakin era mo, akala ko ba kasama na 'yan sa graduation noon, bakit naiwan?" tukso ni Red habang pinupunasan ang luha ni Blue.
"Inaway mo kasi ako," sagot ni Blue.
"Ako?! Ako 'yung nang-away? Sis, ang sakit ng paa ko oh, kakagaling lang sa sprain, parang binigyan mo nanaman kasi pinatid mo ako, yung siko ko gasgas, tuhod ko laki ng sugat," wika ni Red habang tinuturo ang mga sugat na may benda na. "Wala ka, mababaliw ako sa 'yo eh," dagdag niya pa.
Ilang segundo silang nagkatitigan nang dahan-dahan kumunot ang noo ni Blue.
"Wag na wag kang–" naputol ang sasabihin ni Red nang biglang humagulgol ulit si Blue. "Ayun na nga, umiyak na... Nagpaiyak nanaman ako ng bata," dagdag pa niya habang pinupunasan ang luha ni Blue.
"Tahan na, wag ka nang umiyak, Blue. Pinagtitinginan tayo, ako nanaman lalabas na masama nyan," wika ni Red habang humihingi ng isa pang tissue sa staff niya at ginamit ito para punasan ulit ang luha ni Blue. "Oh, singa," biro ni Red na nilagay ang tissue sa ilong ni Blue at pinapasinga ito na parang bata.
Matalim na tinitigan ni Blue ang kapatid, kaya natawa naman si Red at kinuha ang gamit na mga tissue at itinapon sa malapit na basurahan. Napalingon naman si Blue sa paligid at tumahimik, ngunit sinisinok-sinok pa rin. Nang makabalik si Red, yumakap ulit siya sa may bewang ng dalaga.
"Napaka-clingy mo naman ngayon... Ikaw ba, sinuko mo na ang Bataan kay Zac at pinaglilihian mo ako ngayon?" Paninigurado ni Red, kaya umiling naman si Blue.
"Gusto ko lang bumalik tayo sa dati," wika ni Blue.
"Ay wag sis, wag na wag... Ayoko, kung gusto mo, ikaw nalang, o bumalik ka sa hindi pa tayo naiipapanganak kasi di na ako magpapapakita na parang hello, dalawa ang anak nyo... Solohin mo na si Nanay, ayoko din naman sa Tatay," pagtutol ni Red.
"Hindi ako papayag, hihilahin kita pabalik at magiging kapatid ulit kita... I missed being with you," panglalambing ni Blue sakanya.
"Blue... May meeting at photoshoot pa akong aasikasuhin," wika ni Red.
"Dito lang ako, sasama ako sayo sa meeting," pagmamatigas ni Blue.
"Sige, ganyan ka lang ha, nakayakap sa akin sa madaming tao... Madaming tao dun," sambit ni Red, kaya napanguso ulit si Blue. "Eh baka takbuhan mo ako," sagot ni Blue.
"Takbuhan?! Bago pa ako makalayo sa'yo, wala na akong hininga... Kumalas ka na, at kapag ako'y nalate, makakalimutan mong may buhok ka pala sa katawan," pagbabanta ni Red sakanya.
Sinigurado muna ni Blue na hindi siya tatakbuhan ni Red, kaya pinangakuan siya nitong paglulutuan pagkatapos ng trabaho niya.
...
Sa gitna ng kanilang meeting para sa proyekto at mga advertisement kasama ang iba pang mga empleyado at staff ni Red, may nahagip ang kanyang mata sa isang babae na nakasilip sa pintuan. Pinilit niya na hindi pansinin ito, ngunit nadistract siya dahil sa nakikita niyang ginagamit ni Blue ang kanyang facial expressions upang magpatawa.
Napayuko si Red sa mesa upang pigilan ang tawa niya, ngunit halata pa rin ito dahil sa pagbaba at pagtaas ng kanyang balikat.
"So... We need to... Pinagtatawanan mo ba ang idea ko, Ms. Red?" tanong ng organizer.
Napalingon si Red sa kanila at nagpaliwanag nang mapansin niyang nakatingin silang lahat sa kanya, inayos niya ang upo niya.
"No... Hindi, may naalala lang ako... Ano nga ulit 'yun, sorry?" sagot ni Red.
"So naisip namin na lalagyan namin ng feathers... Ms. Red, are you listening?" Tanong ng organizer sa boss nila nang mapansin itong nakatingin sa pintuan at nagpipigil ng tawa
"Kalbo..." sagot ni Red.
"Ms.– Wala naman pong personalan," nasaktan na wika ng organizer, agad namang napalingon si Red sakanila.
"What do you mean, I– No, no, no... Wait a moment; excuse me," sabi ni Red. Napalingon ang lahat kay Red na tumayo at lumapit sa pinto, ngunit hindi naman siya lumabas.
Biglang may umulit na babae sa labas para sumilip at nagulat siya.
"Diba sabi ko umuwi ka na," wika ni Red na nakapamewang.
"I saw you grin... Baka mamaya joke mo nalang ang lulutuan mo ako," nakayukong sagot ni Blue.
"Kelan ba ako nagsinungaling ha," sabi ni Red.
"Gusto mo isa-isahin ko?" sabi ni Blue.
"Shh! Umuwi ka na, ipapasundo kita kay Gio," ma-awtoridad na sagot ni Red.
Kinuha niya ang phone at tinawagan si Giovanni, kaya yumakap naman sakanya ulit si Blue.
"Sabay nalang kasi tayo umuwi," sabi ni Blue.
"Umupo ka dun, maya-maya nandyan na si Gio... Aray aray," sabi ni Red, pilit na tinatanggal ang yakap ni Blue.
"Blue, masakit yung paa ko ang bigat mo," reklamo ni Red kaya agad kumalas si Blue.
"Umupo ka na dun at hindi matatapos ang meeting namin kung kakapit ka sakin na parang tuko," sabi ni Red.
"Sungit mo naman... Minsan lang naman ako ganito eh... Sige, I love you," sabi ni Blue.
"Umupo ka na dyan. Sige na, Upo na," pagkumbinsi ni Red kay Blue pero hindi ito nagpatinag
"Sagutin mo muna ako. I love you Ri," sabi ni Blue.
Napabuntong hininga si Red at iniuupo nya si Blue sa may gilid at babalik na sana ito sa upuan niya nang hilahin siya ni Blue paupo.
"I love you, bunso. I love Red," sabi ni Blue.
"Oo na. I love you too, now please bitiwan mo na ako at magtatrabaho pa ako," wika ni Red. Ngumiti naman si Blue saka bumitaw sa kapatid; bumalik naman si Red sa upuan niya at nagpatuloy ang meeting.
Paminsan-minsan sinusulyapan ni Red ang kapatid, ngunit parang nawili na ito sa cellphone kaya hinayaan na lang niya ito.
-----------------------------------
"Kuya, sige na, samahan mo ako sa bahay... Gawa tayo invitations," pangungumbinsi ni Jane sa kuya niya.
"Ayoko nga, nandun tatay mo... Alam mo namang bawal ako dun," panay naman ang pagtanggi ni Karl.
"Wala nga si Daddy, nasa business trip siya ngayon; hindi ko alam kung anong oras o kailan siya uuwi kaya please samahan mo na ako," wika ni Jane.
"Jane, pag nalaman ni Mr. D–" wika ni Karl, ngunit pinutol ni Jane ang sasabihin niya.
"Bahay mo rin naman yun eh, sige na," pangangatwiran ni Jane.
"Meron namang nakatoka diyan at may printer naman, ang dami ng bisita mo, lalo na sa debut," reklamo ni Karl.
"Ayoko nga nun. Gusto ko ng handmade gaya ng ginagawa ni mommy noong birthday mo, noong nandito pa si Mommy. Nakita ko kasi yung video niya noong first birthday mo, gumawa siya ng handmade invitations," nahihiyang sagot ni Jane. "Tsaka malayo pa naman, bumili na nga ako ng materials eh. At may listahan ako para hindi kulang at hindi sobra," request ni Jane.
Hindi agad nakasagot si Karl, hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Jane sa kanya; handa siya. Napabagsak naman ang balikat ni Jane nang makita niya ang walang emosyong mukha ni Karl at tila hindi ito interesado, kaya nalungkot siya.
"Sige, magpapaprint na lang ako. Mauna na ako kuya. Love you," malungkot na wika ni Jane.
Bagsak ang balikat, lumabas ng condo si Jane, dala ang bag at ang supot ng mga materials para sa gagawing invitation. Napabuntong-hininga naman si Karl, kinuha ang susi ng kotse niya, saka lumabas at hinabol si Jane.
"Jane, sandali lang!" habol ni Karl, kaya tumigil si Jane at lumingon sa kanya.
"Wala diyan ang kotse ko, nandito sa kabila, tara na," wika niya, kinuha ang dala-dala ni Jane; tila nagliwanag ang mukha ng kapatid niya sa alok niya, kaya masayang sumunod sa kanya.
-----------------------------------
"Yezh?" agad sinundan ni Red ang pamilyar na lalaki, ngunit napigilan siya ng organizer at kinausap tungkol sa mga konsepto. Ngunit abala siya sa lalaking nakita niya.
"Are you ok, Ms?" Nag-aalala tanong ng organizer sa kanya.
"Nasa'yo yung list ng mga narito, diba?" tanong ni Red, kaya tumango ang organizer. "Meron bang... Yezh? Yezh Martinez?" tanong niya ulit, kaya tiningnan ito ng organizer.
"Wala po, eh... Diba siya yung ex mo?" chismosong tanong ng organizer.
"Try Ez," wika ni Red, hindi pinapansin ang tanong ng organizer.
"Ez? Wala po, eh. Bakit mo hinahanap, mahal mo pa ba?" tanong ng organizer sa kanya habang hindi siya nililingon.
"Ikaw... Mahal mo pa ba buhay mo?" Galit na tanong ni Red sa organizer.
Napalingon naman sa kanya ang organizer, habang ang tingin niya ay parang mangangain na at umiigting ang panga.
"Hehe, peace," wika ng organizer at nag-peace sign saka ngitingiti, ngunit inirapan naman siya ni Red. Kaya napakamot siya ng ulo at nagpatuloy sa trabaho. "Ok, guys, mag-ready na kayo! Dalian niyo na, ang bagal niyo para matapos na tayo dito hanggang buhay pa ako," bulalas ng organizer habang naglalakad palayo kay Red.
...
Pagkatapos ng larawan, video naman para sa advertisement. Naglalakad siya habang kinukunan siya ng video, biglang umekis ang lakad niya at napaupo sa sahig.
"Tala!" agad nilapitan ni Blue ang kapatid at nagsilapitan din ang iba.
"Are you ok? May masakit ba sa'yo? Can you breathe?" nagpapanic na tanong ni Blue.
"Nahihilo lang ako," kalmadong sagot ni Red.
"Mas mabuti pang umuwi na tayo..." Wika ni Blue, nagpapanic pa lang.
"May trabaho pa ako," sabi ni Red.
"Pack up na, sa susunod nalang ito, magpahinga ka muna," wika ng direktor nila. Kaya inalalayan ni Blue si Red sa pagtayo nang tumalikod si Gio sa harapan niya at yumuko.
"Sampa na. Bubuhatin kita," wika ni Giovanni.
"Hindi ako lumpo, Gio," pagtanggi ni Red.
"Alam ko, pero baka matumba ka ulit, mas mabuti nang siguradong hindi ka talaga mapapaupo sa sahig ulit. Sakay na, kung ayaw mong mas sumakit pa yang ulo mo," pamimilit ni Gio. Nagdalawang isip pa si Red, kaya nagkusa na lang si Gio na buhatin ito.
"Eto, pasimple ka pa eh," tukso ni Blue sa kapatid kaya namula ang pisngi niya. Ipinalibot ni Red ang braso niya sa leeg ni Gio at hiniga ang ulo sa likod nito.
-----------------------------------
Maaga natapos ang trabaho ni Red kaya nag-aya muna si Blue na mamasyal silang dalawa ng kapatid.
Naglakad-lakad sila ngayon, hawak-hawak ni Red ang kinakain na tamales habang si Blue naman ay kumakain ng nilupak. Habang nag-uusap, lumipas ang mga oras ng paglalakad-lakad nila, hanggang sa nag-aya si Red na pumunta sila sa Caleruega Church. Pagdating doon, nanghanghang ang dalawa.
"Ganda, ganda ng mga bulaklak," tuwang-tuwa si Red habang tumitingin-tingin sa paligid.
"Pag kinasal ka, ano gusto mo? Civil wedding or church wedding?" Tanong ni Blue sa kapatid niya kaya napaisip si Red.
"Hmm, depende sa plano. Kung ano yung mapagkakasunduan, pero para sa akin, mas gusto ko yung church. Yung nanay at tatay natin church wedding kaya ayun," sagot ni Red at tumango naman si Blue. "Ate, picturan mo ako dito," wika naman ni Red kaya natawa naman si Blue at kinunan ng litrato si Red.
Masaya ding nagbobonding ang dalawa hanggang sa makarating sila sa park at kumain ng ice cream saka umupo sa damuhan.
"Ate, diba sabi mo kanina no secrets?" tanong ni Red kaya tumango naman si Blue. "Kasi... Karl kissed me," direktang wika ni Red kaya hindi naman kaagad nakareact ang kapatid niya.
"What?!" Sigaw ni Blue kaya pinatinginan sila ng mga tao, agad namang huminahon si Blue. "Hinalikan ka ni Karl? As in kiss ganun? French kiss?" dagdag pa ni Blue at tumango naman si Red.
Akala ni Red ay magagalit ito, pero mukhang tuwang-tuwa pa si Blue sa halik nila ni Karl.
"Hindi ka galit?" Tanong ni Red at umiling naman si Blue.
"Eto, tanong ko sayo, tumugon ka ba?" Tanong ni Blue at kahit naguguluhan ay tumango si Red. "Anong naramdaman mo?" Tanong ulit ni Blue, pero hindi na alam ni Red ang isasagot.
"Ganda talaga ng kapatid ko. Pati bakla nagiging lalaki sayo," dagdag pa ni Blue.
"What do you mean pati bakla nagpapakalalaki?" Nagtatakang tanong ni Red.
"Wag mong sabihin sakanya na sinabi ko sayo to ha, but Karl loves you," wika ni Blue at natigilan naman si Red.
"He loves you, Tala. Mahal ka ni Karl, in love sya sayo," paglilinaw ni Blue kaya namula naman ang pisngi at tainga ni Red. Kahit na hanggang makauwi sila ay hindi pa rin mawala sa isipan ni Red ang mga sinabi ni Blue. Pinilit niyang hindi ito paniwalaan dahil sa lakas ng tibok ng puso niya.
Buti na lang at may trabaho pa siyang gagawin, at pansamantala niyang makakalimutan. Huminga ng malalim si Red, kinuha ang kotse at magmaneho. Bigla na lang siyang napreno sa gitna ng daan dahil bumalik nanaman ang alaala ng halikan nila ni Karl. Subalit walang ibang sasakyan na dumadaan sa kanya sa gitna mismo ng kanyang paghinto.
"Hinalikan ako ni Karl, may relasyon kami ni Venus, nanliligaw sa akin si Giovanni. Ay ano ba ito," wika ni Red at napasandal at napabuntong-hininga siya. Nang kumalma na, nagpatuloy siya sa pagmamaneho.
-----------------------------------
"Alam mo ba, rinig ko may chismis daw tungkol kay Boss, kay Inang Rosas," bulong ng isang bantay sa kasamahan niyang nagbabantay sa labas ng pinto ng pribadong mansyon ni Inang Rosas. "Eto ang chismis, may anak daw siya, ang kaso inilayo sa kanya kaya pumapatay siya ng mga lalaki kasi hinahanap niya daw yung asawa niya, kasi nagparetoke daw," chismis ng unang bantay.
"Yung asawa niya yung naglayo ng anak niya? Parang ang labo naman nun, parang dalaga naman siya, wala naman siyang singsing eh," wika ng ikalawang bantay na hindi sang-ayon.
"Syempre, baka tinapon or tinago kasi nga hiwalay diba. Mag-isip ka nga," sagot naman ng unang bantay kaya napakamot na lang ng ulo ang ikalawa. Napaayos naman sila ng tayo nang makita nila si Spades papalapit, agad napasaludo ang dalawang bantay.
Si Spades ang namamahala sa kanila, kumbaga siya ang lider ng mga guwardiya dahil siya lang din ang nag-iisang lalaki sa mga pinagkakatiwalaan ni Inang Rosas at isa rin siya sa mga pioneer sa grupo nila.
"Kayong dalawa, nagbabantay ba talaga kayo o nagchichismisan, lalaki pa naman kayong dalawa pero mga chismoso. At talagang si Inang Rosas pa ang pinagchichismisan n'yo, ang tatapang ah," suway ni Spades sa dalawa kaya napayuko naman sila at humingi ng tawad.
"Magtrabaho na kayo! Mga chismoso!" Galit na hiyaw ni Spades. Umayos naman ng tindig ang dalawa at nagbantay sa pinto; pumasok naman si Spades sa loob at naabutan niya si Inang Rosas nagbabasa ng dyaryo at umiinom ng wine.
"Pinatawag mo daw ako, your Highness?" tanong ni Spades habang nakatingin lang sa sahig at hindi tinitigan ang mga mata ni Inang Rosas hanggang hindi siya nito pinapayagan.
"Oo, hindi ba sabihin linisin mo ang kalat na ito?" nilapag ni Inang Rosas ang dyaryo sa center table at uminom ng wine. Napatingin naman si Spades sa newspaper at nagulat siya nang mabasa.
"Kelvin Samonte, owner and CEO of SM Osania, was found dead in his own office Monday morning; his death is believed by the authorities to have been planned because of the writing on the wall and the recovered evidence of the dagger believed to have been used to kill Samonte."
"Buti pa si Dahlia. Matagal na siyang nagpo–proxy bilang ako at malinis lagi ang gawain niya, lahat ng iniuutos ko sa kanya'y tapusin, mula sa mga manyak, mga mapang-abusong mga lalaki, hanggang ang mga rapist, tinapos niya lahat ng walang kung anumang kalat, and now simpleng bagay lang hindi mo nakuha ang iniuutos ko sa iyo? Dagger lang 'yan, Spades," nanggigigil na wika ni Inang Rosas.
"I am so sorry, your highness. Hindi ko nakita yung punyal, akala ko– akala ko nakuha ko na lahat," nakayuko pa rin si Spades habang umigting na ang panga ni Inang Rosas.
"Maraming namamatay sa maling akala, gusto mong subukan ko sa iyo?" Inis na wika ni Inang Rosas kaya agad namang napaluhod si Spades sa harapan ni Inang Rosas na nakaupo lang sa sofa at umiinom ng wine.
"Wag mo akong luluhuran," malamig na wika ni Inang Rosas at agad namang tumayo si Spades sa pagkakaluhod. "Patawarin mo ako. Please spare me, your highness," pagsusumamo ni Spades.
"Wag kang mag-alala mabait naman ako, hindi kita papatayin, hindi ka naman kagaya ng mga pinapatay natin diba. Spades, diba may mga anak ka?" wika ni Inang Rosas habang tinungga ang isang basong wine. Alanganing tumango si Spades dahil kinakabahan siya sa susunod na sasabihin at gagawin ni Inang Rosas.
"Wag kang mag-alala, hindi ko sila papatayin. Meron lang akong pabor, pwede ba 'yun, Spades?" Wika ni Inang Rosas kaya napahinga naman si Spades.
"Yes, your highness," sagot ni Spades.
"Balita ko. Hindi kayo magkabati? Tama ba ako?" tanong ulit ni Inang Rosas at tumango naman si Spades. "Ngayon gusto kong ayusin mo kung ano ang dapat mong ayusin. Be a father to them," wika ni Inang Rosas at napatingin naman si Spades sa kanya, at nagtama ang bughaw at kayumanggi nilang mga mata. "Mahal mo ba ang buhay mo? Yung katawan mo?" dagdag pa ni Inang Rosas at tumango si Spades.
"Do you love your wife?" Dagdag na tanong ni Inang Rosas kaya tumango ulit si Spades.
"I do, your highness," sagot ni Spades.
"Then love your children as much as you love your body, life, and wife. Wag mong gawin ito dahil inutos ko, gawin mo dahil gusto mo at dapat masaya ka sa ginagawa mo, learn to love them. Love your family before they were gone. Don't make the same mistake as I did," wika ni Inang Rosas.
"I will, your highness," wika ni Spades.
Nagbigay galang siya at lalabas na sana ngunit tawagin ulit siya ni Inang Rosas.
"Make time for them, I'll let you rest, don't just work, live your life, you've been a great father figure to me and ang sama ko naman siguro kung ako yung tinuturing mong anak kesa sa tunay mong anak," habilin ni Inang Rosas sa kanya kaya tumango naman si Spades at ngumiti nang ngitian siya ng dalaga.
-----------------------------------
Habang nag-aayos ng mga handmade invitations sa hardin, bigla na lang may nagsalitang babae sa likuran nila.
"Ate Red," tawag ni Jane kaya lumapit naman si Red sa kanila.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Karl kay Red.
"Tinext ako ni Jane, sabi nya magpapatulong daw sya sa paggawa ng invitations," sagot ni Red, kaya napalingon si Karl sa kapatid nyang mapang-asar ang ngiti, kaya binigyan nya ito ng tingin na mamaya ka sakin.
Dahil nahihiya, nagprisinta si Karl na kumuha ng juice. Kaya dali-dali syang pumunta sa kusina at inayos muna ang sarili. Huminga sya ng malalim at naghilamos para mahimasmasan ang pamumula ng muka nya, dinala nya ang tatlong baso at isang pitsel na may lamang juice nang makita nya ulit si Red sa garden, tinutulungan si Jane sa pag-aayos ng mga invitations. Hindi nya napigilan ang kabog ng puso nya nang mapagmasdan nya ang mukha nito mula sa malayo.
Natulala si Karl nang makita niya si Red na sobrang simple at babaeng babae. Nakasuot ng dilaw na dress at hanggang lagpas tuhod ang haba at nakatirintas ang buhok niya na hanggang bewang ang haba. Ang kasimplehan at kagandahan nito ang bumabalot sa buong pagkatao ni Karl, lalo na't hindi naman ganun ka engrande ang palamuti sa mukha nito liban na lamang sa mapulang labi. Sa kabila ng pagtanggi sa sarili, unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Karl kay Red, bagaman alam niyang siya'y isang bakla.
Sa tuwing nagtatagpo ang kanilang mga mata, ramdam ni Karl ang kakaibang init at pag-ibig na hindi niya maipaliwanag. Subalit sa kanyang puso, itinatago niya ang nararamdaman dahil sa takot na mabigo at masaktan. Hindi niya matanggap ang katotohanang nagugustuhan niya si Red, isang babae, samantalang alam niyang ang kanyang puso ay para lamang sa kapwa lalaki.
Sa bawat araw na lumilipas, lumalim ang pagtingin ni Karl kay Red. Subalit sa kanyang isipan, patuloy niyang itinatago ang lihim na paghanga. Hanggang sa isang araw, napagtanto ni Karl na hindi niya maitago ang tunay na damdamin sa kanyang puso.
-----------------------------------
Sa opisina ni Daniel, o mas kilala bilang si Mr. D, nakatulog siya habang nagtatrabaho nang may di inaasahang nilalang ang dumalaw sa panaginip nya - isang nilalang na mahal nya. Ang pagbisita ng mahal niyang nilalang sa kanyang panaginip ay nagdulot ng kakaibang damdamin at emosyon sa kanya.
Sa kanyang pagtulog, si Mr. D ay nadama ang presensya ng mahal nya sa kanyang panaginip. Ang mga sandali na kasama nya ang nilalang na ito ay nagdulot ng ligaya, lungkot, at pagmamahal sa kanyang puso. Bagamat panaginip lamang ito, ang mga damdamin at alaala ng pagbisita ng mahal nya ay tumatak sa kanyang isipan at puso.
Habang si Mr. D ay natutulog nang mahimbing, ang kanyang panaginip ay nagbigay daan sa mga kakaibang emosyon at pagmamahal na kanyang nararamdaman. Ang bisita ng mahal nya sa kanyang panaginip ay nagdala ng kakaibang aliw at kirot sa kanyang puso, nagbibigay ng bagong kulay sa kanyang araw-araw na buhay.
—♡—
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top