12
"Hindi ka pa ba kakain? Tumutunog na yung tiyan mo oh," wika ni Giovanni. Alas nueve na ng gabi at hindi pa rin naghahapunan si Blue dahil hinihintay pa niya ang kapatid na mahimbing ang tulog.
"Hihintayin ko si Red, sabay na kami," wika ni Blue, na patubig-tubig lang muna kaya napabuntong-hininga naman si Gio.
"Blue, mas mabuting kumain ka na ngayon kesa mahulog sa gutom. Tapos pag gising ni Red, masusubuan mo rin siya, di ba? Advantage din yun," wika ni Giovanni, kaya nagtaka si Blue at nagtanong kung anong ibig sabihin niya ng advantage.
"Advantage, yung makakatulong sa inyong dalawa para maging close ulit kayo, pampalambot ng puso ba," sagot ni Giovanni, kaya napabuntong-hininga si Blue.
"Oo na. Kakain na ako," wika ni Blue. Napangiti si Gio nang makita niyang kinuha ni Blue ang lunchbox na pinadala ni Ella at nag-umpisang kumain.
"Ahh, Blue... May nakuha daw sila Scale na madadagdag daw sa ebidensya. May possibility daw na inside job," sabi ni Gio.
"Inside job? Paano naman magiging inside job kasi sa pagkakaalam ko, isa ang R Empire sa napakastriktong kumpanya pagdating sa hiring at sa kung sino ang naglalabas at pumapasok sa kanilang building," komento ni Blue.
"Blue, wag mo sanang mamasamain ha. Naalala mo nung dinalhan ka ni tita, ni nanay Ella ng lunch... Diba dinalhan rin niya si Red," tanong ni Gio. Kaya nagtaka si Blue, sinusubukang makuha ang pinupunto ni Giovanni.
Iniabot ni Giovanni kay Blue ang mga litrato mula sa crime scene at inobserbahan naman ito ni Blue. "Ito yung mga litrato galing sa opisina ni Red. Ito yung lunchbox na ipinadala ni tita kay Red. May mga maliliit na hipon na nakahalo sa kanin," wika ni Giovanni. Kaya nabaling naman ang atensyon ni Blue mula sa litrato papunta kay Gio.
"Are you accusing nanay?" tanong ni Blue.
"No, Blue, this is just a theory. I know tita would never do that, but ang hindi ko lang ma-gets kung paano nahalo yung maliliit na shrimp sa kanin na hindi noticeable sa mabilis na oras," wika ni Gio, habang ipinagpatuloy ni Blue ang pagtingin sa litrato at napaisip.
"Hmm... Mommy," Napalingon si Blue sa kapatid nang magsalita ito habang tulog. "Mommy," dagdag pa nito.
Kinuha ni Blue ang cellphone at pinatugtog ang malumanay na piano na nasa playlist niya saka inilagay sa tabi ni Red.
Napangiti siya nang makitang unti-unti nang humihinahon at nakakatulog ng mahimbing si Red.
Maya-maya, unti-unti nang nagigising si Red nang hindi nila namalayan dahil nagkukwentuhan si Blue at Giovanni. Habang nagkukwento si Blue, nakatingin lang si Gio sa mga mata nito at nakikinig. Tumahimik muna si Red at pinanood ang dalawa, at nare-realize niya na mas naunang nakilala at matagal na nakasama ni Blue si Gio kaysa sa kanya.
"Ate," tawag ni Red kay Blue, kaya napalingon naman ito sa kanya.
"Gising ka na pala. Gusto mo na bang maghapunan?" Mahinahong tanong ni Blue sa kakambal, at tinanguan naman siya nito.
Inalalayan ni Blue si Red na umupo at nilagyan ng unan sa likod para maging kumportable. Saka niya binuksan ang isa pang lunchbox.
"Ayoko nyan," reklamo ni Red habang nakatingin sa lunchbox na hawak ng ate niya.
"Luto to ni nanay, ayaw mo?" tanong ni Blue sakanya, kaya umiling-iling siya at sinabing mas gusto niya ang binili nalang.
Nagkatinginan naman si Blue at Giovanni. Tinakpan ulit ni Blue ang lunchbox at isinantabi, saka binuksan ang pagkain na binili niya dahil yun ang gusto ni Red at sinubuan ito.
Nagpaalam muna si Gio at sinabing bibili lang ng kape, kaya tumango naman si Blue at lumabas siya.
Minuto ang lumipas, pumasok si Gio sa loob ng kwarto ni Red na may dalang dalawang kape, isa para sa kanya at isa para kay Blue. Pagpasok niya, nakita niyang nakaupo si Blue sa gilid ng higaan ni Red, natutulog habang hawak ang kamay ni Red na natutulog rin.
Balak niya sanang gisingin ito at ilipat sa sofa para makatulog ng maayos, pero baka magalit din ito sakanya kaya kinumutan niya nalang ito at inayos rin ang kumot ni Red, saka hinawi ang buhok nito na nakatabon sa mukha at hinakbangan niya sa noo.
-----------------------------------
Umaga sa Lyxeeries
Napaupo si Lucas sa sofa at nagsalin ng alak sa baso.
"What an exhausting day," sambit ni Lucas.
"It is... Natawagan mo na ba si IR?" tanong ng CEO sa kanya, at napatingin naman siya rito.
"Yes, natawagan ko na siya... At pasensya din daw kung hindi siya nakapag-report agad kasi nasugatan din siya," sagot ni Lucas.
"Then where is she?" tanong ng CEO.
"Ang sabi niya papunta..." sagot ni Lucas.
Napalingon silang dalawa nang bumukas ang pinto ng kwarto ng CEO.
Isang babaeng nakapula at may suot na eye mask na kulay ginto at maikli ang buhok ang lumabas.
"Ayan na siya," sabi ni Lucas.
"Ciao, BB! Namiss kita!" bati ni IR.
"Saan ka nanaman lumusot?" tanong ni Lucas.
"Sa butas ng karayom... Red Camorra is a real fighter... Girl, she can fight... I think she inherits that from her father," sabi ni IR.
Lumapit siya kay Lucas at kinuha ang basong hawak niya at ininom ang alak na laman nito.
"Hey, akin yan!" reklamo ni Lucas.
"Gusto mo?" tanong ni IR.
"Yes..." sagot ni Lucas.
"Magaya kay Red Camorra?" biro ni IR.
Natigilan si Lucas at hindi agad nakasagot, kaya napangisi si IR.
"Thought so... So where were we?" sabi ni IR.
"Did you kill her? Did you even manage to kill her?" tanong ng CEO.
"Really? Yan talaga itatanong mo, nakakainsulto ha?" reaksyon ni IR.
"Ikaw na mismo nagsabi sa akin... That girl can fight, hindi na ako magtataka kung hindi mo siya napatay," depensa ng CEO.
"Rude, but fine, hindi ko siya napatay. Dumating yung alipores niya, but... I guess 50-50 siya ngayon sa ospital," paliwanag ni IR.
"Well, I hate to burst your bubble... she's fine, darling... Buhay na buhay," sabi ni Lucas.
"Well, nabawasan ko naman yung siyam na buhay niya..." biro ni IR.
"Siyam na buhay? Ano siya pusa?" tanong ni Lucas.
"Ano ka langaw?! Kanina ka pa sawsaw ng sawsaw eh," banat ni IR.
"Well, sinasabi ko lang naman na buhay pa yung inutos sayong patayin at pinaghahanap ka na, and... Kapag nahanap ka nya she'll kick your ass," babala ni Lucas.
"Wala akong paki alam, if she wanna kick my ass then I'll kick hers too... But first I'll kick yours," sagot ni IR.
"That's enough, IR, nabalitang may nagtangkang pumatay kay Red Camorra, they found a dagger and a teared red fabric... Also they found small shrimps mixed in her food," imporma ng CEO.
"Well, yung dagger and fabric akin yun, but the shrimps, nope... may pakiramdam akong dalawa ang gustong pumatay sa kanya that day. BB... As soon as I get to recover, babalikan ko sya and I'll make sure paglalamayan sya," sabi ni IR.
"Huwag ka munang gumawa ng kahit anong galaw, let her live and let this be a warning to her not to mess with me," utos ng CEO.
Bahagyang natawa si Lucas nang umirap si IR.
"What are you laughing at?" tanong ni IR.
"You and your British accent," biro ni Lucas.
"Ha ha ha so funny," sabi ni IR.
"Hindi talaga kayo titigil... Lucas pwede iwan mo muna kami?" pakiusap ng CEO.
"Yes, Boss," sagot ni Lucas.
"Addio, cagna," sabi ni IR
(Goodbye, bitch).
"Hey, that's not nice," reaksyon ng CEO.
"He's not nice to me either," depensa ni IR.
Lumabas si Lucas ng opisina, kaya napapalakpak si IR at napatawa, "Finally!" hiyaw niya.
"You know... I hate that man... Is he really a man? Well maybe not," sabi ni IR.
"Lucas is one my loyal employees," sabi ng CEO.
"Yes, loyal siya sayo pero paano pag kumanta yan? BB, he knows you... kilala ka niya," sabi ni IR.
"Hindi nya gagawin yun," depensa ng CEO.
Pinatong ni IR ang dalawang palad niya sa desk ng CEO kung saan ito naka-upo ngayon at tiningnan ito ng mataman.
"Sana nga... But if he tries, I will cut off his head just like Perseus did to Medusa," banta ni IR.
"You can't do that," sabi ng CEO.
"Oh yes I can, dear," sabi ni IR.
Ininom niya ang wine sa baso ng CEO at inirapan niya.
"I miei affari sono finiti qui, amore mio, devo andare, ho bisogno di guarire," sabi ni IR
(My business is done here, my love, I have to go, I need to heal).
Lalabas sana siya ng opisina ng CEO nang makarinig siya ng mga boses na galing sa labas.
"Boss M! Alam kong nandyan ka naka-lock eh."
"Boss M!"
Napalingon si IR sa CEO at tumango ito, kaya sinuot niya ang hood niya at binuksan ang pinto at isinara. Napatingin naman sa kanila ang mga tao sa labas, kaya nagkaroon ng pagkakataon ang CEO para i-lock ang pinto mula sa loob.
Patuloy pa rin sa paglakad palayo si IR na para bang lumulutang sa hangin dahil na rin sa natatakpan ng kanyang red cloak ang maiingay nitong takong.
-----------------------------------
"Kumain ka na, sige na, para maka-inom ka na ng gamot," sabi ni Karl.
"Gamot nanaman? Ayoko. Gusto ko si Ate," pagmamatigas ni Red.
"Sige na, last na 'to," pakiusap ni Karl.
"Gusto ko nga si ate! Nasan ba sya?" galit na tanong ni Red. Kaya napabuntong hininga na lang si Karl.
"Nasa trabaho. Tinawagan ko na sya, sabi nya papunta na raw sya, kaya inumin mo na 'to dahil hindi pwedeng kaligtaan," sabi ni Karl, kaya walang nagawa si Red kundi inumin ang gamot na pinapainom sa kanya ni Karl.
Habang inaayos ni Karl ang kumot ni Red at bahagyang naglilinis ng kalat sa private room nito, lumapit si Gio sa dalaga.
"Ikaw, nakakunot na naman yang noo mo, sige ka, hindi na babalik yan sa dati," biro ni Gio sa kanya.
"Ano ako, baby, para biruin mo ako ng ganyan?" tanong ni Red.
"Oo, baby ko," simpleng sagot ni Gio, kaya natahimik at namula si Red, at tila nabuwisit naman si Karl. Saka dumating si Blue, kaya naputol ang katahimikan.
"I'm back. Oh, Red, bakit namumula ka... Binola mo nanaman kapatid ko, noh, effective eh, tingnan mo, namumula," sabi ni Blue.
Napalingon sila kay Blue na kakarating lang.
"Ate naman ih!" reklamo ni Red.
Natawa ang dalawa sa naging reaksyon ng dalaga.
"Oo na, hindi na kita aasarin... Umiyak ka nanaman?" sabi ni Blue habang pinupunasan ang pisngi ni Red, na ngayon ay nakanguso sa kanya na parang pinagalitang bata.
"Away ako ni Karl," pagsusumbong ni Red sa ate nya. Nagpigil naman ng tawa si Blue sa mukha ni Red at reaksyon ni Karl.
"Nag-away nanaman ang aso't pusa. Tigilan nyo na yang pag-aaway nyo at baka magkapalit kayo ng mukha," tukso ni Blue sa kanila habang tinatalian ang buhok ni Red. "Ang haba na ng buhok mo," dagdag pa ni Blue.
"Princess treatment, pero yung ugali pang evil," sabi ni Karl, at umirap kay Red na inirapan rin sya pabalik.
...
Lumipas ang mga araw at nadi-discharge na si Red sa ospital at nakauwi na sa bahay... Maybe.
"Doon ka muna sa bahay bakasyunan," sabi ni Ella.
"What?! Pero Nay," protesta ni Red.
"Anak, hindi pa nahuhuli ang gumawa sa iyo niyan. Mas mabuti nang mag-ingat. Sige na, wag ka nang kontra. May makakasama ka naman dun eh... Si Venus," sabi ni Ella.
"What?! What the f..." simula ni Red.
"Sige, ituloy mo, dudugo ang bibig mo sa akin," sabi ni Ella.
"Fotato... Nay, sige, papayag ako na dun muna sa bahay bakasyunan, but... But kasama si Venus?! I'd rather die kesa makasama sya," sabi ni Red.
"Bakit? Ano bang nagawa ni Venus para sabihin mo ayaw mo sya makasama?" tanong ni Ella.
Hindi agad nakasagot si Red sa tanong ng kanyang nanay. Tama naman ito, wala ngang ginawa ang dalaga para tanggihan niya ang makasama, maliban sa halik na pinagsaluhan nila.
"See... Wala, diba? Kaya siya ang makakasama mo sa bahay bakasyunan," sabi ni Ella.
"Pwede namang si Blue... Diba, Ate?" sabi ni Red.
"Tala, hindi ako pwede, may occasion kasi sa kumpanya, parang team building," sabi ni Blue.
"Sabi mo ikaw mag-aalaga sa akin... Sige na, ikaw na lang, Ate," sabi ni Red habang nakatitig sa mga mata ni Blue. Hindi makatitig ng diretsyo si Blue sa asul na mata ni Red dahil nakokonsensya siya.
"Edi si Karl na lang," sabi ni Red.
"Tumawag sa akin si Karl, madaming order sa shop nila, kaya busy siya," sabi ni Ella.
"Pia..." sabi ni Red.
"We need to catch that bad guy na nagtangka sa iyo, kaya hindi ako pwede," sabi ni Sorpia.
Tiningnan ni Red ang bawat tao sa paligid niya, at lahat sila may obligasyon. Hindi niya maiwasang maramdaman ang lungkot, kaya yumuko siya at binagsak ang balikat.
"Ayaw n'yo lang ako kasama..." sabi ni Red, habang umupo na parang nagtatampo.
Napalingon sila kay Red, na ngayon ay umaakyat na papuntang kwarto niya. Nagkatinginan sila, gusto man nilang samahan siya, pero masyadong komplikado ang lahat.
-----------------------------------
Tahimik lang buong araw si Red na kanina lamang ay napaka sigla at maligalig dahil nakauwi na siya galing hospital ngayon at bagsak ang balikat habang bumabyahe sila papuntang bahay bakasyunan.
"Red, nandito na tayo," sabi ni Venus.
Kusa namang bumaba si Red at nilagpasan si Venus, saka pumasok sa loob diretsyo sa kwarto.
Naiwan naman si Venus bitbit ang dala nyang bag puno ng gamit.
Dalawa lang silang bumyahe kaya walang Gio o Severo o kung sino mang lalaking guard na nandun, tanging dalawa lang talaga sa bahay bakasyunan.
Medyo malayo ito sa lungsod kaya walang ingay at maaliwalas ang paligid.
Tinawagan naman ni Venus si Ella para sabihan na nakarating na sila.
...
"Sige... Mag-ingat kayo diyan, bantayan mo yan ha," sabi ni Ella.
Pinatay niya ang tawag at umupo sa tabi ni Blue.
"Anak, sa tingin mo nagtatampo sa atin si Riri?" tanong ni Ella.
Mahinahong tumango si Blue, na ikinasama ng loob ng ina.
"Pero sigurado ako naiintindihan nya lahat ng ito, matalino yun eh..." sabi ni Blue.
Napalingon si Blue sa bulto ng isang lalaki na palabas ng mansyon, kaya nagpaalam muna siya kay Ella at hinabol niya ito.
"Karl! Karl, sandali lang," sabi ni Blue.
"Hmm? Bakit?" tanong ni Karl.
"May itatanong ako sa iyo," sabi ni Blue.
"Talaga, mhie, sa gitna ng initan," reklamo ni Karl.
Pagreklamo ni Karl kaya hinila niya ito sa silong at kinausap ng maayos.
"Gusto mo ba ang kapatid ko?" tanong ni Blue.
"Kilabutan ka nga... Bakla ako, mhie," sabi ni Karl.
"Ahh, so ano itong message mo sa akin na... 'Red, I know this is crazy but I think I like you...'" sabi ni Blue.
Agad tinakpan ni Karl ang bibig ni Blue.
"Hinaan mo yang bibig mo baka may makarinig sa iyo... At bakit nasa iyo yan ha?! Kay Red dapat yan," sabi ni Karl.
"Siguro yan yung tinatawag na wrong send... Tapang mo naman commander... At isa pa, you think? You think?! Ano akala mo sa kapatid ko guessing game?" sabi ni Blue.
"Blue... Look, maging ako naguguluhan pero kapag kasama ko siya, parang ang saya ko, ang gaan-gaan sa pakiramdam. I felt like nakumpleto ako... Now tell me, ano tawag dun?" sabi ni Karl.
Nakikinig lang si Blue sa mga paliwanag ni Karl.
"Curse? Magic? A spell? Poison? Or love... This is not the love that you gave to your friends and family, this is romantic love, Blue," sabi ni Karl.
"Bakit hindi ka mag-confess sa kanya... Na mahal mo siya," sabi ni Blue.
"Sana nga ganun lang kadali yun... Pero Blue, bakla ako, mapapahiya lang siya kung ako ang manliligaw sakanya... Nililigawan sya ng isang bakla, how foolish is that," sabi ni Karl.
"Eh ano naman kung bakla ka, kung kaya mo lang din naman magpakalalaki... Go! Lipad ka na and maging si Ding... Ang puso kapag nagmahal hindi mo na yan mapipigilan, diba sabi nga sa kanta kapag tumibok ang puso?" sabi ni Blue.
"Wala ka nang magagawa kundi sundin ito," sabi ni Karl.
"Ayun... Lahat ng tao may karapatan magbago... Masama man sila o mabait, matangkad o maliit, mataba o payat, bakla man o lalaki, Tibo o babae, pare-pareho lang naman tayong tao, kaya walang masama sa pagmamahal, kahit ano pa ang kasarian mo," sabi ni Blue.
"Thank you," sabi ni Karl.
Niyakap niya si Blue at niyakap naman siya pabalik.
"Ang tanong... Kaya mo ba? Handa ka ba?" sabi ni Blue.
"It takes time naman, diba... Sisiguraduhin ko muna itong nararamdaman ko... Ayokong masaktan ang iba," sabi ni Karl.
"Awww... Big girl ka na talaga, big girl na ang baby ko," sabi ni Blue.
"Ayan ka naman sa kalokohan mo," sabi ni Karl.
"Masyado kasing seryoso ang usapan na ito... Bakla ka, kung hindi pa na wrong send, edi nababaliw ka na sa kakaisip kung anong susunod na mangyayari," sabi ni Blue.
"Kaya nga ako hindi nagpakita doon sa hospital, kasi akala ko nabasa niya na natatakot ako, baka sumbatan at tawanan ako," sabi ni Karl.
"Hindi ganun yun, try mo lang," sabi ni Blue.
—♡—
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top