Verse 3: Tower of Restriction

All Rights Reserved ® TheoMamites

"Ermack's POV"

Hatinggabi na ng magising ako mula sa pagkakatulog sa loob ng camp. Ako na kasi ang nakatokang mag-patrol sa paligid. Si Elgor ang pinalitan ko kaya pumasok na ito para magpahinga sa loob.

.

Habang nililibot ko ang paligid ng barrier ay may mga napansin ako sa paligid. May mga ingay akong naririnig, sa loob ng gubat. Tila may kaguluhan yata na nangyayari. Kaagad kong inilabas ang map ko to check the explored area na kung saan kami napadaan. Nakita kong maraming mga red dots na nagkalat dito that means mga beast ang mga ito na active. But the numbers are alarming dahil sobrang dami talaga.

"What's wrong this time?" nagulat ako dahil hindi ko naramdamang lumapit sa akin si Danae.

"Ah, nothing. Just a bunch of beast roaming around the forest." sagot ko.

"Really? Gaya ng mga iyan?" bigla ay tinuro niya ang unahan ng aming secured area.

Ang mga beast na nakita ko ay mga earth dragons na tila may kinakatakutan o may tinatakbuhan. Lahat ng mga ito ay may level na mula level 60 hanggang level 100.

Ito ang isa sa mga stats ng nakita kong dragon.

Zorech Nature Dragon Level 100
Hp: 500,000
Def: 2,000
ATK dmg: 3,000-4,000
Type: Epic (Aggressive)
Element: Earth

"May nagaganap na kakaiba sa loob ng gubat at sa bundok na yun Danae." sabi ko sa kanya.

Ilang saglit lang matapos ko iyong sabihin ay may pagsabog na naganap sa pinakagitna ng Herus Woods. Sa sobrang lakas nito ay nayanig ang paligid at humangin ng malakas. Ikinagulat ito ng mga natutulog kong mga kaibigan kaya napabangon sila at lumabas sa camp.

"Anong nangyayari dude?" tanong ni Ryuben.

"May naglalaban na naman yata sa gubat." sabi ni Danae.

"Ang mga dragon ba?" tanong ni Elgor.

"We can't tell it. Masyadong madilim ang paligid. It could be another beast o posible rin na mga wizards na naghahunt." sagot ko sa tanong nito.

Humarap ako sa kanilang apat at tinignan sila ng seryoso.
.

"We can't stay any longer here. Sooner or later ay mapupuno ang parteng ito ng mga disturbed beast. Masyadong mapanganib, we need to get inside the nearest city. May protective wall sila na nagsisilbing boundery sa buong lugar. Safe tayo sa loob nun." sabi ko sa mga ito saka tumingin sa map ko.

"Tama ka Ermack. Sa level natin ngayon malabong makaligtas tayo kapag inatake tayo ng unique to legendary beast." sumang-ayon si Elgor sa akin.

"We better get moving then!" sabat ni Froy sa usapan.

Nagmadali na kaagad kami sa paglayo sa lugar na iyon. Naging maingat kami sa bawat kilos upang hindi makagawa ng anumang ingay na makakakuha ng pansin ng mga beast. Tinahak namin ang north direction, di gaya ng woods ay kaunti lang ang mga puno dito. Malago lang ang mga damo at medyo mabato sa daan. Tanaw narin namin ang ilaw ng mga matatayog na gusali ng Sular sa aming harapan. Ito ay tanda na malapit na kami sa nasabing bayan.

"Teka saglit lang!" sabi ko sa kanila dahil may nararamdaman akong iba sa paligid. Tila may mali, parang may mga matang nanonood sa amin.
.

"Ano yun Ermack?" tanong ni Elgor.

"Shush!!.... May kalaban sa paligid. Nararamdaman ko, nasa malapit lang siya." sagot ko ng mahinto kaming lahat sa isang clear area.
.

Nasa parang oval kami kung saan wala masyadong damo at kita mo ang paligid ng mabuti. Gamit parin ni Ryuben ang liwanag ng staff niya. May nakikita din kaming isang tore sa malapit. Madadaanan namin ito bago kami makapunta ng Sular. Isang matayog at lumang tore. Medyo sira-sira narin ito at halatang abandonado na.

"Guys! Sa may damuhan!" sabi ni Froy.

Tinignan namin ito kaagad at may nakita kaming buntot na mabilis na naglaho sa kumpol ng mga damo.

"Ano yun? Ahas ba yun?" tanong ni Elgor.

"Parang oo." sabi ni Danae.

"Malaking ahas yun kung saka-sakali mga tol!" sabi naman ni Ryuben sa amin.
.

"Humanda kayo, mukhang makikita na natin siya!" naramdaman ko kasing muli itong gumalaw. At mukhang palapit ito sa amin.

.

Hisssssssssss!.... Bigla ay narinig namin ang nasabing beast...

Isang higanteng ahas nga ang tumambad sa aming harapan. At hindi basta bastang beast ang nagpakita sa amin. Isa itong beast na nasa legendary category base narin sa kulay ng HP bar nito.

Guardian Basilisk Serpent Level 100
Hp: 4,000,000
Def: 10,000
ATK dmg: 50,000-70,000
Type: Legendary (Teritorial)
Element: Earth

"Lintik na! Patay tayo niyan kahit isang atake lang ang tumama!" biglang nasabi ko matapos makita ang information ng beast.

"Bilis takbo sa tore!" utos ko sa mga kasama kaya nagtatakbo na kami sa tore na nasa malapit.

Gumalaw ang ahas na tila hahabulin kami. Nanlisik ang mga mata nito at bumuka ang bibig. Nagluwa ito ng kakaibang likido sa amin pero mabuti na lang at nasalag ko ito gamit ng aking void vrahl.

"Wag kayong tumigil!" sabi ko sa kanila.

Muling gumalaw ang beast kaya muli akong tumira ng skill.

"Umbra Gale!" gamit ng skill ko ay nagawa ko siyang mapahinto. Pero parang walang epekto sa kanya ang ginawa ko. Dito talaga makikita ang pagkakalayo ng aming mga level at ang gap ng aming mga HP. Buti umubra sa kanya ang paralize effect ng skill ko kaya ito napahinto.

Malapit na naming marating ang tore pero biglang nagpakawala ng skill ang beast na may earth vrahl. May mga nagtutulisang bato na lumabas mula sa ilalim ng lupa. Ito ay patungo sa amin.

"Ilag!" agad kaming pumaling sa magkabilang direksyon. Sa kanan kami nila Froy at Elgor samantalang sa kaliwa sina Danae at Ryuben.

Tumama ang skill sa tarangkahan ng tore pero may kung anong kapangyarihan ang humarang dito. Tila isang uri ng barrier na nakapalibot dito.

"Tara sa loob!" sabi ko ng makalapit sa gilid ng malaking pinto. Hindi naman ako nabunggo sa isang harang kaya tingin ko pwede kaming pumasok.

Sinara ko agad ang pinto at ni-lock ito mula sa loob. Pagkaharap namin sa pinto ng tore ay namangha kami. The door was filled with markings na parang pamilyar sa amin. It was like the one's at the woods. Dun sa lumang templo. The door just oppened up bago pa namin ito malapitan kaya nabigla kami.

"Papasok ba tayo?" tanong ko.

"Well, we have two options and that is to go out and face the beast or enter the tower and explore it. Saan dun ang bet niyo ha?" nakapameywang na sabi ni Danae.

.

"Ewan ko sa inyo ha basta ako papasok ako sa loob. I don't wanna die yet ya'know?" si Ryuben na nauna ng tumapak sa loob.

Wala kaming nagawa but to just went inside. Baka mamaya wala na ang beast sa labas. We just have to wait for morning at magpalipas ng gabi dito sa loob..

★★After 30 minutes....

"Nasa unang palapag lang tayo, mukhang bodega naman to dito. Akyat kaya tayo sa taas?" sabi ni Elgor.

"Oo nga baka may magandang matutulugan. Mukha namang protected ng isang sinaunang vrahl ang buong tore na ito eh." sabi naman ni Froy.

Kanina pa kami dito sa loob at kanina pa ako nakakaramdam na may kakaiba. Tila may nagbago sa paligid lalong lalo na sa vrahl energy na present sa buong tore. Hindi ko pa ito naramdaman noon. Yung pakiramdam na parang nanghina ang spiritual energy mo. Ganun na ganon na pakiramdan talaga...

"Anong lugar kaya ito?" tanong ni Danae.

Wala ni isa sa amin ang may alam ng sagot kaya napailing na lang kami. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang ilan sa mga nakasulat sa gilid ng isang haligi na nasa gitna ng unang palapag.

*YagNirr's Tower*
(Tower of Restriction)

"Teka! YagNirr? Diba isa siya sa mga bathala ng ating mundo. Ang bathala ng lupa at ang tagalikha ng Xernia." takang sabi ni Danae.

"Xernia? Eh bakit dito nakatayo malapit sa Sular? Hindi ba ang bayan ng Sular ay sakop ng kapangyarihan ng bathalang si Uzuriel, ang bathala ng makabagong teknolohiya. Mortal na kaaway nila ang mga bathala ng elemento." dagdag naman ni Elgor.

Mukhang maraming alam ang mga ito sa mga bathala at sa alitan ng mga ito. Ako kasi nawalan na ng panahon para sa pag-aaral patungkol sa kasaysayan ng Ultara. Basic lang ang alam ko sa mga ito. Gaya ng may mga bathala ang bawat sektor ng Ultara bilang kumakatawan dito. Gaya ng bayan namin na Galdor, meron kaming sinasambang bathala at ang tawag namin sa kanya ay Galdian. Hango sa pangalan niya ang aming bayan na Galdor. Siya naman ang bathala ng Pagbabago o Rebirth. Dalawang uri ang mga bathala dito sa Ultara at ito ang mga Primordial Diety at ang mga Elemental Diety. Ang mga primordial dieties ang may hawak sa ibat-ibang lugar dito sa Ultara at may kani-kaniyang sakop na teritoryo. Samantalang ang mga Elemental Dieties naman ay walang nasasakupan at nakakalat sila sa ibat-ibang parte ng aming mundo. Ang mga tagasamba sa kanila ay naniniwalang sila ang tunay na mga tagalikha ng mundo namin at hindi ang mga primordial dieties.

Yun ang umpisa ng hidwaan ng dalawang panig. But I don't really care, hindi naman nila dinadamay ang mga nilalang ng Ultara sa away nila. Pero teka nga, nililigaw niyo ako eh. Balik na nga tayo sa topic.

Tower of Restrictions sa pangalan pa lang ng lugar na ito tiyak kong may hindi magandang mangyayari.

"This tower is blessed by an ancient power that restricts wizards and the likes of them to use vrahl." malinaw na basa ni Froy sa ibang nakaukit sa pader.

"Ano? Hindi tayo makakagamit ng vrahl dito?" tanong ni Ryuben.

"What could possibly go wrong right? Wala naman sigurong kaaway dito diba?" tanong ko.

"No, did you all know that these kind of places has it's guardians and possess important relics. At dahil sa teritoryo ito ng isang bathala ay baka may kailangan tayong gawin para makalabas dito." sabi ni Danae.

Pagkasabi nito ni Danae ay tinungo ko agad ang pintuan. Tinangka kong buksan pero hindi ko magawa. Hindi rin gumagana ang vrahl ko. Shit! Ano na ngayon? Eksaktong 45 minutes na ang dumaan ay may lumabas na notice sa aming harapan.

★Tower of Restriction Objectives★

††Advance to the next floor by acquiring the broken piece of YagNirr's Emblem.

††Defeat each floor guardian

††Reach the 10th and final floor, defeat the sacred beast and complete the 10 broken pieces.

"Ano to, instant quest?!" anong ni Froy.

"Ano pa nga ba. But how are we gonna fight without vrahl?" sabi ni Ryuben.

"Hindi ko rin alam kaibigan. We just have to do everything that we can para makalabas dito sa loob. We still have our new status, that includes our doubled defense and high HP. Ang mana power lang natin ang nawala." sabi ko sa mga ito.

"We just have to fight with just our bare hands." si Danae.

"No problem with me dahil mataas na ang fighter level ko. Kayo ang inaalala ko." sabi ko.

"No worries, laging may first time sa lahat ng bagay. Magandang pagkakataon din to para mapataas ang level ng fighter class namin." sabi ni Elgor na kampanteng nakangiti lang..

"O, e ano pang hinihintay natin dito? Simulan na natin to!" masayang sabi ni Ryuben.

Ginalugad namin ang silid na aming kinaroroonan. Wala kaming nakitang kakaibang item o kahit yung guardian ng palapag na ito. May isa pang pinto sa bandang gitna kaya doon kami pumasok. Mas malawak ngayon ang bagong kwarto at wala masyadong kagamitan in short isang empty room. May mga torch na nakasindi sa bawat gilid ng silid at sa kabilang dulo ay may isang hagdan. Sa bandang kanan ng pintong pinasukan namin ay may apat na baul.

"Take a look!" sabi ni Danae sa amin bagi nagbasa ng mga nakasulat na mga kataga sa pader.

★Ang inyong hinahanap ay naririto sa isa sa mga baul. Ngunit mag-ingat dahil sa bawat maling pagpili ay may panganib na nakaambang.★

"Just great! Isa nga dito ang broken piece pero kailangan pa nating hulaan kung nasaan ito. Hindi ako magaling sa mga ganito, lagi akong minamalas." reklamo ni Froy.

Pero wala kaming ibang choice but to open one of the box. Kaya nagpasya kami na bubuksan namin ang box number 3. Agad may lumabas sa harap ng aming paningin.

**Wrong box! Please try again after five minutes...**

Pagkatapos nung lumabas ay biglang nagliwanag ang gitnang bahagi ng kwarto. Nagkaroon ng dalawang pigura mula dito at ng matapos ang paglabas ng liwanag ay may mga nakatayong beast na sa harap namin.

Earth Mud Guardian Level 15
HP: 2300
Def: 100
Atk Dmg: 100-150
Type: common

Dalawang ganito ang lumabas pero sa tingin ko ay kayang-kaya naman namin ang mga ito. Lagpas na kaya ng 100 ang normal damage namin kaya hindi kami mahihirapan sa mga ito.

"O, sa inyo na yan. Kaya niyo naman na yan eh." sabi ko sa kanila.

Hinayaan ko na lang sila na hinarap ang dalawang level 15 beast. Mukha lang tao ang mga ito na nakasuot ng armor at yari sa putik at bato ang katawan. Hindi mabilis kumilos kaya madaling tamaan ng mga atake. Long range din sila dahil nambabato ng putik. Though hindi natatamaan sila Froy dahil sa bilis nilang taglay.

Tatlong minuto lang ay natalo na nila ang dalawang beast. Nadagdagan din ng XP ang kanilang vrahl fighter class.

"Ayos, we just need to wait para makapagbukas na ulit ng box." sabi ni Danae.

Luckily nung nagbukas kami ng panibagong box ay nahanap na namin ang unang YagNirr's Emblem Piece. Lumabas ang unang floor guardian sa aming harapan na bawas na ng kalahati ang buhay.

YagNirr's Guard Level 20
HP: 2550/5100
Def: 250
Atk Dmg: 200-270
Type: Uncommon

Kailangan namin itong matalo bago kami umakyat sa susunod na floor. Tumakbo kaagad ako patungo dito at tumalon sa itaas. Isang suntok ang pinakawalan ko sa guardian. It landed on it's face kaya napatumba ko ito. Sumunod kong ginawa ay ang sipain ito pero nasalag niya gamit ng dalawa nitong kamay. Nag dash ako paabante para habulin ito. Saktong nakatayo na ang guardian ay nakalapit na ako sa gilid nito. Doon ko ito sinipa ng malakas pero may kung anong puwersa ang humarang sa akin. Isang defensive skill!

"Ermack!" sigaw ni Danae.

Hindi patas ito dahil nakakagamit ng skill ang isang ito at kami ay hindi. Tumalsik ako dahil sa skill na iyon, isang vibration shack. Konti lang ang bawas nito pero may stun kaya di ako makagalaw.

Susugod na ito gamit ng sabdatang hawak pero kaagad humarang sina Elgor at Ryuben dito. Sinuntok nila ng sabay ang guardian pero tumama lang ito sa hawak nitong kalasag. Nakita ko si Froy na hinablot ang isang torch at ginawang panalo. Hinampas nito iyon sa likod ng guardian dahilan ng pagkakasunog nito.

Nasa 30% na lang ang HP nito kaya kalaunan ay natalo rin nila ang beast guardian ng hindi ako nakatulong.

★★XP Received: 1000
Item Gained: Amber Box 1pcs.★★

Stat bonus:

Str: 3
Dex: 3
Int: 1
Vit: 2
Luk: 1

"Ayos yun ah! Buti na lang mahihinang beast ang nakaharap natin." sabi ni Froy habang naglalakad patungo sa hagdanan.

"Siguro dahil nasa unang palapag pa lang tayo. Malaki ang posibilidad na mas magiging mahirap at mas malakas na beast ang naghihintay sa atin sa mga susunod na palapag." wika ni Elgor.

"Tama si Elgor. Tiyak na mas magiging mahirap ang mga susunod na palapag. Siguradong mas mataas ang level ng guardian ng second floor." sabi ko saka nagtuloy na sa pag-akyat sa itaas.




Samantala........

"Arran's POV"

Grabe na talaga ang mga sinapit namin dito sa loob ng gubat na ito. Nagsidamihan nga ang mga kakaibang hayop kaya napapalaban kami.

"Holy Push!" sigaw ni Felix ng tinawag niya sa kanyang skill. Naitulak nito ang dalawang malalaking lobo na humarang sa aming harapan.

"Bilis takbo! Malapit na tayo sa labasan!" sigaw naman iyon ni kuya Dirk na nasa likuran namin.

"Ilag!" sigaw ni Alexis dahil may isang fire ball na galing sa isang fire dragon ang patungo sa amin.

"Mikay, harangin mo..." sabi ko kay Michaela. Kaya niya kasing lumikha ng barrier gamit ng hangin. Kainggit nga eh dahil ako na lang ang hindi pa natutuklasan ang ability.

Boogshhhhhh!..... Tumama sa harang ang apoy pero hindi ito natibag. Patuloy lang kami sa pagtakbo dahil tanaw na namin ang labasan ng gubat na ito.

"Arran...." bigla ay may narinig akong tinig ng isang lalaki sa isip ko.

"Sino ka?" sinagot ko din ito sa isip ko.

"Ako si YagNirr, ang bathala ng lupa..." sagot nito.

"Hindi kita maintindihan, ano po ba ang kailangan nyo?" tanong ko..

"Gamitin mo ang iyong malawak na pandama, ang mga sugo ay malapit lang. Sundin ang puso at wag ang isip, ikaw ang may taglay ng kakayanan na maramdaman sila. Sundan ang simbolo ng bituin, Arran...." mahabang sabi ng boses at hindi na ito muling nagsalita. Di ko narin siya nararamdaman.

"Sundan ang biruin?" wala sa isip kong nasabi.

"Ha?" tanong ni Wilson. "May sinasabi ka?"

"Sundan ko raw ang bituin.." nagpalinga-linga ako sa paligid at nakita ko ang aking hinahanap.

Isang bituin na may anim na matulis na dulo (star of david). Gawa ito sa berdeng liwanag at nakalutang ito sa itaas ng isang matayog na tore. Medyo off ito sa amin tinatahak na daan kaya baka hindi namin ito mapuntahan.

"Mag-iba tayo ng ruta pwede?" sabi ko kay Felix na nasa unahan.

"Ha, bakit naman Arran?" tanong niya.

"Hindi niyo ba nakikita yung simbolo ng bituin sa banda roon?" tinuro ko ang direksiyon ng tore.

Lahat sila ay napalingon sa tinuro ko at sabay nagsabing wala silang nakikitang bituin. Kung ganon ako lang ang may kakayanang makita yun.

"Bast just trust me! May nakikita akong hindi niyo nakikita. Maaaring ito ang mga sugo.." sabi ko sa kanila.

"Sige na Felix. Mag-iba tayo ng ruta." utos ni Kuya Dirk. Ayos!

Boommm!.....

Biglang nagkaroon muli ng malakas na pagsabog sa gubat. Hindi namin alam kung ano ang dahilan nito at wala kaming balak alamin pa yun. Itinaas muli ni Mikay ang barrier niya para protektahan kami pero sa pagkakataong ito ay nagkakalamat ang harang niya.

"Oh My G! Ang barrier ko, hindi tatagal!" impit na daing ni Mikay.

"Sasalagin ko sakalang mawasak ang harang!" sabi ni Kuya Dirk.

"Wag! Iba ang lakas ng isang ito baka hindi mo din kayanin Dirk." sabi ni Felix.

"Arran..... Gamitin mo ang iyong natatagong kapangyarihan... Iligtas mo ang inyong mga buhay..." may tinig na namang nagsalita sa isip ko.

Hinayaan ko ang aking sarili na tangayin ng bugso ng damdamin. Unti-unti kong nararamdaman ang kakaibang puwersa na galing sa loob ko. Nagliwanag ang buong paligid at nang tuluyang naglaho ang liwanag ay wala na kami sa gubat....

"Ermack takbo!" bigla ay narinig kong may babaeng sumigaw.

Dinilat ko ng unti-unti ang aking mga mata at nakita kong nasa isang konkretong gusali kami at may iba pa kaming kasama sa loob na isang grupo. Lahat sila ay pawang naka hooded cape na magkakaibang kulay. Purple, green, red, blue at white. At lahat ng mga ito ay mayroong marka ng bituin.

May kinakalaban silangbisang halimaw na naglikiwanag ng dilaw na kidlat.

YagNirr's Lightning Guard Level 30
Category: Floor Guardian
HP: 10,000
Def: 500
Atk Dmg: 300-370
Type: Unique (Intelligence) (Range)
Element: Lightning

"Nasaan tayo?" tanong ni Alexis.

"Tingin ko ay nasa tore tayo.." sagot ko sa kanya.

"Tol, teleportation ang ability mo!" sabi ni Felix sa akin sabay tapik sa balikat ko.

"Shush! Mamaya na yan kailangan nila ng tulong..." sabi ni kuya Dirk dahil nakikita niyang nahihirapan na ang isang lalaki na tinawag na Ermack nung babaeng elf.

Tumingin ako kay Tisoy..

"Wilson!" tawag ni Felix sa pangalan nito.

"Alam ko!" inis nitong sabi sabay biglang naglaho sa aming harapan.

.

"Danae's POV"

"Ermack, ilag!" sigaw ko dahil muling tumira ng skill ang guardian ng ikaanim na palapag.

Gumulong si Ermack sa kanan para umiwas. Sumalayay naman si Ryuben gamit ng isang fire manipulation ability. Natuklasan kasi namin na maaari naming magamit panlaban ang mga elementong present sa loob ng palapag. Apoy, tubig at hangin ang dominant sa floor na ito kaya nagagamit nila ito.

Kaso malapit naring maubos ang apoy at tubig dito dahil sa ginawang mga atake nila Elgor at Ryuben. Ang hangin naman ay unlimited dahil bukas ang bintana ng palapag na ito. Ito naman ang gamit ni Ermack.

Halos kalahati narin ang bawas ng HP ng guardian habang kami ay full parin. Malakas kasi ang HP regen namin dahil sa aming mga bagong taglay na items.. Hindi man ako makapagheal pero umaasa na lang ako sa aking passive.

Tumira ng malakas na lightning skill ang guardian at tumalsik silang tatlo ni Ryuben, Elgor at Ermack sa malayo.. Bigla naman akong nagulat dahil napansin kong may mga dumating na grupo sa loob ng palapag. Kakaiba ang mga kasuotan nila pero batid kong malalakas sila. Green ang kulay ng HP bar ng mga ito kaya ibig sabihin ay hindi sila beast.

Nakita kong mabilis na kumilos ang isa sa kanila. Sing bilis ng liwanag at inilayo sina Ermack sa isang iglap lang. Nasa tabi ko na kaagad ang mga ito kasama nung lalaking nagligtas sa kanila. Nakangiti ito sa akin sabay naglaho ulit at muling lumabas sa harapan ng guardian na kalaban namin. Kasama nito ang isa pang lalaki na tila umiilaw ang mga braso.

.

Sino ba ang mga ito? Paano silang napunta bigla sa tore na ito?...
I think my nakaligtaan kaming importanteng detalye......

Feel ko lang......


.

End of Chapter...

AN: Natagalan po.. Sorry..

Si wattpad kasi eh nagkaaberya...

Till next time!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top