Verse 3: Adventure into the Woods (2)

All Rights Reserved ® TheoMamites

"Ermack's POV"

Pumasok na si Danae sa loob ng gawa nitong munting bahay. Sinamahan ko pa nga itong pumasok eh. May division naman kasi sa loob at may isang uri ng halaman na mukhang mushroom ang itsura sa bawat silid. Ito ang naging parang kama niya. Ito ang ikinaganda ng nature vrahl dahil lubhang magagamit ito sa mga ganitong scenario. Nag-alok pa nga ako na tabihan siya eh. Pero syempre biro ko lang yun! Nagalit naman siya kaya napangiti ako. Haha...

.

Muli na akong bumalik sa labas upang ipagpatuloy ang pagbabantay ko. Kasama ko si Ryuben na nakaupo lang sa malapit sa apoy. Rest assured naman na walang makakapasok sa perimeter na nilagay namin dahil sabi ni ama na rare stones daw ang mga ito. Kaya nga ako lang ang meron nito sa aming apat eh. Masyado na akong ginugulat ng mga items na mga nagmula sa mga magulang ko.

.

Ancient Teritorial Stones: A triangle shape stones with ancient runes that grants protection to it's owner. Can be crafted as charm amulet or used as perimeter guard. If used as such purpose it will grant pure unbreachable energy shield that will last up to 12 hours max.

.

Ito ang nakita kong information habang tinititigan ko ang isa ko pang teritorial stone. Pwede pala siyang gawing defensive accessory? Naisip ko tuloy na gumawa ng simpleng pendant gamit ng mga stones. Pero siguro bukas na kasi ginagamit pa namin ang iba eh..

.

"Ano yan? Extrang bato?" tanong ni Ryuben.

"Parang ganon na nga.." sabi ko.

.

"May mga beast activity na malapit dito sa area natin." si Ryuben.

"Don't worry, safe tayo dito. Matibay ang force field natin kahit legendary beast ay di ito kayang sirain." sabi ko.

"Bilib talaga ako sayo Ermack. Ang gaganda ng mga items na dala mo. Matanong ko lang ha, sino ba mga magulang mo?" tanong nito.

"Bakit mo naitanong tol?" ako.

"Wala lang, baka kasi kilala ko. Ibig kong sabihin baka naikwento na ng tatay ko." paliwanag niya.

"Ah... Okay. Ang aking ama ay si Artem la Filius at si ina naman ay Sasha la Filius. Ang alam ko ay mga Armorsmith at Blacksmith sila.

.

"Hmmm... Talaga? Bakit parang hindi mo sila gaanong kilala?" muli ay nagtataka nitong tanong.

.

"Malihim ang mga magulang ko Ryuben. At hindi ko na inaalam yung mga bagay na hindi nila sinasabi sa akin. I believe na may rason kung bakit sila nagiging malihim... Pero sa totoo lang, I kinda wonder na baka hindi lang sila basta tagagawa ng armors at weapon. I think that they're more than that." sagot ko dito.

.

"Sa bagay, tama ka rin naman. Nga pala, hindi pa kita napasalamatan sa ginawa mo para kay Elgor. Kung wala ka, siguro baka-"

"Maliit na bagay lang yun tol. Kayo ang pinakauna kong naging kaibigan. At kahit na anong mangyari hindi ko kayo pababayaan!" pagputol ko sa sinasabi niya..

"Thanks! Ito naman ang maipapangako ko bilang kapalit, I won't turn my back on you! Gusto kong ikaw ang tanghaling pinakamalakas na wizard. Pero siyempre kami dapat ang underlings mo!" nakangiti pero seryosong pagkakasabi nito.

.

"Haha... Ikaw talaga ang dami mong sinabi." napatawa na lang ako..

Marami pa kaming naging usapan hanggang sa mahigit dalawang oras na kaming nagbabantay. Medyo nakadama na kami ng antok kaya minabuti na naming gisingin yung dalawa para sila naman ang pumalit sa amin. Salitan ang naging routine ng pagbabantay namin. Kada dalawang oras ay nagpapalitan ng bantay pero nung tumungtong ang 2am ay natulog na kaming lahat ng sabay. Paumaga narin naman kaya malaman wala na masyadong gagambala sa amin.

.

But we were wrong...!

Nagising kami ng mga bandang 4am ng umaga dahil sa ingay na parang may bumabayo sa aming teritorial field. Napabalikwas ako ng bangon at kaagad na lumabas. Agad kong tinignan ang direksiyon kung saan nanggaling ang ingay. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa aking nakita. Isang dragon ang gumambala ng aming pamamahinga. Kulay itim ito na may mga naglalakihang pangil at mga sungay. At ang mga talon nito ay mukhang matatalas idagdag mo pa ang dulo ng buntot niya na may matulis na parang patalim.

.

"Hala! Ano yan Ermack?!" gulat na tanong ni Elgor.

.

"Anong nangyayari dito?" malumanay na tanong ni Danae na tila naalimpungatan pa. Nang lingunin nito ang bahaging tinitignan namin ay bumakas sa mukha nito ang takot.

.

"Black Dragon! Bakit may ganitong beast dito?" si Froy ang nagsalita.

.

"Black Horned Mountain Dragon! Ang alam ko eh legendary ang kagaya niyan! Paano na to ngayon?" si Danae.

Agad kong isinoot ang natuyo kong damit dahil mas mataas ang protection na meron ito kumpara sa kapiranggot kong suot ngayon.

"Any minute from now ay mawawala na ang force field dahil malapit na ang limit nito. We don't have a choice but to fight. Not to kill it but to just weaken it para matakasan natin." sabi ki habang inaayos ang pagkakatali ng chest vest ko.

.

"Tama, we just need to escape this one hindi natin ito kaya. Ni hindi nga makita ang level eh yung gold HP bar lang niya." sagot ni Elgor.

.

"Paano natin yun gagawin?" tanong ni Ryuben.

"May plano ako, nakikita niyo ba ito?" sabi ko sabay pakita ng Ancient Teritorial Stone sa kanila.

"Oo, pero anong meron dyan?" si Danae.

.

"Pwede itong gamitin as charm individualy, it provides double armor to anyone that posses it. It will act as a protective item." sabi ko sabay bigay ng bato kay Danae. "Sayo yan, amin yung apat pa na nakakalat sa perimeter." dagdag ko pa.

"Ah.. Ok kuha ko na. Pero paano ang beast?" tinanggap ni Danae ang bato at ginawa niya itong isang armlet na nakasuot sa kanang pulsuhan nito.

.

"Danae, kaya mo bang gumawa ng kulungan na yari sa ugat at tangkay?" tanong ni Elgor.

.

"Oo, pero maraming mana power ang magagamit ko. And to think of it na isang legendary beast ang paggagamitan ko nito, ay baka hindi parin kayanin." sagot nito.

.

"Ok na yun, kailangan lang natin ng kaunting oras para tumakas sa kagubatan. Kailangan lang ay masugatan natin ito sa pakpak at sa paa to imobilize it." sabi ko bilang dagdag sa plano.

.

"We need to get the stones first. Pumili na tayo ng kani-kaniyang bato." suhistiyon ni Froy.

.

Mabilis kaming pumunta sa apat na sulok ng perimeter at naghanda sa pagkuha ng mga bato. Si Danae ay nakahanda narin para sa paggamit ng skill niya. Malakas ang pasigaw kong pagbibilang.

Isa!

Dalawa!

Tatlo!

Ngayon na!

Isa-isa naming hinugot ang mga bato at naglaho bigla ang harang na pumoprotekta sa amin. Lumingon ako kay Danae na nagbitaw na ng skill.

"Vine Cage!" mabilis na tumubo ang mga naglalakihang ugat at ibat-ibang uri ng vines sa palibot ng Black Dragon. Binalot nito ang harapang parte ng dragon para hindi kami nito makita.

.

Kaagad naming tinungo ang looban ng gubat pero hindi pa kami nakakalayo ay nasira nito ang kulungan at mabilis na tumakbo patungo sa amin. Nagmadali akong humarap dito at hinugot ang aking wand.

"Orb of Void!" mabilis ko itong pinakawalan aiming one of it's feet. Pero nakalundag ito kaya sa lupa tumama ang skill ko na nagpasabog dito. Muli ay tumakbo kami habang balot pa ng usok ang paligid ng dragon.

.

"Bilis dun sa mga puno!" sigaw ko.

.

Malakas ang aking pandama kaya madali kong naramdaman ang isang bagay na papalapit sa likuran namin. Mabilis ito at mukhang aabutan kami. Minabuti kong tumalon kasabay ang pagkabig ko kay Danae para mapadapa kami sa lupa.

Sila Elgor naman ay napadapa narin kaagad. Hindi nga ako nagkamali ng hinala dahil tumira nga ng isang dark flame ang dragon na dumaplis sa likuran ko. Medyo nangitim ang bahagi ng armor ko na tinamaan dahil dun pero walang burn effect dahil sa bato na hawak ko.

.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko kaagad kay Danae.

.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan!" balik nitong tanong.

.

"Wala to, malayo sa bituka." sabi ko na ngumiti pa.

.

"Ilag bilis!" pukaw sa amin ni Froy dahil na tail bash ang dragon sa amin. Lumundag kaming lima para mailagan yun. Kitang kita namin kung paano naputol yung dalawang kahoy na malapit sa amin.

.

"Pasok tayo sa looban!" sabi ko habang ginagamit ang natutumbang kahoy bilang apakan para makapunta sa itaas.

.

Lumundag kaagad ako nung nasa ibaba ko na ang Black Dragon. I enveloped my body with void aura na nagawan ko na ng pangalan. Hindi pa kasi ako nakaisip ng pangalan para sa technique na ito dati kasi hindi pa pulido.

.

"Armor of Void!" sigaw ko ng malakas.

.

"Dark Drilling!" muli ay sinundan ko ng isa pang skill. Sinalubong ko ang atake ng buntot niya. Nagtama ang dulo ng paa ko at ang buntot nito at nagsalpukan ang aming lakas. Nagawa kong maibalik sa kanya ang kanyang buntot hitting him to the head.

Lumapag ako sa harap nito at saktong nagluwa ito ng itim na apoy. Dark flaming breath yata ang tawag sa skill na ginawa niya. Hindi ko nagawang ilagan kaya tumalsik ako at bumangga sa isang malaking puno.

.

"Ermack!" si Danae.

"Tol!" sina Elgor at Ryuben.

"Dude!" si Froy.

.

"Tidal Wave!" gumamit si Elgor ng isang dekalibreng water vrahl skill na naglabas ng isang higanteng alon na pumantay sa laki ng dragon. Tumama ito pero hindi man lang natinag ang legendary beast. Wala rin akong nakitang bawas sa buhay nito.

.

"Okay lang ako. Wala to!" sabi ko ng makabangon. Half of my Hit points was lost pero ayos pa ang MP ko. Kaya ko pa.

.

Agad na nag-heal si Elgor sa akin na ikinapanumbalik ng aking nawalang HP. Sumugod narin ang iba sa dragon casting long range vrahl skill. Vine attacks, fire and lightning and water skill pero hindi talaga kami makatama sa pakpak at paa nito. Malaki nga siya pero magaling itong umilag at magcounter.

.

Nang tila nagalit ito sa mga pag-ataking ginagawa nila Danae ay biglang nagliyab ito ng itim na apoy. Para tuloy siyang naging anino at mahiram makita dahil hindi pa sumisikat ang araw.

.

"Umalis kayo diyan, bilis!" utos ko sa kanila na dahilan ng paglapit nila sa kinaroroonan ko.

.

"Ako na ang bahala, just stay behind me!" sabi ko sa kanila.

.

"Mukhang titira siya ng skill Ermack!" napahawak sa braso ko si Danae.

.

"Haharangin ko!" sabi ko at itinapat ang aking wand sa direksiyon ng dragon. Tama nga si Danae dahil bumuga nga ng isang malakas na flame skill ang beast. Iba ito kumpara kanina na tumama sa akin. Triple sa tingin ko ang lakas nito.

.

"Void Nullifier!" nag-cast ako ng isang malakas na defensive void skill. Para itong kalasag na may kakayahang magpatigil ng kahil na anong atake. Tanging ang void element lang ang maaaring magtaglay nito.

.

Dito tumama ang skill ng black dragon kaya parang nahihigop ito papasok sa gawa kong harang. Napagtagumpayan kong masalag ang skill na yon pero kakarampot na mana power na lang ang meron ako. 250 na lang... Isang skill pa ang kaya ko...

.

"Spikes of void!" ibinuhos ko na ang lahat ng aking MP para sa skill na yon. Matutulis na spikes ang gumapang patungo sa kinaroroonan ng dragon piercing it's right wing and two frontal feet. Halos napaluhod ako dahil sa sobrang exhaustion na naramdaman. Inalalayan naman kaagad ako nila Elgor at Froy.

.

"Let's go, bago pa yan makabawi sa pinsala niya." mungkahe ni Ryuben.

Gusto pa sana ni Froy na talunin yung beast pero sinaway ko ito dahil wala talaga kaming panama sa lakas ng beast. Kung hindi lang sa malakas na piercing power ng void ko ay hindi siguro kami nakaligtas. Swerte pa nga yun kung tutuusin eh... Kung hindi baka sa malamang naging pagkain kami ng dragon.

.

Nakisama naman ang gubat dahil walang mga beast na nagkalat sa paligid. Malamang naramdaman ng mga ito ang presensiya ng dragon kaya nagsialisan ang mga ito.

.

"Wow! Tignan niyo ang mga level niyo magugulat kayo!" bulalas ni Elgor.

.

"Level 22 na ako!" sabi ni Froy. Napatingin narin ako sa aking status at nakitang umabot ako sa level 26. Ang level ng void ko ay nasa level 10 na at level 9 naman ang fighter class ko.

.

"Hindi naman natin napatay yung legendary beast ah?" tanong ni Ryuben.

"By jus hitting it ay naglevel tayo. We gained XP by just doing it." paliwanag ni Danae.

.

"I reach level 26 baka dahil sa ako ang mas maraming naitirang skill sa beast." sabi ko na medyo bumuti na ang pakiramdam. Nagreregen na ang nawala kong mana.

.

"Looks like ikaw na ang may pinakamataas na level sa atin. I just leveled up to level 23." sabi ni Danae sa akin.

.

"Wag na nating pag-usapan yan. Ang mahalaga ay ligtas tayong lahat! Pero teka nga- nasan na tayo?" nakita ko kasing medyo maaliwalas sa bahaging ito ng gubat. Mayroong ilaw na nagmumula sa isang nakaumbok na bato na nasa gitna ng isang platform.

.

"Sa totoo lang eh wala akong idea!" sagot ni Froy.

"Takbo tayo ng takbo kanina kaya I got lost with the track." sabi naman ni Elgor.

.

"Mukhang may isang lumang altar o templo dito sa bahaging ito ng gubat. Tignan niyo!" sabi ni Ryuben sabay turo sa mga hagdan na nakapaligid sa nagliliwanag na bato.

.

Isa nga itong lumang templo sa gitna ng gubat. Pero anong klaseng templo naman kaya ito. Mukhang makaluma na ang itsura nito kaya masasabi ko na mahigit isandaang taon na ang guhong ito.

.

Inakyat namin ang hagdan para malapitan ang bagay na pinagmumulan ng liwanag. Ikinamangha namin ang mga sumunod na nangyari dahil ang akala namin ay bayo eh yun pala ay isang crystal. Pumalibot kami sa kristal at pinagmasdan itong mabuti. May mga orbs na gumagalaw mula sa loob ng kristal, lima ito sa pagkakabilang ko. Hindi ko mapigilan ang pagnanais na hawakan ito, gamit ng kanan kong kamay ay unti-unti kong inabot ang dulo ng crystal.

.

Hindi ko inaasahan na biglang lumiwanag bigla ang suot kong singsing! At ang biglaang paglabas ng limang bilog na liwanag. Pula, asul, berde, dilaw, at indigo ang mga ito na biglaang tumama na lang sa aming mga sintido.

That was the last thing that I remember dahil nawalan na ako ng malay. Hindi ko alam kung mga ilang oras o minuto akong walang malay. Basta nagising na lang ako ng isang nakakasilaw na liwanag na tumatama sa mata ko.

.

"Ermack....." may malamig na boses ng babae akong narinig na tumawag sa pangalan ko. Noon ay akala ko ay si Danae pero ng ipaling ko ang aking ulo sa kanan ay nakita kong wala pala itong malay.

"Ermack...." muli ko na namang narinig ang boses.

"S-sino ka?" medyo nanghihina ko pang boses.

.

"Hindi pa oras upang ako'y magpakilala... Hindi pa panahon Ermack...." sumagot ito.

.

Muli ay ipinaling ko ang aking paningin sa buong paligid at sinubukang bumangon. May kulay luntiang liwanag ang nagsaboy ng makikinang na sparks sa aming ulunan na tila nagpabalik sa nawala kong lakas. After that at nagkamalay na ang mga kaibigan ko. Hindi narin nagsalita yung boses kanina.

.

"Ano ba yung nangyari?" tanong ni Froy.

"Hindi ko din alam tol. Pareho tayong lima na nawalan ng malay." ako ang sumagot.

.

"He who bears the mark of the beast shall serve as the key,

The sky will cry, darkness shall rule...

And the chosen ones will burn on rage,
The six blade shall provide protection untill the sacred fires awaken..."

Nagsalita si Danae habang nakapikit pa ang mga mata. Tila nasa ilalim pa ito ng isang trance.. Naalala ko tuloy na isa pala siyang seer. Baka ang mga sinasabi niya ay isang prophecy.

.

"Anong nangyayari sa kanya?" mahinang sabi ni Ryuben.

.

"Isang phrophecy ang nakita ko. Ito rin yung nangyari sa akin noong nakaraan. Naulit lang siya ngayon!" si Danae na ang nagsalita.

.

"Ito ba ang sinasabi mong misyon mo Danae?" tanong ko rito. Tumango lang ito sa aking tanong kaya naman ay hindi ko na kinulit pa.

.

"Ano ba yung liwanag na tumama sa atin kanina. Mukhang pumasok yata sa katawan natin eh." sabi ni Elgor.

Pinakiramdaman ko naman ang sarili kong katawan pero wala namang kakaiba dito. Ano nga kaya yung mga liwanag na yun? "Mukhang wala namang kakaiba sa katawan ko, kayo ba?" sabi ko sa kanila.

.

"Mabuti pa ay umalis na tayo dito. Baka mapadpad na naman dito ang itim na dragon." suhistiyon ni Danae.

.

"Mabuti pa nga!" agad naman akong sumang-ayon.

.

Yung prophecy, masyadong malalim ang kahulugan. Hindi masyadong klaro, the only thing I understand e yung bearer of the beast. I think ako yun dahil sa suot kong beast ring. Yung chosen ones ay kaming lima. Pero yung 'Sky will cry and darkness shall rule' pati yung 'Six blades' ay hindi ko na naintindihan!..

.

Kayo ba may idea na?.....

End of Chapter...

AN:

Two parts to go at magbubukas na ang second chapter ng Wizards Chronicles.

Oo, tama kayo! First chapter pa lang po tayo.

Second chapter will be entittled:

[The Rise of the Six Blades]

Kaya dapat ninyong abangan yun!..

Vote and comments po!

Gusto kong malaman kung ano ang opinion ninyo sa story na ito. Haha...

Hanggang sa muli!......

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top