Verse 3: Adventure into the Woods (1)
All Rights Reserved ® TheoMamites
"Ermack's POV"
"BASTOS!" pagkalakas-lakas na sigaw sabay sapok nito sa mukha ko.
Ah, naburyong na ako sa kaingayan niya kaya ang ginawa ko ay binuhat ito at mabilis na inilabas sa Herus Woods. Baka kung ano pang halimaw ang madistorbo ng boses niya. Hindi ko na inalintana ang pagsuntok-suntok nito sa dibdib ko. Medyo nag-adjust na naman ang systema ko sa suntok niya kaya parang wala na lang sa akin. Nang marating ko ang labas ng woods ay huminto ako sa pagtakbo.
"Bitawan mo nga ako, bastos na wizard!" supladang tono nito.
"Fine," bigla ko siyang binitawan at bumagsak ito sa damuhan. Naglakad ako ng mabagal patungo sa isang puno. Nagsisigaw parin ito at galit sa akin pero di ko pinansin. Narinig kong nakasunod na ang mga kaibigan ko sa amin at pinapakalma na siya.
.
"Binibini, kumalma ka lang. Hindi ka namin sasaktan tsaka pasensiya na sa inasal ng kaibigan namin." dinig kong sabi ni Elgor.
"Iniligtas ka lang namin dun sa mga dumukot sayong centaur at faun." si Froy.
.
"N-nasaan na sila!?" kiming tanong nito sa kanila.
"Tinapos na namin ang mga yun miss." ang sumagot ay si Ryuben.
Lumingon ako sa kanila at nakita kong inabot ni Elgor ang kamay sa kanya. Tinanggap ito ng babaeng elf at tumayo ito at nagpagpag. Ang bait niyang tignan sa harap ng tatlo at mukhang nagpasalamat pa ito sa kanila.
.
Pakialam ko kung mabait siya sa kanila no?! Nananakit pa mukha ko sa sampal niya eh, humanda yang babaeng yan sa akin. Napasandig ako sa puno habang sila ay paparating na sa kinaroroonan ko.
"Uy tol! Bakit mo naman kami iniwan dun?" tanong ni Froy sa akin.
"Pasensiya na tol, nawala sa isip ko eh." sagot ko. Tumingin ako sa mga mata nung elf pero inirapan lang ako. "Tsk!" Hindi ka maganda, hindi bagay...
"Ano na ang gagawin natin? What are we gonna do about her?" tanong uli ni Froy.
.
"Isasama natin siya! Bilang isang SLAVE!" tahasan kong sagot.
"ANO?" sabay-sabay na tanong nilang apat.
"Wag nga kayong sumigaw! Sasabog yata ang eardrums ko eh. Elementals and Wizards are enemy race kaya yun dapat ang setting natin kung isasama natin ang babaeng yan." sabi ko.
"Hindi ako sasama, kaya ko na ang sarili ko." matigas na sabi nito sa akin.
"Hindi pwede, I risked my life saving you! I won't let you walk away just like that!" tapos ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya.
.
"May isang active quest tayo nung nailigtas natin siya. Any idea about it guys?" si Ryuben ang nagsalita totally ignoring my last words.
"Sa tingin ko may kinalaman yang elf na yan sa quest." sagot ko.
.
Nagpahinga na lang muna kami sa meadow at kinausap nila Froy ang babaeng elf. Nalaman ko ang pangalan nito. Siya si Danae (da/na/ye). Yun lang ang mga sinabi niya at parang ayaw nitong sabihin sa amin ang tunay nitong pagkatao. Pero batid kong may nililihim pa siya tungkol sa pagkatao niya.
Tsaka yung quest ay wala din masyadong details. Sinasabi lang doon na puntahan namin ang elven land. Siguro dahil sa babaeng elf na kasama namin.
"May pamilya ka pa ba?" direkta kong tanong kay Danae.
"And why do you think I will answer your question?" tinaasan ako ng kilay.
"Alam mo, ang suplada mo talaga! Ang akin lang naman kasi e pwede ka naming samahan at ihatid ng ligtas sa mga magulang mo." ang tatlo naman ay nakikinig lang sa usapan namin.
.
"I don't have anywhere to go. Wala na akong mga magulang Ermack. I don't even think na welcome pa ako sa amin." malungkot nitong sabi.
.
"Then come with us, papunta kaming Sular City at doon muna balak mamalagi. Neutral city ang Sular at pwede kang doon na tumira. Adventurers kami kaya hindi rin kami magtatagal sa isang lugar." medyo malumanay kong pagkakasabi.
.
"Danae, matanong ko lang ha. Ano bang class mo? Hindi ko kasi makita eh." tanong ni Elgor..
Nung mabanggit ito ni Elgor ay nagfocus ako sa pagtingin ko kay Danae. Using Observer's Eye ay unti-unting lumabas ang ilan sa mga info nito sa aking paningin.
Danae Level 20
Race: Elf
Class:
Seer Level 10
Nature Vrahl User Level 15
.
"Isa kang seer elf? At nasa Novice category ka na at high level na ang nature element mo." sabi ko.
.
Napatingin ang apat sa akin matapos kong sabihin yun. Ikinagulat na naman nila ang ginawa ko.
"Paano mong nalaman eh level 16 ka lang?" tanong ni Danae.
"Hindi ako basta-bastang level 16 lang. Mataas na ang level ng Observer's Eye ko at hindi oobra ang ganyan kababang hiding ability mo sa akin." pagsasabi ko ng totoo.
"Very unusuall for someone of your level. Galing sa anong village ba kayo?" tanong nito pero sa kay Elgor nakatingin.
"We're from the south-east part of Ultara. Sa bayan ng Galdor." sagot ni Elgor.
"Talaga?!" medyo namangha pa ito sa nalaman. Meron itong binulong sa sarili na hindi namin narinig.
"May sinasabi ka ba?" tanong ko.
"Ah, eh wala..." hindi ako nito tinitignan.
.
"Fine, pero you are wasting our time here. Tatawirin na sana namin tong gubat na ito kung hindi ka lang namin nakita." tumayo na ako at tinungo na muli ang gubat.
"Tara na hahanap pa tayo ng safe spot sa loob ng gubat for a camp site." sabi ko pa.
Tumayo narin sila at napasunod sa akin. Ewan ko ba basta naiinis ako kay Danae pero di ko alam kung anong dahilan. Sumabay sa aking lakad si Froy at sina Ryuben at Elgor ang kasama ni Danae.
"Tol, mukhang tinamaan ka ah!" umakbay ito sa akin.
"Oo nga eh, tatlong beses pa nga akong tinamaan eh. Dalawa sa mukha at isa sa bayag tol! Ang sakit nga eh no!" medyo inis kong sagot.
"Asus! Na-love at first sight ka lang eh!" mahinang sabi ni Ryuben.
"Loko, hindi no!" sagot ko na naiiling-iling.
"Galing mo pala tol. Nakahalik ka kaagad unang pagkikita pa lang. Hanep!" iniinis ba ako nito o ano? Ewan ko.
.
"Uy dude, hintay naman jan!" dinig kong sabi ni Ryuben.
Nakapasok na muli kami sa Herus Woods at nakasalubong kaagad namin ang iilang low level beast na mga mukhang ibon at butiki. Lizard Bird Level 17-20 na medyo may kakunatan. Pero dahil sa inis parin ako ay marahas kong kinalaban ang mga ito. Binuhos ko sa mga beast ang inis na nararamdaman ko. Ginamit ko ang aking Elder Wand na naglevel na to level 2 at may 10% additional vrahl damage na. Purong void vrahl ang ginamit ko sa mga beast kaya wala silang naging laban. Halos support at heal lang ang nagagawa nila Elgor sa tatlong oras naming pakikipaglaban sa mga beast sa loob ng gubat.
"Ganito ka ba palagi?" biglang naitanong ni Danae.
.
"Ako ba kinakausap mo?" pinukol ko siya ng matalim na tingin.
"Malamang, alangan namang yung puno sa likod mo diba?" aba't sinabayan ako sa topak ko.
"Ano nga ulit tanong mo?" kunot parin ang noo kong tanong.
"Ang sabi ko eh ganyan ka ba palagi?" ulit niya.
"Hindi kita maintindihan, pwede direct to the point na tanong?!" sagot ko sabay bato ng Void Orb sa isang papalapit na beast.
.
"Mukha kang basagulero kung makipaglaban. Lagi ka bang ganyan?" diretso nitong tanong.
.
"Evrom!" pinasabog ko muna ang dalawang beast na may critical HP sa harap bago siya sinagot.
.
"Giant Roots!" abala narin ito sa mga bagong beast na dumating. Gamit nito ang nature vrahl. Nagtaka nga ako kung paano siyang nabihag nung dalawang elementals eh.
.
"Paki mo ba kung paano ako lumaban ha!" sabi ko ng makalapit sa kanya. "Ang sabihin mo gusto mo lang ako!" pabulong kong sabi sabay kumindat sa kanya.
.
"Barumbadong bastos!" umusok at namula ang mukha nito sa galit. Haha...
.
Nang wala na masyadong beast sa paligid ay naisipan na naming magpahinga. Ako na ang umubos sa mga natitira pang beast bago sumunod sa kanila sa isang burol. Hapon narin noon kaya nakaramdam na rin ako ng pagod at gutom. Madamo ang burol at may mangilan-ngilang bulaklak sa paligid. Doon namin napagpasyahang mag camp. Dahil sa maaga pa ay hindi ko muna inilagay ang Teritorial Stones, mamaya na siguro kapag malalim na ang gabi. Kumuha ako ng isang galong tubig mula sa vault ko at uminom mula dito. Ito lang ang baon ko kasi nakakapag condure naman kaagad kami ng tubig through vrahl. We can transform air particles into water lalo na kapag isa kang water vrahl user. Elgor can easily do it, tubig pang inom at panligo. Astig diba? At dahil sa healer din siya ay merong kalakip na rjuvinating at revitatizing effect ang tubig niya. Sa akin naman ay may purifying at cleansing effect.
"Danae, pwedeng makisuyo?" lumapit ako sa masungit na elf na nakaupo sa isang nakausling ugat na gawa niya.
.
"Ayoko nga!" sagot niya.
Nakita kong napangisi sila Froy, Elgor at Ryuben. Mga loko lang talaga...
.
"Gusto ko kasing maligo. Paliguan moko pwede?" sabi ko tapos ngiti sa kanya. Haha... Ang sarap niya kasing asarin.!
"ANO?!" at napanganga talaga siya sa pagtanong.
"Joke lang! Gawa ka ng maliit na banyo dun sa banda roon para doon tayo makaligo. Kanina pa kaya ako kating-kati sa damit ko. Kayo ba hindi nangangati ha?" pagtatama ko at medyo umatras ng kaunti baka kasi sugurin ako ng babaeng to.
.
"Manyak ka talaga!" umismid ito pero sinunod naman ang sinabi ko.
.
"Thank you!" sabi ko pa ng matapos na siya. Isang pa-square shape lang ito na hanggang balikat ko ang taas ng pader na yari sa mga munting ugat-ugat ng puno at halaman. Ang lapag naman nito ay isang makinis na bato.
"Ayos, mauna na muna ako ha!" pagkasabi nun ay tinungo ko na ang paliguan.
"Makikisabay na ako tol." humabol si Ryuben sa akin.
.
Ayos lang na sabay kami tutal pareho naman kaming lalaki diba. Nagpaiwan sila Froy at Elgoy para magbantay sa paligid. Kami naman ay naligo na ni Ryuben, kaya pala nakisabay dahil gusto akong silipan. Di joke lang haha!. Hindi pala siya marunong ng water vrahl. Hindi siya makapag-condure ng tubig. Pure wind at fire lang siya bukod sa shifter vrahl niya. Kaya naman dalawang water orbs ang aking ginawa para tig-isa kami. (Parang shower lang na walang on and off switch) patuloy lang itong tumatagas. At para naman di bumaha ang nagamit na tubig ay gumamit ako ng void na nakapwesto sa ibaba. Ito ang nagsisilbing drain ng munting banyo.
.
"Kailan mo liligawan tol?" biglang sabi ni Ryuben. Naliligo pa kami nun, pareho kaming hubad at walang saplot. Hindi naman ako nahiya uy, ganda kaya ng katawan ko at may korte talaga. Bunga ng mabigat kong training kay ama.
.
"Pinagsasabi mo?!" sagot ko.
"Sige ka kung wala kang balak e di ako nalang manliligaw dun!" nagsasabon ako nun nung sinabi niya yun.
.
"Loko to! Sige subukan mo lang!" sagot ko at pinanlakihan ko siya ng mga mata.
.
"Hahaha!..." bigla itong natawa ng malakas...
"Hoy anong kababalaghan na ang ginagawa niyo jan?" biglang sigaw ni Elgor sa pinagtayuan ng tent.
.
"WALA! Nagkikilitian lang kami dito mga Baliw!" pasigaw ko ring sagot.
.
"O di inamin mo rin na gusto mo si Danae! Ganyan ka pala kung magkagusto tol, minamanyak mo?!" muli ay sabi pa ni Ryuben.
.
"A ganon?!" ayun nakatikim ng batok ang loko.
"P*TA! ANG SAKIT NUN AH!" napasigaw siya sa lakas ng pagkakabatok ko.
.
"Hala, Ermack tol.. Dahandahanin mo lang yang si Ryuben virgin pa yan!" narinig kong muling sigaw ni Elgor at Froy sa labas.
.
"Mga ulol! Humanda kayo paglabas namin!" gumanti ng sigaw si Ryuben.
.
Natapos na kaming magbanlaw at nilalabhan na lang namin ang mga madumi naming damit.
.
"Una na'ko tol baka mapatay mo pa ako dito. Hahaha..." naunang nakapagpalit si Ryuben ng kasuotan. Simpleng brown vestment lang ito na yari sa linen fabric. Mahaba ang manggas at may kulay asul na parang vest sa pang-itaas. Ako naman ay nagpalit na ng simpleng pantalon na itim at boots na itim din. Sa pang itaas naman ay naka sando-vest lang ako. May hiwa ito sa gitna at isa lang ang butones at iyon ay sa pinakataas lang. Kaya korteng inverted V tuloy ang hiwa nito. Wala akong pang-ilalim na damit sa itaas kaya kita ang maskulado kong katawan. Total nilalandi ko naman itong si Danae at bastos ang tawag niya sa akin eh. Why not dress like a pervert diba? Haha...
.
Pagdating ko sa kanila ay nagtatawanan yung dalawang unggoy! "Tatawa-tawa kayo dyan?" sabi ko.
.
"Ibang porma natin ngayon ah. Medyo maangas yata?!" banat pa ni Froy sabay tawa.
.
"Haha, nakakatawa Froy!" mapakla akong ngumiti.
.
Nakita kong may sampayang ginawa sa gilid ng bahay na gawa ng vrahl ni Danae. Dun ko sinapay ang basa kong kasuotan. "Kami naman dito, pwede na kayong maligo. Kami narin ang bahala sa pagkain." sabi ko at umupo sa isang ugat na nakaumbok sa lupa.
.
Kumilos na sila Froy at Elgor at umalis sa kinaroroonan namin. Ako si Ryuben at si Danae ang nagpaiwan. Nakaupo narin si Ryuben at nag-umpisang magsiga. Parang campfire lang dahil padilim na ang paligid. Ako naman ay nakikiramdam sa paligid baka may mapadpad na beast. Hindi ko inimik yung isa dito na katabi ko.
"Magluluto ako." bigla siyang nagsalita.
.
"Talaga?" tanong ni Ryuben.
"Oo, marunong ako." sagot nito at biglang naglabas ng kaldero at mga gamit pangluto.
.
"Masarap ka bang magluto?" bigla ay sumali ako sa usapan.
"Find it out for your self!" suplada talaga nito.
"Palaban! I like it!" sabi ko tapos umusog malapit sa kanya.
.
"Oh, wag mong takutin tol.." saway ni Ryuben.
Napangiti ako dahil napausog palayo si Danae.
"Kapag di ako nasarapan sa luto mo. Ikaw kakainin ko!" at muli akong lumapit sa kanya.
Nabigla siya kaya umusog uli siya palayo kaya lang wala ng ugat dun. Pero bago pa siya malaglag ay mabilis ko na siyang nahila. Medyo napalakas ang hila ko kaya napayakap siya sa akin. Ang kaliwang palad niya ay nasa dibdib ko. Pards alam niyo naman ang suot ko diba? Sa mahulma kong dibdib malayang dumantay ang palad niya mga pards. Ang bilis ng pintig ng puso ko na hindi ko maintindihan.
"Ingat ka kasi. Muntik ka tuloy malaglag. Binibiro lang kita." malumanay kong sabi.
.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at lumayo ng bahagya sa pagkakayakap sa akin. Hindi ito umimik at sa tingin ko ay namula ang mga pisngi niya. Ang cute tignan!
.
"Paraparaan!..." dinig kong bulong ni Ryuben.
"Narinig ko yun!" sabi ko at napangiti.
.
"Igagawa kita ng Hooded Cape may Silk akong nakuha mula sa mga gagamba kanina. Para maitago mo yang tenga mo at para narin di ka lamigin." sabi ko kay Danae na nagsimula ng magluto.
.
"Marunong ka?" nahihiyang sabi nito.
.
"Igagawa ba kita kung hindi?!" umandar ang pamimilosopo ko. "Tol, ikaw na bahala dito dun lang ako sa loob. Tawagin niyo na lang ako kapag luto na yan." sabi ko at pumasok muna sa loob. Sakto namang natapos narin sila Elgor. Narinig ko pa nga si Froy na nagtanong kay Ryuben kung nasaan daw ako.
.
.
Lumipas ang isang oras at natapos na ako sa pagtahi ng mga hooded capes. Oo hindi lang isa ang nagawa ko kundi apat. Isa sa akin, isa kay Danae, Froy at Ryuben.
Dahil may subclass akong armorsmith ay madali kong nagawa ang mga ito. Meron akong baong crafting materials at mga pangkulay. Ang sa akin ay kulay purple, kay Ryuben ay navy blue, kay Froy ay black at apple green naman ang kay Danae. Nilagyan ko rin ng star of david design sa likod at insignia ng Apokris. Binigay ko ito sa kanila bago kumain.
.
"O ayan regalo ko mga tol!" sabay itsa ng mga hood sa kanila. "Para sa'yo,." inabot ko kay Danae ang sa kanya.
Nagdalawang isip pa siyang tanggapin pero mapilit ako eh. Kaya yun tinanggap niya rin.
.
"Ang sarap nga!" sabi ko ng matikman ang niluto nitong sabaw na may mga karne ng boar bilang sahog at mga herbs. Napadami tuloy ang kain ko dahil sa sarap.
.
"Nabusog ako dun ah!" sabi ni Froy na pahimas-himas pa sa tiyan.
.
"I will take the first watch. Ako narin ang maglalagay ng perimeter stones. Magpahinga na muna kayo sa loob." sabi ko at tumayo na.
.
"Mauna ka nang magpahinga Danae." sabi ni Elgor.
"Kayo na muna, maliligo lang ako. Pwede mo ba akong samahan Ermack?" hala, bakit ako ang pinasama nito. Could it be?!... Hmmmm!... Hahaha.....
This is it!.... :)
.
"Oy too Ryu, ikaw na sa Perimeter Stones. Sasamahan ko lang to." ibinigay ko kay Ryuben ang mga bato at sumunod kay Danae.
.
Dahil sa madilim ang paligid kaya gumamit si Danae ng vrahl at nagpatubo ng isang uri ng halaman na lumuliwanag ang dahon at mga bulaklak. Pinatubo niya ito paikot sa munting banyo para mailawan ang paligid. Ako naman ay pumuwesto sa di kalayuan. Humiga ako at ginawang unan ang aking mga braso. Pinagmasdan ko ang maaliwalas na kalangitan na madaming mga bituin. Hinayaan ko lang siyang gawin ang gusto niya ng hindi ito kinakausap.
.
"Ermack..." bigla ay tawag niya sapangalan ko.
"Hmmm..?"
.
"Salamat nga pala sa cape." sabi niya.
"Wala yun.." naaamoy ko ang halimuyak ng gamit niyang sabon. Amoy bulaklak ito..
.
"Para sa kagaya mong barumbado't bastos, okay ka!" malumanay nitong sabi.
"Compliment ba yon o lait?" tanong ko.
Imbes na sagutin ako ay muli niya akong tinanong.
"Bakit mo ako niligtas? Ang sabi kasi ni Elgor ikaw daw ang naunang sumugod kina Gima para iligtas ako." tanong nito.
.
Napabangon ako sa pagkakahiga ko sa damuhan at napatingin sa kinaroroonan ni Danae. Nagkatitigan kaming dalawa bago ko siya sinagot.
"Hindi ko rin alam Danae. Hindi ko lang talaga maatim na kitlin nila ang buhay mo. Not on my watch! Ginawa ko lang ang sa tingin ng puso ko ay tamang gawin." ito ang sinagot ko sa tanong niya.
.
"Ganon ba? Uhmm... Ermack, pwede ba akong sumama na lang sa inyong paglalakbay?" sabi niya na nakatingin parin sa akin.
.
"Ikaw ang bahala...." sabi ko.
Muli ay nagpatuloy ito sa pagligo at pagkatapos ng ilang saglit ay natapos na ito. Nang matapos itong magbihis ay lumabas na ito sa paliguan at lumapit sa akin.
"May misyon ako Ermack. Pero hindi ko pa pwedeng sabihin sa iyo ngayon."
"Naiintindihan ko Danae. Kung ano man yan tutulong ako sa abot ng aking makakaya." sabi ko at ngumiti sa kanya.
.
"Tara na gusto ko ng magpahinga." nagsimula na itong maglakad pabalik kina Ryuben.
Suot na nito ang cape na bigay ko at masasabi ko na bumagay sa kanya ang kulay nito.
.
Ano kayang tinutukoy niyang mision? May kinalaman kaya ito sa quest na nakuha naming apat? Hindi ko pa tuluyang nakukuha ang tiwala niya but I think I will have it soon.
.
End of Chapter....
AN:
Part 1 ito ng third verse...
Kumusta naman, ayos pa ba kayo?
Four parts ito kaya mahaba pa ang itatakbo ng adventure nila sa gubat..
Hehe... May magkakadevelopan na ba?
Ano sa tingin nyo?
Abangan!.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top