Verse 1: Journey Starts

All Rights Reserved ® TheoMamites

"Ermack's POV"

Hell of a day! Puspusan ang pagsasanay ko nitong mga nakaraang linggo. Malapit na kasi ang pag-alis ko sa aming bayan para magsimula sa aking paglalakbay. Ngayon na ang nakatakdang araw na iyon. Anu-ano kaya ang mga makikita ko sa labas? Hindi na ako makapaghintay pa!

.

Ermack nga pala, at your service! Isa akong wizard ng bayan ng Galdor. Ang pinaka liblib na bayan na sakop ng land of Apokris. Ang Apokris ay isa sa anim na pangunahing bayan dito sa Ultara. Masyadong malawak ang kabuuan ng aming mundo at excited na akong mapuntahan ang mga ito.

.

Nakaugalian na at naging batas na dito sa amin na sa pagsapit ng 18th birthday ng bawat bata na paaalisin na sila sa kanilang kinalakihang bayan upang mas lalong paghusayin pa ang kanilang mga kakayanan. At 18th we all start our journey sa ibang bayan na gusto naming marating. But of course we must first be prepared for it, kaya puspusan ang mga pagsasanay ang aming ginagawa along with our parents before that day came.

.

Unang itinuro sa akin ng aking mga magulang ang BASIC VRAHL. Kabilang na dito ang pagCondure ng mga elements. Fire, Earth, Wind and Water, tatlong taon rin ang ginugol ko just to condure a tiny quantity of each elements! I started at 8 at namaster ko ito after three years, 11 years old na ako nun. Then next thing that followed it was basic combat and defense vrahl kahit ang healing vrahl ay isiningit narin nila. My father took charge with the Basic Combat Skills while mother was to the Defense and Healing Vrahl. Four years ang time span na binigay ni ama sa pagmaster ko sa mga ito but luckily ay nagawa kong makabisado ang mga ito by just two years! Ang sabi ni ina ay nagmana daw ako sa kanyang likas na pagiging fast learner na labis namang tinutulan ni ama. Haha... Nakakatuwa talaga ang mga magulang ko diba?

.

The remaining five years ay ginugol ko sa ofensive form of Vrahl gaya ng Binding, Fire Spells, Wind Spells at Hybrid Elements. Although I just manage to perfect one hybrid element which is Void. Ang void ay isang rare hybrid element na mahirap ma-acquire. Swerte ko at nasa bloodline na namin ang element na ito. My father also posses the same type of element at tingin ko ay adept na siya sa paggamit nito.

.

Mahigpit si ama lalo na pagdating sa combat and strategy training. Lagi niyang sinasabi sa akin na balewala ang lakas ng vrahl mo kung lalampa-lampa ka namang kumilos. Dapat daw may HARMONY o pagsasanib ng katawan at isip. Dapat balanse ang lakas ng iyong vrahl at ang katawan.

.

"Anak, handa ka na ba?" nakatayo si ama sa pinto ng aking silid.

.

"Opo! Ready na ako!" sagot ko dito na nangingiti...

.

"Open your infinity vault at may pabaon kami ng nanay mo sayo." kapagdaka'y sabi nito.

.

Sinunod ko ang sinabi ni ama at binuksan ang aking infinity vault by just using my mind. Ang Infinity Vault ay kabilang sa system na gumagana dito sa aming mundo. Ito ang nagsisilbing lalagyan namin ng mga items at mga bagay na kailangan namin like food. Sa tulong nito ay hindi na namin kailangang magdala ng mga mabibigat na bagahe.

.

Dalawang maliliit na kahon ang ibinato ni ama sa loob ng vault ko. I took a peak on it at ito ang nakita ko.

2 gift received!

Name: Elder Wand (Level 1)
Type: Weapon
Level Requirement: Level 5
Weapons's Effect: + 7% vrahl damage

Item can become stronger by using it often.

"Ito ba yung ginagawa niyo ni ina nung nakaraang araw ama?" tanong ko dito.

.

Tango lang ito at hinila na ako palabas ng silid ko. Nang makababa na kami ni ama ay sinalubong kami ni ina sa ibaba at sabay na kaming labas ng bahay. Gawa rin nila ina at ama ang kasuotan kong kulay abo na yari sa balat ng isang buwaya. Ang pangalan nito ay Amphibicus Vestment at masasabi kong the best quality! Armorsmith at blacksmith kasi sina ama at ina pero secret lang yun na kami lang ang nakakaalam. Hindi ko na inusisa kung bakit nila ito nililihim sa karamihan.

.

Apat lang kami ngayong araw na ito na lalabas ng bayan para sa pagsisimula ng aming paglalakbay at pagiging ganap na wizard. Ang tatlo sa mga kasama kong aalis ay sina Elgor, Ryuben at Froy. Hindi ko kita ang family names nila kasi hindi ko sila kilala. Kapag kasi hindi related sayo ang isang indibidwal ay first name lang ang iyong makikita. After being friends with them or if you acknowledge them as ally ay tsaka mo lang makikita ang family names nila.

.

Malayo kasi ang aming tirahan sa ibang kabahayan at hindi rin ako madalas pumunta sa sentro kaya wala akong naging kakilala. By just simply looking at each of them ay nakita ko ang ilan sa mga class nila pati ang level nito.

Elgor Level 1
Beginner Wizard
Class: Healer Level 3
Water Vrahl Master Level 4

Ryuben Level 1
Beginner Wizard
Class: Enchanter Level 5
Shifter Level 2

Froy Level 1
Beginner Wizard
Class: Sorcerer Level 4
Lightning Vrahl Master Level 3

.

Mukhang matindi rin ang dinaanan nilang hirap just to attain that state. Malalakas na sila and I think they can handle themselves. Balak ko kasing magsolo sa paglalakbay ko. Payag din doon sina ama at ina.

.

Nga pala here's my info.

Ermack Level 1
Beginner Wizard
Class: Void Wizard Level 5
Healer Level 6
Vrahl Fighter Level 7

.

Nagbunga narin ang pagiging strikto ni ama sa combat training ko. I can handle myself even without the aid of my Vrahl. Although sa theory pa lang yun, hindi pa siya tested and proven! Haha...
.

Malalaman din natin yan paglabas ko dito sa bayan namin!..

Mayroong maikling ceremony na ginanap sa may plaza at pagkatapos nito ay nagpaalam na kami sa aming mga magulang at sa mga taong bayan. Naitanong ko pa kay ama kung ano at para saan yung isa pang item na bigay nito. Isang concealed item na walang info kahit pangalan. Ang sabi ni ama na mabubuksan ko lang daw iyon sa takdang panahon kapag malakas na ako kumpara sa antas ng kakayanan ko ngayon.

.

Kumaway ako kina ama at ina habang tinatahak ang daan palabas ng aming village.

.

★Herus Meadow★

Kasabay ko parin yung tatlo ngayon na naglalakad sa daan. Ngayon ay nasa Herus Meadow kami na nasa labas lang ng boundery ng aming village. Isa itong malawak ma parang. Maraming mga ligaw na damo, puno at mga bulaklak sa paligid at tamang-tama para sa paghahunt ng mga halimaw. Siguradong may mga low level beast dito sa parteng ito ng meadow iyon ay sabi sa akin ni ama. Lumabas narin ang aking current status pagkalabas ko ng village.

.

Name: Ermack la Filius
Type: Beginner Wizard
Class: Void Wizard Level 5

HP: 250 +200 (Str)
Normal ATK: 65 +80 (str)
Vrahl Dmg: 50+200 (void) +295 (armor&Int)
Def: 10+115 (armor) +80 (Str)

MP: 200 +250 (int)
Sp: 150 +80 (Str)
Speed: 25 +20.5 m/3s
Dodge Rate: 30 +20 (dex)

Str: 10 +40 (armor)
Dex: 15 +20 (armor)
Int: 35 +50 (armor)
Vit: 5 +10 (armor)
Luck: 3

Meron palang set effect ang gamit kong armor na +40 Str (Strength), +20 Dex (Dexterity), +50 Int (Intelligence) at +10 Vit (Vitality) kaya medyo tumaas ang aking stats. Sa tingin ko ngayon ay kaya ko nang lumaban sa mga beast na hanggang level 15. Sila ang mga tinatawag na common beast dito sa aming mundo, sila ang primary source of meat, skin, furrs at maging potion materials. Hindi sila yung tipong aggressive beast na susugurin ang sinumang makita, lumalaban lang sila kapag nasasaktan. Normal na defense mechanism lang ang pinapakita nila.

.

"Ermack, sasabay ka ba sa aming tatlo? I think it's better na magsama-sama muna tayo." tanong ni Ryuben sa akin.

.

.

Si Ryuben ay isang binatang may dilaw na buhok na medyo may kahabaan sa likod na nakatirintas. May suot din itong blue vestment na tila yari sa common fabric lang.

.

"Nope, balak kong magsolo eh. Papasok ako sa looban ng meadow para maghanap ng beast to start levelling up. Malayo pa ang susunod na town at ayokong bagtasin ang daang ito. Wala akong mapapala dito." sagot ko sa kanya.

.

"Ah, eh kung ganon ay susunod kami sayo. Gusto ko narin kasing masubukan ang lakas ko!" si Froy ang sumagot.

.

He is wearing a yellowish wizard vestment na may mahabang manggas sa may pulsuhan. I think it's made of cotton and leather. Kulay puti naman ang maikli nitong buhok.

.

"Bahala kayo, basta wag niyo lang ako masyadong kulitin!" medyo hindi ako palagay na makipag-usap sa iba kaya medyo may pagka maangas ang pakitungo ko sa kanila.

.

"Tsk! Hindi kami mangungulit sayo. Wag kang mag-alala dun!" medyo may bahid ng inis na sagot ni Elgor at napatingin sa akin ng masama.

.

Sa kanilang tatlo si Elgor lang ang tingin koy may magandang armor set. Puti at itim ang vestments nito na may silver patches. May suot din siyang white hood na may marka ng star of david sa likod. Nakakabit ito sa vest na suot niya kaya kita parin ang primary armor at ang mukha niya. Pansin ko rin na green ang mga mata niya at kulay pula ang buhok. Mukhang isa siyang maharlika.

.

Hindi ko na lang ito pinansin at nagtuloy na sa paglalakad papuntang looban ng meadow kung saan makakakita ng mga beast. Nakita kong sumusunod lang sila sa tinatahak kong daan.

.

After twenty minutes na paglalakad ay may mga nakita na kaming beast. Nasa ibaba ito ng burol na kinatatayuan naming apat. Mga Herus Boar ang mga nakita naming kumakain ng damo at nagpapahinga they are ranging from level 5 to level 10. Madali ko iyong nakita using Observer's Eye na skill. Sa ganitong paraan ko din nasilip ang mga class at level nila Elgor. Common skill ito naming mga wizards but it differs on the level of mastery. Ang sa akin ay nasa level 6 na dahil sa pinagtuunan ko rin ito ng oras sa pagsasanay ko noon.

"Doon ako sa bandang kanan kayo dun sa kaliwa." pagkasabi ko nito ay tumakbo na ako patungo sa mga boar. At nang makalapit ako ng mga sampung metro ay inasinta ko ang tatlong magkakatabing boar ng aking spell.

.

I used fire vrahl at pinaulanan sila ng limang bolang apoy. The skill is called Pyro Storm na may damage na 200-250 HP per hit. Umabot agad ng 700 hp ang naibawas ko sa mga ito. At dahil sa 1100 lang ang Hp nila ay nasa 15% na lang ang mga buhay nito.

.

Yumuko ako at naghanda ng isa pang atake. I enchant myself with wind vrahl na umikot sa katawan ko. Then I charged forward.

.

"Twister Dash!" sigaw ko habang marahas na nagdash sa mga ito. Hindi na nakailag ang mga boar sa ginawa kong atake kaya nagdrop sa zero ang kanilang buhay at bumulagta sa lupa.

.

★XP received: 600
★Level Up: Level 2
★XP needed: 600

»Current XP: 300/600

★Gained Status Points

»Str: +2
»Dex: +3
»Int: +3
»Vit: +2

"Hmp... Not bad!" hinawakan ko ang mga patay na katawan ng mga boar at bigla itong nagliwanag.

★You received 3pcs boar meat

.

Nawala ang mga katawan nito at napunta sa aking vault ang item na boar meat. Tamang-tama makakain ko ito mamaya. Muli ay binalingan ko ang mga boar na naroon pa sa paligid at pinatay ang mga ito at nangulekta ng karne. Tumakbo ang ilan sa mga low level boar kaya hindi ko na hinabol pa. I was able to reach level 7 sa maikling oras na pagpatay sa mga level 10 at level 9 boar. 200 XP ang bigay ng bawat isa sa mga level 10 at 150 naman ang sa level 9.

Habang naglelevel up ako ay nadaragdagan din ang XP na kailangan kong makuha para tumaas ang level.

Level 3: 600 XP
Level 4: 900 XP
Level 5: 1500 XP
Level 6: 1800 XP
Level 7: 2100 XP

Napansin ko kaagad na sa level 5 XP requirement ay doble ang itinaas. Each level ay 300 XP ang nadaragdag at sa level 5 ay 600 kaya sa tingin ko ay kada five level intervals ay madodoble ang XP requirements.

So magiging ganito ang pattern ng XP gauge ko:

Level 8: 2400 XP
Level 9: 2700 XP
Level 10: 3300 XP (600 ang dagdag)

"Hoy Ermack.. Kamusta ka na jan?" pasigaw na sabi ni Froy sa akin.

.

Napailing na lang ako at muling naglakad palayo sa kanila. Papasok pa ako sa malayong parte ng meadow. For sure may mga mas mataas na level pa na beast akong makikita. Tumingin ako sa dala kong mapa na bigay ni ama. May indicator ito na green dots isa para sa akin at ganon din sa mga kasama ko. May malapit na forest dito sa aking lokasyon. Ang Herus Woods, kaso may warning sign na umiilaw dito. Agad kong pinindot ang warning sign at lumabas ang babala sa harapan ko.

.

Herus Woods are filled with random type of beast ranging from level 15 up to level 50. Strictly not recommended to low level adventurers.

.

Ah ganon pala,.... Mukhang mahihirapan nga siguro ako kung papasok ako doon ng hindi handa. Tinuloy ko parin ang paglalakad papuntang north hanggang sa matanaw ko ang nasabing gubat. Medyo malawak nga ang sakop nito at mukhang maaari kang maligaw sa lugar na ito kung hindi ka mag-iingat. Tumingin-tingin ako sa paligid at may mga nakita akong mga low level beast. Mga wild dogs at iilang grass snakes ang nakita ko. Most of them are level 12 pero may isang bukod-tangi sa lahat. It's the Herus Beast! A rare beast base narin sa info na lumabas nung tinitigan ko ito. Dilaw din ang HP bar nito sa ulo samantalang green ang sa iba. Ang mga ganitong beast daw sabi ni ama ay mataas ang bigay na XP at kung maswerte ka ay may item kang makukuha kapag napatay mo ito. Level 15 ang beast na ito at may 5000 HP may makapal din itong balat at mukhang malaking tigre ang anyo kaso kulay pula nga lang ang balat at balahibo nito. This type of beast are aggressive at maliksi at higit sa lahat isa ito sa mga rare types. Meron kasing Types ng beast dito sa amin. Merong Common (Green), Uncommon (blue), Rare (Yellow), Unique (Purple), Epic (Silver), Legendary (Gold) at Ancient (Black).

Napansin kong nakahabol na sina Froy, Ryuben at Elgor sa akin kaya nagmadali na akong tumakbo patungo sa rare beast. Mahirap na baka maunahan ako. Ako ang nakakita kaya ako dapat ang makinabang. 1050 na ang HP ko kaya sa tingin ko ay kakayanin ko na ito. Nasa 5000 ang HP niya kaya kailangan ko lang siyang tamaan ng critical hit. Inilabas ko na ang aking wand para may dagdag na attack damage kaya aabot ng 1k mahigit ang vrahl damage ko sa beast na ito

.

Itinutok ko kaagad ang aking wand sa direksiyon niya at nagpalabas ng isang malakas ng fire vrahl.

"Fire Blast!" may magic circle na lumabas sa dulo ng aking wand at sumabog mula dito ang isang nangangalit na apoy!

.

Akala ko ay tatamaan ko na siya nang biglang may isang magic circle na humarang sa skill ko at pinaliko ito sa ibang direksiyon. Tumama ito sa mga grass snakes na dahilan ng pagka one-hit ng mga ito. I level up to 8 dahil dun. Pero dahil din dito ay nakuha ko ang atensiyon ng beast. Tumakbo ito patungo sa akin ng mabilis at nakaamba ang matutulis na pangil at mga kuko.

Kumalmot ito sa ere at may tatlong dilaw na hiwa ang lumabas mula dito patungo sa akin.

"Beast Claw" ito ang tawag sa skill na ginawa niya.

Agad akong lumundag paatras para mailagan ang atake nito. Gumulong narin ako pakaliwa bago muling nagpakawala ng isa pang skill.

"O endless pit of darkness, I summoned thee. Wipe out thine enemy with a raging force!" to use my special hybrid ability ay kinailangan ko pang bigkasin ang isang incantation.

.

"Umbra Gale!" isang higanteng magic circle ang gumuhit sa ibaba at itaaas ng Herus Beast at naglabas ng dark energy na tila lumalamon sa beast ng buo! Halos masaid ang aking mana power dahil sa skill na iyon. It harnesses dark energy that weaken the target and draining it with it's HP. Meron din itong negative effect na mana burn! Mawawalan ng ability ang isang beast o wizard na gumamit ng vrahl ability kapag tinamaan ng skill na ito.

.

Humihingal akong muling tumayo at pinagmasdan ang beast. Nangalahati ang HP nito at kasalukuyan pang nababawasan dahil isang minuto ang itatagal ng nilabas kong void ability.

Tinignan ko ang aking mana power sa aking status. Nasa 200 na lang ito kaya basic Vrahl na lang ang mga maaari kong gamitin. Kaya ko pa kahit anim na basic skills.

.

"Gushing Wind!" itinapat ko ang aking kaliwang kamay sa langit at namuo ang isang wind orb sa itaas ko. 25 MP lang ang maibabawas nito sa akin. Ibinato ko kaagad ito sa beast at tumama ito sa kanyang ulo. Nagkasugat-sugat ang balat ng beast dahil sa talim ng hangin na tumatama sa katawan nito.

.

Sinundan ko kaagad ito ng dalawang magkakasunod na fireball sa katawan nito. Isang pagsabog ang naganap na ikinatumba ko dahil nagkaroon ng chain reaction sa tatlong elements na aking pinakawalan. Hindi ko napansin na nagkaroon din ako ng sugat sa magkabilang braso at sa pisngi. Malamang dahil ito sa wave na nagpabagsak sa akin at sa ibang beast na malapit. 10% din ang ibinawas nito sa aking HP.

"Aray ko naman!" bulong ko dahil sa sakit.

.

★XP Received: 6000
★Level Up: Level 10
★XP Needed: 3300 XP

»Current XP: 365/3300

»Status Points Received:

»Str: +2
»Dex: +4
»Int: +4
»Vit: +2
»Luk: +5

Huh? Nadagdagan ang Luk ko? Siguro dahil sa naging maswerte ako dahil natyempohan ko ang isang rare beast. Tumaas din ang Intelligence ko dahil sa pag-iisip ko ng mainam na strategy habang nakikipaglaban sa beast. Tama nga ang nasabi ni ama na habang tumataas ang level mo ay nag-eemprove din ang iyong mga kakayanan, talino, liksi, at lakas na pisikal at vrahl ability. Sa tulong ng status ay madali kong namomonitor ang aking sariling progress.

.

Lumapit ako sa patay na katawan ng Herus Beast at hinawakan ito. And as I did that ay naglaho ito at naging item sa aking infinity vault. At ng aking tinignan ay nakita ko ang dalawang bagong items.

»Herus Red Gem: a red colored gem that possess enormous amount of mana power. Used for amor attachment as a crafting material.«

»Beast Ring (Rare): a ring that grants additional boost.

HP: +1000
Def: 100

Str: +5
Dex: +5
Int: +5
Vit:+5
Luk: +5

Muli kong tinignan ang aking status..

Name: Ermack la Filius
Level: 10
Type: Beginner Wizard
Class: Void Wizard Level 5

HP: 530 +500 (Str&Vit) +1000 (ring)
Normal ATK: 65 +126 (str&armor)
Vrahl Dmg: 50+200 (void) +575 (armor&Int)
Def: 10+115 (armor) +126 (Str) +100(ring)

MP: 290 +400 (int)
Sp: 240 +126 (Str)
Speed: 25 +72 m/8s (meter per 8 seconds)
Dodge Rate: 30 +48 (dex)

Str: 33 +40 (armor)
Dex: 43 +20 (armor)
Int: 65 +50 (armor)
Vit: 20 +10 (armor)
Luck: 8 +5 (ring)

..

Hindi na masama ang naging stats ko. Naisipan ko munang maupo sa lilim ng isang puno habang tanaw ko ang mga kasana na pinapatay ang mga wild dogs at grass snakes sa labasan ng gubat. Magaling din silang dumiskarte sa pagpatay ng mga beast. Level 7 na si Elgor habang level 6 pareho sila Froy at Ryuben. Grupo sila sa paghahunt, si Elgor ang hitter while Ryuben and Froy are support. Hindi makaganti ang mga beast sa coordinated attack pattern nilang tatlo. Para lang silang naglilinis ng kalat sa paligid. Nakakatuwa silang panoorin. At after half an hour ay naubos rin nilang tatlo ang mga wandering beast na makikita sa malapit. Nakita ko silang naglalakad papunta dito sa kinaroroonan ko. Ako naman ay prenteng nag-iihaw ng karne na nakuha ko from the boar kanina. Nakakagutom din kasi ang pagpapalevel at nakakaubos pa ng lakas o stamina. Kinailangan ko tuloy magpahinga to recover the lost MP dahil kusa naman itong bumabalik kapag nagpahinga ka or nagmemeditate.

.

"Hay! Nakakapagod naman! Upo ako dito ha?" si Ryuben ang unang nakaabot sa punong kinaroroonan ko.

"Sure!" tangi kong sagot.

"Ano na ang level mo?" tanong niya.

"Level 10." ako.

"Wow! Ang bilis ah. Ako nga level 8 pa lang pati din si Froy. Si Elgor naman level 9 pa." sabi ni Ryuben na naglabas narin ng karne at naki ihaw narin sa ginawa kong bonfire.

.

"Sinuwerte lang at nakakita ng rare beast." sagot ko.

"Yun ba yung kulay pula na kaharap mo kanina?" tanong ng kararating na si Froy.

Tumango lang ako bilang tugon sa kanya.

"Grabe, ang galing mo kanina! Meron ka palang hybrid element!" nakangiting sabi nito sa akin at naki ihaw narin ng karne.

.

Ano ba tong mga ito? FC kaagad grabe!...

"Very Rare ang wizard na nakakakuha ng Void Element. It is an honor to meet someone like you at magkababayan pa tayo!" nakangiting sabi ni Elgor sa akin.

Kanina lang gusto ako nitong upakan tapos ngayon biglang bumait at nakikipagkaibigan na....

.

"Ha? Ganon ba? Di ko alam eh!" sabi ko tsaka isinubo ang lutong karne ng boar.

Mga isang oras din kaming namalagi doon sa lilim ng puno at nagpaparestore ng aming mga MP, Hp at SP. Meron akong mga potions na baon sa aking vault pero hindi ko muna ginamit dahil precious items yun at hindi nakukuha sa beast drops. Sa potion shop ito nabibili at ang next nearest town ay malayo pa sa current location mamin. It will take us two days to reach the next town at makabili ng suplies. Kaya taking a break ay makakatulong sa pagrecover namin. Sa maikling oras na nagkasama kami ay medyo naging palagay ang aking loob sa kanila.

★You just made 3 acquaintance:
»Ryuben Kantai Level 8
»Froy Gyllemdale Level 8
»Elgor Augumir Level 9

Ganon din ang nakita nila sa kani-kanilang visions. At sabay kaming napangiti...

Looks like hindi ko na maiiwasan ang mga ito dahil mukhang affiliated na kami sa isat-isa. Ibig sabihin considered na kami as one team o party ng aming world system.

"Dito na muna tayo sa labasan ng gubat untill we reached level 15. Mahihirapan tayo diyan sa loob dahil sa random beast levels." sabi ko sa mga ito.

Napuno na ang HP na nawala sa akin kanina at nawala narin ang mga punit sa aking vestment dahil gumamit ako ng restoration vrahl. Isang armorsmith skill ang restoration vrahl which is likas na sa akin dahil sa mga magulang ko.

"Call ako dyan! Dapat handa tayo kapag papasukin na natin ang gubat. Binalaan narin ako ngaking nakatatandang kapatid patungkol dito." si Froy.

.

"Malaki ang chance natin makasurvive sa loob dahil apat tayo. Kailangan lang natin ng magandang survival plan." si Elgor.

.

"Then we need a strategist para masigurado ang survival natin! Elgor, kaya mo bang mag-formulate ng strategy?" tanong ni Froy dito.

.

"Ha? Sigurado ba kayo dyan baka ipahamak ko kayo." umiiling-iling si Elgor sa tanong ni Froy.

I tap Elgor's shoulder at mataman siyang tinitigan.

.

"I'm a keen observer Elgor and I can see that you were the one calling the shots nung kayo pang tatlo ang magkakasama. And I can see that your plan is effective, hindi kayo nagtamo ng damage o kahit galos man lang. You can do it!" sabi ko sa kanya.

.

"Your words of wisdom really sound convincing Ermack. Akala ko kanina puro yabang lang ang alam mo, I guess I was wrong then!" bahagya naman itong tumawa.

.

Napakunot ang aking noo sa huling mga nasabi niya. Mayabang daw ako?

"Mayabang? Really?.... Inisip mo yun?" napatingin din ako kina Froy at Ryuben.

"Akala lang naman namin eh. Maangas kasi ang dating mo kanina bro!" sabi ni Froy habang umakbay sa akin.

.

"Ah, ewan ko sa inyo. Basta Elgor ikaw na ang strategist natin. Although tutulong parin ako sa pagformulate ng plano. Two minds is better than one!"

.

Then the four of us bump our fist!

Our journey is just beginning, marami pa kaming mga bagay-bagay na makikita, mga beast na makakaharap, mga pagkain at bonfire na pagsasaluhan at mga lugar na mapupuntahan.

I hope na sasamahan ninyo ako hanggang sa dulo ng paglalakbay ko... ;)

.

End of Chapter.....

First ever chapter na sobrang haba!
I hope na satisfied kayo sa unang pahina ng Wizards Chronicles!

Hanggang sa muli!

@TheoMamites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top