30
Chapter thirty: Masquerade ball 5
Lahat nagkagulo simula nang magpaputok si Austin ng baril sa loob ng casino.
Pero kaming lima, nagiisip pa din. Kasi nakasalamuha na namin si Ravenna. Pero hindi pa namin nahuli. At hindi namin nakita ng maayos. Or was it really her?
Bakit iba ang itsura ng katawan niya? Baka nagpapanggap lang siya bilang Ravenna.
"Snap out of it guys! Hindi si Ravenna yun. It's just a distraction. I'm sure kakampi din yun ni Austin." Sigaw ni Riley sa earpiece.
Kumuha ako ng baril sa ilalim ng dress ko at ikinasa yun.
"Spread out!" Sigaw ko dahil hindi na kami magkarinigan dito dahil puro putukan na ng baril ang naririnig namin.
May lumapit saakin pero binaril ko yun sa ulo agad, kailangan na namin mahanap si Austin. At aalamin namin kung sino talaga ang nasa ilalim ng maskara ng babaeng yun.
"Hailey get in to position." Sabi ko sa earpiece, nakita ko namang umakyat na siyas a vip room.
May humila sa paa ko pero agad kong inapakan yung kamay nun at sinuntok sa mukha bago bgarilin sa puso.
Nahulog yung baril ko at may tatlong lalaking parating saakin kaya it's impossible to get a new gun from my dress.
Kinuha ko nalang yung kutsilyo sa buhok ko, at hiniwaan yung isang lalaki. Nasipa naman ako sa sikmura nung isa kaya napaupo ako sa sahig. Agad ko naman tinadyakan yung mga yun.
Agad naman sila natumba, kaya nilingon ko kung saan nanggaling yung bala. Kay Hailey, she sniped it. Nice.
Kumuha ako ng baril and I reloaded it.
May anim na papunta sa likod ni Cassian na nakikipag barilan sa dalawa.
"Behind you!" Sigaw ko, agad naman siyang nakaiwas doon at binaril yung tatlo pero nawalan siya ng bala. Agad siyang umiwas sa bullet na papunta sa gawi niya.
Lumapit naman si Maeve sa kanya at tinapos yung tatlo pang lalaki.
Tatakbo na sana si Maeve pero biglang may sumakal sa kanmya at tinutukan ng baril sa ulo.
Si Austin.
"Stop firing!" Sigaw niya.
Agad lumapit yung isang babaeng nakamaskara at tinaggal iyon.
Yvethe.
"Walang gagalaw kung ayaw niyong mamatay tong si Maeve" Sabi niya at tinutukan pa ulit ng isa pang baril.
Naalala ko na kayang mag-german ni Maeve.
"Maeve, do you think they could speak german?" Tanong ko and I smirked.
"Sabihin mo play dead." Bulong ko kay Cassian kasi may dugong german din to eh.
"Stell dich tot!" Sigaw ni Cassian at pinutok ko naman yung baril ko kay Maeve. Don't worry hindi siya natamaan.
"What the fuck? Sarili niyong kakampi pinapatay niyo na ngayon?" Sabi ni Austin.
"She's not dead! Look!" Sigaw ni Yvethe, pero huli na nang paluin ni Hailey ng malakas si Yvethe sa ulo para matulog ganun din ang ginawa namin kay Austin.
"Alert, Austin and Yvethe are down. Requesting back up." Sabi ng isa nilang kakampi pero pinutukan ko na agad yun ng bala.
May inabot saakin si Maeve it is a bomb.
Kinalikot ko yun para maiset ang timer.
"Let's go!" Sabi ko habang hila hila si Yvethe.
Agad kaming sinakay ni Riley sa kotse niya at agad pinatakbo ng mabilis. Nang makalayo kami ng kaunti, sumabog na ang Casino.
"Buhay pa ba yang mga yan?" Tanong ni Riley habang nakatingin sa daan.
Nagpalit naman kami ni Ryota ng pwesto sa sasakyan para mahawakan ko ang wrist ng dalawa. Meron pa silang pulso.
"Yeah, buhay pa naman." Sabi ko pagkatapos kong pakiramdaman ang pulso nila.
"Great, pag isa sa kanilang nagising patulugin niyo ulit. O talian niyo yung kamay at paa tapos lagyan niyo ng panyo yung bibig. Baka kasi magingay sa kotse." Sabi ni Riley at nagabot ng dalawang panyo.
"Nasa likod yung tali, kunin niyo nalang."
Kinuha ni Hailey yung tali at iniabot saakin. Ako ang magtatali kay Yvethe. Kawawa naman siya, she's a strong woman. Pero nagpapauto siya dito kay Austin.
Nilagyan ni Ryota ng panyo sng bibig niya.
"They could change." Wala sa sariling sabi ko.
Magsasalita sana si Riley pero napako ang atensyon niya sa side mirror. "Shit! We're being followed."
Agad kaming napalingon sa likod at oo nga, dalawang kotse na ang nakasunod saamin.
"Maeve ikaw na umakyat sa sunroof ng kotse, here take this M249." Iniabot ni Riley ang baril kay Maeve at binuksan ang sunroof.
"Kaede and Ryota kayo ang lumabas ng kotse," binuksan niya sng pintuan.
"Calyx and Hailey, bubuksan ko ang pintuan sa likod. Try niyong barilin yung gulong para mapabagal sila kahit papaano."
Tumalon kami palabas ng pinto ng kotse at agad binaril ang salamin ng kotse na nasa likopd namin.
Muntik na ako matamaan ng bala pero nakailag agad ako.
Biglang napunta sa gilid ang direksyon ng takbo ang kotse dahil pumutok na ang gulong nito.
Tumigil ang dalawang kotse kaya nilapitan namin ni Ryota yun. I signed Riley to keep moving para hindi na sila maabutan kung may paparating pa.
Ako sa isang sa sasakyan at kay Ryota naman yung isa.
Binalutan ko yung kamay ko ng panyo at tsaka binasag ang bintana ng kotse.
"Don't you dare call back up." Sabi ko at tinapatan ng baril yung lalaki.
"Don't underestimate us," gumilid ang mukha ko dahil sa itsura niya parang kulang sa dugo? Namutla siya dahil sa takot saakin. I chuckled. "I want you to text one of your leaders, aside from Austin and Yvethe. Tell them, we'll take all of you down... One... by... One."
Nang matapos siya magtype, tiningala niya ako. "Did you get that?" Tanong ko at tumango naman siya.
"Then kiss earth good bye. You'll go to hell!" Sigaw ko bago tapusin ang buhay niya.
Hinila naman ako ni Ryota paalis doon dahil may leak na daw yung gasolina at sasabog na yung mga kotse in any minute.
Nakita naming medyo bumagal ang takbo ng kotse nila Riley, pero ang layo pa nila sa tinatakbuhan namin.
Biglang sumabog yung mga kotse and it emitted a large fire.
Binilisan ko pa ang takbo ko para makaabot doon sa kotse. Binuksan ni hailey yung pintuan kaya tumalon ako para makasakay doon sa kotse.
I was panting when I sat down on the seat. Inabutan naman ako ng tubig ni Maeve.
"Thank you." I mothed, hindi kasi ako makapagsalita sa sobrang hingal.
"Masyado nang maraming naubos natin sa grupo nila Austin.." Sabi ko, "You think they will give us a break?"
"Worst case scenario, the other strong team mates of these two will attack us in the company." Sabi ni Riley at bumuntong hininga.
Bigla kaming nakarinig ng kaluskos sa likod kaya tiningnan namin kung ano yun.
Gising na si Yvethe.
"Girl you should stay quiet. Ay hindi ka pala makakapagsalita sorry." Pangaasar ni Hailey.
"You guys messed with the wrong corporation. You should know that." Sabi ni Riley kaya umiling nalang si Yvethe.
Nang makarating kami sa companya, sumalubong agad samin ang apat na hitman ni Hendrix at sila ang humawak sa dalawa na nagpupumiglas na.
"Bring them to the basement." Sabi ni Hendrix.
It is actually just my second time here, at first time naman nila Maeve at nung boys.
Ravenna took us here 5 years ago, bago siya mahulog doon sa Japanese na exchange student.
We use this place for photography, sinali kasi kami bigla ni Avalon sa isang contest at model kaming apat ng spooky something.
I kinda wished Avalon was still here, pero pinangunahan kasi eh. But it's fine.
Tinanggal nila ang panyo sa bunganga nung dalawa bago ibinato papasok sa isang cell.
"So, let's talk how we are going to deal with you two."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top