19
Chapter nineteen: Robbed
"Sure ka na sasama ka pa sa amin ngayon? Baka gusto mo magpahinga at magpaiwan kasama si Calyx?" Tanong ko, kasi baka hindi pa maayos pakiramdam ni Hailey.
"Ilang ulit pa ba kailangan? I'm fine, I can walk properly, may nakita ka bang machine na nakakabit saakin para magalala ka ng ganyan?" Pilosopo niyang tugon.
"Fine whatever, but you're not taking your car. Sumabay ka nalang sa jowa mo." Sabi ko at sumakay ng sasakyan ko.
Biglang kumatok si Calyx sa window ng kotse ko kaya binaba ko iyon.
"Excuse me, may pangalan yung jowa niya. At Calyx yun." Sabi niya pa umirap nalang ako at ibinaba ang shades ko.
"Wow, action star." Biro niya pa, "Pwede ka magartista alam mo yun."
"Umalis ka na, sundan niyo nalang kotse ko or mauna kayo. bahala kayo sa buhay niyo." Sabi ko at tuluyang isinara ang bintana.
Nakarating kami sa conpanya at ang daming tao? Bakit may ambulansya? Police tape?
Ano ba na nangyari dito?
Nakita ko si Riley kaya lumapit kaagad ako sa kanya.
"Anong nangyari?"
"Merong nagtangka sa buhay ni daddy, masyadong na stress si daddy ayun inatake sa puso."
"At mayroon ding nagnakaw sa companya natin, maliit na amount lang naman pero it has value pa din." Dagdag niya pa.
"Ano?!" Sigaw naming anim.
"Magkano?" Tanong ni Hailey.
"More than a million as I checked."
"Million?!" Sigaw ulit naming anim.
Nainis na siguro si Riley kaya kumunot noo niya.
"Ano ba? Pwede ba wag kayo sumigaw, oo one million. Pero pesos lang kaya maliit po yun for a fact na dollars ang currency na gamit natin sa companya." Sabi niya at naglakad papasok, kaya sinundan namin siya.
"Nasa ospital na si daddy, kanina may narinig kaming malakas na putok ng baril. Siyempre chineck ko kung saan nanggaling yun. Nakita kong wala naman kaya bumalik ako sa office ni daddy at nakita ko nalang may taong nakatutok ang baril sa kanya. Lumapit agad ako kay daddy, hindi ko na nakita yung tao na nagtangka sa kanya."
"Then what?" Tanong ko, paputol putol kasi kwento nito.
"Then the next thing that I know nahimatay siya, bago mangyari ang lahat ng ito. We got the news na nanakawan nga kami ng pera."
"Sino pa ba ang ibang nakakalam ng pin sa pera ng companya?" Tanong ni Ryota.
"Kaming apat lang, ako, daddy, mommy, and... Ravenna."
Alanganin naming nilingon si Cassian.
"What? You're just going to accuse her? What kind of stupidity is that?" Cassian scoffed.
"Well siya lang naman ang may possibility na magnakaw." Sabi ni maeve.
"Baka naman ikaw Riley ang nagnakaw and you're framing your own sister." Balik ni Cassian kay Riley at napaawang naman labi nito.
"I wouldn't do it." sagot ni Riley.
"Alam niyo, kaysa mag bintangan kayo dyaan. Gawin nalang natin yung pinunta namin dito." Sabi ni Hailey at pumagitna doon sa dalawa.
Nakarating kami sa office ni Hendrix at biglang may tumawag sa laptop ni Riley.
Sinagot niya iyon at si Hendrix ang lumabas sa screen.
"Dapat nagpapahinga ka," sabi niya. "Ano status mo dyan?"
"Wala, tension and stress cause ng pagatake ng puso ko at sa pagkahimatay ko na din. Pero it's nothing serious." Sagot nito.
"Okay let's get into business."
"When you close this case, $500,000. Each."
Wait each?
"Bakit parang ang laki masyado?" Tanong ni Calyx.
"I'm sure nasabi na ni Riley na nanakawan tayo. So dinagdagan ko na yung profit ng sainyo. And after this case kasi aalamin niyo kung sino ang nagnakaw, think of it as advance payment." Pageexplain niya.
"Okay," sagot naming lahat.
"Where is our dresses?" Tanong ni Maeve at umiling naman si Hendrix at Riley.
"What? May problema nanaman?" Alalang tanong ni Hailey, malamang magaalala 'to damit pinaguusapan eh yung halos sakanyang damit lang nasa walk in closet nila ni Calyx eh.
"About that..." sabi ni Riley kaya sa kanya napunta lahat ng atensyon. "Nagback out yung dress designers natin, reason being natakot sila sa nangyari kanina. Pero binayaran namin sila para ibigay yung mga tela at kung ano pa ang kakailanganin para makagawa ng gown.
Pumasok si Riley sa storage room ng opisina ni Hendrix.
"But you guys have to do your own dress. Nagpalagay na kami ng tatlong makina doon sa bahay niyo. You guys can make your gown there. Good luck, yun lang masasabi ko." Sabi ni Riley at ngumiti.
"You guys are dismissed." sabi ni Hendrix at pinatay ang tawag.
Tahimik kaming lahat, I'm sure malalalim ang nasa utak namin.
Ako inaalala ko ang mga possibleng mangyari kay Hendrix, maaring maulit pa tong heart attack niya at maging severe yung kondisyon niya.
"Can you try to call Ravenna?" Pagbasag ko sa kataimikan. Nilingon nila ako at nagtaka.
"Why would I do that?" Tanong ni Riley at siningkit ang mata saakin. Mukhang sinusubukan niyang basahin nasa isip ko.
"Kaya nga, mahal international call." Sabat ni Calyx at napasampal naman kami sa mga noo namin.
"Ano ka dude? Na stuck ka ba sa year 2000? There is skype, messenger, instagram." Binatukan ni Ryota si Calyx.
Umiling nalang si Cassian, pero I'm sure sabik na to marinig ang magiging plano ko or ang iniisip ko.
"I can read you Kaede." takang nilingon ko si Hailey, I nodded signing her to tell what's in my mind."
"I'm sure iniisip mo si Hendrix at kapag namatay na siya."
"What?! So sa tingin mo hindi na ganon kalakas katawan ni daddy?" Inis na tanong ni Riley.
"At iniisip mo lang kung babalik na si Ravenna kapag namatay si Hendrix." Dagdag pa ni Hailey, this girl really knows me so well.
"Hindi naman sa ganon, pero parang ganon na nga." Sagot ko.
"Ang gulo mo," singit ni Cassian.
"On second thought," napaisip si Riley. "I can try to contact her, but I don't guarantee you an answer from my call."
"Bakit naman?" Tanong ni Cassian.
"She's Ravenna, siguro naman kilala mo ex mo. She's stubborn as hell, at gagawin niya lang kung ano ang gusto niya at ang tama sa tingin niya. Kaya niyo nga siya napatalsik as the female leader of the institution of mafia corp." Sagot ni Riley.
"Bakit hindi ikaw ang pumalit sa kanya?"
"Well, tinanggal na ni daddy yung ganong position. Unless bumalik na si Ravenna, he told me that Ravenna is the only one perfect for the position. Because I do not deserve it and she does." Mapait na ngumiti si Riley.
"I know for a fact that Ravenna is always the favorite, but it's fine by me. Hindi ko naman masisisi si daddy, I was gone for about nineteen years. And Ravenna was the only one taking care of our dad, so I don't blame her for being the favorite daughter of the Hendrix's." Dagdag pa niya.
Nagdial na si Riley ng number niya.
"It's just ringing."
"Ayun sinagot." sabi niya at tinakpan ang phone.
She put the call on speaker and signed us to stay quiet.
"Ravenna?"
[What do you want?] Malamig ang tono ng boses niya, ibang iba noong narinig ko ang boses niya nung kausap niya si Hendrix.
"By any chance you're going back sooner?"
She chuckled bitterly, [you called me just to ask that? What if I tell you that I am never coming back?]
"You can't do that," mukhang maluluha na agad si Riley.
[And why should I listen to you?]
"What happened to you Ravenna, this is not you. You should know that dad had a heart attack earlier. And I hope you should consider coming back kasi kapag na tigok si daddy, yung responsibilidad mo dito. Bawal mo ito bitawan. You fucking promised." tumulo na luha ni Riley.
A moment of silence, mga dalawang minuto.
[I don't care.] Yan ang huling sabi niya bago pinatay ang tawag.
I looked at Cassian, and he is also crying.
I never thought that a man would cry for a girl, but this just shows that Cassian really love Ravenna that much.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top