12

Chapter twelve: Stuck in an island 1


Sobrang sakit ng ulo ko, I tried to open my eyes, pero yung paningin ko umiikot ng sobra.


May narinig akong naguusap a few meters away kung nasaan ako, kaya nakinig ako.


"Tawagan mo yung leader nila, alam kong magaalala yun." Sabi ng pamilyar na boses.


Di kaya? Yan yung sinabing partner ni Austin? Mukhang siya nga.


I heard Austin's sigh, "sumasakit ulo ko sayo. Dapat kanina mo pa sinabi, malapit na mawala yung effect doon sa itinurok natin sa kanila." Medyo galit na tono na sabi niya.


"Leave." dagdag niya.


I finally had the urge to open my eyes, nasa isang jail cell kami? Na may random stuff. Tulog pa din si Hailey at Maeve. I looked across the room, nakita ko si Cassian na gising na at mukhang nakikinig din kay Austin.


"Ravenna!" Maligayang sabi ni Austin, biglang nalungkot siya. "Bakit mo naman ako itinataboy?" Ngumuso pa si Austin na kala mo namang makikita nung kausap niya.


"Well, baka gusto mo nang bumalik sa pinas?" Bahagyang ngumiti si Austin. "Ay wala, wala akong ginawa sa kanila. But they're somewhere in the depths of the ocean."


"I'm expecting you, don't ditch."


Paglingon ko sa mga katabi ko gising na yung dalawa at mukhang narinig ang mga sinabi ni Austin.


Napansin ko ang expression ni Hailey with a sign of hope. I'm sure hindi uuwi yun, at niloloko lang kami ni Austin.


"Hindi yun darating, wag ka na umasa. Masakit." Sabi ko at tinapik ang braso niya.


"I see that you all are now awake. Kamusta tulog?" bungad ng boses ni Austin.


Paglingon ko sa kabilang cell gising na din yung dalawa doon.


"Why are we in a fucking jail cell?!" Sigaw ni Cassian.


Biglang ngumiti si Austin ng nakakaloko.


"Eager to leave this place kasi alam mong dadating ang pinaka minamahal mong tao sa buhay."


"Alam mo, pasok ka sa mga tanga sa pagibig. Hindi ko nga alam, bakit hulog na hulog ka sa babaeng yun. Hindi naman kagandahan, matangkad lang naman." Pati ako naiinis sa sinasabi ng Austin na to.


Nakakunot na ang noo ni Cassian, alam kong onti nalang mauubos na pasensya nito pero kailangan niyang magpigil muna.


"Done?" malamig na tanong ni Cassian.


"You may leave." Dagdag nito.


"Ang lakas naman ng tama mo, at ako pa ang sinasabi mong umalis." Sagot ni Austin.


"Eh bobo ka ba? O sadyang may ubo yang utak mo? Kita mong nakakulong kami dito alangan naman kami umalis?"


Para kaming nanonood ng drama at nagpapalitan ng atensyon pag nagsagutan sila.


"Ang talino mo talaga." Sarkastikong tugon ni Austin. 


"Alam mo, bibilib na sana ako sayo kasi nagawa mo ang gusto mo ang mahuli kami. Pero binawi ko din sa sarili ko kasi ikaw pa din ang Austin na kilala ko na nakadepende saaming tatlo." Tinuro ni Cassian si Ryota at Calyx bago umirap.


"You know what, I don't have time for this. Tutal ayaw niyo nga ako dito, aalis na ako. Good luck finding a way out of there kung meron man. And also, sa jail cell ng girls may electric current kaya wag niyong tangkain na hawakan girls. Baka pagbalik ko in 3 hours tigok na yung tatlo." Umalis na si Austin, what an exit. 


"So ano na gagawin natin?" Boses ni Ryota, napalingon ako sa kanya at nginitian niya ako. 


"Malamang may way out dito, there are random things in our cells. Matalino tayo, at alam kong may connection yung cell namin sa cell niyo." Sabi ni Calyx. 


"Parang yung mga puzzle lang sa carnival ang pauso ni Austin." Sabi ni Hailey. 


Hindi nagsasalita si Maeve kaya nilingon ko. 


"What are you doing?" Tanong ni Hailey. 


"While you guys are chit chatting I'm already taking a look on some electrical wires. Sagot niya, her hands are already dirty. 


"The electricity is connected to the boy's jail cell. Mayroon number dito, at mukhang kailangan niyo magimput ng number dyaan sa inyo para mawala ang shock sa bakal." Sabi ni Maeve. 


"Found it." Sabi ni Calyx. "It's a 10 digit number."


"Apat na numero lang dito," sabi ni Maeve. "3798" 


Nakahanap ako ng tatlong numbers, "460" 


Nagtaas ng kamay si Hailey, "522." 


We heard a shut down noice, nice. Baka wala na yung electric current. 


"Sino magtetesting?" Tanong ni Hailey. 


"Ayoko." sagot ko, baka ako matigok. 


"And dadaming arte." Sabi ni Maeve tapos biglang humawak sa cell, nanginig siya doon at nahulog sa sahig. 


"Gago, hala anong gagawin natin?" Taranta kong sabi. 


"Ayan, ang bobo natin baka mali yung pag imput ng numbers." Sabi ni Ryota. 


"Ang tatanga ay nako." Napahawak sa ulo si Cassian. 


Biglang gumalaw si Maeve, at tumawa. 


"Di kayo pwedeng mabiro ano?" Natatawang sabi niya. 


Binatukan namin ni Hailey si Mave. 


"Aray!" Sigaw nito. 


"Alam niyo imbis na magasaran pa kayo dyan, hanapin na natin ang way para mabuksan yun." Sabi ni Cassian. 


"There is a random painting here, baka somewhat connected?" Sabi ni Ryota at inalis ang painting sa pader. 


Bumungad ang isang safe na nabubuksan gamit ang isang susi. 


"May something dito sa pader natin eh, like its hollow dito sa bandang to." Sabi ko. 


Kinatok ni Hailey yun at tumango, "You're right it's hollow. Maghanap kayo ng bato o martilyo."


Narinig kong may nabasag doon sa side ng boys, nakita ko si Cassian na may dumudugong kamao. 


"Alam mo, pwede naman gamitin to para buksan yan eh." Sabi ni Ryota, at natawa. 


Nakita namin yung martilyo sa kamay ni Ryota. Pinadausdos ni Ryota sa sahig ito para mapunta sa kamay ko. 


Pinukpok ko yung pader at ayon, bumungad ang isang susi.  


"Oh," sabi ko at binato ang susi kay Calyx. 


Nabuksan na yung safe at switch ata na may baril at kutsilyo. 


"Peram ng hammer," sabi ni Maeve. Hinampas niya ulit yung pader at wow, bala at baril. 


Kumuha ako ng isa at kinasa. 


Biglang bumukas yung pintuan ng cell namin na ikinataka naming tatlo. 


"I flicked the switched." sabi ni Ryota. 


"You guys are free, now you just need to find a way to get us out of here. " Sabi ni Cassian. 


I observed the place, sa dulo ng hallway. May nakita akong parang shooting range. 


Binaril ko ang tatlong points at ayon bumukas ang pinto ng cell nila. 


Nagulat nalang kami, nang biglang naging pula ang ilaw. 


"Alert! Alert! Security broken! Lockdown all facilities. Guard the doors." 


"Shit!" sabi ko. Inabutan ko ng baril si Ryota at nauna na doon sa kabilang dulo ng lugar namin. 


I signed 8 gurads, at tumango sila. 


Una akong lumabas at pinutok ang baril ko sa paa ng lalaki. 


"Watch out!" Sogaw ni Ryota at binaril ang lalaking papunta sa likod ko. 


"Thanks," sagot ko. at binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti. Kasi ma baril na ako sa hita. 


"Oh shit! You're bleeding." Sabi ni Ryota at binuhat ako bridal style. 


Wala nang ibang tao doon, at puro patay na katawan na ang nandoon. 


Pagkalabas namin, bumungad saamin buhangin?


Binaba ako ni Ryota at inilibot ko ang paningin ko. 


"We're stuck, on a fucking Island?!"



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top