11
Chapter eleven: Drug dealer
"Bakit mo kami sinusundan?" Tanong nung lalaki doon sa lalaking duguan.
Kabababa lang namin galing sa zipline and let me tell you it was not a good experience.
"Masakit pa?" Tanong ni Ryota saakin, na sprain ata yung ankle ko.
"I just heard gunshots. So I fed my curiosity." Sagot nito.
"Well, let me tell you the consequence of the people sticking their noses on strangers."
Nilapit ng lalaki ang baril sa ulo nito.
Lalapit na sana si Maeve, pero pinigilan ko siya.
"Wag kang makialam sa kanila kung gusto mong mabuhay pa."
Tumango nalang siya at nakinig.
"Randy, I told you to kill him right? Bakit pa siya buhay?" Boses ng isa pang lalaki.
Nagiba ang itsura nila Ryota, Cassian, at Calyx.
"Why?" Tanong ko.
"That's Austin." Sagot ni Cassian.
Magsasalita sana si hailey kaso pumutok na yung baril.
"Ayan ang pinaka ayaw ko sa lahat, mga chismoso, at pakialamero." Sabi ni Austin hanag inaayos ang kutsilyo niya.
"You six, alam kong nandito kayo. Wag na kayong makialam sa ginagawa namin kung gusto niyo pang mabuhay, at makaligtas si Ravenna. Wag kayong magkakamali. Hawak ko ang buhay niya, umalis na kayo hanggat di pa nagbabago ang isip ko."
Alam niyang nandito kami.
Nang makaalis ang dalawa we stayed hiding in the bush for about 5 more minutes.
Nauna si Maeve lumabas at lumapit sa patay na katawan.
"This is my uncle." Sabi ni Maeve. Napatigil kami, uncle? Pero bakit niya hinayaan.
Ang bobo mo Kaede, pinigilan mo siya diba.
Napakamot ako sa ulo ko.
"I don't care. He was a drug dealer, he deserves to die." Dagdag ni Maeve at tumalikod na para maglakad paalis.
"We cant just leave this here." Sabi ni Calyx.
"Ano to? Repeat history? Pass." Sabi ni Hailey at umirap.
"Wala akong planong kumuha ng stick at gasolina ngayon." Sabi ko.
"Let's leave the corpse, let the snakes and some random specie eat that. Tara na, baka kung ano pa mangyari saatin." Sabi ni Cassian at sumunod na kay Maeve.
Pagkarating namin sa bahay salampak agad kamin sa couch. Pagod kami dahil umakyat pa ulit kami doon sa bundok, at bumaba ulit papunta doon sa bridge.
"We need to make a move on that Austin already." Sabi ni Maeve at napahawak sa ulo na parang nagiisip.
Napangiti ako, parang okay na sakanya ang lahat. Pero may kaunting bakas na galit pa rin ako sakanya because she is a seducer. Baka ikaw ang isunod ni Ravenna sa kill list niya. Kaya know your limits maeve.
"Easy for you to say," sabi ni Calyx. "Ang hirap gumawa ng hakbang kapag sobrang babaw ng kaalaman natin."
"Yeah and the worst part is ang tanga natin kanina doon. We let Austin threat us, and Ravenna." Ryota.
"It's just a threat, wala pa tayong totoong alam kung nasa kamay talaga nila si Ravenna. Pero hindi ibig sabihin nito na hindi na natin iintindihin ang sinabi ni Austin. Let's all be cautious in every step that we will make." Tumayo si Cassian at lumabas ng bahay.
"I'll be back in 30!" Sigaw niya.
"What's for lunch?" Tanong ni Hailey.
"Tinatamad ako magluto," sabi ni Ryota at tumingin saakin. "Let's just heat the food from dinner last night."
"Contact Cassian, I've made a decision. Tonight midnight, gagawin natin ang plano mo Maeve. Pupunta tayo sa alley." Sabi ko at tumayo na at dumiretso sa kwarto.
Nagpalit ako ng shorts and cropped top and a track jacket. Kinuha ko din yung sulat ni ravenna at kumuha din akong malinis na papel. At isinuksok sa jacket ko.
"I'm going out." Sabi ko kay Ryota at humalik sa pisnge niya.
"Ingat, bumalik ka agad."
Lumabas na ako ng bahay, at nakasalubong ko si Cassian papunta doon sa beach. Kung saan dapat ako makakakita ng sulat at magbibigay ng sulat.
Nakakunot ang noo ni Cassian habang nakatingin saakin.
Bigla niyang itinaas yung kamay niya na may hawak na papel, kagaya ng sulat ni Ravenna. Hindi kaya?
"Wag tayo dito sa kalsada, doon tayo kung saan mo yan nakita." Sabi ko at hinatak ang kamay niya pabalik doon sa bato sa beach.
Hinablot ko sakanya yung sulat at binasa.
Kaede,
Why aren't you writing back to me yet? Did something happen, or do you doubt if I really wrote this to you. If you have no plan to reply, just return my first letter. But if you will write back, please tell me how everyone is doing. Also, I miss him.
"Give me the first letter." May authoridad na sabi niya saakin, napilitan akong ibigay sa kanya yun.
"Don't trust this, di ka sigurado baka nagpapanggap lang yong si Ravenna." Sabi niya at tumayo.
"Wag mo muna sabihin sa kanila," pagmamakaawa ko.
"Fine, whatever helps you sleep at night." Sabi niya at tumalikod na sa akin.
"We're making a move later tonight. Be ready." Sabi ko bago tuluyan siyang makalayo.
Nilingon niya ako at tumango.
I stayed there for about 15 minutes nang may makita akong strange thing sa gitna ng dagat.
Island ba? Hindi ko makita ng maayos kaya medyo lumapit ako hanggat sa nababasa na ang mga tuhod ko ko.
Languyin ko ba? Wag na, baka trap. Next time kapag may kasama ako.
Bumalik na ako sa bahay at nandoon na sila sa dining table.
Kabilang naman na si Maeve, pwede na ba siya sumabay saamin?
"Mamaya na daw siya kakain," sabi ni Hailey. Napansin niya siguro yung iniisip ko. She really know how to read people.
After eating naligo ako bago ibagsak ang sarili sa kama. Sumunod naman saakin si Ryota, pinagmasdan ko lang yung promise ring ko. ang ganda niya, mahal siguro to.
"250,000" Sabi niya at nanlaki ang mata ko.
"Balik mo nalang to, at bumili ka ng mas mura." huhubarin ko na sana yung singsing pero hinawakan niya kamay ko.
"No, it will stay on your hand."
"Pag may laban na magaganap, huhubarin ko to. Baka mawala."
"That's acceptable." Hinalikan niya ang kamay ko.
Nakatulog ako at nagising lang ako dahil nasa taas ko na si Ryota.
"Gising na, Love!"
11:15pm na at nakabihis na siya at mukhang ako nalang ang hinihintay.
"Alis!" Sigaw ko.
"Aww, does my baby have her period? Why she grumpy." He made a face, and I just pretended na hindi ko siya narinig.
Nagbihis lang ako ng simple white shirt and leather shorts with boots. Nakakatamad maglayer ngayon, pakiramdam ko ang bigat kasi.
We just took Calyx's car and Maeve took her big bike.
"Ayan, pagpasok dyaan. That's where the tracker is taking us." Sabi ni Calyx.
"Sabay sabay na tayong pumasok in case they jump us with their people." sabi ni Hailey.
Sabay sabay kaming pumasok doon sa alley, at may daan ulit sa kanan doon.
Cassian signed to go inside.
Madilim, sobra wala akong makita.
I tried to find a switch pero bigla nalang bumukas ang pinaka maliwanag na ilaw na nakita ko sa buong balat ng lupa.
"Ahh!" sabi naming lahat.
"Took you guys long enough, ang tagal niyo na naglagay ng tracker ngayon niyo lang naisipan pumunta dito." boses ni Austin pero, wala pa din akong makita dahil sa pagkasilaw sa amin.
"You guys have to sleep, temporarily." Austin chuckled and after that, may naramdaman akong karayom na itinusok sa leeg ko at may inilagay na serum doon na nagpabagsak saakin. Saaming lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top