06

Chapter six: Abuse


"We have a rule, we don't speak of her name anymore. Para sa pag move on ng kuya Cassian mo." Nilagok ko yung shot ko at tumingin sa kanya. We were drinking on the balcony, niyaya ko si Hailey pero ayaw daw.


Humina na raw siya sa alak, pero I doubt that.


"Tell me, what's bothering you?" Seryoso kong tanong sa kanya, kasi wala pang nangyayari dito sa amin and she's already spacing out.


Nakita kong may hinawakan siya sa bandang balikat niya and I saw her flinch. Siguro may sugat siya doon. "Ano yan?" Tanong ko pero umiling lang siya.


"Maeve, I'm not stupid. 'Wag ka magtago dahil magiging kabilang ka na sa amin."


Alanganin niya pa akong tiningnan, at umayos ng upo. She took her shot before speaking. "Uh, I got into a fight with my dad bago ako pumunta dito." Kumunot noo ko sa sinabi niya.


Tinanggal ko yung jacket niya at napaawang labi ko. Bruises, scars, blood. Lumabas ako ng balcony at kinuha yung med kit.


"That's abuse." Sabi ko habang ginagamot ang sugat niya.


"Hindi ka nalalayo sa kanya, I hope you know that." Sabi ko at naglagay ng bandage.


"Nagalit siya sakin, kasi aalis daw ako. Wala daw maglilinis ng bahay, at magaasikaso sa mga kaptid ko." She took another shot. "They're all making me their maid, caretaker. Parang alipin na nila. Anim kaming magkakapatid, I was the third one born. Yet I have the biggest responsibility."


She started tearing up, perp wala akong masabi. All I could do was just listen.


"Older sister, and older brother bago ako. They all got married and had a child at a young age. Nilayasan kami nila, they all forgot about us. I had to work so many temporary jobs, kasi ako lahat. Kuryente, tubig, pagkain, at mga utang ni papa."


"Gabi-gabi umiiyak ako kasi hindi ko na alam kung pano ko pagkakasyahin lahat ng pera ko para lang sa putanginang buhay na kailangan kong gampanan."


"Wala akong magagawa eh, ito ang buhay na binigay sa akin." She took another shot again. Sinasabayan ko nalang ang shot niya, kasi naawa din ako sa kanya.


"So I had to escape that shit hole and join you guys, I reckon na magkakapera naman ako siguro dito. Kapag nakaraos na ako ng kaunti, padadalhan ko sila kahit lahat nalang ng pera ko."


After 2 hours of drinking, hindi pa din siya lasing. At ako din, kaya ko siyang sabayan. "Tingin mo papahirapan ako ni Cassian?" Tanong niya.


"Depends, galit siya sa 'yo actually kasi parang pinapalabas natin na ikaw ang kapalit ni Ravenna.." Mahinang sabi ko.


"Don't worry, hindi ako kapalit niya." Sabi niya at umupo ng maayos.


"You should sleep already, 5 am call time mo sa boss mo. Give me an update nalang after your training. Good night." Sabi ko at dinampot yung tatlong bote ng alak.


Pagpasok ko ng kwarto medyo tipsy ako at ang init ng lalamunan ko.


"Sino kasama mo uminom?" Alalang tanong ni Ryota saakin at inalalayan ako sa sofa.


"Maeve, she has been abused by her own father. Nasa kanya lahat ng responsibilidad sa kanilang bahay. I feel bad for her kasi we accused her 3 days ago."


Nawala si Ryota sa tingin ko my head is spinning. I flinched when I felt a wet thing that hit my face. It was a towel, he's taking off my makeup. Husband material talaga siya, and I am blessed na siya ang first ko. Pero ako ba ang first niya?


Hindi ko nalang namalayan at nakatulog nalang ako dahil sa pagikot ng paningin ko.


I woke up feeling hot and dizzy. Naramdaman ko na naka jacket na pala ako at socks. Balot na balot ako.


I hissed when I felt a hand on my forehead, it was Ryota. "Ayan kasi, inom ng inom. Hindi na naalagaan ang sarili. You have a fever, tsk." Pangsesermon niya. Para siyang tatay ko, pero daddy tawag. hehe.


"Anong oras na?"


"Oras na para bumangon ka, It's 7pm."


"What?!" Sigaw ko, mabilis akong tumayo. Agad akong natumba agad dahil sa pagkahilo.


I heard him sigh and helped me up. "'Wag ka muna magtatayo, you have a hangover tapos dagdag pa yang lagnat mo."


"No, okay lang ako. Kailangan ko lang makita si Maeve." Sabi ko at tumayo ulit. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan at pumunta sa kwarto ni Maeve.


Kakatok sana ako pero narinig ko ang pagiyak niya nanaman. I feel bad, ano kaya ginawa sa kanya ni Cassian? I knocked three times. But I didn't get a response. I knocked again and I heard her sobs stop.


"Who is it?" Tonong masaya na tanong niya. She really knows how to fake everything.


"Kaede." Sagot ko. It took her a minute before she responded.


"Come in."


Pagkapasok ko, I saw blood on the floor and walls. I saw more bruises on her hands, gulo buhok niya. "Tell me everything." Sabi ko at tinabihan siya sa kama.


Kapag hindi nagamot to mamamaga lahat to.


"Pinatakbo niya ako, sa baba paakyat dito sa bahay pababa sa beach..." Paninimula niya.


"That's not bad." Sabi ko at pilit na ngumiti naman siya.


"Without shoes." Dagdag niya, I reacted too soon. Cassian, he could do that? Ang sama niya naman.


"What else?" I asked.


"Practice throwing knives, shooting targets..." Di na ako nagreact sa sinabi niya dahil alam kong may catch nanaman.


"But every time I miss, I get punched or slapped or get sliced with a knife."


"You know what, I'm starting to regret leaving my family. This place is just the same as that household." Sabi niya at bahagyang natawa.


"Don't say that, alam kong tinetest ka lang ni Cassian." Sabi ko at niyakap siya saglit.


"You're hot." Sabi niya at nakunot noo ko.


"Hindi naman masyado." Natatawang sabi ko.


"No, I- mean. Not sexy hot—"


"So hindi ako sexy?" I cut her.


"I don't mean that, you have a fever. May sakit ka." Tinangka niya ulit hawakan noo ko pero tinabig ko na yun.


"Okay lang ako, ikaw magpalit ka na. Kakain na." Sabi ko at inaya siya tumayo.


"Bawal 'di ba? Sabi ni Cassian bawal ako sumalo sa inyo.


Huh? Panong bawal? Onti nalang talaga masasapak ko na tong Cassian na to. Bumalik siya sa dating sarili niya nung nawala si Ravenna.


"Ako bahala doon, sumunod ka na sa lamesa."


Pag akyat ko nakabasta na sa lamesa.


"May sakit ka ah? 'Di ba dapat dinner in bed ka lang?" Bungad sa akin ni Hailey.


"I had to check on Maeve, inabuso siya masyado ni Cassian." Pabulong na sabi ko, baka kasi may makarinig.


"Typical Cassian." She scoffed.


Nakumpleto kami at huling umupo si Maeve, sa tabi ko siya sa kaliwa at katapat niya si Cassian.


"Didn't I tell you not to join us when eating?" Cassian asked in a monotone, obviously pissed. Yumuko lang si Maeve.


Pinalo ng malakas ni Cassian yung lamesa causing the items to shake. Medyo natapon pa nga yung sabaw.


I just chose to listen, mamaya na. Nagulat ako ng biglang lumapit si Cassian kay Maeve at hinatak sa kwelyo. Bigla nalang niya binalibag si Maeve sa sahig. Balak pa sana niyang tapakan pero I had to do something.


"Stop." I said coldly. Napalingon sa akin lahat.


I helped Maeve up, and faced Cassian.


I slapped him real hard. "I'm going to ask you one time, what the fuck is your problem with Maeve?" Nagpipigil inis na tanong ko.


Nakipagtitigan sa akin si Cassian pero siya unang bumigay at umiwas ng tingin.


"You know that you shouldn't blame Maeve for what happened! You can't reverse the fucking past Cassian, magisip ka nga." Sabi ko at hinatak din siya sa kwelyo at ibinaba sa upuan.


"This is the last time that I would see you hurting her without a proper reason, or kung gusto mo ikaw ang i-sunod ko sa kanya." Pagbabanta ko.


"I lost my appetite." Sabi ni Maeve at tumayo na at kinuha ang plato niya.


"You don't even know what happened earlier." Sabi ni Cassian at umiling.


Naguguluhan ako sa inyo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top