05

Chapter five: Welcome, Maeve.


"I want you to take her here next week kasi ibibigay na natin yung badge niya." Sabi ni Hendrix at agad nangunot ang mukha ni Cassian.


"What?!" Sigaw nito. "Kami naghirap para kuhanin yung sa amin pero siya diretso agad bigay? That's bullshit right there." Umiling si tito at bumalik sa pagkakaupo.


"Her badge is mafia in training, as Kaede requested. Makukuha niya ang totoong badge niya kapag sinabi mo na." Mas lalong naguluhan si Cassian sa sinabi ni Hendrix.


"What do you mean kapag sinabi ko? I'm not the leader, siya 'yun." Tinuro niya ako, at natawa ako.


"What?" Inis na tanong niya.


"Hindi ba't sinabi mo na kapag magtre-training na si Maeve ikaw ang magiging amo niya? Ayan panagutan mo." Tinapik ko ang balikat niya at umayos ng tayo.


"We'll bring her." Sabi ni Hailey at napauna nang lumabas. Nagtanguan muna kami ni Hendrix at lumabas na din ng office.


Hanggang ngayon ang awkward pa din ng tension sa amin kasi hindi ako sanay na tinatawag siyang 'tito' o 'Hendrix' kasi hindi naman ako ang dating kumakausap sa kanya kundi si Ravenna.


Speaking of her, napagdesisyonan namin na wag na siyang pag usapan o banggitin para kay Cassian. Alam kong muted si Ravenna kay Cassian sa lahat ng post, messages, and stories niya. Pero alam kong labag sa looban niya yun.


Nakarating ulit kami sa bahay at nagbihis na kami ng pang tulog. As of now wala pa din kaming mission o kahit na anong ganap sa buhay, kain tulog palang kami kaya okay na yun.


Food is life, man.


Si Maeve lang talaga ang pinagkakaabalahan namin as of the moment. Lumabas ako sa balcony na may access sa aming lahat. Lumanghap ako ng hangin at tumingin sa mga alon na tumatama sa bato.


"Nakaka-bore na dito sa bahay." Wala sa sariling sabi ko.


"Tell me about it."


"Gago!" Sigaw ko sa gulat dahil bigla ko na lang katabi si Hailey.


Natawa siya sa inasta ko at sinandal ang siko sa railing. "Where will life take us?" Biglang tanong niya.


Tiningnan ko siya, naka-focus lang siya sa view. "Death." Sabi ko and she chuckled again.


"Yeah. I just realize, na totoo pala yung sinasabi nilang promises are meant to be broken." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.


"What do you mean?"


"She promised."


I know what she meant. By 'she' siya na naman siguro ang topic namin.


I don't mind, kasi siya din ang nasa isip ko buong magdamag. "She promised to be with us, she promised to stay with us. She promised that the three of us wouldn't break."


"She has her reasons I guess." 'Yan lang ang naging sagot ko sa kanya kasi hindi ko alam ang sasabihin ko.


She glanced at me for a second bago magsalita. "Nakita mo naman siguro story niya?"


Tipid akong tumango. "She's drinking... Again."


"At least we know she's alive. Baka pinagtri-tripan lang tayo nung nagbigay ng picture sa atin." Umupo siya bigla sa sahig at ginaya ko naman siya at umupo sa tabi niya.


"Isa lang ang napansin ko doon sa story niya." Seryoso niya akong tiningnan.


"Ano? Dahil ba doon sa caption na 'forget me too'?"


Umiling siya, at nagtaka naman ako. "She's not drinking alone."


Nilabas ko 'yung cellphone ko at vi-new ulit yung story niya.


Hailey's right, dalawa ang shot gloss doon. At mukhang may gamit din ata ng lalaki. Buti na lang at napagdesisyonan ni Cassian ang gusto niya, kung hindi baka napatay na niya ang taong kasama ni Ravenna.


We were in that position, just staring at the moon nakaakyat lang sa pwesto.


"Dinner's ready," sabi ng boses ni Calyx at binuksan ang pinto.


Nilingon namin parehas siya, at parehas lang kaming walang reaction ang mukha. "Get in, it's getting cold." Singit ni Ryota sa likod ni Calyx na naka apron. He cooked! Na miss ko na kaya luto niya sa dorm namin dati.


Sumunod na ako sa kanila. After we ate ginawa ko lang ang night routine ko bago isalampak ang sarili sa kama.


I feel like I was tired and did so much today kahit nagpunta lang kami sa company. "Do you miss her?" Tanong ko, he sighed heavily.


"Siya nanaman ang topic, p'wede ba? Kung gusto mong makalimot don't talk about her." Sagot niya at tumalikod saakin.


E 'di 'wag niyang sagutin yung tanong. I just counted sheeps in my head bago ako nakatulog.


Nagising ako sa ring ng phone ko.


Ugh! What time is it? Inabot ko ang phone ko na nasa bedside table at sinagot ang tawag.


Hindi ko na nakita ang tumatawag at diretso sagot nalang ako kasi antok pa ako.


"Hmm?"


[Did I wake you? Sorry, uhh. Hendrix Corp. Contact me and say that I should move in today. Is that right?]


Si Maeve! Siya ang tumatawag, muntikan ko nang ibaba yung tawag eh.


"Uh, yeah. I guess. Be here after lunch, ayusin lang namin ang tutuluyan mo." Sabi ko at agad ibinaba ang tawag, paglingon ko sa katabi ko mulat na ang mata niya at nakatitig deretso saakin.


"What?" Tanong ko at umalis sa pagkakayakap ko sa comforter ng kama namin.


"Sino kausap mo?" Halatang may halong selos na tanong niya, tinawanan ko lang siya doon.


"Aga aga, selos ang almusal? Si Maeve yun, she's moving in later after lunch."


"Tss, whatever." Sabi niya at tumayo na din.


Pagkalabas ko ng kwarto nakasalubong ko si Hailey, we just looked at each other bago bumaba. It's normal na hindi kami magpansinan dahil bagong gising lang.


Agad akong bumaba sa basement, this basement has two rooms.


One on the left, and one on the right. 'Yung nasa kanan ang mas malaki, and we keep all our equipment there and we also have our security camera system. Nasa kaliwa ang magiging kwarto ni Maeve, dito nagbasag si Cassian. Kaya kailangan ko tong linisin.


I swept the floor and fixed the lights and changed the covers of the bed bago umalis. Malinis na yun at may space din para lagyan ng gamit.


Kumain muna ako at nagpalit ng damit bago pumunta sa gym room namin at nag exercise. I just did squats, push-ups, burpees, sit ups, pull ups, before I did my cool down.


Siguro mga isang oras ako nandoon. Naligo na ako at nagpalit ng sweatpants and tank top.


After kumain ng lunch naghintay na ako sa sala for Maeve. Nandun na din yung apat sa couch. Halatang ayaw ni Cassian dito pero wala siyang choice.


I just scrolled through instagram, hanggat sa lumabas ulit sa feed ko yung huling post ni Cassian. It already has 15k hearts. Ganun siya kasikat. Kasi pati ibang tao na hindi niya kilala at walang connect na kahit na sinong tao sa kanya nagrereact din.


I checked the comments.


'Cheer up!'


'makakarecover ka din bro.'


'Things we do for love, huh.'


'let's get wasted as hell and high as fuck dude.'


'love is only temporary.'


'It's a highway to hell.'


Weird comments and many more ang nabasa ko, sana hindi na yan nakikita ni Cassian at dinelete na ang IG.I was about to go to the bathroom when we suddenly heard a knock from the door.


Pagbukas ni Calyx ng pinto agad bumungad si Maeve na may dalang isang maleta at isang bag.


"Come in." Sabi ko at umalis sa daan para makatuloy siya. Kinuha ko gamit niya at pina-sunod sa amin papuntang basement. Pagpasok namin sa kwarto niya napaawang ang bibig niya.


"Don't expect too much." Iritang sabi ni Cassian.


"I didn't expect much, I expected less. Mas maayos pa nga ang kwartong to kaysa sa kwarto ko sa bahay." Sabi ni Maeve at umupo sa kama habang pinagmamasdan pa din ang kabuuan ng kwarto.


"Stand up, we'll give you a short tour." Sabi ni Ryota. Agad sumunod si Maeve at naglakad din.


"The kitchen is here together with the dining room. On the left we have the bathroom, on the right we have the meeting table." Pageexplain ni Ryota.


"Uh, question. The room opposite of my room, what is that?" Nagtaas pa ng kamay si Maeve na tila nasa iskwela.


"That is off limits as of now, when you don't have the official badge of being a Mafia." Sagot ni Cassian.


"When will I get the badge?"


"When I say so. Tomorrow 5 am sharp I want you awake, we'll start the training." Sabi ni Cassian at nauna nang umakyat.


"These are all our room, that one is Kaede and mine. That one is Calyx and Hailey's. And two of that room is Cassian's." Sabi ni Ryota, yes sinabi namin na kay Cassian na din yung kwarto ni Ravenna.


"This is the balcony, where all of us can access. And remember our rules, respect our privacy and don't touch our things." Dagdag ko.


"Questions or anything lapitan mo lang kami, and also next week makukuha mo yung badge mo na Mafia in training." Sabi ni Hailey at umalis na.


Nakatingin ako kay Maeve at mukhang may iniisip.


"Do you want to drink?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top