TWENTY ONE - ECRU
"We have art in order not to die of the truth." - Friedrick Nietzsche
---------------------
Xavi's POV
The congratulatory remarks never stopped.
People were walking towards me and keeps on telling me how they admired my works. An hour after the opening of my exhibit, eight out of my fifteen artworks were already sold. Hanggang mamaya pa ito and baka suwertehin, mabili din lahat.
After a month of hibernation doing this work, this is the result. Colorful abstract tones that depict different moods and different worlds.
"Xavier fucking Costelo. Congratulations, man!" Yumakap pa si Jet sa akin ng makalapit. Kasunod niya si Amber at kasama nito si Hunter Acosta. Sa kabilang room naman ang exhibit ng mga photos ni Hunter. Mukhang mabenta din.
"Successful exhibit," komento ni Hunter habang umakbay kay Amber.
"Congratulations to us," sabi ko at kinamayan siya.
"Nice artworks. Ang gaganda ng kulay." Komento niya habang tinitingnan ang mga nakasabit na paintings.
"Naninibago nga ako. Parang hindi ako sanay na hindi hubad na babae ang mga naka-hang dito," sabi ni Jet. Tumitingin din ito sa paligid.
Natawa ako. Totoo iyon. Nakilala ang pangalan ko sa mga nude paintings ko kaya alam kong maraming nagulat na ibang-iba ang mga ito sa mga dati kong gawa.
"Kasi, hindi na ako naghuhubad sa harap niya kaya wala na siyang mai-paint." Sabat ni Amber.
"Dahil hindi naman kita talaga papayagan. You're only going to strip and pose naked for me," tumingin ng makahulugan si Hunter sa asawa. Kitang-kita ko naman na kinilig si Amber at parang makahiya na kunwari ay titiklop.
"Get a fucking room, you horny couple." Natatawang sabi ko.
Natawa din ang mga kasama ko at sumenyas sa akin si Hunter na mag-iikot muna sila at titingnan ang mga paintings.
"Hindi pumunta daddy mo?" Kumuha si Jet ng beer sa dumaang server malapit sa amin.
"Hindi ka pa ba nasanay? Ilang beses na akong nag-exhibit pero hindi naman pupunta iyon. Well, si mommy and Xandra dumaan kanina just to congratulate me pero umalis din agad. Uncle Guido is coming." Na-excite yata ako ng maisip kong magkikita kami ni Uncle.
"Ang weird mo talaga. Imagine, isang buwan ka naming hindi nakausap. Hindi ka lumalabas ng lungga mo and you finished this all. Hayup ka talaga." Naiiling na sabi ni Jet.
"I told you, I just need some push to finish this. Siguro kasi sinermunan mo ako ng sinermunan and I thank you for that." Nakipag-cheers pa ako sa hawak niyang bote.
"As in totally, walang nakapunta sa unit mo during those times na nagpipinta ka?"
Umiling ako habang inuubos ang laman ng bote ng beer at muling kumuha ng isa.
"I don't want distractions."
"Kahit 'yung mga babae mo? Ibig sabihin isang buwan kang tigang?" Hindi makapaniwala si Jet.
"I have this," ipinakita ko ang kamay ko.
"'Tangina, Xavi ang loser mo. Marami ka namang makukuhang babae nagtiyaga ka sa kamay mo?" Sinuntok pa ako sa braso ng tawang-tawa na si Jet.
"I told you I don't want distractions." Nakangiting sagot ko at muling tumingin sa paligid at hindi mawala ang saya sa dibdib ko. Iba talaga ang feeling kapag alam kong hinahangaan ng mga tao ang gawa ko. Minsan, hindi na pera. The appreciation that I get whenever they admire my works. Minsan sapat na iyon. Nakakatawa. Mas naa-appreciate pa ng ibang tao ang mga gawa ko kesa sa pamilya ko. Kaya mas gusto ko pang kasama ang ibang tao. Mas totoo silang nagagandahan, humahanga sa mga gawa ko.
Jet cleared his throat and drank the remaining beer that he was holding. I know he wanted to ask me something.
"Spill it," sabi ko sa kanya.
Napahinga siya ng malalim at kinamot ang ulo na ngayon ay may papatubong buhok. Mukhang magbabago na ng image si kalbo. Mukhang gusto ng magpatubo ng buhok.
"What about the married woman?" Halata pa rin ang concern sa tono niya.
Kumunot ang noo ko. "What about her? I don't know anything about her now."
"Really?" Parang hindi siya makapaniwala.
"Isang buwan akong hindi lumabas sa lungga ko, Jet. Hindi na ako pumasok sa office ni dad kaya nga siguradong papatayin na ako noon. I mean, I signed my own leave form kaya wala akong balita sa kumpanya niya."
Totoo naman iyon. Nang sabihin ko kay Jet na titigilan ko si Kaydence, iyon naman ang ginawa ko. Nag-file ako ng indefinite leave sa opisina. Gumawa ako ng letter na kay Sid direktang magre-report si Jeremy para sa mga trabahong ginagawa namin noon. Wala na din akong tatanggapin na tawag mula sa opisina kahit galing pa iyon kay Jeremy. Ang alam ko, hindi pa rin nakukumpleto ang reports ni Jeremy dahil nag-lie low ito. Mukhang nakakatunog ang mga gumagawa ng pagnanakaw sa company dahil maraming reports si Jeremy na hindi mabuksan.
"But are you going back?"
Nagkibit ako ng balikat. "I have too. Pero siguro tatapusin ko lang na malaman kung sino ang rumaraket sa office ni dad then after that, eskapo na ako. I got a call from Paris and they are inviting me to join this group of artists to exhibit our works. I might accept and I might stay there indefinitely."
Napatango-tango siya.
"Wow. So, you're going to fuck French women? Inggit ako. Sama." Tumatawa si Jet.
"Bilin mo muna 'yung isang painting ko isasama kita."
Napabuga si Jet sa narinig na sinabi ko.
"'Tangina! Ang mahal ng painting mo. Saan ako kukuha ng two hundred thousand para sa isang painting lang? Bigyan mo na lang ako."
"You're not my god damn friend. Dapat ikaw ang unang sumuporta sa mga gawa ko."
"Wala naman akong two hundred thousand. Baka ubos na ang lakas ko sa pagbebenta ng katawan, canvass pa lang na-afford ko sa gawa mo."
"O sige, ganito na lang. Pose naked for me. Kailangan ko ng male subject para sa isang art class ko." Natatawa ako. Parang 'di ko ma-imagine si Jet na nakahubo sa harap ko at nakalawit ang ano niya.
Napakamot ito ng ulo.
"Alam mo, 'tangina ka, eh. Pero dahil mahal kita, sige gagawin ko para sa iyo. Pero iyon ang gusto kong kapalit," itinuro niya ang isang painting na isa sa pinakamahal kong gawa.
"Na-ah. Hindi puwede. Naka-reserve na 'yan. I'll make something special for you."
"Siguraduhin mo iyan." Ang ganda na ng ngiti ni Jet at tumingin sa paligid. Alam kong naghahanap ito ng prospect na babae. "You didn't invite your roster of girls?"
"I said, no distractions."
Lumapad ang ngiti ko ng makita ko sa pinto si Uncle Guido na nakatingin sa akin. Nakangiti siya at kitang-kita ko na proud na proud siya sa pagkakatingin sa akin. Mabilis akong lumapit sa kanya at yumakap.
"Akala ko hindi ka na pupunta?"
"Puwede ba naman iyon? Hindi ako puwedeng mawala sa mga importanteng ganap sa buhay mo. Congratulations, Xavi. I am really proud of you." Marahan pa niyang tinapik ang pisngi ko.
Saglit kong tiningnan si Uncle. Nakangiti siya pero halatang may dinadala siya.
"Are you okay, Uncle?"
Tumingin siya sa akin at pilit na tumawa. "Yeah. This place is overwhelming. Ilang beses na akong nakapunta sa mga exhibits mo pero ibang-iba ito. I don't see boobies and pubes."
Tumawa din ako at napakamot ng ulo. Tuluyan kong inayos ang pagkakapusod ng buhok ko.
"Just to do something different. You know. I didn't get the subject that I wanted so, I need to think about something to compensate for that loss."
Nakatingin sa akin si Uncle at halatang binabasa ang mukha ko tapos ay napapailing na ngumiti.
"You didn't get the woman." Paniniguro niya.
"What woman? Marami akong babae, Uncle. Alam mo iyan."
"But you didn't get the woman that you really wanted." Parang alam na alam ni Uncle ang sinasabi niya.
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko at kumaway ako sa mga bagong pasok sa silid na kumaway sa akin.
"It doesn't matter. I am fine. She is fine. We're both fine." Napahinga ako ng malalim. Gustong-gusto ko ng tanungin si Uncle kung kumusta na si Kaydence. Isang buwan ko rin tiniis na huwag alamin kung ano na ang nangyayari sa kanya at sa asawa niya. Pero pinigil ko ang sarili ko. Lagi kong iniisip ang mga sinasabi ni Jet sa akin.
"I broke up with Mercedes." Nakatingin sa mga paintings ko si Uncle Guido.
"What? Why?" I know how he love that woman.
"I told her to stay with her family. With his children. It's too unfair for them."
"And you realized that now after twenty-nine years?"
"Titingnan ko kung kaya ko. Tatlong araw na akong walang tulog, Xavi. Pakiramdam ko mababaliw na ako. She wanted to leave her husband and I cannot allow that. I don't want her to leave her husband."
Inakbayan ko si Uncle at ramdam na ramdam ang bigat ng dinadala niya.
"I love her so much, but I cannot do anything."
"Uncle, I love someone too. But I chose to go the other way because I cannot see myself destroying a beautiful marriage. I know it's hard, but you will survive. Sama ka na lang sa akin sa Paris. We fuck French women." Pinipilit kong pagaanin ang nararamdaman ni Uncle.
Naramdaman kong binatukan niya ako.
"Napakaganda ng payo mo. Hindi ko alam kung iyan ba ang mga naituro ko sa iyo." Naiiling at natatawang sabi niya.
Lalo kong hinigpitan ang pagkaka-akbay ko sa kanya.
"Makakaya natin 'to, Uncle. Fucking love," natatawang sabi ko at kumaway sa waiter. "Let's enjoy this night and fuck pretty women."
Lumakas na ang halakhak ni Uncle.
---------------------
Kay's POV
Ang laki ng ipinagbago ni Jeremy.
Dati, close na close kami. Pinag-uusapan namin ang lahat ng mga bagay na nangyayari sa aming dalawa, sa pamilya namin, sa trabaho. Pero ngayon, ang dalas lang niyang nakababad sa opisina. Maagang aalis tapos gabing-gabi na uuwi. Tuwing weekend nag-o-overtime pa siya sa office. Halos hindi na kami magkita. Hindi na kami nakakapag-usap ng maayos.
Tingin ko ay naapektuhan siya sa biglang pag-alis ni Xavi. Bigla kasing nag-file ng indefinite leave ang lalaking iyon. Walang ibinigay na dahilan. Ipinasa si Jeremy sa bagong boss. Pero parang hindi feel ni Jeremy ang bagong boss niya. Lagi lang niyang sinasabi sa akin na importante ang ginagawa niya. Hindi puwedeng malaman ng kahit na sino dahil delikado. Madalas tahimik si Jeremy. Nakakapagtaka nga, pagkatapos ng birthday niya, pagkatapos na may mangyari sa amin, instead na mas maging intimate kami, maging mas close, lalo lang yata kaming lumayo sa isa't-isa.
Tulad ngayong gabi. Alas onse na at nakahiga na ako sa kama pero wala pa rin siya. Sanay na akong alas diyes, alas-onse o alas dose ang uwi niya. At pagdating, matutulog na lang sa sofa.
Napabangon ako dahil sa malalakas na kalampag sa pinto ng apartment. Mabilis kong tinungo iyon at binuksan at tuloy-tuloy na pumasok ang biyenan ko. Halatang natataranta.
"Bigyan mo ako ng pera."
"Ho? Ano hong pera?" Ano na naman ang kailangan ng biyenan ko ngayon at kailangan niyang pera ng alas onse ng gabi?
"Basta bigyan mo ako ng pera. Limang libo. Iyon ang kailangan ko."
"Pero 'nay kakabigay lang ni Jeremy sa iyo kahapon ng five thousand para pang-grocery." Katwiran ko.
"Iba 'yung bigay ni Jeremy, iba ang bigay mo. Bilisan mo. Huwag ka ng maarte diyan. Kailangan ko ng limang libo ngayon." Pumasok pa siya sa kuwarto ko at hinanap ang bag ko at ibinigay sa akin.
Napalunok ako. Tingin ko ay natataranta ang biyenan ko. Natataranta na natatakot.
"'Nay, bakit kailangan 'nyo ng pera?"
"Huwag ka ngang magtanong." Inagaw niya ang bag ko at kinuha ang wallet ko at binuksan. Wala naman akong perang nakalagay doon kundi dalawang one thousand lang. "Ano 'to? Limang libo ang kailangan ko." Parang maiiyak na siya.
"Iyan lang ang pera ko, 'nay. Wala pa hong suweldo."
Tumalim ang tingin niya sa akin. "Kahit kailan talaga wala kang kuwenta!" Nagmamadali siyang lumabas ng bahay habang patuloy sa pagbubusa. Napapikit lang ako at tinungo ang pinto. Isasara ko na lang iyon ng may lumapit sa akin. Isa sa mga chismosa na madalas kong makita na nakatumpok sa tindahan na dinadaanan ko.
"Kaydence, alam mo ba ang nangyayari sa biyenan mo? Naku, muntik ng maipa-barangay kanina. Paano hindi pa nababayaran ang utang 'dun sa majungan ni Urduja." Napa-tsk-tsk ba ang babae. "Bukas yata, tutuluyan ng ipa-barangay kasi malaki na ang utang."
Ngumiti lang ako at isinara ko na ang pinto ng bahay. Napasandal ako doon. Hindi na yata matatapos ang problema dito sa biyenan ko. Sigurado akong si Jeremy na naman ang kukulitin niya para mag-produce ng pera.
Kinuha ko ang telepono at sinubukan kong tawagan si Jeremy. Panay ring lang ang naririnig ko. Hindi sinasagot. Tapos naka-receive ako ng text.
Biyahe na ako. Pauwi na. Tulog ka na.
Typical lines na lagi kong nare-receive sa tuwing tatawagan ko siya kapag gabi na. Nag-reply ako.
Kakain ka ba?
Hindi na. Kumain na ako dito. Magpahinga ka na.
Ipinikit-pikit ko ang mata ko kasi nararamdaman kong namumuo ang luha doon. Bakit nararamdaman ko ang panlalamig ni Jeremy? Hindi kami ganito dati.
I love you, Jer.
Matagal bago ako naka-receive ng sagot sa kanya.
K. Tulog na. Huwag ka ng magpuyat.
Iyon ang nareceive kong sagot at tuluyan akong napaiyak.
Pilit kong iniisip kung ano ang problema naming mag-asawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top