CHAPTER TWENTY TWO - CERISE

"The enemy of art is the absence of limitations." - Orson Welles

------------------

Kay's POV

            Napaangat ang kilay ko dahil kaiba sa mga nagdaang araw, maagang umuwi si Jeremy ng araw na ito. Nag-overtime na nga ako sa trabaho dahil sigurado naman akong gagabihin siya pero pagdating ko ng bandang alas-otso, amoy ko na ang mabangong luto ng ulam. Napangiti ako. Amoy kare-kare.

            Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay at nakita ko nga na nakapatong sa sala ang mga gamit ni Jeremy. Naroon din ang ilang mga papel na madalas nitong dala pag-uwi pero wala siya doon. Sumilip ako sa kusina at nakita kong nandoon siya. Naghahanda ng mesa.

            Binitiwan ko ang bag ko at dahan-dahang lumapit sa kusina.

            "Jer?" Alanganin ang tawag ko. Kasi talaga nitong mga nakakaraang-araw halata kong iritable siya na kausap ako.

            Agad na nagliwanag ang mukha niya ng makita ako. Mabilis na binitiwan ang mga plato sa mesa at kinuha ang kamay ko para paupuin ako sa harap ng hapag.

            "Hindi ko ito niluto. Binili ko lang sa Max's pero ininit saka dinagdagan ng mga konting rekado," sabi niya at abala sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa.

            "Parang ang dami naman." Puna ko. Mayroon pa kasing pansit. May dessert pang cake.

            Parang nagtampo ang mukha ni Jer na tumingin sa akin tapos ay umupo sa harap ko.

            "Nakalimutan mo."

            "Ang alin?" Hindi ko talaga alam kung bakit may pa-ganito siya.

            "Anniversary ng pagkakakilala natin ngayon. Nakalimutan mo na? 'Yung nakipagkilala ako sa gate ng university. Bigla kitang hinalikan kasi akala ko ikaw 'yung girlfriend ko noon? Sinampal mo pa nga ako." Hinimas pa ni Jeremy ang kanang pisngi.

            Natawa ako ng maalala ko ang sinabi niya.

            "Grabe naalala mo pa iyon." Kasi hindi ko na talaga maalala iyon. Siguro sa dami ng mga iniintindi ko sa buhay ang mga pangyayari noon ay ibinaon ko na sa limot.

            "Hindi ko naman kakalimutan iyon. Iyon ang pinakamahalagang araw sa buhay ko kasi nakilala kita." Naramdaman kong hinawakan ni Jeremy ang kamay ko at hindi ko napigil ang pamumuo ng luha sa mata ko. Tapos ay tuluyan akong napayuko at hindi ko na napigil ang mga luha ko.

            "Bakit ka umiiyak?" Iniangat ni Jeremy ang mukha ko at tiningnan iyon. Pilit kong iniiwas ang mukha ko para hindi niya makita ang mga luha ko. Mabilis kong pinahid iyon.

            Inilapit ni Jeremy ang silya niya sa silya ko tapos ay hinawakan ang kamay ko at hinalikan iyon. Maya-maya ay niyakap niya ako ng mahigpit. Doon na ako umiyak ng umiyak. 'Yung ilang araw na sama ng loob dahil sa silent treatment at silent war naming dalawa na hindi ko naman alam ang dahilan.

            "Pasensiya ka na nitong mga nakakaraang araw. Nalilito lang ako. Maraming-marami ang tumatakbo sa isip ko kaya pati ikaw nadamay. Wala kang kasalan, Kay. Kung meron mang dapat sisisihin, ako iyon." Bahagyang nanginig ang boses ni Jeremy.

            Lalo akong nagsiksik kay Jeremy at umiyak ng umiyak.

            "Sorry talaga, Kay. Sorry sa nagawa ko. Kung maibabalik ko lang hinding-hindi ko gagawin iyon. Mahal na mahal kita." Ngayon ay umiiyak na rin si Jeremy.

            "Kung anuman iyon, Jer pinapatawad na kita. Dahil lang ba sa malamig na pakikitungo mo sa akin nitong nakaraan? Okay lang. Naiintindihan ko na marami kang trabaho. Naiintindihan ko na may mga moods ka. Iintindihin ko naman lahat. Kung may problema tayo, Jer sabihin mo naman sa akin para mapag-usapan natin. Kung nahihirapan ka sa trabaho, sabihin mo. Kaya kong magtrabaho para sa atin."

            Hindi sumagot si Jeremy at naramdaman kong hinalikan lang ang ulo ko.

            "Hindi na mauulit iyon." Huminga siya ng malalim. "Hinding-hindi ko na uulitin. Patawarin mo ako, Kay. Patawarin mo ako," paulit-ulit niyang sinasabi iyon.

            Hindi ko maintindihan si Jeremy kasi pakiramdam ko napakalaki ng kasalanan na nagawa niya sa akin para humingi siya ng tawad ng paulit-ulit.

            "Nambabae ka ba?" Iyon na lang naman ang maiisip kong matindi niyang puwedeng gawin para humingi siya ng tawad ng ganito.

            Natawa si Jeremy at umiling.

            "Hinding-hindi ako titingin sa ibang babae. Ikaw lang."

            "Bakit ganyan ka? Parang ang laki-laki ng kasalanan na ginawa mo?"

            Hindi siya sumagot at niyakap lang ako. "Basta patawarin mo ako."

            Humarap ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya.

            "Halikan mo lang ako, okay na. Mahal na uli kita." Nakangiti na ako sa kanya.

            Pero nakatingin lang sa akin si Jeremy at hinaplos lang ang mukha ko. Parang kinakabisado iyon tapos ay tipid na ngumiti.

            "Kumain na tayo. Lalamig ang pagkain."

            Hindi ko ipinakita sa kanya na medyo nadismaya ako na hindi niya ako hinalikan. Sumunod na lang ako sa sinabi niya at nagsimula na kaming kumain.

            Maraming kuwento si Jeremy. Kuwento siya ng kuwento tungkol sa mga kasamahan niya sa opisina. Kinukuwento niya ang bago niyang boss. Sid daw ang pangalan. Mabait daw. Maayos makisama pero wala pa rin daw tatalo sa kabaitan ni Xavi Costelo. Nahahalata ko sa boses ni Jeremy na parang masama ang loob niya na bigla na lang nawala si Xavi. Naiintindihan ko naman. Ngayon na lang uli nagkaroon ng parang kaibigan si Jeremy at nakita niya iyon sa katauhan ni Xavi tapos bigla pang nawala. Kaya siguro laging aburido ang asawa ko nung nakakaraan. Wala na siyang maka-kuwentuhan. Iba din naman kasi ang kuwentuhan namin bilang mag-asawa pero iba pa rin kung may ibang taong nakakausap.

            Pagkatapos kumain ay niligpit ko ang hapag. Naligo si Jeremy at napangiti ako dahil hindi siya sa sofa dumiretso. Doon siya tumuloy sa kuwarto namin. Mukhang bumabawi. Mabilis din akong naligo at dumiretso doon. Pagpasok ko ay naabutan kong nakapikit na si Jeremy. Dahan-dahan akong tumabi sa kanya at sumiksik. Naligo talaga akong mabuti. Nag-lotion pa ako saka nagpabango. Susubukan ko uli kung kaya namin gawin 'yung ginawa namin 'nung nakaraan.

            Sinimulan kong halikan sa tenga si Jeremy. Patalon-talon na halik ko hanggang sa leeg niya pababa sa balikat. Ang kamay ko ay humahaplos sa katawan niya pababa sa tiyan at pababa pa sa pribadong parte niya pero naramdaman kong mabilis niya iyong hinawakan tapos ay nakatingin na siya sa akin. Seryosong-seryoso ang mukha.

            "Matulog na tayo, Kay. Pagod ako ngayon," iyon na lang ang sinabi niya at tumalikod na sa akin.

            Sanay ako na pinipigil ako noon ni Jeremy kapag nakakalimot akong may diprensiya siya. Pero ibang klase ang pagkapahiya na naramdaman ko ngayon. Tanggap ko noon na wala siyang kakayahan na paligayahin ako sa kama. Pero nagawa niya uli iyon. After three years, nagawa niya akong paligayahin uli. Pero bakit ngayon? Bakit kung kailan puwede na, bakit ayaw na niyang gawin sa akin?

            Marahan akong lumayo kay Jeremy at tumalikod ng higa. Hindi ko napigil ang pagtulo ng luha ko at impit akong napaiyak. Ayokong marinig niyang umiiyak ako.

            Bakit ako sinasaktan ni Jeremy ng ganito kung mahal niya ako?

------------------

Xavi's POV

            Wala akong imik habang magkakaharap kami sa harap ng mesa ng mommy ko at si Ate Xandra. As usual, dad was not around kahit pasado alas-otso na ng gabi. Gagabihin daw para umattend ng meeting. Bihirang-bihira mangyari ito na nakakasabay kong kumain ang mommy ko at kapatid ko. Kung hindi pa nakiusap si Uncle Guido sa akin, hindi naman ako pupunta dito.

            I love my mom. I love my sister too. But this home, it never felt home when I was living here. It was more on like a cage because my dad keeps on nagging me on what to do. At first, I thought it was his style of disciplining me. Pero hindi. Habang lumalaki ako, nararamdaman kong hindi ako gusto ng daddy ko. Siguro kasi iba ako sa kanya. Hindi ko magustuhan kung ano ang gusto niya. Hindi ko magawa ang mga gusto niyang ipagawa sa akin. Kaya sanay ako sa bugbog ni dad. Elementary, highschool. Until college. Tumibay na nga yata ang katawan ko sa mga bugbog niya. Hindi siya nakikinig sa mga pakiusap ni mommy. Hindi ko alam kung bakit nagtitiyaga si mommy na makisama pa kay dad. Halatang-halata naman na napipilitan na lang silang makisama sa isa't-isa.

            "Your paintings were good. Ang gaganda," si mommy ang bumasag sa katahimikan naming tatlo. Nagkatinginan kami ni ate Xandra at nagkibit lang ito ng balikat. Ang alam ko kasi, balik na naman ito dito sa bahay dahil nagkahiwalay na ito ng boyfriend na sinamahan nito.

            "Thanks, mom." Nagkibit lang ako ng balikat at nagpatuloy sa pagkain.

            "I was told that you were doing good in your dad's business. That's great, Xavi. At least nagkakasundo na kayo ng daddy mo."

            Muli kaming nagkatinginan ni ate Xandra and this time, alam kong pinipigil na lang niya ang mapatawa.

            "Hindi lang kami nag-aaway dahil hindi kami nagkikita." Sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.

            Napahinga ng malalim si mommy. Alam ko ang ginagawa niya. She was trying to start a conversation to us. My sister was twenty-nine and I am twenty-seven. And all those years, my mom never asked us what we wanted in our lives. Pinabayaan niyang si daddy ang mag-manipulate sa amin. She was afraid of our dad. Pero kami ng ate ko, hindi ko alam kung saan kami nagmana ng pagiging rebelde. But my dad loved my sister. Ako? I am his ultimate failure.

            "I want to tell you two something." My mom cleared her throat. She was like suppressing herself not to cry in front of us.

            "Alright, hit it." Si ate ang sumagot noon habang patuloy sa pagsubo ng pagkain.

            Napalunok si mommy at parang kumukuha ng lakas ng loob na sabihin ang gusto niyang sabihin.

            "I am filing for an annulment. I don't want to be stuck in this marriage with your dad."

            Pareho kaming napahinto sa pagkain ni Xandra at napatingin kay mommy. Ngayon ay umiiyak na siya at parang nahihiyang nakatingin sa amin.

            "Mom? What's wrong?" Mahal ko ang nanay ko kaya kahit hindi ako umuuwi dito, ayoko naman na nakikita siyang umiiyak ng ganito.

            Umiling siya. "We talked about it. Ayaw niya but hindi ko na kaya. I don't love your dad. Kahit kailan hindi ko minahal ang daddy 'nyo."

            Tingin ko ay parang na-relieve si mommy ng sabihin niya iyon.

            "Mom, are you having an affair?" Si ate ang nagtanong noon.

            Hindi sumagot si mommy pero umiling lang. Tapos ay sumagot. "He ended it." Mahinang sabi niya.

            Mahinang napamura ang ate ko.

"Jesus Christ, mom. And it goes for how long? Kaya ba parang wala kang pakialam kay daddy dahil may iba ka?" Kita kong nagagalit na si Xandra kaya pinigilan ko na.

            "You don't understand, iha. It's too complicated." Ngayon ay umiiyak na si mommy.

            "Try us, mommy. We are fucking old. And ngayon 'nyo pa talaga naisip na hiwalayan si dad? Kung kailan na ang puputi na ng buhok 'nyo." Painis na binitiwan ni ate Xandra ang kubyertos na hawak niya.

            Umiiling na tumingin sa akin si mommy.

            "Please forgive me. I tried so hard to be a good mother, to be a good wife. But I cannot take it anymore. I don't want in this loveless relationship. I was never happy with your dad. He never made me feel loved." Napayuko si mommy at humahagulgol ng iyak.

            Sinalo ko ang ulo at pakiramdam ko ay sumasakit iyon. Minsan na nga lang kami maghaharap-harap na mag-iina, ganito pa ang pag-uusapan namin.

            Nakita kong pinahid ni mommy ang mga luha niya.

            "Sinubukan ko naman na mahalin ang daddy 'nyo. Pero hindi talaga. Please forgive me." Nakayukong sabi ni mommy.

            Alam kong gustong magwala ni ate Xandra pero pinigilan ko siya.

            "Ler her be. Desisyon niya iyan." Mahinang sabi ko sa ate ko.

            "Putangina. Don't you think hindi nakakahiya ito? Kapag lumabas ito sa mga kamag-anak natin, anong sasabihin sa atin? Failure na nga ako, pagdating kay mommy failure pa din." Napasabunot si ate sa buhok niya.

            "You are not a failure. Kaya tingin mo failure ka kasi hindi mo sinunod kung ano ang gusto mo. Look at me. Failure ako sa paningin ni daddy dahil hindi ko sinunod ang gusto niya. But, for myself, I am the most successful person because I can do what I want." Tumingin ako kay mommy at umiiyak lang siya harap namin. "She felt she was a prisoner in this marriage. Bakit kailangan itali ang sarili sa isang pagsasama na pakiramdam mo ay preso ka na? We are old enough to take care of ourselves, ate. Pabayaan naman natin na sumaya si mommy."

            "Ang what about dad? Ano 'yon? Pababayaan na lang natin si daddy na mag-isa?"

            Tumingin ako kay mommy.

            "He was having an affair too. Different women. I just don't want to tell you. Hindi bale ng ako ang masama sa paningin 'nyo. But this time, his current mistress is living in Makati. In Palisades. Nandoon ang daddy 'nyo ngayon. She is three years older than you Xandra and she is harassing me everyday."

            "And we are one fucked up family." Padabog na tumayo si Xandra at iniwan kami doon.

            Hindi ako makasagot at nakatingin lang ako kay mommy habang patuloy ito sa pag-iyak.

            "I am so sorry, Xavi. Please forgive me. I love you and your sister, but I cannot stay in this marriage anymore." Humahagulgol si mommy.

            Tumayo ako at niyakap ko si mommy. Lalo lang siyang umiyak ng umiyak.

            Matanda na si mommy. Maybe it's about time na makuha na niya kung saan siya talaga sasaya. Sino ako para pigilan siya sa gusto niyang gawin?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top