CHAPTER TWENTY THREE - HELIO
"The purpose of art is washing the dust of daily life off our souls." - Pablo Picasso
-------------------
Xavi's POV
I was trying to call ate Xandra. Gusto kong pag-usapan namin na magkapatid ang sitwasyon ng mga magulang namin. Higit sa lahat, ngayon kailangan ng magulang namin ang pang-unawa. I am not in favor of my parents' separation but kung wala na talagang pagmamahalan, bakit pa magtitiis? Ano iyon? Magtitiyaga na lang sa isang relasyon na parang impiyerno para lang walang masabi ang mga tao sa paligid?
Fucking mindset of those people. Kung ako ang nasa kalagayan ni mommy at alam kong wala na namang respeto o pagmamahal ang partner ko, I'll set her free. Kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao wala akong pakialam. Hindi ko siya itatali sa akin dahil lang sa mahal ko siya. Just like what I did to my feelings for Kaydence. Alam kong bawal at hindi kailanman magiging puwede kaya ako na ang bumitaw. Ako na ang iiwas. Iwas sakit na din.
Gusto ko sanang makausap ang daddy ko pero tinawagan ako ni Sid na kailangan ko daw dumaan sa opisina at may ipapakita siyang reports sa akin. Pasado alas-nuebe na naman kaya alam kong wala ng tao dito. Diretso ako sa dating office ko at doon ko na lang pinasunod si Sid.
Inisa-isa ko ang mga folders na nakapatong sa table. Ang tagal ko ding hindi nakabalik dito. Nakaka-miss din pala. Sumandal ako sa upuan ko doon at tumingin sa kisame. Getting out from this company was like getting out from Kaydence and Jeremy's ghost. Kung gusto kong kalimutan si Kaydence, kailangan ko ding kalimutan at iwasan si Jeremy.
Mahirap din sa akin iyon. Jeremy was a good man. Gusto ko ang personality niya, magaan siyang kasama kaya lang, in-love ako sa asawa niya. And I cannot break the friendship that we built just because I am in-love with his wife. Kaya ako na lang ang lalayo. Maybe someday, kapag sinuwerte, makatisod din ako ng babaeng katulad ni Kaydence. Maging kasing-suwerte din ako ni Jeremy.
"Sir?"
Napaangat ako ng ulo at tumingin sa pinto. Takang-taka na nakatingin sa lugar ko si Jeremy. Hindi makapaniwalang naroon ako.
"Jer? What are you doing here?" Napatayo ako sa kinauupuan ko at nagtatakang lumapit sa kanya. Tumingin ako sa relo. Pasado alas-nuebe na nga bakit narito pa ang lalaking ito?
"Magre-report po ako kay Sir Sid." Alanganing sabi nito at hindi malaman kung papasok o hindi sa kuwarto.
"At this hour? Lagi ka bang pinag-o-overtime ni Sid?" Dahil kung ginagawa ni Sid ito, talagang papaliguan ko ng sermon ang lalaking iyon.
Umiling si Jeremy. "Madalas akong nag-o-overtime dahil sa ganoong oras lang ako nakakagawa ng mga trabahong pinapagawa mo." Tumingin siya ng makahulugan sa akin.
"Come in." Sinenyesan ko siyang pumasok.
Ngumiti ng mapakla si Jeremy at pumasok. Naupo sa harap ng mesa ko. Hawak niya ang ilang folders na alam kong reports na ginawa niya.
"How are you?" Napakamot ako ng ulo. "Pasensiya ka na kung bigla akong nawala after ng birthday mo. I needed to finish my paintings for my exhibit, and it went well. Pasensiya na kung hindi kita nasabihan personally na magkakaroon ng transition dito. I just needed to find myself first," napahinga ako ng malalim ng sabihin iyon.
Natawa si Jeremy at napailing. "Lasing na lasing ka noon, Sir."
Natawa ako at parang gusto kong mahiya sa naaalala kong nangyari. Although blurry, pero alam kong nakakahiya ang mga ginawa ko.
"Pasensiya ka na. Nag-enjoy lang ako sa birthday mo. Nagulat nga ako paggising ko nandoon na ako sa kuwarto ko." Nakita kong nakatingin lang sa akin si Jeremy. "So, how's your treatment? Everything is fine? Okay na kayo ng asawa mo? Kailan ba ako magiging ninong?"
Tumawa si Jeremy pero halatang pilit na pilit iyon.
"Okay na okay, Sir. Tingin ko posibleng maging ninong ka." Huminga siya ng malalim. "Sir." Ang seryoso na ng mukha niya. Tingin ko ay parang may gustong sabihin na importante.
"What?" Tinapunan ko siya ng tingin tapos ay itinuon ang atensyon sa mga papel na hawak ko.
Hindi nagsalita si Jeremy kaya tumingin ako sa kanya. Halata naman kasi na may gusto siyang sabihin.
"Anong sasabihin mo?"
Napakamot siya ng ulo tapos ay huminga ng malalim. "Wala ka talagang maalala 'nung gabi ng birthday ko?"
Natawa ako at napailing.
"I had the worst hangover the night after. Halimaw 'yung gin na panainom mo. Well, I picked up some chick, brought her in my place and you know. I had a blast on your birthday. It was the best," kumindat pa ako sa kanya.
Napa-hmm lang si Jeremy at ngumiti ng pilit at napatango-tango.
"A-ako din, Sir. Birthday ko na hinding-hindi ko makakalimutan." Napa-ehem pa siya at iniabot ang mga folders sa akin. "Mukhang magtatagal pa bago dumating si Sir Sid. Sa iyo ko na lang ito ibigay. Nandiyan 'yung paper trail kung saan napupunta 'yung perang ninanakaw dito sa company. Positive, Sir. Account iyon ni Danica Choi. 'Yung ex mo."
"What? Are you sure about this?" Inisa-isa ko ang folders na ibinigay ni Jeremy. Ang daming numbers. Sa totoo lang hindi ko ito masyadong maintindihan pero ipinapaliwanag ni Jeremy kung paanong napupunta sa account ni Danica ang perang ninanakaw.
"Gumagamit sila ng bogus suppliers. Kung may metal orders ang company, siya na ang gumagawa. Binabayaran ng company pero hindi dumadating ang supplies. Kasi 'yung supplier, gawa-gawa lang ni Danica. Gumagamit sila ng fake bank accounts at doon bumabagsak ang pera. Sir, naniniwala ako na hindi lang siya ang gumagawa nito. May kasabwat 'yan."
"Fuck," naitakip ko ang kamay ko sa bibig. Wala akong masabi dito.
"Tingin ko, Sir isang sindikato 'yan dito sa company 'nyo. Bawat department may tao sila kasi paano nila nagagawa iyan? Paano nakakalusot sa audit?"
"Huwag mo na itong ibigay kahit kanino. Ako na ang bahala dito." Inilagay ko sa dala kong bag ang mga reports ni Jeremy.
Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa akin.
"Go home, Jer. Gabi na. Be with your wife. Huwag naman puro trabaho. Baka hindi na ako maging ninong niyan," biro ko sa kanya.
Ngumiti lang siya sa akin at tumayo na at kinuha ang mga saklay niya at naglakad palabas ng silid. Bago lumabas ay muling tumingin sa akin parang nag-aalanganin na may gustong sabihin.
"You need to say something, Jer?"
"Sir, kung may nagawa man akong hindi maganda sa iyo, sana patawarin mo ako." Seryosong-seryosong sabi ni Jeremy sa akin.
Kumunot ang noo ko at napatawa.
"I am just caught up with my art life kaya hindi na ako makakatutok dito. But you didn't do anything wrong. You are the most honest person that I met, and I am glad that our paths crossed."
Napabuga ng hangin si Jer at ngumiti tapos ay kumaway na sa akin tapos ay tuloy-tuloy ng lumabas.
Doon lang ako parang nakahinga ng maluwag. Gustong-gusto ko ng kumustahin si Kaydence pero talagang pinigil ko ang sarili ko. Dumukot ako ng sigarilyo sa bulsa at nagsindi. Para yata akong malulunod. Hindi ako makahinga.
Muli kong binuksan ang folders na ibinigay ni Jeremy sa akin. This is fucking huge. Malaking issue ito kapag may nakaalam nito. Hindi puwedeng basta-basta na pagbintangan si Danica. She is the daughter of one of the stockholders here. Siguradong i-de-deny nila ang allegations na ito. Should I tell this to my dad? Makikinig naman kaya sa akin ang daddy ko? Baka sabihin pa, gawa-gawa ko lang ito para bumango sa kumpanya niya.
Mahina akong napamura at tiningnan ang cellphone kong nag-vibrate. Nag-text si Sid. Hindi na daw makakabalik at kailangan ng umuwi. Isinugod daw sa ospital ang kapatid.
Wala na rin naman akong gagawin. Binitbit ko ang lahat ng mga folders na ibinigay ni Jeremy at lumabas na doon. Itinapon ko sa kalapit na basuran ang sigarilyo at tuloy-tuloy ng bumaba. Kumaway pa ako sa guard bago tuluyang sumakay sa sasakyan. Idiniretso ko sa unit ko. Magpapahinga na muna ako.
Ilang minuto din akong nagbabad sa shower bago tuluyang nahiga sa kama. Sa dami ng mga nangyayari sa buhay ko, hindi ko na alam kung ano ang uunahing ayusin. The problem of my parents, problem in the office, continuous call from the art gallery in Paris, si Kaydence.
"Fuck me," mahina kong sabi at sinabunutan ko ang sarili ko. Kapag nalaman ni Jet na iniisip ko pa rin si Kaydence, baka tuluyan na rin akong kalbuhin noon.
Ang tagal ko pa bago dalawin ng antok. Sana pala sumama na lang ko kina Jet sa bar. Pero hindi. Magpapahinga na lang din ako. Nang nararamdaman kong tinatamaan na ako ng antok, bigla namang tumunog ang telepono ko.
"Who is this?" Unknown number kasi ang nagri-register.
"Sir! Nasusunog po ang opisina!"
Nailayo ko ang telepono sa tenga ko dahil ang ingay ng background na naririnig ko. Ang lakas ng tunog ng sirena. Maraming sumisigaw.
"Sino 'to?"
"Sir, si Ruben. 'Yung guard. Sir, ang bilis kumalat ng apoy. Sir, nasa taas pa si Jeremy."
Napatayo ako sa narinig ko. "What? Umuwi na siya kanina pa. Bago pa ako umalis, nauna na siya."
"Hindi, Sir. Hindi siya nag-log out. Sir, ang lakas na ng apoy sa third floor. Ang kapal na ng usok." Napa-ubo-ubo pa ito.
"Damn it," hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi niya. Pagkasuot ko ng pantalon at t-shirt ay nagmamadali akong sumakay sa sasakyan ko. Tinatawagan ko ang telepono ni dad pero hindi siya sumasagot. Kung kailan kailangan, saka hindi sumasagot.
Halos paliparin ko ang sasakyan para lang makarating sa opisina. Ang dami ng bumbero. Ang kapal na nga ng usok na nanggagaling sa third floor ng building.
Ipinarada ko hindi kalayuan ang sasakyan ko at patakbong papasukin ang building. Maraming mga bumbero ang pumigil sa akin.
"I have a friend inside." Naiiyak na sabi ko. Hindi ako makaalpas sa apat na bumberong pumipigil sa akin. Grabe ang takot na nararamdaman ko dahil sa kapal ng usok na lumalabas.
"May mga tao na tayo sa loob, Sir. Hindi 'nyo na kailangang pumasok."
Painis akong kumawala sa kanila at parang mababaliw na sabunot ang sarili ko habang nakatingin sa nasusunog na building.
Maya-maya ay nakita kong nagtatakbuhan ang mga bumbero. May papalabas galing sa building. May akay-akay na tao. Mabilis akong lumapit at para akong pinagsakluban ng langit at lupa ng makita kong si Jeremy iyon. Agad itong isinakay sa stretcher. Walang malay. Napakadumi ng itsura. Punong-puno ng abo at uling. May mga burns din sa katawan. Tingin ko nga ay hindi na humihinga.
"Diretso 'nyo na sa ospital!" Hindi ko alam kung sino ang nagsabi noon.
Sumama ako ng isakay sa ambulansiya si Jeremy. Nilagyan lang siya ng oxygen sa ilong kasi talagang hindi na yata siya humihinga.
"Jer," napapiyok pa ako ng sabihin iyon. "Jeremy."
Nanatiling nakapikit lang siya at walang kagalaw-galaw. Napatingin ako sa kamay niya at nakita ko ang wedding ring niyang suot. Tumulo ang luha ko ng maisip ko si Kaydence. Paano ko ito sasabihin kay Kaydence?
Pagdating sa ospital ay agad na dinala sa emergency room si Jeremy. Pakiramdam ko ay para akong nasa pelikula. Ang bilis ng lahat ng pangyayari. Hindi ko masundan. May mga itinatanong sa akin ang mga doctor na hindi ko masagot. Pagkatapos mabigyan ng first aid sa ER, pina-diretso sa ICU si Jeremy. Comatose.
Hindi mag-sink in sa akin ang explanation ng doctor. Dahil daw sa sobrang exposure ni Jeremy sa makapal na usok, naka-apekto daw iyon sa katawan ng lalaki. Hindi ko maintindihan. Fucking medical terms. Pero iisa ang sinasabi nila, masama ang lagay ni Jeremy.
Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang telepono ni Jeremy. Nakatitig lang ako sa pangalan ni Kaydence na nasa contacts niya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang nangyari sa asawa niya.
-----------------
Kay's POV
Tulad ng mga nakakaraang araw, nag-aalala pa rin ako dahil wala pa rin si Jeremy. Mag-a-alas onse na naman. Gabi na naman siyang uuwi. Napabuga ako ng hangin. Sabi niya, babawi siya sa akin pero parang hindi rin naman nagbago. Ganoon pa rin si Jeremy. Dumidistansiya pa rin sa akin.
Wala sa loob na napahawak ako sa tiyan ko at napangiti. Siguro kapag nalaman niya ang magandang balita, babalik na siya sa dati. Matagal na namin itong pinapangarap na akala ko hindi na ibibigay sa amin.
Muli kong tiningnan ang pregnancy test kit na hawak ko at napangiti ako habang nakatingin sa two red lines na naroon. Kung noong una na nabuntis ako ay takot ang naramdaman ko ng makita ko ang two red lines, ngayon sobrang excitement. Ang saya-saya ko. Alam kong masyado pang maaga para magpakasaya dahil marami pang puwedeng mangyari, pero iingatan ko na ito. Ayoko ng mawalan kami uli ng anak ni Jeremy.
Napahinga ako ng malalim. Maselan pa naman ako magbuntis. Kakayanin kaya ni Jeremy na siya lang ang nagta-trabaho? Ayoko naman mag-resign kasi malaking tulong din ang trabaho ko sa pamilya namin lalo na nga ngayon na magkaka-anak na kami.
Ano kaya ang problema ng asawa ko? Bakit kaya siya ganoon? Iniisip ko talaga baka may ibang babae ang Jeremy na ito. Pero naisip ko naman, may papatol pa ba sa asawa ko. Putol na ang paa noon. Pero guwapo pa din ang asawa ko kahit na nga putol na ang paa niya. Makakabulag pa rin iyon. Kaya nga niya ako nabulag.
Natawa ako mag-isa. Ganito talaga kapag buntis. Kung ano-ano ang naiisip. Bukas magli-leave ako sa trabaho. Magpapa-check up na ako agad kahit early pregnancy pa lang ito. Iingatan ko ang anak namin dahil ayoko ng mawala uli ito.
Tumunog ang telepono ko at nakita kong si Jeremy ang tumatawag sa akin.
"Jer, buti naman at nakaalala kang tumawag. Kanina pa ako nag-aalala." Iyon agad ang bungad ko sa tawag niya.
Wala akong sagot na narinig mula sa kabilang linya.
"Jer, nasaan ka na ba?"
Mahinang ehem lang ang narini ko at mahihinang paghinga.
"Jeremy, nasaan ka?" Tinaasan ko na ang boses ko.
"K-Kaydence."
Kumunot ang noo ko. Hindi ito boses ng asawa ko.
"Sino ka? Bakit gamit mo ang telepono ng asawa ko?" Grabe ang kabog na bumundol sa dibdib ko.
"Kay, umm this is Xavi." Parang ayaw pang magpakilala ng kausap ko.
"Xavi? Sir? Bakit gamit 'nyo ang phone ni Jeremy?" Magkasama ba sila? Kailan pa bumalik sa opisina si Xavi?
"T-there was an-" panay ang ehem ng kausap ko mula sa kabilang linya. "There w-was an accident."
Napahigpit ang hawak ko sa telepono ko. Humihingal ako sa takot at kaba na nararamdaman ko. Ganitong-ganito ang pakiradam ko noon ng may mangyari kay Jeremy.
"S-sir, a-anong aksidente?" Hindi na ako makapagsalita kasi parang sumisikip na ang lalamunan ko. Hindi na ako makahinga.
"T-there was a fire in the office and Jeremy was trapped inside. He is in the hospital. He is in coma," humina na ang boses ni Xavi ng sabihin iyon. Basag na rin ang boses nito.
Alam kong may sinasabi pa si Xavi sa kabilang linya pero parang nanghihinang nabitawan ko ang cellphone ko na hawak. Parang wala akong lakas na nakaupo lang sa kama.
"J-jer," nahawakan ko ang ulo at para yata akong nahihilo.
Pilit kong hinanap ang telepono ko para tawagin uli si Jeremy. Mali. Hindi totoo ang sinasabi sa akin. Hindi totoo iyon.
Nanginginig ang kamay ko habang idina-dial ko ang number ni Jeremy. May sumagot pero hindi boses ni Jeremy.
"Jeremy. Nasaan si Jeremy?" Umiiyak na ako.
"K-kay, susunduin kita." Boses ni Xavi iyon.
"Hindi. Gusto kong makausap si Jeremy."
"Wait for me and I'll pick you up."
Wala na akong nasabi at para akong batang napasalampak na lang sa sahig.
Hindi naman nagtagal at dumadating na si Xavi sa bahay. Dire-diretso siyang pumasok sa bahay namin at ng maabutan akong nakasalampak sa sahig ay tinulungan niya akong makabangon. Para akong robot ng isakay niya sa kotse at dumiretso kami sa ospital.
Hindi ko maihakbang ang mga paa ko papasok sa ICU. Kinailangan pa akong alalayan ni Xavi para lang makalapit ako sa kama ni Jer.
Parang ganito rin 'yung nangyari noon ng maaksidente siya. Naulit lang. Ganitong-ganito ang itsura ni Jeremy mas malala pa. Pero ngayon, bakit pakiramdam ko wala na siya?
Agad kong hinawakan ang kamay ni Jeremy at hinalikan iyon.
"Jer, nandito na ako. Anong ginawa mo? Sabi ko umuwi ka na ng maaga 'di ba?" Wala akong tigil sa pag-iyak habang hinahalikan ang kamay niya.
"Sana umuwi ka na lang ng maaga para nasabi ko sa iyo 'yung magandang balita." Ibinaba ko ang kamay niya at itinapat sa tiyan ko. Nakatingin lang ako sa mukha niya na natatakpan ng oxygen mask. Humihinga sa tulong ng respirator.
"Jeremy, magiging pamilya na tayo." Pilit kong ibinubuka ang kamay niya at inilalapat sa tiyan ko. "Jer, magiging tatay ka na." Napahagulgol na ako ng iyak. Hindi na ako makahinga sa sobrang pag-iyak.
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at nakita kong si Xavi iyon. Malungkot din siyang nakatingin sa akin.
Wala na akong masabi. Yumakap na lang ako sa kanya at doon umiyak ng umiyak. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa asawa ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top