CHAPTER TWENTY SIX - CHARCOAL

"The worst enemy to creativity is self-doubt." - Sylvia Plath

----------

Kay's POV

            "Kaydence! Kaydence! Stop running!"

            Hindi ko pinapakinggan ang pagtawag sa akin ni Xavi. Patuloy lang ako sa pagtakbo. Hindi totoo ang sinasabi niya. Walang masamang nangyari sa asawa ko. Labong-labo na ang mga mata ko at halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko. Kailangan ako ni Jeremy.

            Nagmamadali akong makapasok sa ICU. Malayo pa lang ay naririnig ko na malalakas na iyakan. Kilala ko ang boses na iyon. Sa ilang taon naming pagsasama ni Jeremy, kabisadong-kabisado ko na ang tinig na iyon. Iyak iyon ng biyenan ko. At hindi pang-best actress na iyak. Totoong umiiyak ang biyenan ko.

            Nanginginig ang mga tuhod ko ng makarating ako sa kuwarto ni Jeremy. Naroon nga ang biyenan ko at ang hipag ko. Parehong umiiyak sa tabi ng kama ng asawa. Ang maingay na aparatong naririnig kong tumutunog sa tuwing humihinga si Jeremy ay tahimik na tahimik. Nakapatay na ang mga monitors na nag-mo-monitor ng heartbeat niya. Wala na rin ang tubong nakakabit sa bibig niya. Walang kahit na anong aparato na nakakabit sa katawan niya.

            "Jer," nanginginig ang boses ko habang lumalapit kay Jeremy. Nakahiga lang siya sa kama. Parang payapang natutulog. Kaibahan lang, wala akong nakikitang pag-angat ng dibdib niya. 'Yung nakikita ko siya noon na parang hirap na huminga. Ngayon, wala siyang kakilos-kilos.

            "Jer, umalis lang ako saglit kasi may inayos lang ako. Jer, nandito ako." Lumapit pa ako sa kanya at hinawakan ko ang braso niya. Mainit pa. Nilapitan ako ng doctor at hinawakan sa balikat.

            "We did everything we could, Mrs. Montecillo. I am so sorry for your loss." Mahinang sabi ng doctor.

            "Anong loss? Hindi. Hindi patay ang asawa ko," tiningnan ko si Xavi na humihingal na nakasunod sa akin. "Hindi. Hindi totoo." Muli kong tiningnan si Jeremy. "Jer, gumising ka na. Jeremy." Pilit kong niyuyugyog ang katawan niya.

            Lalong naglakasan ang pag-iyak ng biyenan ko at hipag ko. Naramdaman kong inalalayan ako ni Xavi.

            "Huwag mo akong hawakan!" Bulyaw ko sa kanya at hinaplos ko ang mukha ni Jeremy. Tinapik-tapik ko pa ang mukha niya. "Jer, please. Gumising ka naman. Huwag naman ganito." Hagulgol ako at sumubsob sa dibdib niya. Wala akong marinig na pintig doon.

            Pilit kong kinuha ang kamay niya at inilagay iyon sa mukha ko. Napuno ng luha iyon.

            "Jeremy, ano ba? Please. Huwag naman ganito. Huwag mo naman akong iwan ng ganito. Gagawa ako ng paraan. Sabi ko sa iyo, kahit anong sakripisyo gagawin ko. Huwag naman ganito," pilit kong pinapagalaw ang mga daliri ni Jeremy. Pero unti-unti ng nawawala ang init noon.

            Tumingin ako sa doctor. "Doc, pakitingnan naman po ang asawa ko. 'Y-yung kamay niya malamig na. B-bakit hindi siya humihinga?" Nagpapalahaw na ako doon.

            "Kaydence, calm down. It will be bad for your baby," mahinang sabi ni Xavi sa akin pero itinulak ko siya palayo.

            "Mrs. Montecillo, I am so sorry. We did everything we could. But his heart was already damaged because of too much smoke inhalation. We were expecting this already." Mahinahong paliwanag ng doctor sa akin.

            Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ng doctor. Iisa lang ang isinisigaw ng isip ko. Wala na si Jeremy. Iniwan na ako ng asawa ko.

            "Jeremy! Huwag mong gawin sa akin ito!" Pilit kong niyuyugyog ang katawan niya. Pilit ko siyang ginigising. Pero kahit anong gawin ko, latag na latag ang katawan ni Jeremy. Walang sagot na ibinibigay sa akin.

            Gusto kong magalit sa asawa ko. Bakit niya ako iniwan ng ganito? Paano na ako? Paano ako magpapatuloy sa buhay kung wala na rin naman siya sa tabi ko?

            Pakiramdam ko ay dumudoble ang paningin ko at para akong masusuka. Napahawak ako sa kung sino man na nasa tabi ko at tuloy-tuloy akong bumagsak. Parang gulaman sa lambot ang tuhod ko at hindi ko alam kung sino ang sumalo sa akin.

            "Kaydence, hey." Boses ni Xavi iyon. "Doc, can we please do something about her?" Halatang natataranta.

            Wala na akong pakialam kahit ng buhatin ako ni Xavi. Parang wala na akong lakas. Inihiga ako sa isang kama tapos maya-maya lang ay unti-unting lumalabo ang lahat hanggang sa lahat ay magdilim na.

----------

            Mukha ni Xavi ang nabungaran ko ng magmulat ako ng mata. Nakatingin lang siya sa akin at punong-puno ng pag-aalala ang mukha. Mabilis akong bumangon pero pinigilan niya ako.

            "S-si Jer-"

            "Just lie down," putol niya sa sasabihin ko. "He is still in the morgue. Your mother in law and sister in law are preparing the wake at home. Huwag mo ng intindihin ang bayarin sa ospital. It's settled already."

            Muling namuo ang mga luha sa mata ko sa realization na wala na akong asawa.

            "Do you want to call someone?" Malungkot na malungkot din ang boses ni Xavi.

            "Mommy ko. Pero hindi ko alam kung kakausapin pa niya ako. My parents disowned me." Tuluyan na akong napaiyak. Sa pagkakataong ito, hindi ko na talaga kakayaning mag-isa. Kailangan ko na ng masasandalan.

            Dinukot ni Xavi ang telepono niya at iniabot sa akin. "Call them."

            "It's been six years. Hindi ko alam kung kakausapin pa nila ako."

            "Try, Kaydence. They are your family. Kung anuman siguro nangyari noon, napatawad ka na nila. Call them, please." Pilit niyang iniaabot ang telepono sa akin.

            Nanginginig pa rin ang kamay ko ng kunin ang telepono at i-dial ang number ng mommy ko. Grabe ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay kong sagutin niya iyon. Lalo akong nakaramdam ng kaba ng may marinig akong nag-hello. Boses ng mommy ko.

            "M-mommy. Si Kaydence po ito," hindi ko na nasundan ang sasabihin ko dahil napahagulgol na ako ng iyak. Wala akong sagot na narinig sa mommy ko. "Mommy, sorry po. Kung anuman po ang nagawa ko noon, please patawarin 'nyo na po ako. Mommy, wala na ang asawa ko. Mommy, wala na si Jeremy." Wala na akong masabi dahil iyak lang ako ng iyak.

            Wala pa ring sagot akong narinig. Tumingin ako kay Xavi at umiling lang. Pinatay ko na ang telepono at ibinalik sa kanya. Hanggang ngayon galit pa rin ang mommy ko sa akin.

            "They still hate me." Pinilit kong bumangon pero pinigilan ako ni Xavi. "Kailangan kong puntahan si Jeremy."

            "Pabayaan mo na munang ang biyenan mo ang mag-asikaso kay Jeremy. Magpahinga ka muna, Kay. Baka mapaano ka. Baka mapaano kayo ng anak mo. Isipin mo naman ang magiging kalagayan ng anak mo kung magpapabaya ka sa sarili mo."

            Nakita kong may lumapit na nurse sa akin at tumingin ito kay Xavi. Tumango lang si Xavi at kinuha ng nurse sa mga dala niya ang isang syringe at isinaksak sa braso ko.

            "You need to take rest, Kay. Huwag kang mag-aalala. Ako na ang bahala." Marahan pang hinaplos ni Xavi ang ulo ko.

            Napatitig lang ako sa kisame at pakiramdam ko ay bumibigat ang mga mata ko. Pinipilit kong imulat pero kusang pumipikit. Hanggang sa hindi ko na makayang pigilan at tuluyan na akong pumikit. Tuluyan na akong kumawala sa sakit na nararamdaman ko.

-------------------

Xavi's POV

            Kanina pa ako timping-timpi habang nagmamaneho pauwi.

            Kanina ko pa tinatawagan ang daddy ko pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Kay mommy ko tinanong kung nasaan siya. Kahit nandoon siya sa bahay ng kabit niya, susugurin ko talaga siya doon. Pero sabi ni mommy, nasa bahay daw si daddy. Makikipag-usap sa kanya.

            Pabalagbag ang ginawa kong pagparada ng sasakyan ko sa harap ng bahay namin. Binubuksan pa lang ng maid ang gate ng bahay ay itinulak ko na iyon.

            "Dad!" Umalingawngaw sa buong bahay ang boses ko. Wala akong pakialam kung makabulahaw man ako ng kapitbahay. Ang kailangan ko ay makaharap ko ang daddy ko.

            "Daddy!" Patakbo akong pumasok sa loob. Sinalubong ako ni Perla na assistant ni mommy. "Where's dad?"

            "Nasa office niya sa taas. Kausap ang mommy mo," sagot nito. Alam kong may sasabihin pa siya pero tinalikuran ko na. Hindi na ako kumatok at pasalya kong binuksan ang pinto ng office ni dad.

            "Did you know what happened to Jeremy Montecillo?" Pigil na pigil ko ang galit ko na sugurin ang daddy ko. Halatang nagulat siya sa pagpasok ko doon at maging ang mommy ko ay parang natatarantang tumingin sa akin.

            "In the hospital. Nagnakaw siya sa kumpanya ko. Pasalamat nga siya hindi ko na ipu-push ang kaso niya," umiling lang si dad at hinarap nito ang mga papel na nakasalansan sa harap niya.

            "He is dead! At pinabayaan mong hindi tulungan! Hindi magnanakaw si Jeremy. Alam mong hindi rin siya ang nagsimula ng sunog sa company. Why are you pinning him on something he didn't do?" Naramdaman kong hinawakan ako sa braso ni mommy at pinapalayo sa daddy ko.

            Sinamaan ako ng tingin ni dad at umiling lang.

            "You don't know what you're talking about."

            "Fuck you, dad! He has a family. May kapansanan na 'yung tao, idinidiin 'nyo pa. Bakit hindi 'nyo na lang sabihin ang totoo na may magnanakaw talaga sa kumpanya mo?" Hindi ko na napigil ang bibig ko.

            "Xavier! Language!" Bulalas ni mommy.

            Tumalim ang tingin sa akin ng daddy ko at marahas itong tumayo at lumapit sa akin. Pero hindi ako tuminag. Hinintay ko kung anong gagawin niya sa akin. Kung sasaktan niya ako, lalaban ako sa kanya.

            "Alam kong alam mo dad na hindi si Jeremy ang nagsimula ng sunog. Someone inside your office started it. They wanted to erase their tracks dahil nalaman na ni Jeremy kung sino ang nagnanakaw sa company and he paid it with his life."

            Mariing hinawakan ni dad ang mukha ko.

            "You ungrateful mongrel." Nanlilisik ang mata ni daddy habang nakatingin sa mukha ko. "Jeremy didn't start it. He was just at the wrong place at the wrong time. But I needed to pin the fire to someone else, so you won't go to jail."

            Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

            "Your fucking cigarette butt started the fire." Patulak na binitiwan ni dad ang mukha ko. Lumapit siya sa mesa at dinampot ang telepono niya at nagpipindot doon tapos ay ibinato sa akin.

            "Watch the cctv footage. Kitang-kita ka na nagtapon ng sigarilyo sa basurahan hanggang sa magsimula ang apoy diyan," hinilot pa ni daddy ang ulo niya.

            Nakakunot ang noo ko habang pinapanood ang video. Naroon nga ako. Nagtapon ng sigarilyo sa basurahan. But imposibleng pagsimulan ng sunog iyon. It was a stainless trash can. But the fire started to make a trail from the trash can up to the next room. The stockroom. And no more footages after that.

            "If the board sees that, the company will be compromised. You will go to jail."

            "What? But this was an accident. Not intentional." Lumapit ako sa daddy ko. "Dad, someone was trying to frame me. They know that Jeremy and I were digging something. We were looking for the missing money. Hindi mo ba ito nakikita? O ayaw mo lang talagang tingnan dahil busy ka sa mga ka-affair mong babae."

            "Watch your fucking mouth. Affair? Why don't you ask your mother about having an affair?" Tiningnan ni daddy si mommy na nasa isang sulok at napalunok na tumingin sa akin.

            "Xanthus!" Saway ni mommy.

            "You don't need to tell me, dad. I knew it already. She told me. And she also told me about your mistresses. Pareho lang naman kayo. So, don't act like a scorned lover. She hurt you? You hurt her so many times too. Patas lang kayo."

            Hindi nakasagot si daddy pero halatang galit na galit siya sa akin.

            "You fix this, dad. Ayusin mo naman ang pangalan ni Jeremy. Hindi siya masamang tao. Fuck the money. Kahit sige, huwag 'nyo ng ibigay ang compensation niya. Ako na ang bahala doon. But please, don't make him look bad to other people. He didn't do anything wrong. Mahirap siya pero hindi siya magnanakaw. Namatay na 'yung tao, ibigay naman natin 'yung respeto para sa kanya. Huwag mo naman siyang gawing taga-salo ng kasalanan ng iba."

            "If they want to send me to jail because of that, go ahead. Hindi ako natatakot. But fix this. Please. Hindi magnanakaw si Jeremy Montecillo. Why don't you start digging about Danica's money?" Hinagis ko sa mesa ni daddy ang mga folders ng report ni Jeremy.

            "For once, dad." Diniinan ko ang salitang dad. "Be a father to me."

            Hindi ko na hinintay na magsalita pa ang daddy ko. Tinalikuran ko na siya. Babalikan ko si Kaydence sa ospital. Kailangan niya ako ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top