CHAPTER TWENTY SEVEN - ABALONE
"A genuine work of art, can never be false, nor can it be discredited through the lapse of time, for it does not present an opinion but the thing itself." - Arthur Schopenhauer
Kay's POV
Marami ng tao sa tapat ng apartment namin ni Jeremy. Napalunok ako ng makita ko ang tarpaulin na nakasabit sa tapat ng bahay. Nakalagay doon ang mukha ni Jeremy. Kuha niya iyon ng maka-graduate siya.
In loving memory of Jeremy Montecillo.
Agad na bumukal ang luha sa mga mata ko ng mabasa iyon.
Totoo nga. Wala na talaga si Jeremy.
Kahapon sa ospital, iniisip kong isang masamang panaginip lang ang lahat. Isang bangungot na pagkagising ko normal na uli ang lahat. Pero ng magising ako kanina, ramdam kong may kulang na. Hindi na ako kumpleto. Isang bahagi ng pagkatao ko ang nawala.
Ayaw pa akong palabasin ng mga doctor at nurses sa ospital. Bilin daw iyon ni Xavi. Magpahinga daw muna ako doon hanggang sa maka-recover ako. Pero kahit na anong pigil sa akin ng mga hospital personnel, wala silang nagawa. Kailangan kong umuwi. Kailangan ako ng asawa ko.
Sinalubong ako ng maliwanag na ilaw mula sa pailaw na provided ng punerarya. Puti ang kabaong ni Jeremy. May konting bulaklak. Pilit na pinagkasya sa maliit naming apartment. Nararamdaman kong nanghihina na naman ang tuhod ko. Hindi ko yata maihakbang para makalapit sa kabaong ng asawa ko. Hindi ko yata kayang makita siyang nakahimlay sa maliit na kahon na iyon.
Pero pinilit ko. Lakas-loob akong lumapit at tiningnan si Jeremy sa maliit na salamin. Marahan kong hinaplos kasi parang natutulog lang siya na nakahimlay doon. Bakit naman hindi magandang barong ang ipinasuot sa kanya? 'Yung pagkaka-make up sa kanya hindi masydong maganda pero kitang-kita pa rin ang kaguwapuhan niya.
"Jer," ako lang yata ang nakarinig ng banggitin ko ang pangalan niya. Tumutulo ang luha ko sa salamin. Masama daw iyon sabi sa pamahiin pero wala akong pakialam. Kung puwede ko lang buksan ang kabaong na ito para mayakap siya at mahalikan ay talagang gagawin ko.
"Umalis ka na dito." Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at itinulak ako palayo sa kabaong ng asawa ko.
Ang biyenan ko iyon. Mugtong-mugto ang mga mata pero kitang-kita ang galit ng pagkakatingin sa akin.
"'Nay, kailangan ako ng asawa ko. Hindi ako aalis sa tabi ng asawa ko."
"Wala ka ng asawa. Nawala si Jeremy dahil sa iyo. Dahil sa kadamutan mo," umiiyak na sabi nito sa akin.
"Bakit kasalanan ko? Ano ba ang kasalanan ko? Ginusto ko bang mamatay si Jeremy?"
Muli niya akong itinulak palayo.
"Wala ka ng karapatan sa kanya. Ako na ang bahala sa anak ko."
"Hindi ako aalis dito." Matigas kong sagot. "Ako ang asawa, ako ang may karapatan sa kanya. Hindi 'nyo ako mapapaalis." Hanggang sa kamatayan ba naman ni Jeremy mag-aagawan pa rin kami ng nanay niya.
"Umalis ka na!" Itinulak niya ako ng malakas at napaurong ako. Muntik na akong mawalang ng balance kundi lang may humarang sa likuran ko. Gulat akong tumingin kung sino iyon at nanlaki ang mata ko ng makilala ko kung sino ang nasa likuran ko. Para akong nakahanap ng kakampi ng makita ko ang mukhang iyon.
"Mommy," yumakap ako ng mahigpit sa mommy ko. Ang higpit-higpit. Para akong batang kinawawa at ngayon ay may magtatanggol na sa akin.
"Kayo ang walang karapatan dito. Si Kaydence ang asawa kaya siya ang magdedesisyon dito lahat." Matigas na sabi ng mommy ko biyenan ko.
"Sino ka ba? Umalis kayo dito. Hindi kayo kailangan ng anak ko." Matapang pa rin ang nanay ni Jeremy.
Hindi na ako sumasagot. Nakayakap lang ako sa mommy ko dahil pakiramdam ko pagod na pagod na ako.
"Kayo ang umalis. Mula ngayon, hindi mo na masisigaw-sigawan ang anak ko." Naramdaman kong hinawakan ako sa kamay ni mommy at hinila ako paalis doon.
"Mommy, hindi ko iiwan si Jeremy." Pakiusap ko sa kanya.
Marahang hinaplos ng mommy ko ang mukha ko at kitang-kita ko ang awa sa mukha niya.
"Kukunin natin ang asawa mo, iha. Ilalagay natin sa mas maayos na lugar. Hindi dito. Umuwi ka na. Matagal ko ng hinihintay ang tawag mo." Sumungaw ang luha sa mata ni mommy. "Patawarin mo ako, Kaydence. Patawarin mo ako at itinakwil kita." Mahigpit niya akong niyakap at humagulgol ng iyak.
"Sorry po. Sorry, mommy." Wala ding patid ang pag-iyak ko.
Wala na kaming pinag-usapan ni mommy. Ang bunso kong kapatid ay naghihintay lang sa kotse at yumakap agad ng makita ako. Walang sisihan, walang sigawan. Kita ko sa kanila na masaya sila na nakita nila ako uli.
Nang araw na iyon ay walang nagawa ang nanay ni Jeremy ng ipakuha ng mommy ko ang labi ng asawa ko. May kasamang pulis at abogado ang mommy ko para kung anuman ang pagwawalang gawin ng nanay ni Jeremy ay wala itong magagawa. Dinala si Jeremy sa mas maayos na punerarya. Kahit kakalog-kalog at walang tao, ang mahalaga nandito ako. Nandito ang pamilya ko at magkasama kami ng asawa ko.
Tahimik lang akong nakaupo sa harap ng kabaong ni Jeremy. Hindi ako umiiyak pero nakatingin lang ako doon. Iniisip ko kung anong mangyayari sa akin. Sa amin ng anak ko. Saan na kami pupunta? Paano na ang kinabukasan naming dalawa?
"Kay." Naramdaman kong may kamay na pumatong sa balikat ko. Si mommy iyon at tumabi sa akin. Kitang-kita ko din ang lungkot sa mata niya habang hinawakan ang mga kamay ko.
Nahihiya pa rin ako sa mommy ko. Alam ko naman kung bakit ganoon na lang ang tindi ng galit niya sa akin. Kung bakit natiis niya ako ng ganoong katagal. Dahil sa pag-aasawa ko ng maaga kaya namatay ang daddy ko. Inatake din sa puso ng malaman na buntis ako. Hindi iyon matanggap ni mommy. Ako ang sinisi niya sa pagkawala ni dad kaya kahit na anong tawad ang ihingi ko noon, hindi niya ako magawang patawarin.
"Kumusta ka, iha?" Marahang pinisil ni mommy ang kamay ko.
Umiling lang ako at napatungo.
"Tatagan mo ang loob mo. Mahirap mawalan ng asawa," lalo akong napatungo sa sinabing iyon ni mommy. Napaiyak na ako.
"Napakasakit noon ng mawala ang daddy mo. Ang tagal bago ako naka-recover. Sinisi kita dahil mas pinili mo na sumama kay Jeremy kesa sa amin. Pero habang tumatagal, naiisip ko na nagmahal ka lang naman. Ang tagal kong hinintay ang tawag mo. Ang tagal kong hinintay na marinig na tawagan mo ako. Patawarin mo ako, anak. Naging matigas ako sa iyo. Hindi ko nakita ang mga paghihirap mo." Naramdaman kong iniangat ni mommy ang mukha ko.
Hindi ako sumagot at umiyak lang.
"Pilitin mong kayanin mag-isa ngayon. Hindi na kita pababayaan. Hindi ka na babalik doon."
"Mommy, paano na kami ng anak ko?"
Nakita kong nagulat ang mukha niya sa narinig na sinabi ko.
"You're pregnant?"
Sunod-sunod ang tango ko.
Parang nanlumo si mommy at niyakap ako.
"Iha, I am so sorry this happened to you. Mas lalo kang dapat na maging matatag. Para sa anak mo. Hindi gugustuhin ni Jeremy na sumunod ka sa kanya."
"Iyon na nga lang ang gusto kong mangyari. Ano pa ang silbi ng buhay kung wala siya."
Hinawakan ni mommy ang mukha ko.
"Be strong. Matapang ka 'di ba? Natiis mo nga ako ng anim na taon. Ngayon mo ipakita sa akin kung gaano ka katatag. Hindi ka namin pababayaan ng kapatid mo. We will be the family that your baby needs." Pinahid niya ang mga luha ko.
"Kaydence."
Pareho kaming napatingin ni mommy sa tumawag sa pangalan ko. Si Xavi ang nakita kong dumating at may kasama siyang lalaki.
Nagtatanong na tumingin sa akin si mommy.
"Si Sir Xavi po. Boss ni Jer." Pinahid ko ang mga luha ko sa mukha.
"Good evening, mam." Inilahad ni Xavi ang kamay niya para makamayan ang mommy ko.
"Oh. So, you are Xavi. Thank you for calling me and letting me know what's happening to my daughter." Nakangiti si mommy sa kanya.
"Tinawagan mo ang mommy ko?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Napakamot ng ulo si Xavi at hindi alam kung anong sasabihin.
"Technically, I was the one who called him. Tumawag ka sa akin last time 'di ba? But you hung up after keeping on saying sorry. Then I called the number that you used, and he answered. He told me everything."
Nakatingin lang sa akin si Xavi at alam kong naaawa siya sa akin sa pagkakatingin niyang iyon.
"I'll leave you for a while. Tingnan ko lang ang kapatid mo," paalam ni mommy at bumaling kay Xavi. "Make yourself comfortable."
Matagal bago nagsalita si Xavi. Nakatingin lang siya sa kabaong ni Jeremy at tingin ko, kahit siya ay hindi makapaniwala na nakahimlay doon ang asawa ko.
"Sir," ako na ang tumawag sa kanya.
Tumingin siya sa akin at tipid na ngumiti.
"I don't have any words to say, Kay. Jeremy was my friend."
Nagkibit-balikat lang ako at tumingin muli sa kabaong ni Jeremy.
"I talked to my dad and the investigators regarding the fire and they told me that Jeremy didn't do it."
Napatitig ako kay Xavi. Gusto kong masiguro kung tama ang sinasabi niya.
"Hindi si Jeremy ang nag-umpisa ng sunog. Hindi rin siya nagnakaw. Someone wanted to frame him." Napahinga siya ng malalim at tumingin sa kasama niya. "This is Sid. He used to work with Jeremy too and he vouched that Jeremy didn't do it."
Sa kauna-unahang pagkakataon yata sa buhay ko ay ngayon lang ako nakarinig ng magandang balita.
"Walang kaso si Jeremy. Ibibigay ang lahat ng compensation para sa kanya." Sabi ni Sid at may iniabot na envelope sa akin.
"I know what's inside won't bring back your husband, but it will help you to move forward. Para sa inyo ng anak mo." Nakatitig sa mukha ko si Xavi.
Para akong nakahinga ng maluwag at mabilis kong pinahid ang luha ko. Hinawakan ko ang kamay ni Xavi at ngumiti sa kanya.
"Thank you. Thank you. Kahit wala ng mga ito ay okay lang. Ang gusto ko lang malinis ang pangalan ng asawa ko dahil hindi niya talaga magagawa iyon."
"I will assure you that his name will be cleared. In behalf of the company we are really sorry for what happened. It was an accident."
Ang ilang taong paghihirap na naranasan ko ay parang unti-unting naglalaho. Unti-unting nagbabago ang buhay ko.
Tumayo ako at lumapit sa kabaong ni Jeremy. Nang tingnan ko siya, wala na ang bigat sa dibdib ko. Parang unti-unti, natatanggap ko na talagang iniwan niya ako.
Naisip ko kasi hanggang sa huli, hindi ako pinabayaan ni Jeremy. Dahil sa kanya, ibinalik niya ang pamilya ko. At dahil sa kanya, ipinakilala niya sa akin na si Xavi Costelo ay hindi masamang tao.
-------------
Xavi's POV
I haven't seen Kaydence for weeks now.
Tiniis ko talaga na huwag ng magpakita sa kanya. Hindi na ako bumalik sa burol ni Jeremy. Hindi na rin ako pumunta sa libing. I know she was still mourning for her husband's death and I don't want to be a nuisance for her. Matagal niyang hindi nakasama ang pamilya niya at ngayon na maayos na sila, pababayaan ko na siya. At least I know, she was safe, she was in good hands, and someone was taking of her.
Hindi ko na rin kinausap ang daddy ko. Kapalit kasi ng pagbawi nila sa mga ibinibintang nila kay Jeremy ay ang mga files na ibinigay ni Jeremy sa akin. My dad wanted me to keep it a secret pati na rin ang dahilan ng sunog. It was my cigarette butt that started the fire and my dad wanted to keep it a secret too. Ayaw daw niya akong makulong. Sana daw makita ko ang mga effort niya para protektahan din ako.
Kahit naman kasi si daddy ang major stockholder ng company, may say pa rin ang bawat stockholder doon at kung magkakaroon ng problema, malaki rin ang magiging epekto noon sa company. Instead, he asked me to resign. And that was better. At least, hindi na niya ako kukulitin na magtrabaho pa para sa kanya. I don't want to work with him anyway. Pinilit lang naman niya ako doon. Bahala siyang magtiis na may magnanakaw sa kumpanya niya. Isang araw, magigising na lang siya na ubos na ang lahat ng assets niya.
Pero ngayong araw, nakaparada sa tapat ng bahay nila Kaydence ang kotse ko. Kung hindi lang talaga nakiusap ang mommy niya na pumunta ako dahil forty days ni Jeremy ay hindi na ako pupunta dito. Muli kong tiningnan ang address na na-receive ko at ang number ng bahay sa harap ko. Maayos ang bahay nila Kaydence. Mukhang may kaya naman. Ibang-iba kumpara sa tinitirahan nila noon ni Jeremy. Ipinagpalit ni Kaydence ang marangyang buhay para lang makasama ang asawa niya. Napailing ako. Sobrang suwerte talaga ni Jeremy at katulad ni Kaydence ang babaeng nagmahal sa kanya.
Huminga ako ng malalim at bumaba tapos ay nag-doorbell. Maid ang nagbukas sa akin at pinapasok ako sa loob. Tingin ko ay wala namang tao doon pero may pagkaing nakahain sa mesa. Iginala ko ang mata ko sa loob. Maayos din. Napatango-tango ako. Mas bagay si Kaydence sa ganitong kaayos na lugar.
"Xavi."
Napangiti ako ng makita ko ang mommy ni Kaydence at lumapit sa akin at humalik sa pisngi.
"Good morning, Mrs. Estrada."
"Good morning, iho. Mabuti naman at pinaunlakan mo ang invitation ko."
"Kaibigan ko naman po si Jeremy." Nakangiting sagot ko sa kanya.
"Yeah. And I know you're friends with Kaydence too. You see, my daughter doesn't have any friends. Kay Jeremy na lang umikot ang mundo niya and it was hard to see her lonely every day. Hindi naman masyadong nakikipag-usap sa amin. Ikaw lang naman ang naisip kong kakilala niya kaya ikaw lang ang kinumbida ko dito."
Tumango lang ako at napatingin ako sa babaeng bumababa sa hagdan. Parang huminto ang lahat ng makita ko doon si Kaydence. Bakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya pero ang laki na ng ipinagbago niya. Medyo nagkalaman. Nagkakulay ang mga pisngi kahit na nga wala siyang make-up. Maayos ang pananamit. Maigi talaga na mayroong nag-aasikaso sa kanya. Hindi katulad noon na siya lang ang nag-aasikaso sa lahat.
"Sir," bati niya sa akin at lumapit.
Inilahad ko ang kamay ko pero hindi niya iniabot iyon. Bumeso siya sa akin.
And that familiar scent.
Natural woman scent na humahalo sa amoy ng lotion. I smelled this before.
Naalala ko ang babaeng nakasama ko noon 'nung gabi ng birthday ni Jeremy at lasing na lasing ako.
Itong-ito ang naamoy ko sa babaeng naka-sex ko noon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top